Pag-unawa sa Katwiran ng Pananalangin Presentation
Document Details
Uploaded by AffordableBandoneon
Aristotle
Tags
Summary
This presentation discusses the reasoning and importance of prayer, particularly within a family context. It highlights how prayer strengthens family bonds and faith, emphasizing its role in communicating with God and building a closer relationship.
Full Transcript
Pag-unawa sa Katwiran ng Pananalangin Ayon sa aklat ni Dr. Myles Munroe (2002) tungkol sa binasang talata, ang paglikha sa tao ay resulta ng kagustuhan ng Diyos na magkaroon ng pamilya. Nais Niya na ang isang tao ay maging kaibigan Niya at makakasama Niya bilang isang anak. Ang orihinal na plano ng...
Pag-unawa sa Katwiran ng Pananalangin Ayon sa aklat ni Dr. Myles Munroe (2002) tungkol sa binasang talata, ang paglikha sa tao ay resulta ng kagustuhan ng Diyos na magkaroon ng pamilya. Nais Niya na ang isang tao ay maging kaibigan Niya at makakasama Niya bilang isang anak. Ang orihinal na plano ng Diyos ay ang makikibahagi ang tao sa Kaniyang awtoridad at pamamahala, hindi maglingkod sa Kaniya bilang isang alagad. Ang Diyos, bilang isang hari ay interesado sa isang ganap at naiibang uri ng relasyon kaysa sa karaniwan nating iniisip kapag nag-uusap tayo ng tungkol sa isang hari. Gusto niya na ang mga anak Niya ay hindi lamang pinamumunuan ng Hari kundi gagamitin din ng tao ang awtoridad at pamamahala ng Hari sa lupa. Ang relasyong ito sa pagitan ng Diyos at ng tao ay pinakamahalaga sa Diyos. Ang unang bagay na ibinigay ng Diyos sa tao ay ang Kaniyang larawan at wangis dahil iyon ang unang bagay na nais ng Diyos na magkaroon ang tao. Ang pangalawang bagay na ginawa ng Diyos ay ilagay ang tao sa Kaniyang presensya, na siyang kahulugan sa wikang Hebreo ng salitang Eden. Samakatuwid, ang pinakadakilang hangarin ng Diyos sa tao ay ang mag-isip at kumilos na katulad Niya at mamuhay sila sa Kaniyang presensya. Ito ang dahilan bakit nagpupuri at nagdadasal ang tao sa Diyos. Ang panalangin ay hindi lamang isang gawain, o ritwal, o isang obligasyon. Ito ay pakikipag-isa at komunikasyon na umaantig sa puso ng Diyos. Ang panalangin ay nagbabago ng buhay, nagbabago ng mga pangyayari, nagbibigay ng kapayapaan at tiyaga sa gitna ng pagsubok, binabago ang takbo ng mga bansa, at napapatatag ang pananampalataya sa Diyos at sa Kaniyang anak na si Kristo. Kapag natutuhan ng bawat pamilya ang mga prinsipyo ng panalangin sa Bibliya, maaari silang magkaroon ng malapit na kaugnayan sa Diyos (Munroe, 2002). Hindi lang sa Diyos napapalapit ang loob kapag nagdarasal kundi pati sa taong pinagdarasal. Pagproseso ng Pag-unawa Ang pananalangin ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang matulungan ang iyong pamilya na umunlad. Kapag sama-sama kayong nananalangin, natututuhan ng bawat miyembro ng pamilya kung ano ang ibig sabihin ng pagiging malapit sa Diyos. Ang panalangin ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng praktikal na pagpapakita ng kahalagahan ng pananampalataya. Ang sama-samang pagdarasal ay isa sa pinakamahalagang paraan para maipasa ng mga magulang ang pananampalataya sa kanilang anak na siyang susunod na henerasyon. Kailangang makita ng mga batang tulad mo ang tunay na pananampalataya na isinasabuhay ng mga magulang. Ang mga aksiyon ay nagsasalita nang mas malakas kaysa sa mga salita. Kahalagahan ng Sama-samang Pananalangin ng Pamilya Ang pagdarasal bilang isang pamilya ay isang tradisyong Pilipino na unti-unting naglalaho dahil sa mga pagbabago sa pamilya. Mainam na ito ay maisagawa ng pamilya dahil sa mga mabubuting dulot nito gaya ng mga sumusunod: Ito ay nagsisilbing daan upang makapasok sa presensiya at kalooban ng Diyos. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos bilang isang pamilya. Pinapatibay nito ang integridad at pananampalataya ng pamilya. Pinaghuhusay nito ang katatagan ng pag-ibig at komunikasyon ng pamilya Ito ay nagsisilbing daan upang makapasok sa presensiya at kalooban ng Diyos. Kinakatagpo ng pamilya ang Diyos kapag sila ay nananalangin. Sa samang pananalangin, natutupad ang orihinal na plano ng Diyos sa atin na mamuhay sa presensiya N’ya. Sa pananalangin hinahayaan natin ang tunay na diwa ng mga salita ni Jesu-Kristo sa Mateo 18:20 (KJV): “Sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ay nagkakatipon sa Aking pangalan, naroroon Ako sa gitna nila.” Ang pagpasok sa presensiya ng Diyos ay nangangailangan ng paggalang at kabanalan kaya humihingi tayo ng pagpapatawad bago pa sabihin ang ating mga kahilingan. Kapag natutuhan at naisapuso ang mga pagpapahalagang ito, maisasabuhay ito ng bawat kasapi sa kanilang pakikisalamuha sa iba. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos bilang isang pamilya Ang pamilyang nagdarasal ay nagsasabuhay ng paniniwala at pagmamahal sa Diyos dahil naglalaan ang pamilya ng panahon at lakas na katagpuin ang lumikha sa kanila. Dito natutupad ang pangunahing utos na nakasaad sa Mateo 22:37 “At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo.” Ang tunay na nagmamahal sa Diyos ay natural na nagmamahal din sa kaniyang kapwa. Pinapatibay nito ang integridad at pananampalataya ng pamilya Ang Diyos na tumatanggap ng ating mga panalangin ay isang banal na Diyos at nakasisiguro tayo na tutuparin nya ang Kaniyang mga pangako sa Kaniyang salita. Ito ang dahilan ng pagdarasal. Naniniwala ka na sasagutin ang iyong mga dalangin kaya pinapatatag nito ang integridad. Kapag ang tao ay may integridad, iisa ang kaniyang iniisip, paniniwala, kilos, at sinasabi. Dahil dito, naiiwasan ang pagdadalawang-isip na siyang kabaliktaran ng salitang integridad. Pinaghuhusay nito ang katatagan ng pag-ibig at komunikasyon ng pamilya Sa pananalangin ng pamilya lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makipag-usap sa Diyos at sa isa’t isa. Ang mga naririnig na dasal para sa bawat kasapi ng pamilya gayundin ang mga talatang binabasa ay napagninilayan. Ang mabubuting kahilingan para sa kasapi ng pamilya ay maaaring magbigay- hilom sa mga pusong nahahapo at nasasaktan na siyang nagpapatibay ng pagmamahalan.