Lingguhang Aralin sa Values Education 7 PDF
Document Details
Uploaded by IdyllicGyrolite3607
STEC Junior High School
2024
DepED
Tags
Summary
This document is a DepED lesson plan for Values Education for Grade 7, covering topics about family prayer values, and integrating technology. The document includes activities, questions, and learning objectives.
Full Transcript
7 Quarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 4 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 2: Aralin 4 TP...
7 Quarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 4 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 2: Aralin 4 TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nitong mailahad ang nilalaman ng kurikulum, pamantayan, at mga kasanayang dapat malinang sa mga aralin. Ang anomang walang pahintulot na pagpapalathala, pamamahagi, pagmomodipika, at paggamit ay mahigpit na ipinagbabawal at may karampatang legal na katumbas na aksiyon. Ang mga nahiram na nilalaman na kasama sa materyales na ito ay pag-aari ng mga may karapatang-sipi. Ginawa ang lahat upang malaman ang pinagmulan at makahingi ng permiso na magamit ang mga ito mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi. Ang mga tagapaglathala at pangkat ng tagabuo ay walang anomang karapatan sa pagmamay-ari para sa mga ito. Bumuo sa Pagsusulat Mga Tagasulat: Jingle P. Cuevas (Benguet State University) Tagasuri: Amabel T. Siason (West Visayas State Unversity) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre Ang bawat pag-iingat ay ginawa upang masigurado ang katiyakan ng mga impormasyong nakapaloob sa materyales na ito. Para sa mga katanungan o fidbak, maaaring sumulat o tumawag sa Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 and 8631- 6922 o mag-email sa [email protected]. VALUES EDUCATION / KUWARTER 2 / BAITANG 7 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa sama-samang pananalangin ng pamilya. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pakikibahagi sa sama-samang pananalangin ng pamilya upang malinang ang pagiging madasalin. C. Mga Kasanayan at Layuning Naisasabuhay ang pagiging madasalin sa pamamagitan ng kusang paghihikayat sa sama- Pampagkatuto samang pananalangin ng pamilya sa anomang situwasyon. a. Natutukoy ang kahalagahan ng sama-samang pananalangin ng pamilya. b. Nahihinuha na ang sama-samang pananalangin ng pamilya ay nakatutulong sa pagpapatatag ng pananampalataya at ugnayan ng mga kasapi nito. c. Naisasakilos ang sariling paraan ng pakikibahagi sa sama-samang pananalangin ng pamilya. C. Nilalaman Sama-samang Pananalangin ng Pamilya 1. Panalangin Bilang Matibay na Pundasyon ng Pamilya 2. Kahalagahan ng Sama-samang Pananalangin ng Pamilya 3. Mga Napapanahong Hamon sa Pagpapanatili ng Sama-samang Pananalangin ng Pamilya 4. Paraan ng Pakikibahagi sa Sama-samang Pananalangin ng Pamilya 5. Mga Relihiyon at Paraan ng Kanilang Pananampalataya at Panalangin D. Lilinanging Pagpapahalaga Madasalin (Prayerful) E. Integrasyon Positibong Paggamit ng Midya at Teknolohiya II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Chelladurai, J. M., Dollahite, D. C., & Marks, L. D. (2018). “The family that prays together”: Relational processes associated with family prayer. Journal of Family Psychology, 32, 849-859. 1 Munroe, M. (2002). Understanding the Purpose and Power of Prayer Earthly License for Heavenly Interference. Whitaker House, New Kensington, PA Praying Together as a Family. (2011). Focus on the Family. https://www.focusonthefamily.com/family-qa/praying-together-as-a- family/ Rhodes, Amelia (2017). 6 Family Prayer Activities. https://www.ameliarhodes.com/2017/03/01/6-family-prayer-activities-free-pdf- guide/ Rodgers, B. (2018). How to Pray together as a Family: 7 helpful ideas. (2018, November 29). iBelieve.com. https://www.ibelieve.com/motherhood/how-to-pray-together-as-a-family-7-helpful-ideas.html The AsidorS Home (2021, July 16). The Family That Prays Together -(Stays Together) The Asidors 2021. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=M_Q9oy_IJEA Mga sanggunian ng larawan: Borysov, Y. (2022). Download Phone icon Telephone icon symbol in hand for app and messenger for free [Online image]. Vecteezy. https://www.vecteezy.com/vector-art/5242944-phone-icon-telephone-icon-symbol-in-hand-for-app-and-messenger Branson, B. (2007). Family playing a board game [Online image]. Wikimedia Commons. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Family_playing_a_board_game_%282%29.jpg Bulone, A. (w.p). Pottery Basket (ca.1937) [Online image]. Rawpixel. https://www.rawpixel.com/image/3379294/free-illustration- image-angelo-bulone-antique-art Cuevas, J. (2023). Batang nananalangin [Digital drawing]. Benguet State University. Cuevas, J. (2023). Kamay ng panalangin [Digital drawing]. Benguet State University. Instagram (2016). Instagram logo [Online image]. Wikimedia Commons. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Instagram_logo_2016.svg User:ZyMOS (2010). Facebook icon [Online image]. Wikimedia Commons. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Facebook_icon.svg III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO A. Pagkuha ng UNANG ARAW Ito ay isang modelong banghay- Dating 1. Maikling Balik-aral aralin lamang. Maaaring baguhin Kaalaman Isulat kung paano ipinapakita ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya. ng guro ang mga gawain na naaayon sa kasanayan na dapat malinang, sa kakayahan ng kaniyang mag-aaral, at sa oras na nakalaan sa aralin. Maikling Balik-aral Maaaring magbigay ang mga mag-aaral ng iba pang kasapi ng 2 kanilang pamilya na hindi makikita sa larawan at ibahagi kung paano nila ipinapakita ang kanilang pagmamahal. B. Paglalahad 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin ng Layunin Isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa pamilya ang pananalangin sa bawat kasapi nito. Sa mga nakalipas na aralin, nabigyang-tuon ang papel ng pamilya sa paghubog ng pagpapahalaga, pagkatao, at pundasyon ng pagmamahalan. Dahil dito, malaki ang inaasahan sa isang pamilya lalo na ang mga magulang sa pagpapabuti at pagpapatatag ng pamayanan. Kapag hindi nagampanan ng pamilya ang mga tungkuling ito, maaaring maging suliranin sila sa halip na makatulong sa lipunan. Isang paraan ng pagpapatatag sa pamilya upang magampanan nito ang paghubog ng mga anak na maging mabuting mamamayan at masunurin sa batas ay ang pagpapatatag sa kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagdarasal ng sama-sama. Sa araling ito, matututuhan ang kasagutan sa mga katanungang: A. Ano ang kahulugan ng panalangin? B. Bakit mahalaga ang pananalangin bilang isang pamilya? C. Ano-ano nag mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng mga kasapi ng pamilya, at kung paano mapagtatagumpayan ang mga ito upang mapanatili ang mabuting gawi ng pamilyang Pilipino? Gawain 2: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng 2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin mga mag-aaral Gawain 2: Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin C. Paglinang at Kaugnay na Paksa 1: Panalangin Bilang Matibay na Pundasyon ng Pamilya Pag-unawa sa Talata Pagpapalalim I. Pagproseso ng Pag-unawa Ipaunawa sa mga mag-aaral na Itanong ang sumusunod: ang unang babae at lalaki ay may 1. Bakit sinasabing ang pananalangin ang hiningang nagbibigay-buhay sa malalim na relasyon sa Diyos isang tahanan? dahil sila ay itinuring na anak. At 2. Ano ang personal na pakahulugan mo sa panalangin? sila’y malayang nakikipag-usap Pag-unawa sa Talata (nananalangin) sa Kaniya. Sila ay Basahin nang may pag-unawa ang talata mula sa Genesis 1:26-28. inutusang pamahalaan ang mga 26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating nilikha ng Diyos at magparami. larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga Dito nabuo ang konsepto ng 3 ibon sa himpapawid, at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki, o pamilya. Ang unang pamilya ay maliit.” 27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa Kaniyang larawan. Sila'y may mabuti at malalim na Kaniyang nilalang na isang lalaki at isang babae, 28 at sila'y pinagpala niya. ugnayan sa Diyos at ito’y Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang kailangan ng tao upang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng mapanatili ang pagmamahalan, kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat kaligayahan sa pamilya, at ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa. Mga katanungan: mahusay nilang magampanan 1. Paano nilikha ang tao? ang kanilang tungkulin bilang 2. Ano ang relasyon ng tao sa mga isda, ibon, at iba pang mga hayop? katiwala ng Diyos. 3. Bakit babae ang ibinigay ng Diyos na kapareha ng nilalang na lalaki? 4. Paano naipaparating ng Diyos sa mga unang taong nilikha Niya ang Kaniyang mga mensahe? 5. Sa kasalukuyang panahon, ano ang paraan ng komunikasyon ng tao sa Diyos? Pag-unawa sa Katwiran ng Pananalangin Ayon sa aklat ni Dr. Myles Munroe (2002) tungkol sa binasang talata, ang paglikha sa tao ay resulta ng kagustuhan ng Diyos na magkaroon ng pamilya. Nais Niya na ang isang tao ay maging kaibigan Niya at makakasama Niya bilang isang anak. Ang orihinal na plano ng Diyos ay ang makikibahagi ang tao sa Kaniyang awtoridad at pamamahala, hindi maglingkod sa Kaniya bilang isang alagad. Ang Diyos, bilang isang hari ay interesado sa isang ganap at naiibang uri ng relasyon kaysa sa karaniwan nating iniisip kapag nag- uusap tayo ng tungkol sa isang hari. Gusto niya na ang mga anak Niya ay hindi lamang pinamumunuan ng Hari kundi gagamitin din ng tao ang awtoridad at pamamahala ng Hari sa lupa. Ang relasyong ito sa pagitan ng Diyos at ng tao ay pinakamahalaga sa Diyos. Ang unang bagay na ibinigay ng Diyos sa tao ay ang Kaniyang larawan at wangis dahil iyon ang unang bagay na nais ng Diyos na magkaroon ang tao. Ang pangalawang bagay na ginawa ng Diyos ay ilagay ang tao sa Kaniyang presensya, na siyang kahulugan sa wikang Hebreo ng salitang Eden. Samakatuwid, ang pinakadakilang hangarin ng Diyos sa tao ay ang mag-isip at kumilos na katulad Niya at mamuhay sila sa Kaniyang presensya. Ito ang dahilan bakit nagpupuri at nagdadasal ang tao sa Diyos. Ang panalangin ay hindi lamang isang gawain, o ritwal, o isang obligasyon. Ito ay pakikipag-isa at komunikasyon na umaantig sa puso ng Diyos. Ang panalangin ay nagbabago ng buhay, nagbabago ng mga pangyayari, nagbibigay ng 4 kapayapaan at tiyaga sa gitna ng pagsubok, binabago ang takbo ng mga Gawain 3: Tingnan ang worksheet bansa, at napapatatag ang pananampalataya sa Diyos at sa Kaniyang anak para sa aktibidad na gagawin ng na si Kristo. Kapag natutuhan ng bawat pamilya ang mga prinsipyo ng mga mag-aaral panalangin sa Bibliya, maaari silang magkaroon ng malapit na kaugnayan sa Pagsusuri ng Awit Diyos (Munroe, 2002). Hindi lang sa Diyos napapalapit ang loob kapag Ang awitin ng Asidor Family na nagdarasal kundi pati sa taong pinagdarasal. may pamagat na “The Family That Prays Together” ay maaaring II. Pinatnubayang Pagsasanay mapanood sa Youtube Gawain 3: Pagsusuri ng Awit (https://www.youtube.com/watc h?v=M_Q9oy_IJEA). III. Paglalapat at Pag-uugnay Gawain 4: Tingnan ang worksheet Gawain 4: Kamay ng Panalangin para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral IKALAWANG ARAW Paglalapat at Pag-uugnay Kaugnay na Paksa 2: Kahalagahan ng Sama-samang Pananalangin ng Pamilya Sa bahaging ito ng aralin, I. Pagproseso ng Pag-unawa maaaring ipaguhit o ipabakas ng Ang pananalangin ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang matulungan guro ang sariling kamay ng mga ang iyong pamilya na umunlad. Kapag sama-sama kayong nananalangin, mag-aaral. natututuhan ng bawat miyembro ng pamilya kung ano ang ibig sabihin ng pagiging malapit sa Diyos. Ang panalangin ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng praktikal na pagpapakita ng kahalagahan ng pananampalataya. Ang sama- samang pagdarasal ay isa sa pinakamahalagang paraan para maipasa ng mga magulang ang pananampalataya sa kanilang anak na siyang susunod na henerasyon. Kailangang makita ng mga batang tulad mo ang tunay na pananampalataya na isinasabuhay ng mga magulang. Ang mga aksiyon ay Gawain 5: Tingnan ang worksheet nagsasalita nang mas malakas kaysa sa mga salita. para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral II. Pinatnubayang Pagsasanay Mga Talata Mula sa Bibliya Gawain 5: Alamin: Laman ng Panalangin Kung may mga mag-aaral na kasapi sa ibang relihiyon gaya ng Kahalagahan ng Sama-samang Pananalangin ng Pamilya Muslim, maaari silang kumuha Ang pagdarasal bilang isang pamilya ay isang tradisyong Pilipino na unti-unting ng mga talata sa kanilang Quran. naglalaho dahil sa mga pagbabago sa pamilya. Mainam na ito ay maisagawa ng pamilya dahil sa mga mabubuting dulot nito gaya ng mga sumusunod: Mga Posibleng Sagot: A. Ito ay nagsisilbing daan upang makapasok sa presensiya at kalooban ng A. Pasasalamat Diyos. Kinakatagpo ng pamilya ang Diyos kapag sila ay nananalangin. Sa B. Mabuti at tapat na puso 5 sama-samang pananalangin, natutupad ang orihinal na plano ng Diyos sa C. Kapayapaan at mga kahilingan atin na mamuhay sa presensiya N’ya. Sa pananalangin hinahayaan natin ang D. Katatagan at proteksyon tunay na diwa ng mga salita ni Jesu-Kristo sa Mateo 18:20 (KJV): “Sapagkat E. Pagpapala at pag-iingat kung saan ang dalawa o tatlo ay nagkakatipon sa Aking pangalan, naroroon F. Pagpapakumbaba at Ako sa gitna nila.” Ang pagpasok sa presensiya ng Diyos ay nangangailangan panalangin para sa bayan ng paggalang at kabanalan kaya humihingi tayo ng pagpapatawad bago pa sabihin ang ating mga kahilingan. Kapag natutuhan at naisapuso ang mga pagpapahalagang ito, maisasabuhay ito ng bawat kasapi sa kanilang pakikisalamuha sa iba. B. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos bilang isang pamilya. Ang pamilyang nagdarasal ay nagsasabuhay ng paniniwala at pagmamahal sa Diyos dahil naglalaan ang pamilya ng panahon at lakas na katagpuin ang lumikha sa kanila. Dito natutupad ang pangunahing utos na nakasaad sa Mateo 22:37 “At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo.” Ang tunay na nagmamahal sa Diyos ay natural na nagmamahal din sa kaniyang kapwa. C. Pinapatibay nito ang integridad at pananampalataya ng pamilya. Ang Diyos na tumatanggap ng ating mga panalangin ay isang banal na Diyos at nakasisiguro tayo na tutuparin nya ang Kaniyang mga pangako sa Kaniyang salita. Ito ang dahilan ng pagdarasal. Naniniwala ka na sasagutin ang iyong mga dalangin kaya pinapatatag nito ang integridad. Kapag ang tao ay may integridad, iisa ang kaniyang iniisip, paniniwala, kilos, at sinasabi. Dahil dito, naiiwasan ang pagdadalawang-isip na siyang kabaliktaran ng salitang integridad. D. Pinaghuhusay nito ang katatagan ng pag-ibig at komunikasyon ng pamilya Sa pananalangin ng pamilya lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makipag-usap sa Diyos at sa isa’t isa. Ang mga naririnig na dasal para sa bawat kasapi ng pamilya gayundin ang mga talatang binabasa ay napagninilayan. Ang mabubuting kahilingan para sa kasapi ng pamilya ay maaaring magbigay- hilom sa mga pusong nahahapo at nasasaktan na siyang nagpapatibay ng pagmamahalan. Repleksiyon: Sa sariling tahanan, ano-ano ang nakikitang mabuting dulot ng pagdarasal bilang pamilya? 6 III. Paglalapat at Pag-uugnay Gawain 6: Tingnan ang worksheet Gawain 6: Pagsulat ng Panalangin para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral IKATLONG ARAW Kaugnay na Paksa 3: Mga Napapanahong Hamon sa Pagpapanatili ng Sama- samang Pananalangin ng Pamilya I. Pagproseso ng Pag-unawa Bagamat alam natin ang halaga ng pananalangin, bakit maraming pamilya ang hindi gumagawa nito o kaya ay hindi naisasagawa nang tuloy-tuloy? Ito ay dahil sa magkakaiba ang prayoridad ng mga kasapi ng pamilya, kawalan ng tiwala sa Diyos, at dahil hindi nasasagot ang mga ipinagdarasal. Isa ring dahilan ay ang pagkakaniya-kaniya ng mga kasapi ng pamilya dahil sa mga gadyet o midya. Maaaring hadlangan ng midya at teknolohiya ang pamilya sa pagdarasal nang sama-sama. Ilan sa mga ito ay: Kakulangan ng Oras. Kapag ang mga magulang ay may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan sa trabaho at ang mga anak naman ay mahilig sa entertainment na makikita sa midya, maaaring maging mahirap unahin ang panalangin. Malaking halaga ng oras ang nakukonsumo kaya kaunting puwang na lang ang naiiwan para sa mga miyembro ng pamilya na magtipon at manalangin nang sama-sama. Ayon sa pahayag ni Brenda Rodgers (2018) sa How to Pray Together as a Family, bumabangon siya na may intensyong magdasal, ngunit sa halip ay natatagpuan niya ang kaniyang sarili na nag-scroll sa kaniyang social media account. Sinubukan niyang itabi ang kaniyang telepono at hindi na ito kunin muli kapag oras ng pagdarasal. Ibig sabihin, hindi n’ya magagamit ang kaniyang Bible app o iba pang mapagkukunan sa online. Tinitiyak na lang niya na mayroon siyang pisikal na Bibliya na magagamit at nai-print na ang anomang iba pang mapagkukunan para sa pananalangin. Pagkakaniya-kaniya sa Pananalangin. Ang midya at teknolohiya ay nagbibigay ng mga personal na karanasan na maaaring magresulta sa mga miyembro ng pamilya na nagsasagawa ng indibidwal na panalangin sa halip na magsama- sama para sa komunal na panalangin. Maaaring mas piliin ng mga kasapi ang magbasa na lang o manood ng mga devotional content nang paisa-isa sa halip na manalangin bilang isang pamilya. Gawain 7: Tingnan ang worksheet II. Pinatnubayang Pagsasanay para sa aktibidad na gagawin ng Gawain 7: Pagtagumpayan ang mga Hamon ng Teknolohiya mga mag-aaral 7 III. Paglalapat at Pag-uugnay Pagsuri sa Sariling Pamilya 1. Ano ang estado ng iyong pamilya tungkol sa pagdarasal? 2. Nakikibahagi ba ang bawat isa sa pananalangin? 3. Ano ang posibleng hadlang? Isulat sa papel ang mga kahilingang panalangin upang magkaroon ng panahon ang pamilyang manalangin. Basket ng Panalangin Ilagay sa isang maliit na basket o kahon ang mga isinulat na panalangin para sa kanilang pamilya. Pangkatin ang mga mag-aaral na may 4-5 kasapi sa bawat pangkat para ipagdasal ang isa’t isa. Bawat isa ay bubunot ng ipapanalangin mula sa basket. IKAAPAT NA ARAW Kaugnay na Paksa 4: Paraan ng Pakikibahagi sa Sama-samang Pananalangin ng Pamilya sa Anomang Situwasyon I. Pagproseso ng Pag-unawa Ang makabuluhang pagdarasal ay maaaring gawin sa ibat’t ibang paraan. Sa pamilyang Pilipino, karaniwang ginagawa ang pagdarasal bago kumain at bago matulog. Bukod sa mga pagkakataong nabanggit, may mga iba pang paraan ng pakikibahagi sa sama-samang panalangin gaya ng sumusunod: Pag-awit ng Papuri sa Diyos. Ito ay isang magandang paraan ng pakikibahagi sa pananalangin. Sabi nga sa isang kasabihan na ang pag-awit ay dalawang beses na pananalangin. Pagkatapos umawit ay maaaring ipagdasal ang isa’t isa. Ang pag-awit ay isang paraan upang maging natural ang panalangin. Lakad ng Panalangin (Prayer Walk). Maaaring maglakad ang pamilya sa mga kapitbahay at ipagdasal sila, gayundin ang iba pang isyu o suliranin na madaraanan. Pagdarasal para sa iba gamit ang Prayer Sticks. Sa How to Pray Together as a Family nabanggit ni Brenda Rodgers (2018), na minsan sa kanilang hapunan, natanto niya na ang ipinagdarasal lang ng kanilang mga anak ay tungkol sa kanilang pamilya at ang kanilang kakainin. Gusto niyang turuan ang kanilang mga anak na manalangin para sa ibang tao kaya gumawa siya ng mga prayer sticks. Kumuha siya ng mga popsicle sticks at nagsulat ng isang tao o isang pangangailangan sa bawat stick. Inilagay ang mga patpat sa isang maliit na timba. Kapag umupo sila sa hapag kainan, ang bawat isa sa kanila ay 8 bumubunot ng isang patpat at nananalangin para sa taong iyon at pangangailangan niya. Pagkatapos, inilagay nila ang mga ginamit na patpat sa ibang lalagyan hanggang sa naipagdasal na ang lahat ng patpat. Ilan sa mga nakasulat sa mga patpat ay: Mga tao sa pamilya at pinalawak (extended) na pamilya Ang ating malalapit na kaibigan o kaibigan na may partikular na pangangailangan Ang mga guro Ang mga pinunong babae sa simbahan Ang pastor at iba pang pinuno ng simbahan Ang mga pinuno sa pulitika Mga taong walang tirahan Mga taong may sakit Mga taong hindi nakakakilala kay Hesus Mga hindi pa isinisilang na sanggol at kanilang mga ina Mga batang may sakit o may kapansanan Mga taong nalulungkot Mga misyonero Mga taong inaapi Ang nakatatanda Para bumalik si Hesus sa lalong madaling panahon Iba pang nangangailangang ipanalangin Tanong para sa talakayan: 1. Bilang pamilya, ano ang nakasanayan niyo sa pananalangin? 2. Gaano kayo kadalas magdasal bilang pamilya? 3. May takdang oras ba ang inyong pagdarasal? 4. May ginagamit ba kayong paraan ng pagdarasal? Gawain 9: Tingnan ang worksheet II. Pinatnubayang Pagsasanay para sa aktibidad na gagawin ng Gawain 9: Iba’t ibang Relihiyon at Paraan ng Pananalangin mga mag-aaral Mga Relihiyon at Paraan ng III. Paglalapat at Pag-uugnay Kanilang Pananampalataya at Pagsasadula Panalangin Mula sa nabuong pangkat sa nakalipas na gawain, bawat grupo ay mag-iisip ng Para sa paghahanda sa araling iba pang paraan ng pakikiisa sa pampamilyang panalangin pagkatapos ay ito, itatalaga ng guro ang mga isadula ito. mag-aaral na magsaliksik tungkol 9 Gawing gabay ang rubrik. sa iba’t ibang relihiyon at paraan Pamantayan Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4 Pangkat 5 ng kanilang pananalangin. 15 Presentasyon Sa gawaing ito, mainam rin na Nagbibigay-kaalaman alam ng guro ang mga relihiyon Nakikipag-ugnayan sa manonood upang masiguro na bawat Nagsasalita ng malakas at malinaw pangkat ay may mga mag-aaral Angkop na paggamit ng wika at na iba-iba ang relihiyong katawan kinabibilangan. 10 Pag-unawa sa Paksa Ipaunawa sa kanila na ang Tama ang mga impormasyon gawaing ito ay para lalong Nagsasaad ng malinaw na pag- maunawaan na ang bawat unawa sa paksa relihiyon o sekta ay may sariling 5 Pakikiisa paniniwala at paraan ng Tinatanggap ang mga ideya ng iba pagpapakita ng pananampalataya Lahat ng kasapi ay may ambag at pagdarasal. D. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto 1. Ano-ano nag mga natutuhan mo tungkol sa pagdarasal kasama ang pamilya? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Sa kabila ng mga hamon sa buhay, paano mo isasabuhay ang pagiging madasalin kasama ng iyong pamilya? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Pagninilay sa Pagkatuto 1. Paano mo ilalarawan ang pagdarasal ninyo sa tahanan bilang isang pamilya? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Paano ka makakatulong upang ito’y mapaunlad? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 10 IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO 1. Pagtataya I. Pagsusulit Pagsusulit Basahin nang may pang-unawa ang mga katanungan at sagutin ang mga ito. Mga posibleng sagot 1. Ang pagdarasal ay paraan upang mapalapit sa ____________ ng Diyos. 1. Presensiya Suriin ang mga talata at tukuyin kung ano ang dapat ipagdasal para sa 2. Pagmamahalan kasapi ng pamilya. 2. Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't 3. Paggalang sa magulang ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan: (1 Pedro 4:8)." 4. Tamang pagtuturo sa mga _________________________ anak 3. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos. (Exodo 20:12).” _________________________ 4. Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan. (Kawikaan 22:6).” _________________________ Basahin ang mga situwasyon at sagutin ang mga tanong. 5. May mga pagkakataon na hindi sumasama sa pampamilyang pananalangin si Mark dahil mas naaaliw siyang maglaro ng Mobile Legends sa kaniyang cellphone. Ano ang maaaring gawin ni Mark upang makiisa sa pananalangin? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 6. Maagang umuuwi mula sa paaralan ang magkapatid na May at Jun, gayundin ang kanilang mga magulang dahil ika-7 ng gabi ang itinakdang oras ng kanilang pananalangin bilang isang pamilya. Ano-ano ang magandang dulot nito sa pamilya nila? Magbigay ng dalawa (2). ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 11 II. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin Itala sa iyong journal ang mga paraan na gagawin sa pagdarasal kasama ang iyong pamilya sa loob ng isang lingo. Hikayatin ang mga kapamilya mo na manalangin kayo sa pinagkasunduang oras para maisagawa ang iyong isinulat. Itala rin kung ano ang naging epekto ng sama-samang pagdarasal ninyo. 7. Pagbuo ng Itala ang naobserhan Anotasyon sa pagtuturo sa Problemang Naranasan at Epektibong Pamamaraan alinmang sumusunod Iba pang Usapin na bahagi. Estratehiya Kagamitan Pakikilahok ng mga Mag-aaral At iba pa 8. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: ▪ Prinsipyo sa pagtuturo Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? 12 Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? ▪ Mag-aaral Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? 13