Filipino Sa Piliing Larang. Past Paper. PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides guidelines and examples for writing academic Filipino project proposals and speeches. It covers key aspects such as audience analysis, problem identification, timeline development, budget planning, and conclusion.
Full Transcript
KWARTER 1-ARALIN 3: MGA AKADEMIKONG SULATIN (PANUKALANG PROYEKTO, TALUMPATI) Ano ba ang ibig sabihin ng Panukala at ng Proyekto? Paano mo masabi na ito ay isang proyekto? Nasubukan mo na bang magpatayo ng isang gusali? Mahalaga ba ang isang maayos na paghahanda bago simulan ang isan...
KWARTER 1-ARALIN 3: MGA AKADEMIKONG SULATIN (PANUKALANG PROYEKTO, TALUMPATI) Ano ba ang ibig sabihin ng Panukala at ng Proyekto? Paano mo masabi na ito ay isang proyekto? Nasubukan mo na bang magpatayo ng isang gusali? Mahalaga ba ang isang maayos na paghahanda bago simulan ang isang proyekto? Ano ang layunin ng Panukalang Proyekto? Ayon kay Dr. Phil Bartle, ang panukalang proyekto ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. Kaya ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag- uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito. Isang inisyal na balangkas para sa pagtataguyod ng konsepto ng proyekto at kasama ang nais mong makamit , paliwanag ng mga layunin at mga plano para sa pagkamit ng mga ito. isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor na ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang partikular na problema sa Negosyo o oportunidad. Isang inisyal na balangkas para sa pagtataguyod ng konsepto ng proyekto at kasama ang nais mong makamit , paliwanag ng mga layunin at mga plano para sa pagkamit ng mga ito. isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor na ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang partikular na problema sa Negosyo o oportunidad. 1. Tukuyin kung sino ang mga audience 2. Alamin ang problemang nilulutas ng iyong panukala 3. Simulan ang balangkas ng iyong panukala 4. Itaguyod ang isang timeline at tukuyin ang uri at dami ng mga mapagkukunang kinakailangan Pamagat – tiyaking malinaw ang pamagat Proponent ng Proyekto – tumutukoy ito sa tao o organisayong nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat dito ang address, email , cellphone o telepono at lagda ng tao o organisasyon. Kategorya ng Proyekto – Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, palihan, pananaliksik, patimpalak, konsyerto, o outreach program. Petsa – Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang maisakatuparan ang proyekto. Rasyonal- Ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang mga kahalagahan nito Deskripsyon ng Proyekto – Isusulat ang mga panlahat at tiyak na layunin o kung ano ang nais matamo ng mga panukalang proyekto. Badyet – Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto. Pakinabang – Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maapektuhan nito sa ahensiya o indibidwal na tumutulong upang maisagawa ang proyekto Ang unang mahalagang hakbang naa dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad o organisasyong pag-uukulan ng panukalang proyekto. Upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o organisasyon. Maaaaring magsimula sa pagsagot ng tanong. Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakalap ka ng mga ideyang magagamit sa pag-umpisa ng pagsulat ng panukang proyekto. Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang kailangan upang malutas ang suliranin. A. Layunin. Makikita rito ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto. Isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ang resultang ito. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner, ang layunin ay kailangang maging SIMPLE Specific – nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan matatapos Measurable – may basehan o patunayan na naisakatuparan ang nasabing proyekto Practical – nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin Logical – nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto Evaluable – masusukat kung paano makakatulong ang proyekto B. Plano ng dapat gawin. Pagbuo ng mga tala ng Gawain o Plan of Action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. Ayon dapat ito sa pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong kailangan sa pagsasakatuparang ng mga Gawain. Ito rin dapat ay makatotohanan o realistic. Kinakailangan ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa nito. C. Badyet – talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga layunin. Mahalagang pag- aralan ng mabuti upang makatipid sa mga gugugulin. Pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para rito. D. Kongklusyon – nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makakatulong sa kanila. Magplano nang maagap Gawin ang pagpaplano ng pangkatan Maging realistiko sa gagawing panukala Matuto bilang isang organisasyon Maging makatotohanan at tiyak Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin Alalahanin ang prioridad ng hihingian ng suportang pinansyal Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukalang proyekto. Pagiinterbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo Pagbabalik tanaw sa mga naunang panukalang proyekto Pagbabalik tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto Pag-oorganisa ng mga pokus group Ang Pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla. 1. Biglaang Talumpati -Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. 2. Maluwag na talumpati –Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan 3. Manuskrito-Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. 4. Isinaulong Talumpati-Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. 1. Kronolohikal na Huwaran - ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. 2. Topikal na Huwaran - ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa panguanhing paksa. 3. Huwarang Problema-Solusyon - kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpat gamit ang huwarang ito Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng Talumpati - ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang bibigkasing talumpati Introduksyon - ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Ang mga sumusunod na katangian sa isang mahusay na panimula: - mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig. - maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa. - maipaliwanag ang paksa 2. Diskusyon o Katawan - dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalgang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati. a. Kawastuhan - tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at maliwanag nang mabisa ang lahat ng detalye. b. Kalinawan -kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig. c. Kaakit-akit - gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa. 3. Katapusan o Kongklusyon - dito nakasaad ang pinaka kongklusyon mg talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati. 4. Haba ng Talumpati - nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras