Filipino Literature Review PDF
Document Details
Uploaded by AstonishingSiren
De La Salle
Tags
Summary
This document is a review of Filipino literature, covering different literary forms like proverbs (salawikain), sayings (kasabihan), myths (alamat), and epics (epiko). It explains the characteristics and examples of each form and discusses how they reflect Filipino culture and customs.
Full Transcript
L1 - Katutubong Panitikan Katutubong panitikan- mga sumikat na mga panitikan bago tayong sinakop ng Eurupeo, etc. Tungkol sa pamumuhay ng sinaunang pilipino ito’y ipinapahayag sa pasalindila at nakasulat - Pasalindila- pinapasa sa susunod na henerasyon sa paraan ng pagsasalita o verbal. Ito’y...
L1 - Katutubong Panitikan Katutubong panitikan- mga sumikat na mga panitikan bago tayong sinakop ng Eurupeo, etc. Tungkol sa pamumuhay ng sinaunang pilipino ito’y ipinapahayag sa pasalindila at nakasulat - Pasalindila- pinapasa sa susunod na henerasyon sa paraan ng pagsasalita o verbal. Ito’y ang dahilan na nanatili ang mga literatura na sinunog at sinira ng mga mananakop. - Nakasulat- nakasulat sa pirasong kawayan, kahoy, at makinil na bato; sinunog ng mga mananakop 1. Katutubo- “Primitibo”, “Paurong”, o “Napag-iwanan ng panahon” - Nakatira sa relatibong maliit na komunidad - Marunong mamuhay sa lupa labas ng moderynong industriyal na imprastraktura - May sariling wika na kumakatawan sa ugnayan ng lupang ninuno, ekolohiya, mitolohiya, at kuwentong bumubuo sa isang masalimuot na kosmolohiya - Napapanatili ang mga natatanging tradisyong kultural 2. Panitikan- “Pang-TITIK-an” = panitikan; TITIK = salitang ugat, letra - Talaan ng buhay (karanasan) ng mga katutubo na sinasabi sa malikhaing paraan MGA HALIMBAWA: Alamat Mito Bulong Epiko Awiting-bayan Salawikain Kuwentong-bayan Bugtong Kasabihan L2 - Karunungan Bayan (pp. 16-17) Karunungan bayan- “Ka-DUNONG-an” = karunungan; DUNONG = talino/kaalaman na pinapasa 1. Salawikain- Seryoso; Karaniwang patalinhaga ang pagkakalahad - Karaniwang sinusulat na may sukat at tugma Hal. Ang lahat ng palayok, May katapat na suklob 2. Kasabihan- Di seryoso/pang-asar; sabihin ng bata/matatanda - Larong bibig na pangkasanayan ng mga bata sa paglalaro; Mother Goose Rhymes - Ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao - Payak lamang ang pagpapakahulugan Hal. Bata…batuta! daming muta! 3. Sawikain- salita/ parirala na patambis/ idyoma/limitado - Malayo ang kahulugan sa mismong salita Hal. Binuhat ang sariling bangko 4. Bugtong- larong pang-isipan/panghulaan (riddle); Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan - Binibigtas nang patula; may 5-12 pantig, dalawang linya/taludtod Hal. Isang bayabas, Pito ang butas 5. Palaisipan- Talata at pangungusap na pahulaan; humihingi ng sagot/kalutasan Hal. Si Ella ay may limang pusa. Dalawa ang tumalon, ilan ang natitira? 6. Bulong- sinasabi para magbigayan galang, pagpapansitabi, at paghingi ng pahintulot sa nilalang hindi nakikita Hal. “Tabi tabi po!”|| “Makikiraan lamang po” || “Patawaran kami kung amin kayong masasagi” L3 - Paghahambing (pp. 14-15) Paghahambing- paraan ng paglalahad; naglalarawan/naghahambing sa dalawang pangngalan - Pangngalan- tao, hayop, bagay, pangyayari, lugar, atbp; NOUN - Panghalip- nagpapalit sa pangngalan (Ako, siya, tayo, atbp); PRONOUN Dalawang uri ng paghahambing: A. Magkatulad- parehong katangian - Ginagamit ang: Tulad, gaya, kapwa, pareho - Ginagamit kung salitang UGAT: ga- , sing- , kasing- , magsing- , at magkasing- Hal. Ang ating mundo’y tulad ng isang mabangis na aso; madumi. Hal. Ang kanyang ngiti ay magkasingtamis ng isang prutas. B. Di magkatulad 1. Palamang- may nakakaangat o nakahihigit sa dalawa - Mas, Lalo, Higit, DI HAMAK Hal. MAS gusto ko ang paglalaro ng softball kaysa sa aking kapatid. 2. Pasahol- kulang sa katangian ang isa sa dalawang hinahambing - Di gasino, Di gaano, Di masyado Hal. Di gaanong nagbabasa ang mga bata ng libro/literatura kaysa nung unang panahon kung saan wala pa gumagamit ng media/internet at nagbabasa lamang. Hal. Di masyadong nagugustuhan ng kapatid ko and softball kaysa sa akin. L4 - Alamat Alamat- nagmula sa LEGENDUS na ibig sabihin “Upang mabasa” - Anyong tuluyan (Pangungusap/ Pahayag) na nagkukuwento ng pinagmulan ng katawagan, pook, bagay, at pangyayari - Nagsimula sa panahon ng katutubo; Kinapapalooban ng mga hindi pangkaraniwang pangyayari, kaasalan, pamumuhay, at paniniwala ng tao; sumasalamin sa kultura at kabihasnan BAHAGI NG ALAMAT (Tatsulok- Tatlong bahagi ng alamat) A. Simula 1. Tauhan- gumaganap sa istorya; nagbibigay kulay sa kuwento - Bida (Protagonist), Kontrabida (Antagonist), atbp 2. Tagpuan- kung saan/kailan/anong oras nagaganap ang isang kuwento - Hal. Batangas/Batangan B. Gitna/Katawan 1. Suliranin- problema ng kuwento - Hal. Di sumasangayon ang ama sa kasintahan ng kanyang anak. 2. Kasukdulan- “Climax” - pinakamataas/pinahihintayan/kinasasabikan na bahagi ng kuwento habang nagaganap ang problema C. Pangwakas 1. Solusyon- Ang aksyon ng sinaunang tao para maresolba ang problema; paglulutas ng problema 2. Aral- matutunan/mahalagang mensahe L5 - Pang-abay (pp. 32-33) Pang-abay- nagbibigay turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa pang-abay A. Pamanahon- “kailan” ginanap, ginaganap, o gaganapin - May sinasaad na panahon - Kahapon, Kanina, Ngayon, Mamaya, Bukas, Sandali, atbp Hal. Ako ay naglaro ng softball, kasama ang aking kaibigan, noong miyerkules. B. Panlunan- “saan” ginagawa ang kilos - Lugar, bansa, etc Hal. Ang softball club at step ay ginaganap sa SHSQC field. C. Pamaraan- “Paano” ginanap, ginaganap, o gaganapin ang kilos Hal. Kami ay naglaro ng softball nang maayos, malikhaing, at masunurin. D. Pangaano- “gaano” nagsasaad ng sukat o timbang Hal. Limang porsiyento ng estudante sa ABC high ay sumusunod sa mga patakaran at tuntunin. E. Ingklitik o Kataga- Katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap - Ito’y gumagawa ng isang makabuluhang pangungusap Man Kasi Sana Nang Kaya Yata Tuloy Lamang/Lang Din/Rin Ba Pa Muna Pala Na Naman Daw/Raw *Daw at Din= ginagamit kung consonant/Katinig ang huling letra ng salita *Raw at Rin= ginagamit kung Vowel/Patinig ang huling letra ng salita - Mala patinig (W or Y)- hindi gagamitin ang daw at din, kundi gagamitin ang raw o rin *Lamang- pormal *Lang- di pormal Hal. Siya rin ay may gusto sa palarong pinoy. L6 - Epiko Epiko- “epos”- Salawikain o awit - Kabayanihan at pakikipagtunggali ng tauhan laban sa away na halos hindi mapaniwala. Dahil ang tagpuan ay pawang kababalaghan at hindi kapanipaniwala BAHAGI NG EPIKO A. Simula 1. Tauhan- gumaganap sa istorya; nagbibigay kulay sa kuwento - Bida (Protagonist), Kontrabida (Antagonist), atbp 2. Tagpuan- kung saan/kailan/anong oras nagaganap ang isang kuwento - Hal. Mindanao; kaharian ng bumbaran B. Gitna 1. Banghay- maayos na kasunodsunod na pangyayari; buod ng kuwento 2. Diyalogo- maayos na usapan ng tauhan - Nakikilala natin ang mga tauhan at ang kanilang ugali 3. Saglit na kasiglahan- pangyayari bago ang suliranin 4. Tunggalian- Laban - Laban sa sarili- mental/kaisipan - Laban sa kapwa- kontrabida/kalaban - Laban sa kapaligiran- mga bagay na hindi kontralado; digmaan at sakit 5. Kasukdulan- kinasasabikan na bahagi sa epiko; pangyayari habang nagaganap ang suliranin C. Pangwakas 6. Kakalasan- pangyayari pagkatapos ang suliranin 7. Wakas MGA ISTORYA (MARINDUQUE AT BANTUGAN): FIL STORIES *alphabeto ginagamit dati ay BAYBAYIN *tulong-tulungan ng mga katutubo ay tinatawag BAYANIHAN