KABANATA VII: Pagbasa (Pangkat 6) PDF

Summary

The document is a Tagalog study guide, focusing on reading comprehension, its various types, and interactive strategies to develop this skill. It also reviews different dimensions of understanding and analyzing text.

Full Transcript

KABANATA VII Makrong Kasanayan: Pagbasa PANGKAT 6: Beldad, Shahoney Chua, Wilhelmina Javier, Alyssa Mae Oabel, Clarrence Salondaguit, Shania Jen MGA LAYUNIN A. PAGBASA: KAHULUGAN, HALAGA AT MGA HAKBANG B. MGA URI NG PAGBASA...

KABANATA VII Makrong Kasanayan: Pagbasa PANGKAT 6: Beldad, Shahoney Chua, Wilhelmina Javier, Alyssa Mae Oabel, Clarrence Salondaguit, Shania Jen MGA LAYUNIN A. PAGBASA: KAHULUGAN, HALAGA AT MGA HAKBANG B. MGA URI NG PAGBASA C. LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA D. MGA ESTRATEHIYA SA INTERAKTIB SA PAGBASA PAGBASA: KAHULUGAN, HALAGA AT MGA HAKBANG Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Isa ito sa mga makrong kasanayang pangwika at isa sa mga pinakagamitin sa lahat. May iba't ibang dahilan kung bakit nagbabasa ang mga tao. May mga nagbabasa para maaliw. Ito ang kadalasang dahilan ng mga nagbabasa ng komiks, nobela at iba pang akdang pampanitikan. May mga nagbabasa upang makakuha ng impormasyon. Ito ang dahilan ng mga nagbabasa ng dyaryo, magasin, aklat at iba pang babasahing akademiko. Bunga ng knowledge explosion, naging lalong mahalaga ang pagbabasa sa sangkatauhan. Ilan sa mga halaga ng pagbabasa ay ang sumusunod: A. Nakapagdudulot ito ng kasiyahan at nakalulunas ng pagkabagot. B. Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba't ibang larangan ng buhay. C. Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating pang-araw-araw na buhay. D. Nalalakbay natin ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga taong yumao na o hindi na nakikita. E. Naiimpluwensyahan nito ang ating saloobin at palagay hinggil sa iba't ibang bagay at tao, at F. Nakatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagpataas ng kalidad ng buhay ng tao. Dahil ang pagbasa ay hindi lamang gawaing sensori kundi higit sa lahat, isang gawaing pangkaisipan, mayroon itong sinusunod na kronolohikal na hakbang. Ito ay ang mga sumusunod: A. Persepsyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo, B. Pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo. C. Reaksyon o paghahatol ng kawastuhan, kahusayan at halaga ng tekstong binasa, at D. Asimilasyon/Integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng mambabasa MGA URI NG PAGBASA Ang pagbasa ay maaring mauri batay sa layunin, kung gayon, ito ay maaaring SKIMMING O SCANNING. Ang SKIMMING o PINARAANANG PAGBASA ang pinakamabilis sa pagbasa na nakakaya ng isang tao. Ginagamit ito sa pagpili ng aklat o magasin, sa pagtingin sa mga kabanata ng aklat bago ito basahin nang tuluyan, sa paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik, pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman at iba pa. Ang SCANNING naman ay ang paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Dito, hindi na hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat. Ang mahalaga’y ang makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Batay sa paraan, ang pagbasa ay maaring TAHIMIK O PASALITA. Mauuri rin ang pagbasa batay sa BILIS O TULIN. Ang unang bilis ay tinatawag na STUDY SPEED o BILIS HABANG NAG-AARAL BUMASA. Ito ang pinakamabagal na pagbasa at ginagamit ito sa mga mahihirap na seleksyon. Ang pangalawang uri batay sa bilis ay tinatawag na MATULIN NA PAGBASA. Dito, mahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa batay sa layunin ng bumabasa. LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA. Ang pagbasa ay isang makrong kasanayang kinapapaloobang maraming makrong kasanayan. Ang mga tiyak na kasanayan ito ay napapaloob sa limang dimension o panukatan sa pagbasa. Narito ang mga iyon. I. Unang Dimensyon - Pag-unawang Literal A. Pagpuna sa mga detalye. B. Pagpuna sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. C. Pagsunod sa panuto. D. Pagbubuod o paglalagom sa binasa. E. Paggawa ng balangkas. G. Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan. H. Pagbibigay ng katotohanan (facts) upang mapatunayan ang isang nalalaman na. I. Paghanap ng katibayan para sa laban sa isang pansamantalang kongklusyon. J. Pagkilala sa mga tauhan. II. Ikalawang Dimensyon - pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may akda lakip ang mga karagdagang kahulugan. A. Pagdama sa katangian ng tauhan B. Pag unawa sa mga tayutay at patalinghagang salita C. Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan D. Pag bibigay ng kuro-kuro at opinyon E. Pag hula sa kalalabasan F. Pag hinuha sa mga sinundang pangyayari G. Pag bibigay ng solusyon o kalutasan H. Pag kuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa I. Pagbibigay ng pamagat. III. Pangatlong Dimensyon-pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad A. Pagbibigay ng reaksyon B. Pag isip na masaklaw at malawak C. Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad D. Pag dama sa pananaw na may akda E. Pag unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama F. Pag kilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap. G. Pag kilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talaan H. Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento I. Pag papa siya tungkol sa kabisaan ng paglalahad IV. Pang-apat na Dimensyon- Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa A. Pagbibigay ng opinyon at reaksyon B. Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at tunay na pangyayari sa buhay. C. Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kaugnay na impormasyon D. Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon. E. Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan. V. Panglimang Dimensyon- Paglikha ng sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon. A. Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain B. Pagbabago ng wakas ng kwento C. Pagbabago ng pamagat ng kwento D. Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhan E. Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento F. Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa MGA ESTRATEHIYA SA INTERAKTIB NA PAGBASA Ayon sa teoryang interaktib, ang pagbasa ay isang proseso at hindi isang produkto (Bernales, et al., 2006). Ang isang interaktib na mambabasa ay pumapaloob sa proseso ng interaksyon sa awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo. Upang maging isang interaktib na mambabasa, iminumungkahi namin ang mga sumusunod na istratehiya habang nagbabasa: Pagtatanong Paghuhula (Questioning) (Predicting) Bumuo ng mga tanong sa isipan Hulaan ang sagot sa mga tanong na hinggil sa tekstong binabasa. nabuo sa iyong isipan. Maaaring dalawa o higit pa ang iyong mabuong Maaaring ang tanong ay nauukol sa hula para sa bawat isa. nilalaman (paksa, tauhan, pangyayari, mensahe, pahiwatig, Walang limitasyon sa istratehiyang simbolismo), sa bokabularyo (di- ito. Ngunit tandaang ang isang pamilyar na salita, idyoma, mahusay na mambabasa ay tayutay) o kayariang balangkas malamang na makabubuo ng mga (pagsisimula, paglalahad ng katawan, wastong hula dahil ang teksto mismo pagwawakas). ang ginagawa niyang batayan sa pagsasagawa nito. Paglilinaw Pag-uugnay Paghuhusga (Clarifying) (Assimilating) (Evaluating) Linawin kung tama o mali ang Iugnay ang teksto sa iyong Husgahan ang mga elemento iyong ginawang mga hula o kaalaman at karanasan. ng teksto. Maaaring suriin ang iyong mga sagot sa iyo ang kawastuhan ng ring mga tanong. Maaaring iugnay ang teksto impormasyon o mensaheng sa dati mo nang nalalaman o taglay nito. Kung ang iyong naging hula o kaya'y sa isang pangyayaring sagot ay iba sa nakasaad sa nahahawig sa iyong buhay o Maaari ring pansinin ang teksto, linawin din kung bakit sa buhay ng ibang tao. Maaari istilong ginamit katulad ng at paano naging gayon. ring iugnay sa sarili ang mga paraan ng pagsisimula, lugar o taong nababanggit sa paglalahad ng katawan o teksto. kaya'y ng pagwawakas at maging ang kasiningan ng mga simbolo, imahen at pahiwatig. Maraming Salamat!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser