Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa PDF

Summary

This Tagalog document provides a fundamental knowledge of critical reading. It covers various aspects of reading, including different types of reading, using scanning and skimming techniques, and different levels of comprehension.

Full Transcript

Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa Aralin 1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Crizel Sicat-De Laza May-akda Layunin ng Talakayan Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng pagbasa Makilala ang pagkakaiba...

Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa Aralin 1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Crizel Sicat-De Laza May-akda Layunin ng Talakayan Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng pagbasa Makilala ang pagkakaiba ng intensibo at ekstensibong Pagbasa Malaman ang kahulugan at gamit ng scanning at skimming sa pagbasa Matukoy ang antas ng pagbasa Daloy ng Talakayan Kahalagahan at Kahulugan ng Pagbasa Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Scanning at Skimming sa Pagbasa Antas ng Pagbasa Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.” Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong “New Directions in Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng: 1) imbako umiiral nang kaalaman ng mambabasa; 2) impormasyong ibinibigay ng tekstong Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan. Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Intensibo Ekstensibo Kinapapalooban ng malalimang Ayon kina Long at Richards (1987), pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, nagaganap ang ekstensibong pagbabasa estruktura, at uri ng diskurso sa loob kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang ayon sa kaniyang interes, mga babasahing bokabularyong ginamit ng kadalasang hindi kahingian sa loob ng manunulat, at paulit-ulit at maingat klase o itinatakda sa anomang asignatura. na paghahanap ng kahulugan. Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa Sa ganitong uri ng pagbasa, ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha nakatutulong ang pagbabalangkas o lamang ang “gist” o pinaka-esensya at paggawa ng larawang konseptuwal kahulugan ng binasa na hindi upang lubos na maunawaan ng mag- pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan. aaral ang isang teksto. Scanning at Skimming sa Pagbasa Scanning Skimming Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang Mabilisang pagbasa na ang layunin ay pokus ay hanapin ang ispesipikong alamin ang kahulugan ng kabuuang impormasyon na itinatakda bago bumasa. teksto, kung paano inorganisa ang Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mga ideya o kabuuang diskurso ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang teksto at kung ano ang pananaw at impormasyon. layunin ng manunulat. Kung ang kahingian ay alalahanin ang Mas kompleks ang skimming kaysa pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na scanning dahil nangangailangan ito ng sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang mabilisang paraan ng organisasyon at angkop na paraan ng pagbasa na dapat pag-alaala sa panig ng mambabasa gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o pagkaunawa na sa hinahanap na upang maunawaan ang kabuuang impormasyon at ang layunin ay matiyak ang teksto at hindi lamang upang katumpakan nito na makikita sa mga libro o matagpuan ang isang tiyak na iba pang sanggunian. impormasyon sa loob nito. Antas ng Pagbasa Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Primarya Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mga Mapagsiyasat tauhan sa isang teksto. Itinuturing na magkakahiwalay ang mga impormasyong ito, na mahirap para sa bagong Analitikal mambabasa upang makabuo ng kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto. Nauunawaan lamang ang hiwa- Sintopikal hiwalay na impormasyon sa literal na antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa pagkakaugnay-ugnay ng mga nito Antas ng Pagbasa Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o Primarya impresyon tungkol dito. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa Mapagsiyasat isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang mas malaliman. Analitikal Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan. Hindi ito Sintopikal pinagiisipan nang malalim para magbigay ng interpretasyon o pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging hindi maunawaan sa teksto. Antas ng Pagbasa Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o Primarya kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at ang Mapagsiyasat layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, Analitikal kaangkupan, at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto. Sintopikal Malalim at mapanuri na ang antas na ito, ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin ng pagbasa. Antas ng Pagbasa Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa. Primarya Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag- Mapagsiyasat unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang mga aklat na binasa mo ay mga kasangkapan lamang upang Analitikal maunawaan mo ang mga kaalaman na naipundar na ng mga naunang iskolar. Sa pamamagitan ng sistematikong Sintopikal paraan, pinaghahalo ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling karanasan at kaalaman upang makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw at kaalaman. Ibig sabihin, sa antas na ito ng pagbasa, itinuturing mo

Use Quizgecko on...
Browser
Browser