Buhay ni Rizal: Pamilya, Kabataan, Panimulang Edukasyon PDF
Document Details
Uploaded by BraveJasper1643
Fakulti, Departamento ng mga Agham Panlipunan
Jesus A. Medina
Tags
Related
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng isang buod ng unang bahagi ng buhay ni Jose Rizal. Sinusuri nito ang kanyang pamilya, kabataan, at mga unang karanasan sa edukasyon. Tinalakay rin ang impluwensya ng kanyang mga magulang at mga guro sa kanyang pag-unlad.
Full Transcript
BUHAY NI RIZAL: PAMILYA, KABATAAN, PANIMULANG EDUKASYON JESUS A. MEDINA Fakulti, Departamento ng Agham Panlipunan Si Jose Rizal at ang kaniyang Pamilya, Kabataan at Panimulang...
BUHAY NI RIZAL: PAMILYA, KABATAAN, PANIMULANG EDUKASYON JESUS A. MEDINA Fakulti, Departamento ng Agham Panlipunan Si Jose Rizal at ang kaniyang Pamilya, Kabataan at Panimulang Edukasyon Si Jose Rizal ay ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo taong 1861 sa mag- asawang Francisco Rizal Mercado at Tedora Alonso Realonda sa bayan ng Calamba sa lalawigan ng Laguna. Siya ay may siyam na kapatid na babae: ang mga nakakatandang sina Saturnina, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria at ang mga nakababatang sina Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad) at isang nakakatandang kapatid na lalaki (Paciano). Ang kanyang magulang ay inquilino o nakikisaka sa asyendang pagmamay-ari ng mga Dominikano sa Calamba. Katulad ng maraming Pilipino ay iba’t ibang lahi ang nananalaytay sa dugo ni Jose Rizal. Bukod sa dugong katutubo ay may lahing Tsino rin ang kaniyang amang si Francisco Mercado mula sa ninuno nitong si Domingo Lam-co na nagbuhat pa sa Fukien, Tsina. Noong ito ay nagpabinyag sa relihiyong Katoliko ay pinili nito ang apelyidong Mercado dahil ang kanyang kinabubuhay ay pangangalakal. Samantala, dumadaloy naman sa kanyang inang si Teodora Alonso ang dugong katutubo at Hapones na nagbuhat sa ninuno nitong si Eugenio Ursua at lahing Espanyol mula sa ama niyang si Lorenzo Alberto Alonso. Bilang pagtugon sa decreto o utos ni Gobernador Heneral Narciso Claveria noong 1849 na kung saan ang mga katutubo ay inutusang pumili ng apelyidong 1 Espanyol ay pinili ng kanyang amang si Francisco Mercado ang kanilang bagong apelyidong Rizal na nagbuhat sa salitang Ricial o luntiang kabukiran dahil noong panahong iyon ay pagsasaka na ang kinabubuhay ng kanilang pamilya. Ang kabataan ni Jose Rizal ay ginugol niya sa kanilang tahanan sa Calamba at ang ina niya ang kaniyang naging unang guro. Sa katotohanan ay parehong ilustrado ang kanyang magulang. Ang kanyang amang si Francisco ay nakapag-aral sa Colegio de San Jose samantalang ang kanyang ina ay nag-aral naman sa Colegio de Santa Rosa. Natutunan niya sa kaniyang ina ang pagdarasal at alpabeto. Bukod sa kanyang ina ay naturuan din siya nina Maestro Celestino, Maestro Lucas Padua at Maestro Leon Monroy. Sa edad na siyam na taong gulang ay pinadala siya ng kaniyang mga magulang sa Binyang upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kay Maestro Justiniano Aquino Cruz. Mula sa nasabing guro ay nahasa pa ang kaniyang kaalaman sa wikang Latin at Matematika. Noong Disyembre 1871 ay pinauwi na siya ng kaniyang guro sa Calamba dahil natutunan na nito ang mga dapat niyang matutunan sa kaniya. Habang siya ay nasa Calamba ay naganap ang dalawang pangyayari na nagkaroon ng epekto sa buhay. Ang isa ay personal na kung saan ay inakusahan ng panlalason ang kaniyang ina ng kanilang tiyahin na maybahay ng kaniyang tiyo Jose Alberto. Ang isa naman ay ang pagbitay sa tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos sa Bagumbayan noong 1872. Naapektuhan si Jose Rizal dahil ang kapatid niyang si Paciano ay naging malapit kay Padre Burgos. Noong Hunyo ng taong iyon ay nagpatala siya sa Ateneo Municipal de Manila na pinamamahalaan ng mga Heswita sa Intramuros. Sa paaralang ito ay una niyang ginamit ang kanilang apelyidong Rizal. Nanlulumo man noong una dahil sa pagkakakulong ng kaniyang ina sa piitan ng Sta. Cruz sa Laguna ay hindi ito naging 2 hadlang sa kanyang pag-aaral dahil nahirang siyang Emperador bilang pinakahamahusay na mag-aaral at ang kaniyang grado ay panay sobresaliente o pinakamahusay. Isa sa mga guro na kaniyang nakasalamuha at naging paborito ay si Padre Francisco de Paula Sanchez na nagmulat sa kaniya sa pagmamahal sa literatura. Naging mabunga ang kanilang ugnayan ni Padre Sanchez dahil nakagawa si Jose Rizal ng hindi mabilang na tula, sanaysay, at iba pang sulatin habang nasa Ateneo. Matapos ang limang taon ay matagumpay na natapos ni Jose Rizal ang kaniyang pag-aaral sa Ateno noong 1877. Bagamat lumuluha ang kaniyang ina ay nanaig ang kagustuhan ng kaniyang ama na magpatala siya sa Unibersidad ng Santo Tomas ng kursong Pilosopiya at Panitikan. Kasabay nito ay kumuha rin siya ng kursong bokasyonal sa Ateneo Municipal de Manila ng Agrimensura o land surveying. Maganda ang nakuha niyang grado sa mga asignatura niya sa UST man o sa Ateneo ngunit noong 1878 ay kailangan niyang kunin ang kursong Medisina dahil sa nanlalabong paningin ng kaniyang ina. Sa mga panahon ding ito ay nakilala ang husay niya sa literatura dahil sa pagkakapanalo niya sa patimpalak ng Artistico Literario de Manila para sa tulang Sa Kabataang Pilipino at nang sa sumunod na taon ay para sa sinulat niyang may pamagat na Consejo de los Dioses. Matapos ang apat na taon sa kursong Medisina ay hindi naging maganda ang naging grado niya dahil sa maraming kadahilanan. Isa na rito ay ang mababang pagtingin sa mga katulad niyang katutubong mag-aaral; ang paraan ng pagtuturo; at ang pagmulat niya sa mundo ng pag-ibig. Habang nag-aaral sa UST ay nakilala niya sina Segunda Katigbak na naging una niyang pag-ibig; kapitbahay na si Leonor Valenzuela; ang kaniyang pinsan at tunay na pag-ibig na si Leonor Rivera. Nahati na ang kaniyang atensyon sa pag-aaral at pag-ibig. 3 Noong taong 1882 ay nagpasiya siya kasama na ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Paciano at ang kanilang tiyuhin na si Antonio Rivera na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aral ng Medisina sa Espanya. Sanggunian: Alejandro, R at Medina, Jr. B. (1972). Buhay at Diwa ni Jose Rizal. Mandaluyong: National Book Store. Bantug, A. (1997). Indio Bravo, The Story of Jose Rizal. Makati: Tahanan Books. Coates, A. (1992). Rizal – Filipino Nationalist & Patriot. Manila: Solidaridad Publishing House. Guerrero, Leon Ma., (2012). The first Filipino: A biography of Jose P. Rizal. Manila: New Edition. Rivera, C et al (2002). RIZAL: Ang Bayani at Guro. Las Pinas: M & L Licudine Enterprises. Zaide, G at Zaide S. (1997). Jose Rizal: Buhay, Mga Ginawa, At Mga Sinulat ng Isang Henyo, Manunulat, Siyentipiko, at Pambansang Bayani. Quezon City: All-Nations Publishing Co., Inc. 4