Ang Pag-aaral ni Rizal sa Ateneo Municipal de Manila PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Ateneo Municipal de Manila
Tags
Related
- Buhay ni Rizal: Pamilya, Kabataan, Panimulang Edukasyon PDF
- Ang Buhay at Ang Pag-aaral ni Jose P. Rizal PDF
- Modyul 5: Buhay ni Rizal - Mataas na Edukasyon at Buhay sa Ibang Bansa (PDF)
- ANG BATAS RIZAL (PDF)
- Buhay ni Rizal: Bata Hanggang Pagtanda (PDF)
- Pag-aaral ni Rizal sa Ateneo Municipal de Manila PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa pag-aaral ni Jose Rizal sa Ateneo Municipal de Manila. Naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa kanyang mga aral, guro, at mga karanasan sa paaralan. Ito ay may kinalaman sa kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas at sa buhay ni Rizal.
Full Transcript
ANG PAG-AARAL NI RIZAL SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA Si Rizal ay nagpunta ng Maynila noong June 20, 1872 upang kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistah...
ANG PAG-AARAL NI RIZAL SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA Si Rizal ay nagpunta ng Maynila noong June 20, 1872 upang kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kanyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo. Padre Magin Ferrando – (tagapagtala sa kolehiyo) ayaw tanggapin si Jose Rizal sa kadahilanang: (1) Huli na sa patalaan (2) Sakitin at maliit para sa kanyang edad Mabuti na lamang at natulungan sila ni Padre Manuel Xerex Burgos, pamangkin ni Padre Jose Burgos, upang makapag-aral sa nasabing paaralan. Ang Ateneo de Manila University ay nagsimula noong 1859 na may tatlong Paring Heswita at isang kapatid na nagpatuloy sa Escuela Pia (paaralan ng kawanggawa), isang maliit na pribadong paaralan para sa 33 na mga anak ng mga residenteng Kastila. Ang Escuela ay naging Ateneo Municipal de Manila noong 1865 nang ito ay maging isang institusyon ng pangalawang edukasyon. Noong 1901, ang Amerikanong kolonyal na pamahalaan ay umatras sa suporta ng pamahalaan para sa Ateneo. Si Fr. Jose Clos, S.J. ang nagpasiyang alisin ang 'Municipal' mula sa opisyal na pangalan ng Ateneo, at mula noon ito ay kinilala bilang Ateneo de Manila. http://ateneo.edu/about/history/fast-facts AngSistemang EdukasyongHeswita Gumagamit sila ng matinding disiplina at instruksiyong panrelihiyon. Itataguyod nito ang kulturang pisikal, humanidad at siyentipikong pag- aaral. Bukod sa mga kursong pang-akademiko tungo sa Batsilyer ng Sining, may mga kursong bokasyonal sa agrikultura, komersiyo, pagmemekaniko at pagseserbey. UNANG TAON (1872-1873) Nakapasok sa Ateneo sa edad na onse Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Kastila siya ay nagpaturo ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali kung saan nagbabayad siya ng 3 piso. Larawang Relihiyoso – unang premyo ni Rizal na ginantimpala sa kanya dahil sa siya ang pinakamatalinong mag-aaral sa klase. Noong bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang kaniyang ina. Lihim siyang pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang inaukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo. Padre Jose Bech S.J. - ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo. Naghahasa ng talino sa panitikan sa kanyang bakanteng oras sa patnubay ni Padre Sanchez. Si Padre Francisco de Paula Sanchez ang naging inspirasyon ni Rizal para mag-aral ng mabuti at sumulat ng tula. Noong 1874, maglalabing-apat na taong gulang siya ng maisulat ang maaring unang tula na naisulat niya sa Ateneo. “Mi Primera Inspiracion” (Aking Unang Inspirasyon) Inihandog niya sa kanyang ina noong kaarawan nito. Sinasabing isinulat niya ito bago siya naglabing-apat na taong gulang, ibig sabihi’y noong taong 1874. Bago ang taong ito, hindi siya sumulat dahil nalulumbay ang puso niya sa pagkakapiit ng ina. Dalawang dahilan kung bakit nakulong si Donya Teodora Umapila si Donya Teodora sa korte ng Royal Audiencia sa una nitong pagkakakulong. 1. Napagbintangan ito na naglason sa asawa ng kanyang kapatid. 2. Pagtutol nito na palitan ang kanilang apilyedong ginagamit. PANGALAWANG TAON (1873- 1874) Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Biñan. Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay ang mga sumusunod: Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas, Universal History na sinulat ni Cesar Cantu, Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor na pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama. PANGTALONG TAON(1874- 1875) Pagkalaya ng ina Ipinagtanggol siya ng dalawa sa maga-galing na abogado na nagmula pa sa Maynila, at napawalang-sala makalipas ang dalawa at kalahating taong pagkakabilanggo. Mga abogado ni Dona Teodora 1.Francisco de Marcaida 2.Manuel Marzan Tuluyan lamang siyang napalaya sa kulungan nang makipagsayaw ang kanyang bunsong anak na babae sa Gobernador Heneral Manuel Blanco Valderama na nabighani nito. Nahanap ng korte na kulang ang mga ebidensya kaya pinakawalan ito kaagad. Unang Pag-ibig ni Rizal Segunda Katigbak Labing anim na taong gulang si Rizal nang unang umibig. Ang babae ay si Segunda Katigbak, magandang Batangueña na 14 na taong gulang na umibig din kay Rizal. Taga Lipa Paglalarawan ni Rizal: “May kaliitan siya, mga mata niya’y parang nangungusap at kung minsa’y nagpapakita ng marubdob na damdamin at minsa’y parang nananamlay; mapupula ang mga pisngi niya; may kahali-halinang ngiti, at magagandang ngipin, at para siyang ada; ang buong katauhan niya’y may di maipaliwanag na bighani.” Segunda Katigbak y Solis (1863-1943) Courtesy of the National Historical Commission of the Philippines Library Collections Ayon sa historyador na si Sister Corazon Manalo, unang nagkita at nagkakilala ang dalawa sa bahay ng lola ni Rizal sa Trozo, Manila [Tutuban na ngayon]. Kaibigan umano ni Rizal ang kapatid ni Segunda na si Mariano. Dahil uso pa noong panahong iyon na ipinagkakasundo ng mga magulang ang kanilang mga anak para sa pag-aasawa, nakatakda nang ikasal si Segunda kay Manuel Luz ng Lipa. Natuloy ang pagpapakasal ni Segunda kay Manuel Luz, habang si Rizal ay mag-aaral na sa Europa, na sa paglipas ng panahon ay magiging Bayani ng bansa. IKAAPAT TAON (1875-1876) Si Padre Jose Vilaclara na naging guro ni Jose sa Pilosopiya at Agham ay nagsabi na si Rizal bilang “namumukadkad na makata ay nag-aaksaya lamang ng panahon at tumutungo sa maling direksiyon ng buhay”. Subalit nagpatuloy pa rin si Jose sa pagsulat ng tula at dinadala niya ito kay Padre Sanchez para sa kanyang pagpuna. Nag-aral si Rizal ng pagpinta kay Agustin Saez na isang kilalang espanyol na pintor at eskultura naman kay Romualdo de Jesus na isa namang bantog na eskultor. Sa gulang na labing-anim ay nagtapos si Rizal ng pag-aaral sa Ateneo. At noong Marso 23,1877, natamo niya ang katibayan sa Batsilyer ng Sining nang may pinakamataas na karangalan. Nagkamit din siya ng limang medalyang ginto bilang gantimpala sa kanyang kahusayan sa iba’t ibang asignatura.Noong panahon ng Kastila, ang Batsilyer ng Sining ay katumbas ng paaralang sekundarya at mga unang taon ng kolehiyo. Ito ay isang kwalipikasyon upang makakuha ng kurso sa unibersidad. Si Jose Rizal, ang pinakamahusay na mag-aaral ng Ateneo, ay nagtapos ng may digri sa Bachelor of Arts mula sa Ateneo Municipal. Isa siya sa siyam na kinilala bilang sobresaliente sa kanyang klase na binubuo ng labindalawa. https://ateneo.edu/about/history/fast-facts Nais ni Don Francisco at ni Paciano na ituloy ni Jose ang kanyang pag-aaral sa unibersidad. Tutol si Dona Teodora at nasabi sa kanyang asawa na si Jose ay marami ng alam at kung mas marami ang kanyang malalaman, tiyak na mapupugutan na siya ng ulo. Sapagkat noong panahong iyon, ang mga Indio na may mataas na pinag-aralan ay ituturing na banta sa estado ng mga Kastila at kaaway ng mga nasa puwesto. MGA SANGGUNIAN: Almario, V. S. (2011). Rizal: Makata. Mandaluyong: Anvil Publishing, Inc. Coates, A. (1992). Rizal- Filipino Nationalist and Patriot. Manila: Solidaridad Publishing House. Coates, A. (1999). Rizal: First Filipino Nationalist and Martyr, Quezon City, UP Press. Constantino, R. (2001). Veneration Without Understanding. Quezon City, UP Press Inc. Dela Cruz, W. & Zulueta, M. (2002). Rizal: Buhay at Kaisipan. Manila, NBS Publications. Francia L. (2014). A HISTORY OF THE PHILIPPINES: From Indios Bravos to Filipinos. The Overlook Press, Mayers Publishers, Inc. Ocampo, A. R. & A. Gonzalez, (2002) (Eds.). Rizal the Scientist: Proceedings of a Seminar in Commemoration of the Rizal Death Centennial (1896) June 20, 1997. Manila: De La Salle University. Odullo-de Guzman, M. (1998). Noli Me Tangere and El Filibusterismo. Manila: NBS Publications. Palma, R. (2000). Rizal: The Pride of the Malay Race. Manila, Saint Anthony Company. Pasigui, Ronnie E. and Danilo H. Cabalu (2006). The man and the hero (An Anthology of Legacies and Controversies). C & E Publishing, Inc. Romero, M.C. & Sta Roman, J. (2001). Rizal & the Development of Filipino Consciousness (3rd Ed.). Manila, JMC Press Inc. Romero, Ma. C. S., J. R. Sta. Maria, & L. Y. Santos. (2006). Rizal and the Development of National Consciousness. (2nd Ed.) Quezon City: Katha Publishing. Zaide, G. F. & S. M. Zaide (1997). Jose Rizal: Life, Works, and Writings of a Genius, Writer, Scientist and National Hero.All Nations Publishing Co. Inc. Mga Online News Articles: Cupin, B. “The Compassionate Scientist in Jose Rizal.” GMA News Online, July 8, 2011, accessed April 6, 2016. http://www.gmanetwork.com/news/story/225705/lifestyle/the-compassionate- scientist-in-jose-rizal. De Lumen, Ben O. “Rizal, the Scientist.” The Philippine Star, July 20, 2006, accessed April 6, 2016. http://www.philstar.com/science-and-technology/348367/rizal-scientist. Taule, Alan C. "Rizal: A Patriot Who Peered His World and Time Through Science." October – December 2004. Accessed March 8, 2016. http://sntpost.stii.dost.gov.ph/frames/OctToDec04/pg56_DrJoseRizal.htm. https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/ talakayan/657554/si-segunda-katigbak-ang-unang- babaeng-nagpatibok-sa-puso-ni-jose-rizal/story/ slideshare.net/vann_08/kabanata-4-mga-gantimpalang- natamo-sa-ateneo-de-manila-by-van-eindree-torres