Mga Batas Rizal sa Pilipinas PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga batas at mga panukalang batas na may kaugnayan kay Jose Rizal at sa mga pagbabago sa edukasyong Pilipino. Ang mga batas ay naglalayong isama ang mga akda ni Rizal sa kurikulum ng mga paaralan sa Pilipinas.
Full Transcript
LIFE AND WORKS OF RIZAL MODULE 1: ANG BATAS RIZAL ANG PULITIKA SA LIKOD NG BATAS RIZAL 1. **BATASREPUBLIKABLG.229 (RA229) \| JUNE9,1948** - ISANG KAUTUSAN NA IPINAGBABAWAL ANG SABONG, KARERA NG KABAYO AT JAI ALAI SA IKA-30 ARAW NG DISYEMBRE KADA TAON AT BUMUO NG LUPON PARA MANGUNA SA...
LIFE AND WORKS OF RIZAL MODULE 1: ANG BATAS RIZAL ANG PULITIKA SA LIKOD NG BATAS RIZAL 1. **BATASREPUBLIKABLG.229 (RA229) \| JUNE9,1948** - ISANG KAUTUSAN NA IPINAGBABAWAL ANG SABONG, KARERA NG KABAYO AT JAI ALAI SA IKA-30 ARAW NG DISYEMBRE KADA TAON AT BUMUO NG LUPON PARA MANGUNA SA TAMANG PAGDIRIWANG NG ARAW NI RIZAL SA BAWAT BAYAN AT LUNGSOD SA TAMANG KADAHILANAN - NILIKHA NG SENADO AT NG MABABANG KAPULUNGAN SA KONGRESO NG PILIPINAS SECTION 1. ANG BATAS AT KAUTUSANG ITO AY NAGBABAWAL SA PAGSASABONG, PAGKAKARERA AT JAI ALAI SA IKA-30 NG DISYEMBRE KADA TAON, ANG ARAW NG KAGITINGAN NG ATING DAKILANG BAYANING SI DR. JOSE RIZAL. SECTION 2. MAGIGING OPISYAL NA GAWAIN NG PUNONG BAYAN NG BAWAT MUNICIPALIDAD AT MGA SIYUDAD NA GUMAWA NG LUPON NA MANGUNGUNA SA TAMANG PAGDIRIWANG NG ARAW NI RIZAL KADA TAON, AT KUNG SAAN ANG PUNONG BAYAN, ANG KANILANG PINUNO AT SA KOOPERASYON NG MGA AHENSIYA, DEPARTAMENTO, OPISINA, KAWANIHAN NG GOBYERNO AT LOKAL NA INSTITUSYON. ANG ILAN SA MGA SEREMONYA AY ANG PAGLAGAY SA KALAHATI NG HAGDAN NG PAGTAAS NG BANDILA SA LAHAT NG PAMPUBLIKONG LUGAR. SECTION 3. ANG SINO MANG SUMUWAY SA KAUTUSAN AY PAGBABAYARIN NG KARAMPATANG MULTA NA HINDI SA DALAWANDAANG PISO O PAGKAKAKULONG NA HINDI LALAGPAS SA ANIM NA BUWAN O PAREHONG PARUSA SA PAGHATOL NG HUKUMAN. AT KUNG ANG NAGKASALA AY ANG PUNONG BAYAN KARAGDAGANG PARUSA NA IPAPATAW AY ANG PAGKASUSPENDI SA KANYANG TERMINO NG ISANG BUWAN. KUNG MAY PAGLABAG ANG ISANG KORPORASYON, AY MAYROONG PANANAGUTANG KRIMINAL ANG PRESIDENTE NITO, DIREKTOR O IBANG OPISYALES NITO. SECTION 4. ANG BATAS NA ITO AY EPEKTIBO MATAPOS ITO AY APRUBAHA 2. **PANUKALANGBATASBLG.438(SENATE BILLNO.438) \| APRIL3,1956** - INIHAIN NI SEN. CLARO M. RECTO AT SEN. JOSE P. LAUREL SA MATAAS NA KAPULUNGAN ANG SENATE BILL NO. 438 - "AN ACT TO MAKE NOLI ME TANGERE AND EL FILIBUSTERISMO COMPULSORY READING MATTER IN ALL PUBLIC AND PRIVATE COLLEGES AND UNIVERSITIES AND FOR OTHER PURPOSES" - HINDI NAGING MADALI ANG PAGKAPASA NG BATAS NA ITO SA MATAAS NA KAPULUNGAN - MAY MGA DI SANG-AYON SA PAG-AARAL NG NOLI AT EL FILI SA LAHAT NG UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO (DECOROSO ROSALES \-- KAPATID NI ARSOBISPO ROSALES, MARIANO CUENCO \-- KAPATID NI ARSOBISPO CUENCO, AT FRANCISCO "SOC" RODRIGO \-- DATING PANGULO NG CATHOLIC ACTION) - AYON SA KANILA, NILALABAG NG NATURANG PANUKALANG BATAS ANG KALAYAAN SA PAGPILI AT PANANAMPALATAYA - MAHIGPIT NA TUMUTOL ANG MGA KATOLIKONG GRUPO SA PAGPAPASA NG PANUKALANG BATAS NA ITO 3. **PANUKALANGBATASBLG.5561(HOUSE BILLNO.5561) \| APRIL19,1956** - IPINAKULA NI CONG. JACOBO Z. GONZALES ANG HOUSE BILL NO. 5561 - ANG PANUKALANG BATAS NA ITO SA MABABANG KAPULUNGAN AY NANGANIB NA MAIBASURA NOONG IKA-3 NG MAYO SA SIMULA NG DELIBERASYON DAHIL WALONG BOTO LAMANG ANG NAGING LAMANG NG 45 NA SUMANG-AYON SA 37 NA TUUMUTOL, AT MAY ISANG NAG-ABSTAIN (45-37 VOTES) - ANG DELIBERASYON SA MABABANG KAPULUNGAN AY NAGING MAAKSYON AT HUMANTONG PA SA SUNTUKAN 4. **BATASREPUBLIKABLG.1425(RA1425) \| JUNE12,1956** - OPISYAL NA NILAGDAAN NG PANGULONG RAMON MAGSAYSAY ANG BATAS REPUBLIKA BLG. 1425 - ANG BATAS NA ITO AY NAG-AATAS NA ISAMA SA UMIIRAL NA KURIKULUM NG BAWAT PAARALAN MAGING PRIBADO O PAMPUBLIKO MAN, SA LAHAT NG ANTAS NG PAG-AARAL (ELEMENTARYA, SEKUNDARYA, O KOLEHIYO) ANG PAG-AARAL SA BUHAY, GINAWA, AT SINULAT NI DR. JOSE RIZAL, LALO NA ANG KANYANG DALAWANG NOBELANG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO, PAGBIBIGAY KAPAHINTULUTAN SA PAGLILIMBAG AT PAMAMAHAGI NG MGA NABANGGIT NA AKLAT AT SA IBA PANG KAPAKINABANGAN. ANG MGA PROBISYON SA BATAS NA ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD: 1. KAILANGAN NA MASAMA SA KURIKULUM NG MGA MAG-AARAL SA ELEMENTARY HANGGANG SA KOLEHIYO ANG NOLI AT ANG EL FILI NG WALANG ANUMANG PAGBABAGO 2. GUMAMIT NG PRIMARYANG BATAYAN 3. KAILANGANG MAY SAPAT NA BILANG NG KOPYA NG EL FILIBUSTERISMO AT NOLI ME TANGERE SA MGA SILID-AKLATAN NG BAWAT PAARALAN 4. DAPAT AY NAKASALIN ANG MGA ITO SA FILIPINO, INGLES AT MGA WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS. 5. DAPAT MAGLIMBAG NG KOPYA NITO SA MURANG HALAGA O DI KAYA'Y NANG WALANG BAYAD. 6. KAILANGAN AY MAY KOPYA ANG MGA ORGANISASYON O HIMPILAN NG BARANGAY 5. **ANGKAUTUSANBLG.247S.1994 (MEMORANDUMORDERNO.247, S.1994) \| DECEMBER6,1994** - SA KAUTUSAN ITO NG MALACAÑANG AY INATASAN ANG KALIHIM NG EDUKASYON, KULTURA, AT SPORTS, AT ANG TAGAPANGASIWA NG CHED NA IPATUPAD ANG BATAS REPUBLIKA BLG. 1425 NA NAGUTOS NA ISAMA SA PAG-AARAL NG MGA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN, MGA KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD ANG BUHAY, MGA NAGAWA, AT NAISULAT NI JOSE RIZAL, LALO NA ANG MGA NOBELANG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO. **ANG LAYUNIN AT ITINADHANA NG BATAS RIZAL** **BATAS RIZAL (RA 1425)** ANG BATAS NA ITO AY NAGBIBIGAY NG PANGUNAHING KATWIRAN KUNG BAKIT ANG BATAS NA ITO AY KAILANGAN ISAGAWA AT IPATUPAD MATAPOS ITONG MAAPRUBAHAN. ANG PAGLILINAW AY KALAKIP ANG MGA SUMUSUNOD NA PROBISYON: UNA, ITO AY NAPATUNAYAN NA HIGIT PA SA KAHIT ANONG PAGKAKATAON SA ATING KASAYSAYAN AY KINAKAILANGANG ITALAGANG MULI ANG MGA MITHIIING PANGKALAYAAN AT NASYONALISMO NA SIYANG NAGIGING DAAN NG BUHAY AT IKINAMATAY NG ATING MGA BAYANI. ANG KALAYAAN AT NASYONALISMO AY DALAWANG IMPORTANTENG KATAWAGAN NA TOTOONG NASA PUSO NG ATING PAMBANSANG BAYANI NA SI DR. JOSE RIZAL PANGALAWA, NAPATUNAYAN NA SA PAGPAPARANGAL SA KANILA (MGA BAYANI), PARTICULAR NA SA ATING PAMBANSANG BAYANI AT MAKABAYANG SI DR. JOSE RIZAL, TAYO AY UMAALALANG MAY GILIW AT PAGMAMAHAL. ANG BATAS NA ITO AY MAGSISILBING HALIGI NA SIYANG MAGBIBIGAY KASIGURADUHAN SA MGA PILIPINO AT SA MGA SUSUNOD NA HENERASYON NA PANGANGALAGAAN ANG PINAGSIKAPANG KALAYAAN AT DALISAY NA DIWA NG NASYONALISMONG INIALAY NG ATING MGA BAYAN PANGATLO, NAPATUNAYAN NA ANG BUHAY, GAWA AT MGA AKDA NI DR. JOSE RIZAL PARTICULAR NA ANG KANYANG M GA NOBELANG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO, AY PAREHONG MATATAG AT NAKAPAGPAPALAB NA BUKAL NG PAGKAMAKABAYAN KUNG SAAN ANG KAISIPAN NG MGA KABATAAN LALO NA SA YUGTO NG KANILANG PAGSIBOL AT PAGKATUTO SA PARAAN NA DAPAT HUSTONG MAPUNAN PANG-APAT, NAPATUNAYAN NA ANG LAHAT NG MGA PAARALAN SA ILALIM AT SAKOP NG ATING ESTADO AY HINIHIKAYAT NA MAKIISA SA PAGHUBOG NG KATAUHANG MORAL, DISIPLINA SA SARILI, KONSENSYANG PANLUNGSOD (KOMUNIDAD) AT MAGTUTURONG TUNGKULIN NG ISANG MAMAMAYAN. **PAGPILI NG PAMBANSANG BAYANI SA PANAHON NG MGA AMERIKANO** NAGANAP ANG PAGPILI KAY DR. JOSE RIZAL BILANG BAYANING PAMBANSA NOONG PANAHON NG AMERIKANO SA PILIPINAS SA ILAIM NG PAAMAHALA NG GOBERNADOR SIBIL NA SI WILLIAM HOWARD TAFT. 1. WILLIAM HOWARD TAFT (SETYEMBRE 15, 1857 - MARSO 8, 1930) SIYA ANG 27 PANGULO NG ESTADOS UNIDOS NG AMERIKA (1909-1913) ITO ANG NAGING TULAY NIYA UPANG MAGING PANGULO NG ESTADOS UNIDOS AT NAGING GOBERNADOR SIBIL NG PILIPINAS NOONG 1901 HANGGANG 1904 SIYA ANG NANGUNA SA PAGPILI KAY DR. JOSE RIZAL UPANG MAGING PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS 2. WILLIAM MORGAN SHUSTER (1877-1960) SIYA AY NAGING CUSTOM COLLECTOR NG ESTADOS UNIDOS PARA SA CUBA NOONG 1899, AT NOONG SPANISH - AMERICAN WAR SIYA AY MAS NAKILALA SA KASAYSAYAN NG MUNDO BILANG PINAKAMAHUSAY NA TREASURER - GENERAL NG BANSANG PERSIA (IRAN) NOONG 1911. 3. BERNARD MOSES (1846-1930) COMMISSIONER NG BUREAU OF EDUCATION AT NANG HULI'Y NAGING KALIHIM NG PUBLIC INSTRUCTION NAKILALA SIYA SA KASAYSAYAN NG MUNDO BILANG PIONEER OF THE LATIN-AMERICAN SCHOLARSHIP 4. DEAN CONANT WORCESTER (OCTOBER 1, 1866 - 1924) KILALANG PULITIKO AT ZOOLOGIST SIYA NOO'Y KASAPI NG UNITED STATES PHILIPPINE COMMISSION AT COMMISSIONER NG INTERIOR GOVERNMENT NG BANSA. 5. HENRY CLAY IDE SIYA AY COMMISSIONER NG FINANCE AND JUSTICE NG PHILIPPINE COMMISSION 6. TRINIDAD HERMENIGILDO - PARDO DE TAVERA (1857 - 1925) KILALANG MAKA-AMERIKANONG CREOLE (MGA PILIPINONG MAY DUGO O PAMILYANG KASTILA NA IPINANGANAK SA BANSA) \-- LUBAO, PAMPANGA ISA SIYA SA TATLONG NAPILING KUMAKATAWAN SA BANSA SA SECOND PHILIPPINE COMMISSION BILANG ISANG RESIDENT COMMISSIONER. 7. GREGORIO SORIANO - ARANETA (1869 - 1930) SIYA AY ISA SA MGA PILIPINONG PINILI NG GOBERNADOR-HENERAL ELWELL OTIS BILANG KINATAWAN NG TRIBUNAL NA SIYANG IPINAPALIT SA REAL AUDENCIA (KATUMBAS NA KORTE SUPREMA) KASAMA SINA CAYETANO ARELLANO, FLORENTINO TORRES, MANUEL ARAULLO, JULIO LLORENTE, AT DIONISIO CHANCO) 8. JOSE LUZURIAGA ISA SA TATLONG UNANG PILIPINONG NAPILING KUMAKATAWAN SA BANSA SA SECOND PHILIPPINE COMMISSION BILANG RESIDENT COMMISSIONER (ANG ISA PA AY SI BENITO LEGARDA NA DI NAPILING MAGING BAHAGI NG LUPON NG PAGPILI) 9. CAYETANO ARELLANO (MARSO 2, 1847 - DISYEMBRE 23, 1920) SIYA ANG UNANG PUNONG MAHISTRADO NG KORTE SUPREMA NG PILIPINAS **ANG PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PAMBANSANG BAYANI** ISINAAYOS NI PROF. HENRY OTLEY BEYER, PROPESOR NG ANTROPOLOHIYA AT KATULONG SA TEKNIKO NG LUPON MULA SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, ANG NAGING PAMANTAYAN NG PAGPILI NG KOMISYON, AT ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD: 1\. ISANG PILIPINO 2\. NAMAYAPA NA 3\. MAY MATAYOG NA PAGMAMAHAL SA BAYAN (NAGPAPAKITA NG NASYONALISMO) 4\. MAY MAHINAHONG DAMDAMIN (CALM DISPOSITION) **ANG MGA PINAGPILIAN SA BAYANI NG LAHI** MARCELO H. DEL PILAR - BULAKAN, BULACAN - ISANG PROPAGANDISTA, HINDI NAPILI SAPAGKAT NANGIBABAW ANG PAGIGING PINUNO NANG MAGKAROON NG ALITAN SA PAGITAN NI RIZAL SA LA SOLIDARIDAD ANTONIO LUNA - BINONDO, MANILLA - BISANG PARMASYUTIKO AT HENERAL, HINDI NAPILI DAHIL SIYA AY SINASABING BUGNUTIN, MAY NAPATAY UMANONG ISANG SUNDALO, SA PAMILYA AT SA MGA KAPWA PILIPINO - HIGIT SA LAHAT, NAMATAY SIYA DAHIL SA KAPWA PILIPINO (HINDI KANAIS-NAIS O KADAKI-DAKILA ANG KAMATAYAN) GRACIANO LOPEZ-JAENA - JARO, ILOILO - ISA DING REFORMISTA AT PROPAGANDISTA, HINDI DIN NAPILI SA KADAHILANANG NAMATAY SIYA SA DEPRESYON (HINDI ANGKOP SA PAMANTAYAN O KADAKI-DAKILA ANG NAGING KAMATAYAN) EMILIO JACINTO - TONDO, MANILA - ISANG MANUNULAT AT KATIPUNERO, ISA SIYANG UTAK NG KATIPUNAN NA SUMUPORTA SA REBOLUSYON (WALANG MAHINAHONG DAMDAMIN) - JOSE RIZAL - CALAMBA, LAGUNA - ISANG REFORMISTA AT PROPAGANDISTA, ISANG PILIPINONG GINISING ANG KAISIPAN AT KAMALAYAN NG BANSA SA TOTOONG KALAGAYAN NITO - HUWARAN SA KAPAYAPAAN - PROMINENTENG TAONG MAY MALAKING AMBAG SA BANSA - KATAPANGAN SA PAGHARAP SA PANGANIB, TANYAG AT IKINARARANGAL ANG KAMATAYAN \* AYON SA TALA, MARAMING PUMILI KAY MARCELO H. DEL PILAR NGUNIT ITO AY KANILANG BINAGO AYON KAY DR. OTLEY H. BEYER, SA KADAHILANANG HIGIT NA NAGING MADULA ANG BUHAY AT KAMATAYAN NI RIZAL, LALUNG LALO NA ANG PAGIGING MARTIR NIYA SA BAGUMBAYAN **SI DR. JOSE RIZAL SA PANAHON NGAYON** "ANG HINDI MARUNONG LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY HINDI MAKARARATING SA PINAROROONAN" (HINDI MAKAKAMIT ANG TAGUMPAY NANG WALANG KASAMANG GABAY AT TULONG MULA SA PAMILYA) "ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN" (HINDI NIYA LAMANG IPINAGLABAN ANG BANSA SA MGA MANANAKOP KUNDI PATI NA RIN ANG KINABUKASAN NG BAGONG HENERASYON NG KABATAANG PILIPINO) "ANG GINAGAWA NILA AY PAGLAPASTANGAN EVEN IF IT IS IN THE MODERN CONTEXT. ANG TAONG GINAGAMIT NILA AY ISANG TAO NA EXCELLENT AT NAPAKAGANDANG HALIMBAWA BILANG ISANG TAO AT FILIPINO" - ELOISA DE CASTRO (PROPESOR) (HINDI NIYA LAMANG IPINAGLABAN ANG BANSA SA MGA MANANAKOP KUNDI PATI NA RIN ANG KINABUKASAN NG BAGONG HENERASYON NG KABATAANG PILIPINO **MODULE 2: ANG PILIPINAS SA IKA 19 -- DANTAON SA KONTEKSTO NI RIZAL** **POLITICAL CONTEXT** FRAILOCRACIA - THE PRINCIPLE OF THE UNION OF CHURCH AND STATE WAS PRACTICED IN ALMOST ABSOLUTE MONARCHIAL STATES SPAWNED IN THE COLONY AN INVISIBLE GOVERNMENT CALLED THE "FRAILOCRACIA " MEANING THE RULE OF THE FRIARS - A LOCAL GOVERNMENT THAT IS MAINLY CONTROLLED BY THE FRIARS - THE GOVERNANCE OF THE ARCHIPELAGO IS HANDLED ADMINISTRATIVELY BY THE GOVERNOR GENERAL, AND POLITICALLY BY THE FRIARS - CIVIL GOVERNANCE IS MAINLY AIMED AT ADMINISTERING AGRICULTURAL PRODUCTION THE GOVERNOR GENERAL - AS THE KING\'S REPRESENTATIVE AND THE HIGHEST-RANKING OFFICIAL IN THE PHILIPPINES, THE GOVERNOR-GENERAL SAW TO IT THAT ROYAL DECREES AND LAWS EMANATING FROM SPAIN WERE IMPLEMENTED IN THE PHILIPPINES. - HE HAD THE POWER TO APPOINT AND DISMISS PUBLIC OFFICIALS, EXCEPT THOSE PERSONALLY CHOSEN BY THE KING. - HE ALSO SUPERVISED ALL GOVERNMENT OFFICES AND THE COLLECTION OF TAXES. - THE GOVERNOR GENERAL EXERCISED CERTAIN LEGISLATIVE POWERS, AS WELL. - HE ISSUED PROCLAMATIONS TO FACILITATE THE IMPLEMENTATION OF LAWS THE PROVINCIAL GOVERNMENT - THE SPANIARDS CREATED LOCAL GOVERNMENT UNITS TO FACILITATE THE COUNTRY'S ADMINISTRATION. - THERE WERE TWO TYPES OF LOCAL GOVERNMENT UNITS -- THE ALCADIA AND THE CORREGIMIENTO. - THE ALCADIA, LED BY THE ALCALDE MAYOR, GOVERNED THE PROVINCES THAT HAD BEEN FULLY SUBJUGATED: THE CORREGIMIENTO, HEADED BY CORREGIDOR, GOVERNED THE PROVINCES THAT WERE NOT YET ENTIRELY UNDER SPANISH CONTROL. - THE ALCALDE MAYORS REPRESENTED THE SPANISH KING AND THE GOVERNOR GENERAL IN THEIR RESPECTIVE PROVINCES. THEY MANAGED THE DAY-TO-DAY OPERATIONS OF THE PROVINCIAL GOVERNMENT, IMPLEMENTED LAWS AND SUPERVISED THE COLLECTION OF TAXES. THROUGH THEY WERE PAID A SMALL SALARY, THEY ENJOYED PRIVILEGES SUCH AS THE INDULTO DE COMERCIO, OR THE RIGHT TO PARTICIPATE IN THE GALLEON TRADE THE MUNICIPAL GOVERNMENT - EACH PROVINCE WAS DIVIDED INTO SEVERAL TOWNS OR PUEBLOS HEADED BY GOBERNADORDCILLOS, WHOSE MAIN CONCERNS WERE EFFICIENT GOVERNANCE AND TAX COLLECTION. - FOUR LIEUTENANTS AIDED THE GOVERNARDORCILLO: THE TENIENTE MAYOR (CHIEF LIEUTENANT), THE TENIENTE DE POLICIA (POLICE LIEUTENANT), THE TENIENTE DE SEMENTERAS (LIEUTENANT OF THE FIELDS) AND THE TENIENTE DE GANADOS (LIEUTENANT OF THE LIVESTOCK) **ECONOMIC CONTEXT** (POLO Y SERVICIO, PARASITIC ECONOMIN RELATIONSHIP WITH SPAIN, GALLEON TRADE -- SUEZ CANAL, BANDALA SYSTEM) INDUSTRIAL REVOLUTION - NAGSIMULA SA HILAGANG EUROPA - NAGDALA NG MALAKING PAGBABAGO NG SOSYO-EKONOMIKO SA BUONG MUNDO - ITO ANG NAGBUNSOD SA MGA KASTILA NA BUKSAN ANG PILIPINAS SA KALAKALANG PANDAIGDIG - NAGING RESULTA NG PAGLAGO NG EKONOMIYA DAHIL SA PAGDAGSA NG MGA DAYUHANG NEGOSYANTE SA ATING BANSA GALLEON TRADE - MONOPOLYONG KALAKALANG IPINATUPAD NG PAMAHALAANG ESPANYOL SA MAYNILA AT SA ACAPULCO - 1565 - SI ANDRES URDANETA NA ISANG FRAILENG AUGUSTINO AY NAGLAYAG MULA CEBU PAPUNTANG ACAPULCO AT DITO AY NATUKLASAN ANG MGA RUTA MULA SA KARAGATANG PASIPIKO PAPUNTANG MEXICO -- - IPINANGALAN ANG KALAKALANG ITO SA MALALAKING BARKONG GALEON NA KARAMIHAN AY IPINAGAGAWA NG PAMAHALAANG ESPANYOL SA LALAWIGAN NG CAVITE AT SA IBA PANG BAHAGI NG PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG SAPILITANG PAGTRATRABAHO NG LIBO-LIBONG KATUTUBONG PILIPINO - NAGTAGAL ANG DAANAN HANGGANG 1821 - NAILULUWAS NG GALYON SA MAYNILA ANG MGA MAMAHALING BAGAY TULAD NG MGA KASANGKAPAN, PORSELANA, BULAK AT PILAK - NAGBIGAY DIN ANG DAANAN SA PAGBABAGO AT PAGBABAHAGI NG KULTURA NA NAKAHUBOG SA PAGKAKAKILANLAN NG DALAWANG BANSA - DALA-DALA RIN NG GALYON ANG TULONG NA PINANSYAL NG PAMAHALAANG KASTILA SA PILIPINAS NA TINATAWAG NA SITUADO REAL O TULONG NA ROYAL (250 PISO) TAON-TAON - DALA-DALA RIN NG GALYON ANG MGA KASULATAN, BATAS, KAGAMITAN, MGA PINUNO, AT MGA KAWAL NA KASTILA MULA ESPANYA - NGUNIT HINDI LAGING NAKIKINABANG ANG NANGANGALAKAL NG GALYON DAHIL MAY MGA PAGKAKATAONG ITO ' Y SINASALAKAY NG MGA MANGUNGULIMBAT NA OLANDES O INGLES SUEZ CANAL - ARTIPISYAL O LIKHA NG TAO NA DAANAN NG MGA BARKO AT IBA 'T IBA PANG URI NG SASAKYANG PANDAGAT - MAKIKITA SA BANSANG EHIPTO NA NAGKOKONEKTA NG RED SEA AT MEDITERRANEAN SEA - BINUKSAN ANG KANAL NA ITO UPANG MAGING DALUYAN NG PANDAIGDIGANG KALAKALAN AT KOMERSYO, NA MAARING GAMITIN NINO MAN KAHIT SA PANAHON NG GIYERA O KAPAYAPAAN BANDALA SYSTEM - SAPILITANG PAGBEBENTA NG MGA PRODUKTO NG PILIPINONG MAGSASAKA SA GOBYERNO SA MABABANG HALAGA - NAIREPORT ANG PANG-AABUSO SA HARI NG ESPANYA AT ITO AY NA-ABOLISH NOONG 1782 UPANG MAIWASAN ANG PAG-AALSA NG MGA MAGSASAKA POLO Y SERVICIOS - SAPILITANG PAGPAPATRABAHO SA MGA TAO SA LOOB NG 40 DAYS - LAHAT NG LALAKING PILIPINO NA MAY EDAD (16-60) AT CHINESE MESTIZOS **PAGBUBUKAS NG PILIPINAS SA KALAKALANG PANDAIGDIG** - NAKILALA ANG PILIPINAS BILANG TOP EXPORTER NG ILANG PRODUKTO GAYA NG ABAKA, TABAKO, AT TUBO - NAPABILIS ANG TRANSPORTASYON PARA SA MAAYOS NA PAGDADALA NG MGA PRODUKTO SA MGA IBA 'T IBANG LUGAR NG BANSA - DUMAMI ANG MGA BARKONG NAGPAPAUTANG SA MGA NEGOSYANTENG PILIPINO SA MAYNILA - NAPABILIS ANG PAGLALAKBAY AT PALITAN NG PRODUKTO SA IBANG BANSA - NAKATULONG SA PAG ANGAT NG PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO SA GANITONG SITWASYON, MARAMING MGA PILIPINO ANG YUMAMAN DAHIL SA PAGTATANIM AT PAKIKIPAGKALAKALAN. SILA ANG BUMUO NG GITNANG URI SA LIPUNAN NA UMUSBONG NOONG HULING BAHAGI NG IKA-19 SIGLO. ANG MGA NABIBILANG SA GITNANG URI AY ANG MGA NAKAPAG-ARAL SA EUROPA AT TINAWAG NA ILUSTRADO O "NALIWANAGAN ". SA HANAY NILA NAGMULA SINA JOSE RIZAL, MARCELO H. DEL PILAR, AT IBA PANG MGA PILIPINO NA NAGSULONG NG REPORMA PAGBABAGO **CULTURAL CONTEXT** ![](media/image2.png)**SOCIO-ECONOMIC-POLITICAL DIVISION** **MODULE 3: DR. JOSÉ PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONZO REALONDA** **DR. JOSÉ PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONZO REALONDA** - IPINANGANAK NOONG HUNYO 19, 1861, SA CALAMBA, LAGUNA - BINYAG - HUNYO 22, 1861, NI PADRE RUFINO COLLANTES. - NINONG - PEDRO CASAÑAS. - SI RIZAL ANG IKAPITO SA LABING-ISANG ANAK NG PAMILYA. - FRANCISCO MERCADO RIZAL (AMA) - TEODORA ALONSO REALONDA (INA **PINAGMULAN NG PANGALAN NI RIZAL** BUONG PANGALAN: JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONZO REALONDA **JOSE**: IPINANGALAN SA KANYA MULA KAY SAN JOSE, ANG PATRON NA IPINAGDIRIWANG TUWING MARSO 19. **PROTACIO**: IPINANGALAN MULA SA KALENDARYO NG MGA SANTO NG SIMBAHANG KATOLIKO. **MERCADO**: GALING SA KANYANG NINUNO NA SI DOMINGO LAMCO, ISANG MANGANGALAKAL NA INTSIK. **RIZAL**: NAPILI NI FRANCISCO BILANG APELYIDO MULA SA SALITANG KASTILA NA \"RICIAL, \" NA NANGANGAHULUGANG \"LUNTIANG BUKIRIN, \" NA AKMA SA KANILANG PAGIGING MAGSASAKA. **REALONDA**: NAGMULA SA APELYIDONG GINAGAMIT NG KANYANGINA NA KINUHA NAMAN SA KANYANG NINANG. **ALONZO**: MATANDANG APELYIDONG PAMILYA NG KANYANG INA **KABATAAN AT PAGSISIMULA SA PAG-AARAL** - ANG UNANG GURO NI JOSE RIZAL AY ANG KANYANG INA, NA NAGTURO SA KANYA MAGBASA SA EDAD NA TATLONG TAON. - GINAMIT NILA ANG AKLAT NA "AMIGO DE LOS NIÑOS" AT DITO NIYA UNANG NAKILALA ANG KWENTO NG GAMU-GAMO, NA NAGING MAHALAGA SA KANYANG BUHAY. - SA EDAD NA LIMA, NABASA NA NIYA ANG BANAL NA KASULATAN SA KANILANG TAHANAN. - SA GULANG NA WALONG TAON, NAISULAT NIYA ANG KANYANG UNANG TULA NA \"SA AKING MGA KABATA\" NA NAGPAPAHAYAG NG PAGMAMAHAL SA WIKA. **PAG-AARAL SA PAGLIPAT SA BIÑAN, LAGUNA** - SA GULANG NA SIYAM, IPINADALA SI RIZAL SA BIÑAN, LAGUNA UPANG MAG ARAL SA ILALIM NI MAESTRO JUSTINIANO AQUINO CRUZ. - SI JOSE AY KILALA BILANG NAPAKATALINO AT NAUNA SA KANYANG MGA KAKLASE, LALO NA SA MGA ASIGNATURANG LATIN AT ESPANYOL. - DITO RIN NIYA NATUTUNAN ANG MULTIPLICATION TABLE AT NAGING TANYAG DAHIL SA KANYANG TALINO AT KAKAYAHAN SA PAKIKIPAGSUNTUKAN, MATAPOS MATALO ANG ISANG KAKLASENG MAS MATANDA SA KANYA **PAG-AARAL SA ATENEO DE MUNICIPAL** - IPINADALA SI RIZAL SA ATENEO DE MUNICIPAL SA MAYNILA NOONG 1872. - NOONG UNA AY HINDI SIYA TINANGGAP DAHIL NAHULI SIYA SA PAGPAPATALA AT NAPAKALIIT PARA SA KANYANG EDAD. - TINANGGAP SIYA SA TULONG NG KANYANG NINONG, SI G. MANUEL XEREZ BURGOS. - SA KANYANG UNANG TAON, TINANGHAL NA PINAKAMAHUSAY NA MAG-AARAL, TINAWAG NA \"EMPERADOR\" NG KLASE. - NAGTAPOS SI RIZAL NG \"BACHILLER EN ARTES\" NOONG 1877, NAKATANGGAP NG LIMANG MEDALYA. - NAGING MAHUSAY SIYA SA MGA ASIGNATURANG PILOSOPIYA, PHYSICS, CHEMISTRY, AT NATURAL HISTORY. - PATULOY ANG KANYANG PAGKAHILIG SA PAGSUSULAT NG MGA TULA AT PANITIKAN, KABILANG ANG TULANG \"MI PRIMERA INSPIRACION\" NA KANYANG INIALAY SA KANYANG INA **PAG-AARAL SA UST** - NAG-ARAL NG PILOSOPIYA AT MEDISINA. - KAHIT NA MAHUSAY SI RIZAL SA KANYANG MGA KURSO, NAKARANAS SIYA NG DISKRIMINASYON MULA SA MGA DOMINIKANO NA NAMAMAHALA SA UST. - NAGING AKTIBO RIN SI RIZAL SA MGA PATIMPALAK SA PAGSUSULAT AT NANALO SA ILANG MGA PALIGSAHAN TULAD NG \"A LA JUVENTUD FILIPINA (ANG PILIPINAS AY BAYAN NG MGA PILIPINO)\" - HINDI NASIYAHAN SI RIZAL SA PAMAMALAKAD NG UST, LALO NA SA PAGKILING NG MGA DOMINIKANO SA MGA ESTUDYANTENG ESPANYOL AT KANILANG MABABANG PAGTINGIN SA MGA PILIPINO. - MATAPOS ANG APAT NA TAON NG PAG-AARAL SA MEDISINA, NAGDESISYON SIYANG IPAGPATULOY ANG PAG-AARAL SA EUROPA, ISANG HAKBANG NA SUPORTADO NG KANYANG KAPATID NA SI PACIANO (UNIVERSIDAD CENTRAL DE MADRID) **BUHAY PAG-IBIG NI RIZAL (4 / 11)** **JULIA (MINANG)** - UNANG TINATAWAG NA \"PUPPY LOVE\" NI RIZAL. - NAKILALA NIYA SI JULIA NOONG ABRIL 1877 SA LOS BAÑOS, LAGUNA. - NABANGGIT ANG PANGALAN NG DALAGA HABANG NANGHUHULI NG PARUPARO AT SILA\'Y NAGING MAGKAIBIGAN. **SEGUNDA KATIGBAK** - ANG UNANG SERYOSONG PAG-IBIG NI RIZAL (FIRST LOVE) - NAKILALA SIYA NI RIZAL SA EDAD NA 14. - NGUNIT HINDI NAGTAGAL ANG KANILANG RELASYON DAHIL NAKATAKDA NANG KASAL SI SEGUNDA SA ISANG LALAKING NAGNGANGALANG MANUEL LUZ **LEONOR RIVERA (TAIMIS)** - SI LEONOR AY PINSAN NI RIZAL AT NAGING KASINTAHAN NIYA SA LOOB NG 11 TAON. - SIYA ANG INSPIRASYON SA KARAKTER NI MARIA CLARA SA \*NOLI ME TANGERE \* AT \*EL FILIBUSTERISMO \*. - NGUNIT, HINDI SILA NAGKATULUYAN DAHIL SA PAGTUTOL NG INA NI LEONOR, NA NAGPLANO NG KASAL NI LEONOR KAY HENRY KIPPING. **JOSEPHINE BRACKEN** - ISANG IRISH MULA SA HONG KONG. - DUMATING SIYA SA DAPITAN KASAMA ANG KANYANG AMAIN UPANG MAGPATINGIN NG MATA KAY RIZAL. - NAGING MAGKASAMA SILA NI RIZAL SA DAPITAN AT NAGKAANAK NG ISANG SANGGOL (FRANCISCO) NA HINDI NABUHAY NANG MATAGAL. - BAGAMAN TINUTULAN NG PAMILYA RIZAL, SI JOSEPHINE ANG NAGING KASAMA NI RIZAL HANGGANG SA KANYANG MGA HULING ARA