Talambuhay ni Dr. Jose Rizal at Manuel L. Quezon PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng talambuhay nina Dr. Jose Rizal at Manuel L. Quezon. Mga impormasyon tungkol sa kanilang buhay, mga nagawa, at mga pangyayari na naganap sa kanilang mga buhay. Makikita rin ang mga details tungkol sa kanilang mga nobela at mga ambag sa Pilipinas.

Full Transcript

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipin...

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta). Si Manuel Quezon ay ipinanganak sa Baler,Quezon(ngayo'y Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Molina. Si Manuel ay unang nag-aral sa Baler at pagkatapos ay sa san Juan de Letran kung saan niya tinanggap ang ayan ng pagiging dalubhasa sa Siyensya ng Matematika. Siya ay umanib sa Katipunan nang siya ay labing-walong taong gulang pa lamang. Sa gulang na dalawampu't isa ay umanib siya sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Naging piskal sa edad na 25 at naging gobernador sa edad na 28. Siya rin ay naging Komisyunado Residente nang siya ay 31, pangulo ng Senado nang siya ay 38 at sa edad na 56 ay naging Pangulo ng pilipinas Pinatupad niyang maging piesta opisyal ang kapanganakan ni Bonifacio at siya rin ang nagpagawa ng bantayog nito sa green park. Gumawa siya ng hakbang upang magkaroon ng Wikang Pambansa na hango sa isang diyalekto sa kapuluan. Kung kaya't ang naging pambansang wika ng bansa ay Filipino. At ito ang naging dahilan kung kayat tayo ay nagdiriwang ng Linggo ng Wika sa buwan ng kanyang Kapanganakan. Si Manuel Quezon ay naging kagawad ng Pacific War Council at noong Hunyo 14, 1942, siya ang unang Pilipinong lumagda sa Nagkakaisang Bansa o United Nations. Si Manuel Quezon ay namatay noong Abril 15, 1948 dahil sa sakit na tuberculosis at nilibing sa Arlington National Cemetery sa Washington at inilipat ang kanyang labi sa Lungsod ng Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser