Pagpoproseso ng Impormasyon PDF

Summary

This module is from Don Honorio Ventura Technological State University and covers information processing in Filipino communication. It details the process of research and communication, the selection of sources, analysis of sources, and building personal evaluations based on the information.

Full Transcript

lOMoARcPSD|30220479 Pagpoproseso NG Impormasyon Kontekstwalisasong Komunikasyon sa Filipino (Don Honorio Ventura Technological State University) Scan to open on Studocu Studocu is not spon...

lOMoARcPSD|30220479 Pagpoproseso NG Impormasyon Kontekstwalisasong Komunikasyon sa Filipino (Don Honorio Ventura Technological State University) Scan to open on Studocu Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph MODYUL PARA SA KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Page 1 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph ARALIN 4: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay maaaring maging maalam sa mga sumusunod na paksa: 1. Ang Pananaliksik at Komunikasyon 2. Ang Pagpili ng Batis o Hanguan ng Impormasyon 3. Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon 4. Pagsusuri ng Batis o Hanguan ng Impormasyon 5. Pagbubuos at Pag-uugnay ng Impormasyon 6. Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon Page 2 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph ARALIN 4: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON Panimula Bahagi ng ating araw-araw na pamumuhay ang makisalamuha sa kapwa at ito ay nagaganap sa pamamagitan ng pakikipagkomunikasyon. Hindi tayo maaaring mabuhay na mag-isa kailangan natin ang isa’t isa upang tayo ay umiral. Ang komunikasyon ay galling sa salitang Latin na “communis” nangunguhulugang para sa lahat, berbal man o di-berbal. Tayong mga Pilipino ay namumuhay sa lipunan na aktibo ang komunikasyon kaya’t tayo ay kinikilala sa buong mundo sa katangiang ito. Maraming beses nang napatunayan na madali tayong magkaroon ng kaibigan kahit minsan pa lamang tayong pumunta sa isang lugar at ito ay natalakay na sa mga naunang kabanata. Sa ating pakikipagkomunikasyon, napakahalagang makuha at maunawaan natin ang mensaheng nais ipaabot ng ating kausap nang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Maraming tao ang hindi nagkakasundo dahil sa maling pagpoproseso ng impormasyon na ibinahagi o tinanggap kaya’t mahalaga na malawak ang ating kaalaman sa paglalahad at ang tamang pag- unawa nang maiwasan ang pagtatalo. Napakalaki ng maitutulong ng kabanatang ito sa ating paglinang sa kasanayang makakuha ng angkop ng impormasyong maaari nating ibahagi at ang tamang paraan ng pagpoproseso nito. A. Ang Panaliksik at Komunikasyon Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Di-lamang itinutumbas sa tesis, disertasyon, papel pantermino o artikulo sa journal. Isang batayang gawain hindi lamang sa loob ng akademya at laboratoryo, kundi pati sa labas nito, maging sa pang-araw-araw na pamumuhay (Salazar, 2016). Pagsasaliksik - minimithi ang” pagtatamo ng karunungan” na batay sa masusing “pagsusuri ng ebidensya” at tungo sa “higit na matatag na direksyon sa pananaw at pamumuhay ng tao”. (Almario, 2016a. p.2) Page 3 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko, at kritikal na pag- imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon. Idinagdag nina Atienza (1996) at Lartec (2011), ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan. Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco (1998) na ang pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat. Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa nalalaman. Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya. Bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag- oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napagalaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Ang isang pananaliksik ay mag iba’t-ibang katangain, ito ay ang pagiging:  Sistematiko  Empirical  Mapanuri  Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda  Akyureyt na imbestigasyon  Matiyaga at hindi minamadali  Nangangailan ng tapang  Maingat na pagtala at pag-uulat Ito ay nagagamit sa pakikipag-komunikasyon at ito’y isang hakbang upang ang bawat tao ay magkaintindihan at mapalawak pa ang kaalaman. Nakakatulong rin ito upang matukoy at malaman ang pamamaraan ng pagbasa at pananaliksik sa komunikasyon. Page 4 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph B.Pagpili ng Batis o Hanguan ng Impormasyon PRIMARYANG BATIS  Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang kaugnayan dito. Ito rin ay naglalaman ng nang imporamasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag- usapan sa kasaysayan. Nagpoprodyus sa panahon kung kailan nagaganap ang pangyayari o saglit lamang pagkatapos nito. Halimbawa: Dyaryo, mga letrato, mga liham, mapa, likhang sining (ginagawa sa panahon ng pagkaganap ng pangyayari). SEKONDARYANG BATIS  Nagpoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng pangyayari. Karaniwang gumagamit ng pangunahing batis bilang sanggunian. Ang ganitong uri ng mapagkukunan ay isinulat para sa isang malawak na madla at isasama ang mga kahulugan ng disiplina tiyak na mga tuntunin, kasaysayan na may kaugnayan sa paksa, makabuluhang mga teorya at prinsipyo, at mga buod ng mga pangunahing pagaaral o mga kaganapan na may kaugnayan sa paksa. Halimbawa: Dyaryo, mga libro, dyornal, pananaliksik at iba pa. IBA’T IBANG PARAAN SA PAGHANGO NG BATIS NG IMPORMASYON 1. Pagtatala -Ang ibig sabihin ng pagtatala ay ang pag-iisa-isa ng mahahalagang impormasyong kinalap o kinuha sa iba’t ibang sanggunian katulad ng aklat, diyaryo, magasin at iba pa. Maaari din na ang impormasyon ay kinalap sa pamamagitan ng panayam o pagtatanong sa mga taong may sapat na kaalaman sa paksa. 2. Paggamit ng internet -Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko. Page 5 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph 3. Debrief -Matapos ang pagkuha ng mga impormasyon ay maaaring umpisahan na ang pagkakaroon ng diskusyon hinggil sa mga impormasyon na nakalap. Maaaring makatulong sa pag-uusap na ito ang paggamit ng mg graphic organizer upang Makita ang mga impormasyon na magkakaugnay at mga impormasyon na dapat nang hindi isama. 4. Mga Koneksiyon -Magiging malinaw ang pananaliksik kung malalaman ang koneksiyon nito sa buhay. Sa ganitong paraan ay maaaring makatulong ito upang mas maunawaan ang mga impormasyon at aral na makukuha habang nagsasaliksik sa particular na paksa. Hanguang Elektroniko o Internet Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga informasyon o datos. Sa isang pindot lamang ng daliri ay may mayamang inpormasyon ka nang makukuha. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng kumbinasyon ng serbisyong postal, telepono, at silad-aklatan. Sa internet ay maaari ka ring magpadala ng liham- elektroniko o e-mail sa alin mang panig ng mundo. Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telepono. Kung ang internet ay maaaring pagkunan ng impormasyon o datos, nangangahulugan lamang na malaking tulong ito sa pananaliksik. May ilan lamang katanungan sa kawastuhan ng paggamit nito, gaya lamang ng mga sumusunod: Gaano kahalaga ang informasyong manggagaling sa internet? Ano-ano ang sukatan ng kahalagahan nito? Narito ang mga ilang payo hinggil sa bagay na ito: Anong uri ng website ang iyong tinitingnan? a. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa.edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko. Halimbawa: http://www.university_of_makati.edu Page 6 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph b. Ang.org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang.com ay mula sa komersyo o bisnes. Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org www.yahoo.com c. Ang.gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan. Halimbawa: www.makaticity.gov www.tourism.gov Sino ang may akda?  Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa internet nang sa gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumpleto. Kadalasan kasi ay kalakip ng impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at kwalifikasyon. Kung gayon, maaaring iverifay ang mga impormasyon hinggil sa kanilang pagkatao. Kung wala ito, mahirap paniwalaan ang kanilang akda. Ano ang layunin?  Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website. Nais bang magbahagi ng informasyon o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning napakaluwag ng pagpasok ng mga informasyon sa internet. Samaktwid, maaari rin itong magamit sa pagpapakalat ng maling propaganda at mga pansariling interes. Paano inilahad ang impormasyon? Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung may bias at prejudice ang teksto. Makatotohanan ba ang teksto? Alamin kung ofisyal o dokyumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang website nang sa gayo’y maikumpara ito sa ibang nang matimbang kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi. Ang informasyon ba ay napapanahon? Mainam kung ang informasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling revisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi. Gamitin ang mga payo o tips na nailahad sa pag-eevalweyt ng mga informasyon o datos. Mahalaga ito upang maging akyureyt ang pagsulat ng pananaliksik. Page 7 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph C.Pagbabasa at Pananaliksik ng Imposmasyon Ang komunikasyon sa pagbasa at pananaliksik ay nakakatulong upang ito’y mas lalo pang maintindihan. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga salita (Anderson, 1998). Ayon naman kay Huffman (1998) ang pagbasa ay parang pagtatanong na nakalimbag mula sa teksto at pagbabasa na may pangunawa na nagiging dahilan upang ang mga tanong ay masagot. Samantala ang pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuha ng mga impormasyon upang sa ganoon ay mas lalong maintindihan ang bawat bagay. MGA LAYUNIN SA PAGBASA: 1) Nagbabasa upang maaliw. 2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito. 3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral. 4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating. 5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba sa kulturang kinagisnan. Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S. Gray na siyang kilala bilang isang ama ng pagbasa. Ito ay ang Pagkilala, Pag-unawa, Reaksyon at Assimilasyon at Integrasyon. Pagbasa Ang pagbasa ay mayroong apat (4) na teorya. Ito ay ang: 1) Bottom-up  Ang teoryang bottom-up ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran at sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. 2) Top-down  Ang teoryang ito ay nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayang maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. 3) Interaktib  Bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Page 8 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph 4) Iskema  Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Pagpapaunlad ng Pagbasa Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at naglalayong umunlad ang kakayahan ng mambabasa. Ang talasalitaan at ang mga kaayusan ng pangungusap ay kontrolado at sumusunod sa takdang criterion para sa pagkasunod-sunod. 1. Iskiming  Ang mambabasa ay kailangang hanapin o tukuyin kung ang aklat o ang materyales ay isinulat ng isang dalubhasa na sa tiyak at dapat makita kung ito ba ay naglalaman ng impormasyon. 2. Overviewing  Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw. 3. Survey  Ang mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuhan ng ideya ng materyales. 4. Iskaning  Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang mambabasa ay kailangan hanapin ang mga impormasyon na kanyang gusting malaman. 5. Previewing  Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan. 6. Kaswal  Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na tinitingnan ang bawat salita na ibinibigay. 7. Pagtatala  Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya hindi niya maintindihan o napakahirap na salita. Page 9 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph 8. Re-reading o Muling Pagbasa  Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay inuulit ang pagbasa upang sa ganoo’y ito ay mas lalong maintindihan. D. Pagsusuri ng Batis o Hanguan ng Imposmasyon Para sa maraming tao, itinuturing natin ang kasalukuyang panahon bilang panahon ng impormasyon o information age. Dahil sa mabilis na pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon – mula sa mga pahayagan, magasin, libro, radyo, telebisyon, kompyuter at sa internet. Ngunit paano tayo nakasisiguro na ang lahat ng impormasyong ating nakukuha ay kapaki-pakinabang, wasto at mapagkakatiwalaan? Ang pagkukumpara ay ang proseso ng pagsusuri ng dalawa o mas madaming tao, bagay o ideya upang makita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba nila. Subalit, madalas ginagamit ang salitang pagkukumpara upang ipakita ang pagkakapareho samantalang ang pag-iiba para ipakita ang pagkakaiba. Ang katotohanan o fact ay isang klase ng impormasyon na walang kaduda-duda at maaring mapatunayan na totoo. Ang mga ito ay bihirang nag-iiba sa magkakaibang pinanggagalingan ng impormasyon. Halimbawa: “Mayaman sa protina ang karne” ito ay isang katotohanan na maaring mapatunayan. Maari mong tanungin ang iyong nutritionist o kaya’y magbasa ng mga libro ukol sa nutrisyon. Ang mga facts o katotohanan ay isang klase ng impormasyon na mahalaga sa iyo sa pagpaplano, paggawa ng mga desisyon, at iba pang mahahalagang mga gawain. Paano mo mapapatunayan na ang isang klase ng impormasyon ay isang fact at may katotohanan? Kung hindi nagbabago ang mga impormasyon kahit magkakaiba ang pinanggalingan nito, siguradong katotohanan ito. Halimbawa, maraming tao ang nagsasabi na malamig ang klima sa Baguio, Tagaytay at Malaybalay kung ikukumpara sa ibang bahagi ng Pilipinas, kung kaya’t maaari nating sabihing katotohanan ito. Ngunit hindi sapat ang mga pahayag na ito. Upang mapatunayan mo na talagang malamig sa mga lugar na nabanggit, maari kang magtanong sa mga eksperto kagaya ng PAGASA. Maari ka ring magpunta sa mga lugar na ito upang malaman kung ito ay totoo o hindi. Ang mga opinyon ay pahayag na base sa mga saloobin at pagpapalagay. Maaaring mag-iba ang mga ito sa pinagmumulan ng impormasyon at hindi ito maaring mapatunayan. Page 10 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph Heto ang ilang mga halimbawa ng opinyon:  Pumupunta lamang sa Pilipinas ang mga dayuhan para magnakaw ng ating natural resources.  Magnanakaw lahat ang mga politiko.  Mas ligtas maglakbay sa bus kaysa sa barko. Lahat ng ito ay opinyon dahil hindi naman sila napatunayan na totoo at hindi naniniwala ang lahat ng tao na ito ay totoo. Dapat matuto kang kumilala ng katotohanan at opinyon dahil kung hindi, madali kang malilinlang sa mga maling impormasyon. Halimbawa: Kung mayroon kang kaibigan na nagsabing hindi bagay sa iyo ang t-shirt o damit na suot mo, maari mong isipin na ang sinabi niya ay isang katotohanan at hindi na isuot ang damit na iyon. Ngunit dapat mong isipin na isang opinyon ang kanyang sinabi at hindi katotohanan. Maaring may kaibigan kang nagsabi na bagay sa iyo ang damit na yon. Iba-iba ang opinyon ng mga tao sa isang bagay. Hindi ibig sabihin nito na ang iba ay totoo at ang iba ay mali. Hindi mapapatunayan na totoo ang mga opinyon, ngunit hindi ibig sabihin na ito ay mali. Kung tutuusin, mas mahirap ngang makilala kung ang opinyon ay totoo. Maraming napapaaway na mga tao dahil sa magkaibiang opinyon sa mga bagay-bagay. Upang maiwasan ito, dapat subukan mong irespeto ang opinyon ng ibang tao, huwag isipin na tama ito o mali sa halip tingnan ito bilang personal na pagkiling o paniniwala tungkol sa mga bagay at impormasyon. Ang bayas o pagkiling ay isang inklinasyon o pagkagusto na pumipigil sa isang pinagmumulan ng impormasyon na maging wasto. Halimbawa: Hindi ka dapat maniwala sa lahat ng sinasabi ng salesman tungkol sa produkto dahil mukha naman talagang bayas siya dito. Kailangan niyang magsabi ng mga kanais-nais na bagay tungkol sa produkto na ito upang ganahan kang bumili sa kanya. Minsan, ang isang pinanggagalingan ng impormasyon ay talagang tutok sa pagprotekta ng isang opinyon na nawawala na ang kanyang abilidad sa pagtingin ng katotohanan. Ang taong iyon ay sinasabing may bayas. Maari itong mangyari sa isang tindero na nais makabenta, sa isang politiko na nais manalo sa darating na eleksiyon, sa isang pahayagan na nais magkaroon ng maraming mambabasa, isang magulang na nais lamang protektahan ang kanyang mga anak, atbp. Kahit sino ay maaaring maging bayas kapag mayroon itong motibo o layunin na nasasaisip. Mahalaga na may kaalaman ka sa bayas o pagkiling sa isang impormasyon upang hindi ka madaling malilinlang sa mga nakukuha mong balita. Ngunit madali bang matuklasan ang mga pagkiling lalo na kapag wala ka masyadong alam sa pinanggalingan ng impormasyon? Ang kahit anong impormasyon na walang sapat na katotohanan ay maaaring may bayas. Page 11 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph TATLONG YUGTO NG PANANALIKSIK SA SILID-AKLATAN Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliografi, indeks at hanguang elektroniko o internet. Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin. Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer printouts, at iba pang sanggunian. Ang tatlong yugtong ito ay dapat sundin kung gusto ng isang mananaliksik na maging sistematiko ang kanyang pananaliksik. Talakayin natin ang unang yugto – ang panimulang paghahanap. Maliban sa mga aklat na nasa loob ng silid-aklatan, makabubuting sumangguni rin sa mga magazin, dyaryo, at iba pang babasahin. Kaugnay ng paghahanap ng mga kard katalog, kailangang batid ng isang mananaliksik kung anong uri ng kard katalog ang kanyang kailangan at hahanapin. Dahil nga sa kalawakan ng koleksyon ng mga libro, sadyang inihanda ang isang tanging lugar sa aklatan na dapat na unang lapitan ng mga mananaliksik. Sa ngayon, ang kard atalog ay hindi na lamang mga kabinet na nakaayos ng alfabetikal kundi nakaprograma na rin ito sa mga kompyuter (kung ang aklatan ay moderno na). Tinukoy nina Bernales, et al. (2001) ang mga sumusunod na uri at gamit ng kard katalog sa aklat nilang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. 1. Kard ng Paksa (Subject Card)  ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa mananaliksik ay ang kanyang paksang tatalakayin. Nangunguna sa entri ng kard na ito ang mismong paksa bago pa ang ibang informasyon tulad ng awtor at pamagat ng libro. 2. Kard ng Awtor (Author Card)  ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kanyang paksa. Nangunguna sa entri ng kard na ito ang pangalan ng awtor bago pa ang ibang entris. 3. Kard ng Pamagat (Title Card)  ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong familyar sa kanila. Page 12 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph Sa ikalawang yugto, pagsusuri ng mga nakuhang impormasyon o datos ang dapat isagawa. Gamitin ang mga kasanayang browsing, skimming, at scanning sa mga aklat at artikulong posibleng magamit sa pagsulat ng pananaliksik. Alamin kung ito’y may kaugnayan sa paksang tinalakay at makatutulong sa isinasagawang pananaliksik. Sa bahaging ito, ang mga napiling informasyon o datos ay kailangang salain upang malaman kung magagamit ito, gayundin ang dapat gawin sa mga sangguniang hindi makatutulong sa pananaliksik. Gamitin ang mga sumusunod na gabay na tanong sa pagsusuri ng mga nakalap na sanggunian. 1. Ano ang kaugnayan nito sa paksa?  Isinasagawa ang pananaliksik upang tugunan ang isang paghahanap o pangangailangan. Tiyaking ang mga informasyon sa mga sanggunian ay tumatalakay sa paksa ng pananaliksik. Magagamit mo ba ang aklat ukol sa sayaw na pinamana ng mga dayuhan halimbawa sa paksang katutubong sayaw? 2. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapaglathala?  Hindi mo nanaising pagdudahan ang iyong gawa, hindi ba? Kung gayon makabubuti kung ang sumulat ng mga sanggunian ay mapagkakatiwalaan o mga awtoridad sa paksa. Tingnan kung may sapat na kaalaman at karanasan ang mga akda sa kanyang paksang sinusulat. Pakaisipin mo: Gaano kahalaga ang impormasyong makukuha ukol sa pag-awit mula sa akdang isinulat ng isang mananayaw? 3. Makatotohanan ba ito?  Ang pagiging makatotohanan ay hindi lamang nasusukat sa may-akda. Ang totoo noon ay maaaring kasinungalingan na ngayon. Hangga’t maaari ay iwasan ang mga sangguniang limang taong mahigit na sa tagal, maliban kung ang sanggunian ay isang hanguang primarya. Kaugnay nito, iwasang gumamit ng sanggunian mula sa tabloyd, digest at review. Bakit? Sapagkat ang mga nakalathala rito ay malamang na hindi siyentifiko ang pagkakasulat o lumaktaw sa masinop na pangangalap at pagtitiyak ng datos. Piliting gumamit ng mga sangguniang magagamit bilang mabigat at malakas na evidensya. E.Pagbubuod at Pag-uugnay ng Imposmasyon Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan ng papapaikli ng anomang teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at atutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda. Wala kang isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa. Page 13 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit nakatotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda (The Silent Learner, 2017). Ito ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento ang binubuod o nilalagom, kailanganang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang ekspositori, maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad (The Silent Learner, 2017). Halimbawa: Buod ng Rama at Sita Nakatira ang mag-asawang Rama at Sita kasama si Lakshamanan sa gubat noong ipinatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. At kaya hindi maiwasan ang mga higanteng tulad ni Surpnaka, ang kapatid ni Ravana na hari ng mga higante at demonyo, na nagpanggap bilang babae at tinukso si Rama. Ngunit hindi siya nagtagumpay at nahagip pa ni Lakshamanan ang kanyang tenga at ilong. Nagsinungaling si Surpnaka kay Ravana tungkol sa nangyari sa kanya upang makapaghiganti kay Rama at ito ay sa pamamagitan ng pagbihag kay Sita ni Ravana upang gawing asawa. Pinatawag niya si Maritsa, na may galing na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis, upang maging parte ng patibong upang mabihag si Sita. Nagpanggap na isang gintong usa si Maritsa at nasilaw naman sa patibong si Sita. Biglang tumakbo ang gintong usa at hinabol naman ito Rama ngunit sina Sita at Lakshamanan ay naghintay lang dahil ang bilin sa kanya ay bantayin si Sita. Nangamba si Sita ng tumagal ng hindi pa bumabalik si Rama kaya pinilit niya si Lakshamanan na hanapin si Rama. Ngunit hindi siya pumayag kaya nagalit pinaratangan ni Sita si Lakshamanan na sakim at gusto niya lang mamatay ang kanyang kapatid upang siya ang maging hari. Nasaktan si Lakshamanan sa narinig niya kaya hinanap niya si Rama at iniwan si Sita. Biglang lumabas si Ravana at nagpanggap bilang isang matandang paring Brahmin ngunit hindi siya nakapagpigil kay Sita at inalok siya na limang libong alipin at gagawing reyna ng Lanka kaya biglang natakot at tinulak niya si Ravana. Bumalik sa anyong higante at isinakay si Sita karwahe na may mga kabayong malalapad ang pakpak. Nasundan naman sila ng isang agila ngunit pinagtataga lang ito ni Ravana. Bumagsak ang duguang agila sa lupa at nakita nila ito kung saan sinabi ng agila ang nangyari. Humingi ng tulong si Rama sa hari ng mga unggoy at naghanda upang salakayin ang Lanka. Nagkaroon ng labanan kung saan maraming kawal na unggoy ang namatay ngunit mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Matagal na naglaban naman sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Umiiyak na tumakbo si Sita at niyakap ng mahigpit si Rama at muli silang nagsama ng maligaya. IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBUBUOD Ayon naman kay Javier (2017), may iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang magugnay ng impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o Sinopsis. Page 14 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph  Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na “parapahrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag."  Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon. Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina. PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD  Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.  Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin atpinakamahalagang kaisipan ng talata.  Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.  Gumamit ng sariling pananalita.  Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda. KATANGIAN NG PAGBUBUOD  Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa paksa.  Hindi inuulit ang mga salita ng may akda at gumagamit tayo ng sarili nating mga salita.  Ito ay pinaikling teksto. Ang pag-uugnay ng impormasyon naman ay ginagawa upang mas maintindihan ang tekstong nais ipahayag. Dito maaari tayong maglagay ng sarili nating opinyon. Maari tayong magsadula dito para mas malawakang maintindihan ang impormasyon na ikinakalap. Ang pag-uugnay ng iba’t-ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang pang-ugnay naito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig. 1) Pang-angkop - ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. Halimbawa: mapagmahal na hari mabuting kapatid 2) Pang-ukol - ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Halimbawa: sa ayonsa/kay Ng hinggil sa/kay Kay/kina ukol sa/kay Alinsunod sa/kay para sa/kay Laban sa/kay tungkol sa/kay 3) Pangatnig sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. 4) Pagbibigay sanhi/bunga Halimbawa: Pumasa siya sa naganap na pagsusulit sa LET dahil sa kanyang pagpupursiging mag- aral. 5) Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o pagtutol. Page 15 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat. F. Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon Nilalayon ng pagsulat na makapaglahad ng impormasyon, magbahagi ng katotohanan at kaalaman na mula o hango sa isang tiyak na sangguanian. Kahit sino ay maaaring magsulat ngunit kailangan munang alamin kung ano-ano ang mga dapat malaman bago makapagsulat ng isang akda. Pamantayan sa pagsusuri sa halaga o kaugnayan ng mga ideya sa Babasahing Teksto 1. Lohikal bang nakaayos ang mga ideya? 2. May kailangang idagdag o alisin sa mga impormasyon o sapat na ang mga ito? 3. Nakapupukaw ban g atensiyon ng mambabasa? 4. May mga detalye bang walang kaugnayan? 5. Malinaw bang naiintindihan ang mga ideya? 6. Mapagtitibay ban g mga detalyeng inilahad ang paglalahat o generalization? 7. Kapaki-pakinabang ba ang mga ideya sa mga mambabasa? 8. Ano ang kahinaan ng mga puntong inilahad at paano mo ito mapagtitibay? 9. Katanggap-tanggap ba ang mga salitang ginamit? 10. Sapat na ba ang mga impormasyon o detalyeng isinulat? 11. May mga nagsasalungatan bang mga ideya? Pagbibigay-Interpretasyon Sa Mapa, Tsart, Grap At Talahanayan Ang isang mahusay na mambabasa kailangang nakapagbibigay ng wastong interpretasyon ng mga mapa, tsart, graph at talahanayan. Paano ito magagawa? Narito ang ilang mga mungkahi. 1. Pansinin ang mga leyenda. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa pagbibigay ng waston interpretasyon. 2. Pansinin din ang iskeyl na ginagamit. Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung ano ang tumbasang ginagamit para sa isang particular na sukat. Page 16 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected]) lOMoARcPSD|30220479 DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines ISO 9001: 2015 Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) QMS-Certified 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph 3. Pag-aralang mabuti ang bawat bahagi bawat bahagi ay madalas na kinapapalooban ng mga datos na kaiba o kaya’y kaugnay sa iba. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa bawat bahagi, makilala ang kaibahan o ugnayan ng mga bahagi nito. A. Tsart – Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon. B. Mapa – ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay nagtuturo sa mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay direksyon. C. Piktograp – Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos, impormasyon o produkto. Mahalaga na maging magkakasinlaki ang mga larawan. Ang kalahati o hinating larawan, kalahati rin ang bilang nito (50%), ang mga datos na 55-90% ay pinakakahulugang buong larawan. D. Guhit na Grap o Layn Grap – Binubuo ng iba’t-ibang anyo ng linya. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng pagbabago o pag-unlad. Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang pagtutumbas. Gamit ang linya at tuldok tinutukoy ang interbal, bilis, bagal o tagal ng mga bagay (salik) na nakatala sa bawat gilid. E. Bar Grap – Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok at linya upang tukuyin ang kantidad. Parisukat ang anyo ng grap, maaring patayo o pahiga ang mga datos na sinisimbolo ng bar. F. Bilog na Graph o Pie Graph – Itoý sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon sa pamamagitan ng paghahati-hati nito. Page 17 of 17 Downloaded by marvie dimal ([email protected])

Use Quizgecko on...
Browser
Browser