Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (Yunit 2) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
Summary
This document provides information about different communication practices in the Philippines. It focuses on common communication styles and activities, such as gossip discussions, and town hall meetings, alongside local expressions. This analysis showcases Filipino communication patterns and their significance within society.
Full Transcript
mga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipino yunit 2 Ang mga sumusunod na paksa ay mga gawaing pangkomunikasyon na karaniwan subalit mahalaga sa buhay ni Juan: 1.Tsismisan 2.Umpukan 3.Talakayan 4.Pagbabahay-bahay 5.Pulong-bayan 6.Komunikasyong berbal at di-berbal 7...
mga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipino yunit 2 Ang mga sumusunod na paksa ay mga gawaing pangkomunikasyon na karaniwan subalit mahalaga sa buhay ni Juan: 1.Tsismisan 2.Umpukan 3.Talakayan 4.Pagbabahay-bahay 5.Pulong-bayan 6.Komunikasyong berbal at di-berbal 7.Mga ekspresyong lokal TSISMISAN Tsismisan Ang tsismis ay tumatalakay sa isang akto ng pagsisinungaling, pag-imbento ng kwento, pagmamalabis, bagamat kung minsan ay may halong katotohanan. Ito’y isang anyo ng talumpati kung saan ang kaalaman sa kasanayang superbisyon ay umiinog sa kontekstong pang-akademiko. Tsismisan Kilala bilang mga di opisyal na pagpapalitan ng mensahe ng mga manggagawa. Isang proseso ng komunikasyon kung saan ang impormasyon hinggil sa mga aktibidad ng isang tao ay inilalantad at pinaiikot sa eksklusibong paraan sa dalawa o higit pang tao. tsismis laban sa katotohanan Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis Tinukoy sa Artikulo 26 ng Kodigo Sibil na ang mga sumusunod na magkakatulad na akto, bagamat maituturing na krimen, ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon (cause of action) para sa mga danyos, pagtutol, at iba pang kaluwagan: Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis 1.Panunubok sa pribadong buhay ng tao; 2.Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba; 3.Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang mga kaibigan; 4.Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang panrelihiyon, mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto, at iba pang personal na kondisyon. Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis Sa ilalim ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang tsismis ay maaari ring maituring na isang krimen. 1.Libelo 2.Oral defamation umpukan Umpukan Tumutukoy sa maliliit na pangkat o grupo ng tao na nag-uusap tungkol sa mga usaping may interes ang bawat kasama sa pangkat o grupo. Anyo ng Umpukan Salamyaan isang uri ng umpukan sa Marikina kung saan tampok ang kainan, kantahan, paglalaro ng bingo kasama na din ang tsismisan, talakayan, balitaktakan, biruan at iba pa na nagaganap sa silungan o tambayan. Anyo ng Umpukan ub-ufon Mula sa Barlig Mountain Province. Ito ay itinakdang pagsasama-sama ng magkababayan para magpakilala, mag- usap hinggil sa iba’t ibang isyu, magbigayan ng payo, magresolba ng mga alitan, magturo ng tugtukon (custom and tradition) sa mga nakababata, mag-imbita sa mga okasyon at magtulungan sa mga problema kagaya ng pinansyal na pangangailangan. talakayan Talakayan proseso ng pag-uusap o pagpapalitan ng ideya para sa isang nararapat o mahalagang desisyon. Dimension: 1.Nilalaman 2.Proseso 3.Kasangkot Talakayan Mga Katangian ng mabuting talakayan: 1.Aksesibilidad 2.Hindi palaban 3.Baryasyon ng ideya 4.Kaisahan at pokus talakayan vs. recitation uri ng pagtatalakayan pormal impormal Nakabatay sa tiyak Ito ay malayang na mga hakbang, pagpapalitan ng may tiyak na mga kurukuro hinggil sa taong mamamahala isang paksa at at mamumuno ng walang pormal na talakay. Nakahanda mga hakbang na ang mga sa kanilang sinusunod. Ito ay paglalahad, binubuo ng lima pagmamatuwid o hanggang sampung pagbibigay ng kuru- katao. kuro. mga uri ng pormal na talakayan Mga Uri ng Pormal na Talakayan Panel Discussion Simposyum Lecture-Forum o Panayam Debate pagbabahay-bahay Pagbabahay-bahay indibidwal indibidwal o grupo ng indibidwal Iba't ibang layon ng pagbabahay-bahay 1. Mga politiko para mangampanya tuwing eleksyon. 2. Mga nahalal na kinatawan o lider nila mula sa lokal na pamahalaan. 3. Mga kinatawan ng ahensya ng gobyerno para magbahagi ng mga kaalaman sa bagong teknolohiya pangkabuhayan o pangkalusugan, manghimok sa mga tao na makiisa sa proyekto ng local na pamahalaan o magtasa sa kinalabasan ng mga proyekto. 4. Mga organisadong grupo sa loob at labas ng pamayanan para mag-organisa ng mga grupong pansibiko, maghimok sa mga tao na lumahok sa mga proyektong pangkaunlaran, magsulong ng iba’t ibang isyung panlipunan at makatulong sa mga tao na maunawaan ang mahihirap o mapanghamong sitwasyon na kinalalagyan nila. 5. Mga grupong pangrelihiyon na nagsasagawa ng mga ketesismo o nangangaral ng salita ng Diyos 6. Mga pribadong institusyon para magsulong ng mga proyektong bahagi ang kanilang corporate social responsibility at mag-alok ng mga produkto. 7. Mga mananaliksik na nagpapasagot ng mga talatanungan, nakikipagugnayan o nakikipagkwentuhan. pulong-bayan Pulong-bayan isinasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga mamamayan o partikular na pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang napakahalagang usapin. mga ekspresyong lokal Ekspresyong Lokal Ito ay tumutukoy sa ordinaryong likas na wika, na naiiba mula sa mga espesyal na anyo na ginamit sa lohika o iba pang mga lugar ng pilosopiya. Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o parirala nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. Ekspresyong Lokal Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag- usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapaalam sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Sa talastasang Pilipino, ang mga local na ekspresyon ang nagpapaigting at nagbibigay kulay sa mga kwento ng buhay at sumasalamin sa kamalayan at damdamin ng mga Pilipino.