Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino - Week 4 - PDF
Document Details
Uploaded by VisionaryTundra
Tags
Related
- 3. PAGPOPROSESO-NG-IMPO (1).pdf
- pagpoproseso-ng-impormasyon-para-sa-komunikasyon.pdf
- FINAL UNIT-5-Media-and-Information-Sources-2-Topics PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Filipino PDF
- Modyul sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (Yunit 2) PDF
Summary
These notes cover information processing for Filipino communication. Topics include selecting information sources, reading and research, summarizing and connecting information, and creating personal analysis based on information. Different types of sources, including primary, secondary, and tertiary sources, are also discussed.
Full Transcript
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Instructor: Ms. Gezzle Marter IKA-4 HANGGANG IKA-5 LINGGO ARALIN 2: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON 2.1 Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon 2.2 Pagbabasa at Pananaliksik ng Imporm...
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Instructor: Ms. Gezzle Marter IKA-4 HANGGANG IKA-5 LINGGO ARALIN 2: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON 2.1 Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon 2.2 Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon 2.3 Pagbubuod at Paguugnay-ugnay ng Impormasyon 2.4 Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon A. PAGPILI NG BATIS (SOURCES) NG IMPORMASYON Ang batis ng impormasyon ay mga sources ng mga impormasyon na nakukuha ng mga nagbabasa at nakikinig. Ito ay mahalaga lalo na sa aspeto ng edukasyon at paggawa ng mga pormal na kasulatan. Ito ay maaaring nahahati sa sanggunian, buong teksto at mga aktwal na katotohanan. Maaari itong maging multidisiplinari o maaaring nakatuon sa isang solong disiplina o lugar lamang ng paksa. Kapag nangangalap ng isang impormasyon, dapat nating isaisip na ang lawak at lalim ng resulta ng pangangalap ay nakadepende sa panahon o oras ng pagkakabuo ng datos, ng heograpiya at marami pang ibang kadahilanan gaya ng: A. PAGPILI NG BATIS (SOURCES) NG IMPORMASYON a. Paksa - Ang ilang mga datos ay multidisiplinari, ngunit ang iba ay nakatuon sa isang partikular na disiplina o paksa. Halimbawa, ang Branches of Science ay sumasakop sa maraming bilang ng mga disiplina, samantalang ang FishBase ay tumututok lamang sa mga species ng isda. b. Kahusayan ng impormasyon - Kapag sinuri ang reliability o kahusayan ng impormasyon, mahalaga na makonsidera ang background ng pinagmulan ng impormasyon. Ito ba ay nagmula sa isang pang-agham o propesyonal na dalubhasa, o ito ay mula sa mga opinyon, haka-haka o ideolohiya ng komersyal? Dapat maging mapanuri ang bawat nangangalap ng impormasyon dahil sa panahon ngayon ay napakarami ng kumakalat na fake info/news. Tignan at suriing mabuti bago piliin ang mga may kalidad na sanggunian para sa mas mahusay na impormasyon. A. PAGPILI NG BATIS (SOURCES) NG IMPORMASYON c. Oras - Mayroong pagkakaiba-iba sa tagal ng sakop na oras ang mga batis ng impormasyon.Ang karamihan sa mga batis ng impormasyon ng e-journal ay naglalaman ng impormasyon mula 1990 hanggang ngayon. Mahalagang mapansin kung gaano kadalas na-update ang mga datos na ito upang matiyak kung ang impormasyon ay balid pa o hindi. Maaaring iba ang impormasyon noon kaysa sa kasalukuyan kahit parehas pa ng paksain ang pinag-uusapan. d. Saklaw ng heograpiya - Ang saklaw ng geograpiko ng mga batis ng impormasyon ay magkakaiba-iba. Halimbawa, ang impormasyon ng ekonomiya ng US ay nakasentro sa US, samantalang ang Kalagayang pang-ekonomiya ng Asya ay nakatuon sa bansa sa Asya at malaki ang pinagkaiba ng dalawa. Alamin kung ang datos ay tungkol kanino o para kanino ang mga datos bago kalapin.. A. PAGPILI NG BATIS (SOURCES) NG IMPORMASYON e. Ang availability ng materyal - May mga database ng E-journal na may full-text na artikulo, at depende sa mga tuntunin ng kasunduan sa karapatan ng pag-access sa mga website na ito.May libre ngunit may ilang may bayad bago makapasok sa kanilang website. Pampubliko man o pribado ang impormasyon dapat na respetuhin ang karapatan ng pag-aari ng mga datos na kinakalap. f. Wika ng impormasyon - karamihan sa mga impormasyon na mahahanap internasyonal man o lokal na datos ay nasa wikang Ingles, importanteng may alam din sa wikang banyaga ang nangangalap ng datos upang magamit ang napakaraming datos na ito, kaya't kinakailangan na marunong kang magbuod, sumipi o magsaling wika. A. PAGPILI NG BATIS (SOURCES) NG IMPORMASYON g. Ang kakayahan sa paggamit ng mga datos at iba pang tools sa pagpili ng batis ng impormasyon - Saang disiplina lamang ba nalilimitahan ang pangangalap ng datos? Posible din bang pagsamahin ang dalawa o higit pang mga nakalap na datos sa iisang konsepto? Pagsamahin ang iba't ibang resulta ng nakalap na impormasyon sa iba pang magkaibang paksain ng pagsasaliksik? o ipunin lamang ang lahat ng nakalap na impormasyon at gamitin ayon sa kung ano ang kinakailangan? Paano mo ba gagamitin ang mga nakalap na datos? ikaw ang makakasagot niyan. TATLONG URI NG BATIS a. Ang mga primaryang batis ay mga orihinal na materyales na batay sa iba pang mga pananaliksik sa mismong panahon ng pagkakabuo nito, kabilang ang: orihinal na sinulat na akda - mga tula, talaarawan, talaan ng korte, panayam, survey, at orihinal na pananaliksik / fieldwork, at pang-akademikong pananaliksik na nai-publish / pang-akademikong journal. Mga orihinal na materyales na nilikha sa panahon ng kanyang pag-aaral ng paksang isinulat, o may firsthand knowledge ukol sa paksa. b. Ang sekondaryang batis ay ang naglalarawan o nagsusuri ng mga primaryang batis, kasama ang: sanggunian na materyales - diksyonaryo, encyclopedia, aklat-aralin, at mgalibro at artikulo na nagbibigay kahulugan, pagsusuri, o synthesizes ng orihinal na pananaliksik / fieldwork. Anumang bagay naisinulat tungkol sa nakaraan hindi iyon isinulat sa oras na iyon, o hindi isinulat ng isang taong may firsthand knowledge sa kaganapang iyon. c. Ang mga batis pang-tersiarya ay mga ginamit upang ayusin at hanapin ang primarya at sekondaryang mapagkukunan. Mga index - nagbibigay ng mga citation upang ganap na matukoy ang mga akda na may impormasyon tulad ng may-akda, pamagat ng isang libro, artile, at / o journal, publisher at petsa ng paglalathala, bolyum at bilang ng isyu at mga numero ng pahina. Mga Abstract - lagom ng primarya o sekondaryang batis, Mga Databases - ay mga online index na karaniwang may kasamang mga abstract para sa bawat primarya o sekondaryang batis, at maaari ring isama ang isang digital na kopya ng mapagkukunan. ~ Mary Woodley, CSUN Oviatt Library GAWAIN 2: Linking Web Mangalap ng iba't ibang datos tungkol sa usapin ng PANDEMYA mula sa iba't ibang batis ng impormasyon, Isulat ang cite o link o titulo ng pinagmulan ng mga nakalap na impormasyon, isulat ito sa tabi ng bawat aytem gaya ng halimbawa sa ibaba: B. PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON Ang PAGBABASA ay proseso ng pag-aayos, pagkuha at pag-unawa ng impormasyon o ideya na kumakatawan sa mga salita o simbolo na kailangang tingnan o suriin upang maunawaan habang ang PANANALIKSIK ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraan. GAWAIN 3 : PAGPAPLANO SA PAGBUO Pumili ng isang topic sa ibaba, at punan ang kahon ng hinihinging sagot. a. Pag-ibig sa siyudad: Pagbasasa sa lyong Paanan by Chuckberry J. Pascual b. Paraan Po: Ang Oryentasyon ng Kapuwa sa Metodo ng Pananaliksik by Roberto E. Javier Jr. c. PamiMilosopiya, Wika, at Mga Baluktot na Katuwiran: Tungo sa Pagpapayaman ng Wikang Pilosopikal sa Pilipinas by Emmanuel C. De Leon d. Diyos at Politika sa Pilipinas: Bakit Nga Ba Pabalik-balik Ang Multo ng Meta pisika? by Jovito V. Cariño e. Hinggil sa paggamit ng wikang Filipino sa Internet: Ilang Panimulang Tala Para sa Pangangasiwang Pangwika by Gerard Panggat Concepcion f. Si Kenkoy Bilang Kuwelang Ingles sa Komiks: Isang Pagdalumat sa Karabaw English Bilang Instrumento ng Pagsulong ng Makabayang Diwa sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano; 1929-1934 by Maria Margarita M. Baguisi TAKDANG ARALIN Balikan ang GAWAIN 3: PAGPAPLANO SA PAGBUO, Mulasapaksa o titulongnabuo, sumulat ng sarilimongartikulo o pagsusuri, maaringgawinghalimbawa ang mgaartikulosaibaba, ang unang draft o burador ay ipabasamunasanagingkaparehangkaklase, at mulingisulatsapangalawangpagkakataon. Ipasasaguro ang pinalna sulat. MGA HALIMBAWANG ARTIKULO: a. Ang Tula, ang Katawan, at ang DahassaPanitikan: Isang PagbasasaPanitikang Bunga ng Insidente ng Sexual Harassment sa Loob ng INWW by Martina Herras ( https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/katipunan/article/view/3312/3131 ) b. Mapanganibna Katha Isang Rebyu ng Bato: The General Ronald Dela Rosa Story ni Adolfo Alix Jr. by Jose Kervin Cesar B. Calabias ( https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/katipunan/article/view/3313/3132 ) c. Ang PolitiksaPanitik by Alvin B. Yapan, PhD ( https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/katipunan/article/view/3314/3133 ) d. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/issue/view/673/showToc ) e. Filipino BilangDisiplina by Rommel B. Rodriguez ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/7000 ) f. HugnayangKognitibo: BalangkassaPagtatasa at Paglikha ng mgaKagamitangPanturosa Filipino by Ana Isabel D. Caguicla ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/7003 ) g. Ang Programang Filipino ng mga Pang-estadongUnibersidad at KolehiyosaRehiyon III: Batayang Pag-aaralTungosa Isang AkademikongModelongPangwika by Dexter L. Manzano ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/6923 ) h. Saysay ng Kasanayan: Pagbuo ng identidadsaarnis o eskrima by Reginaldo D. Cruz ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/6925/6009 ) i. Ang Pulis at PushangsaIlalim ng Tulay: KomparatibongPagbasasaDalawang Popular naAwit by John Leihmar C. Toledo ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/7004 ) j. Si KenkoyBilangKuwelang Ingles saKomiks: Isang PagdalumatsaKarabaw English BilangInstrumento ng Pagsulong ng Makabayang Diwa saPanahon ng KolonyalismongAmerikano; 1929-1934 by Maria Margarita M. Baguisi ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/6927/6011 ) k. Pagtukoy at PagpapakahulugansamgaAkdangMaritimosaPilipinas: Mga MakabuluhangKatangian at KaugnaynaUsapin by Joanne V. Manzano ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/6928/6012 ) l. SALAPI, DANGAL, PANINIWALA: Ang Komodipikasyon ng KaluluwasaKathambuhay, Sa Ngalan ng Diyosni Faustino Aguilar by E. San Juan ( https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/7005/6086 ) MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!