Modyul 2- Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan PDF
Document Details
Uploaded by PreciousBasil
Partido State University
Joan A. Monforte-Bedes, PhD
Tags
Summary
Ang modyul na ito ay nagbibigay ng sintesis sa kahulugan at kasaysayan ng maikling kuwento sa Tagalog, partikular sa Pilipinas. Tinalakay nito ang mga bahagi ng kuwento at ilan sa mga kilalang manunulat at kwento. Ang modyul ay para sa mga mag-aaral sa kolehiyo.
Full Transcript
Republic of the Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Camarines Sur KOLEHIYO NG EDUKASYON Pangalan: _________________________...
Republic of the Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Camarines Sur KOLEHIYO NG EDUKASYON Pangalan: _________________________ Kurso, Taon at Seksyon: ______________ Linggo blg.:2- Agosto 12-16, 2024 Guro: Dr. Joan A. Monforte-Bedes Kowd at Pamagat ng Kurso: FILI11- Maikling Kuwento at Nobelang Filipino Sem./TA: Una/2024-2025 MODYUL Panimula 1 Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan Ang lahat na bagay ay mayroong pinagmulan. Bago naging ganito o ganyan ang isang bagay ay siguradong mayroon itong pinag-ugatan. Upang maunawaan at makilala natin ang tungkol dito, kailangan nating alamin at pag-aralan ang pinagmulan nito. Kaya, bago tayo dumako sa pagtalakay ng iba’t ibang maikling kwento tatalakayin muna sa modyul na ito ang tungkol sa kahulugan at kasaysayan ng maikling kuwentong Filipino. Mga Layunin Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: a. nabibigyang kahulugan ang maikling kuwento; b. natutukoy ang pinagmulan ng Maikling kuwentong Filipino; c. nakikilala ang ugat ng Maikling Kuwento; at d. natatalakay ang kasaysayan ng maikling kuwentong Filipino. Nilalaman/Talakay Kahulugan ng Maikling Kuwento Napakarami na ng kahulugan ng maikling kuwento buhat sa iba’t ibang personalida. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Buhat sa salitang Kastila na “cuento”- anumang salaysay, nakalimbag man o hindi. -U.P. Diksyunaryong Filipino, 2001. “Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikan na likha ng guniguni at salamisim na nakasalig sa buhay na totoong naganap o kaya’y magaganap pa.” -Edgar Allan Poe “Ang maikling kuwento, bilang bahagi ng pagpapahayag na pampanitikan, ay may dulot na pangkabuuang epekto na tumitinag sa kamalayan ng bumabasa at nagdudulot sa kanya ng isang pambihirang epekto o nagbabanghay sa kanya ng isang larawang di madaling mapawi sa isip.” -Domingo D. Landicho Isang salaysay ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhang may suliranin. Ito’y nagtatapos sa isang takdang panahon at nag-iiwan ng isang kakintalan o impresyon. __________________________________________________________________________________________ Modyul1- Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan Page 1 of 8 Republic of the Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Camarines Sur KOLEHIYO NG EDUKASYON Isa itong sangay ng panitikan na nagsasaad ng tungkol sa buhay ng isang pangunahing tauhan o isang bayani ng kuwento na may nilulutas na isang suliranin at ang kasukdulan ay aabutin sa pagkasumpong ng kalutasan ng nasabing suliranin. Ayon kay Doque (2004), “hindi lamang pang-aliw ang layunin ng Maikling Kuwento. Higit sa lahat, hangarin din nito ang maglahad ng isang laganap, kung hindi man ay unibersal na katotohanan. Maaari itong tawaging isang aral sa buhay, at maaari ding tawaging mensahe na ninanais ng isang manunulat na iparating at ipaunawa sa kanyang mambabasa.” Edgar Allan Poe – ama ng maikling kuwento DEOGRACIAS ROSARIO – ama ng maikling kuwentong Tagalog Kasaysayan ng Maikling Kuwento 1900-1921 (Aklatang-Bayan) Pasingaw- kadalasang tungkol sa dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan sa dahilang nais tawagan ng pansin ang kapintasan sa pag-uugali o hitsura. Pasingaw– ang mga sumusulat ay nagtatago sa sagisag panulat Dagli- isang maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa. Dagli- ang naging simula ng naiibang kasaysayan ng maikling kwentong tagalog Ang pagdaraos ng mga patimpalak sa pagsulat ng mga Dagli na pinamahalaan ng pahayagang Mithi ang nagpasimula upang mamukadkad ang maikling kwento sa panitikang tagalog. 1910- Unang Gantimpala- Elias ni Rosauro Almario 1920- Unang Gantimpala- Bunga ng Kasalanan ni Cerio H. Panganiban Sa pamamagitan ng mga pahayagang Mithi, Demokrasya, Taliba at Liwayway, unti-unting nakilala, umunlad at tumaas ang uri ng maikling kwento. Namalasak ang tungkol sa kagandahang-asal, ang kahinhinan at kayumian ng babaeng Pilipina, ang kanyang pagiging kayumangging kaligatan, ang kadalisayan ng kanyang kaisa-isang pag-ibig, ang matamis na pagsasamahan at pagpapalagayan ng magkakaibigan at magkakapitbahay, ang kabanalan ng mga sumpang binitiwan, ang paggalang sa mga matatanda, ang matamis at matapat na pagsaludar sa panauhin,, ang pag-alinsunod sa mga kaugalian at tradisyon ng bayan. “Sumpain Nawa ang mga Gintong Ngipin”- Lope K. Santos “Bagong Hudas”- Pedro R. Antonio “Inayawang Pag-ibig”- Gonzalo Malay 1922-1934 (Ilaw at Panitik) - masigla at masigabo ang pagsulat at pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa maikling katha bagamat patuloy ang pamamalasak ng Romantisismo. -nagsimula sa paglitaw ng magasing Liwayway noong 1922 Nagkaroon ng pagbabago ang tema ng maikling kwento dahil sa “Parolang Ginto” (1927- 1935) ni Clodualdo del Mundo. - tumaas ang kilatis na maikling kwento -nagkaroon ng inspirasyon ang mga manunulat at naging masigla sila -nagkaroon sila ng matibay na dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at palawakin ang tema na di naman pawang pag-ibig Mga nabigyan ng karangalan sa “Parolang Ginto” (1927-1935) ni Clodualdo del Mundo. 1927- “Paghahangad” ni Arsenio R. Afan 1928- “Hiwaga” ni Arsenio R. Afan 1929- “Lihim ng Kumbento” ni Juan Rivera Lazaro 1930- “Panata ni Pilar” ni Amado V. Hernandez 1931- “Sugat ng Alaala” ni Fausto J. Galauran 1932- “Walang Lunas” ni Amado V. Hernandez _________________________________________________________________________________________ Modyul2- Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan Page 2 of 8 Republic of the Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Camarines Sur KOLEHIYO NG EDUKASYON 1933- “Manika ni Takyo” ni Deogracias A. Rosario 1934- “Ang Dalagang Matanda” ni Deogracias A. Rosario 1935- “Ay, Ay” ni Rosalia L. Aguinaldo Talaang Bughaw (1932-1935)- Alejandro G. Abadilla -unang binigyang-diin ang pamamaraan ng pagsulat na may higit na kaugnayan kaysa nilalaman ng akda. 1932- “Aloha” ni Deogracias A. Rosario 1933- “Ako’y may Isang Ibon”- ni Deogracias A. Rosario 1934- “Pusong Uhaw sa Pag-ibig” ni Iñigo Ed Regalado 1935- “Pag-ibig na Walang Kanluran” ni Alberto Segismundo Cruz Talaang Bughaw (1932-1935)- Alejandro G. Abadilla -unang binigyang-diin ang pamamaraan ng pagsulat na may higit na kaugnayan kaysa nilalaman ng akda. 1932- “Aloha” ni Deogracias A. Rosario 1933- “Ako’y may Isang Ibon”- ni Deogracias A. Rosario 1934- “Pusong Uhaw sa Pag-ibig” ni Iñigo Ed Regalado 1935- “Pag-ibig na Walang Kanluran” ni Albertp Segismundo Cruz Talaang Bughaw –buwanan at taunang pamimili ng itinuturing na pinakamahusay na tula at katha. Mga Gintong Dahon ng Panitik (1929-1934)- sapagkat binigyang-hugis ay ang kaanyuan bukod sa pagbabago ng kalamnan Nakilala ang tinatawag na Aristokrata at Sakdalista. Aristokrata- pangkat ng mga klasistang manunulat na naniniwalang ang pagsulat ay isang marangal na gawain kaya ang dapat na kumatha ay yaong mararangal na tao, na may mararangal at elitistang mga tauhan. Kailangang piling-pili ang mga tauhan at naglalantad ng kagandahan ng buhay. Sakdalista- mga kwentistang produkto ng edukasyong kanluranin na tumutuligsa sa makalumang paraan ng pagsulat. Sa unti-unting pagningning ng maikling kuwento, nahati sa dalawang pangkat ang mga kwentistang Pilipino: manunulat na yumakap sa istilo ng dayuhan (sakdalista); tumangkilik sa tradisyunal na pagsulat (aristokrata) 1935-1950 (PANITIKAN) 1940 Naganap ang isang radikal na pagkilos nang sunugin ng mga Sakdalista ang mga kathang sinulat ng mga Aristokrata sa Plaza Moriones, Tondo, Manila. Ano ang naging simula ng paghina ng maikling kuwentong Tagalog? KADIPAN- Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik Mga katangian ng Maikling Kwento noong 1935-1940, ayon kay Teodoro Agoncillo: 1. gumamit ng unang panauhan 2. tungkol sa buhay sa lungsod 3. matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin 4. dahop sa malinis na pananagalog 5. at may iba’t ibang uri Panahon ng Hapones - “Gintong Panahon ng Panitikang Filipino” -PINAKAMAUNLAD ang maikling kuwento sa panahong ito -ang mga nobelista ay napasama na sa pangkat ng mga kwentista. -dumami ang mga akdang nasusulat sa wikang katutubo. -ang paksa ay naging mapagtimpi sa pagtalakay, madula ngunit maligoy. _________________________________________________________________________________________ Modyul2- Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan Page 3 of 8 Republic of the Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Camarines Sur KOLEHIYO NG EDUKASYON -nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan sa pagsasalaysay Nang dumating ang mga Hapoones, nabalam ang pag-unlad ng Maikling kuwento sapagkat ipinasara ang mga limbagan at ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles. Sa pangunguna ng Surian ng Wikang Pambansa, pinili ang itinuturing na pinakamahusay na maikling kuwento sa panahong ito. Unang Gantimpala- “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes Ikalawang Gantimpala- “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway A. Arceo Ikatlong Gantimapala- “Lungsod, Nayon, at Dagat-dagatan” ni N.V.M. Gonzales Pinatnugutan nina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo ang isang aklat na naglalaman ng mga Kwentong Ginto na nasulat sa panahong 1925-1935. Sinundan ito ng isa pang aklat na pinamatnugutan ni Pedrito Reyes na kinapapalooban ng “50 Kentong Ginto” ng 50 Batikang Manunulat. Pagkatapos ng Digmaan 2 Uri ng Maikling kwento ang namayani: Kwentong Komersyal- mababaw ang mga pangyayaring inilalarawan, madaling unawain, hindi maayos ang banghay at halatang minadali. Kwentong Pampanitikan- maayos ang balangkas ng mga pangyayari, may tiyak na tunguhin ang mga nagaganap na pangyayari, malinaw na inilalahad ang papel ng bawat tauhan at natatapos ang kwentong nag-iiwan ng isang kakintalan. Nang matapos ang digmaan, namayani ang maikling kwento. Ito ay namulaklak dahil madali itong sulatin. 1944 -sa pangangasiwa ng LIWAYWAY, pinili ang mga magagandang kwentong nasulat noong 1943, “Ang 25 Pinakamagandang Maikling Kwentong Pilipino ng 1943” 1. matimpi ang pagtalakay sa paksa; 2. may madulang pangyayari; 3. dahop sa banghay; 4. may iba’t ibang paraan ng pagsasalaysay; 5. may malawak na paningin; 6. payak at hindi mabulaklak ang mga pangungusap; at 7. may mga pangungusap na lantad sa himig-ingles “Ang 25 Pinakamagandang Maikling Kwentong Pilipino ng 1943” “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway A. Arceo “Lungsod, Nayon, at Dagat-dagatan” ni N.V.M. Gonzales “May Umaga pang Daratal” ni Serafin Guinigundo “Sumusikat na ang Araw” ni Gemiliano Pineda “Dugo at Utak” ni Cornelio Reyes “Mga Yabag na Papalayo” ni Lucia A. Castro “Tabak at Sampaguita” ni Pilar R. Pablo “Madilim pa ang Umaga” ni Teodoro A. Agoncillo “Ikaw, Siya at Ako” ni Brigido Batungbakal “May Uling sa Bukana” ni Teo B. Buhain “Bansot” ni Aurora Cruz “Bahay sa Dilim” ni Alfredo Enriquez “Ang Tao, Ang Kahoy, at Ang Bagyo” ni Aristeo V. Florido “Nagmamadali ang Maynila” ni Serafin Guinigundo “Si Ingkong Gaton at ang Kanyang Kalakian” ni Serafin C. Guinigundo “Unang Pamumulaklak” ni Hernando R. Ocampo _________________________________________________________________________________________ Modyul2- Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan Page 4 of 8 Republic of the Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Camarines Sur KOLEHIYO NG EDUKASYON “Mga Bisi” ni Amado Pagsanjan “Sinag sa Dakong Silangan” ni Macario Pineda “Mga Diyos” ni Justiniano del Rosario “Luad” ni Gloria Villaraza “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda “Paghihintay” ni Emilio Aguilar Cruz “Kadakilaan sa Tugatog ng Bundok” ni Brigido C. Batungbakal “Ibon Mang May Layang Lumipad” ni Amado Pagsanjan 1947- sa pamumuno ni Alejandro G. Abadilla, nasuri ang maikling kwento at nalimbag ang mga aklat. 1949- sa pamamatnugot ni Teodoro Agoncillo, inilimbag ang maikling kwentong Tagalog na nasulat mula 1886 hanggang 1948. 1950-1970 (KADIPAN) Lalong naging masigla ang pagsulat ng maikling kuwento dahil sa pagkakatatag ng taunang patimpalak ng Palanca Memorial Awards. MGA NAGWAGI simula 1950 1950-1951 Genoveva E. Matute - “Ang Kwento ni Mabuti” Pedro S. Dandan - “Mabangis na Kamay...Maamong Kamay” E.P. Kapulong - “Planeta, Buwan at mga Bituin” Pablo N. Bautista - “Kahiwagaan” Manuel J. Ocampo - “Kamatayan sa Gullod” Genoveva E. Matute - “Pagbabalik” 1952-1953 Buenaventura S. Medina Jr. - “Kapangyarihan” Hilario L. Koronel - “Ang Anluwage” Ponciano Peralta - “Malalim ang Gabi” 1953-1954 Teodoro Agoncillo - “Sa Kamatayan Lamang” Buenaventura S. Medina Jr. – “Ang Pusa sa Aking Durungawan” Fernando L. Samonte - “Matalino ang Inaanak ko” 1954-1955 Genoveva E. Matute - “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” Elpidio Kapulong - “Batingaw” Virgilio Briones - “Lumamig na Bakal” 1955-1956 Martina del Rosario - “Lupa, Ulan at Supling” Pedro T. Salazar – “Mga Butil, Mga Busal” 1956-1957 Pedro S. Dandan - “Sugat ng Digmaan” Buenaventura Medina Jr. - “Punongkahoy” Eduardo Reyes - “Pag-uugat...Pagsusupling” 1957-1958 Ponciano Pineda - “Ang Mangingisda” Simplicio Bisa – “Mahaba ang Daang Bakal” Pedro S. Dandan - “Lakas” 1958-1960 Buenaventura Medina Jr. - “Dayuhan” Pedro L. Ricarte - “Estero” _________________________________________________________________________________________ Modyul2- Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan Page 5 of 8 Republic of the Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Camarines Sur KOLEHIYO NG EDUKASYON Efren R. Abueg - “Mapanglaw ang Mukha ng Buwan” Cristobal Cruz – “Kinagisnang Balon” Ngunit dumatinng ang panahong humina ang pagtangkilik sa maikling kwento dahil metapisikal ang paksa. DEKADA ‘70 -Nakita ang tahasang pagkampi ng mga manunulat sa mga inaaping mahihirap. Natalakay sa kanilang mga kwento ang malaking agwat ng mayayaman sa mahihirap at lumutang sa mga akda ang kasamaang bunga ng pang-aalipin sa mahihina. -Nalantad sa mga akda ang malalang sakit ng lipunan. Ngunit dumating ang panahong humina ang pagtangkilik sa maikling kuwento dahil metapisikal ang paksa. Ang mga manunulat at mga akdang nakilala sa panahong ito: Efren Reyes Abueg - “Sa Kamatayan ni Tiyo Samuel” at “Mabangis na Lungsod” Ave Perez Jacob- “Ang Guwardiya” at “Lagablab sa Utak ni Damian Rosa” Domingo Landicho - “Himagsik ni Emmanuel Lazaro” Ricardo Lee - “Huwag Mong Kwentuhan si Wei Fung” Domingo Mirasol - “Makina” at “Aso sa Lagarian” Edgardo Reyes - “Sa Luntiang Bukid” at “Daang Bakal” Rogelio Ordoñez - “Uod sa Bibig ng Lupa” at “Buhawi” Fernando Samonte - “Ngiti ng Isang Bangkay” Panahon ng Batas Militar - maraming manunulat ang nabilanggo dahil sa mga itinuturing na rebeldeng panulat, subalit marami pa ring maikling kwento ang lumabas. -naging makatotohanan ang paksa at natuon paksain ang sa bagong lipunan. -binigyang-pansin ng mga kwentista ang ginawang pagbibigay ng pamahalaan ng lupa sa magsasaka at pagsasaalang-alang sa ilang karaingan ng taong-bayan. Sa pamamagitan ng Timpalak Palanca, nabigyan ng karangalan ang ilang manunulat: 1972-1973 Pedro S. Dandan - “Ang Daong ni Noe” B. A. Ramos - “Puwang sa Ilalim ng Araw” Jun Cruz Reyes - “Isang Lumang Kwento” 1973-1974 Rosauro de la Cruz - “Isang Dakot na Pira-pirasong Buhay” Benigno R. Juan - “Malikmata” Efren R. Abueg - “Ang Buhay sa Ating Panahon” Victor S. Fernandez - “Ulupong” Reynaldo A. Duque - “Ang Landas Patungo sa Kalimugtong” 1974-1975 Jose Reyes - “Ang Oktubre ay Buwan ng Mga Talahib” Domingo Landicho - “Huwag mong Tangisan ang Kamatayan ng Isang Pilipino” Benigno R. Juan - “Walang Lawin sa Bukid ni Tata Felipe” Alfredo S. Mendoza - “Silang mga Estatwa sa Buhay ni Valentin Dakuykoy” 1975-1976 Fanny Garcia - “Alamat sa Sapang Bato” Jun Cruz Reyes - “Araw ng mga Buldozer ” Domingo Landicho - “Ang Pangarap ni Isis” 1976-1977 Hercules Del Mundo - “Ahibay” _________________________________________________________________________________________ Modyul2- Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan Page 6 of 8 Republic of the Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Camarines Sur KOLEHIYO NG EDUKASYON Edgardo Maranan - “Isang Kwento ng Paraisong Walang Katapusan” Benigno R. Juan - “Lagablab ng Isang Yagit” 1977-1978 Lilia Santiago - “Talsik ng Liwanag sa Mata ng Isang Musmos” Rosauro dela Cruz - “Ayoko na” Jun Cruz Reyes - “Utos ng Hari” 1978-1979 Antonio Adviento - “Lagaslas ng Hanging Makamandag” Alfonso Mendoza - “Tipaklong, Tipaklong” at “Bakit Bulkan Sumabog ang Dibdib ni Quintin Balajadia” Leuterio Nicolas - “Pangarap” Benigno R. Juan - “Habag” Jun Cruz Reyes - “Mga Kwentong Kapos” Jose M. Marquez - “Hindi na Hahakbang ang mga Tagak” 1979-1980 Reynaldo A. Duque - “Kandong” Rufo Santos - “Ang Turnilyo sa Utak” Benigno R. Juan - “Orasyon: sa Simbahan, sa Piitan, at sa Coral Ballroom ng Manila Hilton” 1980-1981 Benjamin Pascual - “Di Mo Masilip ang Langit” Generoso Taduran Jr. - “Sulat Mula sa Libon” Rosario Balmaceda - “Ambos ng Bayan” 1981-1982 Lualhati B. dela Cruz - “Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Candelabra” Fanny Garcia - “Arrivedecci” UGAT O PINAGMULAN NG MAIKLING KUWENTO Ang pagsasalaysay ay masasabing sinaunang anyo ng sining. Kabilang ito sa tinatawag na panitikang-bayan. MITOLOHIYA – kalipunan ng iba’t ibang paniniwala at mga kuwento tungkol sa mga diyos-diyusan. Mga kuwento ng pagkakalikha na ang mga tauhan ay mitolohikal. ALAMAT – kuwentong pasalin-salin sa bibig ng mga tao at karaniwang tungkol sa pinagmulan ng isang bagay KUWENTONG-BAYAN – mga kuwentong pasalin-salin sa bibig ng mga tao PABULA – kuwento na mga hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang tao at ang layon ay makapagturo ng aral sa mambabasa PARABULA - karaniwang nanggaling sa Banal na Kasulatan, kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay ANEKDOTA – maikling kuwento ng mga tunay na karanasan Exemplum o Ejemplum- maikling kuwentong ginagamit sa mga nobena,sermon, at iba pang uri ng mga tekstong panrelihiyon. Cuadro- maiikling sulatin sa prosa o tuluyan na tumatalakay ng mga sekular at napapanahong paksain, at hindi ginagamit sa pagpapalaganap ng relihiyon. Dagli o pasingaw (Tagalog), pinadalagan o binirisbis (Bisaya), instantea o rafaga (Kastila)- ang mga ito ay maiikling salaysay na nalathala sa mga peryodiko at kadalasang lantarang nagpapahayag ng pag-ibig ng lalaki sa isang babae o kaya nama’y tahasang tumutuligsa sa patakaran ng mga mananakop na Amerikano. _________________________________________________________________________________________ Modyul2- Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan Page 7 of 8 Republic of the Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Camarines Sur KOLEHIYO NG EDUKASYON Dagli- nagsimula ang anyong ito noong 1902. Ito ay lantarang nangangaral at naglalahad ng karanasan sa pag-ibig. Ayon kay Patricia Melendrez-Cruz, ito ang unang anyo ng maikling kuwentong Tagalog na lumitaw sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Pasingaw- tawag ni Teodoro Agoncillo (1965) sa dagli na iniaalay sa isang paraluman. Mga Sanggunian: Duque, R. (2004). Gabay sa pagsulat ng maikling kuwento. Dandelion Strategic Marketing. Evasco, E.Y., at Ortiz, W.P. (2008). Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. C&E Publishing Inc. Mayos, Norma S. et al. (2007). Maikling Kwento at Nobela. Anahaw Enterprises. Inihanda ni: JOAN A. MONFORTE-BEDES, PhD Guro _________________________________________________________________________________________ Modyul2- Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan Page 8 of 8