Panitikang Pilipino- Panahon ng Amerikano hanggang Kasarinlan PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng pag-unlad ng panitikang Pilipino sa mga panahon ng Amerikano, Komonwelt, at Kasarinlan. Binibigyang-diin ang mga paksa ng pag-ibig sa bayan at kalayaan, at ang iba’t ibang genre ng panitikan sa bawat panahon, tulad ng tula, maikling kwento, dula, at sanaysay.
Full Transcript
Panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano, Komonwelt, at Kasarinlan Panahon ng Amerikano Panahon ng Amerikano Sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Edukas...
Panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano, Komonwelt, at Kasarinlan Panahon ng Amerikano Panahon ng Amerikano Sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Edukasyon ang pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at Ingles. Panahon ng Amerikano Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang paksa ng mga panitikan sa panahong ito. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng tula, maikling kwento, dula, sanaysay, atbp. Lumaganap din ang balagtasan na katumbas ng debate. Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri ng panitikan – ang pelikula. Panahon ng Amerikano Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Lumaganap ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Ang pelikula sa bansa ay nag-umpisa sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalita nang walang tinig (silent films); Naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng mga silent films. Panahon ng Amerikano Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Hindi naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan. Subalit maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano. Panahon ng Amerikano Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Panahon ng Amerikano Ipinatigil ang mga dulang may temang makabayan gaya ng sumusunod: 1. Kahapon Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino – dulang tumutuligsa sa Amerikano. 2. Tanikalang Ginto ni Juan Abad – isa sa mga unang dulang itinanghal umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso. Panahon ng Amerikano Ipinatigil ang mga dulang may temang makabayan gaya ng sumusunod: 1. Kahapon Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino – dulang tumutuligsa sa Amerikano. 2. Tanikalang Ginto ni Juan Abad – isa sa mga unang dulang itinanghal umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso. Panahon ng Amerikano Ipinatigil ang mga dulang may temang makabayan gaya ng sumusunod: 3. Walang Sugat ni Severino Reyes – dulang may temang pag-ibig sa gitna ng digmaan. 4. Hindi Ako Patay - hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay, ito ang dulang may pinakamatinding paghihimagsik laban sa mga Amerikano. Panahon ng Komonwelt Panahon ng Komonwelt Ang Panahon ng Komonwelt ay sinasabing Malasariling Pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ni Manuel L. Quezon noong 1935 hanggang 1946 kung kailan itinuturing na pamahalaan ng Estados Unidos ang bansa. Panahon ng Komonwelt Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging panahong pantransisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones. Panahon ng Komonwelt Bago pa man dumating ang mga mananakop, tayo ay may sarili ng panitikan. Hindi natin maikakaila na yumabong pa ito sa kanilang pagdating. Naging tanyag sa panahong ito ang mga akdang pampanitikan partikular na ang Sanaysay, Talumpati at Maikling Kwento. Sa panahong ito, patuloy ang naging pag-unlad ng ating panitikan sapagkat ang ating bansa ay naging malaya na sa pananakop ng mga Amerikano. Panahon ng Komonwelt Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Panahon ng Komonwelt Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda. Ito ay maaaring pormal o impormal. Ang Pormal na sanaysay ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga impormasyon tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Ang mga impormal na sanaysay nama’y nagtatalakay ng mga paksang karaniwan, pang-araw-araw at personal na nakabatay sa karanasan. Panahon ng Kasarinlan Panahon ng Kasarinlan Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa. Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, kahirapan ng pamumuhay noon, atbp. Naging tanyag ang mga panitikan gaya ng Maikling Kuwento at Dula. Panahon ng Kasarinlan Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: - Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla - Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo - Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute. Panahon ng Kasarinlan Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas. Panahon ng Kasarinlan Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards in Filipino and English Literature. Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa. Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo. Panahon ng Kasarinlan Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.