AP G7 Quarterly Assessment Q2 PDF
Document Details
2024
Tags
Related
- Araling Panlipunan Grade 6 Past Paper (Modyul 3) 2020 PDF
- ARALING PANLIPUNAN 10 Past Paper - FIRST Quarter PDF
- Araling Panlipunan 8 Grade 8 Modyul 3 Past Paper PDF
- Araling Panlipunan Grade 10 Past Paper PDF
- Araling Panlipunan Grade 6 Past Paper 2021 PDF
- Understanding Culture, Society, and Politics Grade 11/12 Past Paper PDF 2020
Summary
This is a past paper for Grade 7 Araling Panlipunan (social studies) covering questions about Imperialism and colonialism in the Philippines, with focus on the impact of European powers on Filipino culture and economy. The questions cover topics like the "White Man's Burden" and the Social Darwinism ideology, among other important historical events and concepts.
Full Transcript
REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikalawang Markahan – Grade 7 (Araling Panlipunan) Pangalan: ________________________________________ Petsa: _________________ Seksiyon: ________________________________________ S...
REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikalawang Markahan – Grade 7 (Araling Panlipunan) Pangalan: ________________________________________ Petsa: _________________ Seksiyon: ________________________________________ Sangay: _______________ Paaralan: _________________________________________________________________ PANGKALAHATANG PANUTO. Huwag magsulat ng anuman sa test paper na ito. Matapos maingat na basahin ang lahat ng tanong, isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na SAGUTANG PAPEL. Itiman ang bilog na tumutugma sa iyong napiling sagot. 1. Paano ipinakita ng kolonyalismo ang kapangyarihan ng imperyalistang bansa sa mga nasakop na mga bansa? a. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pantay na relasyon sa ibang bansa b. Sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga yamang dagat ng isang teritoryo. c. Sa pamamagitan ng pagsasama ng kultura ng mga nasakop na tao sa sariling kultura. d. Sa pamamagitan ng direktang pamumuno at administrasyon sa nasakop na teritoryo. 2. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng mga bansang kolonyal sa pandaigdigang ekonomiya? a. Lumikha ito ng mas patas na distribusyon ng kayamanan sa buong mundo. b. Nagtatag ito ng mas makatarungan at pantay na sistemang pang-ekonomiya. c. Nagresulta ito sa hindi balanseng pandaigdigang kalakalan na pabor sa mga mananakop. d. Nagresulta ito sa hindi balanseng pandaigdigang kalakalan na pabor sa mga mananakop. 3. Sa iyong pagsusuri, makatarungan ba ang pagsagawa at paglunsad ng imperyalismo at kolonyalismo? a. Oo, dahil nagdala ito ng teknolohiya at kaalaman sa mga nasakop na bansa. b. Oo, dahil pinaunlad nito ang sistema ng pamamahala sa mga nasasakupang bansa. c. Hindi, dahil ang mga bansang naging kolonya noon ay hindi naging maunlad ang mga ekonomiya ngayon. d. Hindi, dahil ang layunin lamang ng mga imperyalistang bansa ay pagsamantalahan ang likas na yaman at lupain ng mga mahihinang bansa. 4. Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang kaganapan sa Europa na naging dahilan ng kanilang pagpunta sa Asya maliban sa isa. a. Middle Ages b. Renaissance c. Paglunsad ng krusada d. Paglalakbay ni Marco Polo 5. Paano nakaimpluwensya ang merkantilismo sa mga hakbangin ng mga bansang Kanluranin sa kolonisasyon? a. Naging batayan ito upang ipakalat ang edukasyon sa mga kolonya. b. Hinikayat nito ang pagtatatag ng mga base militar sa bawat kolonya. c. Nagdulot ito ng pagsulong ng mga ideya tungkol sa pantay na karapatan ng lahat ng tao. d. Naging dahilan ito upang ang mga bansa ay magtayo ng mga sentro ng kalakalan at pang-ekonomiya sa mga nasakop na lugar. 6. Sa kasalukuyang pananaw, paano mo bibigyang-puna ang pamagat ng tulang, “The White Man’s Burden” ni Rudyard Kipling? a. Ang pamagat ay isang manipulatibong paraan ng pagsuporta sa kolonyalismo. b. Ang pamagat ay walang direktang epekto sa kasalukuyang panahon at hindi na dapat isaalang-alang. c. Ang pamagat ay hindi na naaangkop dahil ito ay naglalarawan ng rasistang pananaw at pagtuturing sa ibang lahi bilang pabigat. d. Ang pamagat ay naaangkop pa rin dahil may mga sitwasyon kung saan ang mga malalakas na bansa ay may responsibilidad sa mas mahihinang bansa. 7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahusay na naglalarawan sa ugnayan ng industriyalisasyon at kolonyalismo sa unang yugto ng imperyalismo? a. Ang industriyalisasyon ay hindi gaanong nakaapekto sa mga proseso ng kolonisasyon. b. Ang industriyalisasyon ay nagdulot ng pantay na pamamahagi ng yaman sa mga kolonya at mananakop. c. Ang industriyalisasyon ay nagpahina sa kapangyarihan ng mga bansang Europeo sa kanilang mga kolonya. d. Ang industriyalisasyon ay nagpabilis sa kolonisasyon dahil sa pangangailangan ng mga hilaw na materyales. 8. Sa anong paraan nagbigay-diin ang Social Darwinism sa pagtingin ng mga Europeo sa kanilang misyon sa mga kolonya? a. Bilang isang pagkakataon na magturo ng mga aral sa mga lokal na populasyon. b. Bilang isang moral na tungkulin na tumulong sa pagbuo ng mga ekonomiya ng mga kolonya. c. Bilang isang hakbang para sa pagprotekta sa mga kolonya mula sa mga kalaban nilang bansa. d. Bilang isang natural na proseso kung saan ang mga mas maunlad na bansa ay may karapatang mangibabaw sa mga mas mababang lahi. 9. Kung sakaling bibigyan ka nang pagkakataon na mag-organisa ng makabago at epektibong program na makakatulong masugpo ang ideolohiyang Social Darwinism, ano ang magiging layunin nito? a. Magbigay ng edukasyon na nakatuon lamang sa pagpapalakas ng ideya ng superioridad ng mga mananakop. b. Mag-organisa ng mga seminars na nagtatampok sa hindi pagkakapantay-pantay ng lahi sa konteksto ng Social Darwinism. c. Maglunsad ng mga programa na nagpapalakas ng pagsuporta sa mga ideolohiya ng Social Darwinism sa mga kolonya d. Magtatag ng mga edukasyonal na programa na nagtuturo ng pantay-pantay na pagtrato at paggalang sa lahat ng kultura at lahi. 10. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang ginamit ng mga Espanyol sa Pilipinas upang makuha ang kontrol sa mga lokal na komunidad? a. Pagpapalawak ng mga komersyal na kasunduan. b. Pagbuo ng mga misyonero upang magturo ng Kristiyanismo. c. Pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga lokal na komunidad. d. Pagpapadala ng mga diplomat upang makipag-ayos sa mga lokal na pinuno. 11. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na paglalarawan sa patakaran ng "Divide and Rule" na ginamit ng mga Espanyol sa Pilipinas? a. Pagpapataw ng iisang wika sa buong bansa. b. Paghikayat sa pagkakaisa ng iba't ibang etniko. c. Pagpapasailalim sa lahat ng grupong etniko sa iisang pamahalaan. d. Paghihiwalay at pag-away-awayin ang iba't ibang grupong etniko upang mapanatili ang kapangyarihan. 12. Ano ang pangunahing epekto ng mga kolonyal na patakaran ng mga Espanyol sa edukasyon sa Pilipinas? a. Ang pagbubukas ng mga paaralang nasa Ingles na wika. b. Ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng antas. c. Ang pagbuo ng mga paaralang sekular na hindi pinamamahalaan ng simbahan. d. Ang pagpapalaganap ng mga Katolikong paaralan at edukasyon sa ilalim ng simbahan. 13. Ano ang naging epekto ng estratehiyang "divide and rule" sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng mga katutubong Pilipino noong panahon ng kolonisasyon? a. Nawala ang pagkakaalam ng mga katutubong Pilipino sa kanilang sariling kultura. b. Tumaas ang kooperasyon sa pagitan ng mga lokal na komunidad at mga Espanyol. c. Nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa at pagkakaisa sa pagitan ng iba't ibang grupo. d. Lumitaw ang iba't ibang pagkakaiba at hidwaan sa pagitan ng mga grupo, na humantong sa mas pinasimple na kontrol ng mga Espanyol. 14. Paano nakatulong ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pagpapatatag ng sistema ng encomienda sa Pilipinas? a. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay nagdulot ng pagbagsak ng sistema ng encomienda dahil sa pagtutol ng mga lokal na komunidad. b. Ang Kristiyanismo ay ginamit upang mapanatili ang sistema ng encomienda ngunit hindi ito umangat sa epekto ng iba pang mga estratehiya sa pangangasiwa. c. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay hindi nakatulong sa sistema ng encomienda dahil walang direktang koneksyon sa pagitan ng relihiyon at sistemang pang- ekonomiya. d. Ang Kristiyanismo ay ginamit bilang paraan upang palakasin ang sistema ng encomienda sa pamamagitan ng pagbigay ng moral na katuwiran sa mga pang-aabuso at pangungulekta ng buwis. 15. Paano mo gagamitin ang mga aral ng mga kolonyal na patakaran ng Britanya at Pransya sa Timog-Silangang Asya upang bumuo ng makatarungang modelo ng pamamahala? a. Magpatupad ng mga batas na tanging mga nasa pamahalaan lang ang makakabenipisyo. b. Huwag makipag-ugnayan sa ibang mga bansa at palakasin ang mga lokal na pamumuno. c. Gumawa ng mga radikal na aksyon laban sa mga rebulosyonaryong grupo na magtatangkang baguhin ang pamahalaan upang maiwasan ang kaguluhan sa bansa. d. Magkaroon ng balanse sa pagitan ng direktang pamamahala at pagpapalakas ng lokal na awtonomiya upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan. 16. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing epekto ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas? a. Estratehiyang Pandigma b. Relihiyong Kristiyanismo c. Komprehensibong Edukasyon d. Paggamit ng Pambansang Wika 17. Ano ang pangunahing layunin ng mga pag-aalsa laban sa mga kolonyalista sa Timog Silangang Asya? a. Mapalakas ang ekonomiya ng rehiyon. b. Mapanatili ang tradisyonal na kultura at paniniwala. c. Magkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng mga iba't ibang etniko. d. Mapaalis ang mga dayuhang mananakop at mabawi ang kalayaan. 18. Sa anong paraan patuloy na nakakaapekto ang sistemang encomienda ng mga Espanyol sa kasalukuyang kalagayan ng lupain sa Pilipinas? a. Sa pag-usbong ng urbanisasyon at modernisasyon sa mga lungsod. b. Sa pagbibigay ng pantay-pantay na karapatan sa lahat ng Pilipino na magmay-ari ng lupa. c. Sa patuloy na paglaganap ng malalaking hacienda at pagmamay-ari ng lupa ng iilang pamilya. d. Sa pamamahagi ng lupa sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) 19. Sa iyong palagay, alin sa tatlong bansang ito (Pilipinas, Indonesia, Malaysia) ang may pinakaepektibong pagtugon sa kolonyalismo? a. Indonesia, dahil sa kanilang malawakang pag-aalsa na nagbunsod sa pagkakaisa ng bansa. b. Pilipinas, dahil sa kanilang buong tapang na paglunsad ng rebolusyon laban sa mga Kastila. c. Malaysia, dahil sa kanilang stratehiya ng pag-angkop at pakikipagtulungan na nagbigay-daan sa kanilang pagkamit ng kalayaan. d. Lahat ng nabanggit, dahil ang bawat bansa ay nagkaroon ng natatanging paraan ng pagtugon na angkop sa kanilang sitwasyon. 20. Bilang isang student leader inatasan ka ng iyong guro na mag-organisa ng isang forum na magtatampok ng mga pagtalakay sa mga epekto ng kolonyalismo sa kultura at lipunan. Ano ang magiging pangunahing layunin ng forum? a. Upang i-promote ang Kanluraning pananaw sa kultura at Lipunan. b. Upang makabuo ng mga solusyon para sa pagkilala ng lokal na identidad. c. Upang ipakita ang mga negatibong aspeto ng kolonyalismo sa kasalukuyan. d. Upang itaguyod ang mga makabago at internasyonal na pananaw sa kultura 21. Ano ang dahilan ng pagsiklab ng Digmaang Anglo-Burmese sa pagitan ng mga British at Burmese? a. Pagpapalaganap ng kalakal sa Asya b. Pagpapalakas ng ugnayang diplomatiko c. Pag-aagawan ng teritoryo at mga likas na yaman d. Pagpapalaganap ng relihiyon at edukasyon 22. Paano naapektuhan ng kolonyal na patakaran ang ekonomiya ng Vietnam sa panahon ng Pranses na pamamahala? a. Napalakas ang lokal na agrikultura sa bansa. b. Nagkaroon ng pagtaas sa antas ng buhay ng mga Vietnamese. c. Ang lokal na ekonomiya ay naging depende sa mga kalakal ng Pranses. d. Nagkaroon ng pag-unlad at pagtaas ng lokal na industriyang Vietnamese. 23. Sa anong paraan ginamit ng mga Pranses ang relihiyon upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan sa Cambodia? a. Ipinakilala nila ang Katolisismo bilang opisyal na relihiyon ng bansa. b. Sinira nila ang mga lokal na templo at pinalitan ng mga simbahan. c. Ipinagamit nila ang mga monghe sa pagkalat ng kolonyal na ideolohiya. d. Pinayagan nilang lumago ang Budismo upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon. 24. Alin sa mga sumusunod ang naging pangunahing resulta ng patakarang “Divide and Rule” ng mga Briton sa Bansang Myanmar? a. Nagdulot ng pagkakaisa sa pagitan ng iba't ibang etnikong grupo sa Myanmar b. Nagbunga ng away sa pagitan ng mga katutubong mamamayan ng Myanmar. c. Pinaunlad ang sistema ng pamamahala sa mga lupain ng bansang Myanmar. d. Pinatatag ang ekonomiya ng Myanmar sa pamamagitan ng lokal na pamamahalan. 25. Kung ikaw ay isang magsasaka sa mga lupain sa Indo-China, paano mo iaangkop ang mga pamamaraan mo sa pagsasaka sa mga patakaran ng mga French na nagtututlak ng malawakang komersyal ng pagsasaka? a. Magtatag ng mga union o samahan upang tutulan ang mga patakaran ng mga Pranses. b. Magtanim ng mga tradisyonal na pananim kahit hindi sinusuportahan ng mga Pranses. c. Susunod ka sa mga patakaran ng Pranses at magtatanim ng mga produktong pang- export tulad ng koton at palay. d. Huwag ng magtanim dahil hindi naman ikaw ang makakuha ng kit amula sa iyong mga itinanim. 26. Ano ang pangunahing dahilan ng Digmaang Anglo-Burmese? a. Paglaganap ng katolisismo sa mga kanayunan. b. Hidwaan sa kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. c. Nawalan ng tiwala ang mga Burmese tungo sa mga Pranses. d. Paglaganap ng hindi pantay na karapatan ng mga Pranses at Burmese. 27. Ano ang naging epekto ng digmaang Anglo-Burmese sa bansang Myanmar? a. Naging probinsya ng India ang bansang Burma. b. Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga tao sa Myanmar. c. Naging malaya ang mga Burmese mula sa mga Pranses d. Umangat ang estado ng pamumuhay ng mga tao sa Myanmar. 28. Ano ang pangunahing epekto ng kolonyal na sistema ng edukasyon sa kasalukuyang sistema ng edukasyon sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya? a. Nagdudulot ng higit na pagpapahalaga sa lokal na wika at kultura b. Nagpapalakas ng interes sa tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo. c. Nagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa mga mag-aaral sa kanayunan. d. Nagpapanatili ng mga istrukturang pang-edukasyon na nakaugat sa Kanluraning modelo. 29. Paano mo maiuugnay ang mga estratehiya ng pagtugon sa kolonyalismo sa Cambodia, Myanmar, at Vietnam sa mga kasalukuyang isyu ng pambansang pagkakaisa at pag-unlad sa Timog Silangang Asya? a. Sa pamamagitan ng paglikha ng mga programa sa pananaliksik na tumatalakay sa epekto ng kolonyalismo sa kasalukuyang politika ng mga bansa. b. Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga collaborative na proyekto na nagtatampok sa mga aral mula sa nakaraan upang mapabuti ang pambansang pagkakaisa. c. Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga forum at diskusyon na nag-uugnay sa mga makasaysayang karanasan sa mga kasalukuyang hamon sa pag-unlad. d. Lahat ng nabanggit 30. Ano ang pangunahing dahilan ng tagumpay ng Japan sa Digmaang Russo-Hapones? a. Mas maraming sundalo ang Japan b. Suporta mula sa mga Kanluraning bansa c. Pagsuko ng Russia sa simula ng labanan d. Mas modernong teknolohiya at estratehiya ng Japan 31. Ano ang naging epekto ng Restorasyong Mejia sa pag-usbong ng imperyalismong Happon? a. Pinahina nito ang military ng Japan. b. Naging mahirap ang ekonomiya ng Japan. c. Pinalakas nito ang militirasyon at industriyalisasyon. d. Nagdulot ito ng pagbagsak ng Japan sa pandaigdigang eksena 32. Ano ang pangunahing motibasyon ng bansang Japan sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo sa ika- 20 siglo? a. Palaganapin ang kulturang Hapones b. Pang- ekonomiyang pangangailangan c. Pagpapalaganap ng kanilang relihiyon d. Pagtatag ng Magandang relasyon sa ibang bansa. 33. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakaangkop na paglalarawan sa tunay na layunin ng patakarang “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere”? a. Pagpapalaganap ng kultura at wika ng Hapon sa buong Asya bilang tanda ng pagkakaisa b. Paglikha ng isang ekonomiko at pampolitikang pwersa na susuporta sa hegemonya ng Hapon sa Asya c. Pagbuo ng isang rehiyon kung saan ang lahat ng bansang Asyano ay pantay-pantay sa ilalim ng pamumuno ng Hapon. d. Pagpapalakas ng kalakalan sa pagitan ng mga bansang Asyano upang maging malaya mula sa impluwensya ng Kanluran. 34. Ano ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng imperyalismong Hapon sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? a. Ang pag-alis ng Hapon mula sa mga nasakupang teritoryo sa Asya. b. Ang pag-alis ng Hapon mula sa mga nasakupang teritoryo sa Asya. c. Ang pagpapahayag ng kapayapaan sa pamamagitan ng bagong pandaigdigang kasunduan. d. Ang mga pagbagsak ng dalawang atomic bombs sa Hiroshima at Nagasaki na nagdulot ng pagkatalo ng Hapon. 35. Makatwiran ba ang mga layunin at dahilan sa pagtatag ng imperyalismong Hapon?Bakit? a. Oo, dahil layunin nitong mapaunlad ang pamumuhay ng mga Asyano. b. Oo, dahil gusting alisin ng mga hapones ang imeryalismong kanluranin. c. Hindi, dahil ang mga layunin nila ay para sa pansariling interes lamang. d. Hindi, dahil naging mahirap ang mga bansang napasailalim sa kanilang pamamahala. 36. Paano inilarawan ng mga Hapon ang kanilang layunin sa kanilang mga nasakupang bansa? a. Bilang mga tagapaghatid ng modernisasyon at kaunlaran. b. Bilang mga tagapagpatupad ng demokratikong Sistema. c. Bilang mga tagapagtanggol ng mga nasakupang bansa mula sa mga Kanluranin d. Bilang mga nag-aalok ng pantay-pantay na oportunidad sa lahat ng mga nasakupang bansa. 37. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang pinakakaraniwan na ginamit ng mga Hapon sa pananakop sa Timog Silangang Asya? a. Paggamit ng mga kasunduan sa kapayapaan b. Pagbubukas ng mga bagong ruta ng kalakalan sa mga kolonya. c. Pagpapalakas ng militar at pagkakaroon ng diretsong pananakop. d. Pagpapadala ng mga misyonero upang magturo ng bagong relihiyon 38. Ano ang pangunahing dahilan ng patuloy na impluwensiya ng Hapon sa kalakalan at ekonomiya ng mga bansa sa Asya? a. Dahil sa kanilang malawak na sakop ng mga kolonya. b. Dahil sa kanilang tradisyunal na kasanayan sa agrikultura. c. Dahil sa kanilang kontrol sa mga pangunahing daungan at ruta ng kalakalan d. Dahil sa kanilang kasaysayan ng imperyalismo at modernong kaalaman sa teknolohiya. 39. Paano nakakaapekto ang mga pamana ng imperyalismong Hapon sa kasalukuyang pampolitikang ugnayan ng mga bansa sa Asya? a. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang hegemonya sa rehiyon. b. Sa pamamagitan ng pagpatibay ng alyansa sa mga bansa sa Kanluran. c. Sa pamamagitan ng patuloy na tensyon at digmaan sa pagitan ng mga bansa. d. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng multilateral na ugnayan at kooperasyon sa rehiyon. 40. Sa inyong klase, ikaw at ang iyong grupo ang naatasan na magsagawa ng isang proyekto para ipakita ang kasalukuyang impluwensiya ng Hapon sa teknolohiya. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang pinaka-epektibong paraan upang maipakita ito? a. Lumikha ng isang art exhibit na nagpapakita ng mga tradisyunal na sining ng Hapon. b. Mag-organisa ng isang symposium tungkol sa tradisyunal na teknolohiya ng Hapon. c. Gumawa ng isang timeline na nagpapakita ng teknolohikal na pag-unlad ng Hapon mula noong panahon ng imperyalismo. d. Gumawa ng isang dokyumentaryo na nagpapakita ng kasalukuyang teknolohiyang Hapon na ginagamit sa iba't ibang bahagi ng mundo. 41. Isang guro sa Araling Panlipunan ang nagtuturo tungkol sa ideya ng "White Man’s Burden" bilang batayan ng mga Kanluraning bansa sa pagsakop sa mga bansang Asyano at Aprikano. Ipaliwanag kung ano ito. a. Nagbigay ito ng moral na katuwiran para sa pagsakop. b. Inimpluwensyahan nito ang lokal na pamumuno sa mga bansang sinakop. c. Naging dahilan ito ng pagpapabuti sa edukasyon at kalusugan. d. Nagpalaganap ito ng relihiyong Kristiyano sa buong mundo. 42. Sa isang klase, pinag-uusapan ang mga epekto ng kolonyalismo sa mga kultura ng mga bansang sinakop ng mga Kanluraning bansa. Tinanong ng guro kung ano ang naging implikasyon ng kolonyalismo sa mga lokal na tradisyon at kultura? a. Ang paglaganap ng mga bagong relihiyon. b. Ang pagbagsak ng lokal na ekonomiya. c. ng pagsasara ng mga tradisyonal na paaralan. d. Ang pagtaas ng literacy rate sa mga bansa. 43. Kung ikaw ay isang lokal na pinuno sa Indonesia noong panahon ng "Tanam Paksa o Cultivation System", paano mo magagamit ang iyong posisyon upang mabawasan ang negatibong epekto ng patakarang ito sa iyong komunidad? a. Hikayatin ang mga magsasaka na mas paghusayin ang kanilang mga ani upang makamit ang quota na itinakda ng mga Dutch. b. Makipagtulungan sa mga mananakop upang lumikha ng makabagong teknolohiya na magpapadali ng pagtatanim. c. Manguna sa isang kampanya upang baguhin o limitahan ang mga produktong pinipilit itanim ng mga Dutch. d. Suportahan ang sistema upang makinabang sa pagbibigay ng mas mataas na buwis sa pamahalaang Dutch. 44. Batay sa mga layunin ng kolonyalismo, paano nakatulong ang iba't ibang patakarang kolonyal sa pang-ekonomiyang kapakinabangan ng mga mananakop? a. Ang patakarang Espanyol ay higit na nakatuon sa pagtuturo ng relihiyon at edukasyon, habang ang Dutch ay nakatuon sa direktang paggamit ng mga likas na yaman para sa kita. b. Ang Espanya ay nagpakilala ng malawak na mga reporma sa edukasyon at kalusugan habang ang Dutch ay nakatuon lamang sa pagpapalawak ng kanilang imperyo. c. Parehong nakinabang ang Espanya at Netherlands mula sa mga likas na yaman, ngunit mas malaki ang pokus ng mga Dutch sa pagtuturo ng Kristiyanismo kaysa sa mga Espanyol. d. Ang patakarang Espanyol ay nagdulot ng pangmatagalang kapakinabangan sa lokal na ekonomiya, samantalang ang patakaran ng Dutch ay nagdulot ng krisis sa ekonomiya ng Indonesia. 45. Paano nakaapekto ang iba’t ibang reaksyon ng mga lokal na pamayanan sa kolonyalismo sa pagbuo ng kanilang pambansang identidad sa mga bansa tulad ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia? a. Ang pag-aalsa ay nagpatibay ng pagkakaisa ng mga mamamayan upang patalsikin ang mga kolonyal na mananakop. b. Ang pag-angkin ng mga lokal na lider sa mga patakarang kolonyal ay nagbigay daan sa mas mabilis na pag-usbong ng ekonomiya ng bansa. c. Ang pag-angkop sa mga sistemang kolonyal ay lumikha ng mga bagong anyo ng kultura na tinanggap ng lipunan at nagpatibay sa pagkakilanlan ng bansa. d. Ang mga kombinasyon ng pag-alsa, pag-angkin at pag-angkop ay humubog ng iba’t ibang uri ng nasyonalismo at nagpalakas sa ugnayan ng mga kolonya sa kanilang mga mananakop. 46. Bilang isang tagapayo sa pamahalaan ng isang bansa sa Timog Silangang Asya, alin sa sumusunod na tugon sa kolonyalismo ang iyong irerekomenda para sa pagpapanatili ng kaayusan habang iginigiit ang Kalayaan? a. Pag-aalsa laban sa kolonyal na pamahalaan. b. Pag-angkop ng mga kolonyal na patakaran habang itinataguyod ang mga tradisyunal na kultura. c. Pagsasama ng mga kolonyal na lider sa lokal na pamamahala. d. Pagbuo ng mga alyansa sa mga kalapit na kolonya upang labanan ang mga mananakop. 47. Ano ang pangunahing epekto ng French Protectorate Policy sa Cambodia sa lokal na kultura at politika ng bansa? a. Itinaas ang antas lokal na edukasyon at demokrasya. b. Naging sanhi ng paglakas ng hari ng Cambodia sa pamahalaan. c. Pinalakas nito ang control ng Pranses sa mga lokal pinuno, habang pinapanatili ang simbolikong kapangyarihan ng monarkiya. d. Nagsulong ng mas malaking pagkakaisa sa pagitan ng Cambodia at Vietnam. 48. Ipinatupad ng Pranses ang patakarang asimilasyon sa Vietnam, na naglayong gawing Pranses ang mga lokal na mamamayan sa aspetong kultural at political. Kung ikaw ay isang lider sa panahon ng kolonisasyong ito, ano ang maari mong gawing hakbang upang mapanatili ang lokal na identidad habang sinasakop ng mga Pranses? a. Sumunod sa patakarang asimilasyon upang makuha ang suporta ng mga Pranses. b. Bumuo ng mga samahan ng kabataan upang ipalaganap ang edukasyon ng lokal na kasysyan at kultura. c. Tumanggi sa lahat ng impluwensya ng Pranses at magpatayo ng sariling pamahalaan. d. Magpatupad ng sariling bersyon ng edukasyong Pranses para sa mga lokal na komunidad. 49. Paano naiiba ang pagtugon ng Myanmar sa kolonyal na kaayusan kumpara sa pagtugon ng Cambodia? a. Ang Myanmar ay sumailalim sa higit na pag-angkin ng mga kolonyal na pamahalaan, samantalang ang Cambodia ay nakibagay sa mga bagong patakaran. b. Ang Cambodia ay nagpatupad ng malawakang pag-aalsa, habang ang Myanmar ay sumunod sa mga patakaran ng mga kolonyal na kapangyarihan. c. Ang Myanmar ay nag-alsa laban sa mga kolonyal, samantalang ang Cambodia ay nakipag-ugnayan at tinanggap ang mga kolonyal na pamahalaan. d. Parehong nakipag-ugnayan ang Myanmar at Cambodia, ngunit mas tahimik ang reaksyon ng Cambodia kumpara sa Myanmar. 50. Sa anong paraan nagkaroon ng pinakamalaking epekto ang imperyalismong Hapon sa mga bansang nasakop nito noong ika-20 siglo? a. Sa anong paraan nagkaroon ng pinakamalaking epekto ang imperyalismong Hapon sa mga bansang nasakop nito noong ika-20 siglo? b. Sa pagpapatupad ng militaristang pamamahala na nagdulot ng malawakang paglabag sa karapatang pantao at pagsupil sa mga lokal na kultura. c. Sa pagpapatatag ng mga sistemang edukasyon na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo at paglaban para sa kalayaan ng mga nasakop na bansa. d. Sa pagpapatatag ng mga sistemang edukasyon na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo at paglaban para sa kalayaan ng mga nasakop na bansa. ______________________________________________________________________________ Congratulations! You completed the test! _______________________________________________________________________________