Filipino 7: Mga Karunungang-Bayan (2024-2025) PDF
Document Details
2024
Renso B. Salazar
Tags
Summary
These lesson notes cover Filipino 7, specifically proverbs, riddles, poems, and their analysis. Details on the structure and importance of these forms of traditional Filipino expressing. This covers parts of the 2024-2025 curriculum for the subject.
Full Transcript
Inihanda ni G. Renso B. Salazar TAONG PANURUAN 2024-2025 Aralin 1 Tula: Instrumento sa Pagpapahayag ng Damdamin Paksa/Iba pang Paksa 1.1 Mga Karunungang Bayan 1.2 Ang bugtong bilang isang uri ng Libangan 1.3 Tanaga 1.4 Kasaysayan ng Unang Tula sa Panahon ng Katutubo 1.5 Ang Salawikain, Ka...
Inihanda ni G. Renso B. Salazar TAONG PANURUAN 2024-2025 Aralin 1 Tula: Instrumento sa Pagpapahayag ng Damdamin Paksa/Iba pang Paksa 1.1 Mga Karunungang Bayan 1.2 Ang bugtong bilang isang uri ng Libangan 1.3 Tanaga 1.4 Kasaysayan ng Unang Tula sa Panahon ng Katutubo 1.5 Ang Salawikain, Kasabihan, at Sawikain LPO3: Mapagkakatiwalaan, Maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at Aktibong kasapi ng pamayanan Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo ng pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok. EPO3: Pinag-iisipang mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat upang matasa ang kawastuan, pagkamakatotohanan at kalinawan sa mga bagay na ibabahagi maging ang tono nito at kung paano ito dapat tanggapin at bigyang kahulugan ng iba. (LPO3) Ang bawat Paulinian ay inaasahang: ILO1: Nailalarawan ang mahahalagang pangyayari sa panahon ng katutubo kaugnay ng tekstong pampanitikan; Ang bawat Paulinian ay inaasahang: ILO2: Napag-uugnay ang angkop na kaisipan sa karunungang-bayan; ILO3: Nasusuri ang kultura o pag- uugaling ipinakikita sa mga karunungang bayan; Ang bawat Paulinian ay inaasahang: ILO4: Natutukoy ang pagkakaiba ng salawikain, kasabihan, at sawikain; at ILO5: Nakabubuo ng sariling bugtong, tanaga, salawikain, sawikain, at kasabihan na angkop sa kasalukuyan. Ang karunungang-bayan noon ay nagtataglay ng matatalinghagang pananalita na bihira nang magamit ngayon dahil sa pagbabago ng wikang ginagamit ng mga Pilipino. Ang mga salawikain, kasabihan, sawikain, at bugtong ay itinuturing na mga karunungang- bayan. Patalinghaga ang uri ng wikang ginagamit sa mga ito na ang layunin ay magbigay ng aral, payo, at magpatalas ng kaisipan ng mga tao. Ang karunungang-bayan ay bunga ng mga karanasan ng tao kaya ang mga aral o payo na ibinibigay ay may pinagbabatayan. Isa itong paalala o pangaral sa tao na binubuo ng maiikling tugma na patalinghaga ang pagpapahayag. Mga halimbawa: Ang hindi makipagsapalaran, hindi makatatawid sa karagatan. Ang salapi ay mabuting alipin at utusan ngunit kapag naging hari ay malupit at makamkam. Maghusay hanggang maaga upang di-ngumapa- ngapa pag dumating ang sigwa. Mga halimbawa: Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kung ika’y may kakayahan na ito’y magamit. Ang taong masikap mga pangarap ay matutupad. Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan ito’y pilitin mong matamo. Mga halimbawa ng sawikain o idyomatikong pagpapahayag: Anak-pawis – tumutukoy sa isang dukha o maralitang taong karaniwa’y tumutukoy sa isang manggagawa. Anghel ng tahanan – mga batang maliliit. Balat-sibuyas – mainipis, sensitibo Batakin ang katawan – sanayin ang katawan sa paggawa o trabaho. Mga halimbawa ng sawikain o idyomatikong pagpapahayag: Kapalagayang-loob – kaibigan; taong pinagkakatiwalaan. kulubot na ang balat – matanda na. Magdilang-anghel – magkatotoo ang sinabi. Balitang-kutsero – balitang walang katotohanan; tsismis. Mga halimbawa ng sawikain o idyomatikong pagpapahayag: Gagapang na parang ahas – magkakahirap- hirap sa buhay. Ginintuang-puso – maawain; laging handang tumulong sa iba. Hagisan ng tuwalya – pagpapasuko sa kalaban. Isa sa pamanang naiwan ng ating mga ninuno ang bugtong. Mabilis itong lumaganap noon dahil naililipat agad sa iba at nagpasalin-salin na ito sa bibig ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit hindi nasunog ng mga Espanyol ang karunungang-bayang ito sapagkat nanatili na ito sa isipan ng taong-bayan. Ayon kay Abadilla, ang ating mga ninuno noon ay “humahabi sa simula ng isa o dalawang taludtod na maikli, na may sukat at tugma; bugtong ang nangyari may sariling katuturan. Tanong na may kasagutan at siya ring nagtanong ang sumasagot.” Ayon kay Arrogante, “ginagawa ang bugtong noon kapag may okasyon o anumang pagtitipon. Layunin ng bugtong na pasiglahin ang isip, pukawin ang guniguni, at pasayahin ang loob ng mga tao habang nagtitipon- tipon. Ang pantig ng taludtod ng bugtong ay maaaring apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu, labing-isa, at labindalawa. Sina Noceda, Sanlucar, at Alip ay nakapagtala ng mga bugtong na may sukat at tugma. Mga halimbawa ni Alip sa Pambungad na babasahin sa Panitikang Pilipino: Aapating Pantig: Buto’t balat, lumilipad. Mga halimbawa ni Alip sa Pambungad na babasahin sa Panitikang Pilipino: Lilimahing Pantig: Isang bayabas, pito ang butas. Sasampuing Pantig: Magpakalayo-layo ng libot sa pinanggalingan din ang pasok. Ang Tanaga – ayon kina Padre Juan de Noceda at Padre Pedro San Lucar, ay may pitong pantig sa bawat taludtod at may apat na taludtod sa bawat saknong. Matatagpuan ito sa Vocabulario de la Lengua Tagala (1754) at nagtataglay rin ng talinghaga ang tanaga. Halimbawa: Tubig Tubig man ay malalim kaya itong bungkalin ng tao’t siyasatin para magamit natin. Sipag Magsikhay ng mabuti Sa araw man o gabi Hindi mamumulubi Magbubuhay na hari. Panuto: Ilahad ang kahulugan ng talinghagang pananalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyong angkop sa karunungang-bayan. 1. Ang katotohana’y kahit na ibaon; lilitaw pagdating ng takdang panahon. 2. May tainga ang lupa may pakpak ang balita. 3. Pag may isinuksok, may madurukot. Panuto: Ilahad ang kahulugan ng talinghagang pananalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyong angkop sa karunungang-bayan. 4. Bago mo linisin ang ibang looban, linisin mo muna ang iyong sariling bakuran. 5. Kapag maikling kumot, matutong mamaluktot. Maraming pag-aaral ang nagpapatunay na ang paghabi at pagbigkas ng tula ay likas na sa ating mga ninuno. sapagkat bahagi na ito ng kanilang pamumuhay. Ang ibang maikling tula ay sariling likha ng mga mambibigkas ng tula at iyong iba ay nagaya na lamang dahil naisaulo ito. Sinasabing ang mga Tagalog ay mayaman sa maikli at mahahabang tula bago pa man tayo nasakop ng mga Espanyol. Sa katunayan, naisatitik ang mga tugmang ito sa ilang aklat tulad ng “Vocabularo de la Lengua Tagala” (1754). Matatagpuan dito ang matulaing pagpapahayag gaya ng bugtong, kawikaan, at tanaga. Ang bugtong ay tugmang nagpapahayag ng kaisipan na nanghahamon sa mga tao na hulaan ang salitang inilalarawan ng mambubugtong. ginagawa ang bugtungan kapag may okasyon o pagtitipon. Ang sabi nga ni Abadilla (1971), “bawat kibot ng bibig ng makata ay may ibig sabihin at may katuturan.” Ibig sabihin nito na ang bawat sabihin nila ay matatalinghaga at makatuturan. Bunga nito, sumilang ang tinatawag ngayong kasabihan, kawikain, at salawikain. Mabilis na lumaganap sa kapuluan dahil madaling mailipat sa iba at maisaulo ng mga mambibigkas. Sa madaling salita, nailipat ang mga karunungang ito sa pamamagitan ng dila. Ang ganitong uri ng panitikan ay tinatawag na pasalindilang panitikan. Ayon kay Arrogante (1983), ito ay paglilipat ng karunungan ng naunang henerasyon sa sumusunod. Dahilan upang maipamana sa atin ang mga karunungang-bayan. Naisulat din ang mga karunungang-bayan noon sa mga dahon, balat ng punongkahoy, at naiukit din ito sa iba pang puwedeng pag-ukitan ng mga bungang-isip ng mga ninuno natin. May sarili na tayong sistema o paraan ng pagsulat noon na tinatawag na baybayin. Binubuo ito ng tatlong patinig at labing-apat na katinig. Nagpapatunay na bago pa man nandayuhan sa ating bansa ang mga Negrito o Aeta, Indones, at Malay ay marunong nang bumasa at sumulat ang ating mga ninuno. Ang mga unang tula ay nagbagong bihis sa panahon ng mga Espanyol. Pinag-aralan ng mga iskolar na misyonerong Espanyol ang ating wika at binago ang paraan ng sistema ng pagsulat at pinalitan ito ng abecedario, na alpabeto ng mga Espanyol. Ang pagkakaiba-iba ng salawikain, kasabihan, at sawikain. SALAWIKAIN Maituturing na pinakakatutubong “Bible” kung hindi man pinaka-”moral code” – L.K. Santos Pangungusap na nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng mga tao. -E.G. Angeles at N.V. Matienzo Ang pagkakaiba-iba ng salawikain, kasabihan, at sawikain. SALAWIKAIN Halimbawa: 1. “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” 2. “Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.” 3. “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.” Ang pagkakaiba-iba ng salawikain, kasabihan, at sawikain. KASABIHAN Isang pabalbal na kasabihang lansangan na karaniwang patudyo at gamit lamang sa panahong nasasaklaw. – L.K. Santos Panunudyo, may aral man o wala. Isang salita, pangungusap, o pariralang karaniwang sambitin sa ngayon o nakaugalian na kayang sabihin ng mga tao sa isang pook at sa loob ng isang kapanahunan. -E.G. Angeles at N.V. Matienzo Ang pagkakaiba-iba ng salawikain, kasabihan, at sawikain. KASABIHAN Halimbawa: 1. “Kung may tiyaga, may nilaga.” 2. “Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.” 3. “Ang taong gipit, sa patalim kumakapit.” Ang pagkakaiba-iba ng salawikain, kasabihan, at sawikain. SAWIKAIN Katumbas ito ng idioms o idyomatikong pagpapahayag. Ang kahulugan ng mga salitang bumubuo sa mga ito ay may natatanging kahulugang naiiba sa mismong parirala. Ang pagkakaiba-iba ng salawikain, kasabihan, at sawikain. SAWIKAIN Halimbawa: 1. Bantay-salakay – taong nagbabait-baitan. 2. Di makabasag pinggan – mahinhin. 3. Itaga sa bato – tandaan. 4. Pusong-bakal – hindi marunong magpatawad. 5. Makapal ang palad – masipag. Bilang isang Paulinian na mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan ikaw ay magpahayag ng iyong realisasyon, integrasyon, emosyon at aksiyon mula sa paksang tinalakay. Realisasyon ay tungkol sa bagong natutunan. Integrasyon ay ang pag-uugnay ng natutunan sa iyong buhay. Emosyon ay ang damdamin mula sa binasa. Aksiyon ay ang angkop na tugon o kilos mula sa natutunan. Bilang Isang Paulinian, Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo ng pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok. Inihanda ni G. Renso B. Salazar TAONG PANURUAN 2024-2025 Ang Walang hinayang magtipon, Walang hinayang magtapon. Pangkatang Gawain p. 13-14: Pangkat 1: Ilahad ang kulturang masisinag sa salawikaing ibinigay sa bahaging ito at magbigay ng mga pangyayaring may pagkamakatotohanan na angkop sa nasabing salawikain. Pangkat 2: Lapatan ng angkop na salawikain ang maikling salaysay na ibinigay rito at ipaliwanag kung bakit ito ang inilapat sa salawikain. Pangkat 3: Ipaliwanag ang mga bagong salawikain at patunayan kung totoo o hindi ang mga ito. Magbigay rin ng mga pangyayaring nagaganap sa ating Lipunan na kaugnay ng salawikaing ito. Gawaing Pagganap Blg. 1.1 ILO5: Nakabubuo ng sariling bugtong, tanaga, salawikain, sawikain, at kasabihan na angkop sa kasalukuyan. Paraan: Pangkatang Gawain Panuto: Ang bawat pangkat ay pipili ng kanilang gagawin sa pamamagitan ng pagbunot. Pagkatapos malaman ang kanilang gagawin ay ibibigay na ng guro ang gabay sa gawain sa pagbuo ng mga karunungang-bayan. 1. Nakabubuo ng limang salawikain o kasabihan na tumatalakay sa iba’t ibang pag-uugali ng mga tao sa kasalukuyan. 2. Nakabubuo ng limang salawikain o kasabihan na tumatalakay sa pakikipagkapuwa sa kasalukuyan. 3. Nakabubuo ng sariling bugtong na naaayon sa makabagong panahon (tao, bagay, hayop, at iba pa) 4. Nakabubuo ng limang sariling tanaga at nakapagsasaliksik ng iba pang halimbawa nito. Bilang isang Paulinian na mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan ikaw ay magpahayag ng iyong realisasyon, integrasyon, emosyon at aksiyon mula sa paksang tinalakay. Realisasyon ay tungkol sa bagong natutunan. Integrasyon ay ang pag-uugnay ng natutunan sa iyong buhay. Emosyon ay ang damdamin mula sa binasa. Aksiyon ay ang angkop na tugon o kilos mula sa natutunan. Bilang Isang Paulinian, Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo ng pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok.