KOMWIKA-YUNIT-7 PDF Study Guide
Document Details
Tags
Summary
This study guide details the history of the Filipino language during different periods of occupation in the Philippines, focusing on how language policy and use has changed. It covers the Spanish, Revolution, American, and Japanese periods.
Full Transcript
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO BAITANG 11, YUNIT 7 Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon...
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO BAITANG 11, YUNIT 7 Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Wika sa Pilipinas noong Panahon ng mga Espanyol 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Pag-aralan Natin 6 Alamin Natin 6 Sagutin Natin 10 Pag-isipan Natin 10 Gawin Natin 10 Aralin 2: Wika sa Pilipinas noong Panahon ng Rebolusyong Pilipino 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Pag-aralan Natin 14 Alamin Natin 14 Sagutin Natin 17 Pag-isipan Natin 17 Gawin Natin 18 Aralin 3: Wika sa Pilipinas noong Panahon ng mga Amerikano 20 Layunin Natin 20 Subukan Natin 21 Pag-aralan Natin 22 Alamin Natin 22 1 Copyright © 2018 Quipper Limited Sagutin Natin 25 Pag-isipan Natin 25 Gawin Natin 25 Aralin 4: Wika sa Pilipinas noong Panahon ng mga Hapones 27 Layunin Natin 27 Subukan Natin 28 Pag-aralan Natin 29 Alamin Natin 29 Sagutin Natin 32 Pag-isipan Natin 32 Gawin Natin 32 Pagyamanin Natin 34 Paglalagom 36 Dapat Tandaan 37 Gabay sa Pagwawasto 38 Sanggunian 39 2 Copyright © 2018 Quipper Limited Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman BAITANG 11 | KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO YUNIT 7 Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop Makapangyarihan ang mga institusyong pampamahalaan sa pamamalakad ng mga gawain ng mga mamamayan ng bansa. Ang pamahalaan din ang nagtatakda ng wikang gagamitin ng mga taong kaniyang pinamamahalaan. Ang kasaysayan ay naging saksi sa kapangyarihan at impluwensiya ng mga mananakop sa kultura at pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas. Maging ang wika ay hindi nakaligtas sa impluwensiyang dulot ng mga mananakop. Sila ang nagtakda ng wikang gagamitin ng mga mamamayan at nagdikta sa naging papel nito sa lipunang Pilipino. Gayunpaman, ang mga pangyayari sa kasaysayan ay masasabing nakatulong naman sa paghubog at pag-unlad ng mga patakarang pangwika sa Pilipinas. Ano ang kalagayan ng ating wika noong panahon ng pananakop ng iba’t ibang dayuhan? Bakit nagkaroon ng pulitika sa wika? Paano nangibabaw ang Filipino bilang wikang pambansa? 3 Copyright © 2018 Quipper Limited Aralin 1 Wika sa Pilipinas noong Panahon ng mga Espanyol Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalarawan ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Que pasa? ??? Ang wika ang isa sa pinakamahahalagang instrumento sa pagkakaisa at pag-unlad ng isang bansa. Wika rin ang kinikilalang kaluluwa nito, sapagkat ito ang pagkakakilanlan at nagbibigkis sa kaniyang mga mamamayan. Ngunit paano bibigkisin ng wika ang mga mamamayan kung ang bibig ng bawat mamamayan ay binubusalan? Mahigit 300 taong namalagi at pinamunuan ng mga Espanyol ang Pilipinas. Sa loob ng panahong ito ay wikang Espanyol din ang gamit sa pamahalaan at edukasyon. Ang kanilang wika ang isa sa mga puwersang ginamit nila upang maipadama ang kanilang lakas at kapangyarihan noong panahon ng kolonyalismo. 4 Copyright © 2018 Quipper Limited Subukan Natin Subukang ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang Espanyol. Isulat ang sagot sa inilaang hanay. Salitang Espanyol Kahulugan sa Wikang Filipino hermosa rapido mente obligacion amigo mujer feliz mercado la mascota de confianza 5 Copyright © 2018 Quipper Limited Pag-aralan Natin Sa buong panahong pananakop ng mga Espanyol Alamin Natin sa Pilipinas ay kontrolado nila ang iba’t ibang aspekto ng lipunan sa bansa—pamahalaan, Tandaan at gawing gabay ang ekonomiya, edukasyon, at relihiyon. kahulugan ng sumusunod na salita: katutubo – taal na mamamayan ng isang lugar literacy – kaalamang bumasa at sumulat; kamuwangan sagrado – banal; kagalang- galang kaisipang liberalismo – malayang kaisipan konsepto – ideya; kaisipan iginiit – ipinilit nagbunsod – nag-udyok; naging dahilan Ang relihiyon ang pinakamalaking impluwensiya ng mga Espanyol sa mga Pilipino. “Indio” ang tawag ng mga Espanyol sa mga katutubong naninirahan sa Pilipinas. Katumbas ito ng salitang "mangmang" o "walang alam." Ang tawag na “Pilipino” ay inilaan para lamang sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas. Tinawag din sila na mga “insulares” o “creoles.” Diumano, ito ang pangunahing dahilan ng mga dayuhan kung bakit kailangan nilang manatili at turuang gawing “sibilisado” ang mga katutubo. Gayunpaman, kung susuriin ang mga pangyayaring may kaugnayan sa wika sa panahong iyon, makikitang ang kamangmangang sinasabi ng mga dayuhan ay hindi tumutukoy sa "kawalang kaalaman" ng mga Pilipino, kung hindi "nilikha" lamang ito ng mga mananakop. Katunayan, may sarili nang sistema ng pagbasa at pagsulat ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol. 6 Copyright © 2018 Quipper Limited Kalagayan ng Wika sa Pilipinas bago ang Panahon ng Kolonyalismo Bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay may iba’t ibang katutubong wika na umiiral sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay ang Ilokano, Tagalog, Bikol, Cebuano, at Tausug. Nagkakahawig ang mga katutubong wika dahil nagmula ito sa iisang pamilya, ang Malayo Polynesian. Ang pamilya ng wikang ito ay mula naman sa wikang Ang nasa larawan ay ang Laguna Copperplate Austronesian. Mayroon di sarili na Inscription, patunay sa kakayahan ng mga katutubo ring sistema ng pagbasa at pagsulat na makapagsulat at makapagbasa. ang mga Pilipino. Dahil dito, mataas ang antas ng literacy sa buong kapuluan. Baybayin ang tawag sa alpabetong umiiral sa panahong iyon. Mga Programang Pangwika ng mga Espanyol Maraming ipinatupad na pagbabago sa wika nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Ipinakilala nila ang alpabetong Espanyol o “abecedario” na hango sa alpabetong Romano. Ito ay binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat. Ipinag-utos din ng hari ng Espanya na pag-aralan ng mga Espanyol ang mga katutubong wika at ituro sa mga katutubo ang wikang Espanyol. Hindi isinakatuparan ng mga opisyal na Espanyol ang mga programa ukol 7 Copyright © 2018 Quipper Limited sa wika na ipinag-utos ng hari ng Espanya, dahil sa sumusunod: Mababa ang tingin ng mga Espanyol sa mga katutubo at naniniwala silang hindi nararapat ang uring ito sa kanilang sagradong wika. Nais nilang manatiling walang alam ang mga katutubo tungkol sa mga patakaran ng pamahalaang kolonyal at mga pangyayari sa bansa at sa mundo. Ayaw nilang magkaintindihan ang iba’t ibang grupo ng katutubo kaya ninais nilang panatilihin ang paggamit ng mga ito ng kani-kanilang katutubong wika. Implikasyon ng Hindi Pagkatuto ng Wikang Espanyol Ang hindi pagsunod ng mga opisyal ng pamahalaang kolonyal sa kautusan ng hari na ituro ang wikang Espanyol sa mga katutubo ay may epekto sa pakikipagkomunikasyon ng mga katutubo sa mga Espanyol at maging sa kanilang kapwa katutubo. Ilan dito ang sumusunod: Nahirapan ang mga katutubo na iparating sa Espanya ang kanilang totoong kalagayan, lalo na ang pang-aabuso ng mga opisyal ng pamahalaang kolonyal sa Pilipinas. Nahirapan ang mga katutubo na makipag-ugnayan sa iba pang katutubo mula sa iba pang lugar ng bansa. Nabuo ang pagtingin ng mga katutubo na higit na mababang uri ang anumang katutubong wika kaysa sa wikang Espanyol. Wikang Espanyol din ang gamit sa edukasyon, ngunit hindi itinuro sa mga mag-aaral ang nasabing wika. 8 Copyright © 2018 Quipper Limited Ang Pag-usbong ng Kaisipang Liberalismo sa Pilipinas Sa huling bahagi ng ika- 17 na siglo, tuluyang lumakas ang kaisipang liberalismo sa Europa. Sa panahong ito ay mayroon nang mga katutubo na umangat ang estado sa buhay dahil sa pakikilahok sa Kalakalang Galyon. Nagkaroon sila ng kakayahang ipadala ang kanilang mga anak sa Europa para doon mag-aral. Ang mga katutubo at mestizo na nakapag-aral sa Europa ay tinawag na mga “ilustrado.” Dahil sa kanila, nakarating ang kaisipang liberalismo sa Pilipinas. Nakarating sa bansa ang konsepto ng kalayaan at nagkaroon ng puwang ang usapin tungkol sa kalayaan mula sa mga mananakop. Kasabay ng paghiling ng mga Pilipino ng pantay na karapatan sa iba’t ibang pamamaraan, hiniling nilang ituro sa mga Pilipino ang wikang Espanyol. Ang mga ilustrado ang nanguna sa paghiling sa Espanya na mabigyan ang mga katutubo sa Pilipinas ng pantay na karapatan sa mga Espanyol na mananakop. Gayundin, hiniling nilang ituro ang wikang Espanyol sa mga katutubo. Nang malaman ng mga opisyal sa Espanya na hindi sinunod ng mga opisyal ng pamahalaang kolonyal ang kautusan ng hari ay muling ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang Espanyol sa mga katutubo sa Pilipinas. Makalipas ang humigit-kumulang 250 taon ay tuluyan nang natutuhan at ginamit ng mga katutubo Ang mga Ilustrado sa Pag-usbong ng Liberalismo ang wikang Espanyol sa sa Pilipinas pakikipagkomunikasyon. Ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay hindi nagdulot ng ganap na pagbabago sa mga wika ng Pilipinas. Iginiit ng mga Pilipino ang kanilang kultura at karapatang pamahalaan ang sariling bansa. Higit pa rito, ang pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga katutubo ay nagbunsod sa maraming katutubo na kumilos para makawala sa pagmamalabis ng mga mananakop. Hindi nagtagal ay nagkaroon ng mga pag-aalsa sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito ang nagpasimula sa Rebolusyong Pilipino. 9 Copyright © 2018 Quipper Limited Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang gamit na alpabeto ng mga Pilipino bago dumating sa Pilipinas ang mga Espanyol? 2. Anong alpabeto ang ipinakilala at itinuro ng mga Espanyol sa mga katutubo? 3. Bakit hindi itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika sa mga katutubo? Pag-isipan Natin Sa iyong palagay, kung sakaling hindi nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, ano ang kalagayan ng ating wika sa kasalukuyan? Gawin Natin Magsaliksik ng iba pang pangyayari sa kalagayan ng sarili nating wika noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Gumawa ng buod ng mga nakalap na impormasyon at talakayin ito sa harap ng klase. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Kalidad ng Walang ibinigay May iilang Maraming Puno ng tamang Nilalaman na karagdagang detalye lamang; detalye ang detalye at impormasyon may ibang isinaad; may isa maayos na bahagi na o dalawang ipinahayag, kinakailangan pangyayari na inilarawan, at pa ng kaukulang hindi lubusang ipinaliwanag impormasyon naipaliwanag ang mga 10 Copyright © 2018 Quipper Limited pangyayaring ibinigay Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Pagsisikap gawain para gawain ngunit gawain na may isang lamang hindi kasiya-siyang napakagandang may maipasa sa sinikap na lalo resulta, may gawain na may guro pang pagsisikap na masidhing mapaganda lalo pa itong pagsisikap na pagandahin maging natatangi ito Kasanayan/ Hindi Nagpapakita ng May angking Nagpapakita ng Husay naipakikita ang pagnanais na husay sa husay at pagnanais na mapaghusay paggawa; galing sa mapaghusay ang paggawa kailangan pa ng paggawa; may ang isinumiteng kaunting sapat na gawain pagsasanay kaalaman o pagsasanay Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa ng gawain sa ng gawain sa ng gawain sa ng gawain bago loob ng loob ng itinakdang pa ang dalawang linggo isang linggo petsa ng itinakdang matapos ang matapos ang pagpapasa petsa ng itinakdang itinakdang pagpapasa petsa ng petsa ng pagpapasa pagpapasa KABUUAN 11 Copyright © 2018 Quipper Limited Aralin 2 Wika sa Pilipinas noong Panahon ng Rebolusyong Pilipino Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalarawan ang kondisyong pangwika sa Pilipinas noong panahon ng rebolusyon. Pinangunahan ni Andres Bonifacio ang Rebolusyong Pilipino. Ang mga Pilipino ay likas na mahinahon at mapagpaubaya. Ngunit kung sukdulan nang sinisiil ang karapatan ay matapang na lumalaban, at malaki ang ginampanan dito ng wika. Ang wika ang nag-ugnay sa magigiting na bayani ng bansa para matamo ang pangarap nilang kalayaan ng Pilipinas. 12 Copyright © 2018 Quipper Limited Subukan Natin Ibigay ang hinihinging sagot ng sumusunod na pahayag. Isulat ito sa inilaang patlang. ______________ 1. Wikang opisyal noong panahon ng rebolusyon ______________ 2. Kinilalang ama at supremo ng Katipunan ______________ 3. Unang pamahalaang itinatag sa Pilipinas bilang isang bansa ______________ 4. Wika na inakala ni Andres Bonifacio na ginagamit ng buong kapuluan ______________ 5. Binalangkas at pinasinayaan ni Emilo Aguinaldo at mga opisyal ng Rebolusyong Pilipino noong 1987 ______________ 6. Mga wikang komon na umusbong noong panahon ng rebolusyon ______________ 7. Wikang gamit ng mga ilustradong Pilipino ______________ 8. Naging pangunahing daluyan ng komunikasyon ng mga Pilipino noong panahon ng himagsikan ______________ 9. Pangunahing lathalain ng Katipunan na nasa wikang Tagalog ______________ 10. Diyaryong gumamit ng mga wikang Ilocano, Tagalog, at Espanyol 13 Copyright © 2018 Quipper Limited Pag-aralan Natin Isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan Alamin Natin ng Pilipinas ang pagsisimula ng Rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol. Isang Tandaan at gawing gabay ang mahalagang aspekto ng pangyayaring ito ay kahulugan ng sumusunod na ang pag-unlad ng wikang ginagamit sa bansa salita: para makipagkomunikasyon. Sa panahong supremo – pinakamataas na ito ay iginiit ng mga “Pilipino,” noon ay posisyon; tawag kay Andres tawag na sa mga katutubo ng bansa, na Bonifacio dapat na nilang makamit ang kanilang pinasinayaan – inagurasyon, kalayaan mula sa matagal na pananakop at unang pagbubukas pang-aabuso ng mga Espanyol. pumukaw – gumising Tagalog bilang Wikang Opisyal Noong panahon ng rebolusyon, isa ang Tagalog sa mga wika ng Pilipinas. Ito ang wikang ginagamit ng mga Pilipino sa Maynila, ang sentrong pang-ekonomiya at pampulitika ng pamahalaang kolonyal. Tagalog ang wika ni Andres Bonifacio, ang kinikilalang ama at naging supremo ng Katipunan na pangkat ng mga Pilipinong nanguna sa pakikipaglaban sa mga Espanyol. Tagalog din ang wika ni Emilio Aguinaldo, naging pangulo ng Republika ng Biak-na-Bato at ng unang pamahalaang itinatag ng mga Pilipino bilang isang bansa. Malaki ang ginampanan ng wika sa pakikipaglaban ng mga rebolusyonaryo para sa kalayaan ng Pilipinas. 14 Copyright © 2018 Quipper Limited Ang Katagalugan at ang Rebolusyon Tinawag ni Bonifacio na Katagalugan ang lugar na nasasakop ng kaniyang pamumuno. Ang mga tao rito ay tinatawag na “Tagalog,” batay sa kanilang wikang ginagamit. Sa kaniyang mga panulat ay ginamit ni Andres Bonifacio ang “Katagalugan” para tukuyin ang buong kapuluan ng bansa. Dahil wala pang sapat na kaalaman tungkol sa pisikal at heograpikal na katangian ng Pilipinas, inakala at ipinalagay ni Bonifacio na ang lahat ng mamamayan ng bansa ay gumagamit ng wikang Tagalog. Taong 1897 nang binalangkas at pinasinayaan ang Konstitusyon ng Republika ng Biak-na-Bato, na itinatag ni Emilio Aguinaldo at mga opisyal ng Rebolusyong Pilipino. Nakasaad rito na wikang Tagalog ang opisyal na wika ng bansa at ng pamahalaan. Ang opisyal na wika ay ang wikang ginagamit sa pagsulat at pagbibigay-kahulugan sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan. Pag-Usbong ng mga Wikang Komon Hindi lamang ang mga probinsya ng Luzon ang sangkot sa Rebolusyong Pilipino. Katunayan, malalaki at naging matagumpay rin ang mga pag-aalsa sa rehiyon ng Ilocos, Cebu, Bohol, Samar at Leyte, at sa Mindanao. Hindi Tagalog ang wika sa mga panig na ito, kung kaya may iba pang pangunahing wika sa bansa na sangkot din sa Rebolusyong Pilipino. Ilan sa mga wikang ito ay Hiligaynon, Pangasinense, Waray-waray, Ang mga pangunahing wika ay may mahalagang Kapampangan, at iba pa. Ang mga papel na ginampanan sa pagkakaisa, pagtutulungan, wikang ito ay tinawag na wikang at pag-oorganisa ng mga samahang lumaban sa mga komon. Espanyol. 15 Copyright © 2018 Quipper Limited Mga Wikang Komon at Espanyol sa Rebolusyon Maliban sa iba’t ibang wikang komon, naging mahalaga rin ang papel ng wikang Espanyol sa himagsikan. Ang wikang ito ang naging wika ng mga Pilipinong ilustrado, na unang nagpahayag ng kagustuhang magkaroon ng pantay na karapatan ang mga Pilipino at mga Espanyol sa Pilipinas. Naging tulay ang mga ilustrado para maiparating sa iba pang Pilipino ang kaisipang liberal at maipaalam sa Espanya ang totoong kalagayan ng mga Pilipino sa Pilipinas. Nagsulat sila ng mga akda at diyaryong pumukaw sa damdaming makabayan ng mga Pilipino, lalo na ng mga Pilipinong namuno sa himagsikan. Nasusulat ang mga ito sa wikang Espanyol at sa mga wikang komon. Ilan dito ang sumusunod: Noli Me Tangere (nobelang isinulat ni Rizal) La Solidaridad (pahayagang inilunsad ni Jaena) Ang Kalayaan (pahayagan ng Katipunan, nasusulat sa Tagalog) La Republica Filipina, La Independencia, at Diario de Manila (mga pahayagang nasusulat sa Espanyol) Ilan sa mga akda noong Panahon ng Kolonyalismong Espanyol 16 Copyright © 2018 Quipper Limited Sa panahon ng rebolusyon ay nagkaisa ang mga Pilipinong mag-alsa laban sa mga mapang-abusong Espanyol. Gayunpaman, ang wika ang naging tulay para magkaunawaan ang mga Pilipino na magkaroon ng iisang layunin at magkaisa sa paghihimagsik. Sa pagkakataong iyon ay litaw na litaw ang kahalagahan at kapangyarihan ng wika para magbunsod ng mga pagbabago sa lipunan. Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang isa sa mga wikang opisyal na wika rin nina Andres Bonifacio at Emilo Aguinaldo? 2. Ano ang gamit ng wikang opisyal sa pamahalaan? 3. Paano pinukaw ng mga ilustradong Pilipino ang damdaming makabayan sa kapwa Pilipino? Pag-isipan Natin Batay sa mga tinalakay, paano mo mapatutunayang sariling wika ang kailangan ng mga Pilipino, hindi wikang dayo? 17 Copyright © 2018 Quipper Limited Gawin Natin Bumuo ng paghahambing sa kalagayan ng wika noong panahon ng mga Espanyol at panahon ng Rebolusyong Pilipino. Gamitin ang talahanayan sa paghahambing. Pag-aralan ang mga paghahambing na naitala at bumuo ng kongklusyon tungkol dito. Kalagayan ng Wika sa Pilipinas Panahon ng mga Espanyol Panahon ng Rebolusyong Pilipino Kongklusyon: Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] [75%] [100%] Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka Magaling Napakahusay kaysa Inaasahan Pagsasanay Kalidad ng Kulang ang May iilang detalye Maraming detalye Puno ng tamang Nilalaman paghahambing at lamang; may ang isinaad; may detalye at maayos walang ibang bahagi na isa o dalawang na ipinahayag, karagdagang kinakailangan pa paghahambing na inilarawan, at impormasyong ng kaukulang hindi lubusang ipinaliwanag ang ibinigay; wala o impormasyon; naipaliwanag; mga napakalabo ng medyo malabo mahusay ang paghahambing na kongklusyon ang kongklusyon kongklusyon ibinigay; napakahusay ng kongklusyon 18 Copyright © 2018 Quipper Limited Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang isang Pagsisikap gawain para gawain ngunit gawain na may napakagandang lamang may hindi sinikap na kasiya-siyang gawain na may maipasa sa guro lalo pang resulta, may masidhing mapaganda pagsisikap na lalo pagsisikap na pa itong maging pagandahin natatangi ito Kasanayan/ Hindi naipakikita Nagpapakita ng May angking Nagpapakita ng Husay ang pagnanais na pagnanais na husay sa husay at mapaghusay ang mapaghusay ang paggawa; galing sa isinumiteng paggawa kailangan pa ng paggawa; may gawain kaunting sapat na pagsasanay kaalaman o pagsasanay Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Paggawa gawain sa loob ng gawain sa loob ng gawain sa gawain bago pa dalawang linggo isang linggo itinakdang ang matapos ang matapos ang petsa ng itinakdang petsa itinakdang petsa itinakdang petsa pagpapasa ng ng pagpapasa ng pagpapasa pagpapasa KABUUAN 19 Copyright © 2018 Quipper Limited Aralin 3 Wika sa Pilipinas noong Panahon ng mga Amerikano Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalarawan ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Kasalukuyang nagaganap ang Rebolusyong Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa Piipinas. Bilang umuusbong na kapangyarihan sa mundo, malaki ang interes ng Estados Unidos sa Pilipinas dahil na rin sa estratehikong lokasyon nito sa Timog-Silangang Asya. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris noong 1898 ay ipinagbili ng Espanya sa Estados Unidos ang karapatan nito sa pamamahala ng Pilipinas sa halagang 20 milyong dolyar. Ito ang nagtakda sa ganap na pagsakop ng mga Amerikano sa bansa, na nagdulot din ng mga pagbabago sa wikang umiiral sa Pilipinas. Nagwakas ang pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 kasabay ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas ayon sa itinadhana ng batas. Seremonya ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas 20 Copyright © 2018 Quipper Limited Subukan Natin Punan at isulat sa patlang ang tamang sagot upang mabuo ang diwa ng bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot. Ingles mababa kultura Thomasite tanggulan ng wika Surian ng Wikang Pambansa 1. Ang mga _______________ ang nagsilbing guro ng mga mag-aaral noong panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas. 2. Ang mga aklat na ginagamit sa edukasyon ay nakasulat sa wikang _______________. 3. Nagkaroon ng maling paniniwala ang mga Pilipino sa sariling wika, ipinalagay nilang _______________ itong uri ng wika. 4. Madaling naimpluwensiyahan ng mga Amerikano ang mga Pilipino, dahil inilapit nila ang bahagi ng kanilang _______________. 5. Noong 1936 ay itinalaga ng pamahalaan ang _______________ para manguna sa pagsusulong ng wikang pambansa. 21 Copyright © 2018 Quipper Limited Pag-aralan Natin May walong pangunahing wikang katutubo na Alamin Natin namayani sa bansa bago dumating ang mga Amerikano—Tagalog, Cebuano, Ilocano, Tandaan at gawing gabay ang Hiligaynon, Bikol, Waray-waray, kahulugan ng sumusunod na Kapampangan, at Pangasinense. Ginagamit salita: pa rin noon ang wikang Espanyol ng ilang paghulma – paghubog; pagbuo sektor ng lipunan, partikular sa relihiyon. bentahe – kalamangan tinangkilik – binili, ginamit Sa pagdating ng mga Amerikano, patuloy na estruktura – pagkakabuo ng namayani ang iba’t ibang wikang katutubo isang bagay matapos ang himagsikan. Kakaunti naman ang luminang – paunlarin Pilipinong nakauunawa ng wikang Ingles. estratehiya – paraan Malaki ang papel na ginampanan ng mga Amerikano sa paghulma ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Nagdulot ito ng mga pagbabago sa wikang umiral sa bansa sa panahon ng kanilang pananakop. Nagkaroon din ito ng impluwensiya sa mga katutubong wika sa bansa. Ang Naganap na Paglagda ng Kasunduan sa Paris 22 Copyright © 2018 Quipper Limited Programa sa Edukasyon Isa sa mga pangunahing programa ng mga Amerikano sa Pilipinas ang pagpapakilala sa pampublikong sistema ng edukasyon. Dinala nila sa bansa ang Thomasites, mga gurong Amerikano upang magturo sa mga Pilipino. Dahil dito, nagkaroon ng suliranin sa wikang gagamitin sa pagtuturo sa mga Pilipino. Pinili nilang gamitin ang wikang Ingles dahil sa sumusunod na dahilan: Mas praktikal gamitin ang Ang mga Thomasite kasama ang mga wikang Ingles. Pilipinong mag-aaral. Hindi na kailangang pag-aralan ng mga Amerikanong guro ang wika ng mga Pilipino. Nasa wikang Ingles ang mga batayang aklat at iba pang kagamitanl sa pagtuturo. Pulitikal na Kalamangan ng Ingles May bentahe ang paggamit ng wikang Ingles sa tuluyang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Dahil dayuhang wika, inisip ng mga Pilipino na ang wikang Ingles ay mas mataas na wika. Kung gayon, naniwala ang mga Pilipino na mas mataas na lahi ang Amerikano kaysa sa kanila. Marami ding produkto mula sa Amerika ang tinangkilik ng mga Pilipino dahil bago ang mga ito sa kanila at hindi mabibili sa bansa. Ilang halimbawa nito ang tomato catsup at Naging status symbol sa lipunan ang mga spam. Marami ding aspekto ng kulturang produkto mula sa Amerika. Amerikano ang itinuro ng bagong mga mananakop sa mga Pilipino. Taliwas ito sa estratehiya ng mga Espanyol at tiningnan ito ng mga Pilipino bilang magandang “gawi” at pagpapakita na “mabuti” silang mananakop. Dahil dito, mas madaling naimpluwensiyahan ng mga Amerikano ang kulturang Pilipino. 23 Copyright © 2018 Quipper Limited Pag-Usbong ng Wikang Pambansa Taong 1935 nang itatag ang Pamahalaang Commonwealth bilang paghahanda sa kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Amerikano. Ika-13 ng Nobyembre, 1936 sa bisa ng Commonwealth Act 184 ay nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) para pag-aralan ang mga katutubong wika sa Pilipinas at pumili ng itatakdang batayan ng wikang pambansa. Taong 1937 naman nang idineklara ni Pangulong Manuel Quezon ang wikang Tagalog bilang batayan ng pauunlaring wikang pambansa. Ito ang unang logo ng Surian ng Wikang hakbang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Pambansa Pagpili sa Wikang Tagalog Ang wikang Tagalog ang piniling batayan ng wikang pambansa dahil mas marami ang Pilipinong gumagamit at nakauunawa ng wikang ito, lalo na sa Luzon. Ang pagiging maunlad ng estruktura at mekanismo ng wikang Tagalog ay isa rin sa mga naging dahilan. Sa lahat ng wikang umiiral sa Pilipinas, ang Tagalog ang pinakaginagamit sa panitikan. Maraming aklat ang nakasulat sa wikang Tagalog at patuloy itong ginagamit sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng panitikan. Mga Isyu sa Pagpili sa Wikang Tagalog Hindi naging madali ang pagtukoy sa katutubong wika na gagawing batayan para sa itatalagang wikang pambansa ng Pilipinas. Nang iminungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa ang wikang Tagalog, marami ang tumutol dito, partikular na ang mga Bisaya. Ayon sa kanila, minadali ang pagdedesisyon upang makatugon sa isa sa mga hinihingi ng mga Amerikano bago nila ideklara ang kalayaan ng Pilipinas. Tagalog ang wika ni Manuel L. Quezon, ang pangulo ng bansa, na siya ring kinilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.” Manuel L. Quezon Sa kabila ng impluwensiya ng mga Amerikano sa maraming aspekto ng lipunang Pilipino, nagbigay naman ito ng pagkakataon na luminang ng isang wikang pambansa. Ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapaunlad ng mga wika sa bansa. 24 Copyright © 2018 Quipper Limited Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Anong sistema sa edukasyon ang dinala ng mga Amerikano sa Pilipinas? 2. Ano ang tawag sa mga gurong Amerikano na nagturo sa Pilipinas? 3. Ano ang mga isyung kaakibat sa pagpili ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa? Pag-isipan Natin Kung ikaw ay nasa panahon kung kailan matindi ang isyu sa pagitan ng wikang Tagalog at iba pang katutubong wika, ano ang iyong magiging saloobin tungkol dito? Bakit? Gawin Natin Pangkatin ang klase na binubuo ng apat hanggang limang miyembro. Umisip ng makabuluhang paksa kaugnay ng kalagayan ng wika noong panahon ng mga Amerikano at bumuo ng iskit tungkol dito. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay. [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Kalidad ng Kailangang Maayos ang Makabuluhan Makabuluhan Nilalaman palitan ang napiling paksa ang paksa; ang paksa; ng Iskit paksa upang ngunit napalutang ang napalutang makapaghatid kailangang mensahe ng nang husto ang ng ayusin pa ang iskit sa paraan mensahe ng makabuluhang diyalogo upang ng pagtahi ng iskit sa paraan mensahe; mahantad ang diyalogo; ng pagtahi ng ayusin ang mga mensahe ng hantad ang diyalogo; diyalogo at paksa, kalagayan ng napalutang ang 25 Copyright © 2018 Quipper Limited palutangin ang kailangang wika noong kalagayan ng kalagayan ng ayusin pa upang panahon ng wika noong wika noong mapalutang ang mga Amerikano panahon ng panahon ng kalagayan ng mga Amerikano mga Amerikano wika noong panahon ng mga Amerikano Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Pagsisikap gawain para gawain ngunit gawain na may isang lamang may hindi sinikap na kasiya-siyang napakagandang maipasa sa guro lalo pang resulta, may gawain na may mapaganda pagsisikap na masidhing lalo pa itong pagsisikap na pagandahin maging natatangi ito Kasanayan/ Hindi Nagpapakita ng May angking Nagpapakita ng Husay naipakikita ang pagnanais na husay sa pag- husay at pagnanais na mapaghusay arte; galing sa mapaghusay ang pag-arte kailangan pa ng pag-arte; may ang itinakdang kaunting sapat na gawain pagsasanay kaalaman o kasanayan Panahon ng Nakapagtanghal Nakapagtanghal Nakapagtanghal Nakapagtanghal Paghahanda ng iskit sa loob ng iskit sa loob ng iskit sa ng iskit bago pa ng dalawang ng isang linggo itinakdang ang itinakdang linggo matapos matapos ang petsa ng petsa ng ang itinakdang presentasyon presentasyon itinakdang petsa ng petsa ng presentasyon presentasyon KABUUAN 26 Copyright © 2018 Quipper Limited Aralin 4 Wika sa Pilipinas noong Panahon ng mga Hapones Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang implikasyon ng mga pangyayari sa wika noong panahon ng pananakop ng mga Hapones. Sa pagpasok ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagpatuloy ang pambansang pamamahala sa kamay ng mga Pilipino sa paggabay at pangangasiwa ng mga sundalong Hapones. Naging maluwag ang paggamit ng wikang pambansa bilang matibay na sangkap o kasangkapan sa rekonstruksiyon ng programang Hapon na “Ang Asya ay para sa mga Asyano.” Ano ang pangunahing layunin ng mga Hapones sa pagbabawal sa mga Pilipino na gamitin ng wikang Ingles? Ano ang mahahalagang pangyayari sa wika sa Pilipinas bunsod ng pananakop ng mga Hapones, partikular sa pamamahala, edukasyon, at panitikan? Alamin at talakayin natin sa araling ito ang sagot sa mga nasabing tanong. 27 Copyright © 2018 Quipper Limited Subukan Natin Suriin ang bawat pahayag o pangyayari at tukuyin kung saang aspekto o larangan ito may kaugnayan: PAMAHALAAN, EDUKASYON, o PANITIKAN. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bawat bilang. 1. "Ang mga wikang Nihongo at Tagalog ang magiging opisyal na wika sa buong bansa." 2. Ipinatupad ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 44 na nagbigay daan sa restorasyon ng Unibersidad ng Pilipinas at pagtatalaga rito upang pag-aralan at payabungin ang wikang pambansa habang isinusulong ang diwang makabayan. 3. Tahasang ipinagbawal ang paggamit ng anumang wikang Kanluranin sa pagsulat ng anumang malikhaing akda. 4. Lumaganap ang pagsusulat sa katutubo at rehiyonal na wika. 5. Binuksan ang Tagalog Institute para sa mga gurong hindi Tagalog ang unang wika. 6. Naging pangunahing tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa na gumawa ng mga hakbang upang palaganapin ang mga wikang Nihongo at Tagalog sa buong bansa. 28 Copyright © 2018 Quipper Limited Pag-aralan Natin Taong 1942 nang sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas. Tumakas ang mga Amerikano pabalik Alamin Natin sa Estados Unidos, kasama sina Pangulong Tandaan at gawing gabay ang Manuel Quezon at Pangalawang Pangulong kahulugan ng sumusunod na Sergio Osmeña at kani-kanilang pamilya. salita: Bago umalis ng bansa, itinalaga ni Quezon si itinalaga – pinili para sa isang Jose P. Laurel bilang pansamantalang posisyon tagapangalaga ng bansa. Mahigpit ang bilin sa bunsod – dulot; dahil sa kaniya na gawin ang kaniyang makakaya para restorasyon – panunumbalik; mapangalagaan ang kapakapan ng mga pagsasaayos Pilipino. Dahil sa edukasyong natamo ni Laurel tahasan – direkta; walang sa bansang Hapon at pagkatuto ng wikang pasubali Nihongo, agad na nakuha ni Laurel ang loob ng mga Hapones. Hindi nagtagal ay itinalaga siya bilang pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Ayon sa mga Hapones, ang kanilang “pagdating” sa bansa ay bahagi ng pagbubuo ng Sama-samang Kasaganaan sa Lalong Malawak na Silangang Asya o Greater East Asian Co-Prosperity Sphere. Naniniwala sila sa konseptong “Ang Asya ay para sa mga Asyano,” at walang puwang sa rehiyon ang mga mananakop na Kanluranin. Layunin ng mga Hapones na burahin ang anumang impluwensiyang Kanluranin kaya ipinagbawal nila ang paggamit ng mga Kanluraning wika, partikular na ang Jose P. Laurel Ingles. Ipinasunog din nila ang mga lathalain at panitikang nakasulat sa Kanluraning wika. Sa bisa ng Military Ordinance No. 13 ay itinakda ang mga wikang Tagalog at Nihongo bilang mga opisyal na wika ng Pilipinas. Kasabay nito ay ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang Nihongo sa mga paaralan. 29 Copyright © 2018 Quipper Limited May iba't ibang pangyayari sa wika bunsod ng pananakop ng mga Hapones, partikular sa pamamahala, edukasyon, at panitikan. Wika ng Pamamahala Noong 1942, inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas (Philippine Executive Commission) ang Military Order No.13 na nagtatakda na "ang mga wikang Nihongo at Tagalog ang magiging opisyal na wika sa buong bansa." Oktubre, 1942 nang muling binuhay ang Surian ng Wikang Pambansa. Tungkulin nitong gumawa ng mga hakbang upang palaganapin ang mga wikang Nihongo at Tagalog sa buong bansa. Wika ng Edukasyon Itinalaga bilang mga wikang panturo ang Tagalog at Nihongo. Tinuruan ng Nihongo ang mga guro ng mga pampublikong paaralan. Ipinatupad ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 na nag-utos ng pagtuturo ng Tagalog sa elementarya, pribado man o pampublikong paaralan. Nagsagawa ng malawakang pagsasanay ang mga gurong magtuturo ng Tagalog. Ipinag-utos din ang pagtuturo ng Tagalog bilang asignatura sa elementarya at sekondarya. Ipinatupad ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 44 na nagbigay daan sa restorasyon ng Unibersidad ng Pilipinas at pagtatalaga rito upang pag-aralan at payabungin ang wikang pambansa habang isinusulong ang diwang makabayan. Kaugnay ng probisyong ito, isinama rin ang Tagalog bilang isa sa mga asignaturang kailangang kunin sa kolehiyo. Noong 1944, binuksan ang Tagalog Institute para sa mga gurong hindi Mga Pilipinong Mag-aaral sa Ilalim ng Edukasyong Kolonyal Tagalog ang unang wika. 30 Copyright © 2018 Quipper Limited Wika ng Panitikan Tahasang ipinagbawal ang paggamit ng anumang wikang Kanluranin sa pagsulat ng anumang malikhaing akda, bagkus ay hinikayat ang mga manunulat na maglimbag ng mga akda gamit ang kanilang katutubong wika. Dahil dito, naging aktibo ang mga Pilipinong manunulat sa pagsulat ng mga akda sa mga katutubo at rehiyonal na wika. Tinagurian ang panahong ito na “gintong panahon ng panitikan” dahil sa dami ng akdang Ang akdang “Sa Pula, sa Puti” ay sumikat noong panahong kolonyal. pampanitikang nailathala sa katutubong wika. Mga Usapin Tungkol sa Wika Sa kabila ng mga tila pagpapayaman sa mga katutubong wika sa panahon ng mga Hapones, may ilang isyu o usaping lumaganap sa panahong ito. Kabilang dito ang sumusunod: ü Hayagan ang naging pagkiling sa Tagalog kumpara sa iba pang pangunahing wika ng bansa. Makikita ito sa paggamit ng Tagalog bilang opisyal na wika at bilang wikang panturo. ü Sapilitan ding ipinagbawal ang paggamit ng wikang naging bahagi na ng kamalayan ng ilang sektor at mamamayan. Mahalagang matandaan na may mga pangyayari sa kasaysayan ng wikang pambansa na nagtampok sa pag-unlad ng mga katutubong wika sa Pilipinas. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng mga isyu sa wika ay manipestasyon lamang na kailangan pang pagbutihin ang proseso ng pagpili ng wikang pambansa, hanggang matukoy at malinang ang isang wikang pambansa na kakatawan sa kaluluwa ng bansa at magbubuklod sa mga mamamayan nito. 31 Copyright © 2018 Quipper Limited Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Bakit ipinagbawal ng mga Hapones ang paggamit ng wikang Ingles sa kolonyang Pilipinas? 2. Bakit ipinatupad sa larangan ng edukasyon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 44? Ilan ang antas ng wika? 3. Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng isyu sa wika noong panahon ng pananakop ng mga Hapones? Pag-isipan Natin Anong mahalagang papel ang ginampanan ng pananakop ng mga Hapones sa mga Pilipino sa pagpapaunlad ng wikang Filipino? Gawin Natin Magsaliksik ng kahit ilang akdang pampanitikan na naisulat sa mga wikang katutubo ng Pilipinas na nagpapatunay na ang panahong ito ay tinaguriang “Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino.” Gamiting gabay ang tsart. Pamagat at Uri ng May-akda Wikang Ginamit Taon ng Paglathala Panitikan 32 Copyright © 2018 Quipper Limited Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] [75%] [100%] Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka Magaling Napakahusay kaysa Inaasahan Pagsasanay Kalidad ng Nakapagtala ng Nakapagtala ng Nakapagtala ng Nakapaglata ng Nilalaman mas mababa sa lima hanggang hindi kukulangin higit sa lima; may ilang pito; may ilang sa sampu; inaasahan; tama impormasyon sa impormasyon sa karamihan sa ang lahat ng tsart na hindi tsart na hindi impormasyong impormasyong tama tama nasa tsart ay nakapaloob sa tama tsart Tiyaga/ Tinapos ang isang Tinapos ang isang Tinapos ang isang Tinapos ang isang Pagsisikap tsart para lamang tsart ngunit hindi tsart na may napakagandang may maipasa sa sinikap na lalo kasiya-siyang tsart na may guro pang resulta, may masidhing mapaganda pagsisikap na lalo pagsisikap na pang maging pagandahin natatangi ito Kasanayan/ Hindi naipakita Nagpakita ng May angking Nagpakita ng Husay ang pagnanais na pagnanais na husay sa husay at mapaghusay ang mapaghusay ang paggawa; galing sa isinumiteng paggawa; kailangan pa ng paggawa; may gawain; kailangan pa ng kaunting sapat na kailangang higit na pagsasanay kaalaman o maging seryoso pagsasanay pagsasanay Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Paggawa output sa loob ng output sa loob ng output sa output bago pa ilang minuto/ ilang minuto/oras itinakdang ang itinakdang oras/araw/linggo /araw/linggo minuto/oras/ minuto/oras/araw matapos ang matapos ang araw/linggo ng /linggo ng itinakdang itinakdang pagpapasa pagpapasa panahon ng panahon ng pagpapasa dahil pagpapasa ipinaalala ng guro KABUUAN 33 Copyright © 2018 Quipper Limited Pagyamanin Natin Isagawa ang inaasahang pagganap (performance task). Kayo ay mahuhusay na miyembro ng Teatro Filipino. Magtatanghal kayo sa Resort World Manila ng isang de-kalibreng palabas tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa na nahahati sa apat na yugto: Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol Panahon ng Rebolusyong Pilipino Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano Panahon ng Pananakop ng mga Hapones Layunin ng makulay at nasyonalistkong pagtatanghal na maipabatid sa sambayanang Pilipino ang masalimuot na pinagdaanan ng ating wika hanggang maging isang ganap na wikang Filipino, sa pamamagitan ng kakaibang pagtatanghal. Sa pamamagitan nito, inaasahang ang munti o limitadong kaalaman ng mga Pilipino sa paksang ito ay madaragdagan at magiging tulay sa lalo pang pagyabong nasyonalismong Pilipino. Para higit na maunawaan ang inaasahang pagganap, narito ang GRASPS: Tunguhin Magtanghal sa Resort World Manila ng isang de- (Goal) kalibreng palabas tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa Gampanin Mahuhusay na miyembro ng Teatro Filipino (Role) Tagatanggap Sambayanang Pilipino (Audience) Kalagayan Limitado ang kaalaman ng mga Pilipino sa (Situation) kasaysayan ng wika Bunga at Pagtatanghal Pagganap (Product and Performance) Pamantayan Rubrik (Standard) 34 Copyright © 2018 Quipper Limited Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Pagtatanghal Napakagulo at Medyo magulo Mahusay at may Napakahusay at walang hanggang kalidad ang tunay na de- naipakitang katamtaman pagtatanghal; kalibre ng kalidad; hindi o ang madaling pagtatanghal; mahirap pagtatanghal; naunawaan ang naging intindihin ang nauunawaan paksa; natamo napakadali ang paksa; walang ang paksa, ang pag-unawa sa malinaw na subalit may ilang pangunahing paksa; natamo tunguhin at kulang na layunin; ang hindi sangkap; hindi mahusay na pangunahing napalutang ang gaanong nagampanan layunin; pangunahing naipakita ang ang kani- nagampanan layunin; walang pangunahing kaniyang role nang buong gumanap ng layunin; hindi husay ang kani- tamang role nagampanan ng kaniyang role ilan ang kani- kaniyang role Pagpapahalaga Nangailangan ng Nakayang gawin Nakayang gawin Pinaghirapan at paggabay kahit ang madadaling ang mahihirap pinaghandaang sa simpleng bahagi, na bahagi, mabuti ang gawain; nangailangan ng nangailangan ng gawain, hindi na madaling paggabay; paggabay; nangailangan ng umayaw; ginawa muna ginawa muna paggabay; umaasa sa iba ang mahihirap ang mahihirap madaling na bahagi, na bahagi, kaya nakaugnay at maaaring pa ring natapos sa oras umayaw kung magpatuloy ang gawain walang kahit walang paggabay paggabay 35 Copyright © 2018 Quipper Limited Pakikilahok ng Hindi nakilahok May naipakitang Nagpakita ng Nagpakita ng Bawat at walang kaunting interes interes subalit masidhing Indibiduwal interes sa at pakikilahok sa hindi gaanong interes at paghahanda at paghahanda at nakilahok sa aktibong pagsasakatupa pagsasakatupa paghahanda at pakikilahok sa ran ng ran ng pagsasakatupa buong inaasahang inaasahang ran ng paghahanda at pagganap pagganap inaasahang pagsasakatupa (performance (performance pagganap ran ng task) task) (performance inaasahang task) pagganap (performance task) KABUUAN Paglalagom KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA PANAHON NG MGA PANANAKOP Panahon ng Panahon ng mga Panahon ng mga Panahon ng mga Rebolusyong Espanyol Amerikano Hapones Pilipino (Espanyol) (Tagalog at Ingles) (Tagalog at Nihongo) (Tagalog) 36 Copyright © 2018 Quipper Limited DAPAT TANDAAN May sariling wika, alpabeto, at sistema ng pagsulat at pagbasa ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ang hindi pagtuturo ng wikang Espanyol sa mga katutubo ay pagpapapakita ng hindi pagkakapantay ng mga Espanyol at katutubo. Ang wikang Tagalog ang naging wikang opisyal ng Republika ng Biak-na-Bato. Malaki rin ang papel na ginampanan ng mga rehiyonal o pangunahing wika sa pagbubuklod ng mga katutubo sa mga rehiyon laban sa mga Espanyol. Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon at kinasangkapan ang wikang Ingles para higit na maimpluwensiyahan at masakop ang mga Pilipino. Taong 1936 nang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa na susuri at mag-aaral ng mg katutubong wika para magtalaga ng wikang magiging batayan ng wikang pambansa. Taong 1937 nang italaga ang Tagalog bilang batayan ng bubuuing wikang pambansa. Ang pananakop ng mga Hapones sa mga bansang Asyano ay sinasabing bunga ng kanilang layuning "Asya para sa mga Asyano," kung saan nais nilang burahin ang anumang impluwensiyang Kanluranin. Ang pananakop ng mga Hapones ay nagbunsod ng mga pagbabago sa polisiya sa wika ng Pilipinas, partikular na sa pamahalaan, edukasyon, at panitikan. Bagaman nagkaroon ng oportunidad na mabigyang halaga at mapagyaman ang mga katutubong wika noong panahon ng mga Hapones, ang mga pangyayari noong panahong iyon ay nagdulot pa rin ng mga usaping hanggang sa kasalukuyan ay hinaharap pa rin ng wika ng bansa. 37 Copyright © 2018 Quipper Limited Gabay sa Pagwawasto Aralin 1: Wika sa Pilipinas Noong Panahon ng mga Espanyol Subukan Natin Salitang Espanyol Kahulugan sa Wikang Filipino hermosa maganda rapido mabilis mente katalinuhan obligacion obligasyon/responsibilidad amigo kaibigan mujer babae feliz masaya mercado pamilihan la mascota alagang hayop de confianza mapagkakatiwalaan Aralin 2: Wika sa Pilipinas Noong Panahon ng Rebolusyong Pilipino Subukan Natin 1. Tagalog 2. Andres Bonifacio 3. Republika ng Biak-na-Bato 4. wikang Tagalog 5. Konstitusyon ng Republika ng Biak-na-Bato 6. Naging wikang komon ang Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog at Waray. 7. wikang Espanyol 8. diyaryo 9. Kalayaan 10. El Ilocano 38 Copyright © 2018 Quipper Limited Aralin 3: Wika sa Pilipinas Noong Panahon ng mga Amerikano Subukan Natin 1. Thomasite 2. Ingles 3. mababa 4. kultura 5. Surian ng Wikang Pambansa Aralin 4: Wika sa Pilipinas Noong Panahon ng mga Hapon Subukan Natin 1. pamahalaan 4. panitikan 2. edukasyon 5. edukasyon 3. panitikan 6. pamahalaan Sanggunian Añonuevo, Roberto T. “Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino” Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha mula sa http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/ Churchill, B. R. (ed.). History and Culture, Language and Literature: Selected essays of Teodoro A. Agoncillo. Manila: University of Santo Tomas Publishing, 2003. Commonwealth Act No. 184. “An Act to Establish a National Language Institute and Define its Powers and Duties” Nakuha mula sa http://www.gov.ph/1936/11/13/commonwealth-act- no-184/ Executive Order No. 134, s. 1937. “Proclaming the National Language of the Philippines based on the “Tagalog” Language” Nakuha mula sa http://www.gov.ph/1937/12/30/executive- order-no-134-s-1937/ Frei, E.J. The Historical Development of the Philippine National Language. Manila: Bureau of Printing, 1959. Jagor, F., et al. The Former Philippines thru Foreign Eyes, Inter-Institutional Consortium rare Book Collection, Volume 6 ,1780. Rubin, L.T., et.al. Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Manila: Rex Bookstore, 2002. 39 Copyright © 2018 Quipper Limited