KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK-REVIEWER (FINALS) PDF

Document Details

BountifulAntimony

Uploaded by BountifulAntimony

University of Saint Louis

Tags

Tagalog grammar Filipino linguistics linguistic concepts language study

Summary

This document provides a detailed review of Tagalog and Filipino linguistics, discussing topics such as grammatical concepts, phonology, and morphology. It delves into the study of the smallest units of meaning in words and the formation of words from smaller units.

Full Transcript

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK Quarter 2 (Finals) – Semester 1 | Teacher: Sir Edmar Matagay God bless, GEMs! | ‘24-‘25 WEEK #1: KAKAYAHANG LINGGWISTIKO I. KAKAYAHANG GRAMATIKA - Nakasentro sa pagsasama-sama ng tunog upang maging salita - pagsasama-sama ng sal...

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK Quarter 2 (Finals) – Semester 1 | Teacher: Sir Edmar Matagay God bless, GEMs! | ‘24-‘25 WEEK #1: KAKAYAHANG LINGGWISTIKO I. KAKAYAHANG GRAMATIKA - Nakasentro sa pagsasama-sama ng tunog upang maging salita - pagsasama-sama ng salita upang maging pangungusap at ang pagsasama-sama ng pangungusap upang maging talata. II. KAKAYAHANG LINGGUWISTIK ❖ PONOLOHIYA Savignon - kakayahang umunawa sa mga ponolohikal, morpolohikal, at sintaktik na katangian ng wika. - kakayahang magamit ang mga ito sa pagbuo ng mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap. - pagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga ito. PONOLOHIYA PONEMA sangay ng lingguwistika na nag-aaral pinakamaliit na yunit ng sa ponema at mga kombinasyon nito makabuluhang tunog na bumubuo sa mga salita ng isang wika. Ito ay tinatawag ding palatunugan. URI NG PONEMA 1. PONEMANG SEGMENTAL - PATINIG (a,e,i,o,u) - KATINIG (b,d,f,g,h,j,k,l,m,n,ng,p,r,s,t,v, w, at y) a. DIPTONGGO - Alinman sa ponemang patinig na A/E/I/O/U na sinusundan ng malapatinig na /Y/ at /W/ sa loob ng isang patinig - Halibawa: aytem, baliw-baliwan, reyna, bahay, kalabaw b. KLASTER O KAMBAL KATINIG - Binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig- /br/, /bl/, /dy/ /rk/,/rd/, /rt/ /dr/, /pr/, /tr/, /gr/, /bl/, /kl/, /pl/, /gl/, /kw/, at iba pa. - Halibawa: blusa, dyip, sumbrero, asembleya, ark, tsart c. PARES-MINIMAL - Magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad ang bigkas. - Halimbawa: /e/ at /i/: mesa at misa /w/ at /y/: sabaw at sabay /o/ at /u/: uso at oso /k/ at /g/: baka at baga /p/ at /b/: paso at baso /m/ at /ng/: tamo at tango d. PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN - Pares ng salitang nagtataglay ng magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran na hindi nagbabago ang kahulugan. - Halimbawa: Marami : Madami Lalake : Lalaki Anu-ano : Ano-ano 2. PONEMANG SUPRA SEGMENTAL a. DIIN - Pagbibigay pansin o emphasis sa pagbigkas ng isang salita. - Ginagamit dito ang simbolong /./ upang ipahiwatig na ang bahagi ng salita ay may diin sa pagbigkas ng mga patinig, pinahahaba ito kung binibigkas ng may diin - Halimbawa: /bu.kas/ Tomorrow /bukas/ Open /bu.hay/ Life /buhay/ Active /la.mang/ Natatangi /lamang/ Nakahihigit b. TONO - Tindi ng damdamin sa pagsasalita. - Paktor gaya ng lakas o hina ng boses, gaspang o kinis nito at iba pa. - Halimbawa: a. Totoo ang sinasabi niya. (Nagsasalaysay) b. Totoo ang sinabi niya? (Nagtatanong) c. Kumain ka na. (nagsasalaysay) d. Kumain ka na? (nagtatanong) c. HINTO - Saglit na pagtigi lkung nagsasalita - Kung kailan dapat huminto, ito ay sa pamamagitan ng kuwit(,) at tuldok(.) - Halimbawa: a. Tito Marvin Christopher ang kaibigan ko. (ipinapakilala ang buong pangalan ng kaibigan niya) b. Tito, Marvin Christopher ang kaibigan ko. (ipinapakilala sa kanyang tito si Marvin Christopher) c. Tito Marvin Christopher, ang kaibigan ko. (ipinapakilala ang kaibigan kay tito Marvin Christopher) MORPOLOHIYA - Ito ang pag-aaral o pagsusuri sa mga morpema ng isang wika at ang pagsasama-sama nito upang makabuo ng isang salita. - Ang morpolohiya ay tinatawag din sa ibang katawagang “PALABUUAN” MORPEMA - Ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. ANYO NG MORPEMA 1. Morpemang ponema o makabuluhang tunog - Binubuo lamang ng ponemang /o/ at /a/ na may kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian O A DOCTOR DOKTORA PROPESOR PROPESORA ABUGADO ABUGADA KUSENERO KUSINERA MAESTRO MAESTRA 2. Morpemang salitang ugat - Karaniwang dadalawahing pantig at maituturing na pinakaina ng mga salita. Maituturing din itong malayang morpema dahil nakatatayong mag-isa. HALIMBAWA: DAGAT, SULAT, LAKAD, ITIM, LABA 3. Morpemang Panlapi - Ikinakabit sa salitang ugat na may kahulugang taglay at matatawag ding di-malayang morpema dahil hindi nakatatayong mag-isa. -ka Kasama o pagkakaroon ng relasyon ma- Mayoon o kaya marami pala- Palaging ginagawa tag- Panahon at pagkakataon mala- Pagtutulad PARAAN NG PAGBUO NG SALITA 1. PAYAK - Ang pag gamit ng mga simpleng salita o mga salitang ugat lamang - Halimbawa: ulam, kamay, tanda, suklam, bughaw, bukas 2. PAGLALAPI - Paraan ng pag buo ng salita sa paraan ng pagkakabit ng panlapi sa salitang ugat. Unlapi - Ito ang mga panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat. - Halimbawa: a. Mag- + asawa = mag-asawa b. Um- + iyak = umiyak Gitlapi - Ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat. - Halimbawa: a. Kain + -in = kinain b. Sayaw + -um = sumayaw Hulapi - Matatagpuan sa huling salitang ugat - Halimbawa: a. Ka- + li + ga + ya + han = kaligayahan b. Ta- + la + an = talaan Kabilaan - Ikinakabit sa unahan at sa hulihan ng salitang-ugat. Ka- + ganda + -han = kagandahan Laguhan - Ikinakabit sa unahan, gitna at sa hulihan ng salitang-ugat. a. Pag- + s + -um + ikap + -an= pagsumikapan 3. PAG-UULIT NG MGA SALITA - Paraan ito ng pag buong salita sa pamamagitan ng pag-uulit ng salitang-ugat. Parsyal o Di-Ganap na pag-uulit - inuulit lamang ang isa o higit pang pantig ng salitang-ugat a. Minu-minuto b. Sasakit Buo o ganap - Inuulit dito ang buong salita nang may pang-angkop o wala. a. Oras-oras b. Iyak nang iyak Magkahalong Parsyal at Ganap - Ito ang pag-uulit na kombinasyon ng parsyal at ganap na pag-uulit. a. Tatakbo-takbo b. Sisinghot-singhot 4. PAGTATAMBAL NGSALITA - Pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagtatambal ng dalawang magkaibang salitang ugat upang makabuo ng bagong salita. Buo o ganap napagtatambal - Pagtatambal ng dalawang salitang ugat na nagreresulta sa pagkakaroon ng ikatlongkahulugan o bagong kahulugan. a. Hampas + lupa = hampaslupa Parsyal o Di Ganap na pagtatambal - Pagtatambal ng salitang-ugat na nagpapahayag ng sariling kahulugan, nananatili ang sariling kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal o hindi nagkakaroon ng ikatlong kahulugan. a. Bahay-kubo b. Kapitbisig ALOMORP NG MORPEMA - Ang isang panlapi ay nagkakaroon ng tatlong anyo dahil sa impluwensya ng kaligiran na matatawag na alomorp. Pang Pam Pan Mang Mam Man Sing Sim Sin - Ang pang, mang at sing na panlapi ay mananatili sa orihinal na anyo kung ang sinusundan na salita ay nagsisimula sa k, g, h, m, n, ng, y, w Halimbawa: pang + kain = pangkain - Ang pang, mang at sing na panlapi ay magiging PAM, MAM at SIM kung ang sinusundang salita ay nagsisimula sa b,p Halimbawa: pang + paaralan = pampaaralan - Ang pang, mang at sing na panlapi ay magiging PAN, MAN at SIN kung ang sinusundang salita ay nagsisimula sa d,l,r,s,t Halimbawa: Pang + lasa = panlasa Pang + dilig = pandilig PAGBABAGONG MORPONEMIKO - Tumutukoy sa anumang pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito 1. ASIMILASYON - Pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil sa impluwensya ng katabing tunog Parsyal - Ito ang mga pagbabagong nagaganap sa pinal na morpemang “ng” na nagiging “n” o “m” dahil sa punto ng artikulasyon o dahil sa sumusunod na tunog. Halimbawa: Pang + bakod = pambakod Ganap - Naaalis ang unang titik ng salitang-ugat upang lalong maging madulas ang pagbigkas ng mga salita. 2. PAGKAKALTAS - May nawawalang isang ponema sa isang salita, maaaring mangyari ito sa unahan o gitna ng salita. Halimbawa: Takip + an = takipan = takpan 3. PAGPAPALIT NG PONEMA - Ito’y pagbabagong anyo ng isang ponema na napapalitan sa pagbuo ng isang salita. ➔ O AT U – Kapag inuulit ang pantig na may tunog na /o/ na maaring gamitan ng pang-angkop ang unang bahagi ng inuulit na salita, kapag nilapian ang salitang may /o/ sa huling pantig. Sino + sino = sinu-sino Halimbawa: Bilog + an = bilugan ➔ E AT I – Nangyayari ang pagpapalit ng /e/ at /i/ kapag inuulit ang pantig na may /e/ at kinakabitan ng pangangkop ang unang bahagi ng salitang inuulit. Halimbawa: Babae + ng + babae = babaing-babae ➔ D AT R – Nagiging /r/ ang /d/ kapag ito ay nasa pagitan ng dalawang patinig Halimbawa: Ma + dunong = marunong Ma + dami = marami ➔ H AT N – Nangyayari ito sa ilang mga salita lamang. Halimbawa: Tawahan – tawanan Taluhan – talunan 4. PAGLILIPAT O METATESIS - kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/ at ginigitlapian ng –in, nagpapalit ang posisyon ng /i/ at /n/ laya nagiging ni. Halimbawa: Yakap + in = yinakap = niyakap Kitil + in = kitlin 5. PAGLILIPAT NG DIIN - Nangyari ang pagbabagong ito kapag naililipat ang diin ng morpema at ito ay nilapian. Halimbawa: Linis + an = linisan Kain + an = kainan 6. PAGDARAGDAG O REDUPLIKASYON - Ang ibang tawag dito ay pagsusudlong ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat (hulapi) kahit mayroon nang dating hulapi ang salitang-ugat nangyayari rin ito sa pag-uulit ng salitang-ugat. Halimbawa: Totoo + han = totohanin 7. PANG-AAKOP O REDUKSYON - Nangyayari ang pagbabagong ito kapag pinagsama ang dalawang salita upang makabuo ng isang bagong salita o kaya’y nangyayari ito sa pamamagitan ng pagpapaikli ng salita kaysa sa orihinal. Halimbawa: Tingnan + mo = tamo Wika + ko = kako WEEK #2: BAHAGI NG PANANALITA I. PANGNGALAN - Ito ay bahagi ng pananalita na sumasagisag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, katangian at kalagayan. - Sa pamamagitan ng pangngalan ay nagiging malinaw at konkreto ang pagbanggit ng identidad na ating nais ipahayag. URI NG PANGNGALAN 1. AYON SA KONSEPTO - May dalawang uri ng pangngalan ayon sa konsepto: a. Konreto o Tahas – ang uri ng pangngalan na ito ay tumutukoy sa mga material na bagay. Ito ay mga pangngalang nakikita at nahahawakan. b. Abstrakto o Basal – ang uri ng pangngalan na ito ay tumutukoy sa mga di-materyal na bagay. Ito’y maaring damdamin, ideya, o katangian. 2. AYON SA KAYARIAN - Nauuri ang pangngalan ayon sa paraan ng pagbuo o kayarian nito. Maaring ang pangngalan ay: a. Payak – maituturing na payak ang pangngalan kapag ito ay binubuo ng salitang ugat lamang. b. Maylapi – kapag binubuo ng salitang ugat at panlaping makangalan. c. Inuulit – kapag binubuo ng salitang ugat na inuulit. d. Tambalan – kapag binubuo ng dalawang salitang magkaiba ngunit pinag-isa. 3. AYON SA KAYARIANG PANSEMANTIKA - Maaring mauri ang pangngalan ayon sa pag-uuring pansemantika: Pambalana – kung ang pangngalan ay nagsasaad ng diwang panlahat. Pantangi – kung ang pangngalan naman ay nagsasaad ng diwang para sa isang particular na paksa lamang. – Ito ay kadalasang nagsisimula sa malalaking titik. 4. AYON SA KASARIAN - Maaring mauri ang pangngalan ayon sa kasarian o gender na may apat na klasipikasyon: Panlalaki Pambabae Di-Tiyak Walang kasarian II. PANGHALIP - Ginagamit bilang panghalili sa pangngalan na ginamit sapangungusap. - Ginagamit ITO upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalansa isang pangungusap. URI NG PANGHALIP 1. PANAO - Panghalip na inihahalili sa ngalan ng tao. - Karaniwang nagkakamali angPilipinosa paggamit g mga salitang KINA, NINA, at KILA. Ang mga salitang ito ay pantukoy subalit wala sa ortograpiya ang salitang KILA. Unang Panauhan – tumutukoy sa taong nagsasalita, maaring siya lamang ang tinutukoy o may kasama. Kabilang ang kaniyang sarili bilang nagsasalita. Hal: ako, kita, natin, tayo, akin, atin, amin Ikalawang Panauhan – tumutukoy sa taong kinakausap, maaring siya lamang ang tinutukoy o may kasama. Kabilang ang taong kinakausap. Hal: ikaw, ninyo, kayo, inyo, mo, iyo Ikatlong Panauhan – tumutukoy sa taong pinag-uusapan. Ang paksa ng pag-uusap ay wala sa pagitan ng dalawang nag-uusap kundi sa ibang tao. Hal: siya, sila, niya, kanya, kanila. 2. PANANONG - Tinatawag ding interogatib at ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, bagay, hayop, pook, gawain, katangian, panahon, at pangyayari. 3. PANAKLAW - Tinatawag ding Indepinit. - Isinasaad nito ang kaisahan, dami, o kalahatan ng ngalang tinutukoy na maaring tiyakan. Isahan – isa, iba, balana Dami o Kalahatan – lahat, pawa, madla Di-Tiyakan – gaanuman, alinman, saanman, anuman 4. PAMATLIG - Tinatawag ding DEMONSTRATIBO dahil ginagamit ito sa pagtuturo ng tao, hayop, lunan o pangyayari. Pronominal – ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, dito, diyan, doon Pahimaton – heto, hayan, hayun Patulad – ganiyan, ganito, ganire, ganoon Panlunan – narita, nariyan, naroon WEEK #3:PANDIWA, PANG-URI, PANG-ABAY I. PANDIWA - Isang bahagi ng pananaloita na nagsasaad ng kilos o galaw. - Ang mga pandiwa ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlaping makadiwa. 1. ASPETONG PERPEKTIBO/PANGNAGDAAN - Ito’y nagsasaad ng kilos na nasimulan at natapos na. (na, nag, um, at in) Anyong Aspetong Pawatas Perpektibo Umalis Umalis Kumain Kumain Maglaro Naglaro Magpaganda Nagpaganda 2. ASPETONG IMPERPEKTIBO - Naglalarawan ng isang kilos na laging ginagawa o kasalukuyang ginaganap. - Panahunang pangkasalukuyan o aspektong nagaganap (nag, um, at in) Anyong Aspetong Pawatas Imperpektibo Sumulat Nagsusulat Kumain Kumakain Maglaro Naglalaro 3. ASPETONG KONTEMPLATIBO - Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap - Gagawin pa lamang - Ginagamitan ng mga panlaping ma at mag pagsasalita Pawatas Kontemplatibo Magsusulat Sumulat Kakain Kumain Maglalaro Maglaro 4. ASPETONG KATATAPOS - Hanay ng aspektong Perpektibo na nagsasaad ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula ang pagsasalita. - Nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng salitang-ugat. Pawatas Perpektibong Katatapos Sumulat Kasusulat Kumain Kakakain II. PANG-URI - tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari - Nagbibigay turing sa isang panghalip KAYARIAN NG PANG-URI 1. PAYAK - Pang-uring binubuo lamang ng likas na salita o walang panlapi. - Halimbawa: a.) Wagas na pag-ibig ang nadarama nina Kathryn at Daniel. (b). Lila ang paborito kong kulay. 2. MAYLAPI - Pang-uring binubuo ng salitang-ugat na may panlapi. - Ginagamit ang mga panlaping ka-, ma-, maka-, mala-. - Halimbawa: a.) Mabait na kaibigan ang turing ko sa kanya. b) Maraming masugi na manliligaw si Paula. 3. INUULIT - Binubuo ng salitang-ugat o salitang maylapi na may pag-uulit. Maaaring ito ay ganap o di-ganap. - Ganap: inuulit nang buong-buo ang salitang-ugat - Di-ganap: isang bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit - Halimbawa: a.) Ganap: Pulang-pula ang paligid dahil sa dami ng hugis-pusong nakapalamuti sa bawat sulok. b) Di-ganap: Matatamis ang mga kending regalo sa akin noong kaarawan ko. 4. TAMBALAN - Pang-uring binubuo ng dalawang salitang pinag-isa. Maaaring ang kahulugan ng tambalan ay karaniwan o patalinhaga. - Halimbawa: a.) Taos-pusong magpapasalamat ang mga sinalanta ng bagyo sa mga donasyong natanggap. b.) Ang kanyang buhay ay pasang-krus. MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING AT IBA PANG KAANTASAN NG PANG-URI 1. LANTAY - Anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip. - Halimbawa: a.) Malaki ang responsibilidad ng magulang sa pagpapalaki ng mga anak. b.) Mahirap ang tungkuling ito. 2. PAHAMBING - Ito ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. - Dalawang uri ng pang-uring pahambing: Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa. - Halimbawa: Mas matagumpay ang mga taong masisipag kaysa mga tamad. Ang edukasyon ay labis na mahalaga kaysa anumang bagay. Pasahol - ito ay pagtutulad na ginagamit kapag kulang ang paghahambing ng katangian ng isang itinutulad. Ginagamitan ng mga katagang lalo, di-gaano, di-tulad, - di-gasino, at may katuwang na tulad ng/ni. - Halimbawa: - Lalong marumi ang kanyang damit kaysa sa akin. - Di lubhang matalino si Cris kaysa kay Amelia. 3. PASUKDOL - Nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Lantay Pahambing Pasukdol Maganda si Mas Pinakamaganda Loisa. Maganda si si Loisa sa Loisa kaysa kanilang kay Trina magkakaibigan. III. PANG-ABAY - Sa tradisyunal na pagpapakahulugan, ito ay nagbibigay –buhay sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. - Sa Istruktural na pagpapakahulugan, ito ay makikilala dahil kasama ito ng pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala. 1. Dahan-dahan silang tumungo sa silid-tulugan. Paliwanag: Inilalarawan ng salitang dahan-dahan kung paano sila tumungo sa silid-tulugan. 2. Ang mga Pilipino ay talagang matulungin. Paliwanag: Inilalarawan o binibigyang diin ng pang-abay na talagang ang ugaling matulungin ng mga Pilipino. 3. Tunay na mabilis umaksyon ang mga tao lalo na sa panahon ng kalamidad at pandemya. Paliwanag: Inilalarawan ng pang-abay na tunay ang kapwa nitong pang-abay n amabilis umaksyon. Mas binibigyang diin nito ang bilis ng pag-aksyon ng mga tao. PANGUNAHING URI NG PANG-ABAY Ang mga INKLITIK (kataga o particle) - May iba’t ibang Ingklitik o kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. - Ang ingklitik din ay mga kataga o salitang ginagamit sa pagdaragdag ng kahulugan sa mensahe ngunit ang mga salita ay maaaring kaltasin sa pangungusap nang hindi masisira ang kahulugan nito. - Mga iba pang ingklik na ginagamit sa mga pangungusap. Kaya Ba Daw/raw Din/rin Lang/lamang Pa Sana Man Muna Nga Naman Halimbawa: a.) Narito na ang nanay. b.) Ikaw kaya ang hinahanap niya. c.) Narito ka pala. Kanina pa kita hinahanap. MGA PANG-ABAY NA NALILIPAT ANG POSISYON - Ito ang mga pang-abay na walang tiyak na posisyon at nakikita sa iba’t ibang bahagi ng pangungusap. 1. PAMANAHON - Ito ay nagsasaad ng panahon, may mga salita at mga kataga lamang na nagsasaad ng panahon. - Nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap. - Mayroon itong tatlong uri: May Pananda – gumagamit ng mga salitang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang. Halimbawa: Tuwing Pasko ay nagtitipon silang mag-anak. Walang Pananda – walang tiyak na oras kung kailan naganap o nangyari ang isang kilos. Gumagamit ng mga salitang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atb. Halimbawa: Kahapon lang ay nandito siya. Dumating siya kanina. Nagsasaad ng Dalas – araw-araw, tuwing, umaga, taun-taon atb. Halimbawa: a.) Taon-taon kaming nagsasalo-salo sa aming probinsya. b.) Nageehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang kalusugan. 2. PANLUNAN - Pariralang kumakatawan sa lugar kung saan ginagawa ang kilos - Sumasagot ito sa tanong na saan - Karaniwang ginagamit ang pariralang sa, kay, o kina. - Sa: ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. - Kay/Kina: ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. 3. PAMARAAN - Ito ay nagsasaad kung paano ginagawa ang kilos - Sumasagot sa tanong na paano - Ginagamit din ito ng katagang nang, na/ng na nangangahulugan ng pamaraan sa pagkaganap ng kilos. Nang + pang-abay Nagsasalita nang banayad ang guro: Paliwanag: Nang ang ginagamit na kataga at ang banayad naman ang pang-abay na tinuturian ng nang. Pang-angkop na na/-ng Halimbawa: Siya ay umalis na umiiyak. Paliwanag: Na ang ginagamit na kataga at ang umiiyak naman ang pang-abay na tinuturingan ng na. 4. PANANGGI AT PANANG-AYON - Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagtanggi tulang ng hindi, wala, o ayaw. - Ang pang-abay na panag-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon tulad ng oo, tunay, totoo, talaga, walang duda, tiyak, sadya, syempre atb. - Halimbawa: a.) Hindi ako sang-ayon sa iyong plano. (pananggi) b.) Oo, tinanggap ng pangulo ang paanyaya. 5. PANG-AGAM - Ito at nagpapahayag ng di-katiyakan o hindi sigurado sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa, pang-uri at gayundin ng pang-abay tulad ng tila, marahil, wari, baka, yata, siguro atb. - Halimbawa: a.) Sila yata ay namamasyal na sa Luneta. b.) Tila maaliwalas ang panahon. 6. PANGGAANO - Ito ay nagsasaad ng dami o bigat ng kahulugang sinasabi ng pandiwa o pang-uri gaya ng labis, wala, katamtaman, katakut-takot, kaigihan, sapat, kaunti at marami. - Halimbawa: a.) Sapat ang kinikita ng kanyang ama upang sila ay maitaguyod. b.)Naghahanda nang katamtaman ang mag-anak para sa nalalapit na pagdiriwang. 7. KUSATIBO - Nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa. - Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa. - Halimbawa: Nakaahon ang maraming mamamayan dahil sa kanilang pagtutulungan. 8. KUNDISYUNAL - Nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. - Pinangungunahan ng kung, kapag o pag, at pagka. - Halimbawa: Matutupad ang mga layunin ng ating pamahalaan para sa bayan kung buong-puso tayong makikipagtulungan sa mga may kapangyarihan. 9. BENEKTIBO - Nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa. - Pinangungunahan ng para sa/kay - Halimbawa: Para sa ikabubuti ng marami ang ginawa niyang sakripisyo. WEEK #4: LEKSIKON I. LEKSIKON - Grupo ng mga salita na ginagamit ng mga mananalita ng isang partikular na wika. - Tinatawag din itong “bokabularyo” ng isang wika. PARAAN SA PAGBUO NG SALITA SA FILIPINO 1. PAGTATAMBAL - Ang mga salita ay nabubuo sa pamamagitan ng pagtatambal ng dalawang magkaibang morpema o salita na ginagamit sa wikang Filipino. Bala ng Dila = Balarila Sayaw at Awit = Sayawit Tula at larawan = Tularawan Dula at awit = Dulawit 2. AKRONIM - Ang mga salita ay hango sa mga inisyal na titik o pantig ng salita. DOLE – Dept. of Labor and Employment GABRIELA – General Assembly Bending Women for Integrity Equality, Leadership and Action SKL – Share Ko Lang GGWP – Good Game, Well Played 3. PAGBABAWAS O CLIPPING - Paraan ng pagbuo ng salita sa pamamagitan ng pagkakaltas ng ilang mga pantig mula sa orihinal na salita nito. Mads/Pads – kumare/kumpare Tser – titser Kabs – kabayan Medj – medyo Dok – doctor 4. PAGDARAGDAG - Paraan ng pagbuo ng salita sa pamamagitan ng pagkakabit ng ilang mga pantig sa orihinal na salita. Bossing – boss Parekoy – pare Sisteret – sister Tampalilukin – tampalin 5. PAGHAHALO O BLENDING - Pagbuo ng salita na kung saan pinaghahalo ang dalawa o higit pang magkakaibang salita. Banyuhay – bagong anyo ng buhay Gravylicious – gravy at delicious Crispylicious – crispy at delicious PARAAN NG PAGBIBIGAY DEPINISYON 1. DENOTASYON - Ito ang literal na pagbibigay kahulugan sa mga salita o pahayag na kadalasang nakikita sa mga diksyunaryo. 2. KONOTASYON - Ito ang pansariling pagpapakahulugan sa isang salita. 3. ORTOGRAPIYA - Ito ang wastong pagsulat sa mga titik alinsunod sa wastong baybay. 4. GRAFEMA - Tinatawag na grafema ang set o pangkat ng mga bahagi sa isang sistema ng pagsulat. - Ito ay binubuo ng mga letra/titik at di-titik. - Titik o Letra – ito ang sagisag ng isang tunod sa salita na binubuo ng (5)patinig o (23) katinig. - Di-Titik – ito ang mga simbolo o bantas na ginagamit sa Filipino. PANTIG AT PALAPANTIGAN - Bawat pantig ay may kanya-kanyang kayarian. - P – Patinig at K – katinig WEEK #5 : LEKSIKON I. KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK - Pag-aaral tungkol sa ugnayan ng wika at lipunan particular ang kaangkupan ng gamit ng isang wika sa iba’t ibang konteksto. - “Isaalang-alang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon.” – Dell Hymes S.P.E.A.K.I.N.G – Dell Hymes SETTING - Saan nagaganap o magaganap ang isang pag-uusap? PARTICIPANTS - Sino ang kausap o kakausapin? ENDS - Ano ang layunin ng pag-uusap? ACT SEQUENCE - Paano ang takbo ng usapan? KEYS - Antas ng usapan o pag-uusap. Pormal ba o impormal ang usapan? INSTRUMENTALITIES - Ano ang midyum ng isinasagawang pag-uusap? NORM - Ano ang paksa ng usapan? GENRE - Ano ang uri o tipo ng paguusap? - Nagsasalaysay, nakikipagtalo, nagpapaliwanag, o naglalarawan? WEEK #6 : LEKSIKON KAKAYAHANG PRAGMATIK - Mabisang naihahayag ang kanyang mga mensahe sa pinakamainam na paraan, hindi-lamanh sa paggamit ng sa salita kundi ng iba pang estratehiya KOMUNIKASYON DI-BERBAL 1. CHRONEMICS - Ang paggamit ng oras, kung gayon, ay maaaring kaakibatan ng mensahe. - Halimbawa: Ang pagdating nang huli sa isang job interview ay maaaring iinterpret na kakulangan ng disiplina. 2. PROXEMICS (PROKSEMIKA) - Espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. - Klasipikasyon ng Distansyang Interhuman: Public Distance – 12ft or more Social Distance – 4 to 12 ft Personal Distance - 1½ to 4 ft Intimate Distance – up to 1½ ft 3. KINESICS (KINESIKA) - Body language 4. HAPTICS (PANDAMA O PANGHAWAK) - Paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe 5. OCULESICS (GALAW NG MATA) - Paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe - Nakikita rin sa galaw ng mata ang nararamdaman natin. 6. PICTICS (EKSPRESYON NG MUKHA) - Hindi maitatago ang ating damdamin at tunay na intension sa ating mukha. 7. VOCALICS - Paggamit ng tunog, liban sa pasalitang tunog. KAKAYAHANG DISKORSAL - DISKURSO – ito ay tumutukoy sa pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa na may hangaring maunawaan at unawain ang kausap. - Natutuon hindi sa interpretasyon ng mga indibiduwal na pangungusap kundi sa koneksyon ng magkakasunod na mga pangungusap tungo sa isang makabuluhang kabuuan. 1. KOHISYON - Ayon kina Halliday at Hasan (1976), ang kohisyon ay tumutukoy sa ugnayan ng kahulugan sa loob ng teksto. Maituturing na may kohisyon ang mga pahayag kung ang interpretasyon ng isang pahayag ay nakadepende sa isa pang pahayag. - Halimbawa: a.) Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah. Naging madalas na ang kanyang pagdalo sa mga gawain sa komunidad. Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya upang manguna sa mga gawain. !!: Maaari ring semantiko ang pag-uugnay b.) Magara ang sasakyan. Politiko ang may-ari. 2. KOHIRENS - Tumutukoy ito sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya. Dapat malaman ng isang nagdidiskurso na may pahayag na leksikal at semantikong kohisyon ngunit walang kaisahan. - Halimbawa: Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah. Naging madalas na ang kanyang pagdalo sa mga gawain sa komunidad. Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya upang manguna sa mga gawain. Si Sarah ay may asawa. 3. PAGPAPAHABA/PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP A. Kataga - Napahahaba ang mga pangungusap gamit ang mga katagang pa, ba, man, naman, nga, pala, atb - Halimbawa: Mabilis ang pagtakbo ng oras. Mabilis pala ang pagtakbo ng oras. Mabilis nga ang pagtakbo ng oras. Mabilis nga pala ang pagtakbo ng oras. B. Pang-angkop - Napahahaba natin ang isang pangungusap gamit ang mga pang-angkop na -na at -ng - Halimbawa: Si Ysabelle Aurora ay estudyante. Si Ysabelle Aurora ay estudyanteng manlalaro. Si Ysabelle Aurora ay estudyanteng manlalaro ng badminton. C. Komplemento - Ang mga komplemento ng pandiwa ay isang paraan ng pagpapahaba sa mga pangungusap. - Ito ang bahagi ng berbal na panaguri na nagbibigay kahulugan sa pandiwa. - Ang mga uri nito ay actor, layon, benepaktibo, lokatibo, direksyonal, instrumental at kawsatibo. Aktor – ito ay nagsasaad sa gumanao sa kilos. Pinapangunahan ito ng panandang ang at mga panghalip. Halimbawa: Iwinagayway ni Tristan Gabrielle ang bandila. Layon – tinutukoy rito ang bagay na ipinapahayag ng pandiwa. Ginagamit dito ang panandang ng. Halimbawa: Sumasayaw ng ballet si Precious. Benepaktibo – isinasaad dito kung sino ang makikinabang sa sinasabi ng pandiwa. (para sa, para kay, at para kina) Halimbawa: Nagpakain ng carbonara para sa mga kapuspalad si Tessa. Lokatibo – isinasaad dito ang ginanapan ng kilos. Halimbawa: Namamasyal sa Strawberry farm sina Ken at Marc. Direksyunal – isinasaad nito ang patutunguhan ng kilos. Halimbawa: Dumalaw si Alice kay Benz. Instrumental – nagsasaad ito sa instrumentong ginamit upang isagawa ang kilos. Ginagamit na pananda ang sa pamamagitan ng. Halimbawa: Inikot ni Lav sa pamamagitan ng bisikleta ang buong USL. Kosatibo – isinasaad ang kadahilanan ng pagkilos. Ginagamitan ito ng panandang sa o kay at mga panghalili nito. Halimbawa: Si Vin ay nakapag-aral dahil sa scholarship grant. D. Pagtatambal - Napahahaba pa ang isang payak na pangungusap kung gagawin itong tambalan. - Ginagamit ang mga pangatnig o panimbang na at, ngunit, datapwat, subalit, at iba pa upang maisagawa ito. - Halimbawa: Kabahagi ng teatrong pangkultura si Albert. Miyembro si Albert ng isang NGO. Kabahagi si Albert ng teatrong pangkultura at miyembro rin siya ng NGO.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser