KABANATA 3-KALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO PDF
Document Details
Tags
Summary
This document is a module on Filipino language, covering the nature and structure of the Filipino language, including phonology, morphology, syntax, semantics, and pragmatics.
Full Transcript
MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO KABANAT 3: KALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO A. Nauunwaan ang kahulugan at gamit ng ponolohiya at morpolohiya. B. Nagagamit ang salita sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap, parirala at sugna...
MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO KABANAT 3: KALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO A. Nauunwaan ang kahulugan at gamit ng ponolohiya at morpolohiya. B. Nagagamit ang salita sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap, parirala at sugnay. C. Nakapagtutukoy sa mga anyo, kayarian at gamit ng pangungusap sa isang talata. Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang subsistem upang mapag-aralan nang lubos ang mga natatanging komponenent nito. Kasama rito ang ponolohiya, na pag-aaral ng sistema ng palatunugan ng isang wika, morpolohiya, ang pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita; sintaks, ang pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap; semantika, ang pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang wika; at pragmatik, ang paggamit ng wika sa konteksting sosyal. Ang mga component na ito ang bumubuo ng hirarkiya sa pag-aaral ng wika mula sa pinakamaliit na yunit ng mga tunog hanggang sa masalimuot ng mga diksurso. A. ANG PONOLOHIYA Ang ponolohiya ng isang wika ang paraan kung paanong ang mga tunog ay makabubuo ng mga hulwaran. Ang kaalaman sa ponolohiya ng isang nagsasalita o nag-aaral ng wika ay makatutulong upang makabuo ng makabuluhang utterances ang nagsasalita at matutukoy niya kung ano ang makabuluhan at di makabuluhang tunog sa kaniyang wika. 1. PONEMANG SEGMENTAL Ang mga ponema ay mga tunog na nakapaloob sa isang wika. Ito’y mga makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagpapabago ng kahulugan” kapag ang mga tunog ay pinagsasama-sama upang makabuo ng mga salita. Ang Filipino ay binubuo ng 21 ponema. Limang patinig /a, e, i, o, u/ ay labing-anim na katinig /p, b, t, d, k, g, m, n, ŋ, h, s, l, r, ‘, y, w/. 1 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Pag-aralan ang mga pares ng mga Salaita na nagpapakita ng pagiging makahulugan ng ilan sa 16 na ponemang katinig sa Filipino: /p/ /pa.lah/’shovel’ /k/ /kuloŋ/’encircled’ /b/ /ba.lah/’bullet’ /g/ /gulon/’wheel’ /t/ /patpat/’stick’ /l/ /laket/’locket’ /d/ /padpad/’drift’ /r/ /raket/’racket’ May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita. Halimbawa: ▪ babae – babai ▪ lalaki – lalake ▪ kalapati – kalapate ▪ noon – nuon Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin. Halimbawa: ▪ uso - modern ▪ mesa - table ▪ oso - bear ▪ misa – mass Ipinaliwanag nina Santiago at Tiangco (2003) ang punto at paraan ng artikulasyon ng mga ponemang katinig gaya ng mga sumusunod: 1. Panlabi - ang ibabang labi ay dumidikit sa labing itaas, /p, b, m/ 2. Pangngipin- ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob ng mga ngiping itaas, /t, d, n/ 3. Panggilagid - ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidikit sa punong galagid, /s, l, r/ 4. Pangalangala (Velar) - ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala, /k, g, n/. 5. Glottal- ang mga babagtingang pantinig ay nagdidikit o naglalapit at hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsut na tunog. PARAAN NG ARTIKULASYON 1. Pasara- ang daanan ng hangin ay harang na harang, /p, t, k, ?, b, d, g/ 2. Pailong- ang hangin ay sa ilong lumalabas at hindi sa bibig dahil ito ito’y nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod, ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum o malambot na ngala-ngala, /m,n,ŋ/ 3. Pasutsot- ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan dila at ng ngalangala o kaya’y sa mga babagtingang pantinig, /s, h/ 4. Pagilid- ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa puno ng gilagid. 2 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 5. Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang ang pinababayaang ito’lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila /r/. 6. Malapatinig- kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang posisyon. /w, y/ 2. PONEMANG SUPRASEGMENTAL Hindi napapansin sa ating pagbigkas ng mga salita na nagiging higit na mabisa ang ating pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paggamit natin ng mga ponemang suprasegmental. Ang ponemang suprasegmental ay makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga titik sa pagsulat. Sa halip, kinakatawan ito ng mga notasyong ponemik upang makatukoy ang paraan ng pagbigkas. Kabilang sa ponemang suprasegmental ang diin, tono, intonasyon, punto, at hinto. 1. Diin Ginagamit ang dalwang pahilis na guhit (/ /) at dito ipinapaloob ang mga notasyong ponemik na kakatawan sa paraan ng pagbikas ng isang salita. Ang tuldok /./ ay ginagamit na pananda upang matukoy ang pantig ng salita na may diin at nangangangahulugan ng pagpapahaba ng naturang pantig na laging may kasamang patinig. Halimbawa: ▪ /ba.soh/’glass’ ▪ /pagpapaha.ba/’lengthening’ ▪ /sim.boloh/’symbol’ Samantala, kumakatawan ang panandang /’/ sa mga ponemang patinig na may impit at ang /h/ sa pagbigkas nang may bahagyang hangin na lumalabas sa notasyong ponemik. Walang salitang nagsisimula o nagtatapos sa mga tunog /a, e, i, o, u/. Dahil dito, ganito ang magiging notasyon kung ang salita ay may inissyal at pinal na tunog na patinig. 3 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO ▪ /’abalah/’busy’ (may impit sa unahan ay may bahagyang hangin sa hulihan.) ▪ /’asiwah/’uneasy (kapwa may impit sa inisyal at pinal na tunog.) Mahalaga ang diin sa wikang Filipino sapagkay sa pagbabago ng mga diin sa isang salita, nagbabago rin ang kahulugan ng salita. Halmbawa: ▪ /tu.boh/’pipe’ ▪ /kaibi.gan/’friend’ ▪ /tu.bo’/’sprout’ ▪ /ka.ibigan/’lover’ ▪ /maŋ.gaga.mot/’doctor’ ▪ /kasa.mah/’companion’ ▪ /manga.gamot/’will treat’ ▪ /kasamah/’tenant’ 2. Tono, Intonasyon, Punto Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pababa ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Pansinin sa susmusunod na halimbawa kung saan inihuhudyat ang pagtaas at/o pagbaba ng tinig. Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto o tono ng pagsasalita. Ang punto ay tumutukoy sa rehiyonal na “tunog” o accent. Kahit na sa rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga taga-Laguna at mga taga-Cavite kahit na mga taga-Bulacan at mga taga-Rizal ay iba rin ang kanilang punto sa pagsasalita. Habang ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin. 3. Hinto Ang hinto ay nangangahulugan ng pagtigil sa pagsasalita na maaaring panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap, o pangmatagalan bilang hudyat ng pagtatapos ng pangungusap. Sa pagsulat, inihuhudyat ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldo (.) ang katapusan ng pangungusap. Tulad ng diin, mahalaga ang paggamit ng hinto sa tamang bahagi ng pangungusap dahil maaaring maiba ang kahulugan ng pangungusap sa ibaba, gumagamit ng isang pahilis na guhit (/) para sa isang saglit na paghinto at ng dalawang pahilis na guhit (/ /) para sa pagtatapos ng pahayag. Halimbawa: ▪ Jose Corazon De Jesus ang pangalan niya.// 4 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO ▪ Rizal/ Andres ang pangalan niya.// B. ANG MORPOLOHIYA Ang sangay ng linggwistika na nag-aaral kung paano nagsasama-sama ang mga salitang-ugat, panlapi o kataga upang makabuo ng salita. Morpema ang tawag sa batayang unit ng morpolohiya MGA URI NG MORPEMA 1. Malayang morpema – binubuo lamang ng salitang ugat at maituturing na puro. Halimbawa: ▪ buhay ▪ kamay ▪ payapa ▪ aklat 2. Di-malayang morpema – kinakailangan itong ilapi sa malayang morpema at iba pang di- malayang morpema upang magkaroon ng linaw at tiyak na kahulugan. Halimbawa: ▪ /ma/ sa salitang ‘mapera’ ▪ /in/ sa salitang ‘sulatin’ ▪ /na/ at /an/ sa salitang ‘nagalingan’ C. MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko 1. Asimilasyon Kasama sa uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa / ƞ / sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito. Tulad ng naipaliwag na, isa sa tatlong ponemang pailong, /m, n, ƞ /, ang ginagamit batay sa ano ang punto ng artikulasyon ng kasunod na ponema upang maging magaan at madulas ang pagbigkas sa salita. Dalawang Uri ng Asimilasyon: 1. Asimilasyong parsyal o di-ganap ▪ Karaniwang pagbabagong nagaganap sa pailang na /ŋ/ sa posisyong pinal ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kassunod na tunog. Ang /ŋ/ ay nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ŋ/ dahil sa kasunod na tunog. 5 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO ▪ Kung ang isang panlapi o salitang nagtatapos sa /ƞ/ at ito’y ikinakabit sa isang salitang ugat na nagsisimula /p/ o /b/, nagiging /m/ ang/n/ pansining iisa ang punto ng artikulasyon ng /p,b,m/. Halimbawa: [pang-] + paaralan = pampaaralan [pang-] + bayan = pambayan ▪ Ang huling ponemang / ƞ / ng isang morpema ay naging / n / kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d,l,r,s,t/. Halimbawa: [pang-] + dikdik = pandikdik [pang-] + taksi = pantaksi 2. Asimilasyong ganap ▪ Pagbabagong nagaganap sa ponemang /ƞ/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponemang nilalapian ng salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob sa sinusundang ponema. Halimbawa: [pang-] + palo = pamalo [pang-] + tali = panali ▪ May mga salitang maaaring gamitan ng alinman sa dalawang uri ng ngunit may mga salitang nakamihasnan nang gamitan lamang ng asimilasyong parsyal. Sa ibang salita, hindi na nagaganap ang pagkawala ng unang ponema ng ikalawang morpemang isinasama sa pagbubuo ng salita. Halimbawa: [pang-] + kuha = pangkuha - panguha [pang-] + tabas = pantabas – panabas 2. Pagpapalit ng Ponema May mga ponemang nababago sa pagbubuo ng mga salita. Ang ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit diin. ▪ /d/ - /r/ Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponemang unlapi. 6 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Halimbawa: ▪ [ma-] + dapat = marapat ▪ [ma-] + dunong = marunong May mga pagkakataon namang ang /d/ ay nasa posisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng [-an] o [-in], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/. Halimbawa: ▪ Lapad + -an = laparan ▪ Tawid + -in = tawirin 3. Metatesis Sa tuwing ang salitang-ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng posisyon. Halimbawa: ▪ -in+lipad = nilipad ▪ -in+yaya = niyaya 4. Pagkakaltas ng Ponema Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito. Halimbawa: ▪ Takip + -an = takipan = takpan ▪ Sara + - an = sarahan = sarhan 5. Paglilipat-diin May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng isang pantig patungong unahan ng salita. 7 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Halimbawa: ▪ basa + -hin = basahin ▪ ka + sama + -han = kasamahán ▪ laro + -an = láruan D. SINTAKSIS Ang sintaksis ay tumutukoy sa istruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap. Ang mga pangungusap ay binubuo ng mga morpema, ngunit ang pakahulugan sa pangungusap ay higit pa sa kabuuan ng kahulugan ng mga morpema. May mga tuntunin sa balarila na nagtatakada kung paano pagsasamahin ang mga morpema at mga salita para makapagpahayag ng isang tiyak na pagpapakahulugan. Ito ang tinatawag na mga tuntuning sintaksis ng wika. E. PARIRAL, SUGNAY, AT PANGUNGUSAP Ang parirala ay lipon ng mga salitang walang paksa o diwa. Halimbawa: ▪ Ang mga bulaklak sa hardin ▪ Ang mga estudyante sa paaralan ▪ Ang mga hayop sa gubat Ang sugnay ay lipon ng mga salitang may buong diwa dulot ng simuno (paksa) at panaguri (katangian ng simuno). URI NG SUGNAY: 1. Sugnay na makapag-iisa ▪ May simuno, at panaguri. Nakatatayo sa sariling diwa. Halimbawa: ▪ Ako ay nakahiga, nang siya ay umalis. ▪ Pumunta ka rito sa bahay, at pag-aaralin kita. ▪ Lahat ay uuwi sa Pilipinas. 2. Sugnay na di makapag-iisa ▪ Walang diwang naipaparating. 8 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Halimbawa: ▪ Kung ako’y mayaman, hindi na ako magtatrabaho. ▪ Yumaman sila dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan. Sa sugnay na di-makapag-iisa ginagamit ang pangatnig na panubali bilang pang-ugnay gaya ng: kung, kapag, o pag. Ang dahil sa, sapagkat at palibhasa ay mga pangatnig na pananhi. Ang kaya, kung gayon, at sana ay mga pangatnig na panlinaw. F. PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP Ang pangungusap ay isang salita o pangkat ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa. Ito ay binubuo ng lahat ng sangkap, ang panaguri at ang paksa. Bahagi ng pangungusap: 1. Simuno – paksa ▪ Ang simuno ay maaaring payak at buong simuno. ▪ Payak – isang salita lamang. ▪ Buong simuno – binubuo ng mga payak na simuno o higit pa sa isang salita. Halimbawa: o Si Sarcom ang kumuha ng mga aklat. o Namumulaklak na ang mga halaman sa hardin. 2. Panaguri – naglalahad ng impormasyon hinggil sa simuno. ▪ Ang panaguri ay maaaring payak na panaguri at buong panaguri. ▪ Payak na panaguri – pandiwa, pangalan, panghalip, pang-uri o pang-abay. ▪ Buong panaguri – ang payak na panaguri kasama ang iba pang mga salita o panuring. Halimbawa: o Bumili si Princess ng bagong damit. o Si Angelo ay isang matagumpay na manggagamot. MGA AYOS NG PANGUNGUSAP 1. Karaniwan - Nauuna ang panaguri bago ang simuno. Halimbawa: Salungguhit = Panaguri | Bold = Simuno ▪ Punung-puno ng iba’t ibang damdamin / ang musika. 9 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO ▪ Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM. ▪ Isang patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino 2. Di-karaniwan – Nauuna ang simuno bago ang panaguri. Ginagamit ang ingklitik na “ay”. Halimbawa: Salungguhit = Panaguri | Bold = Simuno ▪ Ang musika / ay punung-puno ng damdamin. ▪ Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music. ▪ Ito / ay isang patunay ng pagiging malikhain ng mga Filipino. URI NG PANGUNGUSAP 1. AYON SA GAMIT ▪ MGA PANGUNGUSAP NA EKSISTENSYAL - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o mayroon. Halimbawa: Mayroon daw ganito roon. ▪ MGA PANGUNGUSAP NA PAHANGA – nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa: Kayganda ng babaing iyun! ▪ MGA SAMBITLANG – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Aray! ▪ MGA PANGUNGUSAP NA PAMANAHON – nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Halimbawa: Maaga pa. ▪ MGA PORMULARYONG PANLIPUNAN – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. Na nakagawian na sa lipunang Pilipino. Halimbawa: Magandang umaga po. 10 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 2. AYON SA TUNGKULIN Ang pangungusap ay may apat na uri ayon tungkulin, ito ay pasalaysay, patanong, pautos at padamdam. 1. PATUROL O PASALAYSAY – Binabantasan ng tuldok (.). Naglalahad ng detalye, at pangyayari. 2. PATANONG – Binabantasan ng tandang pananong (?). Nag-uusis. Naghahanap ng sagot. 3. PAUTOS – Nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. 4. PADAMDAM – Binabantasan ng tandang padamdam (!). Nagpapahiwatig ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. 3. AYON SA KAYARIAN 1. PAYAK – isang diwa lang ang tinatalakay. Maaaring may payak na simuno at panaguri. 2. TAMBALAN – may higit sa dalawang kaisipan. Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa. Ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang Halimbawa: Ang biyaya ay kusang-loob na ibinibigay at ito ay kaloob na walang bayad. Tandaan: Ang mga pangatnig na magkatimbang ay at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit. 3. HUGNAYAN – pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa. Ginagamitan ng pangatnig na di-magkatimbang (kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat) Halimbawa: Mabuti ang mag-asawa sapagkat tumutulong sa mga kapitbahay na nangangailangan. (Ang may salungguhit ay sugnay na makapag-iisa; walang salungguhit ay sugnay na di makapag-iisa) 4. LANGKAPAN – pangungusap na binubuo ng tambalan at hugnayang pangungusap. Binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at sugnay na di nakapag-iisa. Halimbawa: Mabuti ang mag-asawa at sila ay may busilak na puso dahil sinusunod nila ang utos ng Panginoon. (Walang salungguhit ay sugnay na makapag-iisa; may salungguhit sugnay na di- makapag- iisa) 11 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Castillo, Alice F. et.al. 2003. Hiyas ng Lahi: Wika at Panitikan. Quezon City; University of the Philippines Press. Garcia, L. et al. (2010). Tinig: Komunikasyon sa akademikong Filipino. (ika-3 ed). Cabanutuan City: Jimcy Publishing House. Santiago, Alfonso at Norma G. Tiangco. 2003. Makabagong Balarilang Filipino. Manila: Rex Bookstore Publishing Co. Santiago, Alfonso. 1979. Panimulang Lingguwistika. Manila: Rex Bookstore Publishing Co. Pagkalinawan, et al. (2004). Filipino I: Komunikasyon sa akademikong Filipino. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc. 12