Grade 7 Values Education 2Q RUQA Final Questions PDF
Document Details
Uploaded by EngagingGoshenite5549
Tags
Related
- Edukasyon sa Pagpapakatao 9 - Gen. Licenio Geronimo Memorial National High School PDF
- 1st-Quarter Reviewer PDF
- Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos (Values Education 10 PDF)
- Values Education 5 (2nd Quarter) PDF
- EsP3Q2F PDF Learner's Material Ikalawang Markahan 2020
- Grade 10 Values Education 2Q RUQA Questions PDF
Summary
This document provides Grade 7 Values Education 2Q RUQA final exam questions. The questions cover various values education concepts. Questions are multiple-choice.
Full Transcript
Republic of the Philippines Department of Education REGION X - NORTHERN MINDANAO Regional Unified Quarterly Assessment Ikalawang Markahan GMRC...
Republic of the Philippines Department of Education REGION X - NORTHERN MINDANAO Regional Unified Quarterly Assessment Ikalawang Markahan GMRC-7 Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________________ Seksiyon: _______________________________ Sangay: _________________________________ Paaralan: _________________________________________________________________________ PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Basahin ng mabuti ang bawat tanong. ______1. Si Maria ay nagiging pihikan sa pagpili ng barkada dahil ang turo ng kanyang magulang ay piliin ang barkadang hindi magdadala sa kanya ng kapahamakan. Sa palagay mo ba ay tama si Maria sa pagiging pihikan? a. Oo, dahil hindi lahat ng barkada ay nagbibigay ng kabutihan sa kapwa. b. Hindi, dahil posibling magkakaroon ng diskriminasyon sa pagpili ng barkada c. Oo, Dahil nararapat lamang na sundin ang turo ng ating mga magulang sapagkat ito ay nakapagpabuti sa atin. d. Hindi, Dahil ginawa tayo ng panginoon na pantay-pantay kaya dapat tratuhin ng patas ang bawat tao. _____2. Nahihirapan si Jimly sa kanyang pagpili sa specialization sa TLE dahil hindi alam Ang kanyang hilig. Paano siya gagawa ng pagpapasya na nagpapakita ng pagiging makapamilya? a. Suriin ang gusto ng mga kaklase at yun ang ka Nyang kukunin. b. Hihingi siya ng payo mula sa nakatatandang kapatid dahil mas matanda ito sa kanya. c. Tingnan niya ang sariling kakayahan at kukunin ang nagpapasaya sa kanya. d. Hihingi siya ng payo sa mga magulang upang maging sigurado sa kukuning specialization. ______3. Si Mande ay panaganay sa apat na magkakapatid. Ang kanyang ama ay nasa ibang bansa ang ina at apat na kapatid na lamang ang kasama niya sa bahay. Ang kanyang ina ay nagtatrabaho at malimit lamang niya itong nakakausap. May pagkakataon na maaanyayahan siya ng kanyang kaklase na lumiban sa klase at magsasaya kasama nila ngunit naisip ni ang hirap at sakripisyo ng mga magulang para lang makapag aral silang magkakapatid at magkaroon ng magandang kinabukasan kaya tinanggihan ni Mande ang paanyaya ng kanyang mga kaklase. Ano kaya ang pweding mangyari kay Mande? a. Madali siyang malulong sa masamang bisyo dahil kulang sa gabay ng magulang. b. Magiging makulay ang kanyang buhay dahil nagagawa niya ang kanyang gusto. c. Marami ang kanyang barkada dahil kulang siya ng pangangaral. d. Maging mabuting bata siya dahil maiisip niya ang paghihirap ng kanyang mga magulang Lumaki si Anton sa isang pamilyang may malaking pananalig sa Panginoon. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip ay nararanasan niya ang mga hamon ng buhay. Isa sa mga hamon na kaniyang kinaharap ay ang mawalan ng trabaho ang kanyang ama at malapit na ang pasukan. Hindi naging hadlang ang pagkawala ng trabaho ng kanyang ama dahil sa kanyang pananampalataya at pananalig sa Panginoon.Sa panahong iyon agad siyang nagdasal na maipagtuloy ang kanyang pag-aaral sa kolihiyo. Kahit nawalan ng trabaho ang kanyang ama naipagpatuloy parin niya ang kolihiyo sa pamamagitan ng pagtatrabaho habang nag-aaral. Natapos niya ang kolihiyo at nakahanap ng trabaho. Napagtagumpayan niya ang hamong iyon dahil sa kanyang panapanpalataya at pananalig sa Diyos. Basahin ang pahayag sa itaas at sagutan ang mga katanungan sa aytem 4-6. _____4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng mabuti at matatag na pagpapalaki ng pamilya ni Anton sa kanya. I. Pananampalataya at pananalig sa Diyos II. Pagmamahal sa magulang at sa Diyos III. Pagsumikap na makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatrabaho habang nag-aaral. IV. Pinapahalagahan niya ang kanyang pag-aaral at pamilya. a. I, III,IV b. I,II, IV c. I,II,III,IV d. I,II,III _____5. Paano niya mapagtagumpayan ang darating na mga hamon sa buhay ayon sa kanyang karanasan? a. Maunawain sa lahat ng panahon. b. Maging mapagkumbaba at masunuring anak. c. Gawin ang mga bagay na sa tingin ay makabubuti sa sarili at pamilya. d. Ipagpapatuloy niya ang pananalig sa Panginoon at magiging gabay ang kaalaman sa pagbuo ng tamang pagpapasya. _____6. Anu-ano ang mga aral na nakapagbibigay inspirasyon sa iyo bilang mag- aaral at iyong isasabuhay? a. Maging tapat sa sarili at pamilya. b. Maunawain at handang magsakripisyo sa lahat ng panahon. c. Pahahalagahan ang pananampalataya at ang mga turo ng mga magulang. d. Pahahalagahan ang mga karanasan na naging gabay na makamtan ang pangarap. _____7. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa karapatan at tungkulin nito? a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon. b. Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungulin ng pamilya kund hindi nito alam kung anu-ano ang mga karapatan at tungkulin nito. c. Bahagi ito ng papel na pampolitika at tungkulin nito. d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin. ______8. Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubung nito kung ito ang kanyang isasabuhay? a. Higit na maging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa- tao. b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang solusyunan ang problema. c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa. d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan. ______9. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay ng simple? a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagpakumbaba. b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya. c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan. d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi kung ano mayroon siya. ______10. Kung walang pagmamahal sa pamilya ,ay hindi matatawag na… a. Pamayanan ng mga tao c. Pag-asa ng bayan b. Institusyon ng lipunan d. Pamilyang may pagkakaisa. _____11. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmula sa pamilya? Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapatunay nito? a. Sa pamilya una natutuhan ang kagandahang asal at maayos na pakikitungo sa kapwa. b. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng magandang asal sa mga anak. c. Kung paano nakikitungo ang magulang sa anak gayundin ang maging pakikitungo nito sa iba. d. Kapag wala ang magulang ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata. ______12. Sa iyong palagay, kung walang pagmamahal ang pamilya ay hindi matatawag na… a. Pamayanan ng mga tao c. Institusyon ng lipunan b. Pag-asa ng bayan d. Pamilyang may pagkakaisa ______13. Laging ipinagdiriwang ng pamilya Dela Cruz ang tagumpay ng kanilang anak. Anong kaugalian ang maaaring tularan sa pamilyang Dela Cruz? a. Paghamon sa anak na magtagumpay. b. Pagpapakita ng interes sa kanilang larangan. c. Pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya. d. Pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit. _______14. May sakit ang iyong Nanay at hindi niya kayang gawin ang mga gawaing- bahay? Ano ang iyong gagawin? a. Pipilitin ko siyang bumangon upang gawin ang mga gawaing bahay. b. Sasabihin ko kay nanay na magpagaling agad para magawa na uli niya ang mga gawaing bahay. c.Hihintayin ko nalang siyang gumaling upang siya ang gumawa ng mga gawaing bahay. d.Sasabihin ko po kay nanay na magpahinga at magpagaling at kami muna nila tatay ang bahala sa mga gawaing bahay. ______15. Gumawa ng takdang aralin ang iyong kapatid at tila nahihirapan siyang gawin ito? Ano ang iyong gagawin? a. Aasarin ko ito at paiiyakin dahil nahihirapan siyang gawin ito. b. Tatawagin ko si nanay para siya na ang tumulong. c. Hahayaan ko lang siya hanggang sa umiyak siya. d. Tutulungan at tuturuan ko po siya sa kanyang takdang aralin. ______16. Sa iyong palagay,Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya? a. Pagkakaroon ng mga anak c. Pagsunod sa mga patakaran b. Pagtatanggol sa mga Karapatan d. Pinagsama ng kasal ang magulang. ______17. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang tungkulin bilang isang mananampalataya? a. Makilahok sa anumang aktibidad na nagpapalago sa paniniwala. b. Pagbabasa ng mga babasahing Ispirituwal. c. Pagdadasal araw-araw d. Pagsali sa mga rekoleksyon na mga gawain. ______18. Kung ikaw ang papipiliin, Anong pangunahing kontribusyon ng pamilya ang nakakabuti sa lipunan? a. Estado ng pamilya b. personal na interes para sa kapakanan ng pamilya. c. pagpapayaman upang mabuhay nang sagana at makatulong. d. Karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan sa araw-araw. _____19. Ang pamilya ni Jelo ay sama-samang nanalangin sa Panginoon sa bawat paggising nila sa umaga at bago matulog sa gabi dahil ito ang kanilang debosyon. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa? a. Maraming problema ang kanilang pamilya b. Mataas ang respeto nila sa Panginoon c. Matatag ang kanilang pananampalataya sa Panginoon d. Istrikto ang kanilang mga magulang dahil sa kanilang relihiyon ______20. Ang bawat pamilyang Pilipino ay may pananampalataya sa Panginoon. Bilang kasapi ng pamilya bakit kailangan natin na makisali sa sama-samang pananalangin ng ating pamilya? a. Upang kapakipakinabang tayo bilang kasapi ng pamilya. b. Upang maging masaya ang ating mga magulang kapag tayo ay mapagdasal. c. Upang maipakita natin ang ating kapanatagan sa anumang sitwasyon. d. Upang lalong mahuhubog ang ating pananampalataya at matutong magsasabuhay ng pananalig sa Diyos. ______21. Ang mga tungkulin ng pamilya sa bayan ay paraan upang magbigay ng kontribusyon sa kabutihan, katiwasayan, kapayapaan at kaunlaran ng pamayanan na magiging matibay na pundasyon ng lipunang Pilipino. Ano ang iyong pag-unawa sa talatang ito? a. Pamilya ang pinagmulan sa lahat ng kaguluhan at katiwasayan sa isang Lipunan b. Ang bawat pamilya ay may tungkulin sa Lipunan na hubugin ang bawat kasapi na magiging mabuting mamayan. c. Sa pamilya nakasalalay ang solusyon sa lahat na problemang pampolitika ng isang Lipunan dahil dito nagmula ang lahat ng korapsiyon. d. Sa pamilyang Pilipino nakatuon ang bawat kahihinatnan ng ating Lipunan. ______22. Si Alfred ay maraming gawain sa bahay na dapat tapusin subalit ang kanyang mga magulang ay may batas na dapat magdasal ang bawat kasapi sa oras na pinagkasunduan. Kung ikaw si Alfred, Ano ang iyong gagawin? a. Hindi ako magdadasal dahil hindi naman malalaman ng aking magulang kung ako ay hindi susunod sa batas nila. b. Hindi ako magdadasal para matapos ko ang aking gawain. c. Sundin ko ang aking mga magulang at tapusin ang gawain pagkatapos magdasal. d. Hindi na ako gagawa ng aking mga gawain, magdasal nalang ako at magpahinga. _______23. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pakikibahagi ng sama-samang panalangin ng pamilya? a. Nagdasal si Marlon dahil sumakit ang kanyang tiyan. b. Nagdasal si Mario sa panginoon dahil ito ang itinuturo ng kanyang Guro sa EsP 7. c. Si Daniel ay kasama ang kanyang pamilya sa simbahan upang manalangin para sa kabutihan ng bawat kasapi d. Nahirapan si Nathan sa pagsusulit kaya nagpasya siyang bahala na ang panginoon sa kanyang Marka. ______24. Nagyaya si Mark ang barkada ni Jinno na sumama ito sa kanila sa araw ng linggo dahil walang pasok upang magkakaroon ng good time sa beach ngunit sa araw na ito ang kanyang pamilya ay pupunta sa simbahan para magsamba. Ano kaya ang nararapat na gagawin ni Jinno? a. Sasama siya para magkagood time naman kasama ang barkada. b. Hindi siya sasama sa barkada dahil magagalit ang kanyang magulang kung hindi siya makasama sa pagsamba. c. Unahin ang pagsamba sa panginoon dahil ito ang nararapat sapagkat ito nakapagbibigay ng tunay na kasayahan. d. Sasama sa barkada dahil minsan lamang ito magyaya sa kanya at upang magkakaroon siya ng maraming Kaibigan. ______25. Isa sa pangunahing suliranin ang climate change sa ating mundo. Dahil dito nagkakaroon ng programa ang pamahalaan upang tugunan ang hamon sa suliraning ito. Kung ikaw ay kabilang sa mambabatas paano ka makatutulong para makapag-ambag sa kaligtasan ng ating mundo? a. Gagawa ako ng batas para mapangalagaan ang kalikasan tulad ng pagbabawal sa pagtatapon ng basura sa hindi tamang lagayan panatilihin ang berding kapaligiran. b. Mag-aanunsiyo ako na dapat pangalagaan ang kalikasan at magtanim tayo ng kahoy upang maging berde ang kapaligiran. c. Magpapagawa ako ng maraming basurahan para sa nalalanta, di nalalanta, at magagamit pa. d. Magsusulong ng adbokasiya na dapat pangalagaan ang kalikasan upang gaganda ang ating kinabukasan. ______26. Ang tao ay naging isang moral na nilalang dahil sa paghubog ng konsensiya na naayon sa gabay ng pananampalataya at pamilya. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito? a. Ang pamilya at pananampalataya ay nakakatulong upang makilala ang katotohanan na kailangan niya upang magamit ng mapanagutan ang kanyang Kalayaan. b. Ang tao ay isang mabuting nilalang kapag nagsasabuhay ayon sa kanyang pananampalataya at kulturang kinagisnan. c. Ang pagiging makatao ay nagpapakita na ang isang tao ay may pananampalataya at may mabuting pamilyang Kinabibilangan. d. Ang pananampalataya at pamilya ay dapat isasabuhay ang turo nito kahit anuman ang kahihinatnan ng bawat katuruan. _____27. Isa sa mga prinsipyo ng likas na batas moral ay “Gawin ang Mabuti at iwasan ang masama”. Kailan naging mabuti ang isang desisyon ng bawat pagpapasya? a. Kapag ang pagpapasya ay nakapagbibigay ng kabutihan sa sarili at kapwa at hindi nakapagbibigay ng kasamaan sa kapwa tao. b. Kapag ang ang bawat pagpapasaya ay nakakapag-unlad sa ekonomikong estado ng sarili kahit anupaman ang magiging epekto nito sa kapwa. c. Kapag ang bawat pagpapasya ay nakakatulong sa sariling pamilya at nakapagbibigay ng kasaganaan sa sarili. d. Kapag ang pagpapasya nakapagbibigay ng kasiyahan at kakontentohan sa mga taong malapit sayo at gusto mong maging masaya. ______28. Ang pagbabago ng klima ay ang pinakamalaking problemang kinakaharap ng mga tao sa siglong ito. Alin sa sumusunod na mga aksyon ang makapagbabawas sa pagbabago ng klima? a. Naghuhugas ng pinggan gamit ang batya at pinupunasan ito ng malinis na tuwalya. b. Magtanim ng kahoy upang maging berde ang kapaligiran at magbibigay ng kalamigan kahit mainit ang panahon. c. Maging responsabli ang bawat kasapi ng pamilya lalo sa paggawa ng nakatakdang gawain sa mga kabahayan. d. Maligo bawat araw para maiwasan ang heat stroke at upang malamig palagi ang pakikiramdam. ______29. Ayon sa siyentipkong pananaliksik ang mga heat-trap na gas ay nagpapainit sa Earth at sa mga Karagatan na nagreresulta sa pagtaas ng antas ng dagat, mga pagbabago sa mga pattern ng bagyo, binagong alon ng karagatan, pagbabago sa pag-ulan, pagtunaw ng niyebe at yelo, mas matinding mga kaganapan sa init, sunog, at tagtuyot. Alin sa sumusunod apektado sa pagbabago ng panahon? a. kalusugan ng tao, imprastraktura, kagubatan, agrikultura, suplay ng tubig- tabang at baybayin. b. Kabuhayan ng mga tao, pag-iisip dahil mental disorder, hubog ng katawan at mababawasan ang kayamanan. c. Mababawasan ang tubig sa karagatan, tataas ang produksiyon ng yamang dagat at magiging mabenta ang aircon. d. Nakapagtataas ito sa bahagdan sa pagkabuhay ng tao, nagiging responsabli ang tao sa bawat pagpapasya, at nagiging mapaghanda ito sa darating na mga sakuna. ______30. Si Matt ay palakaibigan subalit ang kanyang mga kaklase ay may kinabibilangang gang at ayaw ng kanyang magulang na siya ay mabibilang dito. Bawat araw ay inanyayahan siya ng kanyang kaibigan na sumali sumali sa kanilang gang. Ano kaya ang mangyayari kung siya ay tutugon sa pag- anyaya ng kanyang kaibigan? a. Masisira ang kanyang pag-aaral dahil walang mabuting maidudulot sa buhay ng kabataan ang pagiging kasapi sa gang. b. Magiging masaya siya dahil mas dadami ang kanyang mga kaibigan at magkakaroon siya ng mas maraming pagsasaya. c. Magiging siga siya sa eskwela dahil may gang siyang kinabibilangan an tutulong sa kanya sa panahon ng kaguluhan. d. Magiging makabuluhan ang kanyang pag-aaral dahil para siyang isang tao na maraming gwardiya na nakapaligid sa kanya na ang kanyang mga ka gang. ______31. Si Mario ay palaging sumasama sa kanyang pamilya patungong simbahan tuwing linggo para magsamba dahil istrikto ang kanyang ama at magagalit ito kapag hindi siya sasama. Gusto n ani Mario na hindi sumama sa kanyang pamilya sa pagsasamba dahil hindi ito nakapagbigay ng kasiyahan sa kanya. Ano kaya ang posibling mangyayari sa buhay niya? a. Siya ay dadanas ng depresyon dahil hindi siya masaya sa kanyang mga ginagawa. b. Posibling maliligaw siya ng landas dahil ang pagsasamba at pananampalataya ay gagabay sayo ng tamang landasin. c. Magkakaroon siya ng maraming kaalaman sa buhay kapag maranasan niya ang pagiging isang suwail na anak. d. Hindi siya maililigtas sa kapahamakan dahil malayo ang kanyang puso sa panginoon. ______32. Ayon sa ABS CBN documentary na dapat tayong matuto mula sa Bagyong Yolanda at Bagyong ondoy at dapat tayong kumilos para iligtas ang mundo mula sa pagbabago ng panahon. Ano ang maaring mangyari sa ating mundo kung hindi tayo kikilos para tugunan ang hamon sa pagbabago ng panahon (climate change)? a. Mauulit muli ang mga pangyayari tulad ng pananalasa ng bagyo at lalong bababa ang bahagdan ng pagkabuhay ng tao. b. Napapadali ang pagkagunaw ng mundo dahil dahan-dahan na tumataas ang temperatura ng ating mundo. c. Magiging mas mabenta ang payong dahil mas iinit ang panahon at maraming tao ang pupunta sa beach para magpalamig. d. Magdudulot ito ng pagkakalimutin ng mga tao dahil sa pabago-bago ang panahon. ______33. Ang pagtugon sa hamon ng pagbabago ng panahon ay nagmula sa pamilya dahil Ito ang pangunahing tagapagtupad ng gawaing nagpapahalaga sa kalikasan. Kung sa buong mundo ay dalawampung bahagdan lamang ang nagpapahalaga sa kalikasan ano kaya ang maaring mangyari? a. Madaling mamatay ang pamilyang hindi nakikialam sa pagtugon sa problema ng pagbabago ng panahon dahil sa Karma. b. Mas tataas ang bahagdan ng heat index dahil hindi lahat ng tao ay tumutugon sa pagbabago ng panahon at ito ay magdudulot ng mataas na bahagdan sa mga sakit at kalamidad. c. Maliligtas ang ating mundo mula hamon ng pagbabago ng panahon dahil ang dalawampung bahagyan ay marami para tugunan ang hamon sa problema ng pagbabago ng panahon. d. Ang mga tao ay magbabayad dahil sa hindi nito pakikialam sa pangunahing suliranin sa mundo ang pagbabago ng panahon. ______34. Sabi ng isang mag-aaral “Binata na ako, hindi na ako bata , at alam ko ang aking ginagawa”. Bilang isang mag-aaral sa baiting 7 paano mo masisiguro na ang iyong pagpapasya ay nasa tama? a. Siguraduhin ko na ang bawat pagpapasya ay nakapagpapasaya sa aking sarili at nakapagbibigay ng kakontentuhan. b. Siguraduhin ko na ang aking pagpapasya ay naayon sa utos at kagustuhan ng aking mga magulang at hindi nakapagbibigay ng kapahamakan sa ibang tao. c. Hihingi ako ng payo sa aking kapwa mag-aaral dahil hindi natin alam ang lahat ng mga bagay-bagay kaya kailangan natin ang payo ng iba. d. Isasaisip ko ang lahat kung natutunan mula sa pre school hanggang grade 6 dahil ito ang gagabay sa bawat pagpapasya. _____35. Si John ay isang mabait na bata ngunit siya ay isang palakaibigan at hindi maalis sa kanyang isipan ang sabi ng ina na mag-ingat sa pagpili ng kaibiganin. Kung ikaw si John paano ka pipili ng mga mabuting kaibigan? a. Piliin ko ang kaibigan na nag-aaral ng Mabuti, hindi nagpapayo ng masama at pagsuway sa aking mga magulang. b. Piliin ko ang kaibigan na maraming baon para makapanghingi ko sa kanya dahil ako ay isang mahirap lamang. c. Piliin ko ang kaibigan na sikat sa eskwela para magiging tulad ako sa kanya. d. Piliin ko ang kaibigan na siga sa eskwela para may magtatanggol sa akin kapag may mapang-api. _____36. Si Joan ay nagsasaliksik tungkol sa pagbabago ng panahon at kung paano ito tugunan at nalalaman niya na ang kanyang pamilya walang pagpapahalaga sa pagtugon sa hamon ng pagbabago ng panahon (climate change). Kung ikaw si Joan paano ka kikilos upang makibahagi na lutasin ang problema sa pagbago ng panahon? a. Pagsabihan ko ang aking mga kaibigan na magtipid sa paggamit ng kuryente at tubig. b. Gagawin ko ang mga gawain na makapagligtas sa mundo mula problema sa pagbabago ng panahon at ibahagi ito sa aking pamilya. c. Magpopost ako sa facebook na tigilan na ang gawain na nagdudulot sa pagkasira ng ating mundo at nakapag- Ambag sa pagbabago ng ating panahon. d. Susulat ako ng artikulo tungkol sa pagpapahalaga sa kalikasan at ibahagi ito sa mga taong malapit sa akin. ______37. Nakita mo ang iyong kapitbahay na nagsusunog ng mga plastik at cellophane at alam mo na ito ay higpit na ipinagbabawal sa batas dahil ito ay may kaukulang kaparusahan. Paano ka tutugon upang matigil ang gawaing ito? a. Hindi nalang ako makikialam sa kanila dahil buhay nila yan mahuhuli din sila sa hinaharap. b. Wala akung gagawin dahil baka magalit ang aking kapitbahay kapag ako ay magsusumbong sa kinauukulan. c. Isusumbong ko sila sa kinauukulan upang matigil ang maling gawain nila at upang maging halimbawa sa iba nabigyang pansin ang pagpapahalaga sa kalikasan. d. Pagsabihan ko ang aking kapitbahay at kung ito ay magagalit ay isusumbong ko sa aking tatay upang turuan ng leksyon. ______ 38. Ito ay tumutukoy sa pagmamahal, pag-aalaga, at dedikasyon ng isang tao sa kanyang bansa. Ito ay ang pagkilala at paggalang sa kultura, tradisyon, wika, kasaysayan, at mga institusyon na nagbibigay ng katauhan at pagkakakilanlan sa isang bansa. Ano ang ibig sabihin nito? a. Paliwanag ng nasyonalismo c. Pagkakilanlan ng nasyonalismo b. Kahulugan ng nasyonalismo d. Pangkalahatan ng nasyonalismo _____39. Ano ang katangian ng pagpapakatao na makatutulong sa paggampan sa kaniyang mga tungkulin para sa pagtupad ng kaniyang misyon sa buhay na maglingkod? a. Nakakikilala ng katangian ng pagpapakatao b. Nagpapalaganap at pagtitiyak ng kaligtasan at pagpapayaman ng kalikasan c. Nailalapat ang katangian ng pagpapakatao sa pagtupad ng kaniyang mga tungkulin d. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng sarili batay sa katangian ng pagpapakatao para sa bayan ay makatutulong sa paggampan sa kaniyang mga tungkulin para sa pagtupad ng kaniyang misyon sa buhay na maglingkod. _____40. Ano ang tungkulin ng pamilya sa bayan? a Magdala ng pagbabago sa klima b. Magtugon sa pambubulas ng kapuwa c. Magbigay ng kontribusyon sa pandaigdigang Gawain d. Magbigay ng kontribusyon sa kabutihan, katiwasayan, kapayapaan at kaunlaran ng pamayanan. _____41. Alin sa mga sumusunod na gawain ang makapagpapabuti sa sarili at sa lipunan? a. Iniisip lamang ni Arman ang pansariling kapakanan. b. Hindi nakikiisa si Adeth sa mga boluntaryong gawain. c. Nakikiisa sa mga proyektong inilunsad pamahalaan ang pamilyang Herald. d. Nagbibingi-bingihan lamang si Perto at nagpanggap na walang alam sa isyung pinag-uusapan. Basahin ang mga sitwasyong nasa kahon. Lagyan ng kung nagpapahayag ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan. Lagyan ng kung nagsasaad ng pagbabantay sa batas, institusyong panlipunan o bayan. _____42. Napansin ng guro ni Mayo na tanging siya lang ang nakasunod sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura. Kaya, tinanong siya nito kung bakit nagawa niya ito nang tama. “Tinuro kasi ito sa amin ni Nanang at Tatang” sagot ni Mayo. Ano ang mahihinuha sa sagot ni Mayo? a. Ang batang mabait ay magaling sumagot. b. Ang kaniyang magulang ay mga basurero. c. Sa pamilya nahuhubog ang mga pagpapahalagang dapat matutuhan ng Isang bata. d. Ang magulang na nagtuturo nang tama sa anak ay magkakaroon ng mabubuting anak. _____ 43. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapuwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagpapatunay nito? a. Ang pamilya ang unang nagturo ng mabuting paraan ng pakikipagkapuwa- tao. b. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang asal at maayos na pakikitungo sa kapuwa. c. kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata d. kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba _____44. Alin sa mga sumusunod na parirala ang tama tungkol sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan? a. mapagkawanggawa c. pagsasakripisyo sa sarili b. matapat na kapitbahay d. lubos na mananampalataya _____45. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang halimbawa sa pagmamahal sa bayan, atin silang tinutulungan na maging mapagmahal, mapagmamalasakit at mapanagutang mamamayan ng ating bansa. Sa iyong palagay sino sila sa pagpililian ay lahat tama maliban sa isa. a. Magkapatid c. Magkabarkada b. Mga kabataan d. Anak at Magulang ______46. Sa palagay mo ano ang naidududlot sa tao kung ito ay gumaganap ng kaniyang mga tungkulin sa sarili, kasapi ng pamilya, kamag-aral, kapwasa barangay, kaibigan, bansa at sa buong mundo? a. Mapanagutang tao c. Pinakamatalinong tao b. Pinakamabait na tao d. Pinakamahusay na tao Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang. kahalagahan ng mga pambansang pagdiriwang at kontribusyon ng mga bayani. Isulat sa Patlang ang letra ng tamang sagot. a. Araw ng Kagitingan b. Araw ng Bayani c. Araw ng Rebolusyong EDSA d. Araw ng Kalayaan ________ 47. Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinatawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero. ________ 48. Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan. _______ 49. Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino Ang Araw ng Kalayaan mula sa España. May parada at pag- aalay rin ng mga Bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito. _______ 50. Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag- aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.