Edukasyon sa Pagpapakatao 9 - Gen. Licenio Geronimo Memorial National High School PDF

Document Details

General Licerio Geronimo Memorial National High School

Bb. Denice A. Inocentes

Tags

Filipino Education Civic education Social Studies Filipino Values

Summary

These notes from Gen. Licenio Geronimo Memorial National High School cover different aspects of civic organizations, media, religion, citizen participation, and related topics in Filipino. It's designed for a Grade 9 Filipino class.

Full Transcript

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Inihanda ni: Bb. Denice A. Inocentes Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Inihanda ni: Bb. Denice A. Inocentes Checking of Attendance Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Inihanda ni: Bb. Denice A. Inocentes Aralin 4: LIPUNANG SIBIL PARA SA KABUTIHAN NG...

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Inihanda ni: Bb. Denice A. Inocentes Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Inihanda ni: Bb. Denice A. Inocentes Checking of Attendance Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Inihanda ni: Bb. Denice A. Inocentes Aralin 4: LIPUNANG SIBIL PARA SA KABUTIHAN NG LIPUNAN LAYUNIN: 1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel na ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat; 2. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat; 3. Nahihinuha na : (a) Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas- kayang pag- unlad, ay isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag- unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad. LAYUNIN: 3. (b) Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya. (c) Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling pagkukusa. 4. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan LIPUNANG SIBIL LIPUNANG SIBIL Ito ay tumutukoy sa mga indibidwal na bumubuo ng isang grupo o organisasyon, inaayos ito at pinananatiling kapaki- pakinabang para sa pagkakamit ng kabutihang panlahat. LIPUNANG SIBIL Ang layunin nila ay maimpluwensyahan ang mga patakaran ng pamahalaan at mga internasyunal na samahan at/o makatulong sa pamahalaan sa pagbibigay nito ng mga serbisyo. PANGUNAHING GAMPANIN NG LIPUNANG SIBIL ✓ Pagpapahayag at pagpapaliwanag ng mga interes at pangangailangan ng mga kasapi nito. ✓ Pagtatanggol ng Karapatan ng mga kasapi at ng mamamayan sa pangkalahatan. ✓ Direktang pagbibigay ng mga tulong at serbisyo sa mga mamamayan nang hindi umaasa sa anumang magagawa ng pamahalaan. Mga Halimbawa ng Lipunang Sibil BAHAY-AMPUNAN ito ang institusyong kumakalinga sa mga taong napapabayaan sa ating lipunan, ika nga ang mga taong nasa laylayan ng ating bayan. PARTY-LIST ito ang kumakatawan sa mga sektor sa ating lipunan na hindi gasinong nabibigyan ng wastong pagkalinga. MEDIA Galing sa salitang Latin, medium na ang ibig sabihin ay kasangkapan. ito ang inaasahan nating makapagbibigay sa atin ng iba’t ibang mensahe na may kinalaman sa ating buhay, lagay ng panahon, at anupamang mga isyu na nakakaapekto sa ating buhay at kabuhayan. LAYUNIN NG MEDIA ❖ Maibigay ang katotohanan sa sa mga tao upang matulungan sila na maapag-isip at makapagpasiya nang tama at nararapat. GAMPANIN NG MEDIA ✓ Magbigay ng impormasyon at magturo. Ang mga datos at impormasyon na ito ay maaaring obhektibo o subhektibo at mula sa isang pangunahin o sekuondarya na pinagkunan. ✓ Magbigay ng libangan. RELIHIYON Isa sa pangunahing institusyon sa lipunan, may kakayahan na makaapekto sa iniisip at ikinikilos ng tao tulad ng pakikipagtulungan sa mga mahihirap sa pamayanan. LAYUNIN NG RELIHIYON ❖ Maitaas ang espiritwal at moral na kamalayan ng tao sa lipunan upang makapamuhay sila ayon sa inaasahang kabutihan sa kanila at upang magkaroon sila ng kakayahan na mabigyan ng espiritwal na pagtingin ang kanilang mga karanasan. GAMPANIN NG RELIHIYON ✓ Pagbibigay ng espiritwal na patnubay sa mga tao. ✓ Pag-impluwensya sa kilos at gawi ng tao. ✓ Pagbibigay ng pag-asa sa tao. PAKIKILAHOK NG BAWAT MAMAMAYAN Ang lipunang sibil, kasama ng iba pang mga institusyon at sektor, ay inaasahang magampanan ang mga layuning makatutulong sa matatag at mahusay na pamumuhay ng tao. Inaasahan ng bawat kasapi ng lipunan na ang kanilang pangangailangan ay matutugunan ng angkop na sektor ng lipunan. PAKIKILAHOK NG BAWAT MAMAMAYAN Kailangan ang bawat isa ay maging mapagbantay at tumitiyak na ang mga gawain ay kumikilos ayon sa kanilang legal at moral na gampanin. Dapat tandaan na ang mga bahaging ito ay nabuo para sa kabutihan ng lipunan. PAKIKILAHOK NG BAWAT MAMAMAYAN Dapat ding maging mapagbantay at magpahayag ng pagtutol kapag lumalagpas na ang simbahan sa kanyang gampanin. Sa pagsapi o pagsuporta sa alinmang lipunang sibil, makabubuti na hanapin ang pangangailangan na malapit sa iyong puso. Katangian ng Lipunang Sibil PAGKUKUSANG-LOOB Walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot. Malaya ito mula sa impluwensya ng estado o negosyo. Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sino mang nasa pamahalaan, o ng pangkomersyong hangarin ng sino mang negosyante. BUKAS NA PAGTATALASTASAN Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay pangmadla, isang buháy na diwa ng demokrasya, daan upang ang mga kaanib ng lipunan ay magkaroon ng katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasya. WALANG PANG-UURI Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi: mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilalá o hindi, anumang kasarian. Sapagkat ang hinahanap ay kabutihang panlahat. PAGIGING ORGANISADO Bagama’t hindi kasing-organisado katulad ng estado at negosyo, patungo ito sa pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng pagkakataon. MAY ISINUSULONG NA PAGPAPAHALAGA Hindi pansariling interes kundi kabutihang panlahat: isinusulong ng media ang katotohanan, isinusulong naman ng Simbahan ang espiritwalidad. Salamat sa inyong Pakikinig! Bb. Denice A. Inocentes

Use Quizgecko on...
Browser
Browser