1st-Quarter Reviewer PDF
Document Details
Uploaded by BeautifulYew
Limay National High School
Tags
Summary
This reviewer covers the first quarter of a Filipino high school subject. It includes modules related to philosophy, ethics, and values, examining how Filipinos view human nature. The reviewer is intended for students at Limay National High School in the Philippines.
Full Transcript
Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL...
Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Module I: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip At Kilos-loob Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. (Genesis 1:26–27). Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito. MADALING MAGING TAO, MAHIRAP MAGPAKATAO. May Dalawang bahagi ang kasabihang ito: “MADALING MAGING TAO” ANG UNA AY SUMASAGOT SA “PAGKA-ANO NG TAO” ANG IKALAWA NAMAN AY NAKATUON SA “PAGKA-SINO NG TAO” 1. Ang pagka-ano ng tao ay tumutukoy sa pagiging tao na may kakayahang kumilos, mag- isip, makonsensiya, malaya, at ginagawa ang tungkulin ng isang tao. Kaya nila nasabing madali ang maging tao. 2. Ang pagka-sino naman ng isang tao ay tumutukoy sa pagpapakatao ng isang tao. Ang ugaling ipinapakita habang ito ay nakikipagsalamuha sa ibang tao o kung paano ito nakikipag-kapwa-tao. TATLONG YUGTO NG PAGKA-SINO 1. ANG TAO BILANG INDIBIDWAL Tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao. Nang isinilang siya sa mundo, nagsimula na siyang mag-okupa ng espasyo na hiwalay sa ibang sanggol. Dahil sa kanyang kamalayan at kalayaan, nasa kaniyang mga kamay ang pagbuo niya ng kaniyang pagka-sino. Ang kanyang pagka-indibidwal ay isang proyektong kaniyang bubuuin habang buhay bilang nilalang na hindi tapos. 2. ANG TAO BILANG PERSONA Ang tao bilang “persona” ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya. Bilang persona, may halaga ang tao sa kaniyang sarili mismo. Ito ay dahil bukod-tangi siya, hindi siya mauulit(unrepeatable) at hindi siya mauuwi sa anuman. Ibig sabahin, hindi siya mababawasan at maibababa sa kanyang pagkatao dahil “buo” siyang bilang tao, (dy, 2012, ph. 295). Ang persona ang tumutukoy sa paglikha ng pagka-sino ng tao. 3. Ang tao bilang personalidad Ang tao bilang personalidad ay ang pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan. Ang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo ng kaniyang pagka-sino. Ang taong itinuturing na personalidad ay may mga matibay na pagpapahalaga at paniniwala, totoo sa kanyang sarili, at tapat sa kaniyang misyon. Sa kabuuan, ang mga personalidad na nabanggit ay may mga pagpapahalaga na nagpatingkad sa kanila bilang isang Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Personalidad tulad ng pagiging tapat, pagmamahal, at paglilingkod sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit. Si Cris Valdez sa kanyang murang edad ay nagawa niyang pamunuan at kalingain ang mga batang lansangan. Nasagip niya ang mga ito mula sa pang - aabuso, malnutrisyon, at katamaran. Si Joey Velasco naman ay umani ng paghanga dahil sa pagpapalutang niya ng kawalan ng katarungan sa lipunan sa pamamagitan ng kanyang pagpipinta. Sa pamamagitan ng kanyang mga obra maestra ay nagawa niyang imulat ang mga tao sa kanilang mga kamalian at kakulangan bunga ng kahirapan at kawalan ng hustisya sa bansa. Si Mother Theresa naman ay nakilala bilang ang madre na sa abot ng kakayan ay tumulong sa mga Pilipinong naghihikahos. Lahat ng mga personalidad na ito ay nagpamalas ng tapat na pagmamahal at paglilingkod sa kanilang kapwa ng walang hinihintay na kapalit. Si Roger Salvador naman na mula sa pamilya ng mga magsasaka ay nagawang ibahagi ang kanyang kaalaman sa mga kapwa niya magsasaka upang tulad niya ay mapaunlad din nila ang kani - kanilang mga lupain. DALAWANG KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO Knowing faculty ( PANGKAALAMANG PAKULTAD) Appetitive faculty (PAGKAGUSTONG PAKULTAD) Knowing faculty ( PANGKAALAMANG PAKULTAD) Dahil sa kaniyang panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga, at nangangatwiran. ano ang Panlabas at Panloob na pandama? Panlabas na Pandama ang Paningin, Pandinig, Pandama, pang-amoy, at Panlasa. Nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam. Panloob na Pandama 1. Kamalayan- pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa. Halimbawa: Mag-aaral ka ng mabuti dahil alam mo na malapit na ang final exam, may kamalayan ka sa iyong sarili na kailangan mong magaral dahil gusto mong makapasa sa pagsusulit. 2. Memorya- kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan Halimbawa: Naaalala mo na may takdang aralin kayo sa Edukasyon sa Pagpapakatao na ipapasa bukas. 3. Imahinasyon- kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito. Halimbawa: Nakabubuo ka ng pangyayari sa iyong isip na ikaw ay nakarating ibang bansa at nagpatayo ng sarili mong negosyo. 4. Instinct- kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran. Halimbawa: Naramdaman mong parang may sumusunod sa iyo habang naglalakad pauwi, dahil sa iyong instinct mabilis kang tumakbo. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Appetitive faculty (PAGKAGUSTONG PAKULTAD) Tatlong kakayahan na nagkakapareho ang tao at hayop. Ayon kay Robert Edward Brenan: 1. Pandama 2. Pagkagusto 3. Pagkilos o Paggalaw. Bagamat parehong taglay ng tao at hayop ang mga kakayahan, nagkakaiba ang paraan kung paano nila ginagamit ang mga ito. Dito naiiba ang tao sa hayop sa kanyang isip, makaunawa, malayang kilos-loob, at emosyon. Isip Ayon sa paliwanag ni De Torre (1980) ang kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan. Nangangahulugan lamang na magsisimulang gumana ang isip kapag nalinang na ang pandama ng tao. Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao. Nakukuha niya ito sa ugnayan niya sa reyalidad sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama. Samakatwid ang kakayahang ito na nakakabit sa material na katawan ang nagbibigay ng kaalaman sa isip. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. § Ang pag-aaral ay isang susi sa paglinang ng isip upang matuklasan ang katotohanang kailangan ng tao sa paglinang ng kaniyang pagka-sino. § Ayon ka DY, ang isip ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawan. Halimbawa. Maari niyang sabihin sa sariling “masarap ang pagkain pero sandali muna, hindi pwede sa akin yan” O kaya’y dahil galit ako gusto kong pagsalitaan ang kaibigan ko ng masakit na salita, pero kung gagawin ko iyon baka masira ang aming pagkakaibigan. Kilos-loob § Nangangahulugan ng paggawa ng isang bagay ayon sa iyong kalooban o kagustuhan. § Umaasa ito sa isip, kaya’t mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob. Halimbawa; Sa hayop anuman ang mapukaw na emosyon ay kumikilos ito nang naayon dito. Kung ito ay galit, maari itong mangagat(depende sa kalikasan ng hayop). § Samantalang sa tao, dahil may kamalayan at may kakayahan itong kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay na umiiral, maaring ang emosyon at ang kilos-loob ay magkakaroon ng magkaibang pagkilos. Halimbawa: Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Maaring piliin ng kilos-loob na hindi kumain ng masasarap na pagkain na nakahain sa mesa bagama’t ang kaniyang emosyon ay naakit dito, kaya’t maari niyang sabihing ‘gusto ko, subalit ayaw ko sapagkat masama ang mga ito sa aking kalusugan. § Ibinigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob. § Mahalaga ito sa moral na pagpili, sapagkat kailangang kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon at ang paghuhusga at pagpapasiya sapagkat may kakabit itong moral na tungkulin. § Ipinanganak man ang taong hindi tapos, nilikha naman siyang kawangis ng diyos na may isip at kilos-loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang kaniyang pagkatao sa pamamgitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kaniyang kapwa. § Kapag pinaglingkuran natin ang iba, napaaalalahanan tayo na walang anumang bagay sa buhay na ito ang nagtatagal maliban sa ugnayang nabuo natin sa ibang tao, at walang mas mabuting paraan upang makipag-ugnayan sa iba kundi sa pagtutulungan laman para sa kabutihang panlahat,…. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Module 2: Paghubog ng Konsensiya Batay sa likas na Batas Moral Kahulugan ng konsensiya… Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag- uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon. (clark 1997) Ang munting tinig na ito ay hindi lamang nagsasabi ng mabuting dapat gawin o ng masamang dapat iwasan kundi nagpapahayag ng isang obligasyon na gawin ang Mabuti. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni mang tino, ano ang gagawin mo? Makikita sa halimbawa ang dalawang elemento ng konsensiya ayon kay Lipo : 1. Ang Pagninilay- upang maunawaan kung ano ang tama o mali, Mabuti o masama: at Paghatol- na ang isang Gawain ay tama o mali, Mabuti o masama. 2. Ang Pakiramdam ng Obligasyong gawin ang Mabuti. Binigyan diin ni lipo ang kahalagahan ng pag-unawa sa dalawang mahalagang bahagi ng konsensiya; 1. ang paghatol moral sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos 2. ang obligasyong moral na gawin ang Mabuti at iwasan ang masama. Ayon kay Santo Tomas De Aquino (Clarke, 1997) ang konsensiya ay isang natatanging kilos pang-kaisipan, isang paghuhusga ng ating sariling katwiran. Sa pamamagitan nito, nailalapat ng tao ang batas na naitanim sa ating puso mula pa noong ating kapanganakan. Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: Gawin mo ang Mabuti, iwasan mo ang masama. Mga uri ng kamangmangan Kamangmangang madaraig (vincible ignorance) Kamangmangang na di madaraig (invincible ignorance) Kamangmangang madaraig (vincible ignorance) Ang kamangmangan kung saan ang isang tao ay gumawa ng paraan upang malampasan ito. Ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag- aaral. Halimbawa Lumapit sa iyo ang iyong nakababatang kapatid at dumaing dahil sa sobrang sakit ng kaniyang tiyan. Kitang-kita mo sa mukha nito ang labis na paghihirap. Binuksan mo ang lalagyan niya ng gamut at iba’t ibang gamut ang naroon. Hindi ka tiyak kung alin sa mga ito ang gamut para sa sakit ng kaniyang tiyan. Nagpasya kang magtanong sa malapit na butika kung anong gamot ang possibleng ipainom sa iyong nakbabatang kapatid. Kamangmangang dimadaraig (invincible ignorance) Ang kamangmangan kung saan ang tao ay walang magawang pamamaraan upang malampasan ito. Ito ang uri ng kamangmangan na bumabawas o tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kaniyang kilos o pasiya. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Nagbigay ka ng pera sa isang batang namamalimos sa kalye dahil labis ang awa na iyong naramdaman para sa kaniya, nakaramdam ka ng gaan ng pakiramdam dahil sa iyong pagtulong. Nalaman mo paglipas ng ilang araw na sila ANG MGA BATA NA NAMAMALIMOS UPANG PAMBILI NG RUGBY, MAARING NAKARAMDAM KA NG PANDALIANG PAGSISI DAHIL NAIISIP MO NA NAGBIGAY KA UPANG MAIPAMBILI NILA NG RUGBY. Ngunit hindi maituturing na masama ang iyong kilos dahil wala ka namang kaalaman dito noong nagbigay ka ng pera. ANG APAT NA YUGTO NG KONSENSIYA Unang yugto alamin at naisin ang mabuti Ikalawang yugto ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon Ikatlong yugto paghahatol para sa mabuting pasiya at kilos Ikaapat na yugto pagsusuri ng sarili/pagninilay UNANG YUGTO ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo. Binigyan siya ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Ito ang pinakamainam na paliwanag sa katotohanang tayo ay nilikha upang mahalin ang diyos at ang kabutihan. IKALAWANG YUGTO ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAR NA KABUTIHAN SA ISANG SITWASYON Ilang gawain kaugnay nito: pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng inpormasyon, pagsangguni na sinusundan ng pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya. sa sandaling ito, nilalapat natin ang ating nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin ang mabuti sa isang partikular na sitwasyon. IKATLONG YUGTO PAGHAHATOL PARA SA MABUTING PASIYA AT KILOS Ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin, o kaya namay ay, ito ay masama, hindi mo ito nararapat na gawain. Sa sandaling ito nahuhusgahan ang kabutihan o kasamaan ng isang kilos, ang hatol na ibibigay sa atin ang magsisilbing resolusyon sa krisis na kinahaharap natin. IKAAPAT NA YUGTO PAGSUSURI NG SARILI/PAGNINILAY Sa sandaling ito, binabalikan natin ang ginawang paghahatol, pinagnilayan natin ang ating paghahatol upang matutuo mula sa ating karanasan. Kung sa pagninilay ay mapapatunayan natin na tama ang naging paghatol ng konsensiya, kinukumpara natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at masama at higit na pinagtibay ang ating moralidad. Sa kabilang banda ang negatibong resulta ng maling paghatol ng konsensiya ay indikasyon na itama ito kung maari pa at matuto rin mula sa maling hatol. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN ANG LIKAS NA BATAS MORAL BILANG BATAYAN NG KABUTIHAN AT NG KONSENSIYA Ano nga ba ang likas batas moral? At bakit dito natin kailangang ibatay ang kabutihan at konsensiya? Likas batas moral ay ang teorya na nagsasabing taglay ng bawat isa sa atin ang kaalaman ng tama at mali. Sinasabi dito na dahil tayo ay nilikha ng diyos, at dahil ang lumikha ay Mabuti at makatarungan. Sa pamamagitan ng batas na ito may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti sa masama. Upang bigyang direksyon ang pamumuhay ng tao. Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang likas na batas moral ay ginagamit na personal na pamantayang moral ng tao. PRINSIPYO NG LIKAS NA BATAS MORAL UNANG PRINSIPYO GAWIN ANG MABUTI, IWASAN ANG MASAMA. PANGALAWANG PRINSIPYO MAKUKUHA SA KALIKASAN NG TAO.: Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa tao (nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at pag-aralin ang mga anak. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan. PAGHUBOG NG KONSENSIYA Paano nga ba mahuhubog ang konsensiya ng tao upang kumiling sa mabuti. Makakatulong kung susundin ang mga hakbang ayon kay sr. Felicidad lipion (2004, ph. 55-58) 1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan: A. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral sa sangkot sa isang kilos. B. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa mga mabuting layunin at hindi sa makasariling interes. C. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon sa buhay. D. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong isyung moral at mga implikasyong lipunan ng mga ito. PAGHUBOG NG KONSENSIYA 2. NAGLALAAN NG PANAHON Para sa regular na panalangin. Ang regular na pakikipag-ugnayan sa diyos sa takdang oras sa bawat araw ng nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban. Isang mahalagang hakbang sa pagkilala ng ating sarili ang kamalayan sa dahan-dahang proseso ng paghubog ng konsensiyana nagaganap mula pa noong bata pa tayo hanggang sa kasalukuyan (lipio, 2004). Mga antas ng paghubog ng konsensiya Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Ang antas ng likas na pakiramdam at reaksiyon. Ang antas ng superego Pagkilos ng konsensiyang moral Proseso ng paghubog ng konsensiya gamitin nang mapanagutan ang mga sumusunod: Isip Kilos-loob Puso kamay Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Module 3: Ang Tunay na Kalayaan Ayon kay Santo Tomas De Aquino + Ang Kalayaan ay ang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaring hantungan at ang itakda ang paraan upang makamit ito Narito ang paliwanag ni Johann tungkol sa tunay na Kalayaan. + Ang salitang Kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao. + Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya ayon sa kaniyang nais. + Sa pangangatuwirang walang panlabas na hadlang na sisirain sa paggawa niya nito. Ito ang madalas na iniisip ng tao tungkol sa Kalayaan + Ang paggawa ng isang bagay na nais niyang gawin o ang karapatang sabihin ang anumang bagay na nais niyang sabihin. + Karaniwang sa pag-asam at pagsisikap na makamit ang Kalayaan, nakaliligtaan ang mahalagang hakbang sa pagkamit nito. Narito ang paliwanag ni Johann sa dalawang pakahulugan sa pananagutan na nakaaapekto sa ideya ng Kalayaan 1. Simulan natin sa pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako” 2. Subalit, bagamat ako ay responsible sa aking ginagawa, hindi ito nangangahulugan na ang kilos ko ay mapanagutang kilos. Simulan natin sa pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako” + Ito ay kilos na nagmumula sa akin, sa puntong ito, ang Kalayaan ay nakakabit sa aking sarili (sa pagiging ako), + Sa aking kakayahang kumilos, sa aking sariling kagustuhan, sa pagsasabi ng OO, o HINDI sa mga nakapalibot sa akin, sa pagpapasiya ko kung ano ang aking gagwin. + Ito ang kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob at mayroon ako nito dahil ako ay tao. + Likas ito sakin, sapagkat ang tao ay tao, siya ang pinagmumulan ng kaniyang kilos, kaya may pananagutan siya sa kalalabasan ng kaniyang ginawa. Halimbawa: + Maaaring bumagsak ang marka ng isang mag-aaral na hindi pumapasok sa klase. + Hindi niyang maiiwasang harapin ang resulta ng pagliban niyang ito. + Ang tao ay karaniwang pinananagot sa paggawa ng isang bagay na hindi niya mabigyan ng mapangangatwiranang dahilan (justifiable reason). Siya ay dapat managot (be accountable) sa mga kilos na ito. + Hindi tunay na Malaya ang tao kapag hindi niya Makita ang lampas sa kaniyang sarili; kapag wala siyang pakialam sa nakapalibot sa kaniya; kapag wala siyang kakayahang magmalasakit nang tunay at kapag siya ay nakakulong sa pansarili lamang niyang interes. Subalit, bagamat ako ay responsible sa aking ginagawa, hindi ito nangangahulugan na ang kilos ko ay mapanagutang kilos. Bilang tao, ako ay responsible sa aking mga kilos, subalit hindi ito nangangahulugang ako ay isang responsableng tao. Ang responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay hindi lamang pananagutan kundi ito ay kakayahan o abilidad na magbigay paliwanag (give account) Ibig sabihin may kakayahan akong bigyan dahilan kung bakit kailangan kong gawin ang aking kilos ayon sa hinihingi ng pagkakataon o sitwasyon. Ang kakayahang kumilos nang may katuwiran ay nangangailangan o humihingi ng pagpapalit ng pokus sa buhay. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Ang pokus na ito ay ang pagpapahalaga sa kapwa at paglalagay sa kanila na una bago ang sarili; ang tumugon sa kung ano ang kailangan ng sitwasyon kaysa sa magpaalipin sa sariling pagnanais at kapritso. Sinang-ayunan ito ni Lipio 2004 Sa kaniyang paliwanag na ang tunay na Kalayaan ay hindi sariling Kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang kalayaang kabahagi ang kaniyang kapwa sa sambayanan. Dahil nabubuhay ang tao sa isang sambayanan, ginagamit ang Kalayaan sa pakikipagkapwa-tao sapagkat ang tunay na Kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapwa: ang magmahal at maglingkod May dalawang Aspeto ng Kalayaan: + Kalayaan mula sa ( freedom from) + Kalayaan para sa (freedom for) Kalayaan mula sa (freedom from). + Karaniwang binibigyang katuturan ang Kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais. + Sa ganitong pag-unawa ng Kalayaan, masasabing Malaya ang tao kapag walang nakahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay. Kailangang maging Malaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, kapritso, at iba pang nagiging hadlang upang magawa niya ang ikalawang uri ng Kalayaan. Kalayaan para sa (freedom for) + Ang tunay na Kalayaan ayon kay Johann ay ang Makita ang kapwa at mailagay siyang una bago ang sarili. + Kung Malaya ang tao sa pagiging makasarili at maiwasang gawing sentro ng kaniyang buhay ang kaniyang sarili lamang, magkakaroon ng puwang ang kaniyang kapwa sa buhay niya. + Gagamitin niya ang Kalayaan para tumugon sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon. Ito ang diwa ng pagmamahal sa kapwa. Samakatwid, kailangang maging Malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging Malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang kapwa ang magmahal at maglingkod. Ayon kay Scheler Ang Kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao mula sa pagtataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang makamit. Sa paliwanag ni Cruz 2012 Ang malayang pagpili (free choice) o horizontal freedom ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makakabuti sa kaniya. Sa kabuuan , kaugnay ng pagiging moral na indibidwal May dalawang fundamental option na bukas sa tao, pataas tungo sa mas mataas na halaga o ang Fundamental option ng pagkamakasarili (egoism) Tumutukoy ang mga ito sa pangunahing pagpili na ginagawa ng tao: Kung ilalaan ba niya ang kaniyang sarili na buhay kasama ang kaniyang kapuwa at ang diyos; Ang mabuhay para lamang sa kaniyang sarili. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Mga kaisipan sa pagtugon ng tunay na Kalayaan Ang karanasan sa buhay ay napahalagang kontribusyon sa sariling pagpili ng isang tao ng angkop na kilos kung paano niya tutugunan ang isang sitwasyon. Nakapaloob sa kanyang napiling gagawin ang kanyang kadakilaan. Mga positibong pag-uugali na dapat taglayin kagaya ng pagmamahal, pag-ibig, paglilingkod, atbp upang matugunan ang tunay na kalayaan. Mga negatibong kaugaliang dapat iwasan ay ang pagiging sakim, ganid, mapang-api, atbp dahil sagabal sa pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa. Ang pagiging responsibilidad sa resulta ng kilos ay kalakip ng pagmamahal at paglilingkod sa pagtugon ng kalayaan. Ang pagmamahal ay isang panloob na kalayaan (inner freedom), ayon kay Johann. Ang tunay na pagmamahal at paglilingkod ay pagkukusa hindi ito sapilitan at hindi puwedeng ikaw ay diktahan. Ang fundamental option na pagmamahal ayon kay Johann + Ay isang panloob na Kalayaan (inner freedom) Halimbawa: Ang naging sitwasyon nina Nelson Mandela, Benigno Aquino Jr. at Viktor Frankl na bagamat nakakulong sa bilangguan, ay Malaya pa rin dahil sa kanilang pagmamahal sa bayan at sa kapwa. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Module 4: Dignidad Ancient Stoic Tradition Taglay ng tao ang katuwiran at kakayahang maunawaan ang santinakpan at ayusin ang sarili. Ito ang nagbigay sa tao ng dignidad na katulad ng hindi nasusukat na pagpapahalaga. Sa kasalukuyang panahon, ang dignidad ang nagbibigay pakahulugan na ang tao ang pinakamahalagang nilalang. Western Philosophy Ang dignidad ay tumutukoy sa obhektibong pagpapahalaga na ang indibidwal ay nagtataglay ng ilang mga katangian ng pagkilos na may kaugnayan sa kaniyang dignidad tulad ng kahinahunan, katahimikan, marangal na pamamaraan at pagkilos. Ang dignidad ng tao ay nababatay sa kaniyang nagawa sa buhay. Ang dignidad ng tao bilang pansariling pagpapahalaga na naaayon sa damdamin. Relihiyon Nag-uugat ang dignidad ng tao ayon sa pagkakalikha sa kaniya na kalarawan at kawangis ng Diyos. Ang banal na imahe ng Diyos ay nasasalamin sa bawat tao. Hindi tayo simpleng bagay, kundi isang tao ay may kakayahang umalam at ibigay ang sarili sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa-tao. Tayo ay nilikha ng Diyos dahil sa pagmamahal, kung kaya’t may kakayahan din tayong umibig at magmahal na makapagpapanatili ng dignidad ng tao. Ang Kahulugan ng Dignidad ng Tao Ito ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus na ibig sabihin “karapat- dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas ng kakayahan, ay may dignidad. Ito ang nagpapatotoo na ang tao ay naiiba at natatanging nilikha ng Diyos. Ito ay isang bagay na nagdudulot ng karapatan sa lahat. Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi nakakasakit o nakasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat. Pantay na Pagkilala sa Dignidad, Sa Kapwa ay Ibigay Sa bahaging ito, higit na mauunawaan mo ang kahulugan ng salitang dignidad. Basahin mong mabuti ang babasahin upang mabigyan ka na malalim na kahulugan at kabuluhan nito. 1. “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Utos ng Diyos. Ito ay nangangahulugan ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao 2. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”. Golden Rule. Kung ano ang makakasama sa iyo, makakasama rin sa iyo. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kanya. Sa tagubilin ng mga taga-Roma sa Banal na Kasulatan, malinaw na ipinahihiwatig ang ganito “Huwag kayong umaayon sa takbo ng mundong ito. Maging iba at tangi kayo sa lahat ng gawain at pag-iisip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyoskung ano ang Mabuti, nakalulugod sa Kanya at talagang ganap.” (Roma 12:2) Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN “Huwag magkunwari na mahal ninyo ang inyong kapwa. Mahalin sila ng tapat. Kasuklaman ninyo ang masama, pakaibigin ang Mabuti. Pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.”(Roma 12:9-10) “Sikapin inyong mamuhay ng marangal sa lahat ng panahon. Hangga’t maaari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao.” (Roma 12:17-18) “Huwag kayong padaig sa masama bagkus daigin mo ang masama sa pamamagitan ng kabutihan.”(Roma 12) “Layuan na natin ang lahat ng gawaing masama at italaga ang sarili sa paggawa ng Mabuti.” (Roma13:12) Ito ay mga ginintuang butil ng pagpapabuti at pagpapanatili ng dignidad at karangalan ng tao na siyang nagpapatatag ng moral ng isang tao. Dignidad: Batayan ng Pagkabukod-tangi ng Tao Bilang nilikha ng Diyos, ang tao ay may likas na dignidad. Nagpapatotoo na ang tao ay naiiba at natatanging nilikha ng Diyos. Ang dignidad ay hindi nalalabag (inviolable), nakukuha, maaagaw o maipagkakait (inalienable). Ang dignidad ay hindi ang pagkakaroon ng maayos na hanapbuhay ng hindi makakasakit ng iba, na kahit na maliit ay nakapagpapabuhay mula sa mga perang nakukuha mula sa mabuting paraan. Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang sumusunod: 1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. Halimbawa, sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling pagkatao. Sa kabilang dako, kailangan mong tandaan na ang iyong kapwa ay hindi dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan. 2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Karaniwang naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay makasampu mo muna itong isipin. Ano ang magiging epekto sa iba ang iyong gagawin? Nararapat ko ba itong gawin o hindi na? 3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo. Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay na anumang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang paggalang sa karapatan ng iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan, katotohanan ay ilan lamang sa mga pagpapahalaga tungo sa mabutingpakikipag-ugnayan. Ang Pagkilala at Pagpapahalaga sa Dignidad ng Isang Tao 1. Pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari. Lalong hindi dahil siya ay nagtataglay ng mga katangiang mapakikinabangan. Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kanyang dangal dahil sa pagtanda. At lalo’t higit hindi sila katulad ng isang bagay na basta na lamang itatapon at isasantabi kung luma na at wala nang pakinabang. Wala man siyang tinapos na kurso, siya man ay bata o matanda o may espesyal na kondisyon, ay nararapat na igalang. 2. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy mong isinasaalang-alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa. Ang tao ang pinakabubukod tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Ang Proseso ng Pagpapanibagong Anyo Para sa Pagtataas ng Dignidad ng Tao Ang pagiging tagapag-alaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenteng bahagi ng ating pakikipagkapwa-tao. Ito rin ay isang panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan. Ito ay may tatlong hakbangin: 1.Pagtanggap sa Sariling Limitasyon. Ito ang pinakabatayan ng anumang proseso ng pagbabagong anyo at pagpapatibay ng katagang moral. Kapag natanggap mo ang mga pansariling katiwalian at limitasyon, ikaw ay nakapagsisimulang makapagbalangkas ng mga plano para sa pagpapatibay ng iyong katatagang moral. 2. Pagtawag sa Isang Moral na Tagapayo. Tandaan natin na ang Diyos ang ating pastol at siya ang Tagapagpagaling sa mga pansarili nating katiwalian at kasalanan. 3. Pagsasabuhay at Pagkakaroon ng Panghabambuhay na Paninindigan sa Kabutihan. Ito ay pinakamahalagang hakbangin na dapat isagawa. Ang kailangan lamang natin ay tibay ng loob at tatag ng kalooban sa kabutihan. Kapag matatatag ang ating paninindigan sa kabutihan at pananampalataya sa Diyos, magkakaroon tayo ng matibay na sandata laban sa anumang masasamang epekto ng mga pambansang pangyayari. Sikaping mabuhay nang may dangal at iwaksi sa kalooban ang kasamaan sa pamamagitan ng ilang mga gabay sa pamumuhay tulad ng mga sumusunod: Sikaping isabuhay ang kabutihan. Huwag gantihan ang masama sa masama. Iwasang maging sanhi o instrumento ng pagkakasala ng iyong kapwa. Pangasiwaang mabuti ang iyong mga limitasyon lalung-lalo na ang pagkakaroon ng pagmamahal sa mga material na bagay tulad ng salapi. bisyo, layaw at luho ng katawan. Igalang ang karangalan at dignidad ng tao sa pamamagitan ng mga simple ngunit makabuluhang pamamaraan. Prepared by: Oliver T. Magtalas, MAEd EsP Teacher III