EsP3Q2F PDF Learner's Material Ikalawang Markahan 2020
Document Details
Uploaded by EventfulColosseum9532
2020
DepEd
Tags
Summary
This is a learner's material for Education in Values (EsP) for grade 3 in the Philippines, covering the second quarter of 2020. It includes learning materials, assessments and activities related to values education topics for Filipino students.
Full Transcript
IKALAWANG MARKAHAN EsP G3 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahala...
IKALAWANG MARKAHAN EsP G3 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto. Mga Tagasuri PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 PIVOT 4A Learner’s Material Ikalawang Markahan Unang Edisyon, 2020 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A SLMs Instructional Design & Development Lead Gerwin D. Viloria & Phiilps T. Monterola Content Creators & Writers Jaypee E. Lopo & Phiilps T. Monterola Internal Reviewer & Editor Fe M. Ong-ongowan, Alvin G. Alejandro & Hiyasmin D. Capelo Layout Artist & Illustrators Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer Ephraim L. Gibas IT & Logistics Earvin Pelagio, KWF External Reviewer & Language Editor Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Wilfredo E. Cabral Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material Para sa Tagapagpadaloy Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay si- nigurong naaayon sa mga ibinigay na layunin. Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa mga sumusunod na aralin. Salamat sa iyo! Para sa Mag-aaral Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto. 2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain. 3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 5. Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sa pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performans pagkatapos ng bawat gawain. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o taga pag-alaga, o sinomang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya mo ito! PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul K to 12 Learning Nilalaman Delivery Process Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na (Introduction) Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng Panimula aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan para sa aralin. Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad, Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa Pagpapaunlad (Development) mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay Tuklasin ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya Pagyamanin alam at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan. Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at Isagawa oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Pakikipagpalihan Skills at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag- (Engagement) ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha ng isang produkto o gawain upang ganap niyang Iangkop maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon, Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga (Assimilation) piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng Paglalapat kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag-uugnay o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama- samahin ang mga bago at dati ng natutuhan. Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI. PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 WEEKS Pagmamalasakit sa Kapwa 1-4 Aralín I Ang mundo ay hitik sa iba’t ibang pagsubok, hámon at pagkabigo. Bawat tao ay may kani-kaniyang kakayahan kung paano harapin ang mga ito. Ngunit, lahat kaya ay may kakayahang mapagtagumpayan ang mga ito ng mag-isa? Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Ano kaya ang inaasahan mula sa iyo sa araling ito? Sa araling ito, inaasahan na maipadarama mo ang malasakit sa kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain tulad ng pagtulong at pag-aalaga, pagdalaw, pag-aliw, at pagdadala ng pagkain o anomang bagay na kailangan. Gayundin, inaasahan na maipapakita mo ang malasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng túlong sa kanilang pangangailangan, pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang pampaaralan at pampamayanan. PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 6 Ano ba ang kahulugan ng salitang malasakit? Ito ba ay katumbas ng salitáng pagtulong, pakikiramay at pag-aalala? Marahil ay oo, ngunit higit pa rito ang katumbas ng salitáng malasakit. Ito ay ginagawa sa iyong kapwa sa mga panahong higit nilang kailangan ang túlong, pag-aalaga o pagkalinga. Ginagawa ito ng taos puso. Sa mga pagkakataong ito, dapat mo ring isasaalang-alang na katambal ng pagmamalasakit sa kapwa ang sumusunod: Kapakanan ng kapwa Kabutihan ng kapwa malasakit para sa... Kaayusan ng kapwa Kaligtasan ng kapwa D Upang higit pang masukat ang iyong kaalaman sa pagmamalasakit sa kapwa, sagutin mo ang mga sumusunod na gawaing pampagkatuto. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba at isulat ang TAMA kung ito ay nagsasaad ng pagmamalasakit sa kapwa at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. ____1. Nagpapatugtog ako nang malakas na malakas kapag may sakit ang aking kapatid upang siya’y sumaya. ____2. Ibinibili ko ng malalaking sitsirya ang aking pinsan na may sakit upang mabusog siya. ____3. Sa tuwing maysakit ang nakababata kong kapatid ay pinupunasan ko ng maligamgam na tubig ang kaniyang noo gamit ang bimpo. 7 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 ____ 4. Tinutulungan ko ang kapamilya ko o maging kaibigan na iabot ang mga pangangailangan nila kapag sila’y maysakit o karamdaman. _____5. Dinadalhan ko ng prutas at mainit na sabaw ang kaibigan kong may sakit. Ang Magkaibigan GDViloria Magkaklase at matalik na magkaibigan sina Elmer at Erwin. Magkalapit lámang ang kanilang mga bahay kayâ sabay siláng nag-aaral at gumagawa ng kanilang mga aralín at proyekto sa kanilang asignatura. Hindi nila pinababayaan ang kanilang pag-aaral. Sa makatuwid ay pareho siláng laging napaparangalan. Sa kabila ng kanilang kasipagan sa pag-aaral ay hindi rin naman nila nakakalimutan ang paglalaro bílang libangan. Pareho siláng mahilig sa sipa, patintero, tumbang preso at luksong tinik. Isang araw, nagkayayaan ang dalawang magkaibigan na tumulong sa pagtanggal ng damo sa bakuran nila Elmer sapagkat balak nilang magtanim ng mga halamang gamot. Hindi namamalayan ng dalawa na pabuhos ang malakas na ulan kung kaya’t inabutan sila nito. Agad nilang pinatuyo ang kanilang mga sarili at nagpalit ng damit. PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 8 Pagkaraan ay nagpaalam na rin si Erwin pagkatapos makakain ng mainit na sopas. Kinaumagahan sa paaralan, hinanap ni Elmer ang kaniyang kaibigan sapagkat bakante ang kaniyang upuan. Tinanong niya ang kanyang guro, “Ma’am, napansin po ba ninyo si Erwin?” “Siya ay sinundo ng kaniyang ina kani-kanina sapagkat siya ay nilalagnat”, sagot ng kaniyang guro. Naisip tuloy ni Elmer na marahil ito ay dahil sa sila ay naulanan. Siya ay nag-aalala sa kanyang kaibigan kaya dinalaw niya ito sa bahay. “Erwin, kumusta ka na? Narito ang mainit na lugaw, at mansanas”, ang wika niya. “Salamat nang marami, kaibigan”, tugon ni Erwin. Maya–maya ay kinuha ni Elmer ang plangganita at kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo at saka pinunasan ang kaibigan. Nakita ito ng ina ni Erwin kung kaya’t lubhang natuwa at humanga sa pagmamalasakit nito sa kaniyang anak. Naging mabilis ang paggaling ni Erwin kung kaya’t muli siyang nakapasok sa paaralan. Nagpatuloy ang mabuting pag-aaral ng dalawang magkaibigan. Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang pamagat ng kuwento? 2. Sino ang dalawang magkaibigan? 3. Ano ang nangyari kay Erwin? Bakit? 4. Ano ang ginawa ni Elmer bilang kaibigan ni Erwin? 5. Anong katangian ang ipinamalas ni Elmer sa kaibigan? Mabuti ba itong gayahin? Bakit? 9 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Maraming paraan kung paano mo maipamamalas ang pagmamalasakit mo sa iyong kapwa. 1. Isa na rito ang pag-aalaga sa kapwa na may sakit o karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain tulad ng pagtulong at pag-aalaga, pagdalaw, pag-aliw, at pagdadala ng pagkain o anomang bagay na kailangan nila. 2. Pangalawa, maaari mo rin ipakita ang iyong pagmamalasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng túlong sa kanilang pangangailangan, pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang pampaaralan at pampamayanan. Halina’t palalimin pa natin nang lubos ang iyong kaalaman hinggil sa pagiging mapagmalasakit sa kapwa upang magamit mo ito sa pagpapayaman ng iyong kagandahang-asal. Ilan sa mga paraan ng pag-aalaga sa maysakit ayon sa mga dalubhasa: a. Siguraduhing komportable ang táong may sakit; b. Iwasan ang magkaroon ng sobrang ingay sa paligid; c. Bigyan siya ng sapat na tubig, juice, tsaa o mainit na sabaw ; d. Mahalaga na malinis ang kaniyang katawan; e. Pakainin ng masustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay; f. Painumin ng gamot na inireseta ng mapagkakatiwalaang doktor; g. Patulugin ng tama at sapat upang manumbalik ang lakas; h. Muling magpakonsulta sa doctor kung kinakailangan. Ilan sa mga paraan upang makatulong sa may kapansanan: a. Pagbibigay prayoridad sa pila o linya; b. Pag-lalaan ng upuan sa mga sasakyan; c. Pag-alalay sa pagtawid sa daanan lalo na kung ito ay bulag o pilay; PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 10 d. Pag-alalay sa pag-akyat o pagbaba (hal. hagdan, sasakyan); e. Pagbibigay ng oportunidad na makapagtrabaho o makatulong sa ibang gawain kung nais o káya naman nila; f. Pag-anyaya o paghikayat na makilahok sa mga programang pampaaralan o pampamayanan na pinahahalagahan ang kanilang kapansanan tulad ng pagpipinta at maging sa larangan ng palaro. Ngayon ay batid kong marami ka nang natutuhan sa araling ito na higit pang magpayayaman sa iyong pagiging makatao at pagkakaroon ng malasakit sa kapwa. Pagkakataon mo naman ngayon na maipakita kung paano mo maisasagawa ang pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga nakahandang gawain sa ibaba. Handa ka na ba? E Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Masdan mo ang bawat larawan. Sa tulong ng gumagabay sa iyo sa bahay, sumulat ng maikling paliwanag kung paano ipinakita ng mga ito ang pagmamalasakit sa kapwa. Gawin ito sa iyong sagutang papel. ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ 11 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 ___________________________________________ ___________________________________________ Larawan ng isang babae na inaabutan ng pagkain ang bulag na matandang pulubi na ___________________________________________ gutom na gutom ___________________________________________ ___________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ Larawan ng isang batang lalaki na tinutulun- ________________________________________________ gan ang nadapang bulag ________________________________________________ ________________________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 12 Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Basahin ang kuwento. Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Ang mga Kalahok sa Patimpalak GDViloria Isang araw habang naglalakad papasok ng paaralan si Jun ay nabása niya ang isang anunsiyo na nakapaskil sa tarangkahan ng kanilang paaralan na nag-aanyaya sa mga may kapansanan na magkakaroon ng patimpalak sa pagguhit at pagkanta sa darating na Biyernes. Sa tuwa’y dali–daling nagtungo si Jun sa kaibigan niyang si Ber- nard na may polio upang ibalita ito. Batid niya kasi na mahusay sa pagpipinta ang kaibigan. Kinuha niya at inihanda ang gamit sa pagpipinta ng kaibigan. Nagsanay nang mahusay si Bernard sa túlong ng kaibigan niyang si Jun. Matiyaga namang inalalayan ni Jun ang kaibigan si Bernard hanggang sa araw ng patimpalak. Dahil sa pagtitiyaga ng dalawa, nakamit ni Bernard ang unang puwesto. Tuwang-tuwa ang dalawang magkaibigan. Mga tanong: 1. Ano ang nabasa ni Jun sa tarangkahan ng paaralan? 2. Bakit pinuntahan ni Jun si Bernard? 3. Paano ipinakita ni Jun ang pagmamalasakit sa kaibigang may kapansanan? 4. Ano ang nakamit ng magkakaibigan? 5. Kung ikaw si Jun, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit? 13 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Sa tulong ng iyong magulang o tagapangalaga, gumawa ng isang maikling pagsasalaysay patungkol sa iyong mga karanasan na kung saan naipadarama mo ang malasakit sa kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain tulad ng pagtulong at pag-aalaga, pagdalaw, pag-aliw, at pagdadala ng pagkain o anomang bagay na kailangan. Gawing gabay sa paggawa ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Pamantayan ng Kasanayan Mahusay Maayos Kailangan Ang gawa ay: ng Pag-unlad 1. nagpapakita ng malasakit sa kap- wa na may karamdaman sa pama- magitan ng mga simpleng gawain. 2. nagkapagbibigay ng maganda at malinaw na mensahe. 3. nagpapakita ng pagkamalikhain. Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Basahin ang mga sumusunod na diyalogo sa ibaba. Sagutin ang sitwasyon bílang si “Batang si Valentino.” Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Belen: “Valentino, tingnan mo ang bátang pilay, mukhang aakyat ng hagdan patungo sa kabílang kalye. Ano ang gagawin natin?” Valentino: ____________________________________________________ 2. Anna: “Valentino, may sakit ang kaibigan nating si Mario, ano kaya ang mainam nating gawin?” Valentino: ____________________________________________________ PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 14 3. Tina: “Valentino, gusto kong dalawin ang pinsan nating si Jose. Balita ko ay kauuwi lámang niya gáling sa hospital dahil sa pananakit ng tiyan. Ano ba ang maaari nating dalhin?” Valentino: _____________________________________________________ 4. Grace: “Valentino, masdan mo ang Aleng naka-wheel-chair mukhang hindi maka-akyat sa rampa o daang pasalunga. Ano ang gagawin natin?” Valentino: _____________________________________________________ 5. Beth: “Valentino, nabalitaan mo ba, ang kaklase nating ulila na sa magulang na si Toni ay hindi nakapasok sapagkat nag-aalaga ng kapatid na may sakit, ano kaya ang maaari nating maitulong?” Valentino: _________________________________________________ Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Basahin ang bawat sitwasyon. Kopyahin at sagutan ang gawain sa iyong sagutang papel. Lagyan mo ng tsek (✓) kung gaano mo kadalas naisagawa ang mga gawaing nabanggit. Gawain Madalas Minsan Hindi Hindi ako nag-iingay lalo na kung may sakit ang isa sa aking mga kasama sa bahay. Sa tuwing nakakakita ako ng may kapansanan ay nagbibigay-daan ako upang sila ang mauna sa pilahan. Kapag nakakakita ako ng may kapansanan ay hindi ko siya kinukutya. Nakikilahok ako sa mga gawain na nagpapabatid sa mga may kapansanan na may kinalaman sa mga programang pampaaralan o pampamayanan na maaari nilang salihan tulad ng pagpipinta o pag- awit. Hinihikayat ko ang mga kaibigan kong may kapansanan na huwag mahiyang sumali sa iba’t ibang programa. 15 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Gawain sa Pagkatuto Bílang 7: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng pagmamalasakit sa kapuwa at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong ságútang papel. 1. Nakita mong may nakapila sa likod mo na aleng may saklay. Siya ay iyong pauunahin sa pila. 2. Nakita mong mali ang direksiyong tinatahak ng mamang bulag. Siya’y iyong pagtatawanan. 3. Nabasa mo sa anunsiyo sa inyong barangay na may patimpalak sa pag–awit at tanging may mga kapansanan lámang ang maaaring sumali. Agad mo itong ibinalita sa iyong mga kaibigan. 4. Pinalalakas mo ang loob ng kaibigan mong bulag sa kaniyang pagsali sa pagpipinta sapagkat batid mong siya’y mahusay rito. 5. Tinulungan mong bumangon ang bátang nakasaklay na nadapa. Gawain sa Pagkatuto Bílang 8: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong ságútang papel. 1. Papunta ka ng palengke. Nakita mong mahaba ang pila sa sakayan ng traysikel. Nagmamadali ang lahat sapagkat pabuhos na ang malakas na ulan. Nakita mo ang isang aleng bulag na inaaninag ang kaniyang pila. Ano ang gagawin mo? A. Aakayin ang aleng bulag at ihahatid sa unahan. B. Pagmamasdan lámang ang aleng bulag. C. Tumalikod na kunwari ay hindi siya nakita. PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 16 2. Habang lulan ka ng dyip patungong paaralan, may biglang pumara upang sumakay. Akay–akay ng ate ang kaniyang kapatid na pilay. Napansin mong hirap siyang sumakay. Ano ang gagawin mo? A. Maingat na tulungan ang kapatid sa pagsakay. B. Simangutan sapagkat sanhi sila ng pagtagal. C. Magtulog–tulugan. 3. May sakit ang nakababata mong kapatid. Nagkataon na wala ang iyong ina at nása trabaho. Ano ang gagawin mo? A. Siguraduhing komportable siya, painumin ng tamang gamot, punasan at bigyan siya ng makakain o mainit na sabaw. B. Umalis ng bahay at makipaglaro na lámang sa mga kaibigan. C. Sabihan na matulog na lámang siya. 4. Naglalambing ang kapatid mong maysakit. Gusto niya ng prutas. Ano ang gagawin mo? A. Ibili ng prutas upang makakain ito. B. Bumili na lámang ng sitsirya bílang pamalit sa hinihiling na prutas. C. Iutos na lámang sa iba sapagkat tinatamad ka. 5. Umiiyak ang kapatid mong maysakit sapagkat natatakot siyang mag-isa. Ano ang gagawin mo? A. Samahan at aliwin ang kapatid. B. Sigawan siya na huwag matakot. C. Buksan ang TV at sabihan na manood na lámang siya na mag-isa. 17 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Gawain sa Pagkatuto Bílang 9: Kopyahin ang gawain at sagutan sa iyong sagutang papel. Hingin ang túlong ng iyong mga magulang o nakakatandang kasapi ng inyong pamilya sa pagsasagawa ng gawaing ito. Punan ang Word Bubble. Isulat ang ilan sa mga paraan kung paano pagmalasakitan ang mga taong may kapansanan at karamdaman. Ilan sa mga paraan kung paano pagmalasakitan ang mga táong may kapansanan PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 18 Ilan sa mga paraan ng pag-aalaga sa may sakit o karamdaman A Sa iyong kuwaderno, buoin ang mahalagang kaisipang ito. Maipadarama mo ang malasakit sa kapwa na may __________________ sa pamamagitan ng mga simpleng gawain tulad ng pagtulong at ____________, pagdalaw, pag-aliw, at pagdadala ng pagkain o anomang bagay na kailangan nila. Bukod rito ay maipapakita mo ang ________________ sa mga may ________________ sa pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng túlong sa kanilang pangangailangan, pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang pampaaralan at pampamayanan. Tandaan mo na tayo ay nagmamalasakit para sa kanilang ________________, kabutihan, kaayusan at kaligtasan. karamdaman pagtulong pagmamalasakit pag-aalaga kapansanan 19 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 WEEKS 5-6 Pagsasaalang-alang sa Kalagayan ng Kapwa Aralín I Natutuhan mo sa nakaraang aralín ang pagmamalasakit sa kapwa na may sakit o karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain tulad ng pagtulong at pag-aalaga, pagdalaw, pag-aliw, at pagdadala ng pagkain. Bukod rito ay napag-aralan mo rin ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng túlong sa kanilang pangangailangan, pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang pampaaralan at pampamayanan. Ngayon naman, pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng araling ito, inaasahan na maisasaalang-alang mo ang katayuan, kalagayan at pangkat etnikong kinabibílangan ng kapwa batà sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, gamit at iba pa. Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Ilan lamang sila sa mga pangkat etniko sa ating bansa. Matutukoy mo ba ang pangkat etniko na kanilang kinabibilangan? PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 20 Isa ang bansang Pilipinas sa may napakaraming bílang ng pangkat etniko. Marahil ay dahil na rin sa ang Pilipinas ay isang arkipelago o pulo-pulong bansa. Bagamat hiwa–hiwalay, nagkakaisa naman sa hangarin, adhikain at pagmamahal sa bayan ang mga Pilipino. Ano ba ang pangkat etniko? Ang pangkat etniko ay ang pangkat ng mga tao na ang mga kasapi ay nakikilala ang isa’t isa sa pamamagitan ng magkakamukhang kultura o di naman ay pamana maging totoo man o maaaring hindi totoo. D Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba at isulat ang TAMA kung ito ay nagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga pangkat etniko at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. ____1. Binigyan ni Maria ng mga luma ngunit maayos na damit ang mga bátang Badjao. ____2. Pinagtawanan ng magkakaibigan ang batang Aeta. ____3. Isinama ni Benjo ang kaibigang Igorot sa paligsahan sa pag-awit sapagkat batid nito na mahusay ang kaibigan niya. ____4. Pinalabisan ni Tony sa nanay niya ang baon niyang tanghalian sapagkat nais niyang bahaginan ang Agtang si Dano. ____5. Inipon ni Ben ang mga lumang kuwaderno na hindi nagamit. Inayos niya ito at tinahi upang muling mapakinabangan. Ibinigay niya ito sa kaniyang kaklaseng Badjao. 21 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Narito ang halimbawa ng iba’t ibang pangkat etniko sa bansa. Masdang mabuti ang kanilang mga larawan. Aeta Mangyan Igorot Ilongot May kaibigan ka ba o kakilala na nabibílang sa mga pangkat etniko ng Pilipinas? Paano mo sila pinakikisamahan? Mailalarawan mo ba ang kanilang katayuan at kalagayan? Kung mailalarawan mo, banggitin ito sa iyong mga magulang o alinman sa kasapi ng inyong pamilya. Ikaw, maaari mo bang ilarawan ang iyong kalagayan? May sapat ka bang pagkain, laruan, damit, o anomang gamit na iyong natatamasa? Naibibigay ba ito nang sapat ng iyong mga magulang? Balikan natin ang mga nabibílang na pangkat etniko, sa palagay mo ba ay sapat rin ang kanilang natatanggap? Marahil ang iba ay oo at ang iba naman ay hindi. Kung sakali man na may labis kang mga gamit, laruan, damit o pagkain, handa ka bang ibahagi ito sa iyong kapwa higit lalo sa kapwa mong nabibílang sa pangkat etniko? PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 22 Ang Kapatid kong Ayta GDViloria Madalas pansinin ang aking kaibigang si Ato dahil sa balat nitong maitim ang kulay, at buhok niyang kulot. Tampulan ng pangungutya ng ibang walang pang-unawa. Ngunit mas hindi batid ng nakararami na sa likod ng kaniyang panlabas na anyo ay ang kumikinang nitong kalooban. Napakabuti ng puso ng kaibigang kong si Ato. Ako naman si Martin. Mag-isa akong anak, ang aking ina ay isang doktor samantalang ang aking ama ay isa namang inhinyero. Ibinibigay nila ang lahat ng aking pangangailangan. Maalwan ang aming pamumuhay, malaki ang bahay, may swimming pool sa likuran, dalawa ang aming sasakyan at may dalawa rin kaming kasambahay. 23 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Isang araw habang namamasyal kami sa parke ng aking mga magulang ay masayang-masaya ako sapagkat noon lang ulit kami nagkasama-samang namasyal sapagkat lagi silang abalá sa trabaho. Nakipaghabulan ako sa aming alagang aso na si Toby. Sa aking paghabol ay biglang “blahhhggggg…” hindi ko na namalayan ang sumunod na pangyayari.” “Anak, ok ka lang ba?”, tanong ng aking ina.” “Okay naman po ako Mommy. Medyo makirot lang po ang gasgsas ko sa binti. Ano po ba ang nangyari, Mommy?”, ang aking tanong. Isinalaysay ng aking ina ang nangyari. Sa aking paghahabol ay hindi ko namalayan ang paparating na motorsiklo. Noong malapit na akong masalpok ay isang batang maitim at kulot ang buhok ang tumulak sa akin upang hindi ako masagasaan. Ngunit siya naman ang nasagasaan. Siya ay si Ato. Agad itinakbo ng ama’t ina ko si Ato sa pagamutan. Pagbalik ng aking lakas ay pinuntahan namin si Ato. “Kumusta ka na, Ato?”, tanong ni Mommy. “Mabuti naman po ako. Salamat po sa pagdala sa akin dito sa pagamutan”, tugon niya. “Kami ang dapat magpasalamat, Ato. Bihira ang bátang katulad mo na handang ibuwis ang buhay para sa iba. Kahanga-hanga ka. Salamat sa pagligtas mo sa buhay ng nag-iisa naming anak”, wika ng aking Daddy. Napag-alaman din namin doon na wala na pala siyang mga magulang at ulilang lubos. Kaya’t napagpasiyahan nina Mommy at Daddy na ampunin si Ato. Mula noon ay naging masaya na ako sapagkat may nakakasama at nakakalaro na ako araw–araw. Maging si Ato ay naging masaya rin sapagkat nagkaroon siya ng bagong pamilya. Sadyang napakabait talaga ng Diyos. PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 24 Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang pamagat ng kuwentong iyong binasa? 2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan mo ang pisikal na anyo nito. 3. Saan nagpunta ang mag-anak ni Martin? 4. Ano ang nangyari kay Martin? 5. Sino ang nagligtas kay Martin? 6. Anong mabuting kilos ang ginawa ni Ato? 7. Anong kagandahang loob naman ang ginawa ng pamilya ni Martin kay Ato? 8. Anong mabuting aral tungkol sa paggalang sa kapwa ang napulot mo sa kuwento? Ang pagpapahalaga sa kapwa ay mahalaga. Itinuturing natin na mahalagang bahagi ng kasaysayan at pagkakakilanlan ng Piliipinas ang mga pangkat etniko. Ang paggalang at pagpapahalaga sa kanilang katayuan, kalagayan at pangkat etnikong kinabibílangan ay nararapat na isaalang-alang. Maaari mong maipadama ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga sa kapwa mo bátang nabibílang sa pangkat etniko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, gamit at iba pa. 25 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 E Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Basahin ang sumusunod na diyalogo sa ibaba. Sa iyong sagutang papel, isulat ang iyong tugon. 1. Nakita mong pinagtatawanan at kinukutya ng mga bátang naglalaro ang isang bátang Ayta dahil sa maitim na kulay nito. Ano ang gagawin mo? _______________________________________________ 2. Hindi gaanong maintindihan ng kaklase mong Igorot ang panuto na ibinigay ng inyong guro kaya’t hindi niya masimulan ang kaniyang gawain. Ano ang gagawin mo? ___________________________ 3. Hirap sa buhay ang kaibigan mong Agta dahil wala na itong ama. Tanging ina na lámang niya ang nagtataguyod sa kaniya. Tuwing recess ay nilagang kamoteng kahoy lámang ang kaniyang baon. Ano ang gagawin mo? ______________________________________ 4. May bago kayong kapitbahay na Ilongot, napansin mo na luma at puro mantsa lagi ang kaniyang isinusuot. Ano ang gagawin mo? __________________________________________________________________ 5. Napansin mo na napakarami mo na palang laruan na hindi ginagamit samantalang ang mga bátang Badjao na malapit sa inyo ay lata lámang ang laruan. Ano ang gagawin mo? _________________________________________________________________ PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 26 Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Sa gabay ng iyong magulang, pumili ng isang sitwasyon sa ibaba at sumulat ng maikling diyalogo o kuwento sa iyong sagutang papel. Maaari mong gamitin ang sarili mong pangalan at ng mga táong kakilala mo bílang tauhan. A. Unang Sitwasyon: Namimili kayo ng nanay mo nang makasalubong mo ang isang Mëranaw na naglalako ng sampaguita. B. Ikalawang sitwasyon: Nang magkaroon ng trahedya sa Brgy. Kalbaryo ay naulilang lubos ang isang batang Igorot. Napakabait niyang batà sapagkat nagtatrabaho siya nang marangal upang mabuhay. C. Ikatlong Sitwasyon: Malápit na ang Christmas Party ninyo sa klase. Batid mong walang-wala sa buhay ang kaklase mong Agta. Mahalaga ang pagsasaalang-alang sa katayuan, kalagayan at pangkat etnikong kinabibílangan ng kapwa batà katulad ng pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, gamit at iba pa. Gawin mo ito ng maluwag sa iyong kalooban. Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Ilagay ang tsek(✓) sa diyalogo sa ibaba na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa bátang nabibílang sa pangkat etniko. Ekis(x) naman kung hindi. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sagot. ___1. “Nakita mo ba ang kulay ng balat ng Ayta. Yak!” ___2. “Ato, heto ang labis kong papel. Gamitin mo.” ___3. “Sumama ka sa akin sa plaza, isasali kita sa proyekto sa pagbása.” ___4. “Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, umalis ka nga rito!” ___5. “Ihanda mo Ludy ang iyong I.D. at ieenrol kita sa pagpipinta upang maihayag mo ang inyong kultura.” 27 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Lagyan ng masayang mukha (☺) ang diyalogong nagpapakita ng paggalang o pagpapahalaga sa kapwa bátang nabibílang sa pangkat etniko at malungkot na mukha () naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. “Umalis ka rito, ang itim mo!” 2. “Ang kapal ng kaniyang labi, haha!” 3. “Sa iyo na itong laruan ko, kaibigan.” 4. “Ambaho mo, umalis ka rito!” 5. “Ando, heto ang iba kong damit, sa iyo na lámang.” 6. ”Wala ka bang gamit na krayola, halika hiramin mo ito” 7. ”Hahaha, bakit ganyan ang buhok mo, kulot. Napakapangit!” A Sa iyong kuwaderno, buoin ang mahalagang kaisipang ito. Ang pagpapahalaga sa kapwa ay mahalaga. Itinuturing natin na mahalagang bahagi ng kasaysayan at pagkakakilanlan ng Piliipinas ang mga pangkat etniko. Ang ______________ at pagpapahalaga sa kanilang ____________, kalagayan at pangkat etnikong kinabibílangan ay nararapat na isaalang-alang. Maaari mong maipadama ang iyong _____________ at pagpapahalaga sa kapwa mo bátang nabibílang sa pangkat ___________ sa pamamagitan ng _______________ ng pagkain, laruan, damit, gamit at iba pa. paggalang etniko pagmamahal pagbabahagi katayuan katangian PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 28 WEEKS Pakikiisa sa Gawaing Pambata 7-8 Aralín I Natutuhan mo sa nakaraang aralín ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang sa katayuan, kalagayan at pangkat etnikong kinabibílangan ng kapwa bata katulad ng pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, gamit at iba pa. Sa pagkakataong ito, pagkatapos mong arálin ang nilalaman ng aralin na ito, inaasahan na maipapakita mo nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing pambata tulad ng paglalaro at maging sa mga programa sa paaralan tulad ng pagdiriwang, paligsahan at iba pa. Bílang isang batà, marami kang karapatan na dapat matamasa. Isa na rito ang magamit mo ang panahon ng iyong pagkabata sa paglalaro at pakikilahok sa mga gawaing pambata. Maraming pagkakataon na ikaw bílang isang bata ay dapat na sumali sa mga mga paligsahan sa paaralan. Ano-anong mga paligsahan ang iyong nasalihan sa inyong paaralan? 29 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Basahin at unawain ang maikling tula sa ibaba. Halina’t Makilahok GDViloria Tulad ko’y isang batà Mahilig maglaro at makiisa; Sa mga palaro, laging nangunguna Sapagkat may saya na nakikiisa. Sa mga programa, paligsahan sa eskwela Di pahuhuli, di mahihiya; Tiwala sa sarili at pagpapahalaga Sa iba’t ibang gawain, nakikilahok sa tuwina. Tuwing nanalo, ako’y nagpapakumbaba Kapag natatalo, iginagalang ang pasiya; Hindi nagmamataas o nagagalit sa kapwa Kundi inuunawa kakayahan ng isa’t isa. D Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang pamagat ng maikling tula? 2. Ano ang ginagawa ng tauhan sa tuwing may programa o paligsahan sa paaralan? 3. Ano ang ginagawa niya kapag nananalo o sa tuwing natatalo? 4. Ano ang kailangang mabuo sa sarili upang makalahok sa mga gawaing pambata? 5. Anong mabuting aral tungkol sa pakikiisa sa gawaing pambata ang napulot mo sa tula? PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 30 Ang pakikiisa sa mga gawaing pambata tulad ng paglalaro at pakikilahok sa mga programa sa paaralan gaya ng pagdiriwang, paligsahan at iba pa ay nakatutulong upang mapagyaman ang sarili sa kagandahang–asal at pakikipagkapwa. Ang pagtanggap nang maluwag sa pagkatalo, ang paglinang ng tiwala sa sarili, maging ang pagtanggal ng hiya sa pakikisalamuha at pagpapakita ng kakayahan ay malilinang sa patuloy na pakikilahok sa mga gawaing tulad nito. Maraming mabuting naidudulot ang pakikiisa sa paglahok sa mga gawaing pambata tulad ng paglalaro at pagsali sa patimpalak. Bukod sa nakapagpapa- lakas ito ng iyong katatagang pisikal, pinatatatag rin nito ang iyong pagiging makatao at pagiging isports sa tunggalian. Oras na upang sukatin ang lalim ng iyong pag-unawa. Ipakita ang iyong kakayahan at kaalaman sa pamamagitan ng patuloy na pagsagot sa mga nakalaan pang gawain. Halina’t subukan ang iyong sarili. Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sa iyong sagutang papel, ilagay ang tsek (✓) sa pangungusap na nagpapakita ng dapat gagawin sa sitwasyonat ekis () naman kung hindi. 1. Nais mong sumali sa patimpalak sa pagsasayaw ngunit tila mayroon kang pag-aalinlangan. Ano ang dapat mong gawin? Mag-ensayo at lakasan ang loob. Huwag na lámang sumali. 2. Pawang magagaling ang lumahok sa tagisan ng galing sa pag-awit. Nang ianunsyo ang nanalo ay hindi ninyo ito nakamit. Ano ang gagawin mo? Magsisisigaw na hindi patas ang desisyon. Tanggapin nang maluwag sa kalooban ang pagkatalo. 31 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 3. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong tanggalin sa tuwing nagtatangka kang sumali sa palaro o paligsahan? Hiya Galíng 4. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong linangin sa iyong pakikiisa sa iba’t ibang gawain? Tiwala sa Sarili Pangamba 5. Alin sa mga sumusunod ang naidudulot ng pakikipaglaro sa kapwa batà? Napapaunlad ang pakikipagkapwa-tao. Nalalamangan mo ang kalaban mo. Nararapat rin na mahubog sa iyo ang wastong asal o pag-uugali sa paglalaro higit lalo kung ikaw ay natatalo. Ikaw, nasubukan mo na bang sumali sa mga palaro na nanalo kayo? Ano ang iyong pakiramdam. May pagkakataon din ba na kayo ay natatalo? Ano ang ginagawa ninyo kapag kayo ay natatalo? Sa paglahok sa mga gawaing pambata tulad ng paligsahan ay mahalaga upang mahubog sa iyo ang tiwala sa sarili. Nararapat na matuto kang tanggalin ang hiya sa sarili. Ano-ano ba ang kabutihang dulot ng pakikipaglaro at paglahok sa mga gawaing tulad nito? PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 32 May mga kabutihang dulot ang paglalaro o pakikilahok sa iláng mga gawaing pambata. Narito ang ilan: a. napagyayaman mo ang iyong kakayahan; b. nalilinang mo ang tiwala sa sarili; c. nawawala ang hiya sa sarili; d. natututo kang makipagkapwa-tao sa mga bátang katulad mo; e. nalalaman mo ang wastong pag-uugali sa tuwing nanalo o natatalo sa paligsahan. E Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung ito ay nagsasaad ng pagmamalasakit sa kapwa at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. ____1. Lagi kang umiiwas sa tuwing naghahanap ang iyong guro ng kakatawan sa mga patimpalak o paligsahan. Batid mong kaya mo naman ito. ____2. Sa tuwing sinasabihan ka ng iyong guro na sumali sa palaro ay lagi kang nagdadahilan ng hindi totoo upang makaiwas lámang. _____3. Sumali ka sa paligsahan sa pagtula. Nang ikaw ay nása bulwagan na, nakita mong napakaraming tao ang nanonood. Huminga ka ng malalim at nilakasan ang iyong loob. _____4. Nagwagi ang kaibigan mo sa patimpalak sa pagpipinta. Sumamâ ang iyong loob sa kaniya at hindi mo na siya binati. _____5. Nang ikaw ay nanalo sa tagisan ng talino. Ikaw ay nagyabang sa iyong mga kalaro. 33 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Basahin ang bawat sitwasyon. Sa iyong sagutang papel, kopyahin at sagutan ang gawain. Lagyan mo ng tsek (✓) kung gaano mo kadalas nagawa ang mga gawaing nabanggit. Gawain Madalas Minsan Hindi 1. Ako ay nakikipaglaro nang maayos. 2. Sumasali ako sa mga paligsahan sa aming paaralan. 3. Hindi ako nahihiyang makisalamuha sa tuwing may programa sa aming paaralan. 4. Sa tuwing ako’y nakikilahok sa palaro o paligsahan ay nagtitiwala ako sa sarili at sinasabing “ kaya ko ito”. 5. Iginagalang ko ang pasiya sa tuwing ako’y natatalo. Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Lagyan ng tsek(✓ ) ang bawat diyalogo sa ibaba na nagpapakita ng pakiisa sa mga palaro o paligsahan at iba pang gawaing pambata. Ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel. ___1. “Ben, ikaw na lang ang sumali sapagkat nahihiya ako kasi napakaraming manonood.” ___2. “Lina, mauna ka na sa paaralan, tinatamad akong dumalo sa programa.” ___3. “Benny, ayaw kong sumali dahil natalo tayo. Naiinis ako!” ___4. “Marites, halika at tayo’y dumalo sa programa sa paaralan tungkol sa pagbabasá. Nais kong matunghayan ito at matuto.” ___5. “Salamat po, Panginoon, sa aming pagkakapanalo. “ PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 34 Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Sa iyong sagutang papel, kopyahin at ituloy ang parirala upang mabuo ang pangungusap na nagpapakita ng nararapat na pag-uugali kapag nakikiisa sa mga gawaing pambata. 1. Natalo kami sa larong patintero. Kami ay ________________________. 2. Batid kong marunong akong kumanta at sumayaw. Nakita kong may anunsiyo para rito na gaganapin sa makalawa. Ako ay _______________________________________________________________. 3. Nais kong sumali sa patimpalak sa pagtula ngunit pakiramdam ko’y hindi ko kaya. Dapat ako ay ____________________________. 4. Nais kong sumali sa patintero pero parang hindi ko kaya. Ang dapat kong gawin ay _____________________________________. 5. Nakita kong masyadong mahiyain si Berna kaya’t siya ay aking _________________________________________________________________. Gawain sa Pagkatuto Bílang 7: Sa gabay ng iyong magulang o tagapangalaga sa bahay, gumawa ng isang maikling tula na nagpapakita nang kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing pambata tulad ng paglalaro at maging sa mga programa sa paaralan. Gawing gabay sa paggawa ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Pamantayan ng Kasanayan Mahusay Maayos Kailangan Ang gawa ay: ng Pag-unlad 1. nagpapakita nang kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing pambata. 2. nagkapagbibigay ng maganda at malinaw na mensahe. 3. nagpapakita ng pagkamalikhain. 35 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Gawain sa Pagkatuto Bílang 8: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sa iyong ságútang papel, isulat kung ano ang iyong gagawin sa mga susunod na sitwasyon. 1. Masamang-masama ang loob ng kaibigan mo sa pagkakatalo sa patintero. Ano ang gagawin mo? 2. Nakita mong ang mga kasabayan mo at katunggali sa balagtasan ay magagaling. Ano ang gagawin mo? 3. Nabalitaan mo na magkakaroon ng paligsahan sa pagpipinta kaya’t agad mo itong ibinalita sa kaibigan mong mahusay rito ngunit mahiyain at hindi palasali. Paano mo siya hihikayatin? A Sa iyong kuwaderno, buoin ang mahalagang kaisipang ito. Ang ___________ sa mga gawaing ___________ tulad ng paglalaro at pakikilahok sa mga programa sa paaralan gaya ng pagdiriwang, paligsahan at iba pa ay nakatutulong upang ____________ ang sarili sa __________________ at _____________________. pakikiisa pambata mapagyaman kagandahang-asal paglalaro pagkaunawa PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 36 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 37 Gawain sa Pagkatuto 5 Gawain sa Pagkatuto 3 1. X 1. MALI 2. X 2. MALI 3. X 3. TAMA 4. ✓ 4. MALI 5. ✓ 5. MALI Weeks 7-8 Gawain sa Pagkatuto 5 Gawain sa Pagkatuto 1 1. X 1. TAMA 2. ✓ 2. MALI 3. ✓ 3. TAMA 4. X 4. TAMA 5. ✓ 5. TAMA Weeks 5-6 Gawain sa Pagkatuto 8 Gawain sa Pagkatuto 7 Gawain sa Pagkatuto 1 1. A 1. MALI 1. TAMA 2. A 2. MALI 2. MALI 3. A 3. TAMA 3. TAMA 4. A 4. TAMA 4. TAMA 5. A 5. TAMA 5. TAMA Weeks 1-4 Susi sa Pagwawasto Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili. -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay. Gawain sa Pagkatuto Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong , ✓, ?. PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 38 Sanggunian Caraan, M.C.M, Catapang, R.B., Castillo, R.A., Soriano, P.R., Sajise, R.D., Ambat, V.V., Roson, V.R., Canlas, R.A.A. , Bongat, L.D., Pandiño. M.D., de Robles, I., & Habijan, E.M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Baitang (Kagamitan ng mag- aaral). Unang Edisyon. Pasig City: Department of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd IMCS). Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education. Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON. 39 PIVOT 4A CALABARZON EsP G3 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta Rizal Landline: 02-8682-5773 locals 420/421 Email Address: [email protected]