Panunuring Pampanitikan PDF
Document Details
Tags
Related
- A Concise History of the World: A New World of Connections (1500-1800)
- Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan PDF
- Pagsusuri sa Panitikan ng Pilipinas: Isang Panimula
- Mga Saligan sa Panunuring Panitikan - Filipino PDF
- Suriin Mo: Panunuri ng Mitolohiya PDF
- BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN TSAPTER 1 PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng iba't ibang pananaw sa pagsusuri ng panitikan, kabilang na ang moralistiko, sosyolohikal, sikolohikal, formalismo, imahismo, humanismo, marxismo, arketipo, feminismo, eksistensyalismo, klasisismo at romantisismo. Ang layunin nito ay ilahad ang iba't-ibang uri ng pananaw sa panitikan na sumasaklaw sa pagsusuri sa mga akda.
Full Transcript
Panunuring Pampanitikan Ang Panitikan ay sumasalin sa tunay na buhay. Pananaw sa Pagsusuring Pampanitikan 1. Moralistiko – Taglay ba ng akda ang pagpapahalaga sa disiplina, moralidad at kaayusang nararapat at inaasahan ng madla? 2. Sosyolohikal – Mahihinuha ang kalagayang p...
Panunuring Pampanitikan Ang Panitikan ay sumasalin sa tunay na buhay. Pananaw sa Pagsusuring Pampanitikan 1. Moralistiko – Taglay ba ng akda ang pagpapahalaga sa disiplina, moralidad at kaayusang nararapat at inaasahan ng madla? 2. Sosyolohikal – Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong isinulat ang akda. 3. Sikolohikal – Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. 4. Formalismo – Binibigyang pansin ng manunuri ang kaisipan ng mga bahagi at ang kabuuan ng akda nang malayo sa pinagmulang kaligiran, era o panahon. 5. Imahismo – Naglalayong magpahayag nang malinaw gamit ang mga larawang biswal. 6. Humanismo – ang pananaw na ito ay nagpapahalaga higit sa tao kaysa sa anumang bagay. 7. Marxismo – Ginagamit ang pananaw na ito sa pagbibigay halaga sa tunggalian sa pamamagitan ng dalawang malakas at magkasalungat na puwersa. 8. Arketipo – Ito ay gumagamit ng huwaran upang masuri ang elemento ng akda. Ito ay nangangahulugang modelo kung saan nagmula ang kapareho nito. 9. Feminismo – Nasusuri ang kalagayan ng kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan. 10. Eksistensyalismo – Sa pananaw na ito ang tao ay malayang magpasiya para sa kanyang sarili. 11. Klasisismo – Layunin nitong mailahad ang katotohanan, kabutihan at kagandahan. 12. Romantisismo – Sa akdang Romantisismo ay higit na lumutang ang damdamin kaysa sa kaisipan. 13. Realismo – Ipinapalasap nito ang katotohanan ng buhay maging ito man ay hindi magnda.