Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan PDF

Summary

This document provides a basic understanding of literary criticism. It covers various aspects of literature and includes discussions on different Filipino literary critics and their respective works. The material presents different types of literature, and important Filipino literary critics and their methodologies

Full Transcript

LITR 101 BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN Inihanda ni Ms. Rachel R. Ilagan Mga Nilalaman: Mga Pakinabang sa Panitikan at Kahalagahan Nito 0...

LITR 101 BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN Inihanda ni Ms. Rachel R. Ilagan Mga Nilalaman: Mga Pakinabang sa Panitikan at Kahalagahan Nito 01 (pahina 1-3) 04 Panunuring Pampanitikan (pahina 38-39) Mga Sangay ng Panunuring 02 Pampanitikan (pahina 4-36) 05 Katangian ng Mahusay na Kritiko sa Panitikan (pahina 39) Mga Halimbawa sa Bawat Sangay Mga Kritikong Pilipino at 03 ∙ Mga Bahagi ng ng Panunuring 06 Banyaga (pahina 40) Pampanitikan (pahina 37) Mga Inaasahan Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa panunuring pampanitikan bilang isang mahalagang gawain ng mga mag-aaral sa kolehiyo. 1. Malinang muli ang pag-unawa ukol sa panitikan at kahalagahan nito at mabigyang-linaw ang usapin sa panunuring pampanitikan; 2. Matalakay ang iba‘t-ibang sangay at dulog ng panunuring pampanitikan; 3. Maiugnay ang mga dulog pampanitikan sa pag-aanalisa ng iba‘t-ibang akda; 4. Maituring ang mga bahagi ng panunuring pampanitikan at mailapat sa pagaanalisa ng mga akda; 5. Mabigyang-halaga ang mga pakinabang sa panunuring pampanitikan; 6. Makita ang mga angking katangian ng mahusay na kritiko sa panitikan; at 7. Mapahalagahan ang mga kinilalang kritikong Pilipino at banyaga. 01 Panitikan at Kahalagahan Nito Panitikan pang|titik|an Ito ay nagmula sa salitang Latin na ''littera” na nangangahulugang “titik”. Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ang salitang Tagalog naman na ''panitikan” ay nanggaling sa salitang ugat na “titik”, na dinagdagan ng panlaping “pang- at unlaping -an”. Samakatuwid, ito ay pinaikling salita na PANG + TITIK + AN. Ano ang Panitikan? Nagpapahayag ito ng damdamin at karanasan ng isang bansa na nasusulat na makahulugan, maganda at masining na paglalahad. Masasalamin ito ayon sa ideya, damdamin at isipan ng tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, galit, pagka-awa, paghihiganti at iba pa. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,pagkasuklam, sindak at pangamba. Ang kasaysayan ng panitikan ay nahahalintulad sa kasaysayan ng isang bagay lahi o bansa. Mga manunulat at mga dalubhasang Pilipino na nagbigay ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas: Joey Arrogante Zeus Salazar Patrocinio V. Villafuerte Mga manunulat at mga dalubhasang Pilipino na nagbigay ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas: Noong 1983, para kay Arrogante, ― ang panitikan ay isang talaan ng buhay kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Mga manunulat at mga dalubhasang Pilipino na nagbigay ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas: Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang, ― isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan. Dalawang pangunahing Layunin ng Panitikan Una, maipakita ang realidad at katotohanan; at Pangalawa, makalikha ng isa pang daigdig na taliwas sa katotohanan. Mga uri ng panitikan: Kathang-isip (Ingles: fiction) Hindi kathang-isip (Ingles: non-fiction) Dalawang Pangunahing Anyo ng Panitikan: 1. Tuluyan o Prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. Hal: alamat, anekdota, nobela,, pabula, parabola, maikling kwento, dula , sanaysay, talambuhay, talumpati, balita, kwentong bayan. 2. Patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma- tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong. Hal: tulang pasalaysay, awit, korido at kantahin, epiko, balad, salawikain, bugtong at tanaga. Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Prosa 1. Nobela – isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ito ay naglalaman ng madaming tauhan at maaaring maganap ang mga pangyayari sa iba’t-ibang tagpuan. Halimbawa: Noli Me Tangere, El Filibusterismo 2. Maikling Kwento – Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan kompara sa nobela. Ito ay may iisa lamang na banghay. Ang pagbasa nito ay kayang tapusin sa isang upuan lamang. Halimbawa: Ang Sapatero at ang mga Duwende 3. Dula – Akdang itinatanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto naman ay nahahati sa ilang tagpo. 4. Alamat – Ang alamat ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay. Halimbawa: Mga Kwento sa Wansapanataym; Alamat ng Pinya, Alamat Butiki Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Prosa 5. Pabula – Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang tauhan. Ito ay nagbibigay ng magandang aral lalo na sa mga bata. Halimbawa: Si Pagong at si Matsing, Si Kuneho at Pagong 6. Anekdota – Ang anekdota ay isang maikling akda na naglalaman ng nakawiwiling pangyayari sa buhay ng tao. Ang layunin nito ay magbigay ng aral sa mga mambabasa batay sa karanasan ng tauhan sa kwento. Halimbawa: Walang Parusa 7. Sanaysay – Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa. 8. Talambuhay – Sulatin na tumatalakay sa buhay ng isang tao. Halimbawa: Talambuhay ni Jose Rizal Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Prosa 9. Balita – Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at kapaligiran. 10. Parabula – Isang maikling kwentong may-aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Halimbawa: Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa 11. Talumpati – Isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. 12. Kwentong bayan – Ito ay mga salaysay ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon. Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Anyong Patula 1. Tulang pasalaysay – Ito ay nagsasalaysay ng buhay sa paraang patula. Nagpapahayag ito ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay maaaring makatotohanan o kathang-isip lamang. Epiko – Ang epiko ay istorya tungkol sa kabayanihan. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at mga diyos. Halimbawa: Biag ni Lam-ang ng mga Iloco Balad – Sa lahat ng tulang pasalaysay, ito ang pinakasimple at pinakamaikli. Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit. Halimbawa: Awit ng Pusong Ina (Ballad of a Mother’s heart) Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Anyong Patula Awit at Korido – Ito ay tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhang mga reyna’t hari, prinsesa’t prinsipe. Ang Florante at Laura (12 pantig) ay isang halimbawa ng awit, at ang halimbawa ng korido ay Ang Ibong Adarna (wawaluhing pantig bawat taludtod) Bugtong – Ito ay mga pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan. Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Anyong Patula Sawikain – ang sawikain ay maaaring tumukoy sa: a) Idioma – isang uri ng sawikain na ang kahulugan ay hindi komposisyunal, mga pahayag ma di – tuwirang nagbibigay ng kahulugan. Halimbawa: Makapal ang bulsa- maraming pera b) Moto – mga parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Halimbawa: Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation c) Salawikain – mga kasabihan o kawikaan na binubuo ng mga parirala na karaniwan ay nasa anyong patula kung saan ito ay nagbibigay ng gintong aral. Halimbawa: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Anyong Patula 2. Tulang Liriko – Ito ay uri ng tula na ginawa upang awitin. Sa kabila nito, itinuturing na ding tulang liriko ang isang tula kapag ito ay nagpapahayag ng nararamdaman at nagpapakita ng emosyon ng isang makata. Ito ang uri ng tulang nagpapahayag ng pag-ibig, paghanga, panimdim at poot o kalungkutan. Awiting Bayan – ang mga ito ay mula pa sa mga ninuno natin at magpahanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin natin. Halimbawa: Leron, Leron Sinta, Bahay Kubo at ang Paruparong Bukid. Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Anyong Patula Soneto – Ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na taludtod (verse) Dito ay may mapupulot na aral ang mambabasa.. Halimbawa: Sonnet ni Jose Garcia Villa Elehiya – Ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang sumakabilang-buhay na. Halimbawa: Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos Dalit – Ito ay awit ng papuri sa Diyos at sa mga santo. Halimbawa: Dalit kay Maria Pastoral – Ito ang mga tulang tungkol sa buhay sa bukid. Halimbawa: Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez Oda – Ito ay isang tulang paghanga o papuri sa isang bagay. Walang tiyak na bilang ang pantig at taludtod. Halimbawa: Ode to the Nightingale Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Anyong Patula 3. Tulang dula o pantanghalan – Ito ay uri ng tula na ginawa upang itanghal. Komedya - ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Halimbawa: Si Agimat at Enteng Kabisote Melodrama - ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal. Halimbawa: Sarimanok Trahedya - nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas. Halimbawa: Kahapon, Ngayon at Bukas Parsa o Saynete (Farce) - nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga pangyayaring nakatatawa. Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Anyong Patula 4. Tulang Patnigan – ito ang mga uri ng tulang naglalaman ng pangangatwirang may mahusay na pagpapatnig-patnig. Karagatan – ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroong namatay. Kunwari ay may matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang tabong may tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot, ang matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang matatalinhaga o makahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ng singsing ay siya niyang pakakasalan. Akdang Pampanitikan sa ilalim ng Anyong Patula Duplo – Ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay. Balagtasan – Ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Kahalagahan ng Panitikan Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating lipunan. Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao. Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil tinutulungan nito ang mga mamamayan na bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema. Kahalagahan ng Panitikan Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maintindihan ito ng mga susunod na henerasyon. Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao 02 Mga Sangay ng Panunuring Pampanitikan Panunuring Pampanitikan Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na pag-aaral, pagtalakay, pagpapaliwanag at paghimay ng mga akdang pampanitikan - sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat‘ ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at mga katha. Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo. - Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat. Mga Sangay ng Panunuring Pampanitikan 1. Pagdulog 2. Pananalig Ang unang sangay ay ang Pagdulog na may apat na uri: 1. Pormalistiko o pang-anyo 2. Moralistiko 3. Sikolohikal 4. Sosyolohikal-panlipunan Unang Sangay: Pagdulog 1. Pormalistiko o pang-anyo - isinilang noong 1910 at yumabong noong dekada 50 at 60, ang teoryang ito ay may pananaw na ang akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan kung ibig talagang masukat ang kagandahan ng akda. Ang pagbibigay pansin sa anyo ng panitikan at ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy ang sumusunod: ✔ Nilalaman ✔ Kaanyuan o kayarian ✔ Paraan ng pagkakasulat ng akda Unang Sangay: Pagdulog 1. Pormalistiko o pang-anyo Sa pananaw na ito ay hindi lamang mahalaga ang pagbabalangkas kundi ang pagsusuri na ring ginamit. Sa pagtalakay ng akda, dapat ang mailantad lahat ng mahahalagang bagay mula sa simula patungo sa iba‘t-ibang elementong magkakaugnay hanggang sa katapusan. Dapat makita kung may ironi o paradoks o may kalabuan o may iba pang elemento sa akda. Kung makikita ang mga elementong ito, masasabing mahusay ang akda. Binibigyang atensiyon din ang salita o bokabularyo at ang kaibahan ng mga salitang pampanitikan sa pang araw-araw na salita. Sinasabing hindi mahalaga sa pag-unawa sa akda ang kontekstong panlipunan, pangkasaysayan o ang panahong isinulat ang akda, hindi binibigyang halaga sa pagsusuri ang kaligiran ng isang akda kundi ang paraan ng pagkakasulat nito. Unang Sangay: Pagdulog 1. Pormalistiko o pang-anyo Mga Halimbawang Akda: “Mga Pusong Sugatan” ni Guillermo Holandez “Manika” ni Cirio Panganiban “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo “Ako‘y si Bukid” ni Lope K. Santos “San ang Lakad mo Ngayon, Ma?” ni Liwayway Arceo Unang Sangay: Pagdulog 2. Moralistiko - Gamit ang pagdulog-moralistiko, itinuturing na ang mga akdang pampanitikan ay may layuning magbigay-aral sa mga mambabasa. Sinusuri ang pagpapahalagang ginamit. Masasabing ang pagdulog na ito ay ekstensyon ng pagdulog- humanismo dahil sa pagbibigay-halaga ng mga humanista sa pagpapanatili ng integridad at dignidad ng tao bilang nilalang na may isip. Unang Sangay: Pagdulog 2. Moralistiko Horace – Isa sa mga impluwensyal na kritiko na nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa pagdulog-moralistiko. Ayon sa kanya, may dalawang bagay na naibibigay ang tula (akda) – ang dulce o ang aliw at kaligayahang naipadarama ng akda; at utile o ang aral at kaalamang naibibigay ng akda. Masasabi, kung gayon, na pangunahing tungkuling dapat gampanan ng mga manunulat sa pagdulog-moralistiko ay ang magbigay-aliw, magsilbing guro at tagapangaral sa kanyang lipunan. Unang Sangay: Pagdulog 2. Moralistiko Sa panahon ng katutubo, maituturing na mga akdang moralistiko ang mga salawikain, kasabihan, pabula, ilang alamat at iba pang mga kwentong bayan. Sa panahon ng Kastila, naglitawan ang mga akdang tungkol sa buhay ng mga santo‘t santa. Kilala rin ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas sa taglay nitong matatayog na mga kaisipang moralistiko. Unang Sangay: Pagdulog 2. Moralistiko Mga Halimbawa ng Akda: “Lalaki sa Dilim” ni Benjamin C. Pascual “Liwanag at Dilim” ni Emilio Jacinto “Ibig kong Makita” ni Benigno R. Ramos “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas Unang Sangay: Pagdulog Liwanag at Dilim 2 “Ang Ningning at ang Liwanag” LALAKI SA DILIM (buod ng nobela) Pahina 6-8 Unang Sangay: Pagdulog 3. Sikolohikal - Ang sikolohikal na pagdulog ay nagpapakita ng isang ekspresibong pananaw. - Ang layunin na nais ipabatid ng panitikan na sinusuri ay ang ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik sa pagbuo ng naturang pag-uugali, paniniwala, pananaw, ang pagkatao sa isang tauhan sa kanyang akda. - Ipinalalagay sa pananaw na ito na ang akdang pampanitikan ay nagsisiwalat ng isip, damdamin, at personalidad ng may-akda. Kung gayon, inaanalisa sa pagdulog-sikolohikal ang ugnayan ng may-akda at ng kanyang akda. Upang maisakatuparan ito, tulad sa bayograpikal na pagdulog, kailangang may kaalaman ang mambabasa sa buhay ng may-akda. Unang Sangay: Pagdulog 3. Sikolohikal Mga Halimbawang Akda: “Amerikanisasyon ng isang Pilipino” ni Ponciano Pineda “Maling Edukasyon sa Kolehiyo” ni Jorge Bocobo “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Soc Rodrigo “Ang Ama” ni Mauro R. Avena “Taguan” ni Rolando Bernales “Aswang” ni Isabel Sabullen “Bahay na Pawid” “Labi sa Bulawan” ni Magdalena Jalandoni Unang Sangay: Pagdulog 4. Sosyolohikal-panlipunan - Sa pagdulog sosyolohikal, tinitingnan ang akda bilang produkto ng kamalayang panlipunan ng may-akda, kung gayon, ang kaalaman tungkol sa kaganapang panlipunan ang pinahahalagahan dito. Ang tao ay bahagi ng mga institusyong panlipunan na likha rin ng tao – pamilya, simbahan, edukasyon, batas, pulitika, kultura, at ekonomiya. - Ang mga institusyong ito ang humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal, kaya sa pagdulog na ito, sinusuri kung paanong ang isang indibidwal ay nahubog o hinubog ng mga institusyong ito. - Sa madaling sabi, ang ugnayan ng lipunan at tauhan ang pokus ng pagdulog na ito. Unang Sangay: Pagdulog 4. Sosyolohikal-panlipunan Mga Halimbawa ng Akda: “Aloha” ni Deogracias Rosario “Ang Igorota sa Baguio” ni Fausto Galauran “Walang Sugat” ni Severino Reyes “Anak ng Dagat” ni Patricio Mariano “Kasalan sa Nayon” ni Eleuterio Fojas “Impeng Negro” ni Rogelio Sikat 10 “Landas sa Bahaghari” ni Benjamin Pascual “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza Matute “Ang Kalupi” ni Benjamin P. Pascual “Parusa” ni Genoveva Edroza Matute “Sa mga kuko ng Liwanag” ni Edgardo M. Reyes Unang Sangay: Pagdulog Ang pagdulog na ito ay tumutuloy sa pagsusuri ng relasyon ng tao sa lipunan, sa pulitika, relihiyon, at paghahanapbuhay. Maaring magamit ang gabay na ito sa pagsusuri: 1. Ano ang relasyon sa isat-isa ng mga karakter at ng lipunan? 2. Nagpapahayag ba ang akda ng isyung panlipunan tulad ng lahi, kasarian, at uri? 3. Paano nahuhubog ng pwersang panlipunan ang relasyon sa isa‘t-isa ng mga grupo o mga uri ng tao sa akda? Sino ang may kapangyarihan, at sino ang hindi? Bakit? 4. Paano nasasalamin sa akda ang pinakananasang abutin ng isang Pilipino? 5. Ano ang sinasabi ng akda sa ekonomiya at sosyal na kapangyarihan? Sino ang mayroon nito at sino ang wala? Meron bang kumikiling sa paniniwala ni Karl Marx? 6. Nagsasaad ba ang akda ng isyu sa pang-abuso sa ekonomiya? Ano ang ginagampanan ng pera? 7. Paano natutukoy ng kalagayang panlipunan ang direksiyon ng buhay ng mga karakter? 8. Hinahamon ba o binibigyang kasiguraduhan ng akda ang kaayusang panlipunan na inilalarawan nito? 9. Mapapansin ba na ang ppakikibaka ng karakter ay simbolo ng mas malaking grupong pakikibaka? 10. Meron ba sa mga karakter na kumakatawan sa uri ng gobyerno tulad ng diktatorya, komunismo, at sosyalista? Unang Sangay: Pagdulog “Liwanag at Dilim” “Ang Pangingisda” “Ang Bisperas ng Pista” “Ilang Sulat” WALANG SUGAT (buod ng nobela) Pahina 11-13 Pangalawang Sangay: Pananalig Ang pangalawang sangay naman ng panunuring pampanitikan ay ang Pananalig. Ito ay ang mga sumusunod: KLASISISMO - layunin ng Panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak ukol sa pagkakaiba ng mga estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos ng may kaayusan. Pangalawang Sangay: Pananalig Dalawang pinakatanyag na dula: Trahedya at Komedya  Gintong Panahon (80 B.C.)  Epiko, Santiriko, Tulang liriko at Pastoral Panahon ng Pilak: (Panahon ng modernismo)  Paglaganap ng prosa at bagong komedya  Talambuhay, liham-gramatika, Pamumuna at Panunuring pampanitikan Katangian ng akdang klasiko:  Pagkamalinaw, Pagkamarangal, Pagkapayak, Pagkamatimpi, Pagkaobhetibo, Pagkasunod-sunod at pagkakaroon ng hangganan. Pangalawang Sangay: Pananalig ROMANTISISMO - layunin ng teoryang ito na ipamalas ang ibat-ibang paraan ng tao o sumasagisap sa tao sa pag aalay ng kantang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinapakita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bagay na napupusuan. Dalawang uri ng romantisismo:  Romantisismong Tradisyunal nagpapahalaga sa halagang pantao.  Romantisismong Rebolusyunaryo pagkamakasariling karakter sa isang tauhan. Pangalawang Sangay: Pananalig REALISMO Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan, diskriminasyon at gobyerno. Halimbawa ng mga akdang masusuri sa teoryang ito ay ang:  “Ambo” ni Wilfredo Virtusio  “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza- Matute  “Mga Ibong Mandaragit” ni Pambansang Alagad ng Sining Amado V. Hernandez  “Maganda Pa Ang Daigdig” ni Lazaro Francisco  “Dekada ’70” ni Lualhati Bautista. Pangalawang Sangay: Pananalig Layunin: (Realismo) Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad. Iba‘t ibang Pangkat ng pagsusuring Realismo sa Panitikan: Pinong (GENTLE) Realismo – May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay-bagay at iwinawaksi ang anumang pagmamalabis at kahindik- hindik. Sentimental na Realismo – Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang araw-araw na suliranin. Pangalawang Sangay: Pananalig Sikolohikal na Realismo – inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos. Kritikal na Realismo – inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspektong may kapangitan at panlulupig nito. Sosyalistang Realismo – ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunan na maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis Mahiwagang (Magic) Realismo – pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan Pangalawang Sangay: Pananalig IMPRESYUNALISMO Ang impresyonismo ay isang kilusang sining ng ika-19 na siglo. Nagmula sa isang pangkat ng mga artista na nakabase sa Paris na ang mga independiyenteng eksibisyon ay nagdala sa kanila sa katanyagan noong mga 1870s at 1880s. Bukas na komposisyon, diin sa tumpak na paglalarawan at kadalasang nagpapatunay sa mga epekto ng paglipas ng panahon. Ang konsepto ng ‘impressionism’ ay ginagamit din para sa musika at pagpinta. Ang pag-unlad ng impresyonismo sa mga visual na sining ay kaagad na sinundan ng mga katulad na estilo sa iba pang media na naging kilala bilang impresyonista musika at impresyonistang panitikan. Ang impresyonismo ay isang pangunahing punto sa modernong sining. Pangalawang Sangay: Pananalig LAYUNIN: (Impresyunalismo) Ikumpara ang opinyon ng may akda sa pamamagitan ng makabuluhang pagkilala sa mga pangyayaring nagpapakita ng interes sa mambabasa. Ang mga impormasyon sa kuwento ay nanghihikayat sa mga mambabasa na magkaroon ng obserbasyon batay sa paninindigang paniniwala. Pangalawang Sangay: Pananalig “Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia” (pahina 16-18) “ANG DEKADA '70” Isang Nobelang Pilipino na Isinatitik ni Lualhati Bautista (pahina 18-19) “WALANG PANGINOON” ni: Deogracias A. Rosario (pahina 20-21) Pangalawang Sangay: Pananalig FEMINISMO Isang teorya ng sining na naglalayong iwasto ang mga maling pananaw tungkol sa kahalagan, tungkulin at kahulugan ng babae sa lipunan Tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki. Layunin: Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. Magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Pangalawang Sangay: Pananalig Mga Halimbawa: (Feminismo)  Sa ngalan ng Ina, ng Anak ng Diwata‘t Paraluman ni Lilia Quindoza Santiago (tula)  Sandaang Damit ni Fanny Garcia (maikling kwento)  Sumpa ni Rowena Festin (tula)  Paano Tumutula ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson-Rubin (tula) Feminismong Pagdulog Ang pagdulog na ito ay nagsusuri ng imahe ng mga kababaihan at konsepto ng pagiging babae sa panitikan; gumagamit ng sikolohikal, archetypal, at sosyolohikal na pagdulog; nakapokus sa katauhan ng mga kababaihan na di-nabibigyang pansin. Ang mga feministang kritiko ay nagsisikap na itama ang alam nilang pananaw na pinangingibawan ng mga kalalakihan. Makakatulong ang gabay sa pagsusuri: (Feminismong Pagdulog) A. Paano nailarawan ang buhay ng mga kababaihan sa akda? B. Naimpluwensyahan ba ng kasarian ng manunulat ang anyo at nilalaman ng akda? C. Paano nag-uugnayan sa isa‘t-isa ang lalaki at babaeng karakter? Ang relasyon bang ito ay pinagmumulan ng salungatan? Nasolusyonan ba ang salungatang ito? Ipaliwanag. D. Hinahamon ba o sinasang-ayunan ng akda ang tradisyonal na paniniwala tungkol sa kababaihan? E. Paano nasasalamin sa akda ang sosyal na pwersa ng mga kalalakihan na pumipigil sa kakayanan ng mga kababaihan na makamit ang pagkapantay sa mga kalalakihan? F. Ano ang pang mag-asawang ekspektasyon ang inaasahan sa mga karakter? Ano ang epekto ng ekspektasyon na ito? G. Anong pag-uugali o pagkilos na ekspektasyon ang inaasahan sa mga karakter? Ano ang epekto ng ekspektasyon na ito? H. Kung lalaki ang karakter na babae, paano maiiba ang istorya? I. Paano nakakaapekto sa desisyon o kasiyahan ng karakter ang kalagayang pang mag-asawa? Pangalawang Sangay: Pananalig IMAHISMO Ginagamit ng imahismo ang wika at simbolismo upang epektibong maihatid ang wastong imahe na magbihigay daan sa wastong mensahe. Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya. Ito ay isang malayang pagsulat. Ito rin ay isang pananaw na kinakailangang gumamit ng konkreto, matipid, at maingat na paggamit ng mga salita upang makabuo ng konkretong imahen. At noong 20 siglo lumaganap ang kilusang imahismo bilang isang Kilusang panulaan sa Estados Unidos at Inglatera. Kung saan ito ay nagbibigay pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo. Pangalawang Sangay: Pananalig Kilalang Pangalan sa Kilusang Imahismo  Ezra Pound  Army Loswell  Hild Doodlittle  David Herbert Lawrence Layunin ng Imahismo Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghayag sa damdamin kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita – sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. Pangalawang Sangay: Pananalig Binibigyang diin ng imahismo ang: 1. Pagpili ng tiyak na salita 2. Kalagayan sa pagpili ng mga paksa at forma 3. Paggamit ng mga salitang karaniwang ginagamit sa araw araw. Halimbawa ng Imahismo: 1. “Panambitan” ni Myrna Prado 2. “Canal de la Reina” ni Liwayway Arcenio 3. “Ang Kuwintas” ni Guy de Maupassant 4. “Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan” ni Filomena Colendrino. Pangalawang Sangay: Pananalig Buod ng Imahismo Canal de la Reina ni Liwayway A. Arce (pahina 24-25) ANG KWINTAS – Buod Ng Isinulat Ni Guy De Maupassant (pahina 25-26) BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN (pahina 27-30) Panambitan ni Myrna Prado (pahina 31) Pangalawang Sangay: Pananalig HISTORIKAL Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon, may malaking papel na ginagampanan ang institusyon sa pagbubukas ng daan sa uri ng panitikang dapat sulatin ng may akda. Panuntunan sa paggamit ng Teoryang Historikal  "Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na maipaliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa panahong kinasangkutan ng pag-aaral”. Pangalawang Sangay: Pananalig Mga Halimbawa: (Historikal) "Si Boy Nicolas" ni Pedro L. Ricarte "Utos ng Hari" ni Jun Cruz Reyes "Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat" ni Dr. Luis Gatmaitan “Florante at Laura: Kay Selya” ni Francisco Balagtas "Mga Gunita" ni Matute "Sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo Reyes Pangalawang Sangay: Pananalig ARKITAYPAL Ito ay tinatawag din na mitolohikal o ritwalismo. Ayon kay Scott (1922), sa pagbasang arketipo, kailangan ng masusing pagbabasa gaya ng pormalismo, samantala ayon naman kay Reyes (1992), ang mga banghay, tema at imahe sa mga akda ay interpretasyon ng mga magkakatulad na elemento ng mga matatandang mito o alamat. Ayon naman kay Griffith (1982), bagamat madaming uri ng arketipong dulog ngunit nahahati naman ito sa tatlo. Pangalawang Sangay: Pananalig Arketipong tauhan Mga bayani, ang martir, madrasta, rebelde, sawing mag sin irog. Arketipong pangyayari Paglalakbay, paghahanap, pagpapasimula, ang pagbagsak, kamatayan at pagkabuhay. Arketipong simbolo at kaugnayan Gumagamit ng tambalan Hal. Liwanag at dilim, liwanag na simbolo ay karunungan at dilim naman para sa kamang mangan Layunin ng panitikan na ipakita ang mahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi agad basta-bastang makikita ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong nakapaloob sa akda ay magkakaugnay sa isa't-isa. Ang simbolismo ay naayon sa tema at konseptong pinapakita ng akda sa mga mambabasa. "Utos ng Hari" ni Jun Cruz Reyes (pahina 32-33) Tagalog – Ang Guryon ni: Ildefonso Santos (pahina 34-35) Ang Krismas Tri ni Mary Grace del Rosario (pahina 35-36) Sa kabataan ni Onofre Pagsanghan (pahina 36-38) 03 MGA BAHAGI NG PANUNURING PAMPANITIKAN Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan: PAMAGAT – binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa na iyong ilalahad sa paghihimay PANIMULA – impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis PAGLALAHAD NG TESIS – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating. Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan: KATAWAN – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto at sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis. KONKLUSYON – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan. 04 PAKINABANG NG PANUNURING PANITIKAN Pakinabang ng Panunuring Panitikan: Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng akda at kung paano ito nagiging isang buong ideya. Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na binabanggit ng may-akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang pagkakakilanlan ng isang makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng mga pampanitikang kasangkapan (pananalita, matalinghagang paglalarawan, simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang iyon. Pakinabang ng Panunuring Panitikan: At upang maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring maunawaan ng nakararami. Kadalasan sa mga trabaho sa kapanahunan ngayon ay nangangailangan ng pagsusulat ng mga ulat, mga panukala para sa trabaho, at iba pa. Upang maayos ang trabaho, kailangan ng isang tao na may kakayahang ipahayag ang kanyang mga kaisipan nang malinaw at partikular na nakasulat. Maaaring hindi siya magsulat ng mga sanaysay sa literatura bilang pamumuhay, ngunit malamang na ang natutuhan niya mula sa tungkuling iyon ay magiging kapaki-pakinabang sa ibang pagkakataon sa buhay. 05 Mga Katangian ng Mahusay na Kritiko sa Panitikan Mga Katangian ng Mahusay na Kritiko sa Panitikan: Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit. Ang mga sumusunod ay mga katangiang dapat taglayin: 1. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining. 2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya. Mga Katangian ng Mahusay na Kritiko sa Panitikan: 3. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan. 4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, at iba pa. 5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas. 06 Mga Kritikong Pilipino at Banyaga Mga Kritikong Pilipino at Banyaga: 1. Alejandro G. Abadilla – isang makata, sanaysayista at kuwentista at tinaguriang “Ama ng Makabagong Tulang Tagalog”. 2. Teodoro Agoncillo – isang bantog na manunulat, makata, manunuri at mananalaysay. Siya ay tanyag sa kanyang aklat na “Ang Maikling Kwentong Tagalog” 3. Clodualdo Del Mundo – isang bantog na manunulat, kritikong pampanitikan at nobelista ng komiks. Naging co-founder at naging unang Presidente ng Panitikan noong 1935. Mga Kritikong Pilipino at Banyaga: 4. Virgilio S. Almario – kilala sa kanyang sagisag-panulat na Rio Alma. Isa siyang makata, kritiko, tagapagsalin, editor, guro at tagapamahalang pangkultura ng Pilipinas. 5. Lamberto E. Antonio – Isang Pilipinong manunulat at kabilang sa tatlong tungkong batong panulaang Filipino kasama sina Virgilio S. Almario at Rogelio G. Mangahas. 6. Lope K. Santos – isang tanyag na manunulat, abogado, kritiko, lider, obrero, mananalaysay, nobelista at “Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas”. Naging direktor ng Surian ng Wikang Pambansa. Isa sa kanyang nobela ay ang Banaag at Sikat. Mga Kritikong Pilipino at Banyaga: 7. Rogelio G. Mangahas – isang kritiko na kabilang sa tungkong batong panulaang Filipino. Siya ang namuhunan at namatnugot ng antolohiyang Manlilikha (1967) na unang nagpakilala sa tatlong modernistang makata sa Filipino. 8. Fernando B. Monleo – isang alureadong makatang nagsulat ng nobelang “Tres Muskiteras”. Kilala siya bilang “Prinsipe ng Balagtasan”. 9. Ponciano B. Pineda – isang manunulat, guro, linggwista, abogado, at “Ama ng Komisyon ng Wikang Filipino”. Mga Isyung Panlipunan Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong usapin, nakakaapekto ito hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa isang malaking bahagi mismo ng nasabing lipunan. Karaniwan sa mga isyu ng lipunan ay sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Mga Isyung Panlipunan 1. Isyung Ekonomiko – Ito ay nagbubunga ng mga pagkawala ng trabaho ng mga tao na depende sa lugar, kasarian, edukasyon, at kadalasan sa mga grupong etniko. 2. Problemang Pangkapitbahayan – Ang mga ganitong komunidad ay kadalasang may mataas na drop out rate sa hayskul, at ang mga bata na lumalaki sa mga ganitong komunidad ay kadalasang may mababa sa walang pagkakataon na mag-aral sa kolehiyo. 3. Diskriminasyon sa Edad – Nang minsan, may mga problema sa lipunan na ang sanhi ay ang pagtangi sa edad ng isang tao. 4. Problemang Pantrabaho – Kabilang dito ang stress, pagnanakaw, paggugulo sa kapwa tao, hindi pantay ang sahod, papoot ng ibang lahi, at iba pa. 5. Hindi Pagkapantay-pantay sa Lipunan – Ito naman ang bunga ng maraming problemang panlipunan na kung saan pinagbabasehan ang kasarian, kapansanan, lahi, at edad na nag aapekto sa pagtatrato ng isang tao. Suliranin ng Bansang Pilipinas (pahina 42) Akdang tumatalakay Nasaan na? (pahina 42-44) sa Isyung Panlipunan Alamat ng Daliri (pahina 44-45) Kasarian ba ang sukatan ng kakayahan? (pahina 45-46) TAKDANG GAWAIN: Pumili ng isang akda na nais suriin. Ito ay maaaring tula, dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay o iba pa. Maaaring gumamit ng mga gabay na binanggit sa loob ng teksto. Kailangang isaisip ang pagbibigay ng mahusay na komento, opinyon o reaksyon sa nabasa at paggamit ng talas ng pag-iisip. Suriin ang bawat detalyeng binasa at magbigay ng balanse at makatwirang pamumuna sa pmamagitan ng pagbanggit ng mga positibo at negatibong punto sa binasa. Ipaliwanag kung anong uri ng Pagdulog ang ginamit sa akda.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser