Suriin Mo: Panunuri ng Mitolohiya PDF

Document Details

AuthenticSarod

Uploaded by AuthenticSarod

Tags

Tagalog literature Mitolohiya analysis Literary analysis Philippine literature

Summary

Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng mga gabay sa pagsusuri ng mitolohiya, partikular na sa aspeto ng mga tauhan, tagpuan, banghay, at tema. Mahalaga raw ang pagsusuri upang makaunawa ng kultura ng isang bansa, at upang mahubog ang pag-uugali ng isang indibidwal.

Full Transcript

# Suriin Mo - Ang **pagsusuri** ay isang kasanayan na siyang nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang sining. - Naipakikita nito ang pagpapahalaga at pagbibigay puri sa akda at pamumuna sa kahinaan nito. # Panunuri ng Mitolohiya Sa pamamagitan ng panunuri, lumilitaw ang mga mensahe na hindi gaan...

# Suriin Mo - Ang **pagsusuri** ay isang kasanayan na siyang nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang sining. - Naipakikita nito ang pagpapahalaga at pagbibigay puri sa akda at pamumuna sa kahinaan nito. # Panunuri ng Mitolohiya Sa pamamagitan ng panunuri, lumilitaw ang mga mensahe na hindi gaanong lantad sa akda na siyang makatutulong sa mga mambabasa upang mas maunawaan ang akda, at mas mabigyang pagpapahalaga ang kultura ng lugar kung saan ito nagmula. Kinakailangang maging patas sa panunuri upang mas lumitaw ang bisa, kagandahan, at kahinaan ng isang akda na siyang magiging tulay sa mas malawak at komprehensibong pag-unawa sa nilalaman ng isang akdang pampanitikan. ## Mga Dapat Tandaan sa Panunuri ng Mitolohiya ### A. Tauhan - Ang mga tauhan sa mitolohiya ay kadalasang mga diyos at diyosa na kinikilala at sinasamba ng mga tao dahil sa taglay na kakaibang lakas at kapangyarihan. - Suriin ang pangunahing tauhan batay sa kaniyang pisikal na anyo, ugali, paraan ng pananalita, at kung paano siya nakisalamuha sa iba pang mga tauhan sa kuwento. - Bigyang pansin din ang tungkuling ginampanan ng tauhan sa kabuoan ng kuwento. - Bigyang-puna ang mga naging kalakasan at kahinaan ng tauhan na nakaapekto sa kaniyang suliranin sa kuwento. ### B. Tagpuan - Mahalagang maunawaan mo ang ginampanan ng tagpuan na nakaapekto sa kalagayan ng tauhan sa kuwento. - Ilarawan ang lugar batay sa pisikal na anyo nito, mga kilos at gawi ng mga tao o nilalang na naninirahan dito. (Mahalaga na may kaalaman ka sa kultura ng mga taong naninirahan sa bansang pinagmulan ng binasang akda dahil may kaugnayan ito sa tagpuan ng kuwentong binasa). - Bigyang-puna ang kasiningan ng paglalarawan ng may-akda sa tagpuan. ### C. Banghay - Alamin kung ano ang mga naging tuon ng mga pangyayari sa akda. - Tukuyin ang pangunahing suliranin na siyang dinanas ng tauhan sa mitolohiya. - Suriin ito na may pagpapaliwanag sa naging kahalagahan ng pagkakaayos ng mga pangyayari sa kuwento. Naging malinaw ba ito? Bigyang puna kung paano sinimulan at winakasan ang mitolohiya. - Mas mainam kung ipaliliwanag ang mga natatanging pangyayari sa kuwento batay sa bisa at kahalagahan nito at kung paano ito maaaring maihambing sa totoong buhay. ### D. Tema - Suriin kung ano ang tema ng binasang mitolohiya batay sa naging tuon nito. - Bigyang paliwanag ang mga aral ng kuwento, maging ang mga hindi kanais-nais na mga pag-uugali ng mga tauhan upang makatulong sa mas malalim na pagpapakahulugan sa mitolohiya. - Mainam na magbigay repleksyon sa bisa at kahalagahan ng mensahe at aral ng akda sa kung paano ito nakaapekto sa iyong sarili at lipunan. *Makikita sa ph. 11-12 ng Modyul ang halimbawa ng suring-basa.* ### V. Konklusyon Sa kabuuan, masasabi kong mahalaga ang mitolohiya upang hubugin ang ugali ng isang indibidwal. Bagama't sa kasalukuyan, hindi na tayo gaanong naniniwala sa mga diyos at diyosa, malaki ang naiaambag ng pagbabasa ng mga mito upang mahubog ang kagandahang-asal ng isang indibidwal. Kapana-panabik din ang tagpo at bukod pa rito, maaaring maiugnay ang ilang mahahalagang mga kaganapan mula sa mito sa totoong buhay. Kaya, mahalagang pag-aralan ang mitolohiya upang di lamang matuto sa kultura ng ilang bansa kundi mahuhubog ang wastong pag-uugali ng isang indibidwal.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser