Filipinolohiya-1.pdf

Full Transcript

PILOSOPIYANG FILIPINO AT KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino Ang mga taong ginugol ng mga dayuhan ay hindi lamang nagdulot ng epekto sa materyal na kalagayan ng mga Filipino at ng bansa bagkus maging sa kamalayan nito. Makik...

PILOSOPIYANG FILIPINO AT KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino Ang mga taong ginugol ng mga dayuhan ay hindi lamang nagdulot ng epekto sa materyal na kalagayan ng mga Filipino at ng bansa bagkus maging sa kamalayan nito. Makikita ito sa namamayaning pagpapahalaga ng mga Filipino sa aspetong Kultural, Ekonomikal at Pulitikal. Walang pambansang wika ang Pilipinas ng mga panahong ito, wala rin ang mismong konsepto ng bansa. Nakasentro sa iba’t ibang pangkat at lipunan ang pamumuhay ng mga Filipino na naninirahan sa Pilipinas Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino Sumasamba sa kalikasan at anito Baybayin Sariling Kultura at Panitikan Primitibong Komunal babaylan at bagani Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino Higit na naging superyor ang imahe ng mga mananakop mula sa identidad hanggang sa paraan ng pamumuhay kaysa mga Pilipino. Nakita ng mga Kastila na ang mga Filipino ay isang lahing madaling manipulahin, sakupin o paayunin sa kanilang mga polisiya at pamamaraan. Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino Nagkaroon ng ibang pamantayan sa kung ano ang mabuti at masama mula sa mga aral na dala ng Kristyanismo sa bansa – itunuring na mga kampon ni Satanas ang mga Babaylan at ipinagbawal ang pagsamba sa mga anito at mga dyos ng kalikasan. Nagbago rin ang pamantayan maganda at pangit mula sa kulay ng balat, itsura, kisig ng pangangatawan, kasuotan at kabuuang anyo. Pinilit bihisan ang mga Filipino sa isang paraang hindi akma sa klima o panahon na mayroon sa Pilipinas. Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino Ang pamantayan ng mga Kastila ang masusunod sa kung ano ang dapat at hindi. Pinababa ang katayuan ng mga babae sa lipunan, iniba ang unawa sa mga pinaniniwalaang kaugalian at tradisyon Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino Edukasyon ang naging paraan ng mga Amerikano upang sakupin ang bansang Pilipinas. Minabuti ng mga Amerikanong sakupin ang kanilang rebolusyunaryong kamalayan sa pamamagitan ng pagpapalabnaw nito. Ang sistema ng edukasyong na ipinasok ng mga Amerikano sa mga Filipino ay nagdulot ng ilang malinaw na epekto sa kulturang una ng binago ng mga Kastila. Bukod sa mga kustumbre, tradisyon at paniniwala, ang isa sa higit na naapektuhan ay ang wika – nabansot ang sariling wika. Higit na namamayani ang pagkilala at paggamit sa wikang banyaga katulad ng Ingles sa larangan ng diskursong pang-akademiko. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Ngunit wala pa tayong naririnig na organisadong pagkilos ng mga pinuno ng pamantasan para maging makabayan ang ating edukasyon. Bagaman marami sa ating mga lider sa edukasyon ang abala sa pagtatalakay at pagtatalo tungkol sa mas mabuting paraan at mga kasangkapan ng mahusay na pagtuturo, wala ni isa man sa kanila ang nanguna sa pagtataguyod ng tunay na makabayang edukasyon. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Ang Pagbihag sa Kaisipan Ang pangunahing dahilan ng malawakang paglulunsad ng Amerikanong sistema ng paaralang publiko sa Pilipinas ay ang paniniwala ng mga pinunong militar na walang ibang hakbang ang gayon kadaling makapagpapalaganap ng kapayapaan sa buong kapuluan gaya ng edukasyon ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Ang Pagbihag sa Kaisipan Ang pagkahubog ng kaisipan ang pinakamabisang paraan ng pananakop. Iginiit at itinaguyod ni Heneral Otis ang muling pagbubukas ng mga paaralan at siya mismo ang pumili at nagpabili ng mga aklat-pampaaralan. Ang mga opisyal ng hukbong Amerikano ay naatasang gumanap ng isang espesyal na tungkulin.Kinailangan nilang gumamit ng lahat ng paraan upang payapain ang kalooban ng mga taong ang inaasahang paglaya ay binigo ng pagpasok ng bagong mananakop. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Ang mga Ugat ng Edukasyong Kolonyal Ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano ay isang kasangkapan ng patakarang kolonyal. Kailangang hubugin ang mga murang isipan ayon sa mga kaisipang Amerikano. Ginamit ang edukasyon para maakit ang mamamayan sa mga bagong panginoon, kasabay nito’y ang pagpapalabnaw sa kanilang diwang makabayan na katatapos pa lamang magtagumpay laban sa dayuhang kapangyarihan. Ang pagpapakilala ng Amerikanong sistema ng edukasyon ay isang pailalim na hakbang upang lupigin ang matagumpay na nasyonalismo. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Ang Amerikanong Bise-Gobernador Hindi kailanman minaliit ng mga Amerikano ang kahalagahan ng edukasyon bilang isang kasangkapan ng pananakop. Malinaw itong makikita sa mga pagtatadhana ng Jones Act na nagkaloob ng mas malawak na pangangasiwa ng mga Pilipino sa gobyerno (autonomy), hindi kailanman ipinagkatiwala ang kagawaran ng edukasyon sa kahit sinong Pilipino. “at ang naturang bise-gobernador ang siyang magiging tagapangulo ng kagawarang tagapagpaganap na kilala sa taguring Kagawaran ng Pagtuturong Pangmadla, na kabibilangan ng kawanihan ng edukasyon at kawanihang pangkalusugan, at maaari siyang bigyan ng GobernadorHeneral ng iba pang gawaing pampangasiwaan na gusto nitong ipagkaloob sa kanya.“ ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Ang Amerikanong Bise-Gobernador Anupa’t hanggang noong 1935 ay Amerikano ang nangasiwa sa kagawarang ito. At nang sumakamay ito ng Pilipino sa panahon ng Commonwealth ay nalikha na ang isang bagong henerasyon ng mga “Pilipinong-Amerikano.” Hindi na kailangan ang mga tagamasid na Amerikano sa larangang ito sapagkat nahubog na ang isang bihag na henerasyon na nag-iisip at kumikilos na mandi’y mga Amerikanong kayumanggi ang balat. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Ang Amerikanong Bise-Gobernador Natuto tayong bumasa at sumulat sa Ingles. Nagkaroon tayo ng mga lalake at babaing marunong bumasa at sumulat. Natuto tayong makipagtalastasan sa ibang bansa, lalo na sa bansang Estados Unidos. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Ang mga Layunin ng Edukasyong Amerikano Ang sistemang pang-edukasyon ay hindi itinatag ng mga Amerikano para sagipin sa kamangmangan ang mga Pilipino. Iniakma ito sa mga masaklaw na layunin ng kanilang pagsakop sa bansa gaya ng mga layuning pangkabuhayan at pampulitika. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Ang Suliranin ng Wika Ang pinakamalaking problemang rumirindi sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay ang usapin ng wika. Hanggang ngayon, patuloy ang mga eksperimento para matiyak kung higit na mahusay ang paggamit ng wikang katutubo. Sa alinmang malayang bansa, likas ang paggamit ng katutubong wika sa edukasyon. Pero dito sa atin, masyadong malalim ang pagkagumon natin sa kolonyal na edukasyon na hindi mapagkasunduan ang paggamit ng ating sariling wika na mas maraming Pilipino ang tutol kaysa pabor na gamitin ito. Tulad ng pangkabuhayang pananaw na hindi mabubuhay ang mga Pilipino kung wala ang Estados Unidos, gayundin ang pananaw sa edukasyon na hindi ito maaaring maging tunay na edukasyon kung hindi ito nakabatay sa kahusayan sa paggamit ng Ingles. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Ang Suliranin ng Wika Ang wika ay kasangkapan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan. Sa pag-unlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika. Ngunit kapag ang wika ay naging sagabal sa pagiisip ang pag-iisip ay nabubunsol o nababaog na magbunga naman ng pagkabunsol na kultura. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Isang Bayang Inihiwalay sa Kanyang Kahapon Ang wikang Ingles ay nagsilbing isang makapal na pader na naghiwalay sa mga Pilipino sa kanilang nakaraan at nang lumaon ay naghiwalay sa ilustrado at sa masa Ang mga Pilipino ay dinala ng wikang Ingles sa isang naiiba at bagong daigdig. Sa pamamagitan ng librong Amerikano, hindi lamang natuto ng bagong wika ang mga Pilipino. Natutuhan din nila ang isang bagong sistema ng pamumuhay. Naging simula rin ito ng kanilang lisyang edukasyon. Sapagkat ang kanilang pagkatuto’y hindi na bilang mga Pilipino kundi bilang mamamayan ng isang bansang sakop ng dayuhang kapangyarihan ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Pangkabuhayang Pananaw Pinairal nito ang malayang kalakalan bilang patunay ng kabutihang-loob at pagkakawanggawa ng mga Amerikano Isang Pilipinas na kasing ganda ng kathang isip na larawang iginuhit ni Amorsolo na may isang nakangiting magsasakang matipuno ang katawan at isang magandang dalagang nayon na lalong nagiging kaakit-akit sa suot niyang patadyong. Kasama sa larawan ang isang kalabaw at magandang bahay kubo. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Pangkabuhayang Pananaw Kaisipang pangkabuhayan ang isinaksak sa ating isipan ng edukasyong Amerikano? 1.Una, pinatitibay nito ang paniniwalang ang Pilipinas ay para talaga sa agrikultura na hindi natin mababago at hindi dapat baguhin. 2. Hindi ipinapakita ng ulirang larawang ito ng buhay sa kabukiran ang kahirapan, ang mga karamdaman, ang kahungkagan ng kultura, ang nakababagot na buhay nayon, ang mapamahiin at mangmang na buhay sa mga atrasadong pamayanan. Para sa mga edukado, ang kabukiran ay isang lugar na maganda lamang bakasyunan ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Pangkabuhayang Pananaw Sa pamamagitan ng edukasyong Amerikano, ang mga Pilipino ay hindi lamang natuto ng bagong wika; hindi lamang nila nakalimutan ang sarili nilang wika; sila’y naging mga bagong klaseng Amerikano. Ang mga bansang Kanluranin ay inilalarawan sa ating mga aklat bilang mga bansang pinaninirahan ng mga taong higit ang kakayahan kaysa atin sapagkat nakagagawa sila ng mga bagay na hindi man lamang sumagi sa ating isipan na kaya nating gawin. Kontento na tayo na ang mga hilaw na sangkap na ating iniluluwas ay naipambabayad natin sa mga produktong ating inaangkat. ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Kailangan: Mga Pilipino Ang edukasyon ng Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon. Ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang ang makalikha ng mga lalake at babaeng marunong bumasa at sumulat at marunong magkuwenta. Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang mamamayang may malasakit sa bayan at nauunawaan ang kanilang pagiging bansa. Tanging Filipino lamang ang makapagbibigay ng lapat ang ankop na unawa sa mga katuturan ng mga nangyayari sa lipunang Filipino dahil kabahagi siya nito. Alam niya ang wikang ginagamit, bahagi ng kanyang karanasan ang kultura at hinubog ang kanyang pagkatao ng lipunang kanyang ginagalawan ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO (Renato Constantino) Kailangan: Mga Pilipino Ang edukasyon ay hindi dapat tingnan na isa lamang pangangalap ng impormasyon kundi bilang paraan ng paghubog sa tao para mahusay niyang magampanan ang papel niya sa lipunan at maging kapakipakinabang sa lipunang yaon na kanyang kinabibilangan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser