FIL111-Aralin 2: Barayti ng Wika PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses different types of language varieties in the Philippines, such as homogenous and heterogeneous languages, along with dialects and ethnolects. Examples are also given, including different Tagalog dialects, and links to YouTube videos on the subject.
Full Transcript
ARALIN 2: REGISTER, BARAYTI NG WIKA, HOMOGENOUS, HETEROGENEOUS, UNANG WIKA AT PANGALAWANG WIKA KONTEKSTO Layunin sa Pagkatuto Sa pagtatapos ng aralin, ako ay: a. makapag-uugnay ng mga konseptong pangwika sa mga napakinggan at napanood na sitwasyong pangkomunikasyon batay sa sariling kaa...
ARALIN 2: REGISTER, BARAYTI NG WIKA, HOMOGENOUS, HETEROGENEOUS, UNANG WIKA AT PANGALAWANG WIKA KONTEKSTO Layunin sa Pagkatuto Sa pagtatapos ng aralin, ako ay: a. makapag-uugnay ng mga konseptong pangwika sa mga napakinggan at napanood na sitwasyong pangkomunikasyon batay sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan F11PN-Ia-86; FI1PD–Ib–86; F11PS-Ib-86, at; b. makagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. F11-EP-Iij-32 Kaugnay na Kahalagahan: Culture Mahalagang Kaisipan: Ang Pilipinas ay isang bansang may maraming wika, kaya may iba’t ibang barayti ang wika ng mga Pilipino. Pagtuklas: Gawain 2.1: Panoorin mo ito! Panuto: Panoorin at suriin nang mabuti ang bidyo na ito: Link:https://drive.google.com/file/d/1APsmDX9g6A5WCasyu1l57HPJunGVWtLV/view?us p=drivesdk Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang inyong napansin sa pakikipagtalastasan ng mga tauhan sa bidyo? 2. Sino o anong grupo ng tao ang karaniwang gumagamit ng ganitong pananalita? 7 KARANASAN Mahalagang Konsepto HOMOGENEOUS NA WIKA Homogenous ang wika kung ang mga taong gumagamit nito ay may iisang bigkas sa mga salita, pare-pareho ang tono at intonasyon sa pagsasalita, at iisa ang pagpapakahulugan sa mga salitang kanilang ginagamit. HETEROGENEOUS NA WIKA Iisa lamang ang ibig tukuyin kapag sinabing heterogenous ang wika – na may barayti at pagkakaiba-iba ang bawat wika. Tinatawag din itong lingguwistikong barayti ng wika. Nagaganap ito dahil multikultural at multilingguwal ang mga tao. Salik nito ang heograpiya, estado sa lipunan, grupong kinabibilangan, at iba pa. Walang buhay na wika ang maituturing na homogeneous dahil ang bawat wika ay binubuo nang mahigit sa isang barayti. Ang wika ay maituturing na heterogeneous dahil sa nagkakaroon nito ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba't ibang salik panlipunan gaya ng edad, hanapbuhay, antas ng pinag-aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, at pangkat-etniko. Ang iba't ibang salik na ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng iba't ibang barayti ng wika. BARAYTI NG WIKA Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika depende sa kultura ng isang lugar, sa panahon o henerasyon o kaya'y sa antas ng taong gumagamit at nakakaintindi nito. Isang pagkakaroon ng pagkakaiba depende sa istilo, punto, at iba pang salik pangwika na ginagamit ng isang lipunan. Sinasabing may mga salik sa pagkakaroon ng barayti ng wika A. Heograpikal - may kinalaman sa pagkakaroon ng maraming pulo sa Pilipinas, sa salik na ito nagkakaroon ng pagbabago sa pamamagitan ng kaangkupan sa komunidad o lugar na kinabibilangan ng tagapagsalita o gumagamit ng wika. B. Sosyal- salik na nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan ng kinasasangkutang lipunan, kultura at itinakdang mga isyung nakabatay sa panahon na nagbubunsod naman sa tao upang makipag-ugnayan sa kapwa. C. Okupasyonal - kung saan nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag batay sa pangangailangan sa larangan ng hanapbuhay. DAYALEK Ang dayalek ay uri ng pangunahing wika na nagbabago o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon. Naiiba ang punto, tono, may 8 magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, ibang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. Halimbawa nito ang wikang Sebwano. Talahanayan 2.1 Filipino Sebwano Zamboanga Sebwano Cebu ulan ulan uwan bahay balay bay wala wala wa Isa pang halimbawa nito ay ang wikang Tagalog na may iba’t ibang barayti tulad ng Tagalog-Maynila, Tagalog-Batangas, Tagalog-Marinduque, atbp. Talahanayan 2.2 Tagalog-Manila Tagalog- Batangas Tagalog Marinduque Magandang umaga Maligayang umaga Magandang maga Magandang gabi Maligayang gabi Magandang gab-i Para sa karagdagang halimbawa, maaaring panoorin ang mga sumusunod: Halimbawa 1: Tagalog Bantanggas https://www.youtube.com/watch?v=3umw7KZPucU Halimbawa 2: Marinduque Tagalog https://www.youtube.com/watch?v=PIEn2QNDdME Halimbawa 3: Chavacano Varieties https://www.youtube.com/watch?v=osH0hASe15c Danao: Maguindanao, Maranao, Iranun https://www.youtube.com/watch?v=i6jAohb-PT0 ETNOLEK Wikang ginagamit ng mga katutubo o etnolingguwistikong pangkat ng ating bansa. Ito ay barayti ng wika na mula sa etnolingguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dayalek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng isang pangkat-etniko. Halimbawa: Ang etnolingguwistikong pangkat ay Bisaya, ang etnolek ay Sebwano, Waray, Hiligaynon, atbp. SOSYOLEK Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan ng mga taong gumagamit ng wika. Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan 9 ng istratipikasyon ng isang lipunan na nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Kabilang sa sosyolek ang mga sumusunod: A. Gay lingo- Ang gay lingo ay wikang nilikha ng mga beki na tumatayong kanilang sosyolek. Ang wikang ito ay napakakulay, napakamalikhain, at sadyang napakalikot sa paraan ng pagbuo ng salita (Bediones, 2018). Halimbawa: Gumora ka ditis ng very light sa kanto na yun badet, tapos konting kembot turn left ka lang. Pagdating mo ditang sa orange na gatesong keneso, andun si seswang, ididisinfect ka nang bongga. B. Code-swtiching at Code-mixing- Ito ay baryasyon ng paggamit ng wika na pinaghahalo ang dalawa o mahigit na wika tulad ng paghahalo ng Tagalog at Ingles, Sebwano at Ingles, Chavacano at Ingles, atbp. Halimbawa ng code-switching: “Hindi ako pwede sa alimango. I’m allergic to seafood.” Halimbawa ng code-mixing: “Pupunta ka ba sa school mamaya para sa meeting?” C. Coño- Ayon kay Urbano (w.p.), ang pagkakaiba ng taglish at conyo ay makikita sa barirala. Ang taglish ay ang paghalo-halo ng wikang Ingles at Filipino, ngunit kung mapapansin ang mga taong gumagamit ng coño ay ipinaghalo-halo ang mga pandiwang Filipino at Ingles at ginagamit upang makabuo ng isang pangungusap, na kung isasalin sa isa sa dalawang wika ay mali o hindi angkop. Halimbawa: “Why are you making me away?” Kung isasalin sa wikang Ingles ang pahayag na ito ay magiging “why are you making argument?” makikita na ang isinalin na pahayag ay mali, gayun din kung ito ay isasalin sa wikang Filipino. D. Jejemon- Nanggaling ito sa salitang “hehe” na pinapapalitan ng letrang “h” ang letrang “j” na nanggaling sa wikang Español kaya naman natawag silang “jeje”. Nakuha naman ang “mon” sa dulo ng Pokemon, isang anime, na nangangahulugang “monster.” Kaya 10 kung pagsasamahin, “halimaw na jeje” ang kalalabasan (Talegon, 2021). Karaniwang pinapalitan ang mga titik ng simbolo. Halimbawa: E0w p0wh~h0w zAreZu~iTZ beEN A loNG tym~SincE we’Ve seEn eAcH othEr GUDpM ~ poWh. H0w ZaRezu ~ 2nYT? Itz alReaDy 3Am ndu ZAREzstLl aWke JEJEJE powh~ U sHoUld Sleep ~alrEADy~ BeCauseit iz l8 ~ jeJejejeJe EOW poWh. NicE mEetng u ~ JeJejeje ~. WTZ Ur nme? ~ HoW zaRezu 2day JEJEJE DO u THnk~thAt~we-Should~Go soMEwer? !m GoiNg 2 go aLrEAdy, ~nice~ MEETng ~u JeJejeje. mula sa: https://www.scribd.com/document/618918909/5-Kultura-at-Sistemang-Jejemon-Pag-Aar al-Sa-Barayti-at-Baryasyon-Ng-Filipino-Slang E. Jargon- Ayon kay Dani et al. (1991), ang jargon ay ang teknikal na terminolohiya o katangiang idyoma ng isang espesyal na aktibidad o pangkat. Halimbawa: IDYOLEK Ang idyolek ay ang natatangi at espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Minsan nakikilala natin o naging marka ito ng pagkakilanlan ng isang tao. Sa madaling salita, ito ang kanya-kanyang istilo ng mga tao ng pagsasalita. Mga halimbawa: Pabebe Girls, Noli de Castro, Kris Aquino, Ruffa Mae Quinto, Melai Cantiveros, atbp. REGISTER Ang register ay ang barayti ng wika kung saan iniaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang tao na may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala. Ang di-pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan, malalapit na kapamilya, mga kaklase, o mga kasing-edad, at ang matatagal nang kakilala. 11 PIDGIN Ang pidgin ay isang wika na walang pormal na estruktura. Ito ay baryasyon ng wika na ginagamit upang magkaintindihan ang dalawang magkausap na may magkaibang wikang sinasalita at walang komon o magkatulad na wika hanggang sa sila ay makabuo ng sarili nilang wika kung kaya’t tinatawag na pansamantalang wika. Halimbawa ang mga Tsinong negosyante sa Divisoria na pinipilit na gumamit ng ating wika upang maintindihan ng mga mamimiling Pilipino (Ikaw bili aking produkto, ito mura matibay.) CREOLE Ang creole ay uri ng wika na nagmula sa pagiging pidgin ngunit nalinang at lumalaganap na sa isang lugar hanggang sa maging unang wika. Isa sa mga magandang halimbawa nito ay ang wikang Chavacano ng mga taga-Zamboanga. Ito ay kombinasyon ng Kastila at Tagalog na ngayon ay unang wika na ng mga tao sa lalawigan. UNANG WIKA Tinatawag ding “inang wika” ang unang wika dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata. Ang unang wika ay wikang kinamulatan o kinagisnan ng tao at natural na natutuhan sa pamamagitan ng pakikisalamuha ng mga tao sa kanyang tahanan o sa kanyang paligid. Ang wikang ito ay maaaring una niyang natutuhan sa kanyang mga magulang. "Mother tongue" ang akademikong termino na tawag sa unang wika. Tinatawag na “taal” o katutubong tagapagsalita ng isang partikular na wika ng isang tao na ang unang wika ay ang wikang pinag-uusapan. PANGALAWANG WIKA Ang pangalawang wika ay ang wikang natutuhan matapos ang unang wika. Itinuturing na pangalawang wika ang wikang hindi “taal” o hindi katutubo sa isang tao. May mga pagkakataong pangalawang wika ang karaniwang ginagamit ng isang tao upang makipag-usap sa ibang taong nasa labas o hindi kabilang sa kaniyang etnolingguwistikong grupo. Nuncio et al., (2020). SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. C&E Publishing, Inc. Maranan, M., Pegisan, N., & Dungo, C. (w. p.). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Mindshapers Co., Inc. Taylan, D., Petras, J. & Geronimo, J., (2019). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Rex Printing Company, Inc. 12 Ginabayang Pagsasanay Gawain 2.2: Punan ang kahon Panuto: Panoorin ang https://www.youtube.com/watch?v=mb_zicjEFf8. Itala ang mga pamilyar na salitang napakinggan at tukuyin kung anong barayti ng wika nabibilang ito. Salita Barayti ng Wika Indibidwal na Pagsasanay Gawain 2.3: Tukuyin mo ito! Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon, tukuyin kung anong barayti ng wika ang isinasaad dito. __________1. Habang nagtuturo si G. Cruz sa kanyang mga Baitang 1 na mag-aaral, sinisigurado niyang malumanay ang kanyang boses, marahan, ngunit malakas, sapat upang marinig ng buong klase ang kanyang boses. __________2. Laki sa Estados Unidos si Selene, kaya Ingles ang unang natutuhan niyang wika. __________3. Tuwali ang pangunahing lengguwahe na sinasalita ng mga Ifugao sa lalawigan ng Cordillera. __________4. Ang mga Espanyol at Zamboangeño ay gumagamit ng makeshift language o pidgin para maintindihan ang isa’t isa. Kung kaya, naisilang ang wikang Chavacano sa Zamboanga. __________5. “Go, go, go, Todo na to!” ani ni Ruffa Mae Quinto sa isa sa mga panayam niya sa programa ni Boy Abunda. REPLEKSIYON Panuto: Pagnilayang mabuti ang mga tanong sa ibaba. Ipaliwanag ang iyong sagot. 1. Anong barayti ng wika ang karaniwan mong ginagamit sa pang-araw-araw? Batay rito, ano ang pagpapakahulugan mo sa barayti ng wika? 13 2. Sa tingin mo, ano ang kahalagahan nang pagkatuto sa iba’t ibang barayti ng wika? 3. Anong bahagi ng talakayan ang nakatulong sa iyo para higit na maunawaan ang barayti ng wika? AKSIYON GAWAIN SA PAGGANAP 1: Pagsulat ng Sanaysay (60 puntos) GOAL-ROLE-AUDIENCE-SITUATION-PERFORMANCE/PRODUCT-STANDARD/S G Makasulat ng isang sanaysay batay sa napanood na panayam tungkol sa aspektong kultural o linggwistiko ng napiling komunidad. R Manunulat A Guro at mag-aaral S Bilang isang manunulat, ikaw ay inaasahang manood ng panayam ng mga dalubhasang may sapat na kaalaman at karanasan sa paksang may kinalaman sa wika at kultura upang makabuo ng isang sanaysay. P Panoorin ang bidyo na ibinigay ng guro at magsulat ng sanaysay hinggil sa napanood na panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. S Ang mag-aaral ay tatayain sa pamamagitan ng kraytirya: panimula, katawan, wakas, organisasyon; wika at gramatika; at pormat. 14 Panuto: Manood ng isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko. Pagkatapos ay bumuo ng isang sanaysay na magtatalakay ng aspektong linggwistiko at kultural ng napanood na bidyo sa tulong ng mga gabay na tanong. RUBRIC SA PAGSULAT NG SANAYSAY KRAYTI Lumampas sa Tumugon sa Kailangan pang Hindi inaasahan Puntos RYA inaasahan inaasahan pagbutihan 1 4 3 2 Panimula Nasagot ang lahat ng May isang tanong ang May dalawang tanong May tatlong tanong X2 tanong nang maayos at hindi nasagot o hindi ang hindi nasagot o ang hindi nasagot o nauunawaan nang naipaliwanag nang hindi naipaliwanag hindi naipaliwanag mabuti ang panimula. mabuti sa panimula. nang mabuti sa nang mabuti sa panimula. panimula. Katawan Nasagot ang lahat ng May isang tanong ang May dalawang tanong May tatlong tanong X4 tanong nang maayos at hindi nasagot o hindi ang hindi nasagot o ang hindi nasagot o nauunawaan nang naipaliwanag nang hindi naipaliwanag hindi naipaliwanag mabuti ang katawan. mabuti sa katawan. nang mabuti sa nang mabuti sa katawan. katawan. Wakas Nasagot ang lahat ng May isang tanong ang May dalawang tanong May tatlong tanong X3 tanong nang maayos at hindi nasagot o hindi ang hindi nasagot o ang hindi nasagot o nauunawaan nang naipaliwanag nang hindi naipaliwanag hindi naipaliwanag mabuti ang wakas. mabuti sa wakas. nang mabuti sa wakas. nang mabuti sa wakas. Organi- Lohikal at mahusay Lohikal ang Lohikal ang Hindi lohikal ang sasyon ang pagkakasunod- pagkakaayos pagkakaayos pagkakaayos ng mga X3 sunod at pagkakaayos ng mga talata subalit ng mga talata subalit talata, maraming ng lahat ng mga may isa hanggang may tatlo hanggang maling kaisipan ang kaisipan sa nabuong dalawang (1-2) limang (3- 5) kaisipan ibinahagi at hindi sanaysay. kaisipan ang hindi ang hindi ganap na ganap na nadebelop o ganap na nadebelop o nadebelop o nabigyan nabigyan ng nabigyan ng alalimang ng malalimang malalimang pagpapaliwanag. pagpapaliwanag. pagpapaliwanag. Wika at Lahat ng pangungusap Karamihan sa mga Karamihan sa mga Karamihan sa mga Grama- ay mahusay na nabuo pangungusap ay pangungusap ay pangungusap ay hindi tika gamit ang iba‘t ibang maayos na nabuo maayos na nabuo maayos na nabuo, X2 anyo at uri ng ngunit may isa ngunit may tatlo halos lahat ng pangungusap. Walang hanggang dalawang hanggang limang (3- pangungusap ay mali sa paggamit ng (1- 2) linya ang may 5) linya ang may may maling istruktura baybay, wika at maling istruktura ng maling istruktura ng ng wika at gramatika. gramatika. wika at gramatika. wika at gramatika. Pormat Nasunod ang lahat ng May isa hanggang May tatlo hanggang May lima (5) o mahigit X1 pormat na ibinigay. dalawang (1-2) pormat apat (3-4) na pormat na pormat ang hindi na hindi nasunod. ang hindi nasunod. nasunod. Kabuoan /60 15 EBALWASYON Gawain 2.4: Exit Card Panuto: Punan ng iyong tugon ang exit card sa ibaba. EXIT CARD Ibuod ang natutuhan batay sa naging aralin sa dalawang (2) pangungusap: Anong konsepto ang tumatak sa iyong isipan? Ipaliwanag: 16