Varayti at Varyasyon ng Wika PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses the different types of language variations (varieties) and dialects within the Filipino language, such as register, idiolect, sociolect, and ethnolect. These varieties differ based on usage and social contexts, reflecting specific groups or situations. The document also touches upon theoretical underpinnings of linguistics.
Full Transcript
WHOLAAN MO KILALA MO BA SALAMIN NG KULTURA AT SILA? KASAYSAYANG NG PILIPINAS Who-laan MO “Hindi ko kayo tatantanan, excuse me po!” Hindi ko kayo tatantanan, excuse me po! -Mike enriquez Who-laan MO “Minsan walang pagkakaiba ang mga halimaw sa tao.” ...
WHOLAAN MO KILALA MO BA SALAMIN NG KULTURA AT SILA? KASAYSAYANG NG PILIPINAS Who-laan MO “Hindi ko kayo tatantanan, excuse me po!” Hindi ko kayo tatantanan, excuse me po! -Mike enriquez Who-laan MO “Minsan walang pagkakaiba ang mga halimaw sa tao.” Minsan walang pagkakaiba ang mga halimaw sa tao -trese Who-laan MO “Every journalist has to hold the line because we will only get weaker with time” Every journalist has to hold the line because we will only get weaker with time -Maria ressa VARAYTI AT BARYASYON NG WIKA mGA TEORYA, DISKURSO at URI BB. SUMAOANG 1 Webster, (1974) robins (1985) archibald a. hill, (w.t.) HENRY GLEASON (w.t.) pineda (2004) Komisyon ng wikang filipino (1997) del rosario, 1991 1 WIKA 1. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo. (Webster 1974). 2. Ang wika ay masistemang simbolo na nababatay sa arbitraryong tuntunin... na maaaring magbago at mamodipika ayon sa pangangailangan ng taong gumagamit nito. (Robins, 1985) WIKA 3. Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang kumplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan. (Archibald A. Hill, w.t.) WIKA 4. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kutltura. (Henry Gleason, w.t.) 5. Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining. Karaniwa'y di totooong mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit na mahalaga ‘y kung paano ginagamit ng maguniguning manunulat ang wikang kasangkapan. (Pineda, 2004). WIKA 6. Ang wikang buhay, saan man at kailan man ay umuunlad habang ginagamit. Nagaganap ito sa prosesong natural sa kusang pag- aangkin ng mga elementong pangwika at intensyunal sa bisa ng progresibong pagpaplanong pangwika. Ang nagkakakontak na mga wika ay nagkakahiraman sa alin man sa nabanggit na mga aspekto bagaman higit na ekstensibo sa antas na bokabularyo. Ito'y ibinubunsod ng partikular o espesyal na pangangailangan ng humihiram na wika.(KWF, 1997) TAONG NAG-AARAL NG WIKA Linguistics Sociolinguistics Scientific study of Study of language use a language nd its effects on society Linggwistika Ang linggwistika ay isang siyentipikong pag-aaral ng wika bilang isang sistema. Saklaw nito ang iba't ibang aspeto ng wika tulad ng: 1.Ponolohiya (tunog ng wika), 2.Morpolohiya (pagbuo ng salita), 3.Sintaksis (istruktura ng pangungusap), 4.Semantika (kahulugan ng salita at pangungusap), 5.Pragmatika (paggamit ng wika sa konteksto). Layunin: Ang pangunahing layunin ng linggwistika ay maunawaan at mailarawan ang mga patakaran at istruktura na bumubuo sa wika, paano ito gumagana, at paano ito natutunan ng tao. Sosyolinggwistika Ang sosyolinggwistika ay isang sangay ng linggwistika na nag-aaral kung paano ginagamit ang wika sa iba't ibang konteksto ng lipunan at paano ito naaapektuhan ng mga salik panlipunan tulad ng edad, kasarian, lahi, antas panlipunan, at edukasyon. Layunin nitong unawain ang kaugnayan ng wika at lipunan—paano ang mga katangian ng isang grupo ng tao (hal. economic class, ethnic identity) ay nakakaapekto sa paraan ng kanilang pagsasalita at paano naman ang wika ay nagsisilbing isang salamin ng mga ugnayang panlipunan. Mahalagang tandaan: Ang wika ay dapat gamitin upang magkaisa at magkaunawaan, hindi para magyabang o maglagay ng hadlang sa pagitan ng tao. SAYSAY NG KULTURA AT WIKA KULTURA WIKA Ang kabuuan ng isip, Hindi lamang daluyan kundi, higit pa damdamin, gawi, kaalaman at rito, tagapagpahayag at impukan- karanasan na nagtatakda ng imbakan ng alinmang kultura. maaangking kakanyahan ng isang kalipunan ng tao SALAZAR, 1996 Ang wika, unang-una ay sinasalita, at ang pagsusulat na anyo ay nababatay sa anyong pasalita. (Del Rosario, 1991). Ang varyasyon ay ang mga linguistic items na nakapaloob sa wika. Ang isang varayti ng wika ay masasabi na isang set ng mga linguistic items na may magkaparehong distribusyon. Ang Filipino o alinmang wika sa Pilipinas ay matatawag na iba't ibang varyasyon ng wika. Ang wikang ginagamit ng mga tindera, ng mga manggagawa, ng mga mag-aaral at anumang pangkat ay masasabi ring iba't ibang varayti ng mga wika. Varyasyon-pagkakaiba-iba. Varayti- tiyak na uri ng pagkakaiba URI NG VARYASYON NG WIKA 1.Wika Ang wika ay maituturing na mas malaki kaysa dayalek. Masasabıng ang wika bilang isang varyasyon ay may mas maraming linguistic item kaysa dialekto. Halimbawa : Ang Tagalog ay maituturing na isang wika dahil ito ay binubuo ng iba't ibang. Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Rızal, Tagalog-Bulacan, at iba pa. Maituturing na wika ang isang wika kung ito ay istandard. Ayon kay Haugen (1966) ang mga sumusunod ay maituturing na batayan ng pagiging istandard ng isang wika: 1.1 Kung ito ay pinipili Ang isang partikular na varayti ay maituturlng na Istandard na wika kung ito'y pinili upang magamit bilang pangkalahatang wika. Ang pagpili sa nasabing varayti bilang istandard ay batay sa pulitikal at sosyal na kahalagahan nito. 1.2. Kodipikasyon May mga ahensya at pangkat ng mga tao na bumuo ng diksyunaryo o mga aklat sa gramar na nauukol sa napiling varayti. 1.3. Elaborasyon ng gamit Kailangang magamit ang napiling varayti sa mahahalagang tungkulın sa pulıtıka, ekonomiya, edukasyon, kultura , sosyal at mga moral na gawain. Kailangan din itong magamit maging sa pormal na pagsulat sa mga siyentipikong dokumento at sa iba pang anyo ng literatura 1.4. Pagtanggap ng tao Kailangang tanggapin ng mga tao ang napiling varayti ng wika dahil ito ang magsisilbing lakas upang mapag-isa ang bansa. Ito ang magiging palatandaan (marker) ng pagkakaiba ng bansa sa iba pang bansa. URI NG VARYASYON NG WIKA 2.Dayalek Ang dayalek ay varayti ng isang partikular na wika na may tiyak na set ng mga tuntuning leksikal, ponolohikal, at gramatikal na ikinaiiba nito sa iba pang dayalek. Sa Pilipinas, maraming may rehiyonal na dayalek. 2.1 Idyolek ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba't ibang salik na nakapaloob dito, kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan. Ito rin ay ang indibidwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika. HALIMBAW A Ang idyolek ni mike enriquez a y......hindi namin kayo tatantanan Ang idyolek ni RUFFA MAE a y..... go, go, go, todo na ‘to! 2.2 Sosyolek. Ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Pabiro niyang sinasabi na may varayti ng wika ang mga dukha, gayundin ang mga nasa matataas na antas ng lipunan. HALIMBAW A WIKA NG MGA MAg-AARAl Oh em gulay, nakatabi ko si crushicakes sa bio kanina! HALIMBAW A WIKA NG MGA matatanda Ang ikamo, wala pa ang tatang niyo dyan? abat saan nga naman napunta ang damuhong iyon? 2.2.3 Gay Lingo -ang wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng mga salita. HALIMBAW A WIKA NG MGA gay lingo na india jones ang gerlalu. begalou kasi ang gusto, givenchy lang naman sa mudra ng baon, churchill ba ang peg 2.2.4 Cono -tinatawag ding conotic o consyospeak na isang baryant ng Taglish o salitang Ingles na hinahalo sa Filipino kaya n a g k a r o o n n g c o d e s w i t ch i n g. M i n s a n , kinakabitan ito ng mga inglitik na pa, na, lang, at iba pa. HALIMBAW A WIKA NG MGA cono : let’s make it happen na! : wait lang im calling ano pa : we’ll gonna make pila pa it’s so haba na naman for sure 2. 2. 5 J e je m o n o je je s p e a k -a y i s a n g p a ra a n n g pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Hapon na pokemon. Ito ay nakabatay rin sa wikang Filipino at Ingles ngunit may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik. Madalas gamitin ang H at Z HALIMBAW A WIKA NG MGA JEJEMON 3aw phaw, mUsZtAh nA phaw kaOw? aQcKuHh iT2h iMiszqcHyuH 2.2.5 Jargon -ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat, propesyon, artikula na trabaho, o gawain ng isang tao. HALIMBAW A WIKA NG MGA JARGOn Abogado - Exhibit, appeal, complainant Guro -Lesson plan, Class Record, Form 137 2.3 Lingua franca. Ito ay istandard na dayalek, ngunit hindi nangangahulugang superyor sa ibang dayalek, na nabigyan ng isang tiyak na istatus dahil sa sosyal, ekonomik at pulitikal na kapangyarihan ng mga gumagamit/mananalita. -Common Language ang Lingua Franca. Halimbawa: Hilagang Luzon ay Ilocano Silangang Visayas ay Cebuano Timo at Gitnang Luzon ay Tagalog URI NG VARYASYON NG WIKA 3. Register. Ang register ay varyasyon batay sa gamit samantalang ang dayalek ay batay sa taong gumagamit. Ang pagkakaiba sa register ay batay sa kung ano ang ginagawa ng isang tao samantalang ang mga pagkakaiba sa dayalek ay nakikita kung sino o ano ang isang tao. Ang register ay tinatawag ding istilo ng pananalita. URI NG VARYASYON NG WIKA 3. Register. A. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) B. Paksa ng Pinag-uusapan (Filed of Discourse) C. Paraan o paano nag-uusap (Mode of Discourse) Ang register ay may disiplinal na kalikasan (Oxford English Dictionary). May kanya-kanyang register sa larangan ng mga nasa: Edukasyon, Matematika, Agham, Agham Panlipunan at Teknolohiya. Ayon hay Hughe ang mga register ay may antas ng gamit na angkop sa mga partikular na paksa o kalagayang sosyal. Foreign o banyaga Scientific o makaagham Literary o pampanitikan Common o Karaniwan Technical Dialectal Colloquial Slang URI NG VARYASYON NG WIKA 5. Etnolek Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo. Ang salitang ito ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Tagalay nito ang mga salitang nagiging bahagi ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. HALIMBAW A WIKA NG MGA ETNOLEK Vakkul -gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init o ulan HALIMBAW A WIKA NG MGA ETNOLEK Bulanon -full moon HALIMBAW A WIKA NG MGA ETNOLEK Palangga -mahal o minamahal Shuwa -dalawa Sadshak - kaligayahan URI NG VARYASYON NG WIKA 5. Ekolek Ito ay barayti ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay. Taglay nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit nauunawaan ito ng mga gumagamit at nakikinig. HALIMBAW A WIKA NG MGA EKOLEK Lolagets Popsy Nakshies URI NG VARYASYON NG WIKA 6. Pidgin Ito ay umuusbong na bagong wika na tinatawaga sa Ingles na Nobody’s Native Language o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng dalawang taong parehong may magkaibang unang wika. HALIMBAW A WIKA NG MGA PIDGIN Ang pagpunta ng mga Kastila noon sa Zamboanga ay nagbunga ng pagkakaroon ng pinaghalong Espanyol at KAtutubong Wika ng Zamboanga URI NG VARYASYON NG WIKA 7. CREOLE Wikang unang naging Pidgin na kalaunan ay naging likas na wika ng mga bata (nativizied) na isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon hanggang sa magkaroon ng pattern. Halimbawa: Chavacano PAGHAHALO NG MGA VARAYTI PAGHAHALO NG MGA VARAYTI Ang mga baryasyon sa wika, dayalek at register ay nagkakahalu-halo pa rin kahit na sa isang pananalita (speech). May dalawang paraan kung paano nagl‹akahaIo ang mga varayti. 1. Code Gwltching (Pagpapalit-koda)- Ito ay resulta ng pagkakaroon ng regìster na kung saan ang isang mananalita ay gagamit ng iba't ibang register sa iba't ibang pagkakataor/sitwasyon. Halimbawa: Magandang morning , guys. 2. Panghihiram (Borrowing) Ang isang salita o higit pang mga salita ay hinihiram mula sa isang barayti tungo sa isa pang barayti dahil walang katumbas ang mga ito sa barayting ginagamit ng mananalita. Japanese: "Sushi" Filipino: "Sushi" ⚬ Paglalarawan: Ang salitang "sushi" ay hiniram mula sa Hapon at ginagamit sa Filipino upang tukuyin ang partikular na uri ng pagkain. Mga Salik na nakaaapekto sa pagkakaroon ng Varyasyon Ayon kay Fishman (1971, nasa Constantino 2000), mayroong dalawang dimensiyon ang varyabilidad ng wika. Ito ay ang Dimensiyong Heograpiko (Diyalekto) at Dimensiyong Sosyolek (Sosyolek, Varayti). 1.Dimensiyong Heograpiko 2.Dimensiyong Sosyolek 1.Dimensiyong Heograpiko Varyasyon ito ng wika na bunsod ng pagkakaiba-iba ng lugar na pinanggalingan. Dito pumapasok ang tinatawag na diyalekto o ang natatanging paggamit ng wika sa isang lugar o bansa. Ito ang dahi;lan kung bakit may iba-ibang uri ng Tagalog na sinasalita sa bansa. Tagalog-Maynila, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Ilokano Tagalog-Batangas at iba pa. Tagalog-Bulacan: Mag-urong ka ng pinggan pagkatapos mong kumain, ‘nak! Tagalog-Maynila: Pakiurong nga ang silya. ---- Tagalog-Maynila: Pumasok ba si Galang kanina? Tagalog-Ilocano: Meron si Galang kanina. 2. Dimensiyong Sosyolek Bunsod ng dimensiyong ito ng mga sosyal na varayti, register, at jargon sa wika. Ang mga dahilmbawa ng varayti ay wika ng mga estudyante, wika ng kababaihan, maaring wika ng mga nakapg-aral at hindi nakapag-aral, wika sa iba’t ibang propesyon, teknikal na wika (jargons), wika sa social media, wika ng mga bakla, wika sa diyaryo, at iba pa. Halimbawa: Ang wika ng mga bakla ay una nang tinawag na swardspeak noon pang dekada 1970, na kinilala maglaon bilang gay lingo o gay speak. Sa panahon ngayon, mas marami ang umusbong na varayti lalo na sa pamamagitan ng mga memes na kung aaralin ay mayroong sarili nitong wika na nakakakonekta ang internet users. Ang pagkakaroon ng varyasyon at varayti ng wi ka, bagaman p i nag- aaralan at kinikilala, ay nagbubunsod din ng mga usapin tungkol sa istandardisasyon ng wika. Mula sa mga nabanggit na konsepto ng varayti, at varyasyon, ano ang itinuturing na istandard o tamang paggamit ng wika? Sa iyong palagay, mayroon bang mali sa paggamit ng ilang varayti ng wikang nabanggit? SHAMS (2018) Maling isipin at paniwalaang mayroong istandard na varyasyong dapat ituring na pinakatama o wasto dahil lahat ng wika ay may diyalekto, at wala ni isa ang mas mataas o mababa sa iba pa. Sa punto de bista ng mga sosyolingguwistika, lahat ng diyalekto ay pantau-pantau, wasto, sistematiko lohikal, at makabuluhan. FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA AT AKADEMIKONG WIKA Depinisyon ng Filipino (KWF) Katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di- katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika para sa iba't ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalin nito at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Ang Filipino bilang asignatura (akademik na wika) Ang wikang Filipino ay isa sa mga asignaturang itinuturo at ituturo ayon sa kurikulum ng batayang edukasyon. Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang wika sa antas interpersonal para magamit bilang /lnpua franca at sa antas transaksyunal para magamit sa akademiko at higit na mataas na lebel ng pakikipagtalastasan. Ang Fillpino bilang wikang panturo ltinadhana ng Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, sek. 7, ang gamit ng Filipino bilang opisyal at wikang panturo sa paaralan. Para sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hangga't walang itinatadhana ang batas. Gayundin, may opisyal na batayan sa paggamit nito gaya ng isinasaad sa Kautusang Pangkagawaran ng DECS, Bilang. 52 s. 1987 (sek, 2-a). Ang Filipino bilang pangalawang wika Filipino ang pangalawang wika ng marami sa mga lugar na di-KatagaIugan. lpinakikita ng mga sarbey na malaking bahagdan na ng mga mamamayang Pilipino ang nakauunawa at gumagamit ng Filiplno bilang llngua franca para makipagtalastasan sa kapwa Pilipino. PAGSASANAY panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na dimensiyon kung heograpiko o sosyolek. PAGSASANAY panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na dimensiyon kung heograpiko o sosyolek. 01 TAGALOG- BATANGAS WIKA NG SOCIAL 02 MEDIA 03 WARAY-BISAYA 04 ZAMBAL-ILOKANO 05 TAGALOG- PAMPANGO 06 SWARDSPEAK 07 PHILIPPINE ENGLISH 08 WIKA SA MEDISINA 09 WIKA SA SHOWBIZ SINGAPOREAN 10 ENGLISH