LP2_Yunit-2_Komfil-BSIS PDF

Summary

This document is a learning packet for a Bachelor of Science in Information System course, focusing on language variations and registers in Filipino. It covers topics such as variations of Filipino, the role of Filipino language in the Philippines, and communicative competences. The packet includes exercises and questions.

Full Transcript

BACHELOR OF SCIENCE IN INFORMATION SYSTEM GE E5 – KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Celeste J. Reyes College of Arts and Sciences | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 12...

BACHELOR OF SCIENCE IN INFORMATION SYSTEM GE E5 – KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Celeste J. Reyes College of Arts and Sciences | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 12 YUNIT 2: Varyasyon at Rehistro ng Wika 2.0 Matatamong Kabatiran Sa araling ito, inaasahan na: a. Nagagamit ng may kahusayan ang tumpak na rehistro ng wika sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang pangkat ng tao. b. Mapagkontrast /Mapaghamping ang mga varayti at varyasyon ng wika. 2.1 Introduksyon Ang modyul 2 na ito ay kumakatawan sa isang praktikal na linangang magpapalawak at magpapalalim sa komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Filipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Filipino sa pangkalahatan. Tatalakayin sa bahaging ito ang papel ng Wikang Pambansa sa gitna ng pagkakaiba-iba ng mga wika sa bansa. 2.2 Varyasyon at Rehistro ng Wika Magandang buhay! Isa na namang mapagbunying araw sa iyo, para sa panibagong aralin na iyong matutunghayan. Tiyak na makatutulong ito sa pagpapatalas ng inyong isipan, sapagkat susubukin nito na maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang pambansa, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga wika sa bansa. Dalangin ko na sa naunang modyul ay nakatamo at nakapag-iwan sa inyong kaisipan ng karunungan na magagamit bilang sanligan sa pagpapayabong ng iyong kaalaman. Bago mo simulan, tulad ng dati ay may mga katanungan na dapat mo munang sagutin na may kaugnayan sa paksang tatalakayin. Pigura 1. Halaw mula sa https://www.google.com/search?q=classroom+caricature | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 13 Tunghayan ang larawan sa itaas at sagutin ang sumusunod na katanungan. Ang lahat ng mga katanungan ay sagutan gamit ang isang short bondpaper. Maaaring sulat-kamay o computerized. 1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan sa itaas? 2. Sila ay mga mamamayan ng anong bansa? 3. Masasabi mo bang sila ay nagmula sa iisang lugar? 4. Kung ganun, makapagbibigay ka ba ng kanilang pagkakakilanlan? Ibigay ang mga hinihingi sa ibaba na may kaugnayan sa paksa sa larawan.  Ano ano ang tatlong kapuluang bumubuo sa bansang Pilipinas?  Pare-pareho ba ang wikang ginagamit o sinasalita sa ating bansa?  Ano ang unang salita na ginagamit mo?  Paano mo natutunan ang ibang wika? Kanino? 2.2.1 Varyasyon ng Wika Ayon sa Biblia, noong pasimula ay may iisa lamang wika ang mga tao. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng halos hindi na mabilang na wika ang mga tao. Sa kasalukuyan, ayon sa Ethnologue: Languages of the World, 15 th ed. (2005) at CIA Fact Book, ang mga bansang Papua New Guinea, Indonesia, at Nigeria ang tatlong nangungunang bansa na may pinakamaraming lenggwahe na sinasalita; 820, 742 at 516, ayong sa pagkakasunod. Sa parehong tala, sinasabing ang Pilipinas, sa ating bansa, ay may 180 lenggwahe na pinagsasaluhan nating mga Filipino. At Filipino (ang ating Pambansang Wika) at Ingles ang dalawang wikang opisyal sa bansa. Gawain 1 Ibigay ang tamang salita bilang sagot upang makabuo ng wastong talata. Isulat ang sagot sa patlang. Kopyahin ang buong talata. Ayon sa _________________________ at _________________________ na mga aklat pinatutunayan nito na ang tatlong bansang _______________________, _______________________, at _______________________ ang nangungunang bansang may pinakamaraming lenggwahe. Ayon sa mga aklat ang pagkakasunod-sunod ay __________, | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 14 ___________, at ___________. Samantala, ang Filipinas ay may ________ lenggwaheng pinagsasaluhan ng mga mamamayan nito. At ______________ (Pambansang Wika) at _________ ang dalawang wikang opisyal ng ating bansa. 2.2.2 Ang Papel ng Wikang Pambansa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa Bansa Panimula Isang larangan ng sosyolinggwistiko na pinagtutuunan ngayon ng mga pag-aaral at pananaliksik ang tungkol sa pagkakaiba ng wika o varayti at varyasyon ng wika. Kaugnay ng mga pagpaplanong pangwika na isinasagawa sa mga bansa na multilinggwal ang mga tao, may mga isyung panglinggwistiko na kaugnay ng pagkakaroon ng varayti ng wika: paano nagkakaroon ng mga pangkat ng mga tao na may isang varayti ng wika na sinasalita? kailan sila nagkakaroon ng karaniwang varayting wika? Ang mga teo (isang neo-klasikal) (Toleffson,1991) ay nagbigay tepolohiya ng mga pangkat -wika batay sa mga katangiang estruktural ng mga varayti ng wika sa degri ng pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga varyasyong ito (Kelman,1971; Fishman,1968; Kolso,1968). Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga linggwist ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika (Saussure,1916) at "hindi kailanman pagkakatulad o uniformidad ng anumang wika," ayon kay Bloomfield (1918). Dala ito ng nagkakaibang pangkat na tao na may iba't ibang lugar na tinitirahan, ineteres, gawain, pinag-aralan at iba pa. Sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang mga gawain at tingkulin ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao (Roussean,1950). Ang mga pagkakaibang ito ng/sa wika ay nagbunga ng iba't ibang pagtingin, pananaw at atityud dito kaugnay ng di pagkakapantay-pantay ng wika pati ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon (Constantino,2000). Magsisilbing patnubay at pagtalakay na ilalahad sa papel na ito para sa mga propesor, estudyante, mananaliksik at ang mga nagpaplano ng wika sa edukasyon partikular sa varayti ng Filipino na ginagamit ngayon sa iba't ibang rehiyon ayon sa lugar ng taong nagsasalita (heograpiko) at ayon sa pangkat na kinabibilangan (sosyolek). | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 15 2.2.2.1 Kahulugan at uri ng varayti ng wika Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo- sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang particular na varyasyon o varayti ng wika. Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanente para sa mga tagapag salita / tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga varayting permanente ay diyalekto at idyolek. Ang diyalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension; espasyo, panahon at katayuang sosyal. Maihahalimbawa rito ang mga diyalekto ng Tagalog na ayon sa iba’t ibang lugar ng tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite, Tagalog-Mindoro, Tagalog-Rizal, at Tagalog-Palawan. Samantala idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakayahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas. Ayon parin kay Catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang. Ang pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika. Kasama rito ang register, mode at estilo. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa nito ay; siyentipikong register, panrelihiyong register, akademikong register at iba pa. Ang estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaaring formal, kolokyal at intemeyt o personal. Ang mode ay ang varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat. Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang varasyon ng wika sa pamamagitan ng: a.) mga taong bumubuo rito; b.) pakikipagkomunikasyun ng tao; c.) interaksyon ng mga tao; d.) sa mga katangian ng pananalita ng mga tao at; e.) sa sosyal na katangian ng mga tao. | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 16 2.2.2.2 Mga Teorya at Pananaw sa Varayti ng Wika Nasa kamalayan na ng mga pilosopo sa ika-18 siglo (Williams,1992) ang pagkakaroon ng mga uri o varayti ng wika na nakikita sa katayuang panlipunan ng isang indibidwal. Dito nagsimula ang mga pag-aaral sa varayti ng wika na naging bahagi ng larangan ng sosyolinggwistika. At sa pagdaan ng panahon, nagbunga ito ng mga teorya at kosepto kaugnay ng pagtuturo at pagkatuto ng wika. Nangunguna sa mga teoryang ito ang sosyolinggwistikong teaorya na batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech (Langue) ay pang-indibidwal. Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga ralasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito. Para naman kay Saussure (1915), ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat. Gayundin, makikita ang paghahalo ng mga varayti ng wika, diyalekto at register sa dalawang paraan: a) code switching o palit- koda at b) panghihiram. Sa palit koda, ang isang nagsasalita ay gumagamit ng iba’t ibang varayti ayon sa sitwasyon o okasyon, halimbawa nito ay ang mga usapan ng mga kabataan ngayon na nag- aaral sa mga koleheyo:” O, how sungit naman our teacher in Filipino. ” Hoy, na-gets mo ba sabi ko sa text ko?”” It’s so hard naman to make pila-pila here.” Ito ang tinatawag na conversational codeswitching kung saan ang nagsasalita ay gumagamit ng ibang varayti o code sa iisang pangungusap. Dito naghahalo ang ingles at Filipino. Mayroon ding palit-koda na sitwasyonal o ang pagbabago ng code ay depende sa pagbabago ng sitwasyon na kinalalagyan ng tagapagsalita. Isang magandang halimbawa nito ay ang pagbabago ng code ng konduktor ng bus patungong Bagiuo mula sa pakikipagusap niya sa mga pasahero na nagmula sa Metro Manila, Pampanga, Pangasinan, Tarlac at sa mga pasaherong galling Ilocos. Ginagamit niya ang mga wika ng taong galling sa lugar na sumakay sa bus. Ang panghihiram ay isa pang paraan kung saan nagkakahalo ang mga varayti. Sa paraang ito, ang isang salita o higit pa ay hinihiram mula sa isang varayti tungo sa isa pang varayti dahil walang katumbas ang mga ito sa varayting ginagamit ng nagsasalita. Tinatawag itong lexical borrowing. Halimbawa nito ay ang pangalan ng pagkain na narito ngayon sa bansa na may kulturang dala mula sa pinagmulan nito (cultural color) tulad ng hamburger, pizza, taco, French fries; mga salitang dala ng pagbabago sa teknolohiya tulad ng CD, computer, diskette, fax, internet, e-mail at iba pa. | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 17 Kaugnay pa rin ng sosyolinggwistikong teorya ang ideya ng pagiging heterogeneous ng wika o ang pagkakaroon ng ibat ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-okupasyunal o mapasosyal man ang anyong ito. Maidadagdag din sa pagkakaiba-iba ng anyo ng wika ang lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, political at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika. Ito ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga varayti ng wika tulad ng pagkakaroon ng Tagalog, Filipino, Ilonggo Filipino, Singapore English, Filipino English at iba pa. Tinatawag itong linggwistikong varayti ng wika. Mayroon ding varayti na ayon sa register o sosyal na kalagayan tulad ng Filipino ng mga nabibilang sa third sex, Filipino ng mga taong may iba’t ibang trabaho tulad ng mangingisda, magsasaka, mga taong- pabrika, maging ang mga taong may iba’t ibang dibersyon tulad ng mga sugarol, sabungero, mga namamahala ng huweteng at karera. Gayundin may mga filipino ng mga kolehiyala, filipino ng sosyal sayans, matematika, kemistri, at siyensiya na mga varayting pang- akademiko. Ang pagkakaroon ng ibat ibang varayti / register / anyo ng wika ay nagreresulta sa pananaw ng pagkakaroon ng herarkiya ng wika. Tinawag ito ni Bernstien (1972) na Deficit-Hypothesis, na batay sa mga obserbasyon niya sa mga nag-aaral sa elementarya sa ilang paaralan sa England. Nakita niya na may magkaibang- katangian ang wika ng mga Batang mula sa mahihirap na kalagayan. Nakita niya na may katangiang abstrak at nasusuri (elaborated code) ang wika ng una at detalyado at deskriptibo (restricted code) naman sa huli. Ang pananaw na ito ay hindi sinang-ayunan ni Labov (1972) sa dahilang nagbubunga ng pagtinging di pantay-pantay sa wika ang ganitong pagtingin. Itinakuyod niya ang konseptong varyabilidad ng wika (variability concept). Sa paniwala niya, natural na phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng varayti ng isang wika. At mahalagang tingnan nang pantay-pantay ang mga varayting ito – walang mababa, walang mataas. Ang paniwalang ito ay makabuluhan sa pagtuturo/pagkatuto ng Filipino kaugnay ng iba pang wika sa ibat’ ibang rehiyon. Kaugnay ng pananaw ng varyabilidad ng wika ang Teoryang Akomodasyon (Accommodation Theory) ni Howard Giles (1982). Kaugnay ito ng mga Teoryang nag-aaral/pagkatuto ng pangalawang wika sa linguistic convergence and linguistic divergence. Nakapokus ito sa mga tao ng kasangkot sa sitwasyong pangwika. Sa linguistic convergence, ipinapakita na sa interaksiyon ng mga tao, nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang halaga ang pakikiisa, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Sa kabilang | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 18 dako naman, linguistic divergence naman kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad. Mahalaga ang pananaw na ito sa pag-aaral ng varayting wikang Filipino lalo na kaugnay ng atityud sa paggamit ng inaakalang mas superior ng varayti kompara sa mas mababang varayti depende sa katayuan ng kanilang unang wika sa lipunan. Bahagi rin ng Teoryang Akomodasyon ang tinatawag na interference phenomenon at interlanguage na nakapokus sa mga wikang kasangkot. Ipinapakita ang pagkakaroon ng interference sa pagbuo ng mga varayti ng Filipino. Makikita ang impluwensiya ng unang wika sa pagsasalita ng Filipino sa kababayan natin sa iba’t ibang rehiyon. Tulad ng halimbawa cebuano Filipino ang mapapansin ang di-paggamit ng reduplikasyon o pag-uulit ng pantig sa salita. (Halimbawa: Magaling ako sa pagtuturo ng Filipino). Maibibigay ring halimbawa ang paggamit ng panlaping mag-kahit na dapat gamitin ng um- sa dahil ang walang um- na panlapi sa sebwano. Halimbawa: Magkain na tayo sa halip na Kumain na tayo. Ang interlanguage naman ang tinatawag na grammar o estruktura (mental grammar) ng wika na nabubuo o nakikintal sa isip ng tao sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Sa kalagayang ito nagkakaroon ng pagbabago sa grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas o pagbabago ng mga tuntunin sa wika. Halimbawa nito ang paglalagay natin ng mga panlapi sa mga salitang Ingles kahit na ito ay wala sa diksyunaryong Ingles sa ating pang-araw-araw na interaksyon tulad ng presidentiable, boarder, bed spacer, mailing. Gayundin, naririnig na mga salitang Turung-turo na ako, Sayaw na sayaw na ako na dati ay hindi tinanggap bilang pang-uri. Ang mga teorya, konsepto at pananaw na inilahad ay ilan lamang sa mga batayang teoritical sa pagtuturo/pag-aaral ng wika at sa pagtingin sa pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika (sa ating kalagayan, ng wikang Filipino).  Papel ng Filipino sa pagkakaroon ng magkakaibang wika sa bansa  Ano naman ang papel ng Filipino sa gitna ng magkakaibang wika sa bansa?  Kung ating babalikan ang kahulugan ang kahulugan ng Filipino aton sa KWF Resolusyon 96-1: "Ang Filipino ay katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at di katutubong wika at sa ebulosyon ng iba't ibang varayti ng wika para sa iba't ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 19 saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag..." Sa pagkakaroon ng kaalaman sa mga varayti ng wika, magkakaroon ng pagbabago sa ating atityud ng mga Filipino sa wikang Pambansa. Mabubuksan ang kamalayan ng bawat isa sa atin na mayroon pala tayong bahagi o papel sa pagpapaunlad ng Filipino. Magiging aktibo ang partisipasyon ng lahat sa gawaing ito at mas lalago at madedevelop ang isang varayti o sariling varayti ng wika kung madalas gagamitin at tatangkilikin ang Filipino ng iba't ibang tagapagsalita ng katutubong wika. Isang bagong larangan din ito, na kakikitaan ng mga paksa at gawaing kailangan saliksikin ng mga guro at mag-aaral sa anumang antas ng pag-aaral hindi lamang sa antas ng gradwado. Mula sa simpleng paglilista ng mga salita at diskurso, isagawa ang mas malalim na pagsusuri ng mga sinasalita at pasulat na anyo ng wika ng mga tao sa iba't ibang pangkat o grupo, sa iba't ibang lugar. Sa larangan naman ng pagtuturo, mahalaga ang pagkakaroon ng mga mag-aaral at gurong may malinaw na pananaw tungkol sa konsepto ng varayti at varyasyon ng wika. Sa gayon, makikita ng mga mag-aaral na bawat grupo, komunidad at rehiyon na gumagamit ng wika ay hindi iba o naiiba kundi kasali at kabahagi ng pambansang wika at kultura. Mawawala ang mababang pagtingin sa mga wika ng mga taong hindi kapangkat o karehiyon. Makikita rin ang kontribusyon ng iba't ibang wika ng bansa sa pagpapaunlad ng Filipino. Mayamang balon na mapagkukunan ang rehiyonal na wika ng mga kaalaman at datos sa kanilang etnolinggwistiko, sosyal at komunidad na kinabibilangan. Dala-dala ito ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa klase. At ibinabahagi nila ito sa mga interaksiyon na nagaganap sa klase. Nabibigyang halaga rin nila ang kanilang sari- sariling wika at kultura bilang bahagi ng pambansang wika at kultura. | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 20 Gawain 2 Tama o Mali. Basahing may pang-uanwa ang pahayag sa bawat aytem. Kung ang pahayag ay wasto, TAMA ang isulat. Kung ang pahayag ay hindi wasto, MALI ang isulat. Isulat sa laang patlang ang sagot at kopyahin ng buo pati ng pahayag. _____ 1. Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga linggwist hinggil sa pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika at hindi at “hindi kailanman sa pagkakatulad o uniformidad ng anumang wika’. _____ 2. Ayon kay Cafford (1965), may dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay pemanente para sa mga tagapagsalita / tagabasa at ang ikalawa ay dinamiko dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. _____ 3. Ang diyalekto at idyolek ay kabilang sa mga varayting permanente. _____ 4. Ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng particular na indibibwal. _____ 5. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. _____ 6. Ang etnolinggwistikong teorya ay batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech (langue) ay pang-indibidwal. _____ 7. Kaugnay pa rin ng etnolinggwistikong teorya ang ideya ng pagiging heterogeneous ng wika o ang pagkakaroon nb iba’t ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-okupasyunal o mapasosyal man ang anyong ito. _____ 8. Ang pagkakaroon ng varayti / register / anyo ng wika ay nagreresulta sa pananaw ng pagkakaroon ng kerarkiya ng wika (Deficit-Hypothesis ang tawag dito ni Bernstein (1972). _____ 9. Sa linguistic convergence, ipinapakita sa mga interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 21 pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. _____ 10. Sa kabilang dako naman, linguistic divergence naman kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad. 2.2.3 Rehistro at Mga Varayti ng Wika Ayon sa mga linggwista, ang rehistro ay simpleng varayti at/o baryasyon sa paggamit ng wika particular sa kontekstong panlipunan na gumagamit ng mga tiyak na salitang hindi madalas ginagamit sa ibang konteksto. Sa lalong madaling salita, ang rehistro ay kung paano inuunawa o binibigyang kahulugan ng isang larang ang isang particular na salita o termino. Halimbawa: Sa IT, Ang mouse ay nangangahulugang isang input device na ikinakabit sa kompyuter upang mapadali ang pagmanipula rito, ngunit sa pagsasaka ay isa itong maliit, mapanirang hayop kaya itinuturingna peste. Wika laban sa Diyalekto Wika Diyalekto  Mas malawak at malaki kaysa  Tinatawag ding wikain, lalawigan, sa diyalekto dayalek  Mas marami ang gumagamit  Varyant ng isang malaking wika kasya sa diyalekto  Mas maliit, limitado ang saklaw, mas  May cognate na kaunti ang gumagamit kaysa sa wika maiintindihan ng mayorya sa  Nakabatay sa heograpiya/maliit na bansa lugar  Walang mutual intelligibility  May mutual intelligibility  Wika ang Bicol, Tagalog,  May pagkakahawig ang Ispelling / Bisaya, Kapampangan, tunog ng mga salita Waray, Iloko / Ilokano  Stereotype  May punto kaysa sa iba | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 22  May pagkakaiba ang isang diyalekto sa kapa-diyalekto sa tatlong aspekto: pagbigkas, gramatika at bokabularyo  Wika ang Ingles subalit diyalekto ang British English, Scottish English at American English  Gayundin ang yaya English, Taglish, Inggalog, carabao English, Philippine English, kolehiyala English, bargirl English  Mauuri sa dalawa ang diyalekto: rehiyonal at sosyal  Rehiyonal na diyalekto: kung saan ka nanggaling  Sosyal na diyalekto: saan ka nabibilang  Madalas na pinagmumulan ng katatawanan at pagmamaliit.  Mauuri din sa tatlo: diyalektong heograpiko (espasyo), temporal (panahon) at sosyal (katayuan sa buhay) Diyalekto ang tawag sa pagkakaib-iba sa loob ng isang wika. Sosyolek laban sa Idyolek Sosyolek Idyolek  Varayti sa paggamit ng  Ang ikinatatanggi sa paraan ng pagsasalita wika na nag -iiba-iba ng isang tao. depende sa katayuan sa  Tumutukoy rin ito sa dalas ng paggamit/ lipunan. pagbanggit ng salita/ parirala/pahayag na ginagaya ng marami.  Varayting nabubuo batay  Varayti ng wikang kaugnay sa personal sa dimensyong sosyal, ibig kakanyahan ng isang tagapagsalita. sabihin nakabatay sa  Anumang pekyulyaridad sa paggamit ng pangkat-panlipunan wika  Halimbawa ay pangkat ng mga bata, bakla, preso, abogado, inhenyero, nars, doctor at iba pa. | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 23 Pidgin laban sa Creole Pidgin Creole  Varayti ng wika na  Dati ay Pidgin na napaunlad o nalinang nabuo/nabubuo dahil sa sapagkat inangkin ng isang lehitimong pangangailangan at grupo o pangkat. praktikalidad  Mas marami itong katutubong ispiker  Nangyayari ito sa kaysa Pidgin. pakikipagkalakalan sa hindi alam ang wika ng  Hindi na lamang ito wika ng “hilaw iba. napakikipagkalakalan’ kundi’y nagiging wika na ng isang pamayanang panlipuan.  Wala itong katutubong ispeker.  Kongretong halimbawa nito ang  Walang komplikadong Chavacano. gramatika at may limitadong talasalitaan.  Madalas na hango sa isang wika ag usapan at ang estruktura naman ay sa iba ring wika.  Halimbawa “Suki, ikaw bili tinda mura.” Speech Community laban sa Communicative Competence Speech Community Communicative Competence  Grupo ng mga taong hindi  Hindi na gamay ang paggamit sa isang kailangang gumagamit ng wika, naiitindihan naman kung anong mga iisang wika subalit may pag-uugali ang akma para dito. pinagsasaluhang mga istandard at tuntunin sa  Nakasalalay sa kakayahang ito ng pagpili paggamit ng wika kung ano ang sasabihin, gayundin kung paano at kalian ito sasabihin.  Halimbawa ay mga blogger sa Filipino, ang wika sa mga tabloid. | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 24 Bilang pagwawakas, isang paalala ang iniiwan ko sa inyo na huwag nating sayangin ang yaman ng wika na nasa pintuan na ng ating silid aralan. Huwag nating pabayaan na ang mga dayuhan pa ang tumuklas nito. Tayong mga nagtuturo at nag-aaral ng wika sa ating bansa ang magkusa at magsikap na pag-aralan ang pagkakaiba-iba ng wikang Filipino na sinasalita ng kasalukuyang henerasyon ayon sa lugar at pangkat na kinabibilangan. Makatutulong ito sa pagbuo na isang patakaran sa wika na angkop sa lahat ng mga Filipino. Gawain 3 Panuto: Gumawa ng komik istrip tungkol sa Sosyolek at Idyolek. Ipakita ang mga pagkakaiba nito. Magbigay ng halimbawa tungkol dito. Gumamit ng short bond paper sa paggawa ng komik istrip. Rubriks sa paggawa ng Komik Istrip Marka Pamantayan Nakuhang Marka 6 Nagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsulat ng diyalogo sa panayam. 6 Angkop o akma ang mga pangungusap na ginamit sa diyalogo. 4 Maganda at may buhay ang pagkakaguhit ng mga tauhan sa komik istrip. 4 Malinis at presentable ang komik istrip na ginawa. https://www.brainly.ph/rubriks-sa-paggawa-ng-komik-strip Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Lubos ang aking kasiyahan at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain. Ang galing mo, binabati kita! | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 25 2.3 Sanggunian Dela Peña, JM L., & Nucasa, W. P. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. https://www.google.com/search?q=classroom+caricature https://www.google.com/search? q=images+heroes+in+philippines&oq https://www.google.com/search?q=buwan+ng+wika&aqs https://www.google.com/search?q=teacher+caricature+images&oq https://www.google.com/search?q=emoticons+images&oq=emoticons&aqs https://www.brainly.ph/rubriks-sa-paggawa-ng-komik-strip 2.4 Pagkilala Ang mga larawan, talahanayan at impormasyon sa modyul na ito ay kinuha sa mga sanggunian na nakatala sa itaas.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser