EsP-10_Q1_Mod1-1 (2) PDF
Document Details
Tags
Summary
This document is a Filipino 10th Grade module on Moral Education titled "Edukasyon sa Pagpapakatao." It covers the 1st Quarter, Module 1, and includes sections on learning objectives, activities, and assessments. It aims to help students understand the importance of values and morals in their daily lives.
Full Transcript
10 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Unang Edisyon...
10 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jesabell Fe C. Lag-asan Editor: Annie Rose B. Cayasen, Ed.D. Tagasuri: Erlinda C. Quino-an, Ed.D. Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: May B. Eclar, Ph.D. Benilda M. Daytaca, Ed.D. Carmel F. Meris Ethielyn Taqued, Ed.D. Edgar H. Madlaing Rizalyn A. Guznian, Ed.D. Sonia D. Dupagan, Ed.D. Vicenta C. Danigos Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, LaTrinidad, Benguet Telefax: (074)-422-4074 E-mail Address: [email protected] 10 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Tunguhin ng Isip at Kilos-loob (Will)! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Tunguhin ng Isip at Kilos-loob (Will)! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. ii Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. iii Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! iv Alamin Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Ang saklaw ng araling napapaloob sa modyul na ito ay gagabay sa iyo upang makilala ang iyong mga kahinaan sa pagpapasiya at makagawa ng kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga kahinaang ito. Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto: 1.1 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (EsP10MP-Ia-1.1) 1.2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapapasiya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. (EsP10MP-Ia-1.2) 1 Subukin PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karaasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba sapagkat parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos. 3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama. 4. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa. 5. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa. 2 PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin ang titik ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel. HANAY A HANAY B 6. pagkakaroon ng malay sa pandama, a. memorya nakapagbubuod, at nakauunawa b. panloob na pandama 7. kakayahang makaramdam sa isang c. kamalayan karanasan at tumugon nang hindi d. imahinasyon dumadaan sa katwiran e. instinct 8. kakayahang lumikha ng larawan sa f. panlabas na sa isip at palawakin ito pandamdam 9. kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan 10.ito ang paningin, pandinig, pang- amoy, at panlasa PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang papel. 11. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro.” Ano ang nais iparating ng kasabihan? a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. b. Kamukha ng tao ang Diyos. c. Kapareho ng tao ang Diyos. d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos. 12. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob? a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya. b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan. c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay. d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay. 13. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama. a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin 3 14.Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin 15. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob. a. isip b. kilos-loob c. emosyon d. karunungan Balikan Natutunan mo noong ikaw ay nasa Baitang 7 at naging malinaw sa iyo na ang tao ay natatanging nilikhang nabubuhay sa mundo. Ano ba ang nagpapabukod- tangi sa tao sa ibang nilikhang may buhay upang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kaniya bilang tao? Sa kaniyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos, nagiging bukod-tangi ang tao. PANUTO: Upang ihanda ka sa ating aralin, ating balikan ang mga natutunan mo noong ikaw ay nasa Baitang 7. Sagutin ang gawain na may kinalaman sa nilikhang may buhay sa mundo. Magbahagi ng dalawang pagkakatulad at pagkakaiba ng tatlong nilalang na may buhay. HALAMAN HAYOP TAO Pagkakatulad Pagkakaiba 4 Tuklasin Gawain 1: PAGSUSURI SA LARAWAN PANUTO: Tunghayan at suriin ang larawan. Unawain at sagutan ang mga katanungan tungkol sa larawan. Isulat ang iyong mga kasagutan sa sagutang papel. TANONG TAO HAYOP 1. Ano ang mayroon ang bawat isa upang makita ang babala? 2.Ano ang kakayahang taglay ng bawat isa upang makita ang babala? 3.Ano ang inaasahang magiging tugon ng bawat isa sa babala? Mula sa iyong kasagutan sa itaas, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tao at hayop? 2. Paano kumilos ang hayop? Ang tao? 3. Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at aso? 5 Gawain 2: PAGSUSURI SA SITWASYON PANUTO: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Ipagpalagay mo na ikaw ay isa sa tauhan sa sitwasyon at sagutin ang katanungang: Ano ang gagawin mo sa pangyayari? Isulat ito sa sagutang papel. Sitwasyon 1 Sitwasyon 2 Masaya kang nakikipagkwentuhan sa Inanyayahan ka ng iyong kaklase sa iyong mga kibigan nang biglang kaarawan ng kaniyang pinsan. napunta ang usapan tungkol kay Sumama ka at nakipagkwentuhan sa Jenny. Ayon sa isa mong kaibigan, iba pang bisita. Sa kalagitnaan ng nakikipagrelasyon daw ito sa lalaking kwentuhan naglabas sila ng alak at may asawa. Kapitbahay mo si Jenny. pinipilit ka ng iyong kaklase na tikman ito. Sitwasyon 3 Hindi nagawa ng matalik mong kaibigan na si Peter ang inyong takdang aralin sa Math. Nais niyang kopyahin ang iyong gawain at inalok ka niya na ililibre ka niya ng pagkain kapag pinakopya mo siya. PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN 1 at 2 Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisi- (10) (8) (6)mula (4) Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang Pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag ang isaayos (60%) pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag (malaki ang (buo at pagpapa- (may kaunting kakulangan, maliwanag) liwanag) kamalian ang nagpapakita pagpapa- ng kaunting liwanag) kaalaman) 6 Suriin Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito. KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO I. PANGKAALAMANG PAKULTAD (Knowing Faculty) Dahil sa panlabas na pandama at dahil sa isip kaya’t ang tao ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran. DALAWANG KAKAYAHAN NG TAO a. Panlabas na pandama- ito ay ang paningin, pandinig, pang- amoy, at panlasa. Ang mga ito ay nagiging dahilan upang ang tao ay magkaroon ng direktang ugnayan sa reyalidad. Mga halimbawa: a. paningin- mata na ginagamit upang makita ang mga bagay sa ating paligid b. pang-amoy- ilong na ginagamit upang maka-amoy katulad ng amoy ng pabango o iba pang amoy sa ating paligid c. panlasa- dila na ginagamit upang makalasa ng mga pagkain d. pandinig- tainga na ginagamit upang makadinig ng iba’t-ibang klaseng tunog sa paligid b. Panloob na pandama- ito ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct. Kamalayan- pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa. Halimbawa: Mag-aaral ka ng mabuti dahil alam mo na malapit na ang final exam, may kamalayan ka sa iyong sarili na kailangan mong mag- aral dahil gusto mong makapasa sa pagsusulit. 7 Memorya- kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan Halimbawa: Naaalala mo na may takdang aralin kayo sa Edukasyon sa Pagpapakatao na ipapasa bukas. Imahinasyon- kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito. Halimbawa: Nakabubuo ka ng pangyayari sa iyong isip na ikaw ay nakarating ibang bansa at nagpatayo ng sarili mong negosyo. Instinct- kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran. Halimbawa: Naramdaman mong parang may sumusunod sa iyo habang naglalakad pauwi, dahil sa iyong instinct mabilis kang tumakbo. 8 Ipinakita ni Esteban ang ispiritwal at materyal na kalikasan ng tao gamit ang tsart na: ANG KABUUANG KALIKASAN NG TAO Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultad Materyal Panlabas na Pandama Emosyon (Katawan) Panloob na Pandama Ispiritwal Isip Kilos-loob (Kaluluwa, Rasyonal) Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kaniyang pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam. ISIP KILOS-LOOB a. may kakayahang magnilay o a. Pumili, magpasiya at Kakayahan magmuni-muni isakatuparan ang pinili b. nakauunawa b. Naaakit sa mabuti at c. may kakayahang Mag- lumalayo sa masama abstraksiyon d. makabubuo ng kahulugan at kabuluhan ang bagay a. humanap ng impormasiyon a. Malayang pumili ng Gamit at b. umisip at magnilay sa mga gustong isipin o gawin Tunguhin layunin at kahulugan ng b. Umasam maghanap. impormasiyon Mawili, humilig sa c. sumuri at alamin ang dahilan ng anumang nauunawaan pangyayari ng isip alamin ang mabuti at masama, c. Maging mapanagutan tama at mali, at ang katotohanan sa pagpili ng aksiyong makabubuti sa lahat May pagkakatulad ang hayop at tao. Una, sila ay parehong mga nilalang na may buhay. Ikalawa, may natatanging pangangailangan ang tao at hayop – ito ay ang pagmamahalan sa isa’t-isa. Ang pangatlo ay may kakayahan silang magparami. Ang tao ay may isip upang alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Tayo rin ay may puso upang makaramdam ng emosyon at kilos-loob na magpasiya at isakatuparan ang ating pinili. Ito ang dahilan kung bakit tayo natatangi at naiiba sa iba pang nilikhang may buhay. Ayon sa aklat, “Education ng Values” ni Esteban, ang isip ng tao ay may ispiritwal na kakayahan, ang “intellect at will”. 9 Makikita ang pagkakaiba ng intellect at will ayon sa tunguhin nito. TUNGUHIN INTELLECT (ISIP) WILL (KILOS-LOOB) Tungkulin (function) Mag-isip (to think) Isakilos (to act) Hangarin/Layunin(Purpose) Malaman (to know) Pumili (to choose) Kaganapan ng tao Ang katotohanan (truth) Kabutihan (goodness) Highest Human Fulfillment Karunungan(wisdom) Kabutihan bilang upang umunawa birtud (virtue) Pag-ibig (love) Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala ang ibang nilalang sa mundo. Ang kaniyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob. 10 Pagyamanin GAWAIN 3: KOMPLETUHIN! PANUTO: Mula sa naging talakayan, kumpletuhin ang mahalagang konsepto tungkol sa isip at kilos-loob. Piliin ang mga sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang papel. karunungan upang umunawa tungkulin kabutihan isakilos malaman kaganapan ng tao TUNGUHIN INTELLECT (ISIP) WILL (KILOS-LOOB) 1. Mag-isip (to think) 2. Hangarin/Layunin 3. Pumili (to choose) (Purpose) 4. Ang katotohanan (truth) 5. Highest Human 6. Kabutihan bilang birtud Fulfillment (virtue) Pag-ibig (love) 11 GAWAIN 4: IPANGATUWIRANAN MO! PANUTO: Suriin ang sitwasyon. Isulat ang iyong mga katuwiran sa naging pasiya mo kaugnay ng iyong pag-aaral at ang gagawing solusyon kaugnay nito sa speech balloon. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Maganda ang performance mo sa paaralan. Lagi kang kasama sa mga may honors. Subali’t mula nang nakilala mo at naging barkada mo si John na may hindi magandang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, naimpluwensyahan ka niya. Napabayaan mo ang iyong pag-aaral at nanganganib din ang iyong mga grado. Kinausap ka ng iyong ama, hiningi niya sa iyo na sabihin ang iyong katuwiran sa iyong naging pasiya at ang plano mong solusyon kaugnay nito. Ano ang iyong Ano ang iyong magiging katuwiran? solusyon? __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA (10) (8) (6) (4) Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang Pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag ang isaayos pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag (malaki ang (buo at pagpapaliwanag) (may kaunting kakulangan, maliwanag) kamalian ang nagpapakita pagpapaliwanag) ng kaunting kaalaman) 12 Isaisip GAWAIN 5: CROSSWORD PUZZLE PANUTO: Sagutin ang CROSSWORD PUZZLE. Isulat ang sagot sa sagutang papel. PAHALANG 1. ito ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at mag-abstraksyon 3. kakayahang pumili, magpasiya at isakatuparan ang pinili 5. pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa 7. kakayahang lumikha ng larawan sa isip PABABA 2. tumutukoy ito sa paningin, pandinig, pang-amoy, at panlasa 4. sakop nito ang kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct 6. kakayahang alaalahanin ang nakaraan 8. kakayahang makaramdam at tumugon nang hindi dumadaan sa katuwiran 13 Isagawa GAWAIN 6: ANG AKING KAHINAAN! PANUTO: Magsulat ng apat mong kahinaan tungkol sa pagpapasiya. Sa tapat nito, magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas mapabuti mo ang iyong pagpapasiya. ANG AKING KAHINAAN MGA PARAAN UPANG MAS MAPABUTI ANG AKING PAGPAPASIYA a. a. b. b. c. c. d. d. PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA (10) (8) (6) (4) Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang Pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag ang isaayos at pagpapaliwanag at nakapagtala pagpapaliwanag nakapagtala at nakapagtala ng tatlong at nakapagtala lamang ng ng apat na kahinaan ng dalawang isang kahinaan (buo (katamtamang kahinaan (may kahinaan at maliwanag) pagpapaliwanag) kaunting (malaki ang kamalian ang kakulangan) pagpapaliwanag) 14 Tayahin GAWAIN 7: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos. 3. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa. 4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 5. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa. 15 PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin ang TITIK ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel. HANAY A HANAY B 6. pagkakaroon ng malay sa pandama, a. kamalayan nakapagbubuod, at nakauunawa b. instinct 7. kakayahang makaramdam sa isang c. panloob na pandama karanasan at tumugon nang hindi d. memorya dumadaan sa katwiran e. imahinasyon 8. kakayahang lumikha ng larawan sa f. panlabas na sa isip at palawakin ito pandamdam 9. kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan 10.ito ang paningin, pandinig, pang- amoy, at panlasa 16 PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang papel. 11. Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan? a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. b. Kamukha ng tao ang Diyos. c. Kapareho ng tao ang Diyos. d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos. 12. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob? a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya. b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan. c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay. d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay. 13. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama. a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin 14.Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin 15. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob. a. isip b. kilos-loob c. emosyon d. karunungan 17 Karagdagang Gawain GAWAIN 8: ANG AKING GAMPANIN PANUTO: Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo sa iyong pamilya, paaralan, at pamayanan upang maisabuhay mo ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob? Isulat ito sa sagutang papel. 1. pamilya? a. Isip-____________________________________________ ________________________________________________ b. Kilos-loob-_______________________________________ ______________________________________________ __ 2. paaralan? c. Isip-____________________________________________ ________________________________________________ d. Kilos-loob-_______________________________________ ________________________________________________ 3. pamayanan? e. Isip-____________________________________________ ________________________________________________ f. Kilos-loob-_______________________________________ ________________________________________________ Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA (10) (8) (6) (4) Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang Pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag ang isaayos (60%) pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag (malaki ang (buo at pagpapaliwanag) (may kaunting kakulangan, maliwanag) kamalian ang nagpapakita pagpapaliwanag) ng kaunting kaalaman) 18 19 Subukin Pagyamanin Tayahin 1. TAMA Gawain 3 1. TAMA 2. MALI 1. tungkulin 2. MALI 3. TAMA 2. isakilos 3. MALI 4. MALI 3. malaman 4. TAMA 5. TAMA 4. Kaganapan ng tao 5. MALI 6. c 5. kabutihan 6. a 7. e 6. Karunungan upang 7. b 8. d umunawa 8. e 9. a 10. f 9. d 11. a Isaisap 10. f 12. b Gawain 5 11. a 13. a 1. isip 12. b 14. b 2. panlabas na pandamdam 13. a 15. d 3. kilos-loob 14. b 4. panloob na pandama 15. d 5. kamalayan 6. memorya 7. imahinasyon 8. instinct Susi sa Pagwawasto Sanggunian Mga Aklat Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing Corporation Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Paglalakbay ng May Mabuting Asal Edukasyon sa Pagpapakatao ni Giselle Mendoza, KLEAFS Publishing Inc., Block 609 Lot 3 Phase Heritage Homes Loma de Gato Marilao, Bulacan Mula sa Internet https://www/scribd.com/document/Esp10-modyul2 https://www/coursehero.com.esp10mataasnagamitattunguhinngisipatkilosloob https://www/slideshareapp.c 20 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]