GEE-KKF Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
Document Details
Uploaded by ValiantMoscovium
RHD/CTU-CVM Barili Campus
Tags
Summary
This document provides an overview of Contextualized Filipino Communication (GEE-KKF) course. It discusses the course description, topics, and learning objectives. The course focuses on Filipino communication in various contexts, emphasizing practical skills and the use of Filipino for communication.
Full Transcript
GEE-KKF Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino Deskripsyon ng Kurso Ang kursong kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstuwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino...
GEE-KKF Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino Deskripsyon ng Kurso Ang kursong kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstuwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrong kasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan. Paksa: Mga Batayang Kaalaman sa Wika Nilalayong Bunga ng Pagkatuto Natutukoy ang iba’t ibang katuturan at kahalagahan ng wika; Nasusuri ang mga kalikasan ng wika bilang instrumento sa komunikasyon; at Nakikilala ang bawat antas ng wika. Aktibiti: BALIK-TANAW WIKA Kuwentuhan Tayo! Ano ang karanasang hindi mo malilimutan sa paggamit ng wika? Ikuwento sa harap ng klase ang naging karanasan mo. Pagkatapos, pakinggan naman ang kanilang kuwento. Tiyaking hindi lalampas sa dalawang minuto para makapagkuwento rin ang iba mong kaklase. KAHULUGAN NG WIKA Ano ang Wika? - Ito ay nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila. - Isang sistemang gamit sa komunikasyon na binubuo ng mga simbolo o letra at mga panuntunan sa balarila. Iba pang kahulugan ng wika : - Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura. - Ayonkay Bernales, ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. - Ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan. ―Dr. Erlinda Mangahis (2005) - Siya ay naniniwala na ang wika ay binubuo ng mga simbolo na naghahatid ng kahulugan. Binubuo rin ito ng mga patakaran at pinagsama-samang mga simbolo na makakabuo nang walang katapusan at iba’t ibang mensahe.―Wayne Weiten - Ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. ―Dr. Pamela Constantino Binanggit ng Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si Bienvenido Lumbera (2007) na parang hininga ang wika. - ibig sabihin gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin. Ayon kay Alfred North Whitehead, isang edukador at pilosopong Ingles nananiniwalang ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugalian ng lahing lumikha nito. Ito ay salamin ng lahi at kanyang katauhan. Richard Hudson - Ayon sa kaniya, ang wika ay nakasalalay sa mga karanasan na pangyayaring natatangi sa isang nilalang. Bakit mahalaga ang Wika? 1. Instrumento ng Komunikasyon - Hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa wika, sapat na ang nagkakaunawaan gamit ang wika 2. Nagbubuklod ng bansa - Wika ang naging dahilan upang magkaisa ang mga tao , umunlad at makamit ang kalayaan 3. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip -Nagpapalawak ng ating imahinasyon at nagpapakita ng emosyon. 4. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman - Ang mga nakaimbak na karunungan at kaalaman ay nagagawang magpasalin-salin sa mga sumusunod na henerasyon. Mga Katangian ng Wika 1. Ang wika ay masistemang balangkas - Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan para makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at diskurso. 2. Ang wika ay sinasalitang tunog - Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis sa paraan ng mga iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita o speech organs. 3. Ang wika ay arbitraryo - Isinasaayos ang mga piling tunog sa paraang pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito. - May mga salita sa isang lugar na iba ang kahulugan sa ibang bahagi ng bansa. Maging sa pagbigkas at sa kabuuan ng salita ay nagbabago rin. 4. Ang wika ay komunikasyon - Ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao. Sa ganitong paraan, maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin, at pangangailangan ng tao. 5. Ang wika ay pantao - Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao nga sila mismong lumikha at sila rin ang gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasan. 6. Ang wika ay dinamiko -Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya. 7. Ang wika ay kaugnay ng kultura -Taglay nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan nito. Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian at paniniwala ng mamamayan ang bumubuo ng kultura. 8. Ang wika ay ginagamit -Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting mawawala ito kapag hindi ginagamit. 9. Ang wika ay natatangi -May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walang dalawang wika na magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may sariling set ng mga bahagi. 10. Ang wika ay malikhain -Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap. Aktibiti: Panuto: Punan ang nawawalang letra upang mabuo ang tamang salita base sa kahulugang ibinigay. K_l_k_al Ito ay mga impormal na salita na ginagamit natin sa pang araw-araw na pina-iiksi ang mga salita o grupo ng mga salita. Kolokyal ba_ba_ Sa Ingles ito ay tinatawag na slang. balbal P_m_an_a Antas ng wika na ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan Pambansa Pa_la_a_ig_n Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Panlalawigan P_mpa_it__an Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Pampanitikan Mga Antas ng Wika - Ang antas ng wika ay tumutukoy sa iba’t ibang lebel ng pormalidad at gamit ng wika sa iba’t ibang konteksto at sitwasyon. Nahahati ang antas ng wika sa kategoryang : Pormal at Di-Pormal - Sa bawat kategorya, napapaloob ang mga antas ng wika. A. Pormal Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakakarami lalo nang nakapag-aral ng wika. Ito ay nahahati sa dalawang kategorya: Pambansa at Pampanitikan. Pambansa – mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan, pamahalaan at iba pang sentro ng sibilisasyon. Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan Ang ganitong uri ng wika ay di maituturing na dalisay. Halimbawa: Mag-shopping tayo sa mall Its so hot talaga Pampanitikan – mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan, mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining Halimbawa: kabiyak ng dibdib bunga ng pag-ibig ilaw ng tahanan malikot ang kamay B. Impormal Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang araw- araw na madalas natin gamitin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kakilala. Ito naman ay nahahati sa tatlo: Lalawiganin, kolokyal at balbal. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng Halimbawa: mga tao sa Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) particular na pook Nakain ka na? (Kumain ka na?) o lalawigan, Buang! (Baliw!) makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Kolokyal – mga pang araw-araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal at maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang mga pagpapaikli ng isa, dalawa o mahigit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito. Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan (kailan), meron (mayroon) Balbal – tinatawag sa ingles na slang, sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes Ito ay salitang kalye o pinakamababang uri wikang ginagamit ng tao, nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan Mga Halimbawa ng balbal: lespu (pulis) chibog (pagkain) Pinoy (Pilipino) epal (mapapel) Chicks (dalagang bata pa) istokwa (naglayas) Maraming Salamat sa Pakikinig!