M2_TEKSTONG DESKRIPTIBO PDF Tagalog Notes

Document Details

Uploaded by Deleted User

Jocel G. Decoreña

Tags

Tagalog Descriptive Writing Literary Analysis Language Arts

Summary

These notes provide a breakdown of descriptive text in Tagalog, with examples and discussions on elements of construction and techniques. The text helps understand how to effectively convey description in various forms of writing.

Full Transcript

MAGANDANG BUHAY! Bb. Jocel G. Decoreña TEKSTONG DESKRIPTIBO MGA INAASAHANG BUNGA a. Makakuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong naratibong isinulat; b. Makasulat ng ilang halimbawa ng tekstong deskriptibo; at c. Magamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling t...

MAGANDANG BUHAY! Bb. Jocel G. Decoreña TEKSTONG DESKRIPTIBO MGA INAASAHANG BUNGA a. Makakuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong naratibong isinulat; b. Makasulat ng ilang halimbawa ng tekstong deskriptibo; at c. Magamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling tekstong deskriptibo TEKSTONG DESKRIPTIBO maihahalintulad sa isang larawang ipininta o orihinal na pinagmulan ng larawan salita ang ginagamit ng mga manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo. epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy maririnig, malalasahan o mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit na sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito. GAMIT ANG COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL SA PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL 1. REPERENSYA - gamit ng mga salitang maaring tumutukoy o maging reperensya ng paksang pinag-uusapan. Anapora - (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano at sino pang tinutukoy) Katapora - (kung nauna ang panghalip at malalaman lamang kung sino o ano ang tinutukoy) 2. SUBSTITUSYON - Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. 3. ELLIPSIS - May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap. 4. PANG-UGNAY - Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala at pangungusap sa pangungusap. 5. KOHESYONG LEKSIKAL - Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ng kohesyon. 5. KOHESYONG LEKSIKAL A. REITERASYON - Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses. 1. PAG-UULIT O REPETISYON 2. PAG-IISA-ISA 3. PAGBIBIGAY-KAHULUGAN B. KOLOKASYON - salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t-isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. ILANG TEKSTONG DESKRIPTIBONG BAHAGI NG IBA PANG TEKSTO PAGLALARAWAN SA TAUHAN Sa paglalarawan ng tauhan,hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang paglalarawan dito. PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN AT EMOSYON bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito’y ang kanyang damdamin o emosyong taglay. PAGSASAAD SA AKTUWAL NA NARARANASAN NG TAUHAN nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong taglay. PAGGAMIT NG DIYALOGO O INIISIP sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon o damdaming taglay niya. PAGSASAAD SA GINAWA NG TAUHAN Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan, minsa’y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan. PAGGAMIT NG TAYUTAY O MATATALINGHAGANG MGA SALITA Ang mga tayutay at matatalinghagang pananalita ay hindi lang nagagamit sa pagbibigay rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa. PAGLALARAWAN SA TAGPUAN Maaaring ilarawan ang tagpuan sa pamamagitan ng pagkilos ng tauhan sa kapaligirang ito. PAGLALARAWAN SA ISANG MAHALAGANG BAGAY sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito. Dapat mailahad kung saa nagmula ang bagay na ito. Kailangan ding mailarawan ito ng mabuti upang halos madama na ng mambabasa ang itsura, anyo, bigat, lasa, tunog at iba pang katangian nito. MARAMING SALAMAT! Bb. Jocel G. Decoreña

Use Quizgecko on...
Browser
Browser