Mga Uri ng Pang-uri (Types of Adjectives) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides a lesson on different types of adjectives in Tagalog. It explains descriptive adjectives, describing size, color, and shape. It also covers proper, numeral, and other types of adjectives, illustrating with examples.
Full Transcript
## MGA URI NG PANG-URI (Types of Adjectives) - Pang-uri (adjective) - ay salita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan (noun) o panghalip (pronoun). - Ito ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang pangngalan (tao, bagay, hayop, lugar, atbp.) o panghalip sa pangungusap...
## MGA URI NG PANG-URI (Types of Adjectives) - Pang-uri (adjective) - ay salita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan (noun) o panghalip (pronoun). - Ito ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang pangngalan (tao, bagay, hayop, lugar, atbp.) o panghalip sa pangungusap. ### Uri ng Pang-uri: 1. **Pang-uring Panlarawan (Descriptive Adjective)** - Ito ay nagsasaad ng laki, kulay, at hugis ng tao, bagay, hayop, lugar, at iba pang pangngalan. - Maaaring ilarawan din ang anyo, amoy, tunog, yari, at lasa ng bagay. - Ang mga pang-uring panlarawan ay karaniwang nagsasaad ng mga katangian na napupuna gamit ang limang pandama (five senses). - Nailalarawan din ng mga pang-uring panlarawan ang mga katangian ng ugali, asal, o pakiramdam ng tao o hayop. **Mga Halimbawa (may salungguhit ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uri):** - Tanggapin mo sana ang aking _munting_ regalo. - Minasdan ni Maria ang kanyang sarili sa _salamin na biluhaba_. - Si Delia ang _babaeng nakasuot ng pulang bestida_. - Kailangan nating palitan ito ng _bakal na tubo_. 2. **Pang-uring Pantangi (Proper Adjective)** - Ang pang-uring pantangi ay binubuo ng isang pangngalang pambalana (common noun) at isang pangngalang pantangi (proper noun). - Ang pangngalang pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana. **Mga Halimbawa:** - Ang pasalubong ni Tatay sa atin ay _masarap na longganisang Lucban_. - Paborito ni Ate Trisha ang _pansit Malabon_. - Mahilig si Henry sa _pizza at iba pang pagkaing Italyano_. 3. **Pang-uring Pamilang (Numeral Adjective)** - Ang pang-uring pamilang ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunod-sunod ng pangngalan. - May ilang uri ng mga pang-uring pamilang. **Mga Uri ng Pang-uring Pamilang** - **a. Patakaran o Patakarang Pamilang** - Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang o numeral. **Mga halimbawa ng patakarang pamilang (may salungguhit ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uri):** - Mayroong _isang_ lalaki na kumakatok sa pinto. - Sina Mike at Grace ay may _apat_ na anak. - Bumili ako ng _limang_ itlog sa tindahan. - **b. Panunuran o Panunurang pamilang** - Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-sunod ng mga tao o bagay. - Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao o bagay. **Mga halimbawa ng panunurang pamilang (may salungguhit ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uri):** - Ako ang _ikatlong_ mag-aaral na napiling lumahok sa paligsahan. - Nakamit ni Jason ay _unang_ gantimpala sa paligsahan sa pagguhit. - Ito ang _pangalawang_ pagkakataon na ibibigay sa iyo ng hukom. - **c. Pamahagi o Pamahaging Pamilang** - Ito ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng pangngalan. - Ang unlaping _tig-_ ay nagsasaad ng pantay na pamamahagi (equal distribution). - Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o natanggap ay pare-pareho. - Maaari rin na may anyong bahagimbilang o hating-bilang (fraction sa Ingles) ang pamahaging pamilang. - Ginagamit din ang salitang bahagdan, persentahe, o porsiyento pagkatapos ng bilang para sa bahagi ng **Mga halimbawa ng pamahaging pamilang (may salungguhit ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uri):** - _Tiglilimang_ kendi ang ibibigay sa mga bata. - Ang mga mag-aaral ay kumuha ng _tigalawang_ lapis. - _Kalahating_ mangkok ng kanin lang ang kinain ni Carlo. - Gumamit ako ng _sangkapat_ na tasa ng mantika sa pagluto. - **d. Pahalaga o Pahalagang Pamilang** - Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o anumang binili o bibilhin. **Mga halimbawa ng pahalagang pamilang (may salungguhit ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uri):** - Ibinigay ng batang pulubi ang _pisong_ kendi sa kanyang kapatid. - Nabenta na ang _tatlong milyong_ pisong bahay at lupa sa Mandaluyong. - Nakatanggap ako ng _sandaang_ pisong load kahapon. - **e. Palansak o Palansak na Pamilang** - Ito ay nagsasaad ng pagpapang-pangkat ng mga tao o bagay. - Itinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama. - Halimbawa, ang palansak na pamilang na _dala-dalawa_ ay may kahulugan sa Ingles na "by twos", "in pairs" o "in groups of two." **Mga halimbawa ng palansak na pamilang (may salungguhit ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uri):** - _Sampu-sampu_ ang tao na nagsisidagsaan sa mga evacuation center. - _Dala-dalawang_ pakete ng kape ang ibinebenta sa tindahan. - _Dalawahan_ ang mga upuan sa bus na ito.