Kabanata I: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa (Kabanata I, PDF)

Document Details

Don Honorio Ventura State University

Valderama, Bryan G.

Tags

Wikang Pambansa edukasyon sa Pilipinas kasaysayan ng wikang Filipino edukasyon

Summary

This document is about the promotion of the national language in higher education levels and beyond. It discusses the history of the national language in the Philippines and the role of Don Honorio Ventura State University in this context. The document details historical events and initiatives concerning the national language in the Philippines.

Full Transcript

**Kabanata I**: **ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NG ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA** **PAGBABALIK-ARAL** **Kasaysayan ng Wikang Pambansa** Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging **Pa...

**Kabanata I**: **ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NG ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA** **PAGBABALIK-ARAL** **Kasaysayan ng Wikang Pambansa** Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging **Pangulong Manuel Luis M. Quezon**, ang tinaguriang **\"Ama ng Wikang Pambansa.\"** Noong 1934, isang Kumbensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipakilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito'y napapaloob sa **Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.** ***\"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin*** ***tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa*** ***umiiral na katutubong mga wika. Samantalang hindi pa itinatadhana ng*** ***batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal.\"*** Naitatag ang **Surian ng Wikang Pambansa**, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba't ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito'y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong **Disyembre 30, 1937**, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog. **Ang sumusunod ay iba't ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa** **pagkasulong ng ating wika:** **Nobyembre 7, 1936-** Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng **Surian ng Wikang Pambansa** na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa. **Disyembre 30, 1937 -** Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. **Abril 1, 1940 -** Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940. **Hunyo 7, 1940** - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. **Marso 26, 1954 -** Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon. **Agosto 12, 1959-** Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin. **Oktubre 24, 1967-** Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay ay panganlan sa Pilipino. **Marso, 1968 -** Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino. **Agosto 7, 1973-** Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974\--75. **Hunyo 19, 1974 -** Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at Pamantasan. **Agosto 25, 1987 -** Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura. **Panimula** **Bakit inaalis/inalis ang FILIPINO sa *NEW GENERAL EDUCATION CURRICULUM*(*NGEC*) ng bansa?** Mahaba at masalimuot ang pakikibaka para sa wika at bayan. Nitong mga nakalipas na panahon, ang pakikibakang ito ay lalo pang umigting at umiigting (Bernales, et al., 2019) **A. Ang Pakikipaglaban para sa Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon: Ang Papel ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino ( Tanggol Wika) at Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)** **PSLLF at Tanggol Wika-** magkabalikat sa paggigiit na manatili ang Filipino bilang sabjek at bilang wikang panturo sa antas tersyarya. **Taong 2013** -- sa taong ito sinimulang ipaglaban ng mga iskolar, guro, mag-aaral at mga nagmamahal sa wikang Filipino sa pangunguna ng **Tanggol Wika** ang pananatili ng **Filipino** bilang asignatura sa antas kolehiyo. **1. Mga Kaganapan sa Pakikipaglaban ng Wikang Filipino** - CHED MEMO ORDER (CMO) Blg. 20, Serye 2013 -- sa bisa nito wala na ang Filipino bilang sabjek sa Kolehiyo - Kom. Patricia Licuanan -- ang lumagda sa CMO, na noo'y Punong Komisyoner ng CHED **MGA ASIGNATURANG MANANATILING ITUTURO SA KOLEHIYO (2018-2019, simula ng pagtuturo ng mga ito)** Pag-unawa sa Sarili /*Understanding the Self* Pagpapahalaga sa Sining / *Art Appreciation* ------------------------------------------------------------------------------------- ----------------------------------------------------------------------- Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas / *Readings in Philippine History* Siyensiya, Teknolohiya at Lipunan / *Science, Technology and Society* Ang Kasalukuyang Daigdig / *The Contemporary World* Malayuning Komunikasyon / *Purposive Communication* Matematika sa Bagong Daigdig / *Mathematics in the Modern World* Etika / *Ethics* **Mga Unibersidad at Institusyong Pangwika na Naglabas ng Resolusyon** PSLLF National Teacher's College ----------------------------------- ------------------------------------------------------------- Pamantasang De La Salle-Maynila Mindanao State University -- Iligan Institute of Technology Unibersidad ng Pilipinas - Manila KATAGA Unibersidad ng Santo Tomas Technological University of the Philippines FEU League of Filipino Students SAN BEDA COLLEGE Alliance of Concerned Teachers ANAKBAYAN National Commission for Culture and the Arts **2. Mga Paninindigan ng PSLLF ng Pananatili ng Filipino sa Antas Kolehiyo** **4. Mga Panawagan ng TANGGOL WIKA** a\. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong *General Education Curriculum (GEC)* sa kolehiyo; b\. Rebisahin ng CHEd Memo Order 20, Series of 2013; c\. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba't ibang asignatura; at d\. Isulong ang makabayang edukasyon. **Abril 15, 2015 -- sa pangunguna ni Dr. BIENVENIDO LUMBERA at ng mahigit 100 na mga propesor at iskolar -** Isang malaking bigwas ang ginawang hakbang ng Tanggol Wika na sinuportahan ng mga propesor, at iskolar mula sa iba't ibang unibersidad nang magsampa sila ng iba't ibang kaso sa Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema sa bansa. Maliban pa sa mga kilos-protesta, **nagpapirma rin ng petisyon ang Tanggol Wika**na nilagdaan ng humigit-kumulang **700,000** na mag-aaral, guro, iskolar at nagmamahal sa wikang Filipino mula sa iba't ibang unibersidad at sektor ng lipunan **Abril 21, 2015**- naglabas ang Korte Suprema ng **Temporary Restraining Order**. Kinatigan ng nasabing hukuman ang mga argumentong nakatala sa nasabing petisyon. **2018** - tatlong taon matapos mailabas at maipatupad ang TRO laban sa CMO Bilang 20, Serye 2013 ay tinanggal na ito ng Korte Suprema at tuluyan nang binura ang asignaturang Filipino at Panitikan sa antas kolehiyo. Sa artikulong ***Supreme Court Declares K to 12 Program Constitutional*** ni Mike Navallo ay ganito **Tanggol Wika** -- nanawagan sa bawat unibersidad sa Pilipinas na lumikha ng mga asignatura sa Filipino -- batay sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay-laya pa rin sa mga unibersidad na magdagdag ng mga asignatura gaya ng Filipino habang wala pa ang pinal na desisyon ng Korte Suprema tungkol sa ***motion for reconsideration***na isinampa noong **Nobyembre 2018**. **B. Kahalagahan ng Filipino Bilang Disiplina at Wika ng Edukasyon at Komunikasyon sa Pilipinas** **Panimula** Lubhang malayo na ang narating ng wikang pambansa, ang Filipino, mula nang ito ay kilalanin bilang wikang Pambansa, wika ng komunikasyon at edukasyon ng Pilipinas na nasasaad sa 1987 Konstitusyon o Saligang Batas ng bansa. Hindi rin lingid sa lahat ang katotohanang maraming pinagdaanang suliranin ang Filipino bilang isang wikang akademiko tulad ng patingin ng mababa sa kakayahan nito at sa kakulangan/kawalan ng *political will* sa pagpapaunlad nito. **1. Mga Pag-aaral sa Kakayahan ng Filipino bilang Disiplina at Wika ng Edukasyon** **UP-DILIMAN (1968-1969)** - Sinimulang gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo - Nagsimula bilang eksperimento sa kolehiyo ng Sining at Agham (Departamento ng Pilosopiya, Sosyolohiya, Kasaysayan) - Napatunayan na higit na nakauunawa ang mga mag-aaral ng kanilang mga pinag- aaralan, madali man o malalim na konsepto - Napatunayan sa isinagawang eksperimento na higit na epektibo ang pagtuturo ng Agham-Panlipunan gamit ang wikang Filipino sapagkat higit na nagkakaunawaan ang mga mag-aaral at guro (Tiamson-Rubin, 1993: mula sa Bernales, et al., 2019) **Pamantasang De La Salle- Maynila** - Dr. Emerita S. Quito -- pinangunahan nito ang pagsasa-Filipino ng pagtuturo ng Pilosopiya bunsod na isang pangyayari noong magpunta siya sa Vienna taong 1962. **Ateneo De Manila** - Padre Roque Ferriols, S.J (Society of Jesus) -- siya ang nanguna sa pagtuturo ng Pilosopiya gamit ang wikang Filipino sa naturang pamantasan. - Nakapaglathala din siya ng mga babasahin sa Pilosopiya na nasusulat sa wikang Filipino. **2. Ilang Mahahalagang Argumento Kung Bakit Dapat Manatili ang Filipino Bilang Wika ng Edukasyon At Asignatura Sa Kolehiyo at sa Mas Mataas na Antas (San Juan, 2018)** a\. Ang FILIPINO ay DISIPLINA, ASIGNATURA, bukod na LARANGAN NG PAG-AARAL at hindi simpleng WIKANG PANTURO lamang. b\. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro ito at linangin din ito bilang asignatura. c\. Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang asignatura, bukod pa sa pagiging wikang panturo nito. d\. Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino -- at may potensyal itong maging nangungunang wikang global -- kaya lalong dapat itong pag-aralan sa Pilipinas. e\. Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21. f\. Hindi PINAUNLAD, hindi NAPAUNLAD at hindi MAPAPAUNLAD ng pagsandig sa WIKANG DAYUHAN ang EKONOMIYA ng bansa. **Sanggunian** Tanalgo C.T, 2022, KonKomFil. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl CAPSU- Main \| 5 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino -- KONKOM -- CAS DHVSU/MAIN **PAGSASANAY \#1** Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Pangkat:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Marka:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 1. Magbigay ng isang dahilan bakit mahalaga ang Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ipaliwanag ang mga ito. Ipaliwanag gamit ang limang pangungusap. 2. Sa pamamagitan ng isang saknong (one stanza) na tula. Ibigay ang kahulugan ng salitang "Wikang Filipino". 3. Sa pamamagitan ng *matrix* ipaliwanag ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa. **Kabanata 2:** **MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO** **PANIMULA** ESENSYAL ang kakayahan sa mahusay na komunikasyon para sa lahat ng tao. Mahalaga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. Mahalaga ito maging sa mga ordinaryong mamamayan at higit itong mahalaga sa mga propesyunal sa pagganap sa kanilang trabaho. Dahil sa halagang ito ng komunikasyon, kinakailangang maging mahusay ang bawat isa sa lahat ng pagkakataong siya'y nasasangkot sa mga komunikatibong sitwasyon (Bernales, *et al.,* 2016). **A. BALIK-ARAL: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON** **1. Kahulugan ng KOMUNIKASYON** **Panimula** Komunikasyon -- isang gawaing kinakaharap araw-araw ng bawat isa magmula sa pagsilang hanggang sa pananatili sa mundo, nagaganap ang pakikipagkomunikasyon **ETIMOLOHIYA NG SALITA** **Komunikasyon** -- komunikasyon ay hango sa salitang Latin na "communis", ang salitang "komunikasyon" naman ay hango sa Kastila, at naging panumbas sa Tagalog ang katawagang pakikipagtalastasan. Ang communis ay nangangahulugang panlahat o para sa lahat. Ayon sa aklat nina Bernales, et al (2016)., narito ang ilang pagpapakahulugan sa komunikasyon batay sa mga sumusunod na eksperto: **Louis Allen (1958)** - Ang KOMUNIKASYON ay kabuuang ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng patuloy na pakikipag-usap, pakikinig at pag-unawa. **Keith Davis (1967)** - Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa. **Newman at Summer (1977)** - Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon, ideya, opinyon, o maging opinyon ng mga kalahok sa proseso. **Birvenu (1987)** - Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman, paniniwala at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang. **Keyton (2011)** - Ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito. **2. MGA DAHILAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO** **(Adler, et al., 2010: mula kay Bernales, et al., 2019)** **a. Pangangailangan upang makilala ang sarili** \- komunikasyon -- malaking tulong upang mahubog ang pagkatao **b. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo** **-** bukod pa daan ang komunikasyon upang ganap na makilala ang sarili ng isang tao, nagsisilbi rin itong daluyan upang matagpuan nito ang mga bagay na may kaugnayan sa kanyang buhay sa hinaharap. **c. Pangangailangang praktikal** \- maaaring hindi magawa o maisakatuparan ang iba't ibang bagay kung walang komunikasyon gaya lamang ng simpleng paghahanap sa isang lugar na hindi mo pa napundtahan at iba pa. **3. KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON** 1. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa kapwa, mas lalo tayong nagkakaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan. 2. Ito ang ginagamit ng tao upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa mga suliraning panlipunan at maipaabot sa kinauukulan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan. 3. Ito ang paraan natin upang makipag-ugnayan sa ibang tao, para tayo ay magkaunawaan at magkaintindihan. 4. Sa pamamagitan ng komunikasyon natutugunan at nagagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay. 5. Nalilinang ang kakayahang makipag-uganayan at makipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao. 6. Isa itong paraan upang mas maunawaan at maintindihan natin ang pananaw at opinyon ng ibang tao. 7. Upang maipahayag, maihatid at maibigay ang impormasyon sa mabisang paraan. **B. MGA TIPO, ELEMENTO, AT ANTAS NG KOMUNIKASYON** **Panimula** Sa anumang pagkakataon na pag-aaralan ang komunikasyon, mahalagang banggitin ang mga kaugnay na paksa dito gaya ng tipo, elemento at antas nito. Pahapyaw lamang ang pagtalakay sa mga ito para sa layuning pagbabalik-aral at pag-uugnay sa mga sumusunod na paksa. **1. Tipo ng Komunikasyon** **a. Pormal at impormal na komunikasyon**. **Mga salik na dapat isaalang-alang;** 2\. **Balangkas ng komunikasyon** **b. Berbal at 'di-berbal na komunikasyon** **Mga sangkap o elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon;** a\. Sender (Nagpapadala) b\. Mensahe c\. Daluyan / Tsannel d\. Reciever (Tagatanggap). e\. Sagabal 1\) Semantikong sagabal f\. Tugon **3. Antas ng Komunikasyon** A. **Intrapersonal --** isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na kinakausap ng tao ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal. B. **Interpersonal --** ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na umaasa sa mensaheng inihatid at tugon sa kausap. C. **Pampubliko -** sa komunikasyong ito nagaganap ang linyar na komunikasyon na ibig sabihin, natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala ng mensahe sa kanyang tagapakinig. Dalawa o higit pang katao ang kasangkot. (seminar, conference at miting de avance) D. **Pangmadla-** magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa paghahatid ng impormasyon dahil sa komunikasyong ito, ginagamitan ito ng elektroniko tulad ng cellphone, telebisyon at radio. **C. ANG KULTURA AT KOMUNIKASYON** KULTURA -- tumutukoy sa sining, batas, moral, mga kaugalian at iba pang masalimuot na kabuuang binubuo ng karunungan, mga paniniwala, sining, batas, moral mga kaugalian at iba pang mga kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang miyembro ng lipunan. **Dalawang Kategorya ng Kultura Batay sa Pagpapadala ng Mensahe (Edward Hall, 1959)** ***1. Low-context culture*** -- ginagamit ng direkta ang wika upang ihayag ang ideya, nararamdaman, saloobin at opinyon ng isang indibidwal na kabilang sa ganitong kultura. ***2. High-context-culture*** -- ang pagpapakahulugan sa mga salita ay hindi lamang nakabatay sa salitang ginagamit ng isang indibidwal. Bagkus, malaki rin ang papel ng mga di-berbal na palatandaan (clues), pamantayan, kasaysayan ng relasyon, /ugnayan at ng konteksto ng komunikasyon upang maiwasang masaktan ang damdamin ng kausap at mapanatili ang relasyon sa kapwa. **E. 'DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONG PILIPINO** **Panimula** Bukod sa komunikasyong berbal, ang mga Pilipino ay may iba't ibang paraan din ng pagpapahayag ng damdamin gamit ang komunikasyong di-berbal tulad ng ibang lahi: (ang pagbibigay-halimbawa dito ay ayon sa naoobserbahang gawi ng mga Pilipino) 1. kinesika (movement) 2. proksemika (espasyo) 3. paralanguage/vocalics (ungol) 4. chronemics (oras) 5. haptics (sense of touch) 6. pictics (facial expression) 7. olfactorics (amoy/smell) 8. colorics (kulay) 9. iconics (signs/symbols) 10. oculesics (eye movement) **Samantala, sa nakagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay naipapakita gamit ang kilos o galaw ng katawan gaya ng mga sumusunod:** **a.. Pagtatampo (tampo)** -- ito ay damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan o kaibigan. **b. Pagmumukmok (mukmok)** -- ito ay komunikasyong naipaparating sa pamamagitan ng pagsaswalng-kibo. Ito ay bunga ng pagpagkasuya, at pagdaramdam. Palatandaan nito ang pagsasantabi ng sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan. **c. Pagmamaktol (maktol)** -- akto ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag-ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbulong na kadalasang sinasadyang ipakita sa taong pinatatamaan ng mensahe. **d. Pagdadabog (dabog)** - ito ay 'di-berbal na komunikasyon na likas sa kulturang Pilipino na ang pinakamalaking element ay paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng paa, pagbalibag ng pinto, pagbagsak ng mga bagay at iba pang ingay na intensyonal na ginagawa ng taong nagdadabog. **F. GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO** **1. TSISMISAN** \- batay sa etimolohiya nito, galing sa salitang kastila na "chismes" na tumutukoy sa kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang tao na ang impormasyon ay maaaring totoo o madalas ay hindi. \- Ayon kay Dr. Frank McAndrew (2008) ng Know College, nilinaw niya na ang tsismis ay hindi palaging negatibo. Ito ay positibo rin. Katunayan, binanggit niyang hindi talaga maiiwasan ang ganitong gawain sapagkat batay sa mga pag-aaral, ito ay likas at normal na bahagi ng buhay ng tao. **2. UMPUKAN** \- isang gawaing pangkomunikasyon na kinabibilangan ng dalawa o higit pang kalahok kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng impormasyon. \- nagaganap sa umpukan ang kumustahan ng mga Pilipino ukol sa mga buhay-buhay magmula sa usapin ng kani-kanilang pamilya, trabaho, kaibigan, kalusugan, pangyayari sa barangay o bayan, usaping politika, hanggang sa pagpaplano ng mga bagay-bagay. **Isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay ang SALAMYAAN sa Lungsod ng Marikina** - Ayon sa pag-aaral ni Prop. Jayson Petras (2010), ipinaliwanag nito ang kasaysayan ng **salamyaan** bilang bahagi ng kalinangang Marikenyo at ipinaliwanag ang bisa nito bilang talastasang bayan. - Ayon sa pag-aaral ni Petras (2010), ang **salamyaan** ay isang silungan kung saan ang mga Marikeny ,partikular na ang mga matatanda ay magkakasamang nagkukwentuhan, nagsasalo-salo at namamahinga. **3. TALAKAYAN** \- tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga kalahok sa nasabing usapan na binubuo ng tatlo o higit pang katao. \- kalimitang tinatalakay ang mgaproblema na layuning bigyan-solusyon o kaya ay mga patakarang nais ipatupad. **Mga Halimbawa ng Pormal na Talakayan** **a. PANEL DISCUSSION** \- isang pormal na ginagamit sa isang pulong , o kumbersasyon. \- maaari itong birtwal o personal na talakayan tungkol sa isang paksang pinagkasunduan **b. SIMPOSYUM -** \- isang uri ng pormal na akademikong pagtitipon kung saan ang mga kalahok ay pawang eksperto sa kani-kanilang larangan. **c. LECTURE-FORUM** \- isang anyo ng forum na isinasagawa upang magbigay ng lecture sa isang espisipikong paksa. **4. PAGBABAHAY-BAHAY** \- Kalimitan itong ginagawa sa mga sitwasyong nangangailangan ng impormasyon ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong-tanong bilang metodo. **5. PULONG-BAYAN** \- isinasagawa ng publiko at mga kinauukulan. \- SA KULTURANG Pilipino, ang **pulong-bayan** ay isang pangkomunikasyong Pilipino na isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng komunidad. \- ito ay isang pagtitipon ng isang grupo ng mga mamamayan sa itinakdang oras at lunan upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyonan kung maaari ang mga isyu, problema, kabahalaan, programa at iba pang usaping pangpamayan na madalas isinasagawa kapag may mga programang nais isakatuparan o problemang nais lutasin (San Juan, et al., 2019. **6. MGA EKSPRESYONG LOKAL** Ayon sa paglalarawang ginawa nina San Juan, et al. (2018) - *ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin gaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapalam sa iba't ibang lugar ng Pilipinas.* Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika. Mga halimbawa: Susmaryosep! Ano ba 'yan! Manigas ka! Ina ko po! Bahala na. Hay naku! **a. Mga paliwanag sa mga ekspresyong lokal batay sa kontekstong Pilipino (San Juan, et al., 2019)** **"Susmaryosep**!" -- (pinaikling Hesus, Maria at Hosep) Ang ekspresyong ito ay malimit na marinig sa mga nakatatanda (lola, nanay, tiyahin) na kanilang nasasambit kapag sila ay nagulat o nag-aalala. Sa kasaysayan, may kaugnayan ito saKatolisismong dala ng mga Espanyol sa Pilipinas Sa pamamagitan ng ekspresyong ito, malalaman na ang mga Pilipino ay humihingi ng tulong sa Diyos (Hesus) gayundin sa Kanyang mga magulang (Maria at Hosep) **"Bahala na** ( mula sa Bathala na) - Nagpapahiwatig ng katapangan sa panig ng nagsasalita May pagka-negatibo ngunti mararamdaman ang positibong kung susuriin ang lalim nito dahil hindi ito sasabihin ng isang Pilipino kung wala itong paano o kahandaan - Sa ekpresyong ito, mararamdaman din na ipinapaubaya sa Diyos kung anuman ang magiging resulta ng pangyayari - Nangangahulugan din ito ng pagtanggap sa limitasyon ng tao sa bawat bagay at binubuksan ang ideyang sa buhay ang Diyos lang ang tunay nakakaalam **b. Ilang ekspresyong lokal mula sa ibang wika sa Pilipinas (San Juan, et al. ,2018)** **Timog Katagalugan** "Ewan ko!" (Ginagamit kung walang masabing tiyak na sagot o umiiwas magsabi ng salitang maaaring makapanakit) "Tanga!" ( depende sa pagkakasabi na maaaring pag-uyam o pagbibiro) **Kabikulan** "Diyos mabalos!" (Diyos na ang bahalang magbabalik sa iyong kabutihang loob) "Inda ko saimo!" ( nagpapahayag ng pagkadismaya) "Alla!" (pagkagulat, pagkamangha) **Bisaya** "Ay ambot!" ( ewan ko sa 'yo) "Samok ka!" (naguguluhan sa isang tao) "Ay tsada!" ( pagkalugod sa isang bagay) **Batanes (pagbati ng mga Ivatan)** "Capian ka pa nu Dios!" ( pagpalain ka ng Diyos) " Dios mamajes!" (Diyos na ang magbabalik sa 'yo) "Dios maapu!" (katumbas ng D'yos ko!) Ang mga ganitong ekspresyong lokal ng mga Pilipino ay hindi nawawala. Katunayan, nagkakaroon din ng ebolusyon o pag-unlad ang mga ito bunga ng pagiging dinamiko at malikhain ng wika. Ang mga ekpresyong *Diyos ko day* at *Juice ko Lord* na mula sa *D'yos ko po!* ay ilan sa mga patunay nito. Sa kasalukuyan, karaniwan na ring maririnig sa mga kabataan lalo na sa mga milenyal ang mga ekpresyong gaya ng mga sumusunod: *Charot; echos; charing; E di wow!; Ikaw na!*; na kung saan bawat isa ay may sariling kahulugan, paraan ng pagbigkas, gamit at konteksto sa lipunan kung saan sila umiiral (San Juan, et al., 2019). **c. Mga Naiambag ng Ekspresyong Lokal (local expression) sa Pag-unlad ng mga Pilipino sa Larangan ng Pakikipagkomunikasyon** **1) Naging dinamiko ang wikang Filipino.** \- ang pagbabago ng wika ay isa sa mga katangian ng wikang buhay. At sa patuloy na pagdagdag ng mga salita o pagbibigay ng bagong kahulugan nito, ay lalong lumalago ang wikang Filipino. **2) Pagyaman ng bokabularyo Filipino.** \- ang mga nabubuong ekspresyon ay nakatutulong sa malawak na pagpipilian ng mga tao sa salitang nais nilang magamit sa pakikipagpahayagan. **3) Nagaganap ang modernisasyon ng wikang Filipino.** \- sa kasalukuyan, patuloy ang pag-unlad ng wikang Filipino dahil may mga bagong sibol na mga ekspresyon na nagmumula sa mga milenyal o kabataang Pilipino. **MAIKLING PAGTATALAKAY SA KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON** Nasa puso ng pang-araw-araw na transaksyon ng tao ang komunikasyon. Napakalaki ng ginagampanan nitong tungkulin upang mapadali ang mga nais makamit ng mga tao sa isang tiyak na konteksto. Sa katunayan, napakadaling pangatwiranan na kung wala ito, hindi uusbong ang anumang uri ng sibilisasyon. Hindi yayaman nang gaya ng sa kasalukuyan ang nalalaman ng tao sa agham, matematika, medisina, humanidades, arkitektura at iba pa kundi ito dumaan sa mauring pagtalakay at bahagian na kaalaman at mga natuklasan. Mahirap ding kuruin kung ano ang kahihinatnan ng mga lipunan at bansa kung walang naganap at nagaganap na komunikasyon sa pagitan ng mga lider at kinatawan ng nauuna. Sa mga praktikal na antas, upang mapagtibay ang relasyon, nangangailangan ng patuloy na komunikasyon sa pagitan ng magkakaklase, magkaibigan, mag-asawa/magkasintahan, magkasama sa trabaho o adbokasiya. Sa madaling salita, dinodomina ng komunikasyon ang lahat ng uri ng relasyon ng tao-mapaakademiko, propesyuonal, personal, o sibika. Upang mas maging sistematiko at lalong mabigyan ng konteksto ang pagtatalakay sa komunikasyon at iba't ibang tiyak na sitwasyong pinaggagamitan nito, mahalagang balikan ang ilang puntos sa pag-aaral nina Eadie at Goret (2013) na lumagom sa iba't ibang teorya at pag-aaral ng layunin ng komunikasyon. Ayon sa dalawang eksperto, may iba't ibang layunin ang tao sa pakikipag-ugnay, ngunit para sa hangarin ng pagtalakay, tatlo lamang sa limang layunin ang babanggitin. Pinagsama rin sa isang kategorya ang komunikasyon bilang tagapagpalaganap ng impormasyon at kultura. **ANTAS NG KOMUNIKASYON** **Pangkatang Komunikasyon** Itinuturing na pangkatang komunikasyon ang ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas maaarami pang taong may iisang layunin. Gaya ng iba pang uri ng komunkasyon, maaaring maganap ang pangkatang komunikasyon sa personal o maging sa iba pang platform gaya ng *group chat* sa *social media* at *video conferencing*. Bilang mag-aaral, malimit na maganap ang pangkatang komunikasyon upang tuparin ang mga kahingian sa iisang asignatura gaya ng kolaboratibong pananaliksik na nangangailangan ng pagtalakay at pagpapasiya. Isa ring halimbawa nito ang pagpupulong sa barangay o sa munisipyo na naglalayong solusyunan ang isang problema gaya ng trapiko, na sinisimulan sa pagbibigay ng mungkahi at pagpapatalaga ng mga taong gaganap sa mga tiyak na gawain. **Pampublikong Komunikasyon** Bilang pinakakinatatakutang uri ng komunikasyon, ang pampublikong komuniasyon ay mas nakapokus sa tagapagpadala ng mensahe kaysa tumataggap- na malimit ay higit sa apat. Sa lahat ng uri mh komunikasyon, ito rin ang pinakamalayunin sapagkat mas madalas itong pormal. Mahirap ding iwasan ang paraang ito ng pakikipag-ugnay sapagkat ginagamit ito sa buhay-akademiya, buhay-trabaho, at buhay-sibika. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagharap sa klase upang bumigkas ng talumpati bilang *performance task*, pangangampanya para sa isang panibagong proyekto sa inyong komunidad gaya ng *anti-human trafficking campaign,* at marami pang iba. Mainam itong paraan ng pagpapalaganap ng kaalaman at impormasyon dahil na rin sa bilang ng mga kalahok nito. Mas marami ang hindi sanay makipag-ugnayan gamit ang modang ito sapagkat nangangailangan ito ng masusing preperasyon at tiyak na antas ng kahusayan upang hindi umani ng negatibong puna sa mga tagapakinig. **Pangmadlang Komunikasyon** Ang paggamit ng dyaryo, radyo, telebisyon, video conferencing at social media ang ilan lang sa mga halimbawa ng pangmadlang komunikasyon. Kagaya ng pampublikong komunikasyon, layon nitong makipag-ugnayan at maghatid ng mensahe sa madla. Ang pangunahing hamon sa uring ito ng komunikasyon ay ang kawalan ng agarang mekanismo para sa tugon o *feedback,* - dahilan upang mas madaling magpakalat ng mensahe nang walang oposisyon. Ngunit sa pag-usbong ng *social media* gaya ng Facebook, Twitter, blogs at iba pa, nagiging bukas sa lahat ang publikong komuhnikasyon sapagkat binibigyan nito ng kakayahan at oportunidad ang mga tumatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagko-*comment,* pag-*repost* ng isang *content* may kasamang komentaryong maaaring sumasang-ayon o sumasalungat, at direktang pagtugon sa nagbahagi ng (hal. \@KelvinBriones). Bagamat mistulang mabisang pamamaraan ang pangmadlang komunikasyon upang mabilis na maipamahagi ang isang mensahe (hal. Pag-oorganisa para saisang malaklihang rally upang kondenahin ang illegal na pagpapatalsik sa punong mahistrado), kapansin-pansin din na maaari nitong ikompormiso ang kahulugan ng mensahe, dahil bagama't tiyak ang layunin ng tagapagpadala, hindi naman tiyak ang konteksto ng tumatanggap ng mensahe- dahilan upang magkaroon ng pagkakaiba-iba ng interpretasyon at tugon. **Upang lalong bigyang-linaw ang kalikasan ng bawat antas ng komunikasyon, maiging talakayin din ang tiyak na halimbawa nito**. **Lektyur at Seminar** Dalawa sa pinakaginagamit na termino ng mga organizer ng pagsasanay, nakatuon ang lektyur at seminar sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok, kadalasang 20 hanggang 70 na naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak na paksa. Malimit itong inoorganisa upang pagtibayin ang propesyonalismo ng mga nakikibahagi, at nagtatagal mula isang buong maghapon, hanggang pitong araw depende sa layunin ng pagsasanay. Ilan sa mga halimbawa ng lektyur at seminar ang mga pagsasanay sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa silid aralan, mga *mandatory* seminars sa mga bagong luklok na opisyal na barangay, at iba pa. Ayon kay C.N. Raja at T.P. Rao, isang uri ng estratehiya sa pagtuturo para sa mas matas na antas ng pagkatuto ang seminar. Ang isang tiyak na paksa ay inaanalisa at tinatalakay para makabuo ng isang pinal na desisyon o konsepto. **Mga Uri ng Seminar** 1. **Mini-Seminar**--karaniwan ay kakaunti ang bilang ng mga dumadalo at simple lamang ang paksang tatalakayin. Ito ay karaniwang ginagawa sa loob lamang ng silid-aralan. Sa pamamagitan ng seminar ay nahuhubog ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa pagtatanong at pag-organisa ng mga impormasyon. Ito ang nagsasanay sa kanila sa pagdalo sa mas malaking seminar. 2. **Medyor Seminar** -- isinasagawa ito ng mga institusyon o mga kagawaran tungkol sa isang partikular na paksa. Mga guro, mag-aaral at kawani ang kadalasang dumadalo sa seminar na ito na maaring maganap isang beses sa isang buwan. Kaya kailangang pumili ng angkop na paksang tatalakayin sa inihandang tema ng seminar. 3. **Nasyunal Seminar** -- Isinasagawa ito sa antas na pambansa. Isang dalubhasa ang karaniwang inaanyayahan na magbahagi ng kanyang kaalamansa seminar na ito. 4. **Internasyunal Seminar** -- Mga internasyunal na ahensya o organisasyon ang nagsasagawa ng seminar na ito. Karaniwan ay mas malawak ang pagtalakay sa tema nito gaya na lamang ng globalisasyonat pagpapatupad ng mga polisiya at iba pa. **Workshop** Ang pagsasagawa ng worshop ay isa sa pinakamabisang paraan ng pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa ibang tao. Para ito maisakatuparan, binibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isagawa ang mga nais niyang matutuhan ngunit kailangan ng maayos na pagplano at pagtanggap ng mga responsibilidad. Ayon kay Mariame Kaba, ang pagsasagawa nga mga sumusunod na hakbang ay ang susi sa isang mabisang gawain: 1. **Pagpili** -- sa unang hakbang na ito ay dapat isaisip kung ano ang tiyak na layunin na nais makamit o adhikain ng isasagawang *workshop*. Ang layunin sa isasagawang *workshop* ay may malaking epekto sa kabuuan ng gawain. Nararapat din na isaalang-alang ang nais na matutuhan ng mga taong dumalo. 2. **Pagpaplano** -- ikalawang hakbang ang pagbuo sa talaan ng mga gagawin. Kailangang isaalang-alang ang sumusunod na aspeto bilang bahagi ng pagpaplano: - Petsa, oras at haba ng gagawing *workshop* - Lugar kung saan isasagawa - Mga kinakailangang kagamitan - Inaasahang bilang ng mga dadalo - Paglalatag ng kakailanganing badyet - Transportasyon Maari namang makipag-ugnayan sa iba't ibang ahensya o organisasyon na maaring makatutulong sa gawaing ito. Ipaalam agad sa kanila at mas mainam kung idadaan sa liham ang mga napagkasunduan. 3. **Pagpapatupad** --ang hakbang na ito ay tumutukoy sa pagsasagawa ng mga nakaplanong gawain para sa *workshop*. Mas mainam kung may nakahandang listahan ng mga gagawin upang mas organisado at walang makalimutang Gawain. Sa oras na nagsimula na ito. Bago magsimula ang *workshop* ay mas mabuting mag-isip ng mga posibleng kakaharaping suliranin upang makapaghanda na ng mga solusyon. **Forum, Simposyum o Komperensya** Ayon kay Dr. Cathy Key sa kaniyang *The Keynote Guide to Planning a Successful Conference,* dapat isaalang-alang ang mga sumusunod upang maging matagumpay ang gagawing simposyum o komperensya: - **Bumuo ng layunin na kayang makamit sa gagawing komperensya --** Upang mabuo ito, maaring magsagawa ng sarbey sa pangkat ng mga inaasahang dadalo sa gagawing komperensya para malaman ang kanilang inaasahan sa gawain. Upang mapadali at apabilis ang pangangalap ng mga datos ay maaring gumawa ang organisasyon ng opisyal website. - **Magtalaga ng mga taong mangunguna sa mga gawain at lumikha ng komite --** ang lahat ng kabilang sa organisasyon ay makibahagi sa ikatatagumpay ng gawain. Mas magiging madali ang gawain kung naibabahagi ito sa lahat nang maayos at upang magkaroon ng pananagutan ang bawat isa. Makabubuti na gumawa ng talaan na naglalaman ng numero ng telepono, email, mga miyembro ng pangkat upang mas madali ang komunikasyon sa bawat isa. Mas mainam na lahat ng miyembro ay may kopya ng talaan upang maging mabilis ang ugnayan. - **Paglalatag ng kinakailangang badyet --** upang makatipid sa gugugulin, kailangang pag-aralan itong mabuti. Kung sakaling hindi kayanin ang nakalaang badyet, dapat na maghanap alternatibo. Siguraduhin na wasto ang kompyutasyon ng mga gastusin. - **Gumawa ng plano ng mga dapat gawin na nakasaad kung sino at kailan dapat tapusin --**makatutulong ang paggawa ng sistemakong plano ng mga dapat gawin upang hindi malihis sa mga inaasahang makamit. Kailangang nakasulat din ang mhahalagang petsa kung kalian dapat maisakatuparan ang bawat gawain. Dapat din na mahigpit itong sinusunod nang maisawasan ang pagkabinbin ng mga gawain. Ito ay makatutulong upang mabigyan ng ideya ang bawat isa kung ano ang tatakbuhin ng isasagawang programma. - **Bumuo ng daloy ng programa --**kailangang maayos ang pagkakasunud-sunod ng bawat gawain sa pagbuo ng daloy ng programa. - **Siguraduhing ang lahat ay tumutulong at sumusuporta sa takdang gawain --**magkaroon ng bukas at malayang kominukasyon sa bawat miyembro upang masiguro na ang lahat ay kumikilos at gumagawa batay sa mga iniaatang na gawain sa kanila. Kung sakaling hindi kayanin ng isa ang iniatang sa kanya ay maaring magtakda ng taong papalit o tutulong sa gawain upang hindi maapektuhan ang oras ng paghahanda. - **Magsagawa ng pulong matapos ang kumperensya at likumin ang kanilang mga komento --**ginagawa ito upang makita ang kalakasan at kahinaan ng idinaos na kumperensya. Makakatulong ang mga komentong malilikom at ang mga bagay na natutuhanpara sa susunod na gawain sa hinaharap. - **Maghatid ng pasasalamat sa lahat ng mga nagging bahagi ng isinagawang gawain --**ipahayag ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng kumperensya. Bigyan ng pagkilala ang mga taong nag-ambag sa ikatatagumpay ng gawain. ***Roundtable* at *Small Group Discussion*** Mainam na balangkas ang *roundtable* at *small group discussion*, na kalimitang kinasasangkutan ng tatlo hanggang 12 kalahok, upang makapagbahagi ng kaalaman tungo sa paglutas ng isang isyu o suliranin. Mainamn din itong *venue* upang makapagmungkahi ng solusyon para mapabuti ang pagsasagawa ng isang bagay (disenyo, proyekto, at iba pa). Upang maghing maayos ang pangangasiwa ng nasabing Gawain, iminumungkahi ang sumusunod na mga padron: - paglalahad ng layunin ng talakayan, - pagpapakilala ng mga kalahok (pangalan at organisayson), - pagtalakay sa paksa - pagbibigay ng opinion, puna at mungkahi ng mga kalahok, - paglalagom ng mga napag-usapan at napahkasunduan, - pagtukoy ng susunod na mga hakbang. **Pulong/Miting** Mahalaga sa kahit anong organisasyon o samahan ang pagsasagawa ng pulong upang talakayin ang mahahalagang agenda nito. Isinasagawa ang pulong para sa lubos na ikauunlad ng alin mang samahan. Ayon sa University of California San Diego Sixth College, may dalawang uri ng pulong: Una, ang *Executive or Committee meeting* na kung saan ang mga kalahok ay ang mga namumuno at namamahala. Ang ikalawang uri naman ay ang *General body meeting*na kung saan ang lahat ng miyembro ng samahan ay kasama sa pulong. **Mga Elementong dapat isaalang-alang sa paghahanda ng pulong:** 1. **Agenda --** ito ang nagsisilbing gabay at balangkas ng pulong. Upang maging maayos ang daloy ng talakayan ay mainam na may ideya ang bawat kalahok tungkol sa agenda. 2. **Oras at lugar--**dapat isaalang-alang ang oras ng mga kalahok sa pagtatakda ng oras ng pulong. Mahalaga ito upang matiyak na makakadalo sa oras na itinalaga at makakarating sa lugar na pagdarausan ng pulong ang lahat ng kalahok. Dapat ding simulant at tapusin ang pulong sa oras na itinakda. 3. **Kalihim --** katuwang siya ng tagapangulo sa paghahanda ng agenda at sa pamamahagi ng mga liham imbitasyon sa mga kalahok at tagapag-ulat. Sisiguraduhin nya na ang planong oras sa bawat paksa ay masusunod. Siya ang naghahanda ng katitikan ng naunang pulong at gagawa ng katitikanpara sa isasagawang pulong. 4. **Tagapag-ulat--**maghahatid siya ng mga kinakailangang datos na tatalakayin sa pulong. 5. **Tagapangulo --**kailangan ang nagpaplano ng pulong at paghahanda ng agenda. Siya ang nagsisilbing tagapamagitan at tagapagtaguyod ng ideya. 6. **Kalahok --** mahalaga ang pakikibahagi ng bawat kalahok sa pulong na isasagawa. Ang kanilang mga ideya at opinion ay maaring makatulong kaya tiyaking ang lahat ng kalahok ay may kaugnayan sa inaasahang layunin at paksang tatalakayin. 7. **Kagamitan --** mahalagang nakahanda ang lahat ng gagamitin sa pulong tulad ng visual aids, projector, laptop at iba pa, sapagkat ang kakulangan sa paghahanda ng mga kagamitan any maaring magdulot ng pagkaantala. **Programa sa Radyo at Telebisyon** Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang midya sa kasalukuyan dahil na rin sa dami ng taong naaabot nito. Nabuo rin ang paglawak ng lipunan at industriya dahil sa mabilis na pagbabagong dulot ng telebisyon sa komunikasyon. Ayon kay Saussure (1910), "*language never exists apart from the social fact, for it's a semiological phenomenon."* Ang bawat patalastas at artista sa telebisyon ay may sari-sariling wikang ipinahihiwatig kaya naman alam agad ng manonood ang produkto pag nakita nila ang artista. Pangunahing wikang ginagamit sa telebisyon ay Filipino. Ginagamit ito ng mga lokal na*channel* sa Pilipinas gaya ng teleserye, balita at mga pantanghaling palabas. Dahil sa pagdami ng mga programa sa telebisyon sa tinututukan ng mga mga manonood, lahat ng mga mamamayan ay nakauunawa at nakapagsasalita na ng wikang Filipino. **Mga Uri ng Palabas o Programa sa Telebisyon** 1. **Balita --** tumutukoy sa mga pangyayari sa mga nakalipas na oras o araw sa loob at labas ng bansa. May mga kasalukuyang pangyayari rin. a. Pagkakuha ng mga tala ay isulat agad ang balita. b. Bigyang halaga ang mahahalagang punto. c. Maging tiyak sa mga panglan, petsa, lugar at mga pangyayari. d. Iwasan ang pagbibigay ng juru-kuro. e. Banggitin ang awtoridad o kinauukulang pinagkunan ng impormasyon tungkol sa balita. f. Ilahad ng pantay at patas ang mga panyayari. g. Isulat ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunud-sunod. 2. **Dokumentaryo --** mga programang naghahatid ng gawaing pantulong sa sumasailalim sa reyalidad ng buhay at tumatalakay sa kultura ng isang lipunan. 3. **Drama at Komedya --** mga palabas na nagpapakita ng matinding damdamin at magaang pangyayari na nagbibigay-aral sa mga manonood. 4. **Variety Show --** programang binubuo ng iba't ibang pagtatanghal na may musika, komedya, palitang-kuro at iba pa na pinangungunahan ng host. **Mga Uri ng Programa sa Radyo** 1. **AM (amplitude modulation) --** mga programa na naghahatid ng balita at tumatalakay sa mga seryosong paksa sa lipunan. 2. **PM (frequency modulation) -** mga programang kinaaliwan ng mga tagapakinig dahil sa mga musikang pinatutugtog at mga programang nakaaantig ng damdamin. ***Video Conferencing*** Bilang epekto ng globalisasyon, naging mas progresibo ang teknolohiya na nagbunga ng iba't ibang paraan upang makipag-ugnayan. Isa na rito ang *video conferencing,* o ang interaksyon sa pagitang ng dalawa o higit pang tao na nasa magkaibang lokasyon, sa pamamagitan ng pagtatawagan na magkasamang *video*. Nangangailangan ito ng Internet *connection* at computer, o 'di kaya'y *tablet* o *smartphone.* Epektibong midyum ito lalo na para sa mga kompanyang may mga *satellite* sa ibang bansa o rehiyon. Ginagamit ito ng mga kompanya o maging ng mga kinatawan ng mga bansa upang magdaos ng mga pagpupulong para makatipid sa pamasahe, oras at iba pang pinagkukunan. Nagging daluyan rin ng mga pagsasanay ang modang ito ng komunikasyon, particular sa mga *open universities*. Pinapadali nito ang dating mas mahirap na proseso ng pagkamit ng digri o sertipiko sa mga programa. Malimit din itong ginagamit ng mga pamilyang may kamag-anak sa ibang bansa, lalo na ng mga pamilyang OFW na tinatayang 23 milyon na noong 2017 (Philippine Statistics Authority). **Komunikasyon sa *Social Media*** Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay ang parami nang paraming naiimbentong platform upang makipag-ugnayan. Ilan sa mga ito ay Facebook, Twitter, Instagram, Youtube, at iba pa na ginagamit ng mga tao upang makapagdala ng mensahe sa isa't isa, magpaskil ng mga larawan, magpahayag ng mga larawan, magpahayag ng mga sentimiyento, opinion o kuro, at magbenta at bumili ng mga produkto at iba't iba pa. Sa nakalipas na mga taon, patuloy ring pinalalawig ng *management* ng mga nasabing *online platforms* ang *usability* ng kanilang mga *application*. Nagagamit na rin ang mga ito upang tukuyin ang lokasyon ng mga kainan at tindahan. Parami rin nang parami ang mga taong gumagamit ng mga nasabing *social media* sites "A profile of Internet users in the Philippines." Sa katunayan ayon sa Rappler, sa taong 2015, tinatayang 47 milyong Pilipino ang aktibo sa Facebook pa lamang. Ayon sa prehong ulat, itinuturing na pundamental na pangangailangan ng mga Pilipino ang pagiging *online*. Ilan sa mga kapansin-pansing pamamaraan ng paggamit sa Facebook ay propaganda o pagpapalaganap ng kaisipan tungkol sa isang paksa gaya ng pagpapabango sa pangalan ng isang kandidato, pagsusulong ng interes ng nakararami sa pamamagitan ng adbokasiya, pakikipagkaibigan, pagbuo ng mga grupo upang mas mapabilis ang palitan ng impormasyon, panliligaw, pagbebenta ng produkto, at iba pa. ***Social Media Platforms*** ***Social Networking*** Ito ay ginagamit ng mga websites para magkaroon ng impormal na komunikasyon ang mga tao na may parehong interes sa loob ng isang grupo o *networks.* **Facebook --** noong 2004 ay inilunsad ito ng grupo ni Mark Zuckerberg bilang isang eksklusibong *site* para sa mga mag-aaral sa Harvard. Ito ang itinuring na pinakasikat at pinakaginagamit sa lahat ng *social media sites* dahil sa simpleng pamamaraan ay nahahanap at nakakausap ang mga taong nasa ibang lugar sa pamamagitan lamang ng pag-add sa kanilang account. **Google+ -** noong 1996 at itinatag ito nina Larry Page at Sergey Brin bilang hanguan ng pangkalahatang kaalaman. Sa pamamagitan ng *search engine* ng*google* ay ginagamit ito para humanap ng mga impormasyon at datos. Ginagamit ito sa paghahanap ng aklat, balita, larawan, mapa at iba pa. **LinkedIn --**Inilunsad ito ni Jeff Weiner noong 2009 upang gamitin sa paghahanap ng impormasyon sa isang kumpanya at nais na trabaho. **Microblogging** Ang mga maiikling impormasyon at bagong datos sa isang *social media site* ay inilalagay dito. Ang mga gumagamit ay maaring magsubscibe at magbigay ng pribado at pampublikong mensahe. Nauso rin dito ang paggamit ng mga hashtags na naglalaman ng iba-ibang paksa. **Twitter --** ito ay itinatag nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone at Evan Williams bilang isang instrumento ng komunikasyon sa mga tao sa pamamagitan ng pagfollow sa kanilang account at paggamit ng hashtags na may kasamang opinion o kuru-kuro na makikita ng ibang tao kapag hinanap nila ito sa *search engine* ng naturang *social media site.* **Tumblr --** ginagamit ito upang maglagay ng mga larawan, mensahe, bidyo, mga sipi sa libro at audio na inilalagay sa kanilang blog na tumatalakay ng paksang nais nila. Ito ay itinatag ni David Karp noong 2007 na nagmamay-ari ng Oath Inc. **Blogging (Paggamit ng mga Websites)** Ang mga sariling opinyon, artikulo at kwento tungkol sa nais na paksa ng mga manunulat sa internet o blogger ay inilalagay dito. **Wordpress --** ang *WordPress Foundation* ay binuo noong 2013. Ginagamit ito ngayon upang lumikha ng bagong *blog, website* o aplikasyon na magagamit sa pagsulat ng sariling paksa. **Blogger --** lumilikha rin ito ng mga *website at blog* na katulad ng wordpress na malayang nagagamit ng sinoman dahil hindi kailangan ng anomang code sap ag-install. Ito ay sinimulang buuin ng Pyra Labs at pagmamay-ari ng *Google* noong 1999. **Pagbabahagi ng Larawan** **Instagram --** ito ay binuo nina Kevin Systrom, Mike Krieger at ng Facebook na ginagamit ngayon sa pagbabahagi ng mga larawan at bidyo na makikita ng sinoman kung nakapubliko ang account. Sa pamamagitan ng direktang mensahe ay maari na ring makipag-usap sa ibang tao. **Flicker --** maari ring magbahagi ng mga larawan at bidyo tulad ng *Instagram.* Ito ay binuo nina Stewart Butterfield at Caterina Fake noong 2004. **Snapchat --** ito ay ginagamit sa pagbabahagi ng larawan ng tao na nilalagyan ng *filter* upang mabago ang panlabas na itsura ng tao. Ito ay binuo nina Evan Spiegel, Bobby Murphy at Reggie Brown noong 2011. **Pinterest --** ginagamit ito upang magbahagi ng mga larawan na may paksa upang tumulong sa mga taong magbabasa nito. Halimbawa ng mga nilalaman nito ang mga tips sa buhay, resipi, inspirasyon ng tao at iba pang ideya. **Pagbabahagi ng Bidyo** **Youtube --** may account man o wala ay maaring magbahagi ng mga bidyo na makikita sa publiko. Kadalasang mga trailer ng mga papalabas na pelikula at kanta ang mapapanood dito. Itinatag ito nina Jawed Karin, Chad Hurley at Steve Chen noong 2005. **Vimeo --** ginagamit upang magbahagi ng bidyo partikular na ng mga maikling pelikulang ipinagbibili ng vimeo at itinatag nina Jake Lodwick at Zach Klein noong 2004. **Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat** Ang ano man sa mga nabanggit na sitwasyong pangkomunikasyin ay napapabilang sa dalawang kategorya: maliit at malaking pangkat. Ano mang tiyak na sitwasyon ang kinasasangkutan, mainam na sagutin ang sumusunod na mga katanungan upang magabayan at matiyak ang mabisang pakikipag-ugnay sa kapuwa. 1. **Ano ang layunin ng komunikasyon?** Nagiging malayunin ang pakikipag-ugnayan kung natitiyak sa simula pa lamang ang inaasahang *outcome*. Sa kaso ng mga worksyap at mga pagpupulong, mahalagang malinaw ang tunguhin upang maging handa ang mga kalahok at upang maging handa ang mga kalahok at upang maging mahusay ang paggamit sa oras, kagamitan at iba pang *resources*. 2. **Paano ang daloy ng impormasyon?** Maigi ring isaalang-alang ang daluyan ng komunikasyon. May mga sensitibong mensahe na nagtatakda ng personal na iteraksyon. Mas nagiging mas mabili at matipid naman ang pagpapalaganap ng mga hindi gaanong sensitibong mensahe kung ang gagamiting daluyan ay gaya ng *social media* o malakihang kongreso o kompetensiya. Kaugnay rin nito, mahalagang tukuyin kung sa paanong paraan ihahayag ang impormasyon sa kausap-galit, pasigaw, malumanay, mabilis, pasulat, pasalita, at iba pa. 3. **Sino at ilan ang mga kalahok?** Sa pagsasagawa ng mga komperensiya, maging *video conference* o malakihan, Maging tukuyin ang kahandaan at antas ng mga kaalaman ng mga kalahok upang matiyak na ang mensaheng ipararating ay malinaw na matatanggap. Gayon din ang kaso sa pakikipag-usap sa mg akaibigan o kakilala, halimbawa na lamang ay kung kasalukuyang may dinaramdam o pinagdaraanan ang kausap, maiging mas maging maingat sa mga salitang gagamitin. 4. **Gaano katagal ang dapat ilaang oras sa pakikipag-usap?** Mainam na tukuyin kung gaano kahaba o kaikli ang oras na ilalaan sa isang tiyak na situwasyong pangkomunikasyon, lalo na kung pormal ang ugnayan. Isang halimbawa nito ay ang mga lecture, lalo na kung ang mga kalahok ay mga *teenager* na pawang may mas maikling *attention span*. 5. **Nangangailangan ba ng materyales o kagamitan upang matiyak ang epektibong komunikasyon?** Sa maraming pagkakataon gaya sa mga worksyap at seminar, gumagamit ang mga tagapagsalita ng mga *handout* upang lalong mapagtibay ang pag-unawa sa tinatalakay na paksa. Maigi ring itanong kung kailangan ba ng karagdagang kagamitan o materyales gaya ng *overhead projector, vide, flipchart,* at iba pa upang lalong tumimo ang diwa ng paksang tinatalakay. PAGSASANAY \#2 Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Pangkat:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Marka:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Gumawa ng isang poster/infographic na napapatungkol sa kahalagahan ng pagiging MAHUSAY SA PAKIKIPAG-KOMUNIKASYON sa lahat ng pagkakataon o sitwasyon.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser