KABANATA I - Pagtataguyod ng Wikang Pambansa (PDF)

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa ng Pilipinas. Tinalakay ang mga pangunahing pangyayari at mga taong may malaking papel sa pag-unlad at pagtataguyod ng wikang Filipino. Naglalaman ito ng maraming detalye, mga petsa at mahahalagang ideya para sa mga taong interesado sa paksang ito.

Full Transcript

KABANATA I Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa A. KAHULUGAN NG WIKA Ang wika ay inilarawan bilang identidad ng isang bayan o bansa, ang kaluluwa o sumasalamin sa ating kultura at ang na...

KABANATA I Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa A. KAHULUGAN NG WIKA Ang wika ay inilarawan bilang identidad ng isang bayan o bansa, ang kaluluwa o sumasalamin sa ating kultura at ang nag-uugnay sa isa’t isa. Ang wika ay mahalaga sa sarili, kapwa at lipunan. Ayon kay Henry Gleason, Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Kasaysayan ng Wikang Pambansa Pangulong Manuel Luis Quezon – tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. o 1934 - nagtawag ng isang Kumbensyong Konstitusyonal at ang isa sa pinagtalunan ay kung ano ang itatatag na Wikang Pambansa. o Pebrero 8, 1935 – Upang ipakilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935. "Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal." o Nobyembre 7, 1936 - Inaprubahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa. o Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Mga Dahilan Kung Bakit sa Tagalog Ibinatay ang Wikang Pambansa: 1. Ito ang wikang ginagamit sa sentrong kalakalan. 2. Ito ang salita o wikang ginagamit ng nakararami. 3. Ito ay madaling pag-aralan, matutuhan at bigkasin. 4. May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng katutubong Wika sa Pilipinas. o Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940. o Hulyo 4, 1946 – Pinagkalooob ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas. Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946 ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Nagkaroon ng 2 opisyal na wika Ingles at ang wikang pambansa na nakabatay sa tagalog. o Marso 26, 1954 – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyom Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa at bilang pagkilala na rin sa kaarawan ni Francisco Balagtas. o Setyembre 23, 1955 – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 na naglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika 13-19 ng Agosto taun-taon, bilang paggunita na rin sa kaarawan ng dating pangulong Manuel L. Quezon. o Agosto 13, 1959 – Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Jose E. Romero ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay tatawaging Pilipino. Gagamatin ang wika sa mga tanggapan, gusali, passaporte, diyaryo, telebisyon at komiks. o Oktubre 24, 1967 – Itinakda ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng mga gusali, at tanggapan ng pamahalaan ay isasalin sa wikang Pilipino. o 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino. o 1972 – Atas ng Pangulo Blg. 73 – Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50, 000) mamamayan. o 1973 – Noong panahon ni Pangulong Marcos, nakasaad sa Artikulo XV, Seksiyon 2 at Blg. 3 na ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipino. o Hunyo 19, 1974 – Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan. o 1987 - Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” o 1990 – Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na pinalabas ni Kalihim Isidro Cariño ng Department of Education, Culture, and Sports o DECS, nagtatakda na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng Panunumpa sa Katapatan ng Saligang Batas at sa Bayan. o 1991 – Ang Batas Republika (Republic Act) Blg. 7104 ay nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino bilang pagsunod sa itinakda ng Konstitusyon. Nakasaad din na ang dating Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay tatawaging Komisyon sa Wikang Filipino. o 1997 - Pinalawig ang Linggo ng Wika sa Proklamasyong Blg. 1041 ni Pangulong Fidel V. Ramos upang masakop ang buong Agosto. Kaayon nito, pinalitan ang pangalan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. o 2013 - CHEd Memorandum Order No. 20 series of 2013 Ang CHEd Memorandum Order No. 20, Series of 2013 o ang pinamagatang “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies.” Ang batas na ito ay naglalaman ng utos kung saan ang asignaturang Filipino ay hindi na ituturo sa mga mag-aaral pagkatungtong ng kolehiyo kapag naipatupad na ang K-12 na programa. Nakapaloob din sa memorandum na ang mga General Education courses ay ituturo at ipatutupad sa ika-labing-isang baiting hanggang sa ika-labindalawang baiting na mga mag-aaral. Kabilang ang asignaturang Filipino sa nasabing General Education Courses na ito. Ito ay inilabas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o ang Commission on Higher Education (CHEd) sa Ingles noong ika-28 ng Hunyo, 2013. Tanggol Wika - Alyansa ng mga tagapagtanggol ng wikang Filipino. Isang samahan na binubuo ng mga guro at propesor na naglalayong ipaglaban o ipagtanggol ang paggamit ng wikang Filipino upang mas lalong mapagyaman ang ating kultura. Tinutulan din ng samahang ito ang CHEd Memorandum No. 20 Series of 2013.  Bakit inaalis/inalis ang Filipino sa New General Education Curriculum (NGEC) ng bansa? Mahaba at masalimuot ang pakikibaka para sa wika at bayan. Nitong mga nakalipas na panahon, ang pakikibakang ito ay lalo pang umigting at umiigting (Bernales, et al., 2019) B. ANG PAKIKIPAGLABAN PARA SA WIKANG FILIPINO SA KASALUKUYANG PANAHON: Ang Papel ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) at Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) PSLLF at Tanggol Wika – magkabalikat sa paggigiit na manatili ang Filipino bilang sabjek at bilang wikang panturo sa antas tersyarya. Taong 2013 – sa taong ito sinimulang ipaglaban ng mga iskolar, guro, mag-aaral at mga nagmamahal sa wikang Filipino sa pangunguna ng Tanggol Wika ang pananatili ng Filipino bilang asignatura sa antas kolehiyo. 1. Mga Kaganapan sa Pakikipaglaban ng Wikang Filipino CHEd Memorandum Oorder (CMO) Blg. 20, Serye 2013 – sa bisa nito, wala na ang Filipino bilang sabjek sa Kolehiyo. Kom. Patricia Licuanan – ang lumagda sa CMO, na noo’y Punong Komisyoner ng CHEd. MGA ASIGNATURANG MANANATILING ITUTURO SA KOLEHIYO (2018-2019, simula ng pagtuturo ng mga ito) Pag-unawa sa Sarili / Understanding the Pagpapahalaga sa Sining / Art Self Appreciation Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Siyensiya, Teknolohiya at Lipunan / Pilipinas / Readings in Philippine History Science, Technology, and Society Ang Kasalukuyang Daigdig / The Malayuning Komunikasyon / Purposive Contemporary World Communication Matematika sa Bagong Daigdig / Etika / Ethics Mathematics in the Modern World MGA UNIBERSIDAD AT INSTITUSYONG PANGWIKA NA NAGLABAS NG RESOLUSYON PSLLF National Teacher’s College Mindanao State University – Iligan Pamantasang De La Salle-Maynila Institute of Technology Unibersidad ng Pilipinas - Manila KATAGA Technological University of the Unibersidad ng Santo Tomas Philippines FEU League of Filipino Students SAN BEDA COLLEGE Alliance of Concerned Teachers National Commission for Culture and the ANAKBAYAN Arts 2. Mga Paninindigan ng PSLLF ng Pananatili ng Filipino sa Antas Kolehiyo 1. SAPAGKAT, sa kasalukuyang kalakaran sa antas tersyarya ay may anim (6) Filipino sa batayang edukasyon; 2. SAPAGKAT, sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektuwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pasalitang pangmadla, at kaalamang pangmidya; 3. SAPAGKAT, sa antas na ito ng karunungan, higit na dapat mapaghusay ang gamit at pagtuturo ng / sa Filipino dahil na rin sa mga kumukuha ng mga kurso sa pagtuturo at mga kaugnay na kurso; 4. SAPAGKAT, dahil sa pagpapaunlad ng K-12 Basic Education Curriculum, mawawala na sa antas tersyarya ang FILIPINO at sa halip ay ibababa bilang bahagi ng mga baitang 11 at 12; 5. SAPAGKAT, ang panukalang PURPOSIVE COMMUNICATION na bahagi sa batayang Edukasyon sa tersyarya ay hindi malinaw kung ituturo sa Ingles o Filipino; 6. SAPAGKAT, ang panukalang tatlumpu’t anim (36) na yunit ng batayang edukasyon mula sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHEd) ay minimum lamang kung kaya’t maaari pang dagdagan hanggang anim (6) pang yunit. 3. Mga mahahalagang argumento kung bakit dapat manatili ang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo (PSLLF) UNA, nilinaw ng PSLLF na ang patakarang bilinggwal na ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No. 25 Series of 1974 ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) ay ngayo’y operatibo at may bisa mula baitang 4 hanggang antas tersyarya. o Alinsunod sa kautusan, kinakailangang gamiting wikang panturo ang Filipino sa mga sumusunod: a. social studies/social sciences b. music c. arts d. physical education e. home economics f. practical arts g. character education IKALAWA, nanindigan ang PSLLF na ang pagpapapalawak sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturos a kolehiyo ay alinsunod din sa Artikulo IV, Seksyon 3 ng 1987 Konstitusyon. IKATLO, nilinaw ng PSLLF mas dapat ituro ang Filipino sa kolehiyo sapagkat sa panahon ng patuloy na globalisasyon at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, nararapat lamang na patibayin ng mga Pilipino ang sariling wika at panitikan, upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng global at rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural. 4. Mga Panawagan ng Tanggol Wika a. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo; b. Rebisahin ng CHEd Memorandum Order 20, Series of 2013; c. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at d. Isulong ang makabayang edukasyon.  Abril 15, 2015 – sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera at ng mahigit 100 na mga propesor at iskolar - Isang malaking bigwas ang ginawang hakbang ng Tanggol Wika na sinuportahan ng mga propesor, at iskolar mula sa iba’t ibang unibersidad nang magsampa sila ng iba’t ibang kaso sa Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema sa bansa.  Maliban pa sa mga kilos-protesta, nagpapirma rin ng petisyon ang Tanggol Wika na nilagdaan ng humigit-kumulang 700, 000 na mag-aaral, guro, iskolar at nagmamahal sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang unibersidad at sektor ng Lipunan.  Abril 21, 2015 – naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order. Kinatigan ng nasabing hukuman ang mga argumentong nakatala sa nasabing petisyon.  2018 – tatlong taon matapos mailabas at maipatupad ang Temporary Restraining Order laban sa CHEd Memorandum Order Bilang 20, Serye 2013 ay tinanggal na ito ng Korte Suprema at tuluyan nang binura ang asignaturang Filipino at Panitikan sa antas kolehiyo.  Sa artikulong Supreme Court Declares K to 12 Program Constitutional ni Mike Navallo ay ganito: Tanggol Wika – nanawagan sa bawat unibersidad sa Pilipinas na lumikha ng mga asignatura sa Filipino – batay sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay-laya pa rin sa mga unibersidad na magdagdag ng mga asignatura gaya ng Filipino habang wala pa ang pinal na desisyon ng Korte Suprema tungkol sa motion for reconsideration na isinampa noong Nobyembre 2018. C. KAHALAGAHAN NG FILIPINO BILANG DISIPLINA AT WIKA NG EDUKASYON AT KOMUNIKASYON SA PILIPINAS Lubhang malayo na ang narating ng wikang pambansa, ang Filipino, mula nang ito ay kilalanin bilang wikang Pambansa, wika ng komunikasyon at edukasyon ng Pilipinas na nasasaad sa 1987 Konstitusyon o Saligang Batas ng bansa. Hindi rin lingid sa lahat ang katotohanang maraming pinagdaanang suliranin ang Filipino bilang isang wikang akademiko tulad ng patingin ng mababa sa kakayahan nito at sa kakulangan/kawalan ng political will sa pagpapaunlad nito. 1. Mga Pag-aaral sa Kakayahan ng Filipino bilang Disiplina at Wika ng Edukasyon UP-DILIMAN (1968 – 1969) o Sinimulang gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo. o Nagsimula bilang eksperimento sa kolehiyo ng Sining at Agham (Departamento ng Pilosopiya, Sosyolohiya, Kasaysayan). o Napatunayan na higit na nakauunawa ang mga mag-aaral ng kanilang mga pinag-aaralan, madali man o malalim na konsepto o Napatunayan sa isinagawang eksperimento na higit na epektibo ang pagtuturo ng Agham-Panlipunan gamit ang wikang Filipino sapagkat higit na nagkakaunawaan ang mga mag-aaral at guro (Tiamson-Rubin, 1993: mula sa Bernales, et al., 2019) PAMANTASANG DE LA SALLE- MAYNILA o Dr. Emerita S. Quito – pinangunahan nito ang pagsasa-Filipino ng pagtuturo ng Pilosopiya bunsod na isang pangyayari noong magpunta siya sa Vienna taong 1962. ATENEO DE MANILA o Padre Roque Ferriols, S.J (Society of Jesus) – siya ang nanguna sa pagtuturo ng Pilosopiya gamit ang wikang Filipino sa naturang pamantasan. o Nakapaglathala rin siya ng mga babasahin sa Pilosopiya na nasusulat sa wikang Filipino. 2. Ilang Mahahalagang Argumento Kung Bakit Dapat Manatili ang Filipino Bilang Wika ng Edukasyon at Asignatura sa Kolehiyo at sa Mas Mataas na Antas (San Juan, 2018) 1. Ang Filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral at hindi simpleng wikang panturo lamang. 2. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro ito at linangin din ito bilang asignatura. 3. Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang asignatura, bukod pa sa pagiging wikang panturo nito. 4. Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino – at may potensyal itong maging nangungunang wikang global – kaya lalong dapat itong pag-aralan sa Pilipinas. 5. Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21. 6. Hindi pinaunlad, hindi napaunlad, at hindi mapauunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang ekonomiya ng bansa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser