Maikling Kasaysayan ng Wikang Pambansa PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng isang maikling kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Tinalakay ang mga pangunahing kaganapan, batas, at mga impluwensya sa pag-unlad at pagpapatibay ng wikang Filipino. Sinasaklaw nito ang mga mahahalagang petsa at mga pangunahing tao sa pag-unlad ng wikang pambansa.

Full Transcript

MAIKLING KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ANG WIKANG PAMBANSA 1934 (tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal ang pagpili ng wika) – nagkaroon ng mainitang pagtatalo kaugnay sa pagpili ng wikang pambansa - Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa...

MAIKLING KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ANG WIKANG PAMBANSA 1934 (tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal ang pagpili ng wika) – nagkaroon ng mainitang pagtatalo kaugnay sa pagpili ng wikang pambansa - Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. - sinusugan ito ni Manuel Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas 1935 - ang pagsusog ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 na Saligang Batas ng 1935. “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika” - nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang pambansa. - Batas Komonwelt Blg. 184 (isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez), ito ay nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa na ang pangunahing tungkulin ay “mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.” Pamantayang binuo: ❑ wika ng sentro ng pamahalaan ❑ wika ng sentro ng edukasyon ❑ wika ng sentro ng kalakalan ❑ wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan 1937: (Disyembre 30, 1937) - iprinoklama ni Pangulong Manuel Quezon ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang Pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. (Magkakabisa ito makaraan ang 2 taon) 1940 - nagsimulang ituro ang Wikang Pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado. 1946: (Hulyo 4, 1946) - Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating Kalayaan, ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles (Batas Komonwelt Blg. 570) 1959: (Agosto 13, 1959) - Tagalog naging Pilipino ( Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero (Kalihim ng Edukasyon). - higit na binigyang-halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. - wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte at iba pa. - wikang ginamit sa iba’t ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks. 1972 - muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong Konstitusyunal kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, blg.2: “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino” 1987 (Saligang Batas ng 1987) - implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino na pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino. Artikulo XIV, Seksiyon 6 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”  Lubos ang pagsuporta ni dating Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.” WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO WIKANG OPISYAL - ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. (Virgilio Almario) - ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. WIKANG PANTURO - opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. - wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan. ARTIKULO XIV, SEKSIYON 7 “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyunal ang Kastila at Arabic ” FILIPINO AT INGLES - mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. K TO 12 CURRICULUM - ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula kindergasrten hanggang grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. - tinawag itong Mother Tongue Based Mutli-Lingual Education (MTB-MLE) BROTHER ARMIN LUISTRO “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag- aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay na kanilang kamalayang sosyo-kultural.” MGA WIKA AT DIYALEKTONG GINAGAMIT SA MTB-MLE Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Meranao, Chavacano, Ybanag, Yvatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, Surigaonon. KINDERGARTEN AT UNANG BAITANG - katatasan sa pasalitang pagpapahayag IKALAWA HANGGANG IKAANIM NA BAITANG - bibigyang-diin ang iba’t iba pang komponent ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. MAS MATAAS NA BAITANG - Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o medium of instruction.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser