ARALIN 3: AKADEMIKONG PAGSULAT PDF
Document Details
Uploaded by SnappyElPaso
Tags
Summary
This document discusses academic writing in the Filipino language. It elaborates on the characteristics and types of academic writing, emphasizing the importance of clarity, organization, and objectivity. It also mentions the use of academic Filipino.
Full Transcript
ARALIN 3: AKADEMIKONG PAGSULAT Ikaw bilang mag-aaral, alam mong sa mundo ng pag-aaral ay mahalagang masagot nang maayos ang mga pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag at katarungan, gayundin ang makabuo ng isang organisadong ulat, pananaliksik. Kaya naman...
ARALIN 3: AKADEMIKONG PAGSULAT Ikaw bilang mag-aaral, alam mong sa mundo ng pag-aaral ay mahalagang masagot nang maayos ang mga pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag at katarungan, gayundin ang makabuo ng isang organisadong ulat, pananaliksik. Kaya naman, sa mga paaralan at unibersidad ay sinasanay ang bawat mag- aaral na matuto at magkaroon ng sapat na kakayahan at kasanayan sa akademikong pagsulat. Sa modyul na ito, tatalakayin natin ang akademikong pagsulat gayundin ang mga katangiang dapat taglayin nito, iba’t ibang uri ng akademikong sulatin at ang gamit ng akademikong Filipino bilang wika ng intelektwalisasyon. ANG AKADEMIKONG SULATIN Mahalagang matutunan ang akademikong pagsulat sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at bokasyon. Paggamit ng Akademikong Filipino sa Pagsasagawa ng Akademikong Pagsulat Madalas inuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademya. Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. Ang mga elementong bumubuo dito ay ang mga sumusunod: Mag-aaral ✔ Guro ✔ Administrador ✔ Gusali ✔ Kurikulum ✔ At iba pa Higit sa lahat, hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademiya kung wala ang instrumento upang mapakilos ito at maganap ang mithiin at misyon nito – walang iba kundi ang wika. Ang akademikong Filipino ay iba sa wikang karaniwan o mga wikang nakasanayan nang gamitin ng nakararami sa araw-araw na pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinapahalagahan ng taong gumagamit ang mga prinsipyo at alituntunin sa paggamit ng Filipino. Sa paggamit ng akademikong Filipino, dapat malinaw sa isip ng gumagamit nito, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga nilaang alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito ay maging istandard at magamit bilang wika ng intelektwalisasyon. Bukod sa ang Filipino ay napatunayang mabisang gamitin sa pagkatuto ng mga mag-aaral, nakasaad din sa Konstitusyon na ito ay isa sa mga opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ayon kay Vivencio Jose (1996), isang mahusay na manunulat at historyador, sa kanyang sanaysay mula sa aklat ng Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya, hindi lamang sa larangan ng pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademya. Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa kurikulum sa pag-aaral ng Senior High School ang Akademikong Pagsulat ito ay asignaturang lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula elementarya, sekundarya, kolehiyo at maging graduate school at maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat. Kabilang sa mga pagsasanay na ito ay ang pagsulat ng mga sumusunod: sanaysay case studies posisyong papel pamanahong papel artikulo pananaliksik pagsusuri ng mga akdang pampanitikan Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat 1. Obhetibo Una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo o makatotohanan ang pagkakasulat. Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang … pagiging subhetibo o pagbibigay ng personal na opinyon hinggil sa paksang tinatalakay. paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw, o ayon sa aming haka-haka 2. Pormal Dahil nga sa ang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito. Gayundin, ang tono o himig ng paglalahad ng mga impormasyon at kaisipan. Iwasan ang … paggamit ng mga salitang balbal o kolokyal. 3. Maliwanag at Organisado Ang mga talata ay kinakailangan na kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na bumubuo rito. Mahalagang magtaglay ito ng kaisahan. Dapat ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin. Iwasan ang … masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa. 4. May Paninindigan Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan hanggang matapos ang kaniyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa. Iwasan ang … magpabago-bago ng paksa. 5. May Pananagutan Ang ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapananagutan ang manunulat sa awtoridad na ginamit na sanggunian. Dagdag Kaalaman Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin Upang mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang iba’t ibang uri ng akademikong sulating isa-isang tatalakayin sa kabuuan ng inyong pag-aaral. Hindi mo lamang matututuhan ang mga ito, kundi magkakaroon ka rin ng sapat na kaalaman at kasanayan sa paggawa at pagsulat nito. Abstrak Adyenda Sintesis/Buod Katitikan ng Pulong Bionote Posisyong Papel Panukalang Proyekto Replektibong sanaysay Talumpati Lakbay-sanaysay