ARALIN 1.3 Makrong Kasanayan sa Pagsulat PDF

Document Details

Corazón Javilla

Nina Josefina Mangahis, Rhoderick Muncio, at Corazon Javilla

Tags

Tagalog writing writing skills composition philippine language

Summary

This document discusses various types of writing including formal and informal writing, as well as describing the process of writing. It includes examples and methods to improve writing skills. It focuses on Tagalog language writing.

Full Transcript

*Nina Josefina Mangahis,* *Rhoderick Muncio,* *at Corazon Javilla* Ang **pagsulat** ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang ***pasulat***, ***limbag*** at ***elektroniko*** (sa kompyuter). ------------------------------------------------------...

*Nina Josefina Mangahis,* *Rhoderick Muncio,* *at Corazon Javilla* Ang **pagsulat** ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang ***pasulat***, ***limbag*** at ***elektroniko*** (sa kompyuter). ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang ikalawang yugto ay ang **mismong proseso ng pagsulat**. Nagkakaroon ng *hulma* at tiyak na *hugis* ang mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao habang unti-unting naisusulat ito sa papel. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 1. **Pasulat o sulat-kamay-** na kasama rito ang liham, tala ng leksyon sa klase, talaarawan at iba pa; 2. **Limbag**- tulad ng nababasa sa jornal, magasin, 3. **Elektroniko**- na ginagamit sa pagsulat ng liham o kaya'y magsulat/magmakinilya sa kompyuter ng mga artikula, balita, dokumento, pananaliksik na ginagawa at iba pa. 1. **Pormal.** Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging gingamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto. Karaniwang mga halimbawa nito ang akademikong pagsulat ng sanaysay, pamanahunang papel, at tesis. Piling--pili ang mga salitang ginagamit sa pagsulat ng mga sulating pormal. 2. **Di-Pormal.** Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa. Ang ilang halimbawa nito ay di-pormal na sanaysay, talaarawan, kwento at iba pa. 3. **Kumbinasyon.** Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong pagsulat sa bansa lalo na sa hanay ng mga kabataang manunulat na nagsasagawa ng eksperimento ng estilo, nilalaman at pormat ng pagsulat. May mga iskolarling papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng jornal, liham at iba pang personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng pormal ***Paglalahad.***Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ***Jacobo*** **3. Pangangatwiran.** Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat. ============================================================================================================================================= **Paglalarawan.**Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran. ===================================================================================================================================================================== *- Halaw sa "May Baboy na Di-Matuhod sa Litsunan," Barriotic Punk, mga* *Kwento sa Baryo at Kanto ni Mes De Guzman* Ayon kay **Isagani R. Cruz**, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang kakayahang ito. Pinag- aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging epektibo at makabuluhan ang gawaing pang- komunikatibo at pang-akademiko. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 1. **Pagtatanong at Pag-uusisa.** Ang mga sulating papel sa kolehiyo'y nagmumula sa isa o maraming tanong. Maaaring galing ang isang tanong sa guro na nagnanais makuha ang opinyon ng mga estudyante tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Kung ang kahingian naman sa klase ay isang sulating pananaliksik o tesis, kanariwang maraming tanong ang nag-uudyok para sulatin ang mga kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng sulatin. Hindi ganap ang pagtatanong lamang kung kaya't ang mausisang isipan ang nagbibigay-daan para makahanap ng sagot sa tanong. Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na pananaliksik. 2. **Pala-palagay.** Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang banda, unti- unting nabubuo ang pala-palagayng manunulat sa paksang susulatin. Habang wala pang tiyak na balangkas at daloy ng pagtalakay sa pagsang susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulat. Maaaring sulatin niya sa kanyang *scrapbook* o kwaderno ang mga posibleng ugat ng kahirapan, katiwalian, pagkawasak ng moral na pundasyon ng pamilya, o ang kultura ng kapabayaan at walang 3. **Inisyal na pagtatangka.** Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas. Ang pagsulat ng balangkas ng pananaliksik o anumang dokumento ay palatandaan na may direksyon na ang pagsulat na gagawin ng isang manunulat. Kapag may balangkas na, babalik muli ang manunulat sa aklatan upang tiyak nang makuha ang kailangang sanggunian, o di kaya'y pupunta na sa mga taong may ekspertong kaalaman hinggil sa paksa para 4. **Pagpapakinis ng papel.** Kung tapos na ang unang borador, muli't mulingbabasahin ito para makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon. 5. **Pagsulat ng unang borador.** Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na ang daloy ng paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaring sulatin na ang unang borador.Dito na ibubuhos ng manunulat ang kanyang kasanayan, kaalaman at kakayahan upang mabuo ang papel. 6. **Pinal na papel.**Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng papel, pwede nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa't susuri nito. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 2. **Introduksyon o Panimula.** Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 3. **Katawan.** Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay matatagpuan sa bahaging ito. 4. **Kongklusyon.**Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad din sa bahaging ito ang napatunayan o napag- alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser