FILIPINO SA PILING LARANGAN PDF

Summary

This presentation discusses the importance of writing and academic writing in Filipino. It covers different types of writing, including personal and social writing, and highlights the significance of various aspects like organization, use of language, and knowledge application.

Full Transcript

Guro: Ginoong Leomel L. Yuson FILIPINO SA PILING LARANGAN Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsulat ANG PAGSULAT ANG PAGSULAT Ang pagsulat ay isa sa pangunahing kasanayan na natututuhan at pinauunlad sa loob ng paaralan....

Guro: Ginoong Leomel L. Yuson FILIPINO SA PILING LARANGAN Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsulat ANG PAGSULAT ANG PAGSULAT Ang pagsulat ay isa sa pangunahing kasanayan na natututuhan at pinauunlad sa loob ng paaralan. Hindi maihihiwalay ang bisa ng pagsulat bilang sandata sa buhay ng isang indibidwal. Upang maging kasangkapan ang pagsulat sa buhay ng tao, marapat itong palakasin batay sa kahingian at pangangailangan ng panahon. ANG PAGSULAT Malaking tulong ang pagsusulat lalong lalo na sa mga taong nakasusulat, nakababasa at maging sa pagdokumento ng mga mahahalagang pangyayari. Ayon kay Mabelin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman. ANG PAGSULAT Isa sa makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pagsulat at ang wika ang pangunahing sangkap sa pagbuo ng isang sulatin na magluluwalal ng iba’t ibang ideya na magiging mensahe sa anumang isusulat. LAYUNIN NG PAGSULAT LAYUNIN NG PAGSULAT Ayon kay Mabelin (2012). Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. 1. Personal o ekspresibo 2. Panlipunan o pansosyal PERSONAL O EKSPRESIBO Ang layunin ng pagsulat na ito ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng iba’t ibang reaksiyon depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at iba pang akdang pampanitikan. PANLIPUNAN O PANSOSYAL Ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunan na ginagalawan. Ang ibang halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa. KAHALAGAHAN O ANG MGA BENIPESYO NA MAAARING MAKUHA SA PAGSUSULAT 1. Mahahasa ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhektibong paraan. 2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinisagawang imbestigasyon o pananaliksik. 3. Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhektibo sa paglatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. 4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan ng mag-aaral at makikilatis ang mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. 5. Maaaliw sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. 6. Mahuhubog ang pagbibigay pagpapahalaga nang paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda. 7. Malilinang ang kasanayan sa pagkalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat. Guro: Ginoong Leomel L. Yuson Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan: 1. WIKA Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan. 2. PAKSA Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin. 3. LAYUNIN Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isusulat. 4. PAMAMARAAN NG PAGSULAT May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat. LIMANG PARAAN NG PAGSULAT a. Pamaraang Impormatibo Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. b. Pamaraang Ekspresibo Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. c. Pamaraang Naratibo Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod. d. Pamaraang Deskriptibo Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan. e. Pamaraang Argumentatibo Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan. 5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP Taglay ng manunulat ang kakayahang maganalisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad. 6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT Dapat ding isaalangalang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin. 7. KASANAYAN SA PAGHAHABI NG BUONG SULATIN Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon. MGA URI NG PAGSULAT 1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) Pangunahing layunin nito ay mahatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwang bunga ito ng ating malikot na imahenasyon o kathang-isip lamang. Halimbawa: Maikling kwento, dula, nobela, komiks, iskrip ng teleserye, pelikula, musika, at iba pa. 2.Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin. Halimbawa: Feasibility Study on the Construction o Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation o Royal Theatre in Caloocan City, Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina. 3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) Ito ay kaugnay sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa paaralan lalo na sa pagawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa: Guro- lesson plan; doktor at nars- medical report, narrative report 4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) Ito ay tungkol sa sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Mahalagang ang mga taong sumusulat nito ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa kasalukuyan na kanyang isusulat sa pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa ardyo at telebisyon. Halimbawa: balita, editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa. 5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) Layunin ng sulatin na mabigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng koseptong papel, tesis, at disertasyon. Halimbawa: Review of Related Literature (RLL), Sanggunian 6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing) Isang masinop, sistematiko at isang intelektuwal pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan. Ang gawaing ito ay naktutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larang. 6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing) Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pangangatuwiran. Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ginagawang pananaliksik. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1. OBHETIBO Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan ng mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa haka-haka o opinyon. 2. PORMAL Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madali ng maunawaan ng mga mambabasa. Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat maging pormal din. 3. MALIWANAG AT ORGANISADO Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisadong mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng pangungusap na binubuo nito. Ang pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa sulatin. 4. MAY PANININDIGAN Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapagbago-bago ng paksa. Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan hanggang sa matapos ang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa. 5. MAY PANANAGUTAN Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika at pagbibigay galang sa awturidad na ginamit bilang sanggunian.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser