LARANG REVIEWER PDF
Document Details
Uploaded by RighteousPlot
Tags
Summary
This document reviews different types of writing, including academic writing, creative writing, professional and journalistic styles. It also discusses technical writing. It explains the characteristics and examples of each type of writing, such as creative writing including short stories, novels, poems etc., outlining the importance of academic writing in expanding and deepening knowledge, and highlighting the key elements of academic writing such as critical thinking, research, and professional skills.
Full Transcript
Akademikong Pagsulat Ito ay isang anyo ng pagsulat na may kakayahang akademiko kung kaya nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayang pang-akademiko. Kasanayan sa Pagsulat Bukod sa pagsulat, ito ang mga makrong kasanayang dapat taglayin ng isang mag-aaral: pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at...
Akademikong Pagsulat Ito ay isang anyo ng pagsulat na may kakayahang akademiko kung kaya nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayang pang-akademiko. Kasanayan sa Pagsulat Bukod sa pagsulat, ito ang mga makrong kasanayang dapat taglayin ng isang mag-aaral: pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at panonood. Malikhaing Pagsulat magbigay ng kasiyahan mapukaw ang damdamin maantig ang hiraya at isipan ng mambabasa karaniwangg bunga ng mapaglarong isipan ng manunulat Halimbawa: Maikling kuwento Nobela Tula Pabula Parabula Teknikal na pagsulat Ang teknikal na pagsulat ay pagsulat o pag-draft ng teknikal na komunikasyon na ginagamit sa mga larangang panteknikal at pantrabaho, Halimbawa (teknikal na sulatin): Ito ay maaaring kabilangan ng mga high-tech manufacturing, engineering, biotech, energy; aerospace, finance, information technology, at global supply. Propesyonal na Pagsulat: -May kinalaman sa isang tiyak na larangang pang-akademya. -Nagbibigay-tuon ito sa mga sulating may kinalaman o kabuluhan sa isang tiyak na propesyon. Halimbawa (propesyonal na pagsulat): Halimbawa na lamang ng propesyonal na sulatin ay lesson plan para sa mga guro, curriculum instructions para sa mga curriculum developer, physical examination para sa mga nasa larang ng medisina at iba pang sulating nakatuon sa isang propesyon. Jornalistik na Pagsulat May kaugnayan sa pamamahayag. May kasanayan sa pangangalap ng impormasyon, pagiging obhetibo, at paningin sa mga makabuluhang isyu. Halimbawa (jornalistik na pagsulat): balita ,editoryal ,lathalain ,isports Reperensiyal na Pagsulat Bigyang-pagkilala ang mga pinagkunan ng impormasyon upang maging patunay at mapagkatiwalaan ang isang akademikong sulatin. Akademikong Pagsulat Ayon naman kina Mabilin et al. (2012), ang lahat ng uri ng pagsulat ay maituturing na bunga lamang ng akademikong pagsulat. Halimbawa (akademikong pagsulat): sintesis, abstrak, posisyong, papel, talumpati Dahilan at Layunin sa Pagsulat): Kakayahan sa Kritikal na Pag-iisip. Sa pagsasakatuparan ng akademikong sulatin, hindi natatapos ang manunulat sa hayag na paglalahad lamang ng mga kaalaman. Pagpapalawak at Pagpapalalim ng Kaalaman. Sa iba't ibang yugto at antas ng pag-aaral, nagagawang matutuhan ng isang indibidwal ang iba't ibang konsepto at/o mga teoryang kinakailangan sa isang larangan. Kakayahang Propesyonal. Sa pagsulat ng mga akademikong sulatin, bukod sa konseptong teknikal at kasanayang nakukuha rito, nagagawa rin ng isang indibidwal na maunawaan at matutuhan ang propesyonalidad. Kasanayan sa Saliksik. Isang mahalagang kahingian sa pagtutupad ng akademikong sulatin ay ang taglay nitong kaalaman na hindi lamang sumasandig sa lisang batis o batayan, sapagkat nangangailangan itong makapagbigay ng isang kongkreto at makabuluhang kahulugan at/o kaalaman. Subhetibo- kung ang paglalarawan ay napakalinaw ngunit hindi nakabatay sa katotohanan. Obhetibo- kung ang paglalarawan ay may pinagbatayang katotohanan. ABSTRAK - ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract(1997), bagama't ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento a bahagi ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon, resulta at konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat. 1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin. 2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin, mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat. 3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa. 4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain. 5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin. 6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iwan ng pala-isipan kaugnay sa paksa. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak 1.Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag- aaral o sulatin. 2.Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapalianag na magiging dahilan para humaba ito. 3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito. 4.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. 5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel. Kaya naman, nakapahalagang maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng Abstrak. 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak. 2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon ,kaugnay na literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon. 3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin.Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel. 4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung sagyang kinakailangan. 5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang dapat isama rito mabuti ang abstrak. 6. Isulat ang pinal na sipi nito. SINOPSIS Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela, dula ,parabula, pelikula, video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na (isahan o maramihan) sa pagsulat nito. 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot ,dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin. 3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliranin kanilang kinakaharap. 4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay (gayunpaman,kung gayon, samakatuwid,gayundin, sa kabilang daku ,bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis ay ay binubuo ng dalawa o higit pang talata. 5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay,at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan kinuha o hinango ang orihinal na sipi ng akda Mga hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis 1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito. 2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan 3. Habang nagbabasa,magtala kung maaari ay magbalangkas. 4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat. 5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit nito. Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino ang nagkukwento. 6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod. BIONOTE -Tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa. -maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. -Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o pakiatg ksayriip ara sats upang propesyonal na layunin. -Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging "Tungkol sa lyong Sarili" na makikita sa mga social network o digital communication sites. -Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote: 1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume, kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na pangungusap. 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay nanakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga. 3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. 5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka. 6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito MEMORANDUM Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos Ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin: a. Memorandum para sa kahilingan b. Memorandum para sa kabatiran c. Memorandum para sa pagtugon 2. Ang bahaging 'Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. ,at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa. 3. Ang bahaging 'Mula kay' ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin, mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na lamang na nakapapormal ang memong ginawa. 4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 30/09/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito. 5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito. 6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod: a. Sitwasyon - dito makikita ang panimula o layunin ng memo b. Problema - nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito c. Solusyon - nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan d. Paggalang o Pasasalamat - wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang. 7. Ang huling bahagi ay ang 'Lagda' ng nagpadala.Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging Mula kay … ADYENDA Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong 1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon: a.mga paksang tatalakayin b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa c.oras na itinakda para sa bawat paksa 2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito. 3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan. 4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan. 5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda: 1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar. 2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo, mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito. 3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong. 4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin. 5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.