Imperyalismo at Kolonyalismo
Document Details
Uploaded by NeatestOklahomaCity
JaneYney
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba't ibang aspekto ng imperyalismo at kolonyalismo. Tinalakay ang mga kahulugan, uri, at epekto sa mga bansa sa Asya at Aprika. Nagbibigay din ito ng mga halimbawa ng mga pangyayari sa kasaysayan na nauugnay sa paksa.
Full Transcript
ANG IMPERYALISMO AY ISANG SISTEMA NG PANANAKOP KUNG SAAN ANG ISANG MAKAPANGYARIHANG ESTADO AY SAPILITANG KINOKONTROL ANG MAS MALILIIT AT MAHIHINANG ESTADO. ANG KOLONYALISMO AY TUMUTUKOY SA PAGKONTROL NG DAYUHANG BANSA SA MAS MAHIHINANG BANSA SA ASYA AT AFRICA ANG PAMAHALAAN AT EKONOMIYA AY TUWIRANG...
ANG IMPERYALISMO AY ISANG SISTEMA NG PANANAKOP KUNG SAAN ANG ISANG MAKAPANGYARIHANG ESTADO AY SAPILITANG KINOKONTROL ANG MAS MALILIIT AT MAHIHINANG ESTADO. ANG KOLONYALISMO AY TUMUTUKOY SA PAGKONTROL NG DAYUHANG BANSA SA MAS MAHIHINANG BANSA SA ASYA AT AFRICA ANG PAMAHALAAN AT EKONOMIYA AY TUWIRANG PINAMAMAHALAAN NG MGA DAYUHAN. ANG PROTECTORADO AY PINAHIHINTULUTAN ANG MGA LOKAL O KATUTUBONG PINUNO NG MAS MAHINANG BANSA NAMAMAHALA NGUNIT KONTROLADO NG MAS MALAKAS NA BANSA ANG MGA PINUNO NA KANILANG BINIGYAN NG KAPANGYARIHAN. ANG ECONOMIC IMPERYALISM AY ISANG URI NG IMPERYALISMO KUNG SAAN KONTROLADO NG MGA PRIBADONG KUMPANYA O DAYUHANG MAMUMUHUNAN ANG MGA MAHIHINANG BANSA. ANG SPHERE OF INFLUENCE AY ISANG URI NG IMPERYALISMO KUNG SAAN ANG ISANG TERITORYO O BAHAGI NG MAHINANG BANSA NA KINOKONTROL O NASA IMPLUWENSYA NG MAS MALAKAS NA BANSA UPANG HINDI SILA LUBUSANG SAKUPIN. ANG CONCESSION ANG PAGBIBIGAY NG PAHINTULOT SA MANANAKOP NA GAMITIN ANG TERITORYO AT LIKAS NA YAMAN NG MAHINANG BANSA NA MAY EKSKLUSIBONG KARAPATAN PARA SA KANILANG PANSARILING INTERES. ANG EXTRA-TERRITORIALITY AY KASUNDUAN SA PAGITAN NG MANANAKOP AT MAHINANG BANSA KUNG SAAN PAIIRALIN ANG BATAS NG MGA MANANAKOP SA MGA PILING TERITORYO NA KABILANG SA CONCESSION. ANG TUWIRAN O DIRECT CONTROL AY DIREKTANG PINAMUMUNUAN NG MGA MANANAKOP ANG MAHINANG BANSA. ANG KANILANG PAMAHALAAN AY NASA KAPANGYARIHAN NG MANANAKOP. HINDI HINAHAYAAN NG MGA MANANAKOP ANG MGA KATUTUBO NA HUMAWAK NG ALINMANG POSISYON SA PAMAHALAAN. ANG MGA BATAS NA IPATUTUPAD AY ALINSUNOD SA MGA BATAS NA IPINATUTUPAD SA MGA BANSANG PINANGGALINGAN NG MGA MANANAKOP. KONTROLADO NG MANANAKOP ANG PULITIKA AT EKONOMIYA NG MAHINANG BANSA. MAGING ANG KULTURA NG MGA KATUTUBO AY UNTI-UNTING NA BAGO AT ITO AY NAPALITAN NG MGA KULTURANG DAYUHAN DAHIL SA PATAKARANG IPINATUTUPAD NG MGA MANANAKOP. ANG DI TUWIRAN O INDIRECT CONTROL AY PINANATILI ANG MGA KATUTUBONG PINUNO NG MAHIHINANG BANSA NA MAY LIMITADONG KAPANGYARIHAN AT ANG HULING DESISYON AY NASA KAPANGYARIHAN NG MANANAKOP. MAAARING IPAGPATULOY NG MGA KATUTUBONG PINUNO ANG ILAN SA KANILANG MGA LOKAL NA PANINIWALA NGUNIT SA PAGLIPAS NG PANAHON AY NAHAHALUAN ITO NG MGA PANINIWALA MULA SA DAYUHAN. ANG ASTROLABE AY GINAGAMIT UPANG MATUKOY ANG LATITUDE NG BARKO GAMIT ANG ARAW AT MGA BITUIN. ANG COMPASS NAMAN AY TUMUTUKOY SA DIREKSYON KUNG SAAN PATUNGO ANG BARKO. ANG CARAVEL AY ISANG BARKO NA MAY TATSULOK NA LAYAG ITO AY HINDI HAMAK NA MAS MABILIS AT MAY KAKAYAHAN NA MAGDALA NG MAS MARAMING KARGAMENTO. (KALAKAL AT CANYON) NANGUNA SA PANGGAGALUGAD ANG PORTUGAL AT NOONG 1420 ANG PANLALAYAG NG MGA PORTUGUESE AY PINUNDUHAN NI PRINCE HENRY THE NAVIGATOR. ANG MGA PORTUGUESE AY NAGLAKBAY SA KANLURANG AFRICA KUNG SAAN NADISKUBRE NILA ANG DEPOSITO NG GINTO DITO. TINAWAG ANG KANLURANG BAYBAYIN NG AFRICA NA THE GOLD COAST DAHIL SA SOBRANG DAMING GINTONG MATATAGPUAN DITO. NOONG 1488 NARATING NI BARTOLOMEU DIAZ ANG DULO NG AFRICA NA TINAWAG NA THE CAPE OF GOOD HOPE. NOONG 1498 NAMAN NALAMPASAN ITO NI VASCO DA GAMA AT NARATING NIYA ANG SILANGANG AFRICA GINAMIT NIYA ANG SILANGANG AFRICA BILANG BASE SA KANYANG PAGLALAYAG PAPUNTANG INDIA. ANG KANYANG RUTA ANG NAGING SUSI SA PAGKONTROL NG MGA PORTUGUESE SA KALAKALAN NG PAMPALASA SA EUROPA AT SIYA AY KUMIKITA NG ILANG LIBONG BESES SA KANYANG UNANG PAGLALAYAG. AT NOONG 1510 ANG MGA PORTUGUESE AY NAGTATAG NG KANILANG TRADING POST SA GOA, INDIA. SI PEDRO CABRAL AY ANG PORTUGUESE NA SUMAKOP SA BRAZIL NOONG 1500 KUNG SAAN SIYA AY NAGTATAG NG MALAWAK NA SUGAR PLANTATION. ANG MGA PLANTATION AY NAGBUNSOD SA MARAMIHANG PAGPAPADALA NG MGA AFRIKANONG ALIPIN SA AMERIKA. NAKAMIT NG MGA PORTUGUESE ANG RUROK NG KANILANG PAGPAPALAWAK NOONG 1509. ANG MGA PORTUGUESE AY NAGPADALA NG MGA BARKONG PANDIGMA SA MELAKA SA MALAY PENINSULAR KANILANG SINIRA ANG KONTROL NG MGA ARABO SA SPICE TRADE. MAKALIPAS MASAKOP ANG MELAKA SILA AY NAGTATAG NG TRADING POST SA MOLUCCAS ANG ISLA NA INAASAM-ASAM NG LAHAT NG MGA BANSA SA EUROPA. ANG ESPANYA ANG SUMUNOD SA PALIGSAHAN NG MGA BANSA NOONG PANAHON NG PANGGAGALUGAD. SA PAMUMUNO NI HARING FERDINAND ILANG PINONDUHAN ANG PAGLALAYAG NI CHRISTOPHER COLUMBUS. NOONG 1492 NAGLAKBAY SI COLUMBUS PAKANLURAN AT NARATING ANG CARIBBEAN ISLAND DAHIL SA KAKULANGAN NG KAALAMAN SA HEOGRAPIYA INAKALA NIYA NA INDIA ANG KANYANG NARATING LINGID SA KANYANG KAALAMAN MAS MAHALAGANG BAGAY ANG KANYANG NATUKLASAN KANYANG NATUKLASAN ANG ISANG PANIBAGONG LUPAIN ANG DALAWANG AMERIKA. NOONG 1519 MULING PINUNTAHAN NG ESPANYA ANG PAGLALAYAG NI FERDINAND MAGELLAN AT NOONG 1521 KANYANG NARATING ANG GRUPO NG MGA ISLA AT KINALAUNAN AY MAS NAKILALA SA TAWAG NA BANSANG PILIPINAS NGUNIT SIYA AY NAPATAY SA ISLA NG MACTAN KUNG KAYA'T IPINAGPATULOY NA ANG KANYANG KASAMAHAN NA SI SEBASTIAN EL CANO ANG KANYANG PAGLALAKBAY. ANG EKSPEDISYON NI MAGELLAN AY ANG PINAKAUNANG NAKAIKOT SA DAIGDIG AT TULUYANG NAGPATUNAY NA BILOG ANG DAIGDIG. NOONG 1521 PINABAGSAK NI HERNAN CORTES ANG DAKILANG KAHARIAN NG AZTEC AT KANYANG NASAKOP ANG MEXICO. NOONG 1531 NASAKOP NI FRANCISCO PIZARRO ANG SINAUNANG KABIHASNAN NG INCA DAHIL SA MGA SAKIT NA DALA NG MGA ESPANYOL. SUMUNOD NAMAN ANG NETHERLANDS SA PANGANGALUGAD AT ITINATAG ANG DUTCH EAST INDIA COMPANY UPANG PANGUNAHAN ANG LAYUNIN NITONG MAKONTROL ANG KALAKALAN NG SPICES ANG DUTCH EAST INDIA COMPANY AY PRIBADONG KUMPANYA NA PINAHIHINTULUTAN NG PAMAHALAAN NG NETHERLANDS NA MANAKOP NG TERITORYO (UNANG KUMPANYA NA NAGTINDA NG KANILANG STOCKS AT PINAKAUNANG TRANSNATIONAL INCORPORATION SA DAIGDIG). INAGAW NG NETHERLANDS ANG MOLUCCAS SA MGA PORTUGUESE AT NAGTATAG NG KANILANG TRADING PORTS. KONTRA NG KAPANGYARIHAN NG MGA DUTCH SA ASYA AY ANG BATAVIA O JAKARTA. BILANG SAGOT SA LUMALAWAK NA IMPLUWENSYA NG MGA ESPANYOL SA AMERIKA ITINATAG NG MGA DUTCH ANG DUTCH WEST INDIA COMPANY. NAGAWANG SAKUPIN NG MGA DUTCH ANG MGA LUPAIN SA DADA NG HUDSON RIVER KABILANG NA ANG ALBANI AT NEW YORK. NOONG 1600 TINATAG NG ENGLAND ANG BRITISH EAST COMPANY. ANG ENGLAND AY NAGBIGAY DOON SA INDIA AT KANILANG NAKARIBAL ANG FRANCE AT ANG KANILANG MGA TRADING POST AY ANG MADRAS BOMBAY AT CALCUTTA. MGA DAHILAN NOONG UNANG YUGTO MGA KRUSADA NA NAGANAP NOONG 1096 HANGGANG 1273 -- ITO AY ISANG KILUSAN NA INILUNSAD NG SIMBAHAN AT NG MGA KRISTIYANONG HARI UPANG MABAWI ANG BANAL NA LUGAR, ANG JERUSALEM SA ISRAEL. HINDI MAN LUBUSANG NAGTAGUMPAY ANG KRUSADANG ITO MARAMI RING MABUTING NAIDULOT ITO, NAGKAROON NG UGNAYAN ANG MGA EUROPEO SA SILANGAN AT NAKILALA NILA ANG MGA PRODUKTO NG SILANGAN TULAD NG PAMPALASA, MAMAHALING BATO, PABANGO, SEDANG TELA, PORCELANA PRUTAS AT IBA PA NA NAKABIGHANI MGA EUROPEO. ANG PAGLALAKBAY NI MARCO POLO -- SI MARCO POLO SI MARCO POLO AY ISANG ITALYANONG ADVENTURERONG MANGANGALAKAL NA TAGA VENICE. NAKARATING SIYA SA TIBET, BURMA, LAOS, JAVA, JAPAN, PATI NA SA SIBERIA. NOONG 1295 BUMALIK SIYA SA ITALY AT DOON INILIMBAG NIYA ANG AKLAT NA THE TRAVELS OF MARCO POLO (1477). ANG MGA NAKITA NIYANG MAGAGANDANG KABIHASNAN SA MGA BANSANG ITO NG ASYA LALO NA SA CHINA, DITO NIYA INILARAWAN ANG KARANGYAAN AT KAYAMANAN NITO. MARAMING. ADVENTURERONG EUROPEO ANG NAMANGHA AT NAHIKAYAT NA MARATING AT MAKIPAGSAPALARAN SA ASYA. ANG RENAISSANCE -- AY SALITANG PRINCESS NG IBIG SABIHIN AY MULING PAGSILANG. NAGPASIMULA SA ITALYA NA NAGANAP NOONG 1350. ANG KILUSANG PILOSOPIKAL NA MAKASINING AT DITO BINIGYANG DIIN ANG PAGBABALIK INTERES SA MGA KAALAMANG KLASIKAL SA GREECE AT ROME. ANG RENAISSANCE ANG SIYANG NAGBUKAS NG DAAN SA PAGBABAGO SA LARANGAN NG KALAKALAN AT NEGOSYO KAYA UMUSBONG ANG REBOLUSYONG KOMERSYAL NA NAGDULOT NG MGA PAGBABAGO SA GAWANG PANG-EKONOMIYA. SA LARANGAN NA ANG EKSPLORASYON BINIGYANG SIGLA NG RENAISSANCE ANG MGA MANLALAKBAY NA GALUGARIN ANG MUNDO. ANG PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE -- ANG CONSTANTINOPLE AY ANG ASYANONG TERITORYO NA PINAKAMALAPIT SA KONTINENTE NG EUROPA. ITO ANG NAGSILBING RUTANG PANGKALAKALAN MULA EUROPA PATUNGONG INDIA, CHINA AT IBANG BAHAGI NG SILANGAN NA NAPASAKAMAY NG MGA TURKONG MUSLIM NOONG 1453. ITO ANG PUMUTOL SA UGNAYAN NG MGA EUROPEO AT MGA ASYANO. MERKANTILISMO -- PRINSIPYONG PANG-EKONOMIYA NA KUNG MAY MARAMING GINTO AT PILAK MAY PAGKAKATAON NA MAGING MAYAMAN AT MAKAPANGYARIHAN. INDONESIA SUMAKOP: PORTUGAL, NETHERLANDS AT ENGLAND MGA LUGAR NA SINAKOP: TERNATE SA MOLUCCAS: NASAKOP NG PORTUGAL AMBOINA AT TIDORE SA MOLUCCAS: INAGAW NG NETHERLANDS MULA SA PORTUGAL. PANANDALIANG NAKUHA NG ENGLAND SUBALIT IBINALIK DIN SA NETHERLANDS. BATAVIA (JAKARTA) : NASAKOP DIN NG NETHERLANDS DAHILAN: MAYAMAN SA MGA PAMPALASA, MGA SENTRO NG KALAKALAN AT MAAYOS NA DAUNGAN PARAAN NG PANANAKOP: DAHIL SA PAGHAHANGAD SA MGA PAMPALASA NARATING NG PORTUGAL ANG TERNATE SA MOLUCCAS NOONG 1511. NAGTAYO SILA NG HIMPILA NG KALAKALAN DITO AT NAGSIMULANG PALAGANAPIN ANG KRISTIYANISMO. PINAALIS NG MGA DUTCH ANG MGA PORTUGUESE NOONG 1655 AT SINAKOP ANG MGA ISLA NG AMBOINA AT TIDORE SA MOLUCCAS GAMIT ANG MAS MALAKAS NA PWERSANG PANDIGMA. UPANG MAPANATILI ANG KANILANG KAPANGYARIHAN NAKIPAG-ALYANSA ANG MGA DUTCH SA MGA LOKAL NA PINUNO NG INDONESIA. PARAAN NG PANANAKOP: GUMAMIT DIN SILA NG DIVIDE AND RULE POLICY UPANG MAPASUNOD AT MASAKOP ANG MGA NABANGGIT NA ISLA DAHIL DITO NAGKAROON NG MONOPOLYO SA KALAKALAN NG MGA PAMPALASA ANG MGA DUTCH AT LALO PANG NAPATATAG NG NETHERLANDS ANG MONOPOLYO NG ITINATAG NITO ANG DUTCH EAST COMPANY. ITINATAG NG PAMAHALAAN NG NETHERLANDS ANG DUTCH EAST COMPANY NOONG 1602 UPANG PAG-ISAHIN ANG MGA KUMPANYA NA NAGPAPADALA NG PAGLALAYAG SA ASYA. PINAHINTULUTAN ANG DUTCH EAST INDIA COMPANY NA MAGKAROON NG SARILING HUKBO NA MAGTATANGGOL LABAN SA MGA PIRATA MAGTAYO NG DAUNGAN SA MGA LUPAING NASASAKOP AT MAKIPAGSUNDO SA MGA LOKAL NA PINUNO NG MGA BANSA SA ASYA. TULAD NG PILIPINAS MARAMING BANSA RIN ANG SUMAKOP SA MALAYSIA. ITO ANG PORTUGAL, NETHERLANDS AT ENGLAND. LAYUNIN DIN NG MGA BANSANG ITO ANG PAGKONTROL SA MGA SENTRO NG KALAKALAN. BUKOD SA KALAKALAN ONE DIN NG MGA PORTUGUESE NA PALAGANAPIN ANG KRISTIYANISMO SA MGA DAUNGAN NA KANILANG NASAKOP SUBALIT HINDI SILA NAGTAGUMPAY DAHIL SA MALAKAS NA IMPLUWENSYA NG ISLAM SA REHIYON. SAMANTALA, HINDI GAANONG NAIMPLUWENSYAHAN NG MGA BANSANG NETHERLANDS AT ENGLAND ANG KULTURA NG MALAYSIA. MARAMING KATUTUBO ANG NAGHIRAP DAHIL SA PAGKONTROL NG MGA NABANGGIT NA BANSA SA MGA SENTRO NG KALAKALAN SA MALAYSIA. ANG PILIPINAS AY SINAKOP NG ESPANYA. HALOS KABUAN NG LUZON AT ILANG BAHAGI NG MINDANAO ANG MGA LUGAR NA SINAKOP NG ESPANYA. ANG DAHILAN NG KANILANG PANANAKOP AY MAYAMAN ANG PILIPINAS SA GINTO AT MAY MAHUSAY NA DAUNGAN TULAD NG MAYNILA. PAGLALAKBAY NA PINAMUNUAN NI MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI ANG NAGUMPAY NA MASAKOP ANG BANSA SA PAMAMAGITAN NG PAKIKIPAGSANDUGUAN NA KUNG SAAN ITO AY PAG-INOM NG LOKAL NA PINUNO AT PINUNONG ESPANYOL NG ALAK NA HINALUAN NG KANI-KANILANG DUGO. ISA RIN SA PARAAN NA KANILANG GINAMIT SA PANANAKOP SA PILIPINAS AY RELIHIYONG KRISTIYANISMO. ANG TRIBUTE O TRIBUTO AY PATAKARANG PINAGBABAYAD NG BUWIS NG MGA ESPANYOL ANG MGA KATUTUBO. ANG POLO Y SERVICIO AY ISANG PATAKARANG PANGKABUHAYAN KUNG SAAN SAPILITANG PINAGTATRABAHO ANG MGA KALALAKIHANG EDAD 16 HANGGANG 60. ANG MONOPOLYO AY ISANG PATAKARAN KUNG SAAN KINOKONTROL NG MGA ESPANYOL ANG KALAKALAN. ANG SENTRALISADONG PAMAMAHALA AY ISANG PATAKARANG PAMPULITIKA KUNG SAAN NAPASAILALIM SA PAMUMUNO NG MGA ESPANYOL ANG HALOS KABUUAN NG BANSA. ANG SIMBAHANG KATOLIKO AY ISANG PATAKARAN KUNG SAAN NAGING MAKAPANGYARIHAN DIN ANG MGA ESPANYOL NA PARI AT KURAPAROKO NOONG PANAHON NG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL. ANG PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO AY ISANG PATAKARANG KULTURAL KUNG SAAN IPINAPATAY ANG MGA PINUNO NG MGA KATUTUBONG RELIHIYON DAHIL DITO MARAMING KATUTUBO ANG NAGING KRISTIYANO AT MAS MADALING NAPASUNOD NG MGA ESPANYOL ANG MGA KATUTUBO. NATUTO ANG MGA KATUTUBO NG WIKANG ESPANYOL AT IDINADAOS DIN ANG MGA TAON NG PAGDIRIWANG TULAD NG FIESTA NG BAYAN SANTACRUZAN ARAW NG MGA PATAY AT PASKO AT KADALASAN ANG MGA PAGDIRIWANG AY MAY KAUGNAYAN SA KRISTIYANISMO. MGA DAHILAN SA IKALAWANG YUGTO NASYONALISMO -- NAIS NG MGA BANSA SA EUROPA NA MAGKAROON NG MALAWAK NA KAPANGYARIHAN UPANG LABANAN ANG KANILANG MGA KARIBAL NG MGA BANSA. REBOLUSYONG INDUSTRIYAL -- NANGANGAILANGAN NG MGA HILAW NA MATERYAL NA PAGKUKUNAN AT PAMILIHAN NA PAGLALAGYAN NG MGA PRODUKTONG YARI SA KANILA AT KAYA SILA AY NAGPALAWAK NG KANILANG MGA TERITORYO. KAPITALISMO- SA PAG-UNLAD NG KALAKALAN SA PAGITAN NG MGA EUROPEO AT MGA ASYANO, ANG SALAPI NA IPON NG MGA MANGANGALAKAL NA KANLURANIN. THE WHITE MAN'S BURDEN -- TULA NA ISINULAT NI RUDYARD KIPLING. ILALIM SA ISANG KAISIPAN ANG MGA NASASAKUPAN NA SILA AY PABIGAT SA MGA KANLURANING BANSA. MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAPANATILI NG THAILAND ANG KALAYAAN NITO: PAGKAKAROON NG MAHUHUSAY NA HARI. HINDI NAGKASUNDO ANG FRANCE AT ENGLAND KUNG SAAN NILA ILALATAG ANG HANGGANAN SA PAGITAN NG KANILANG MGA KOLONYA HARING NAGPATATAG SA THAILAND: HARING BUDDHA YODFA -- SIYA AY ISANG SUNDALO AT NAMUNO SA THAILAND MULA 1782 HANGGANG 1809. NG KANYANG PAMUMUNO PINAKAMALAWAK ANG TERITORYO NG THAILAND DAHIL BAHAGI NG BANSA ANG ILANG LALAWIGAN NG BURMA CAMBODIA AT MALAYSIA. NAITATAG NIYA ANG BANGKOK BILANG KABISERA NG BANSA SA ILALIM NG KANYANG PAMUMUNO. HARING MONGKUT -- NAMUNO SIYA SA THAILAND MULA 1851 HANGGANG 1868 AT SIYA AY ISANG MONGHENG BUDDHIST NA NAKAPAG-ARAL NG WIKA AT TEKNOLOHIYA NG IBANG BANSA BAGO SIYA ITINANGHAL NA HARI. PAGBUBUKAS NG THAILAND SA BANYAGANG KALAKAL , PAGPAPAUNLAD NG KALSADA AT SISTEMA NG PANANALAPI , PAGHIKAYAT SA MGA OPISYAL NG PAMAHALAAN NA MAG-ARAL NG KASAYSAYAN AT WIKA NG MGA BANYAGA. PATAKARANG KOLONYAL AY MGA PATAKARANG IPINATUPAD NG MGA DAYUHAN SA KANILANG MGA BANSANG SAKOP. PAG-AANGKIN AY ANG PAGKUHA O PAGTANGGAP NG MGA IDEYA, KULTURA, OH ARI-ARIAN NA HINDI ORIHINAL SA ISANG TAO O GRUPO AT GINAGAWA ITONG PARANG KANILA. PAG-AALSA AY ISANG KILUSAN KUNG SAAN NAGHIHIMAGSIK ANG MGA KASAPI NG KOMUNIDAD O AWTORIDAD. ITO AY MADALAS NANGYAYARI KUNG MAYROONG PANG-AABUSO SA KAPANGYARIHAN NA NASA KINAUUKULAN. ANG PANG-AANGKOP AY PROSESO NG PAGSASAAYOS NG ISANG BAGAY. ANG CAMBODIA AY NAGING PROTEKTORADO NG FRANCE NOONG 1862. DAHILAN AY UPANG GAWING BUFFER TERRITORY. ANG KAHARIAN NG CAMBODIA AY NAPASAILALIM SA KAPANGYARIHAN NG KAHARIAN NG SIAM O THAILAND. AGOSTO 11, 1863 AY PUMIRMA SA ISANG KASUNDUAN SI HARING NORODOM SA MGA PRANSES NA NAGLALAGAY SA CAMBODIA SA ILALIM NG FRENCH PROTECTORATE. MANANATILI ANG KAHARIAN NG CAMBODIA NGUNIT ANG KAPANGYARIHAN SA PAMUMUNO AT MGA DESISYON TUNGKOL SA RELASYONG PANLABAS AY MAPUPUNTA SA MGA PRINCESS. NAGKAROON NG MARAMING REPORMA SA PULITIKA NG CAMBODIA, TULAD NG PAGBABAWAS NG KAPANGYARIHAN NG MONARKO AT PAG-AALIS NG PANG-AALIPIN. TATAG NILA ANG PATAKARANG RESIDENT GOVERNOR GENERAL. PAGTATANIM NG MGA PUNO NG GOMA MAIS AT BULAK. PATAW NG MATAAS NA BUWIS. NOONG 1884 SINUBUKAN NG GOBERNADOR NG KOCHINCHINA NA SI CHARLES ANTOINE FRANCOIS THOMSON NAIBAGSAK ANG MONARCO AT ITATAG ANG GANAP NA KONTROL NG PRANSYA SA CAMBODIA. NOONG 1885, SI VOTHA, KAPATID SA AMA NI NORODOM AT KALABAN PARA SA TRONO, AY NAMUNO SA ISANG PAGHIHIMAGSIK UPANG ITAPON ANG NORODOM NA SUPORTADO NG MGA PRANSES PAGKATAPOS BUMALIK MULA SA PAGKATAPON SA SIAM. ANG LOKASYON NG BURMA O MYANMAR SA INDIA, NASAKOP NG ENGLAND ANG DAHILAN KUNG BAKIT SINAKOP ITO NG MGA BRITISH. ANG BRITISH RESIDENT SYSTEM AY ISANG PATAKARAN NA IPINATUPAD NG MGA BRITISH SA BURMA. UNANG DIGMAANG ANGLO- BURMESE (1842 -- 1856) DAHILAN- PAGLUSOB NG BURMA SA MGA ESTADO NG ASSAM, ARAKAN AT MANIPUR NA ITINURING NG MGA BRITISH NA PANGHIHIMASOK SA INDIA. BUNGA- NATALO ANG MGA BURMES AT NILAGDAAN ANG KASUNDUAN SA YANDABO. NAGBIGAY NG BAYAD PINSALA ANG BURMA. NAPASAKAMAY NG ENGLISH EAST INDIA COMPANY ANG ARAKAN AT TENASSERIM. TINANGGAP NG BURMA ANG BRITISH RESIDENT SA PALASYO NG HARI. ANG BRITISH PRESIDENT AY KINATAWAN NG PAMAHALAAN NG ENGLAND SA BURMA. ISA SA KANYANG TUNGKULIN AY ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA MGA DAYUHANG BANSA. MAY KARAPATAN SIYANG MAKIPAG-USAP, MAKIPAGKASUNDO AT MAGDESISYON SA MGA USAPING PANLABAS NG BURMA NA DATI AY GAWAIN LAMANG NG HARI NG BURMA. IKALAWANG DIGMAANG ANGLO- BURMESE DAHILAN- HIDWAAN SA KALAKALAN. ANG KINUHA NG MGA BRITISH ANG MGA BARKONG PANGKALAKALAN NG MGA BURMESE. BUNGA -- NATALO ANG MGA BURMES DAHIL SA MAS MALAKAS NA KAGAMITANG PANDIGMA NG MGA BRITISH. NAWALAN NG KARAPATAN ANG MGA BURMESE NA DUMAAN SA MGA RUTANG PANGKALAKALAN NA DATI AY KANILANG PAGMAMAY-ARI. PAKIKIPAGKASUNDO SA MGA HARING BURMESE SA BANSANG FRANCE. NATALO ANG MGA BURMESE. GANAP NA SINAKOP NG ENGLAND ANG BUONG BURMA AT ISINAMA ITO BILANG PROBINSYA NG INDIA. ANG MGA BURMAN AY NAMUHAY SA ILALIM NG ISTILONG BRITISH. IPINATUPAD NILA ANG DIVIDED RULE POLICY KUNG SAAN ANG MGA LUGAR SA LABAS NG GITNANG KAPATAGAN AY HINDI DIREKTANG PINAMAMAHALAAN SA PAMAMAGITAN NG KANILANG MGA TRADISYONAL NA ISTRUKTURA. SA PAMAMAGITAN NG PWERSANG PANG MILITAR NA PABILANG DIN SA PROTECTORADO NG FRANCE ANG VIETNAM. ANG ORIHINAL NA DAHILAN NG PANGHIHIMASOK NG BANSANG FRANCE SA VIETNAM AY ANG PAGPAPALAGANAP NG KATOLISISMO. GINAMIT NI EMPERADOR NAPOLEON III ANG MGA ULAT TUNGKOL SA PANG-AAPI SA MGA KATOLIKO SA VIETNAM BILANG PAGKAKATAON UPANG MAKIALAM AT KUMUHA NG LUPAIN SA TIMOG VIETNAM. NOONG 1862 AY PUMIRMA NG KASUNDUAN (TREATY OF SAIGON) ANG EMPERADOR NG VIETNAM NA SI TU DUC KUNG SAAN: INILIPAT NA SA FRANCE ANG TATLONG LALAWIGAN NA KUNG TAWAGIN AY COCHIN CHINA PAGBUBUKAS NG TATLONG DAUNGAN PARA SA MGA MANGANGALAKAL NA PRANSES ANG PAGBIBIGAY NG BAYAD PINSALA PAHINTULUTAN ANG KATOLISISMO PAGBIBIGAY KARAPATAN SA MGA PRANSES NA MAGLAYAG SA MEKONG RIVER HARING CHULALONGKORN -- SIYA ANG ANAK NI HARING MONGKUT AT NAMUNO SA THAILAND NOONG 1868 HANGGANG 1910. IPINAGPATULOY NIYA ANG MGA PROGRAMANG MODERNISASYON NA SINIMULAN NG KANYANG AMA, INALIS DIN NIYA ANG SISTEMA NG PANG-AALIPIN, IPINAGBAWAL NIYA ANG SAPILITANG PAGTATRABAHO PARA SA PAMAHALAAN AT SINIMULAN DIN NIYA ANG PAGPAPAGAWA NG RILES NG TREN UPANG MAPABILIS ANG UGNAYAN SA PAGITAN NG MGA LALAWIGAN. IPINATUPAD NG SHOGUNATO NG JAPAN ANG SAKOKO EDIT O ANG PAGSASARADO NG KANILANG BANSA MULA SA MGA DAYUHAN UPANG MAPANATILI AT MAPROTEKTAHAN ANG KANILANG KULTURA MULA SA DAYUHANG IMPLUWENSYA. SUBALIT ANG PAGSASARANG ITO AY NATAPOS NOONG 1853 SA BISA NG KASUNDUANG KANAGAWA SA PAGITAN NG JAPAN AT AMERIKA. MULING NABUKSAN ANG MGA DAUNGAN NG JAPAN PARA SA MGA DAYUHAN. KASABAY NG PAGBUBUKAS NG MGA DAUNGAN NG JAPAN SA MUNDO AY ANG SIMULA NG PAGKAWALA NG KAPANGYARIHAN NG SHOGUNATO AT MULING PAGBABALIK NITO SA EMPEROR. ITO ANG NAGING SIMULA SA PANAHON NG MEIJI (MEIJI RESTORATION) NA PINASIMULAN NI EMPERADOR MUTSUHITO. SA PANAHON NG MEIJI RESTORATION NA TAMASA NG JAPAN ANG KAUNLARAN AT TINANGGAP NG JAPAN ANG MGA PAGBABAGO NA HATID NG IMPLUWENSYA NG MGA KANLURANIN SA ASPEKTO NG: PAMAMAHALA, EDUKASYON, AT EKONOMIYA. NAGSIMULANG MAGPALAWAK NG KAPANGYARIHAN ANG HAPON SA SILANGAN. DIGMAANG SINO HAPONES -- ITO ANG PANAHON NA KUNG SAAN NANGHIMASOK ANG JAPAN SA KOREA NA SA PANAHONG IYON AY NASA ILALIM NG CHINA. NAGPADALA NG HUKBO ANG JAPAN SA KOREA NG MAG-ALSA ANG MGA KOREANO SA MGA TSINO NA NAGING SADHI NG HIDWAAN SA PAGITAN NG CHINA JAPAN. NAGWAGI ANG JAPAN AT LUMAGDA NG KASUNDUAN NA KUNG SAAN LUMAYA ANG KOREA MULA SA CHINA. SA BISA NG KASUNDUANG SHIMONOSEKI, IBINIGAY NG CHINA SA JAPAN ANG PESCADORES, LIAODONG PENINSULA, AT FORMOSA (TAIWAN SA KASALUKUYAN). ANG TAIWAN ANG UNANG KOLONYA NG JAPAN. DIGMAANG RUSSO-HAPONES -- NAGKAROON NG SIGALOT ANG JAPAN AT RUSSIA DAHIL SA KANILANG PATAKARAN SA PAGPAPALAWAK NG TERITORYO SA SILANGANG ASYA. PINAG-AAGAWAN NG DALAWANG BANSA ANG PAGKONTROL SA LIAODONG PENINSULA KOREA AT MANCHURIA.SINAKOP ANG KOREA NOONG 1910 AT SINALAKAY ANG MANCHURIA NOONG 1937 PARA SUPORTAHAN ANG KANYANG PAPAUNLAD NA INDUSTRIYA. SA HULI NATALO ANG RUSSIA AT LUMAGDA NG KASUNDUAN KUNG SAAN NAKUHA NG JAPAN ANG SAKHALIN ISLAND LUSHUN AT DAHLIAN. NAGING PROTECTORATE NG JAPAN ANG KOREA SA BISA NG KASUNDUAN NG DALAWANG BANSA. ITO ANG UNANG PAGKAKATAON NA NANALO ANG ISANG BANSANG ASYANO SA ISANG KANLURANING BANSA. ANG JAPAN NOONG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG -- ANG PAGKAPANALO NG JAPAN SA DALAWANG MALALAKING BANSA AY NAGBUNGA NG PAGKILALA RITO BILANG MAKAPANGYARIHANG BANSA. NAKIPAG-ALYANSA ANG JAPAN SA BRITAIN SA PANIG NG ALICE NOONG WORLD WAR 1 NA NAGDEKLARA NG DIGMAAN SA GERMANY. NAGDEKLARA NG ANG JAPAN NG DIGMAAN SA GERMANY UPANG MAKUHA ANG TERITORYO NG GERMANY SA CHINA. ANG PAGTANGGAP NG JAPAN NG TERITORYO NG GERMANY SA CHINA SA BISA NG TREATY OF VERSAILLES NAGPASIMULA SA MALAWAKANG PROTESTA SA PEKENG AT GUMISING SA DAMDAMING MAKABANSA NG MGA TSINO. NAGPASYA ANG MGA ALIS SA PANGUNGUNA NG UNITED STATES NA IBALIK ANG KOREA SA CHINA NOONG 1922. ITINAGUYOD PA RIN NG JAPAN ANG PATAKARANG MILITARISMO KUNG SAAN PINAHAHALAGAHAN NIYA ANG HUKBONG SANDATAHAN. SA PAGSISIMULA NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AY LALO PANG NAGPALAWAK NG TERITORYO ANG JAPAN SA TIMOG SILANGANG ASYA. NOONG DECEMBER 7 1941 ISANG SORPRESANG PAG-ATAKE ANG GINAWA NG JAPAN SA PEARL HARBOR SA HAWAII AT NAGTAGUMPAY NA WASAKIN ANG PWERSANG PANDAGAT NG AMERIKA SA PASIPIKO. MATAPOS SALAKAYIN NG JAPAN ANG PEARL HARBOR, SUNOD-SUNOD NA NITONG NILUSOB ANG MGA BASE NG AMERIKA SA PILIPINAS (PAMPANGA, ZAMBALES AT BAGUIO). NOONG DECEMBER 10 1941 NARATING NG MGA HAPON ANG APPARI, CAGAYAN AT ILOCOS SUR. KASUNOD NITO AY ANG PAGDAONG NG MALAKING PWERSANG PANLUPA NG MGA HAPON SA LINGAYEN, PANGASINAN HANGGANG SA UNTI-UNTING MASAKOP NITO ANG BUONG PILIPINAS. PAGKARAAN NG ILANG MGA LINGGO UMATRA SINA HENERAL DOUGLAS MACARTHUR NA KASAMA ANG PAMAHALAAN NI MANUEL L QUEZON NA NOON AY NANUNUNGKULAN BILANG PANGULO NG PILIPINAS. NOONG DECEMBER 26 1941 IDINEKLARA NI GENERAL DOUGLAS MACARTHUR ANG MAYNILA BILANG OPEN CITY UPANG MAIWASAN ANG PAGKAWASAK NITO. NOONG JANUARY 3 1942 MATAPOS MASAKOP ANG MAYNILA AY ITINATAG NG MGA HAPON ANG JAPANESE MILITARY ADMINISTRATION SA ILALIM NG PAMUMUNO NI GENERAL MASAHARU HOMMA NG JAPAN. NOONG JANUARY 23 1942 HINIRANG SI JORGE B VARGAS BILANG PANGULO NG PHILIPPINE EXECUTIVE COMMISSION AT ITINATAG ANG CENTRAL ADMINISTRATIVE ORGANIZATION BILANG KAPALIT NG PAMAHALAANG KOMONWELT NG AMERIKA SA PILIPINAS. INIUTOS NI GENERAL DOUGLAS MACARTHUR ANG PAGSASANIB PWERSA NG MGA PILIPINO AT AMERIKANO SA BATAAN AT CORREGIDOR AT TINAWAG NA WAR PLAN ORANGE. NOONG FEBRUARY 20 1942 TUMAKAS SI PANGULONG MANUEL L QUEZON KASAMA ANG KANYANG PAMILYA AT MIYEMBRO NG GABINETE MULA SA CORREGIDOR PAPUNTANG AUSTRALIA AT MULA DITO AY LUMIPAD NAMAN PATUNGONG WASHINGTON DC, USA ALINSUNOD SA PAYO NI PRES. FRANKLIN D. ROOSEVELT NG AMERIKA. LABAG MAN SA KALOOBAN AY NILISAN NI GENERAL MACARTHUR NOONG MARCH 11 1942 ANG CORREGIDOR PAPUNTANG AUSTRALIA AT PINALITAN NI GENERAL JONATHAN WAINWRIGHT. NOONG APRIL 9 1942 DAHIL SA MATINDING HIRAP AT GUTOM AY ISINUHO NI GENERAL EDWARD PEKING (USAFFE) ANG BATAAN SA PWERSA NI GENERAL MASAHARU HOMMA. BATAAN DEATH MARCH -- ANG MGA SUMUKONG SUNDALO SA BATAAN AY PINAGMARTSA NG MGA HAPON SA LOOB NG MARAMING ARAW NG WALANG PAKAIN AT INUMIN MULA SA MARIVELES BATAAN HANGGANG SAN FERNANDO PAMPANGA. MULA DITO AY ISINAKAY SA MGA TREN AT DINALA SA CAMP O'DONNEL SA CAPAS, TARLAC. SA ATING KASAYSAYAN ITO AY TINAWAG NA BATAAN DEATH MARCH. NOONG MAY 6 1942 ISINUKO NI GENERAL JONATHAN WAINWRIGHT ANG CORREGIDOR SA MGA HAPON KASABAY NITONG PAG-UTOS SA PAGSUKO NG LAHAT NG MGA PWERSA NG USAFFE SA BUONG PILIPINAS. SA PAGSUKO NG BATAAN AT CORREGIDOR AY TULUYAN NG NAPASAILALIM ANG PILIPINAS SA BAGONG MANANAKOP. PINANGAKUAN NG MGA HAPONES ANG MGA PILIPINO NA BIBIGYAN NG KALAYAAN KUNG ITO AY MAKIKIISA SA PATAKARAN NILANG GREATER EAST ASIA CO-PROSPERITY SPHERE. - NOONG 1943, NILIKHA NG MGA HAPON ANG PANIMULANG LUPON SA PAGSASARILI NG PILIPINAS NA BINUBUO NG MGA PILIPINO AT INATASAN NITONG MAGHANDA NG ISANG SALIGANG BATAS BILANG PAGHAHANDA SA REPUBLIKANG KANILANG IPAGKAKALOOB. - BINUWAG NG MGA HAPONES ANG LAHAT NG PARTIDONG PULITIKAL AT INUTUSAN NILA ANG MGA PILIPINONG LUMIKHA NG KAPISANAN SA PAGLILINGKOD NG BAGONG PILIPINAS O KALIBAPI. - NOONG SETYEMBRE 23 1943 SA UNANG PAGTITIPON AY NAHALAL NA PANGULO NG REPUBLIKANG ITO SI JOSE P LAUREL. - NOONG OCTOBER 14 1943 AY PINASINAYAAN ANG IKALAWANG REPUBLIKA NG PILIPINAS NA LALONG KILALA SA TAWAG NA PAMAHALAANG NASA PATNUBAY NG HAPON. MGA PATAKARANG PAMPULITIKA - SA ILALIM NG REPUBLIKA, LAHAT NG MGA NANUNUNGKULAN SA PAMAHALAANG PAMBANSA AT LOKAL AY PAWANG PILIPINO, NGUNIT HINDI MAAARING TUMUTOL SA BAWAT NAISIN NG MGA OPISYAL NA SUNDALONG HAPON NA NAKATALAGA AT NAGMAMATYAG SA BAWAT KILOS NILA. - LIGA NG MILITAR NA HAPONES ANG NAGPAPATAKBO NG PAMAHALAAN. - INALIS ANG HALALAN AT IPINAGBAWAL ANG PAGSASALITA LABAN SA PAMAHALAAN. - NAGTAYO NG MARAMING INSTALASYONG MILITAR AT MGA GARRISON SA IBA\'T IBANG GUSALI ANG MGA HAPON. - BAWAT NA PAGHIHINALAANG KUMIKILOS LABAN SA KANILA AY IKINUKULONG AT PINARURUSAHAN NG IBA\'T IBANG KARUMAL-DUMAL NA PARAAN. - NAGING LAGANAP SA BUONG BANSA ANG WALANG AWANG PAGPAPARUSA AT PAGPATAY SA MGA PILIPINO. - NAGING INSTRUMENTO NG KALUPITAN NG MGA HAPONES ANG MGA KEMPEITAI (JAPANESE MILITARY POLICE) AT MGA MAKAPILI (PILIPINONG MAKAHAPON). - KEMPEITAI - PWERSANG MILITAR NG JAPAN SA MGA SINASAKOP NA TERITORYO NITO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. - MAKAPILI (MAKABAYANG KATIPUNAN NG MGA PILIPINO) - MGA PILIPINO BILANG MGA ESPIYA AT IMPORTANTE, UPANG ITURO ANG MGA LABAN SA MGA HAPONES. MGA PATAKARANG PANGKABUHAYAN - ANG SALAPING GINAMIT NOONG PANAHON NG HAPON AY ANG KANILANG YEN NA TINATAWAG NG MGA PILIPINO BILANG MICKEY MOUSE MONEY. MGA PATAKARANG PANLIPUNAN - IPINAGBAWAL ANG PAGPAPALIMBAG NG BABASAHING INGLES AT IPINATURO SA MGA PAARALANG BAYAN ANG NIHONGO, ANG WIKA NG HAPON. - WALANG LAYA SA PAGGALAW AT PAGKILOS ANG MGA TAO, MAGING SA PAGBYAHE. MAKE CURFEW SA MGA LANSANGAN. - MARAMING KABABAIHAN ANG NILAPASTANGAN AT GINAWANG LIBANGAN NG MGA HAPON. - ANG MGA KALALAKIHANG NAPAPARATANGAN NG PAGIGING GERILYA AY INILALAYO SA KANILANG MGA PAMILYA, AT IKINUKULONG SA MGA GARRISON AT PINAHIHIRAPAN HANGGANG SA MAMATAY. - KILUSANG GERILYA - DAHIL SA KALUPITAN NG MGA HAPON AY MARAMING PILIPINO ANG SUMALI SA KILUSANG GERILYA NA ITINATAG NG MGA DATING SUNDALONG PILIPINO AT AMERIKANO. ANG PINAKAMALAKING PANGKAT NG MGA GERILYA AY ANG HUKBALAHAP O HUKBO NG BAYAN LABAN SA MGA HAPON NA ITINATAG NI LUIS TARUC. - KALUNOS-LUNOS ANG NAGING KALAGAYAN NG MGA PILIPINO SA ILALIM NG MGA HAPON, ANG KANILANG PANGAKO NA MAPAYAPA AT MAUNLAD NA PAMUMUHAY SA ILALIM NG GREATER EAST ASIA CO-PROSPERITY SPHERE AY NANATILING PANGAKO LAMANG. - NOONG OCTOBER 20 1944, TUMAWID SI MACARTHUR SA PAMPANGIT SA ISLA NG LEYTE AT NAGHATID NG TALUMPATI SA RADYO SA MGA MAMAMAYANG PILIPINO.