Araling Panlipunan: Ikalawang Markahan- Modyul 2 Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon 2020 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Tags
Summary
This document is a learning material for Araling Panlipunan (Filipino Social Studies) for Grade 10, Second Quarter, Module 2, focusing on the topic of globalization and its challenges. It provides an overview; the learning materials are designed for remote or alternative delivery and are based on the K to 12 Curriculum.
Full Transcript
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 2: Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 2: Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon Unang Edisyon, 2020...
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 2: Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 2: Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V. Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V. Librada M. Rubio, PhD. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jane C. Omaña Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD Virgilio L. Laggui PhD Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison Tagaguhit: Maesie T. dela Peña Tagalapat: Maricris G. Malang /Joyce O. Saraza Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V Librada M. Rubio PhD Angelica M. Burayag PhD Nestor Nuesca EdD Gregorio C. Quinto, Jr. EdD Rainelda M. Blanco PhD Agnes R.Bernardo PhD Virgilio L. Laggui PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected] ii 10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 2: Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon iii Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na iv ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. v Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! vi Alamin Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 10. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon. Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin: Leksyon 1 – Anyo ng Globalisasyon Leksyon 2 – Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang; 1. natutukoy ang mga anyo ng globalisasyon; 2. nasusuri ang epekto ng globalisasyon sa buhay ng tao at sa lipunan; at 3. naipaliliwanag ang mga tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon. Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain. 1 Subukin Panuto: Piliin ang titik ng iyong kasagutan Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ang mga sumusunod ay anyo ng globalisasyon maliban sa a. ekonomiko c. sosyo-kultural b. sikolohikal d. teknolohikal 2. Alin sa mga sumusunod ang positibong implikasyon ng paglitaw ng multinational companies at transnational companies? a. bumababa ang presyo ng produkto b. pagsasara ng mga lokal na industriya c. pagkalugi ng lokal na namumuhunan d. pag-unlad ng mayamang bansa 3. Ang itinuturing na buhay na manipestasyon ng globalisasyon a. ekonomiko c. sosyo-kultural b. OFW d. teknolohikal 4. Alin sa mga sumusunod ang hindi negatibong implikasyon ng paghahanap- buhay ng mga OFW sa ibang bansa? a. brain drain c. nagpapasok ng dolyar sa bansa b. brawn drain d. pagkaubos ng propesyunal 5. Anyo ng globalisayon na tumutukoy sa pagbabago sa mabilis na paggamit ng makabagong teknolohiya a. ekonomiko c. sosyo-kultural b. politikal d. teknolohikal 6. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng globalisasyong teknolohikal? a. intellectual dishonesty b. laging nasa uso ang gamit c. mabilis ang pagkuha ng impormasyon d. online shopping 7. Mabilis na ugnayan sa pagitan ng mga bansa at kinatawan ng pamahalaan a. globalisasyong ekonomiko b. globalisasyong politikal c. globalisasyong sosyo- kultural d. globalisasyong teknolohikal 8. Anong rehiyon sa Asya ang kadalasang pinupuntahan ng mga OFW para maghanapbuhay. a. Hilagang Asya c. Timog Asya b. Silangang Asya d. Timog Silangang Asya 2 9. Anong rehiyon sa Asya ang bumubuo sa organisasyong ASEAN? a. Hilagang Asya c. Timog Asya b. Silangang Asya d. Timog Silangang Asya 10. Kung ang Brain Drain ay tumutukoy sa mga propesyunal na manggagawa, kanino naman tumutukoy ang Brawn Drain? a. domestic workers c. skilled workers b. construction workers d. overseas workers 11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkuha ng mga produkto at serbisyo sa kalapit na bansa? a. inshoring c. offshoring b. outshoring d. nearshoring 12. Ang mga sumusunod ay negatibong epekto ng globalisasyong teknolohikal maliban sa_____________ a. computer virus c. online shopping b. cyber crime d. pagkalat ng fake news 13. Tumutukoy ito sa pagbili ng produkto at serbisyo ng isang kompanya mula sa isa pang kompanya sa ilalim ng isang kontrata. a. near-shoring c. onshoring b. offshoring d. outsourcing 14. Tumutukoy sa pagbibigay ng tulong sa mga lokal na namumuhunan a. kota c. subsidiya b. pagpapautang d. taripa 15. Sa panahon ng kanyang panunungkulan nagsimula ang pangingibang bayan ng mga Pilipino. a. Carlos Garcia c. Fidel Ramos b. Ferdinand Marcos d. Ramon Magsaysay Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin. 3 Aralin 1 Anyo ng Globalisasyon Binago at patuloy na binabago ng globalisasyon ang buhay ng tao. Nakakaapekto ito sa aspektong ekonomikal, sosyo-kultural at politikal na buhay ng tao. Mayroon itong postibo at negatibong epekto sa ating pamumuhay. Halina at pag- aralan natin upang maintindihan pang lubusan ang globalisasyon. Balikan GLOBALIZATION CHEKLIST, IBIGAY MO Upang matiyak kung natutuhan at naunawaan mo ang nakalipas na aralin, narito ang isang gawain na susubok sa iyong kakayahan.Isulat ang hinihingi sa loob ng tseklist. Magbigay ng limang perspektibo o pananaw ukol sa globalisasyon.Isulat ang iyong sagot sa activity sheet. Globalization Checklist 1. 2. 3. 4. 5. Kung ang inilista mong sagot ay ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa, ito ay mahabang siklo ng pagbabago, ito ay may anim na wave o panahon, ang simula nito ay mauugat sa pangyayaring naganap sa kasaysayan, at ito ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Mahusay! sapagkat tunay ngang naunawaan mo ang nakalipas na pinag-aralan at handa ka nang unawain ang susunod na paksang aralin.Halina’t simulan muna. 4 Tuklasin NAUNAWAAN MO, ISULAT MO. Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa susunod na pahina. Sagutan ang pamprosesong tanong sa iyong activity sheet. Si Maria ay isang batang masayahin lagi lang siyang nasa loob ng bahay bilang pagsunod o pagtalima sa utos na quarantine protocol ng pamahalaan. Hindi man siya makalabas ng bahay ay masaya naman siya. Gamit ang kanyang cellphone ay nakakapaglaro siya, nakakausap niya ang kaniyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Nalilibang niya ang kanyang sarili sa panunuod sa kanilang smart TV ng mga palabas mula sa Netflix kung saan nakikita niya ang kaniyang idolong artista. Kung siya naman ay nagugutom ay nag-oorder siya sa sa fast food gamit ang isang delivery application. Sa pamimili naman ng mga pangangailangan sa bahay, hindi na nila kailangang lumabas dahil gamit ang kanyang touch screen na laptop ay nag-oonline shopping sila ng kanyang nanay. Tunay na nabago ang sistema ng pamumuhay ni Maria dulot ng globalisasyon. Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano ang napansin mo sa mga gamit ni Maria? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 2. Paano siya naiimpluwensiyahan ng mga ito? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 3. Ganito ka rin ba? Paano mo ginawang kapaki-pakinabang ang iyong oras sa panahon ng quarantine? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ Kung ang sagot mo sa mga tanong ay makabago, nasa uso at napapanahon ang mga gamit ni Maria at malaki ang nagiging impluwensiya nito sa kanyang buhay dahil nakakatulong ito upang magkaroon siya mabilis na komunikasyon, nalalaman niya ang kultura ng ibang bansa na minsan ay nagagaya niya at mabilis niyang nabibili ang kaniyang pangangailangan ay binabati kita sapagkat may kahandaan ka ng matutunan ang paksang araling ito. Magpatuloy ka! 5 Suriin Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.(Ritzer,2011) Ang globalisasyon ay may iba’t ibang pagkakakilanlan. Ito ay ekonomiko, teknolohikal, sosyo-kultural at politikal, samantalang ang Overseas Filipino Worker (OFW) ay itinuturing na buhay na manipestasyon nito. Anyo ng Globalisasyon Ekonomiko Teknolohikal Sosyo-Kultural Poltikal Globalisasyong Ekonomiko Mabilisang paraan ng pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig. Ito ang dahilan ng pagsibol ng maraming multinational at transnational companies na naging dahilan ng paglitaw ng maraming produkto at serbisyo. a. Multinational companies – kompanyang namumuhunan sa ibang bansa. Layunin nito na palawigin ang kalakalan upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng konsyumer maging lokal man o international. Ang mga produkto at serbisyong ipinagbibili ay hindi pangangailangang lokal. Halimbawa: Coca Cola, Toyota Motor, McDonald’s, Unilever, Starbucks, Seven-Eleven 6 b. Transnational companies – mga kompanyang itinatatag sa ibang bansa ang kanilang ibenebentang produkto at serbisyo ay pangangailangang lokal. Karamihan sa kanila ay kompanya ng petrolyo, pharmaceutical IT consulting at iba pang kauri nito. Halimbawa: Shell, Accenture, Glaxo- Smith Klein at TELUS International Phils. Ipinakilala ng mga korporasyong nabanggit ang mga produkto at serbisyong ginagamit natin sa ating pamumuhay. Pangkaraniwan ang mga korporasyon at kompanyang ito ay pag-aari ng lokal at dayuhang namumuhunan na may malaking puhunan na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ayon sa datos ng International Monetary Fund ang ilan sa multinational companies at transnational companies ay mataas ang kinikita sa Gross Domestic Product (GDP) ng ilang mga bansa. Batay sa artikulong Top Filipino firms building Asean empires na nailathala ng Philippine Daily Inquirer noong Pebrero 9, 2017 ang ilan sa mga multinational companies at transnational companies tulad ng Jollibee, Unilab, San Miguel Corporation na matatagpuan sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino. Sinasaad sa artikulo ni John Magun hindi lamang sa Timog Silangang Asya matatagpuan ang mga korporasyong pag-aari ng mga Pilipino maging sa bansang China ay itinayo rin ang mga sumusunod na korporasyong Pilipino SM, PNB, Metro Bank, Jollibee, Liwayway Marketing Corporation at ito ay mababasa sa pahayagang Business Mirror na nailathala noong Marso 9, 2017. Positibo at negatibong epekto ng pagdami ng multinational at transnational corporations: a. Pagdami ng produkto at serbisyo na mapagpipilian ng mga mamimili na naging dahilan upang bumaba ang presyo nito b. Nagkakaloob ng hanapbuhay c. Pagkalugi ng lokal na namumuhunan dahil sa hindi patas na kompetisyon d. Pagsasara ng mga lokal na namumuhunan e. Higit na paglakas at pagyaman ng multinational companies at transnational companies Outsourcing Ang outsourcing ay ginagamit ng Outsourcing malalaking pribadong kompanya. Pagbili ng serbisyo ng isang kompanya mula sa isang Batay sa Batay sa layo kompanya na may bayad serbisyong at distansya Halimbawa: Ang paniningil ng mga ibinibigay institusyong pinansiyal sa mga credit card holder imbes na sila ang direkta na maningil ina-outsource nila ito sa ibang kompanya. 7 Dalawang Uri ng Outsourcing Batay sa Serbisyong Ibinibigay 1. BPO (Business Process Outsourcing)- ay isang pamamaraan ng pangongontrata sa isang kompanya para sa iba’t ibang operasyon ng pagnenegosyo. Halimbawa: Accenture Inc., Telephilippines Inc., Coca-Cola Far East Ltd, Convergys Philippines services Corp. at iba pa. 2. KPO (Knowledge Process Outsourcing)-sumasaklaw sa pagkuha ng mga serbisyong teknikal na kailangan ng isang kompanya tulad ng pagsusuri sa mahahalagang impormasyon, mga usaping legal at pananaliksik. Uri ng Kompanya na Nakabatay sa Layo at Distansya 1. Offshoring – pagbili ng produkto at serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na may mas mababang kabayaran. May mga outsourcing na kompanya mula sa United States at mga bansa sa Europa na kumukuha ng serbisyo sa mga bansang Asyano upang makatipid. Ang mga halimbawa nito ay ang pagbebenta ng produkto at serbisyo at paniningil ng bayad sa nagamit na serbisyo. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbebenta ng produkto at serbisyo, paninigil sa bayad sa nagamit na serbisyo halimbawa ay paniningil sa serbisyo ng internet, pagkuha ng impormasyon ng mga namumuhunan sa mga mamimili. 2. Nearshoring- pagbili ng produkto at serbisyo mula sa kompanya sa isang kalapit na bansa 3. Onshoring – pagbili ng produkto o serbisyo sa isang kompanya sa loob ng bansa Sa kasalukuyang panahon, sa Pilipinas pangkaraniwan sa mga kompanya ay offshore outsourcing, halimbawa nito ay ang paglitaw ng maraming call center company na ang nagmamay-ari ay mga dayuhan mula sa United States, United Kingdom at Australia.Sapagkat mataas ang pasahod sa mga call centers ito ang dahilan kung kaya’t maraming graduates ang dito ay nagtatrabaho. Sa top 100 outsourcing destinations for 2016, ang Maynila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo na destinasyon ng BPO batay ito sa Tholons. Mula sa indutriya ng outsourcing tumaas ang ekonomiya ng ating bansa. Ito ang nagsilbing pangalawa sa pinagkukuhanan ng dolyar ng ating bansa, malamang na malagpasan pa nito ang inuuwing dolyar ng mga OFW batay sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) Nakatulong din ito upang magkaroon ng karagdagang kita ang maraming Pilipino na nagbunsod sa pagkakaroon ng surplus na budget na inilagak sa institusyong pinansiyal bilang ipon. 8 OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon Sila ang mga manggagawang Pilipino na nagtratrabaho at nangingibang bayan upang maghanapbuhay. Karamihan sa mga manggagawang Pilipino ay nagtutungo sa Timog Kanlurang Asya partikular sa mga bansang Qatar, Saudi Arabia, at United Arab Emirates, Silangang Asya tulad ng Taiwan, Hongkong, South Korea, China at Japan. Marami ding Overseas Filipino Worker (OFW) ang nakikipagsapalaran upang maghanapbuhay sa kontinente ng Europa at America partikular sa bansang Canada at United States. Nagsimula ang pagtungo ng mga OFW sa ibang bansa sa panahon ng administrasyon ni dating pangulo Ferdinand Marcos. Ang pangingibang bayan ng mga OFW upang maghanapbuhay ay nagdudulot ng implikasyon kung saan marami ang nabibigyan ng hanapbuhay, nagpapasok ng dolyar, nababawasan ang bilang ng mga propesyunal (Brain Drain na manggagawa) at skilled workers (Brawn Drain) ng ating bansa. Globalisasyong Teknolohikal Pagbabago sa mabilis na paggamit ng makabagong teknolohiya na nagreresulta ng malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao, tumutulong upang mapagaan at mapabilis ang mga gawain. Ang paggamit ng cellular phones o mobile phone ay pinasimulan ng maunlad na bansa hanggang sa ito ay tinangkilik gamitin ng buong mundo dahil sa kahagahan na naipagkakaloob nito. 9 Batay kay Dr. Pertierra ang cellphone ay nagsisilbing ekstensyon ng buhay ng tao, ibig sabihin bahagi na ng buhay ng tao ang cellphone dahil ito ang kagamitan na pangunahing gamit natin sa mabilis na pakikipagkomunikasyon. Malaki ang hatid na pagbabago sa atin sa paggamit ng computer at internet sapagkat ito ay nagiging kaagapay ng ibat’ ibang uri ng serbisyo tulad ng email. Maging ang pag-a- aply sa trabaho ay naisasagawa na rin online, madali na rin ang pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo, maging pagkuha ng impormasyon at balita ay mabilis na rin dahil sa tulong ng paggamit ng internet gayundin ang pagbili ng produkto. Bunga ng paggamit sa social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at MySpace ay naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin sa isang paksa. Ang mga netizen ay lubos na nakikibahagi sa usaping nakakaapekto sa kanya. Netizen ang tawag sa mga taong tumatangkilik sa mga social networking site bilang paraan ng pagpapahayag ng saloobin. Nalaman natin ang mabuting hatid ng globalisasyong teknolohikal sa ating buhay subalit sa kabila nito mayroon din itong negatibong epekto tulad ng pagkalat ng iba’t ibang viruses at spam, intellectual dishonesty kung saan nakokopya ang mga impormasyon, pagkalat ng maling impormasyon, at ang paggamit ng mga terorista sa internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan. Globalisasyong Sosyo-kultural Epekto ito ng pagkakapare-pareho ng tinatangkilik ng bawat bansa hindi lamang sa produkto at serbisyo kundi maging pelikula, artista, awitin at drama na nagreresulta ng pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa. Ang impluwensiyang ito ng ibang bansa ay makikita natin sa pananamit, pagsasalita, at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino. Ang impluwensya ng bansang Amerika ay nagdudulot upang maging liberal ang kaisipan ng ibang bansa gaya ng Pilipinas. Epekto ng Globalisasyong Sosyo-Kultural Positibong Epekto Negatibong Epekto Unti-unting nawawala ang Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pagkakakilanlan at kultura ng bansa bansa. dahil sa impluwensya ng kultura ng ibang bansa. Globalisasyong Politikal Paglawak ng pandaigdigang samahang politikal, maging ito man ay sa pagitan ng mga bansa, rehiyunal o pang-internasyunal. Nagkakaroon ng epektibong ugnayan ang bawat bansa na nagreresulta ng mabilis na kalakalan, paglaganap ng ideya at kalagayang teknikal at migrasyon dahil sa kasunduang bilateral at multilateral. 10 Ang maayos na ugnayan ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba pang bansa ay nakatulong upang magkaroon ng opurtunidad ang ating bansa sa pang-ekonomiko at pangkultural. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN sa Timog Silangang Asya ay mas solido ang ugnayan kaya ito ang dahilan ng pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon. Tinutukoy din sa globalisasyong politikal ang papel ng pandaigdigang institusyon sa pamamahala ng mga bansa. Batay sa The Reality of Global ni Prof. Randy David ang mga pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations, European Union, Amnesty International ay lumalahok sa mga polisiya at programa na kinahaharap ng bansa. Positibong Epekto Negatibong Epekto 1. Nagkakaroon ng pagtutulungan 1. Mas lalong napaiiral ang ang mga bansa dahil sa pagtatag kapangyarihan ng maunlad na ng samahan. bansa sa mahirap na bansa. 2. Bumibilis ang transaksyong 2. Sagabal sa pag-unlad ng bansa gobyerno ng bawat bansa. kung sariling interes ang bibigyang-pansin. Pagyamanin A. Anyo Ng Globalisasyon, Isa-Isahin Mo Panuto: Isulat sa loob ng tsart ang mga anyo ng globalisasyon at bigyan ng halimbawa ang bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Anyo ng Globalisasyon HALIMBAWA 1. 2. 3. 4. 11