Araling Panlipunan Modyul 2 PDF
Document Details
Uploaded by CleverTiger4450
Zapatera National High School
ROBERTO A. GABUCAN JR.
Tags
Related
- Araling Panlipunan Grade 10 Globalisasyon PDF
- ARAL PAN WEEK 1-8 QUARTER 2 PDF
- Aralin 2: Anyo ng Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan 10 - Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan: Ikalawang Markahan- Modyul 2 Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon 2020 PDF
- Araling Panlipunan 10 Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa PDF
Summary
This module, in Filipino, discusses the dimensions and effects of globalization, including economic, technological, and socio-cultural aspects. It includes questions related to the topic. It appears to be for secondary school students.
Full Transcript
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 2: Ang Dimensyon at Epekto ng Globalisasyon Tagalikom/Tagakontekstwalisa: ROBERTO A. GABUCAN JR. Zapatera National High School 1 Modyul Ang Dimensyon at Epekto 2 ng G...
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 2: Ang Dimensyon at Epekto ng Globalisasyon Tagalikom/Tagakontekstwalisa: ROBERTO A. GABUCAN JR. Zapatera National High School 1 Modyul Ang Dimensyon at Epekto 2 ng Globalisasyon Ikalawang Linggo Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at isyung pang-ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang- ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay. Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang dimensyon at epekto ng globalisasyon. Paksa: Ang Dimensyon at Epekto ng Globalisasyon Subukin Sa pagpapatuloy, subukin ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. Bigyang pansin ang mga konsepto na hindi masasagot ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito. PAALALA: Sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba maging tapat at huwag munang basahin ang talakayan. Pag-aralang mabuti ang bawat gawain at huwag kalimutan ang pagpapahalaga sa aralin. PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1) Ang mga sumusunod ay ang dimensyon ng globalisasyon, alin ang HINDI kabilang dito? A. Biyolohikal C. Teknolohikal B. Ekonomiko D. Politikal 2) Anong dimensyon ang nakatuon na nagbabago sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo? A. Ekonomiko C. Pisikal B. Teknolohikal D. Politikal 3) Ang mga kompanyang petrolyo, I.T. consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito ay mga halimbawa ng ______________. A. Lokal na kompanya C. Offshoring B. Nearshoring D. Transnational Companies 2 4) Ito ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunan ng kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. A. Foreign Investors C. Outsourcing B. Multinational Companies D. Transnational Companies 5) Ito ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. A. Foreign Investors C. Outsourcing B. Multinational Companies D. Transnational Companies 6) Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang HINDI kabilang sa positibong epekto ng globalisasyon? A. Ang pagdagsa ng marami at murang produkto B. Ang pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan C. Ang pagtaas ng halaga ng mga pangunahing produkto D. Ang nalilikhang mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino 7) Alin naman sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng globalisasyon ekonomiko? A. Ang pagbaba ng halaga ng mga produkto B. Ang pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan C. Ang pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan D. Ang pagdami ng mga produkto at serbisyong pagpipilian ng mga mamimili. 8) Alin sa mga sumusunod ang positibong epekto ng globalisasyong ekonomiko? A. Ang pagkalugi at pagsara ng mga lokal na namumuhunan B. Ang pagtaas ng nalilikhang mga trabaho para sa manggagawang Pilipino C. Ang pananakot ng mga dayuhang kompanya na ilipat ang kanilang pamumuhunan patungo sa ibang bansa. D. Ang kakayahan ng mga ito na impluwensyahan ang polisiya na ipinatutupad ng pamahalaan tulad ng pagpapababa ng buwis 9) Ano ang kahalagahan ng globalisasyong teknolohikal? A. Nakatuon sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. B. Pagpapalakaas ng diplomatikong ugnayan ng mga bansa. C. Pagkakaroon ng limitasyon ng mga lokal na kompanya sa kalakalan D. Binago at binabago ang pamumuhay ng mga tao gamit makabagong teknolohiya. 10) Ano ang ugnayan ng teknolohiya at sosyo-kultural sa globalisasyon? A. Nakatuon sa pagbabago sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. B. Higit na mapagyaman at paglakas ng mga ng mga dayuhang kompanya C. Pag-unlad sa kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa D. Napapabilis at nagpapadali sa mga gawain sa pangnegosyo, edukasyon, pananaliksik, kalakalan, entertainment at iba pa. 3 11) Alin ang HINDI mabuting dulot ng globalisasyong teknolohikal at sosyo- kultural? A. Ang pagbilis ng daloy ng impormasyon sa edukasyon, kalakalan at negosyo. B. Ang mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. C. Ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto tungo sa iba’t ibang panig ng mundo D. Ang ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan 12) Ang mga sumusunod ay epekto dulot ng globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural. Alin ang HINDI kabilang? A. Ang pagkakaroon ng kompetisyon sa kalakalan B. Ang pag-usbong ng mga social networking sites C. Ang kaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri ng serbisyo tulad ng email at online virtual class. D. Ang mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad 13) Alin ang mahalagang epekto ng globalisasyong politikal? A. Ang pag-aagawan ng territory B. Ang hidwaan sa ideolohiyang political C. Ang pagtutulungan ng mga bansa para sa kaunlaran D. Ang hindi pantay na pagpapatupad ng polisiyang kalakalan 14) Bakit mahalaga ang globalisasyong politikal? A. Pagkakaroon ng makabagong teknolohiya sa kalakalan ng produkto. B. Patuloy na binago at binabago ang pamumuhay ng mga tao gamit makabagong teknolohiya. C. Mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto tungo sa iba’t ibang panig ng mundo dulot ng teknolohiya D. Dahil sa mabilis na ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan. 15) Alin sa mga sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural? A. Ang pagtaas ng pandaigdigan kalakalan ng bansa. B. Ang pangingibang bansa ng mga manggagawang Pilipino. C. Ang paggamit ng internet at online applications upang mapadali ang komunikasyon tulad ng Messenger, Facebook, Twitter at iba pa. D. Ang ugnayan ng Pilipinas sa mga pandaigdigang organisasyon at pamahalaan tulad ng WTO at mga kasapi ng ASEAN. 4 Alamin Malugod na pagbati mabutin mag-aaral, muli natin tuklasin ang bagong kaalaman na tiyak ikaw ay maaaliw at maraming matutunan. Halina ating simulan ang paglalakbay sa ikalawang modyul. Matutunghayan mo, sa araling ito ang paksang globalisasyon, ang dimensyon, at mga epekto nito. Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto kayo ay inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod: 1. nasusuri ang dimensyon ng globalisasyon, 2. natatalakay ang ibat-ibang epekto ng globalisasyon, at 3. nabibigyang halaga ang pagbabago sa ekonomiya, teknolohiya, lipunan at pulitika dulot ng globalisasyon. Panimulang Gawain Panuto: Suriin ang larawan makikita sa ibaba at basahin ang gabay na tanong sa loob na kahon upang mabuo ang puzzle words. Gumamit ang sagutang papel. Puzzle word: Puzzle word: Puzzle word: OWF notekyahilo nanpilu 3.. Ito ay tumutukoy 1.. Tinagurian 2.. Iniuugnay ang sa isang pangkat ng Makabagong Bayaning salitang ito sa mga mga taong Pilipino. imbento at gadget na nagtutulungan at ginagamit. nagkakaisa Kasagutan: __________ Kasagutan: _________ Kasagutan: _________ Pamprosesong katanungan: 1. Ano-ano ang mga salitang nabuo sa gawain? 2. Sa iyong sariling pananaw, ano ang kaugnayan nito sa paksang globalisasyon? 3. Ano-ano kaya ang epekto ng globalisasyon? 5 Tuklasin at Suriin Natutunan mo sa unang aralin ang konsepto at dahilan ng globalisasyon. Sa araling ito, malalaman mo ang ibat-ibang dimensyon at epekto ng globalisasyon. Tayo na! ating tuklasin at suriin ang mga ito. Dimensyon ng Globalisasyon 1. Globalisasyon Ekonomiko Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog o nagbabago sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa. Halimbawa : Multinational Companies at Transnational Companies Multinational Companies (MNC) Ito ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. Halimbawa: Unilever, Proctor & Gamble, Mc Donald’s, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa. Transnational Companies (TNC) Ito ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Binigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal. Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, I.T. consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito. Halimbawa: Kompanyang petrolyo, I.T. consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito. Halimbawa nito ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith Klein Mga epekto ng Globalisasyon Positibong epekto: ▪ Pagdami ng mga produkto at serbisyong pagpipilian ng mga mamimili ▪ Pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan ▪ Pagpapababa ng halaga ng mga produkto ▪ Nakalilikha ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino Negatibong epekto: ▪ Pagkalugi at pagsara ng mga lokal na namumuhunan ▪ Kakayahan ng mga ito na impluwensyahan ang polisiya na ipinatutupad ng pamahalaan tulad ng pagpapababa ng buwis, 6 pagbibigay ng tulong-pinansyal, at maging ang pagpapagaan ng mga batas patungkol sa paggawa at isyung pangkapaligiran. ▪ Pananakot na ilipat ang kanilang pamumuhunan patungo sa ibang bansa. ▪ Higit na mapagyaman at paglakas ng mga nasabing MNCs and TNC ▪ Paglaki ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap 2. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural - Patuloy na binago at binabago ang pamumuhay ng mga tao gamit makabagong teknolohiya. - Napapabilis at nagpapadali sa mga gawain sa pangnegosyo, edukasyon, pananaliksik, kalakalan, entertainment at ibang pangangailangan. Halimbawa: mobile phones, computers, internet at online applications ay ilang sa mga teknolohiya Mga epekto pagbabago dulot ng globalisasyong teknolohikal at sosyo- kultural: ▪ Mabilis na nanghihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. ▪ Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri ng serbisyo tulad ng email at online virtual class. ▪ Napabibilis ang pag-aaplay sa mga kompanya, pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan, pagkuha ng impormasyon at balita, pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala sa tawag na e- commerce. Halimbawa: Pagbili sa Lazada at Shopee ▪ Mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto tungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form tulad ng musika, pelikula, videos, larawan at e-books. ▪ Pagtangkilik sa mga ideyang nagmula sa ibang bansa partikular ang mga nagmumula sa ibang ibang bansa. Halimbawa: Pagtangkilik sa Korean Pop Music at pagkain ▪ Pag-usbong ng mga social networking sites tulad ng facebook, twitter, at instagram. Mga isyu na kaakibat ng globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural: ▪ Pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng electronic files at minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan. ▪ Nagkakaroon din ng mga pagkakataon na makagawa ng intellectual dishonesty dahil sa madaling pag-copy and paste ng mga impormasyon mula sa internet. ▪ Ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga target nito. 7 3. Globalisasyong Politikal - Globalisasyong politikal na maituturing ang mabilis na ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan. Halimbawa: ▪ Kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa ay nagbigay daan sa epektibo at episyenteng ugnayan ng mga bansa na nagdulot naman ng mabilis na palitan ng mga produkto, ideya, kahusayang teknikal at maging ng migrasyon ng kani-kanilang mamamayan. Halimbawa: ▪ Pakikilahok ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations, United Nations at World Trade Organization Epekto: Pagtutulungan ng mga bansa upang higit na maisakatuparan ang mga programa at proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan. Isaisip Tuluyang binago ng globalisasyong ang daloy ng sistemang pang ekonomiya, pampulitika at paraan ng pakikipag-ugnayan sa lipunan. May mga positibong epekto dulot nito tulad ng paglikha ng trabaho, pandaigdigang ugnayan ng mga bansa at makabagong kagamitan sa teknolohiya. Ngunit, may kaakibat na iba't-ibang hamong dulot nito tulad ng pagkalugi ng lokal na namumuhunan at pagkasira ng likas na yaman. Bilang mag-aaral mahalaga ang pagtangkilik sa mga lokal na produkto at serbisyo at pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan. Maging mapagmatyag sa pagbabagong dulot nito upang maihanda ang sarili. Sagutin ang mga tanong sa aralin gamit ang sagutang papel. 1) Bilang mag-aaral, ano-ano ang epekto ng globalisasyon sa iyong pag-aaral? A. B. C. 2) Sa kabuuan, nakatulong ba ang globalisasyon sa lipunan na iyong ginagalawan? Ipaliwanag Isagawa / Pagyamanin A. Lokal na Lugar, Tatak Global! Sa unang hanay, suriin ang larawan at basahin ang maikling paglalarawan tungkol dito at sa ikalawang hanay isulat naman ang positibong epekto ng globalisasyon sa ating lungsod. Gumamit ng sagutang papel. 8 Positibong epekto Mga Lokal na Lugar ng globalisasyon sa ating lungsod Source: Cebu IT Park (Photograph by compiler) 1. Cebu I.T. Park, Apas, Lungsod ng Cebu. Itinuturing na tahanan ng iba't-ibang international and local na kompanya na nakatuon sa BPO’s, software research and development at tinaguriang, The I.T. Capital of Cebu. Source: Cebu Business Park (Photograph by compiler) 2. Cebu Business Park, Lungsod ng Cebu. Itinuturing na, Cebu’s Central Business District, kasalukuyang pinakamalaking PEZA-accredited IT economic zone sa buong bansa at matatagpuan rin ang multinasyunal at lokal na mga kumpanya, hotels and mall. 9 Source: MEPZ-Gate 3, Lapu-lapu City, Cebu (Photograph by compiler) 3. Mactan Economic Processing Zone (MEPZ), Lapu-lapu City, Cebu. Itinayo noong 1986, matatagpuan ang humigit 100 na kompanyang industriyal at pagmamanupaktura. Iilan sa mga produkto na gawa ay semiconductors, watches, fashion accessories, jewelries at iba pa. Ikinakalakal ang mga produktong ito sa ibang bansa tulad ng Japan at United States. Pamprosesong mga tanong: 1. Nakatulong ba ang globalisasyon sa pag-unlad ng lungsod? Patunayan ang sagot. 2. Ano ang pinakamahalagang positibong epektong naidudulot ng globalisasyon sa ating bansa? 3. Ano naman ang pinakamalaking negatibong epektong naidulot ng globalisasyon sa ating bansa? 4. Sa pangkabuuan, nakabubuti o nakasasama ba ang globalisasyon? Pangatwiranan. Isaisip Tuluyang binago ng globalisasyong ang daloy ng sistemang pang ekonomiya, pampulitika at paraan ng pakikipag-ugnayan sa lipunan. May mga positibong epekto dulot nito tulad ng paglikha ng trabaho, pandaigdigang ugnayan ng mga bansa at makabagong kagamitan sa teknolohiya. Ngunit, may kaakibat na iba't-ibang hamong dulot nito tulad ng pagkalugi ng lokal na namumuhunan at pagkasira ng likas na yaman. Bilang mag-aaral mahalaga ang pagtangkilik sa mga lokal na produkto at serbisyo at pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan. Maging mapagmatyag sa pagbabagong dulot nito upang maihanda ang sarili. 10 Sagutin ang mga tanong sa aralin gamit ang sagutang papel. 1. Bilang mag-aaral, ano-ano ang epekto ng globalisasyon sa iyong pag-aaral? A. B. C. 2. Sa kabuuan, nakatulong ba ang globalisasyon sa lipunan na iyong ginagalawan? Ipaliwanag Tayahin Pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang mabuting dulot ng dayuhan mamumuhunan? A. Ang pagbaba sa antas ng pamumuhay ng manggagawang Pilipino. B. Ang pagkakalikha ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino C. Ang pagkatakot na ilipat ang kanilang pamumuhunan patungo sa ibang bansa. D. Ang pagtaas ng kita ng pamahalaan dulot ng buwis na binabayaran ng mga dayuhan kompanya. 2. Ang ekonomikong globalisasyon ay nakatuon sa positibong pagbabago sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Alin sa mga sumusunod ang patunay dito? A. Ang pagkalugi ng pamumuhunan B. Ang pagsasara ng mga negosyo dahil sa digmaan C. Ang pag-aangkat at pagluluwas ng produktong agrikultura ng bansa D. Ang kawalan ng subsidiya ng pamahalaan sa sektor ng pamumuhunan 3. Ang bumubuo sa dimensyon ng globalisasyon ay ang pang-ekonomiko, pang teknolohiya, pampolitikal at ____________. A. Pangkalikasan C. Pisikal B. Pisyolohikal D. Sosyo-kultural 4. Ito ay tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. A. Transnational Companies C. Foreign Exchange B. Multinational Companies D. Foreign Investor 5. Ang pagdami ng dayuhang Business Process Outsourcing (BPO) at Information Technology (I.T.) na kompanya sa Cebu City ay patunay sa epekto ng globalisasyong sa lungsod. Ano ang tawag sa kumpanyang ito? A. Foreign Investors C. Multinational Companies B. Local Companies D. Transnational Companies 11 6. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang positibong epekto dulot ng globalisasyong ekonomiko? A. Pagkalugi ng lokal ng negosyo dahil sa mga dayuhang kompanya B. Paglilipat ng dayuhang kompanya dahil sa digmaan at pagkalugi nito C. Pagbaba sa koleksyon ng buwis dahil sa hindi pagbayad ng mga kumpanyang dayuhan D. Pagdami ng nalilikhang trabaho dahil sa pagdagsa ng dayuhang mamumuhunan o kompanya sa bansa 7. Ang Pilipinas ay aktibong miyembro ng pandaigdigang organisasyon. Alin sa mga sumusunod ang mabuting dulot nito sa bansa? A. Ang kawalan ng suporta mula sa ibang bansa B. Ang pag-aagawan at sigalot sa West Philippine Sea C. Ang pagliit ng produktong kinakalakal sa ibang bansa D. Ang pagkakaroon ng diplomatikong kasunduang pang-ekonomiya at pampulitika. 8. Maraming positibong epekto ang globalisasyong ekonomiko. Alin ang HINDI kabilang. A. Kompetisyon sa pamilihan B. Pagsasara ng mga lokal na namumuhunan dahil sa pagkalugi C. Pagpapababa ng halaga ng pangunahing mga produkto at serbisyo D. Pagdami ng mga produkto at serbisyong pagpipilian ng mga mamimili. 9. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kahalagahan sa globalisasyong teknolohikal sa paggawa? A. Ang pagdami ng produkto mula sa ibang bansa B. Ang pagbabago sa kalakalan ng produkto at serbisyo C. Ang pagkuha ng serbisyo mula sa ibang bansa dahil sa kawalan sa produksyon D. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya at makinarya sa paggawa na nagpapabilis sa produksyon 10. Ano ang mahalagang ugnayan ng teknolohiya at sosyo-kultural sa globalisasyon? A. Nakatuon sa pagbabago sa kalakalan. B. Pangunguna sa diplomatikong usapan. C. Napapabilis ang mga gawaing panlipunan gamit ang teknolohiya. D. Pagyaman at paglakas ng mga dayuhang kompanya o korporasyon. 11. Alin sa mga sumusunod ang positibong dulot ng globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural kaugnay sa pagdaloy ng impormasyon? A. Ang pagdami ng computer viruses at spam B. Ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto tungo sa iba’t ibang panig ng mundo C. Ang ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan D. Ang pangongopya ng impormasyon at software application mula sa internet tulad ng video, digital pictures at iba pa. 12 12. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay negatibong epekto dulot ng globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural. Alin dito ang HINDI? A. Ang kawalan ng komunikasyon sa malalayong lugar B. Ang kawalan ng makabagong teknolohiya sa paggawa C. Ang paggamit ng mga mag-aaral sa smartphone para online research D. Ang pagdami ng kabataan naglalaro ng online games at applications 13. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kahalagahang globalisasyong political? A. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa kalakalan ng produkto B. Ang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao gamit ang makabagong teknolohiya. C. Ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto tungo sa iba’t ibang panig ng mundo dulot ng teknolohiya at makinarya D. Ang mabilis at mapayapang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon tungo sa kaunlaran. 14. Isa sa positibong epekto ng globalisasyon ay ang pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan. Alin sa mga sitwasyon ang patunay dito? A. Ang kawalan ng produkto sa pamilihan B. Ang pagbaba kita at pagkalugi ng negosyo C. Ang pagdating ng mga multinasyunal na kumpanya D. Ang pagsara ng lokal na pamilihan dahil sa pagkalugi 15. Ang Unilever, Procter & Gamble, Mcdonald's, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa ay halimbawa ng negosyo na ang namumuhunang kompanya ay nasa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. A. Lokal Kompanya C. Transnational Companies B. Multinational Companies D. Outsourcing Karagdagang Gawain Sa pagtatapos, ibahagi ang iyong saloobin tungkol sa aralin at sagutin ang bawat sitwasyon gamit ang pormat sa ibaba at gumamit ng sagutang papel. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon kung ang globalisasyon ay nakatutulong o di-nakakatulong at ipaliwanag. 13 Nakatulong o Mga sitwasyon Hindi Paliwanag Nakatulong 1. Mga Call Center Agents sa isang BPO Company sa I.T. Park Apas, Cebu City. 2. Pagsasara ng mga multinational manufacturing companies sa MEPZ I, Lapu-lapu City, dahil sa pandemya. 3. Pagdami ng mga palamuting produkto mula sa MNC’s/TNC’s sa panahon ng kapaskuhan. 4. Pagbibigay ng TNC’s at MNC’s ng tamang buwis sa pamahalaan. 5. Pagkonbert sa mga gubat o lupang sakahan upang tayuan ng MNCs at TNCs na imprastraktura. Susi sa Pagwawasto Panimulang Gawain 1. OFW 2. Teknolohiya 3. Lipunan Sanggunian DepEd LM, CG, TG 14