Araling Panlipunan Grade 10 Globalisasyon PDF
Document Details
Uploaded by DazzledPhotorealism
Doña Montserrat Lopez Memorial High School
2020
DepED
Tags
Related
- Concept Notes: Introduction to Globalization PDF
- Review Life And Works Of Rizal PDF
- ARAL PAN WEEK 1-8 QUARTER 2 PDF
- Aralin 2: Anyo ng Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan: Ikalawang Markahan- Modyul 2 Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon 2020 PDF
- Araling Panlipunan 10 Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa PDF
Summary
This is a Filipino social studies learning module about globalization. The document contains questions and learning activities.
Full Transcript
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1: Globalisasyon CO_Q2_AP10_ Module 1 Araling Panlipunan - Grade 10 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan - Modyul 1: Globalisasyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hi...
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1: Globalisasyon CO_Q2_AP10_ Module 1 Araling Panlipunan - Grade 10 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan - Modyul 1: Globalisasyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyaon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Catherine M. Alonzo, Eimee Aicytel G. Ramos Editor: Jhon Rey D. Ortal, Zorayda S. Paguyo Tagasuri: Gina A. Amoyen, Marilou P. Omotoy, Editha T. Giron, Marlene C. Castillo, Marilou B. Sales, Mhea Kathrine G. Acdan, Aubrhey Marie R. Oasay, Antonniette Joanne A. Savellano, Blesilda B. Antiporda, Milagros Sandra D. Malvar, Joselito M. Daguison Tagaguhit: Kenneth Irving Alexander T. Diric, Clarence C. Manarpaac Tagalapat: Catherine M. Alonzo, Blessy T. Soroysoroy, Eimee Aicytel G. Ramos Tagapamahala: Tolentino G. Aquino, Arlene A. Niro, Marilou B. Sales, Gina A. Amoyen, Aubrhey Marie R. Oasay, Editha T. Giron, Jhon Rey D. Ortal Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________ Department of Education - Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: [email protected] 10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 1: Globalisasyon Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin “Kasabay ng pagbabago ng ating kapaligiran ay ang patuloy ring pagbabago sa takbo ng ating lipunan”. Bilang tugon sa mga pagbabagong ito ay ang pag-usbong ng mga kagamitang - pampagkatuto na naglalayong tulungan kayo at imulat sa inyong mga isipan ang iba’t ibang aspektong nakaapekto sa buhay ng tao. Ang Modyul na ito ay naglalayong palawakin ang inyong kaalaman tungkol sa Konsepto at Anyo ng Globalisasyon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Matutunghayan sa araling ito ang paksang Globalisasyon. Halina’t tuklasin at unawain ang mga kaugnay na konsepto nito. Makatutulong sa iyo ang mga gawain upang lubos na maunawaan ang mga esensyal na kaalaman tungkol sa Globalisasyon. Inaasahang matutuhan mo lahat ang mga aralin na inihanda para sa iyo. Ang Aralin 1 ay tumutukoy sa Kahalagahan ng Pag-aaral ng Globalisasyon. Ang modyul na ito ay nakatalagang gagawin sa loob ng dalawang linggo. Ito ay nahahati sa sumusunod na paksa: I. Paksa 1: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo II. Paksa 2: Anyo, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon Para sa unang linggo, iyong umpisahan ang pagkatuto sa pamamagitan nga pag- unawa sa mga teksto at pagsagot sa mga gawaing nakapaloob mula sa bahaging Subukin at nagtatapos sa bahaging Pagyamanin. Iyong ipagpatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing nakatalaga para sa ikalawang linggo. Umpisahan ito sa bahaging ikalawang Pagyamanin hanggang sa Karagdagang Gawain. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC 1) Nasusuri ang dahilan, dimensiyon at epekto ng Globalisasyon. Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Naipaliliwanag ang konsepto at perspektibo ng Globalisasyon; 2. Natutukoy ang mga anyo at dimensiyon ng Globalisasyon; 3. Nababalangkas ang mga salik sa pag-usbong ng Globalisasyon; 4. Naiisa-isa ang mga dahilan at epekto ng Globalisasyon; 5. Nakapagmumungkahi ng paraan upang maiwasan ang mga negatibong epekto ng Globalisasyon; at 6. Napahahalagahan ang iba’t ibang tugon sa pagharap sa Globalisasyon. 1 CO_Q2_AP10_ Module 1 Subukin Bilang panimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba para mataya ang iyong kahandaan sa paksa. Gawain 1: Paunang Pagtataya Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot. 1. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig. A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Transisyon D. Urbanisasyon 2. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa 3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito? A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal 4. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pag- angat ng kanilang ekonomiya. Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib upang higit na maayos ang _________. A. edukasyon, pamumuhunan at isports B. pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya C. pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politikal D. pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang politikal 5. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang lugar ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino?” A. Pag-angat ng kalidad ng manggagawang Pilipino. B. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas. C. Paggamit ng mga Automated Teller Machine (ATM). D. Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa. 6. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon, ipinatupad nila ang mura at kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa? A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis. D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan. 2 CO_Q2_AP10_ Module 1 7. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon? A. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan. B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspekto. C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking industriya. D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal nang naitatag. 8. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito? Ekonomikal GLOBALISASYON Sosyo - Kultural Politikal A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao. B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural. C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao. D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan. 9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa? A. Business Process Outsourcing B. mura at flexible labor C. subcontracting D. job mismatch 10. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Alin sa sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino? A. Jolibee C. San Miguel Corporation B. McDonalds D. Unilab 11. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad na siyang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito? A. fair trade C. pagtulong sa bottom billion B. outsourcing D. subsidy 12. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo- kultural maliban sa isa. Alin dito? A. E-commerce B. pagsunod sa KPop culture C. paggamit ng mobile phones D. pagpapatayo ng JICA building 3 CO_Q2_AP10_ Module 1 13. Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng mura at flexible labor. Paano nila isinasagawa ang paraang ito? A. mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa B. mataas na pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa C. mababang pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa D. mataas na pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa 14. Ano ang pinakaangkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon? A. mabilis na ugnayan ng mga bansa B. paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig C. mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga bantang magdudulot ng pinsala D. nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa 15. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito? A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya. B. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao. C. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan. D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyan ay makabago na. Binabati kita! Nagawa mong pagtagumpayan ang unang gawain tungkol sa globalisasyon. Oras na para paunlarin ang iyong kaalaman tungkol sa paksang ito. Makatutulong ang paggamit ng iyong dating kaalaman sa pagsasagawa ng mga gawain sa bahagi ng Tuklasin. 4 CO_Q2_AP10_ Module 1 Aralin Globalisasyon: Anyo at Konsepto 1 Balikan Panuto: Sa gawaing ito ay iyong malalaman ang mga nagbigay daan sa pag-usbong ng globalisasyon. Tingnan ang larawan sa ibaba. Ano sa palagay mo ang ipinapahiwatig nito? Sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong kuwaderno. Guhit nina: Kenneth Irving Alexander T. Diric at Clarence C. Manarpaac Pamprosesong mga tanong: 1. Ano ang masasabi mo ukol sa globalisasyon base sa larawan? 2. Masasabi mo bang ang globalisasyon ay isang isyung panlipunan? Ipaliwanag ang iyong kasagutan. 3. Nakaaapekto ba ang mga isyung ipinakita ng larawan sa kaunlaran ng isang bansa? Ipaliwanag. 5 CO_Q2_AP10_ Module 1 Tuklasin Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan ay ang globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay makikita ang pagbabagong ito. Litaw ang impluwensiya ng mga ito sa araw-araw nating buhay. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig (Ritzer, 2011). Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksiyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon. Hindi na bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng kalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong naganap bago sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig ng taong 1914. Batay sa inilabas ng World Trade Statistical Review of World Trade Organization noong 2016, ang halaga ng mga produktong naipagbili noong 2015 ay umabot ng $16 na trilyon samantalang nakapagtala ng humigit $4 na trilyon naman sa serbisyong komersiyal. Bagaman bumaba ng kaunti kung ihahambing noong 2014, ito ay halos nadoble naman noong 2005. Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit na ‘malawak, mabilis, mura, at malalim’. Ayon sa kaniyang aklat na pinamagatang ‘The World is Flat’ na nailathala noong taong 2006, ‘Any job- blue or white collar- that can be broken down into a routine and transformed into bits and bytes can now be exported to other countries where there is a rapidly increasing number of highly educated knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a comparable American worker.’ Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dalawang dekada, marami sa mga bansa ang gumamit ng kapitalismo tulad ng Hong Kong, Singapore, at United States bilang sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa mas malawak na kalakalan at pamumuhunang pandaigdig. 6 CO_Q2_AP10_ Module 1 Batay sa mga kahulugan ng globalisasyon, maaari tayong magbigay ng karagdagang mga tanong na makatutulong sa atin upang higit na maunawaan ito. Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw? Electronic gadgets, makina o produktong agrikultural? Sino-sino ang tinutukoy dito? Manggagawa ba tulad ng mga bihasang manggagawa at propesyunal gaya ng guro, inhinyero, nars o tagapag-alaga (caregiver)? Anong uri ng impormasyon ang mabilis na dumadaloy? Nalalaman niyo ba sa balita, sa mga tuklas sa agham at teknolohiya, sa panlibangan o sa opinyon? Paano dumadaloy ang mga ito? Dumadaloy ba ito sa kalakalan, midya o iba pang paraan? Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito? Mula sa mauunlad na bansa patungong mahihirap na bansa o ang kabaligtaran nito? Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? Sa United States, China, Germany, Japan, Argentina, Kenya o Pilipinas? Isyu nga bang maituturing ang globalisasyon? Bakit? Sa mga tanong na nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang transaksiyong pandaigdig na may kinalaman sa ugnayan o koneksiyon ng mga bansa. Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal dito. Tingnan natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang halimbawa. Dahil sa mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig, ang terorismo ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan. Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong sosyo- kultural. Nariyan ang iba’t ibang paalala o advisories na ipinalalabas ng mga bansa sa mga turista nito sa ilang mga bansa tulad ng Choose Philippines. Bakit maituturing itong isang isyu? Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay. May ideya ka na ba tungkol sa ating paksa? Nakikita mo rin ba ang ugnayan mo sa paksang tatalakayin? Halina! Ipagpatuloy mo. 7 CO_Q2_AP10_ Module 1 Suriin Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon Upang higit na maunawaan ang globalisasyon bilang isang kontemporaryong isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng mga pananaw o perspektibo sa pagsusuri nito. May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. Una ay ang paniniwalang ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, makidigma at manakop. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito. Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa tiyak na pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan ang globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod: Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998). Pag-usbong at paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Romano. Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo. Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America. Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon. Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo. Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo nang unang ginamit ang telepono noong 1956 o nang lumapag ang ‘transatlantic passenger jet’ mula New York hanggang London. Maaari rin namang nagsimula ito nang lumabas ang unang larawan 8 CO_Q2_AP10_ Module 1 ng daigdig gamit ang satellite ng taong 1966. Mayroon ding nagsasabi na ang globalisasyon ay nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. Ang pangyayaring ito ay gumising sa marami na kinakailangan ang higit na pag-aaral sa isang global na daigdig. Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenang nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito na sinasabing may tuwirang kaugnayan sa pag-usbong ng globalisasyon: Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipinakita ng Estados Unidos sa daigdig ang kaniyang lakas-militar nang talunin ang Japan at Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naungusan ang France at Great Britain sa usaping pang-ekonomiya at sakupin ang mga Asyanong bansang Korea (taong 1950) at Vietnam (taong 1960-70). Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNCs and TNCs) Bagamat ang mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay nagsimula noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo mula sa Germany, Great Britain at United States, marami sa mga ito ay kasalukuyang nagtutuon ng pansin sa ibang bansa partikular sa mga developing nations. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Ford at General Motors. Dati’y mamimili ng sariling bansa ang pokus ng mga kompanyang ito subalit sa kasalukuya’y malaking bahagdan o porsiyento ng kanilang kita ay nanggagaling sa mga bansa sa Asya at Latin America. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War Sinasabing ang pagbagsak ng ‘Iron Curtain’ at ng Soviet Union noong 1991 ang naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon. Ang Iron Curtain o Kurtinang Bakal ang terminolohiyang ginamit ni Winston Churchill upang ilarawan ang harang na naghahati sa Europa sa dalawang magkahiwalay na lugar sa loob ng 46 taon - matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig noong 1945 hanggang sa matapos ang malamig na digmaan o cold war noong 1991. Ito ay isang kathang isip na harang na itinayo ng Unyong Sobyet o ng Soviet Union upang paghiwalayin ang hindi komunista o kanlurang bahagi ng Europa sa komunista o silangang bahagi ng Europa kung saan matatagpuan ang mga bansang konektado at naiimplwensiyahan ng Unyong Sobyet. Matapos ang pangyayaring ito’y mabilis na nabura ang markang naghahati at naghihiwalay sa mga bansang komunista at kapitalista. Pumasok ang mga multinational companies (MNCs) sa mga bansang dating sakop ng USSR tulad ng Ukraine, Estonia at Latvia. Nagbukas ang mga bansang ito sa migrasyon, midya, turismo at ugnayang panlabas. 9 CO_Q2_AP10_ Module 1 Pagyamanin 1 Gawain 1: Balangkas ng Kaalaman Gamit ang iyong kuwaderno, punan ang graphic organizer batay sa iyong naunawaan sa binasang teksto. Isulat sa unang kolum ang pananaw tungkol sa pag-usbong ng globalisasyon at sa pangalawang kolum naman ang mahahalagang detalye sa konseptong kaugnay nito. Isulat sa ikatlong kolum ang mga susing salita o esensiyal na kaisipan sa bawat pananaw. Sagutin din ang mga kasunod na tanong sa ibaba ng graphic organizer. BALANGKAS NG KAALAMAN Pananaw Mahahalagang Detalye Susing Salita 1. 2. 3. 4. 5. Sagutin ang mga Tanong: 1. Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang globalisasyon. 2. Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon? Naniniwala ka ba dito? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3. Sa mga nabanggit na pananaw tungkol sa Globalisasyon, alin sa mga ito ang sa iyong palagay ay mas makatotohanan? Pangatwiranan. 10 CO_Q2_AP10_ Module 1 Gawain 2: Produkto, Suriin ko. Maglista ng mga produktong makikita sa iyong tahanan. Pumili ng lima (5) sa mga produkto at tingnan ang tatak kung saan ginawa at kung anong kompanya ang gumawa nito. Sa iyong kuwaderno, punan ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang pamprosesong tanong. PRODUKTO TATAK KOMPANYANG GUMAWA NG PRODUKTO 1. 2. 3. 4. 5. Pamprosesong mga Tanong Sagutin ang sumusunod at isulat sa inyong kuwaderno ang sagot. 1. Paano lumaganap ang mga produktong ito sa iba’t ibang panig ng daigdig? 2. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produktong ito sa atin? Pangatwiranan. Anyo ng Globalisasyon May tatlong anyo ng globalisasyon. Ito ay ang: Globalisasyong Ekonomiko, Teknolohikal at Sosyo-Kultural, at Politikal. GLOBALISASYONG EKONOMIKO Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa. Multinational at Transnational Companies Kilala ang mga ito bilang multinational companies (MNCs) at transnational companies (TNCs). Ayon sa United Nations Commission on Transnational Corporations and Investment, ang transnational companies (TNCs) ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Binibigyan ng kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta 11 CO_Q2_AP10_ Module 1 ang mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal. Marami sa kanila ay mga kompanyang petrolyo, I.T. consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito. Halimbawa nito ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith Klein (halimbawang produkto ay sensodyne at panadol). Samantala, ang multinational companies (MNCs) ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. Ilang halimbawa nito ay ang Unilever, Proctor & Gamble, McDonalds, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa. Dinala ng mga korporasyong nabanggit ang mga produkto at serbisyo sa ating lipunan. Naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay nating mga Pilipino. Matatagpuan ang mga nasabing kompanya o korporasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig. Marami sa mga ito ay pag-aari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan na nagtataglay ng malaking kapital. Sa katunayan, batay sa datos ng International Monetary Fund, ang ilan sa mga multinational companies at transnational companies ay higit pa ang kinikita sa Gross Domestic Product (GDP) ng ilang mga bansa. Suriin ang talahanayan sa ibaba na nagpapakita ng mga kompanya at bansa kasama ang kanilang kaukulang kita sa taong 2011. Kompanya Kita Bansa GDP Yahoo $6.32 billion Mongolia $6.13 billion Visa $8.07 billion Zimbabwe $7.47 billion eBay's $9.16 billion Madagascar $8.35 billion Nike $19.16 billion Paraguay $18.48 billion McDonalds $24.07 billion Latvia $24.05 billion Amazon $32.16 billion Kenya $32.16 billion Pepsi $57.83 billion Oman $55.62 billion Apple $65.23 billion Ecuador $58.91 billion Procter and Gamble $79.69 billion Libya $74.23 billion Ford $128.95 billion Morocco $103.48 billion GE $151.63 billion New Zealand $140.43 billion Walmart $482 billion Norway $414.46 billion Batay sa talahanayan, ano kaya ang implikasyon nito sa mga bansa kung saan sila matatagpuan? Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino Firms Building Asean Empires ng Philippine Daily Inquirer na nailathala noong Pebrero 9, 2017, ilan sa mga MNCs at TNCs sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino tulad ng Jollibee, URC, Unilab, 12 CO_Q2_AP10_ Module 1 International Container Terminal Services Inc. at San Miguel Corporation. Binigyang pansin dito ang halaga ng mga nasabing korporasyon sa pamilihan ng mga bansa sa Timog- Silangang Asya. Hindi lamang sa Timog-Silangang Asya matatagpuan ang ilang korporasyong pag-aari ng mga Pilipino. Batay sa artikulo ni John Mangun ng pahayagang Business Mirror noong Marso 9, 2017, ilang mga korporasyong Pilipino tulad ng SM, PNB, Metro Bank, Jollibee, Liwayway Marketing Corporation, ang itinayo sa China at nakararanas ng patuloy na paglago. Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations sa isang bansa. Ilan sa mga ito ay ang pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga nabanggit na produkto. Maituturing itong pakinabang sa mga mamimili. Bukod dito, nakalilikha rin ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. Ngunit kaakibat ng magandang epekto nito ay ang mga suliraning nakaaapekto sa maraming bilang ng mga Pilipino. Isa na rito ang pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga multinational at transnational corporations na may napakalaking puhunan. Sa kalaunan, maraming namumuhunang lokal ang tuluyang nagsasara. Malaki rin ang kakayahan ng mga ito na impluwensiyahan ang polisiya na ipinatutupad ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa tulad ng pagpapababa ng buwis, pagbibigay ng tulong- pinansiyal, at maging ang pagpapagaan ng mga batas patungkol sa paggawa at isyung pangkapaligiran. Nakukuha ang mga nasabing pabor sa pamamagitan ng pananakot na ilipat ang kanilang pamumuhunan patungo sa ibang bansa. Nagbubunga ito sa kalaunan ng higit na pagyaman at paglakas ng mga nasabing MNCs and TNCs nagdudulot naman ng paglaki ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap. Maliwanag itong natukoy sa pag-aaral ng Oxfam International sa taong 2017. Ayon sa kanilang pananaliksik, ang kinita ng sampung pinakamalalaking korporasyon sa buong mundo noong 2015-2016 ay higit pa sa kita ng 180 bansa. Tinukoy din sa nasabing ulat na ang yaman ng nangungunang walong bilyonaryo ay katumbas ng pinagsama-samang yaman ng 3.6 bilyong tao sa daigdig. Outsourcing Bukod sa mga nabanggit, ang pagdami ng outsourcing companies ay maituturing na manipestasyon ng globalisasyon. Hindi na bago ang konsepto ng outsourcing dahil marami na ang gumagamit nito partikular sa malalaking pribadong kompanya. Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga. Isang halimbawa nito ay ang paniningil ng utang ng isang institusyong pinansiyal sa mga credit card holders nito. Sa halip na sila ang direktang maningil, minabuti ng ilang kompanya na i-outsource mula sa ibang kompanya ang paniningil sa mga kliyente sa kanilang pagkakautang. 13 CO_Q2_AP10_ Module 1 Dahil dito, mas napagtutuunan nila ng pansin ang higit na mahahalagang bagay tulad ng agresibong pagbebenta (aggressive marketing) ng kanilang produkto at serbisyo na nagbibigay naman ng malaking kita. Maaaring uriin ang outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na serbisyo tulad ng Business Process Outsourcing na tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya. Nariyan din ang Knowledge Process Outsourcing na nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal. Kung gagawin namang batayan ang layo o distansiya na pagmumulan ng kompanyang siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, maaaring uriin ito sa mga sumusunod: 1. Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa ganitong uri ng outsourcing. Sa pagnanais ng mga outsourcing companies mula United States, at mga bansa sa Europe na makatipid sa mga gastusing kalakip ng nasabing serbisyo minarapat nilang kumuha ng serbisyo sa mga kompanya mula sa bansang Asyano tulad ng India at Pilipinas. Marami sa mga outsourcing companies sa bansa ay tinatawag na Business Process Outsourcing na nakatuon sa Voice Processing Services. Ilan sa mga gawaing kalakip nito ay pagbebenta ng produkto at serbisyo, paniningil ng bayad sa nagamit na serbisyo at produkto, pagkuha ng order ng isang produkto at serbisyo, pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga mamimili na magagamit ng mga namumuhunan at mga katulad nitong gawain. Bukod sa pagkakaiba ng oras, karaniwang nagiging suliranin dito ang pagkakaiba ng wika at kultura na nakapagpapabagal ng produksyon. 2. Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. Layunin nitong iwasan ang mga suliraning kaakibat ng offshoring sapagkat inaasahan na ang kalapit bansang pagmumulan ng serbisyo ay may pagkakahawig kung di man pagkakatulad sa wika at kultura ng bansang nakikinabang sa paglilingkod nito. 3. Onshoring- Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon. Tulad ng nabanggit, marami na sa Pilipinas ang offshore outsourcing sa kasalukuyan. Patunay rito ang dumaraming bilang ng call centers sa bansa na pag-aari ng mga dayuhang namumuhunan at ang ilan ay mula sa United States, United Kingdom, at Australia. Malaking bilang ng mga nagtatapos ang nagtatrabaho sa call centers dahil na rin sa mataas na sahod na ibinibigay ng mga ito. Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100 Outsourcing Destinations for 2016, ang Manila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo (sunod sa Bangalore, India) na destinasyon ng BPO. Kasama rin sa listahan ang Cebu City (7th), Davao City (66th), Sta. Rosa City (81st), Bacolod City (85th), Iloilo City (90th), Dumaguete City (93rd), Baguio City (94th), at Metro Clark (97th). Malaki ang naitulong ng industriyang ito sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP), pangalawa ito sa pinagkukunan ng dolyar ng bansa. Sa katunayan, lumikha ito ng 1.2 milyong 14 CO_Q2_AP10_ Module 1 trabaho at nagpasok ng $22 bilyong dolyar noong taong 2015. Tinukoy ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kung magpapatuloy ang ganitong takbo ng industriya, malalagpasan nito ang inuuwing dolyar ng mga OFW sa mga susunod na taon. Naging daan din ito sa pagkakaroon ng karagdagang kita sa maraming mga Pilipino na nagbunsod naman ng pagkakaroon ng surplus budget na nailagak sa mga institusyong pinansiyal bilang savings o investment. OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay. Sa katunayan, malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig partikular sa Timog-Kanlurang Asya tulad ng Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Silangang Asya tulad ng South Korea, Japan, Taiwan, Hongkong at China. Maging sa kontinente ng Europe at America tulad ng Canada at United States ay kakikitaan ng mga manggagawang Pilipino. Ang pangingibang-bayan ng manggagawang Pilipino ay nagsimula sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang panandaliang tugon sa budget deficit ng kaniyang administrasyon. Naging matagumpay ang stop gap measure na ito. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng globalisasyon. Mababanaag din ito sa aspektong teknolohikal at sosyo-kultural ng mga bansa sa daigdig. Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang pagggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India. Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. Sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. Isa rin dito ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao. Sa Pilipinas, kitang-kita ang paggamit ng mobile phones. Sa katunayan, ang pagte- text ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng marami. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa mga cellphone users ay hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila. Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang buhay ng maraming gumagamit nito, higit na pagbabago ang dinala ng computer at internet sa nakararami. Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form. Ang mga ideyang ito ay nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng musika, 15 CO_Q2_AP10_ Module 1 pelikula, videos, larawan, e-books at iba pa na makikita sa iba’t ibang social networking sites at service provider. Ang mga sikat na awitin, pelikula, palabas sa telebisyon, viral videos at pictures, hashtags, memes at mga tulad nito ay ilan lamang sa mga mabilis na kinokonsumo gamit ang electronic device na may internet access. Kalakip nito ang pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa partikular sa United States. Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng mga Koreano sa anyo ng pop culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean nobela, K-pop culture, at mga kauri nito. Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga suliraning may kinalaman sa pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng electronic files at minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan. Huwag ding kalilimutan ang isyu ng pambansang seguridad. Ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga target nito. Ang mga penomenang ito ay nakabubuo ng mga bagong ideyang kultural na mabilis namang naipalalaganap sa iba’t ibang panig ng mundo. GLOBALISASYONG POLITIKAL Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyo-kultural ay ang paglakas ng globalisasyong politikal na maituturing na mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyonal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan. Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga pang-ekonomikong oportunidad, oportunidad sa edukasyon at pangkultural sa magkakabilang bansa. Halimbawa nito ang economic at technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas. Nariyan ang Japan International Cooperation Agency (JICA) proyekto ng Japan, Basic Education Sector Transformation (BEST) proyekto ng Australia, at military assistance ng US, at mga tulad nito. Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas maigting na ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa nagbigay daan sa mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon. Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga bansang kaanib nito ang ASEAN Integration sa taong 2030 na naglalayong mapaigting ang koordinasyon ng bawat isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan, kalakalan, at pagtutulungang politikal. Kaugnay sa globalisasyong politikal ay ang gampanin ng mga pandaigdigang institusyon sa pamamahala ng mga bansa. Ayon sa artikulo ni Prof. Randy David na 16 CO_Q2_AP10_ Module 1 pinamagatang, ‘The Reality of Global’ pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations, European Union, Amnesty International at mga tulad nito sa mga polisiya at programang kinahaharap ng isang bansa. May magandang dulot ang globalisasyong politikal kung ang layunin nito ay tulungan ang mga bansa upang higit na maisakatuparan ang mga programa at proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit maaari rin itong maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang kanilang interes ang bibigyang pansin. Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal, politikal at kultural sa usaping globalisasyon. Ang mga ito ay sabay-sabay na nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon Hindi maitatanggi ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspekto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga suliraning kailangang harapin at bigyang ng katugunan. Malaki ang ginagampanan ng pamahalaan sa pagharap sa hamon ng globalisasyon maging ito man ay sa dimensiyong ekonomikal, politikal o sosyo-kultural. Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Guarded Globalization Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at pangalagaan ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang mamumuhunan. Ilan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang: o pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal; at o pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay tulong pinansiyal ng pamahalaan. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibili ang mga ito. Bukod sa United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga namumuhunan. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) Ayon sa International FairTrade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagita ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang 17 CO_Q2_AP10_ Module 1 interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan. Pagtulong sa ‘Bottom Billion’ Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinakaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulong pinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany, Japan, France at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito. Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito. Napakahusay mo! Naisakatuparan mo ang lahat ng mga gawaing inihanda para sa iyo. Dito nagtatapos ang unang linggo ng modyul na ito. Muli, binabati kita at inaasahan kong mas mapalalim pa ang iyong kaalaman sa pagpapatuloy sa mga gawaing nakalaan para sa ikalawang linggo. Pagyamanin 2 Gawain 3: Tuklas-Kaalaman Pagyamanin ang kaalaman tungkol sa paksang globalisasyong ekonomiko. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot ng sumusunod. 1. Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng multinational at transnational companies sa Pilipinas gamit ang aklat at internet. Iminumungkahi rin ang paghingi ng impormasyon sa mga kakilalang eksperto. 2. Tukuyin kung alin sa mga ito ang may operasyon sa ating bansa at kung ito ay may kakompetensiyang lokal na namumuhunan. 3. Isa-isahin at ipaliwanag ang mabuti at di-mabuting epekto ng MNCs at TNCs sa ekonomiya ng bansa. Pamprosesong mga Tanong Sagutin ang sumusunod at isulat sa papel ang sagot. 1. Paano nakatutulong ang mga multinational, transnational corporations at outsourcing sa pag-unlad ng bansa? Patunayan ang sagot. 2. Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng outsourcing at multinational at transnational corporation sa ating bansa? 3. Sa kabuuan, nakabubuti o nakasasama ba ang mga pagbabagong nabanggit? Pangatwiranan. 18 CO_Q2_AP10_ Module 1 Isaisip Gamit ang iyong mga natutuhan sa mga araling natalakay, kumpletuhin ang sumusunod na pahayag sa iyong kuwaderno. Ang globalisasyon ay proseso ___________________________________________ ___________________________________________________________________ May tatlong anyo ng globalisasyon. Kinabibilangan ito ng: ____________________ ________________________,___________________________________________ Ang globalisasyon ay ang pinakamalaking pangyayari sa ekonomiya sa ating kapanahunan. Nakikita ang kahalagahan nito sa_____________________________ Ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ________________ ___________________________________________________________________ Isagawa Gawain A: Balangkasin Mo! Panuto: Ngayong alam mo na ang konsepto ng globalisasyon, ilahad mo kung paano umusbong ito. Punan ang fishbone map upang maipakita ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng globalisasyon. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Salik 1 Salik 2 Salik 3 Ang Globalisasyon ay… Salik 4 Salik 5 Salik 6 19 CO_Q2_AP10_ Module 1 Gawain B: Bukas na Liham Gamit ang isang buong A4 bond paper, gayahin ang naibigay na padron sa ibaba at gumawa ng isang bukas na liham na angkla sa temang “OFW bilang Mukha ng Globalisasyon.” Piliin mula sa sumusunod kung para kanino: A. Para sa Pangulo B. Para sa mga OFW C.Para sa kapwa kabataang may magulang na OFW Petsa ___________________ ___________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ Nagmamahal, (Pangalan) Rubrik sa Pagbuo ng Bukas na Liham Pamantayan 10 9 8 Puntos Nilalaman Lubusang Nailalahad ang Simpleng nailalahad ng saloobin, paglalahad ng saloobin at pasasalamat at saloobin, pananaw, pagpapahalaga pasasalamat at pasasalamat at sa kinauukulan. pagpapahalaga pagpapahalaga sa kinauukulan. sa kinauukulan. Presentasyon at Maayos at Maayos na Hindi gaano organisasyon sa malikhaing nailalahad ang maayos ang pagsulat ng liham nailalahad ang nilalaman ng paglalahad. nilalaman ng liham. May Maraming liham. Malinaw bahaging di bahagi ang hindi ang daloy ng malinaw. malinaw. paglalahad Kabuoang Puntos: 20 CO_Q2_AP10_ Module 1 Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot. 1. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Alin sa sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino? A. Jolibee B. McDonalds C. San Miguel Corporation D. Unilab 2. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad upang ito ang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito? A. fair trade B. outsourcing C. pagtulong sa bottom billion D. subsidy 3. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo- kultural maliban sa isa. Alin dito? A. paggamit ng mobile phones C. pagsunod sa KPop culture B. E-commerce D. pagpapatayo ng JICA building 4. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Ekonomiya C. Migrasyon B. Globalisasyon D. Paggawa 5. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito? A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural B. Sikolohikal D. Teknolohikal 6. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito? Ekonomikal GLOBALISASYON Sosyo- Kultural Politikal A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao. B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural. C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao. D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan. 21 CO_Q2_AP10_ Module 1 7. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pag- angat ng kanilang ekonomiya. Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib upang higit na maayos ang _________. A. edukasyon, pamumuhunan at isports B. pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya C. pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politikal D. pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang politikal 8. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon, ipinatupad nila ang mura at kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa? A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis. D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan. 9. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon? A. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan. B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto. C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinaununlad ang mga malalaking industriya. D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal nang naitatag. 10. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito? A. ekonomikal B. sikolohikal C. sosyo-kultural D. teknolohikal 11. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig. A. globalisayon B. migrasyon C. transisyon D. urbanisasyon 12. Mayroong nagsasabi na ang globalisayon ay nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. Anong perspektibo o pananaw ang isinasaad nito? A. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. B. Ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa. C. Ang globaisasyon ay pinaniniwalaang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon. D. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. 22 CO_Q2_AP10_ Module 1 13. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang lugar ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino”? A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino. B. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas. C. Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa. D. Pagdagsa ng gamit ng ATM pagdeposit, pagbabayad at iba pang transaksyong pinansyal. 14. Ano ang pinaka-angkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon? A. mabilis na ugnayan ng mga bansa B. paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig C. mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan D. nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa 15. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito? A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya. B. May tiyak na pinagmulan ang globalisayon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao. C. Ang paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan. D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyan ay makabago na. 23 CO_Q2_AP10_ Module 1 Karagdagang Gawain Decision Diagram Panuto: Suriin ang artikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino at punan ang Decision Diagram. Ilagay ito sa iyong kuwaderno. Halaw ang artikulo sa akda ni Lisa Smith. Isinalin ng may-akda ang ilang bahagi ng nasabing artikulo. Globalisayon: Pag-unlad o Pagtutubo? (isinalin mula kay Liza Smith) Gawi ng globalisasyon ang pagdadala ng puhunan at negosyo mula sa pamilihang lokal patungo sa ibang bansa na siyang nag-uugnay sa iba’t ibang pamilihan ng daigdig. Ayon sa mga sumusuporta sa ideya ng globalisasyon, nakatutulong ito sa mga papaunlad na bansa na makahabol sa pag-angat ng ekonomiya dahil sa pagdami ng bilang ng trabahong naibibigay nito bukod pa sa teknolohiyang dala nito. Patunay dito ang mga Asyanong bansa tulad ng India, Pilipinas at Thailand. Para sa mga malalaking negosyante at miyembro ng economic elite, mabuti ang globalisasyon sapagkat nakakukuha sila ng manggagawang handang tumanggap ng mas mababang sahod na nagbibigay naman sa kanila ng higit na kita. Hindi lamang ang mga negosyanteng nabanggit ang naaapektuhan nito kundi maging ang mga manggagawa sa iba’t ibang bansa na handang makipagkompetensiya upang makuha ang mga trabaho kapalit ang mas mababang sahod. Sa katunayan, ilang trabaho (hal. autoworks) mula sa US na dinala ng North American Free Trade Agreement (NAFTA) sa bansang Mexico dahil sa mas murang pasahod dito ay inilipat sa ilang bansa sa Silangang Asya dahil sa higit na murang pasahod. Ganun pa man ang mga produktong ito ay ipagbibili sa mga konsumer sa US sa tulad ding halaga. Samantala, ang mababang pasahod na nakukuha ng mga manggagawa sa maliliit na bansa ay ginagamit sa pagbili ng mga tinging produktong nagmula rin naman sa mga kanluraning bansa. Hindi maipagkakaila ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa papaunlad na mga bansa dala ng industriyalisasyon (teknolohiya) na bitbit ng mga korporasyon at kompanya mula sa mayayamang bansa. 24 CO_Q2_AP10_ Module 1 Mabuting Epekto ng Globalisasyon Di-Mabuting Epekto ng Globalisasyon Muli mong ipinamalas ang iyong husay! Ikinagagalak kong napagtagumpayan mong tapusin ang kabuoan ng modyul na ito. Handang-handa ka na para sa susunod na modyul. Inaasahan kong marami kang natutuhan at nakakintal na ito sa iyong isipan. 25 CO_Q2_AP10_ Module 1 CO_Q2_AP10_ Module 1 26 Tayahin Subukin 1. B 1. A 2. C 2. D 3. D 3. B 4. B 4. B 5. B 5. A 6. D 6. C 7. A 7. A 8. C 8. A 9. A 9. B 10.B 10.B 11.A 11.B 12.D 12.D 13.D 13.A 14.D 14.D 15.C 15.C Susi sa Pagwawasto Sanggunian: A. Aklat: Department of Education. Araling Panlipuan 10 Learners Module.2017, 144-186. B. Website: Rappler, “Google opens Philippine office,” Last Modified January 24, 2013. http://www.rappler.com/life-and-style/technology/20259-google-opens-philippine- office, Jose Bimbo F. Santos, “Security corp Palo Alto Networks opens Philippine Office,” Last Modiefied April 28,2015. http://www.interaksyon.com/infotech/securecorp-palo- alto-networks-opens-philipppine-office. Business Inquirer – Nasdaq, “NASDAQ OMX Opens New Office in Manila, Philippines,” Last Modified February 18, 2014. http://ir.nasdaq.com/releasedetail.cfm?releaseid=826. 27 CO_Q2_AP10_ Module 1 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]