Araling Panlipunan 10 Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa PDF

Summary

This Araling Panlipunan 10 module, by the Department of Education (DepEd), discusses work issues and the impacts of globalization for students in the Philippines. It is a learning material for self-study and covers various topics related to labor and economics.

Full Transcript

10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa CO_Q2_AP10_Module 2 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 17...

10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa CO_Q2_AP10_Module 2 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Norman R. Battulayan, John Jefferson I. Pacariem Jenalyn Vanessa R. Pangat Editor: Jhon Rey D. Ortal, Zorayda S. Paguyo, Marlene C. Castillo, Blesilda B. Antiporda, Mhea Kathrine M. Acdan, Marilou P. Omotoy, Antonniette Joanne A. Savellano Tagasuri: Editha T. Giron, Gina A. Amoyen, Aubrhey Marie R. Oasay, Eric O. Cariño I, Joselito M. Daguison, Melchora N.Viduya, Allan S. Macaraeg, Milagros Malvar Tagaguhit: Eimie Aicytel G. Ramos, Clarence Manarpaac Tagalapat: Jenalyn Vanessa R. Pangat Tagapamahala: Tolentino G. Aquino, Arlene A. Niro, Marilou B. Sales, Gina A. Amoyen, Editha T. Giron, Aubrhey Marie R. Oasay, Jhon Rey D. Ortal Inilimbag sa Pilipinas Department of Educa tion – DepEd-Region I Office Address: Flores., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: [email protected] CO_Q2_AP10_Module 2 10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa CO_Q2_AP10_Module 2 Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating magaaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. II 1 CO_Q2_AP10_Module 2 Alamin Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan bunga ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga isyu sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus patuloy pang lumalala lalo na sa mga usapin ukol sa paggawa. Sa kasalukuyan, ang mga manggagawang Pilipino ay nagiging biktima ng pang- aabuso at pagsasamantala ng mga kapitalista o may-ari ng mga negosyo. Kahit alam natin kung gaano sila kahalaga sa ekonomiya, hindi lahat ng kanilang pangangailangan ay naipagkakaloob ng pamahalaan, mga kapitalista at mga may-ari ng mga negosyo. Sa maikling salita, napapabayaan ang ating mga manggagawa at nahaharap sa mga isyu sa larangan ng paggawa. Ang modyul na ito ay nakalaan para sa dalawang linggo (Ikatlo at Ikaapat na linggo). Nahahati ang mga aralin sa sumusunod: I. ikatlong linggo: Globalisasyon at mga isyu sa paggawa II. Ikaapat na linggo: Mga suliranin sa paggawa at epekto Halina at samahan mo ako sa pagtuklas at unawain ang mga isyung kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa. (MELC 2) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: nailalahad ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor; natutukoy ang mga suliranin sa paggawa; naipapaliwanag ang mga epekto ng iba’t ibang suliranin sa paggawa; nabibigyang halaga ang mga batas na kumakalinga sa mga manggagawang Pilipino; at nakapagmumungkahi ng mga solusyun sa mga suliranin sa pamamagitan ng malikhaing paraan gaya ng brochure/poster slogan o video clip. 1 CO_Q2_AP10_Module 2 Subukin Bilang panimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba upang mataya ang iyong kahandaan sa tatalakaying aralin. Ito ay makatutulong para maintindihan mo ang nilalaman ng modyul na ito. Gawain 1. Paunang Pagtataya Panuto: Sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Isulat sa papel ang tamang sagot. 1. Ang lahat ay tumutukoy sa epekto ng globalisasyon sa paggawa maliban sa isa. Ano ito? A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaig- digang pamilihan. C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila. D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa. 2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Edukasyon B. Ekonomiya C. Globalisasyon D. Paggawa 3. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga manggagawang Pilipino”? A. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas B. Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino C. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa D. Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga Automated Teller Machine (ATM) 4. Ano ang humikayat sa mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa paggawa? A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas. B. Nais ng Pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino. C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa. D. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa 5. Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa? A. Agrikultura C. Industriya B. Impormal na sektor D. Paglilingkod 6. Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka? 2 CO_Q2_AP10_Module 2 A. Kawalan ng asawa B. Kawalan ng sapat na tulog C. Kawalan ng kahalili sa pagtatanim at pag-aani ng mga pananim D. Kakulangan ng patubig o suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda 7. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa? A. Subcontracting Scheme C. Mura at Flexible Labor B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment 8. Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga usapin at kasunduan sa mga pandaigdigang institusyong pinansiyal tulad ng IMF-WB at WTO ay lalong nagpahina sa kita ng mga lokal na magsasaka. Alin sa sumusunod na pahayag ang sumusuporta dito? A. Ang mga produktong agrikultural ay malayang naiaangkat sa ibang bansa. B. Ang mga dayuhang produktong agrikultural ay malayang naibebenta sa mga lokal na pamilihan sa mababang halaga. C. Ang mga lokal na de-kalidad na produkto tulad ng mangga at saging ay itinatanim at nakalaan lamang para sa ibang bansa. D. Ang mga lupaing mainam na taniman ay sumasailalim sa land conversion at pinatatayuan ng iba’t ibang dayuhang industriya. 9. Alin sa sumusunod ang hindi mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon? A. Nakabubuo ng mga unyon sapagkat may trabaho. B. Hindi nakatatanggap ng karampatang sahod at mga benepisyo ang mga manggagawa. C. Maiiwasan ang pagbabayad ng separation pay ng mga kapitalista sa mga manggagawa. D. Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong “employee-employer” sa mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensiya. 10. Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon? A. Subcontracting Scheme C. Mura at Flexible Labor B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment 11. Anong sektor ang may pinakamalaking bilang na naempleo sa taong 2019? A. Agrikultura C. Serbisyo B. Industriya D. Lahat ng nabanggit 12. Alin sa sumusunod ang bumaba ng bilang na naempleyo sa taong 2019? A. Agrikultura C. Serbisyo B. Industriya D. Lahat ng nabanggit 13. Ano ang tawag sa nakamamatay at nakahahawang sakit na nagmula sa bansang China? A. COVID-19 C. SARS-CoV B. MERS-CoV D. SARS 14. Mula sa sagot sa ika-13 bilang, kumakalat ang sakit na ito sa mga tao maliban_____ 3 CO_Q2_AP10_Module 2 A. sa pamamagitan ng isang metrong distansya sa mga taong may sintomas ng sakit na ito. B. sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng isang taong may sakit na ito na hindi nakasuot ng facemask. C. sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha sa taong may sakit na ito na walang suot na facemask. D. sa pamamagitan ng pagsagap ng mga maliliit na talsik ng laway mula sa pagsasalita ng taong positibo sa sakit na ito. 15. Alin sa sumusunod na rehiyon ng bansa ang may pinakamaliit na bahagdan ng unemployment? A. Ilocos Region B. Cagayan Valley C. National Capital Region (NCR) D. Cordillera Administrative Region (CAR) Ngayong natapos mo na ang panimulang pagtataya, handa ka nang lalo pang palawigin ang iyong kaalaman tungkol sa mga isyu sa paggawa. 4 CO_Q2_AP10_Module 2 Aralin 2 Mga Isyu sa Paggawa Balikan Sa unang aralin ng modyul na ito ay nabatid mo ang naging epekto ng globalisasyon dulot ng pagbabago sa kaisipan at perspektibo ng mga mamamayan sa pandaigdig na komunidad at pangangailangan ng bawat bansa. Natunghayan mo rin sa unang aralin ang iba’t ibang anyo ng globalisasyon tulad ng globalisasyong ekonomiko, teknolohikal, at sosyo- kultural. Gawain 2: Pagsusuri sa larawan Batay sa larawang makikita sa ibaba, ilahad ang posibleng mensahe nito. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. Orihinal na guhit ni G. Robert Armstrong 5 CO_Q2_AP10_Module 2 Tuklasin Gawain 3. Iguhit Mo, Kapalaran Mo Panuto: Iguhit ang iyong gustong trabaho pagkatapos ng sampung taon. Iguhit ito sa isang buong papel. Pamprosesong mga Tanong: 1. Bakit ito ang iginuhit mo? 2. Ano ang gagawin mo para matupad ang pangarap mong ito? 3. Kanino mo iaalay ang tagumpay mo? Bakit? Nasagutan mong maayos ang mga panimulang gawain, handa ka nang palawigin ang iyong pag-unawa o kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. 6 CO_Q2_AP10_Module 2 ANG Suriin Paksa 1: GLOBALISASYON AT ANG MGA ISYU SA PAGGAWA Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, job-mismatch bunga ng mga ‘job-skills mismatch, mura at flexible labor, iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at COVID-19. Isang hamon din sa paggawa ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa subalit nagdulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa. Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang bahay pagawaan na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng World Trade Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na umaayon sa global standard ng mga manggagawa. Namumuhunan ang mga multi-national company ng mga trabaho ayon sa kasanayan ng isang manggagawa na nakabatay sa isang kasunduan. Ilan sa mga naging epekto ng globalisasyon sa paggawa ay ang sumusunod: 1. Pangangailangan ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng Global Standard. 2. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan. 3. Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa. 4. Dahil sa mura at mababa ang pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal. Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang aspekto na nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan upang magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay. 7 CO_Q2_AP10_Module 2 Kakayahan na Makaangkop sa Global Standard na Paggawa Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN 2015) sa paggawa ng mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade Organization o WTO. Bunga nito ay binuksan ang pamilihan ng bansa sa kalakalan sa daigdig. Isa sa pagtugon na isinagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan na lilinangin sa mga mag-aaral na Pilipino. Bunga ng tumataas na pangangailangan para sa global standard na paggawa (tunghayan ang Talahanayan 1) na naaangkop sa mga kasanayan para sa ika- 21 siglo. Ito ay ang media and technology skills, learning and innovation skills, communication skills at life and career skills (DepEd, 2012). Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa K to 12 ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior High School. Sasanayin ang kasanayan ng mga mag-aaral para sa ika-21 siglo na maging globally competitive batay sa balangkas ng Philippine Qualifications Framework – ang Basic Education, Technological- Vocational Education at Higher Education (DepEd, 2012). Talahanayan 1. Mga Kasanayan at Kakayahan ayon sa Pangangailangan ng mga Kompanya Skills Educational Level Basic writing, reading, arithmetic Elementary Health and hygiene Elementary Practical knowledge and skills of work Secondary Human relations skills Secondary Work Habits Secondary Will to work Secondary Sense of responsibility Secondary Social responsibility Secondary Ethics and morals Secondary Theoretical knowledge and work skills Secondary Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa na naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anuman ang kasarian para sa isang disente at marangal na pamumuhay. Matutunghayan sa Pigura 1 ang apat na haligi upang makamit ang isang disente at marangal na paggawa na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa bansa. 8 CO_Q2_AP10_Module 2 Pigura 1. Apat na Haligi para sa isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE,2016) Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, Haligi ng malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at Empleyo maayos na bahay-pagawaan para sa mga manggagawa. Haligi ng Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng Karapatan ng mga batas para sa paggawa at matapat na Manggagawa pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa. Haligi ng Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga Panlipunang kasama sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo Kaligtasan para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad. Haligi ng Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng Kasunduang pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa Panlipunan pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit. Pamprosesong mga Tanong: Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. 1. Ano-anong mga suliranin ang kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino? Ano kaya ang dahilan ng mga suliraning ito? 2. Paano kaya makakaangkop ang mga manggagawang Pilipino sa Global Standard na paggawa? Ano-anong kakayahan ang mga dapat mahubog sa kanila? 3. Sa iyong palagay, paano magkakaroon ng disente at marangal na hanapbuhay ang mga Pilipino? Ipaliwanag. Ngayon, mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga isyu sa paggawa. Nakatitiyak ako na magpapatuloy pa ang iyong pag-unlad sa mga susunod na gawain. Ipagpatuloy lamang ang iyong nasimulan. Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t Ibang Sektor Ang mga maggagawa ay potensiyal na kabahagi ng mga pangunahing sektor sa ating ekonomiya. Ipinapakita ng mga datos at mga ulat pang-ekonomiya ang papaliit na bahagdan ng mga agrikultural na kumakatawan sa produktibong sektor habang papalaki ang nasa 9 CO_Q2_AP10_Module 2 sektor ng industriya at serbisyo. Matutunghayan ang senaryong ito sa Talahanayan 2; ang distribusyon ng paggawa sa bawat sektor na nasa kasunod na pahina. A. Sektor ng Agrikultura Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pag-angkat ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubos na naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming insentibo ang naibibigay sa mga dayuhang kompanya na nagpapasok ng parehong produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal pero de-kalidad na saging, mangga at iba pang produkto sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa. Ang pagpasok ng Pilipinas sa nakalipas na administrasyon ukol sa mga usapin at kasunduan sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT), World Trade Organization (WTO), International Monetary Fund – World Bank (IMF-WB), at iba pang pandaigdigang institusyong pinansiyal ay lalong nagpahina sa mga lokal na magsasaka dahil sa pagpasok ng mga lokal na produkto na naibebenta sa lokal na pamilihan ng mas mura kumpara sa mga lokal na produktong agrikultural. Isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka ay ang kakulangan para sa mga patubig, suporta ng pamahalaan tuwing nananalasa ang mga kalamidad sa bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot, at iba pa. Bunsod ng globalisasyon, ginagawang subdibisyon, mall, at iba pang gusaling pangkomersiyo ang dating lupang pansakahan ng Transnational Corporations (TNCs). Ang paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa noong dekada ‘80, nagpatuloy rin ang paglaganap ng iba’t ibang industriya sa bansa. Kasabay nito ang patuloy na pagliit ng mga lupaing agrikultural at pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan. Dahil sa pangyayaring ito, nasira ang biodiversity, nawasak ang mga kagubatan, nabawasan ang mga sakahan, dumagsa ang mga nawalan ng hanapbuhay sa mga pook rural, at nawasak ang mga mabubuting lupa na mainam sa taniman. B. Sektor ng Industriya Lubos ding naapektuhan ng pagpasok ng mga Transnational Corporations (TNCs) at iba pang dayuhang kompanya sa sektor ng industriya bunsod din ng mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansiyal. Katulad ng mga imposisyon ng International Monetary Fund – World Bank (IMF-WB) bilang isa sa mga kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa ay ang pagbubukas ng pamilihan ng bansa, import liberalizations, tax incentives sa mga Transnational Corporations (TNCs), deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo. Isa sa mga halimbawa ng industriya na naapektuhan ng globalisasyon ay ang malayang pagpapasok ng mga kompanya at mamumuhunan sa industriya ng konstruksiyon, telekomunikasyon, inumin, pagmimina, at enerhiya kung saan karamihan sa mga kaugnay na industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa. Bunga nito, ang mga pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili, pagtanggap, at pasahod sa mga manggagawa ay naaayon sa kanilang mga pamantayan at polisiya. 10 CO_Q2_AP10_Module 2 Kaakibat nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng mahabang oras ng pagpasok sa trabaho, mababang pasahod, hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleado, kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa tulad sa mga minahan, konstruksiyon, at planta na lumilikha ng lakas elektrisidad na kung saan may mga manggagawang naaaksidente o nasasawi. C. Sektor ng Serbisyo Ang sektor ng serbisyo ay masasabing may pinakamalaking bahagdan ng manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung taon. Ang paglaki ng bahagdan o bilang ng mga manggagawa sa sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino. Saklaw ng sektor na ito ang pananalapi, komersiyo, panseguro, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo, Business Processing Outsourcing (BPO), at edukasyon. Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na makararating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa. Kasabay nito ang iba’t ibang suliranin dulot ng globalisasyon. Dahil sa patakarang liberalisasyon o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhang kasunduan ay humihina ang kalakal at serbisyong gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigang kalakalan. Ayon sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA) sa taong 2019, mahigit 58.1 bahagdan ng bilang ng mga manggagawa sa bansa ay kabilang sa sektor ng serbisyo kaya’t iminumungkahi ng kagawarang ito ang paglalaan ng pamahalaan ng higit na prayoridad sa pagpapalago ng sektor sa pamamagitan ng patuloy na paghikayat sa mga dayuhang kompanya na mamuhunan ng mga negosyo sa bansa dahil sa pagtataya ng 2016 Asia-Pacific Economic Cooperation Summit, ang mga manggagawang Pilipino sa sektor ng serbisyo ang patuloy na nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Bunga ng isinagawang pagtataya ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) noong 2016 ay kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa “emerging and developing countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng sektor ng serbisyo. Isa sa kinikilalang dahilan nito ay ang mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng mga mamumuhunan, at tax incentives. Samantala, kaakibat nito ang samo’t saring suliranin tulad ng labis na pagtratrabaho, mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga manggagawa sa Business Processing Outsourcing (BPO), dahil na rin sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho. Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterprises (SMEs) sa bansa dahil pinasok na rin ng mga malalaking kompanya ang maliliit o mikro-kompanyang ito sa kompetisyon kung saan sila mas lamang sa lohistika, puhunan, at pinagkukunang-yaman (NEDA report, 2016). Talahanayan 2. Employed Persons by Sector, Subsector, and Hours Worked, Philippines January 2018 and January 2019 (In Percent) January January Sector/Subsector/Hours Worked 2019 2018 EMPLOYED PERSON Number (in thousands) 41,368 41,755 11 CO_Q2_AP10_Module 2 SECTOR Agriculture 22.1 26.0 Agriculture, hunting and forestry 87.0 90.5 Fishing and aquaculture 13.0 9.5 Total 100.0 100.0 Industry 19.7 18.1 Mining and quarrying 2.3 2.9 Manufacturing 44.9 47.0 Electricity, gas, steam, and air conditioning supply 1.2 1.4 Water supply; sewerage, waste management and remediation 1.0 O.6 Activities Construction 50.6 48.2 Total 100.0 100.0 Services 58.1 55.9 Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and 33.6 35.5 Motorcycles Transportation and storage 14.2 14.2 Accommodation and food service activities 7.5 7.4 Information and communication 1.7 1.6 Financial and insurance activities 2.4 2.1 Real estate activities 1.0 0.9 Professional, scientific, and technical activities 1.3 1.0 Administrative and support service activities 6.5 6.8 Public administration and defense; compulsory social security 11.1 10.3 Education 5.3 5.1 Human health and social work activities 2.2 2.1 Arts, entertainment, and recreation 1.6 1.5 Other service activities 11.6 11.6 Activities of extraterritorial organizations and bodies 0.0 0.0 Total 100.0 100.0 HOURS WORKED 100.0 100.0 Less than 40 hours 27.7 35.2 Worked 40 hours and over 71.7 63.6 With a job, not at work 0.6 1.2 Mean hours worked in one week 43.2 40.6 Pinagkunan:https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-survey /title/ Employment%20Situation%20in%20January%202019 Subcontracting Scheme Naging mabilis ang pagdating ng mga dayuhang namumuhunan na mas pinatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhan at lokal na kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito, mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa at hindi na naiwasang mapalaganap ang subcontracting scheme sa paggawa sa bansa na naging malaking hamon sa pagpapaangat ng antas ng pamumuhay ng manggagawa. 12 CO_Q2_AP10_Module 2 Ang subcontracting scheme ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang pangunahing kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. May dalawang umiiral na anyo ng subcontracting: Ang Labor-only Contracting - ang subcontractor ay walang sapat na puhunan para gawin ang trabaho o serbisyo kaya ang pinipiling manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Ngayon napag-aralan mo na ang kalagayan ng mga manggagawa, handang-handa ka nang magbahagi ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain. Pagyamanin Gawain 4. Halina’t tuklasin, trabaho sa atin! 13 CO_Q2_AP10_Module 2 Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba. Ibigay ang trabahong kabilang sa sektor ng Agrikultura, Industriya at Serbisyo na matatagpuan sa inyong lugar. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. Sektor ng Agrikultura Sektor ng Industriya Sektor ng Serbisyo Hal. Pagsasaka Hal. Konstruksiyon Hal. Pagtuturo 1. 1. 1. 2. 2. 2. 3. 3. 3. 4. 4. 4. 5. 5. 5. Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano ang natuklasan mo sa mga trabahong matatagpuan sa iyong komunidad? 2. Sa anong sektor mas maraming manggagawa? Bakit kaya mas maraming manggagawa ang nabibilang sa sektor na ito? Patunayan. 3. Pumili ng isang trabaho. Anong suliranin sa paggawa ang kinakaharap ng mga manggagawa nito? Ano ang maaaring dahilan ng mga suliranin sa paggawa? Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga isyu sa paggawa. Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul na ito upang mas palawigin pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksang ito. Paksa 2: Mga Suliranin sa Paggawa at Epekto Nito Suliranin Epekto 14 CO_Q2_AP10_Module 2 Kontraktuwalisasyon o “Endo” 1.Ang mga manggagawa ay hindi Isa sa mga iskema upang higit na binabayaran ng karampatang sahod at mga pababain ang sahod, tanggalan ng benepisyo tulad ng mga regular na benepisyo, at tanggalan ng seguridad sa manggagawa. trabaho ang mga manggagawa. Atake 2. Naiiwasan ng mga kapitalista ang rin ang kontraktuwalisasyon sa pagbabayad ng separation pay, SSS, karapatang mag-organisa at magtayo PhilHealth, atbp. ng unyon. Ang kontraktuwalisasyon ay 3. Hindi natatamasa ng mga manggagawa isa sa mga patakarang neo-liberal na ang mga benepisyo ayon sa Collective ipinalaganap ng mga imperyalistang Bargaining Agreement (CBA) dahil hindi bansa simula noong huling bahagi ng sila kasama sa bargaining unit. dekadang ‘70 para mawasak ang 4. Hindi maaaring bumuo o sumapi sa kilusang paggawa at makapagkamal ng unyon ang mga manggagawa dahil walang mas malaking tubo sa harap ng katiyakan o pansamantala lamang ang tumitinding krisis ng pandaigdigang kanilang seguridad sa paggawa. kapitalismo. 5. Hindi kinikilala ng contracting company Ipinagkakait sa manggagawa ang ang relasyong “employee-employer” sa katayuang “regular employee” ng mga manggagawang nasa empleo ng isang kompanya o kapitalista. ahensiya. Job-Mismatch Ito ay tumutukoy sa isang kalagayan sa 1. Patuloy na pagtaas ng bilang ng mga paggawa kung saan ang isang walang trabaho o mga unemployed indibidwal ay may trabaho ngunit 2. Patuloy na pagtaas ng mga hindi tugma sa kakayanan o pinag- underemployed. aralan nito. Mura at Flexible Labor 1. Dahil sa mahabang oras ng trabaho ay Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o nagkakasakit ang mga manggagawa. mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa 2. Hindi na ibinibigay ang iba pang pamamagitan ng pagpapatupad ng benepisyo ng manggagawa. mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba’t ibang mga bansa. 15 CO_Q2_AP10_Module 2 Mababang Pasahod 1. Maraming tao ang nakakaranas ng Ito ang mababang pagpapasahod ng kahirapan sa ating bansa. mga kapitalista sa mga manggagawa 2. Maraming mga Pilipino rin ang ngunit gumugugol ng mahabang oras sa pinipiling makipagsapalaran bilang OFW pagtatrabaho. (Overseas Filipino Workers) sa ibang bansa. 3. Ito rin ang itinuturong dahilan kung bakit nagkakaroon ng "brain drain" sa Pilipinas kung saan nauubos ang mga manggagawa ng Pilipinas dahil mas pinipili nilang magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng mas malaki. Pandemiyang COVID-19 Isang malaking pamilya ng mga virus na 1. Matindi ang naging epekto ng COVID- maaaring magdulot ng sakit mula sa 19 sa ating ekonomiya lalong lalo na ang karaniwang sipon hanggang sa mas pagbaba ng Gross Domestic Product malubhang sakit tulad ng Middle East growth at pagtaas ng budget deficit, Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at 2. Patuloy na pagtaas ng tanto ng kawalan Severe Acute Respiratory Syndrome ng empleo sa iba’t ibang panig ng (SARS-CoV). Maraming mga daigdig na nakaapekto nang lubos sa coronavirus ang natural na nakakahawa ekonomiyang pambansa. sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari 3. Dahil sa COVID-19, pansamantalang ring makahawa sa mga tao. Ang sakit na itinigil ang pasukan ng mga paaralan ito ay kumakalat sa hangin sa upang mapangalagaan ang mga mag- pamamagitan ng pag-ubo/pagbahing at aaral sa lumalalang pagdami ng mga malapit na personal na pakikipag-ugnay nahahawa sa sakit na ito. o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o mata. Unemployment Ito ay nangyayari kapag ang mga tao ay walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng trabaho. Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho. Underemployment Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang na walang trabaho kung may hawak silang isang part-time na trabaho sa halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na kwalipikado at may edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho. 16 CO_Q2_AP10_Module 2 Talahanayan 3. Total Population 15 Years Old and Over and Rates of Labor Force Participation, Employment, Unemployment and Underemployment, by Region: July 2019 (In Percent) Total Population Region 15 Years Labor Employ Unem Under Old and Force ment ploy employ Over (in Participa Rate ment ment ‘000) - tion Rate Rate Rate Philippines 71,776 61.3 94.9 5.1 13.4 NCR-National Capital Region 9,680 60.3 93.7 6.3 4.5 CAR-Cordillera Administrative Region 1,205 61.9 97.1 2.9 13.4 I-Ilocos Region 3,476 59.7 94.0 6.0 20.0 II– Cagayan Valley 2,369 63.0 96.9 3.1 18.3 III-Central Luzon 8,278 60.0 94.8 5.2 8.5 IVA-CALABARZON 10,670 63.1 94.6 5.4 10.8 IVB-MIMAROPA 2,012 61.5 95.2 4.8 19.0 Region V (Bicol Region) 3,873 61.4 94.4 5.6 34.6 Region VI (Western Visayas) 5,365 56.7 95.2 4.8 8.7 Region VII (Central Visayas) 5,302 62.3 94.7 5.3 12.6 Region VIII (Eastern Visayas) 3,082 61.4 96.0 4.0 18.6 Region IX (Zamboanga Peninsula) 2,465 55.9 95.4 4.6 11.6 Region X (Northern Mindanao) 3,283 73.8 95.0 5.0 21.7 Region XI (Davao Region) 3,476 58.0 96.9 3.1 7.9 Region XII (SOCCSKSARGEN) 3,126 64.6 95.4 4.6 19.9 Region XIII (Caraga) 1,771 65.3 95.9 4.1 19.2 Bangsamoro Autonomous Region in 2,344 56.4 91.7 8.3 10.5 Muslim Mindanao (BARMM) Pinagkunan:https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-survey /title/ Employment%20Situation%20in%20January%202019 Pinapahiwatig ng ulat ng July 2018 and July 2019 Labor Force Survey, ang underemployment sa bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon o sa mga rehiyon na ang pangunahing hanapbuhay ay agrikultural. Tinataya na maraming nagtatrabaho na underemployed. Sila ang mga manggagawang nangangailangan pa ng karagdagang oras sa pagtatrabaho o dagdag pang hanapbuhay na may mahabang oras na trabaho. Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga ganitong uri ng manggagawa upang maging katanggap-tanggap sila gayundin sa mamamayan, tinatawag ito ngayong homebase entrepreneurship, small business, project contract, business outsourcing, business networking sa mga ahente ng seguro, real estate, buy and sell ng mga sapatos na may tatak, damit, food supplements, organic products, load sa cell phone, at iba’t iba pang produktong surplus at iniluwas mula sa mga kapitalistang bansa. 17 CO_Q2_AP10_Module 2 Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan. Dahil dito, nagbago ang mga kakailanganing kasanayan at salik sa produksiyon. Bagamat iniaangkop ang kasalukuyang kurikulum para sa pangangailangan ng global standard na paggawa, patuloy pa rin ang pagtaas ng antas ng kawalan ng sapat at angkop na trabaho. Malayang naipatutupad ng mga kapitalista o mamumuhunan ang iskemang kontraktuwalisasyon para ibaba ang gastos sa paggawa, alisin ang anumang proteksiyon at ang tuwirang responsibilidad nito sa manggagawa. Laganap ang kalakaran ng mga manggagawang kontraktuwal sa mga tanggapan. Mga Karapatan ng mga Manggagawa (Ayon sa International Labor Organization (ILO) 1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa. 2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa. 3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’. 4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatuwid, mayroong nakatakdang edad at mga kalagayan pang –empleo para sa mga kabataan. 5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong trabaho. Mga Batas na Nangangalaga sa mga Karapatan ng mga Manggagawang Pilipino 1. Batas ng Pangulo Blg. 442 - Batas na nagtatakda ng Kodigo sa Paggawa 2. Commonwealth Act Blg. 444 - Ang unang batas ukol sa walong oras ng paggawa 3. Batas Republika Blg. 1933 - Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggagawa 4. Batas Republika Blg. 679 – Batas na nagtatakda na pagkalooban ng maternity leave 5. Batas Republika Blg. 1052 – Batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa pagkatanggal ng mga manggagawa 6. Batas Republika Blg. 1131 – Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na wala pang 18 taong gulang 7. Batas Republika Blg. 772 – Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho Gawain 5. Larawan-Suri Panuto: Batay sa larawang makikita sa ibaba, sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. 18 CO_Q2_AP10_Module 2 Iginuhit ni: G. Clarence Manarpaac 1. Ano ang mensahe ng larawan? 2. Sa iyong palagay, ano ang mga dahilan ng suliraning ito sa paggawa? 3. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang makatulong sa pagsugpo ang inilalarawang suliranin sa paggawa? 4. Paano ka makatutulong sa pag-angat ng kalidad ng paggawa sa ating bansa? Gawain 6. K-K-P-G Tsart 19 CO_Q2_AP10_Module 2 Panuto: Itala sa hanay KI ang mga kasalukuyang kinakaharap na isyu sa paggawa na iyong natutuhan. Ilagay sa KK kung paano ito nakaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Sa bahagi ng “P” naman ay ilahad ang mga programa ng pamahalaan para solusyonan ang mga isyung ito. Para sa hanay na “G”, magbigay ng mungkahing solusyon sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa. Isulat sa buong papel ang iyong sagot. KI KK P G (Kinakaharap na (Kasalukuyang (Programa) (Gagawin Ko) Isyu) Kalagayan) 1. 1. 1. 1. 2. 2. 2. 2. 3. 3. 3. 3. 4. 4. 4. 4. 5. 5. 5. 5. Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano-ano ang isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan? 2. Paano nakaaapekto ang mga isyung ito sa kalagayan ng mga manggagawa sa kasalukuyan? 3. Sa mga naitalang programa ng pamahalaan sa kasalukuyan, alin sa mga ito ang nananatiling hamong panghinaharap sa mga manggagawang Pilipino? Isaisip Gawain 7: Nalaman Ko Na… Panuto: Ibuod ang natutuhan gamit ang sariling sagutang papel, kompletuhin ang sumusunod na pahayag. 1. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng _______________________________________________ 2. Sa kasalukuyan, upang makasabay ang mga manggagawang Pilipino ay dapat _______ _________________________________________________________________________________________________ 3. Ang iskemang subcontracting ay____________________________________________. Ito ay maaring sa anyo ng ___________________ at ___________________________ 4. Sa aking palagay maiIwasan ang unemployment kung __________________________. 20 CO_Q2_AP10_Module 2 Isagawa Gawain 8. Imbentaryo ng mga Manggagawa Panuto. Kompletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbentaryo ng mga maggagawa sa iyong tahanan o sa iyong pamilya. Sa sagutang papel, punan ang tsart at sagutin ang pamprosesong tanong. Pangalan:_____________________________ Tirahan:____________________________ A. Bilang ng mga Manggagawa sa Pamilya o Tirahan: _____________________________ Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Natapos na Hanap Status: Kurso buhay Regular/Kontraktuwal B. Benepisyong Natatanggap: SSS PhilHealth Iba pang benipisyo ________ C. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho, anong hanapbuhay ang nais mong pasukan? Bakit? Pamprosesong mga Tanong: 1. May manggagawa ba sa inyong pamilya o tirahan na naghahanapbuhay sa malayo o walang kaugnayan sa kanyang tinapos na pag-aaral? 2. Bakit may nagaganap na job-skills mismatch? 21 CO_Q2_AP10_Module 2 Tayahin Kayang-kaya di ba? Pinatunayan mo ang iyong kagalingan sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito. Huling hirit na! Kailangan mo lang sagutin ang huling pagtataya para mapatunayan mong naunawaan nang lubos ang lahat ng paksang tinalakay sa modyul na ito. Gawain 9. Panghuling Pagtataya Panuto: Sagutin ang pangwakas na pagsusulit para matukoy ang lawak ng iyong natutuhan tungkol sa mga paksang tinalakay. Isulat ang tamang sagot sa isang buong papel. 1. Sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang nakapagpabagong lubusan sa buhay ng tao? A. Edukasyon B. Ekonomiya C. Globalisasyon D. Paggawa 2. “Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga manggagawang Pilipino”, ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito? A. Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino. B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa. C. Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga Automated Teller Machine (ATM). D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas. 3. Ang globalisayon ay nagdulot ng maraming suliranin sa paggawa. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang? A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard. B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan. C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila. D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa. 4. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisayon ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa? A. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis na produksiyon sa iba’t ibang krisis. D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan. 5. Bakit nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa paggawa? A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas. 22 CO_Q2_AP10_Module 2 B. Nais ng pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino. C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa. D.Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. 6. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor? A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya. B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad ng malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. 7. Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga usapin at kasunduan sa mga pandaigdigang institusyong pinansyal tulad ng IMF-WB at WTO ay lalong nagpahina sa kita ng mga lokal na magsasaka. Alin sa sumusunod na pahayag ang sumusuporta dito? A. Ang mga produktong agrikultural ay malayang naiaangkat sa ibang bansa. B. Ang mga dayuhang produktong agrikultural ay malayang naibebenta sa mga lokal na pamilihan sa mababang halaga. C. Ang mga lokal na de-kalidad na produkto tulad ng mangga at saging ay itinatanim at nakalaan lamang para sa ibang bansa. D. Ang mga lupaing mainam na taniman ay sumasailalim sa land conversion at pinatatayuan ng iba’t ibang dayuhang industriya. 8. Isa sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa kaugnay ng paglaki ng unemployment at underemployment ay ang paglaki ng job-mismatch? Bakit ito nangyayari? A. Dahil sa kakulangan sa iba’t ibang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino B. Ang mga kursong pinili ng mga mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at kakayahan. C. Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos sa kolehiyo batay sa itinakda ng kompanya. D. Hindi makasabay ang mga nakapagtapos ng kolehiyo sa dapat na kasanayan at kakayahan na kailangan ng kompanya. 9. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang suliranin tulad ng paglitaw ng iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisayon. Paano madaling naipataw ng mga kapitalista 23. CO_Q2_AP10_Module 2 ang patakarang ito? A. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga bansa sa pandaigdigang kalakalan B. Binigay ito na probisyon ng pandaigdigang institusyon pinansyal sa Pilipinas. C. Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan, kalakalan, at batas paggawa. D. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga kapitalista at mga collective bargaining unit. 10. Ayon sa ulat ng International Labor Organization (ILO) noong 1992 at 1997, mas dumarami ang bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontrakwal kaysa sa permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working arrangement ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng sekto ng serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNC’s. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito? A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga manggagawa upang maging regular. B. Ito ay bunsod mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa. C. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong kompanya nag awing kaswal ang mga manggagawang Pilipino. D. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa iskemang subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng mas maraming dayuhang kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa. 11. Alin sa sumusunod ang HINDI naging epekto ng paglaganap ng pandemiyang COVID- 19? A. Paglaganap ng turismo sa bansa. B. Pagbaba ng Gross Domestic Product growth at pagtaas ng budget deficit. C. Patuloy na pagtaas ng tanto ng kawalan ng empleyo sa iba’t ibang panig ng daigdig na nakaapekto nang lubos sa ekonomiyang pambansa. D. Pansamantalang itinigil ang pasukan ng mga paaralan upang mapangalagaan ang mga mag-aaral sa lumalalang pagdami ng mga nahahawa sa sakit na ito. 12. Isa sa mga naidulot ng globalisasyon ay pagtaas ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kasanayan sa paggawa na globally standard. Paano ito tinutugunan ng ating bansa? A. Pagdaragdag ng sampung taon sa basic education ng mga mag-aaral. B. Pagtatayo ng mga paaralan na maglilinang sa mag-aaral upang maging globally competitive. C. Pagdaragdag ng mga asignatura sa sekondarya na may kinalaman sa kalakalan at pagmamanupaktura. D. Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education at lilinangin sa mga mag- aaral ang mga kasanayan na pang ika-21 siglo upang sila ay maging globally competitive. Para sa bilang 13-14, gamitin ang chart na makikita sa ibaba. 24 CO_Q2_AP10_Module 2 Employed Persons by Sector, Subsector, and Hours Worked Philippines in January 2018 and 2019(In Percent) 70 60 50 40 30 20 10 0 Agrikutura Industriya Serbisyo 2018 2019 13. Sa taong 2019, alin sa sumusunod na sektor ang may pinakamaliit na bilang ng naempleyo? A. Agrikultura C. Serbisyo B. Industriya D. Lahat ng nabanggit 14. Sa taong 2018, anong sektor ang may pinakamataas na bilang ng naempleyo? A. Agrikultura C. Serbisyo B. Industriya D. Lahat ng nabanggit 15. Ang sakit o virus na nagmula sa Wuhan, China ay kumakalat maliban ______________. A. sa pamamagitan ng isang metrong distansya sa mga taong may sintomas ng sakit na ito. B. sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng isang taong may sakit na ito na hindi nakasuot ng facemask. C. sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha sa taong may sakit na ito na walang suot na facemask. D. sa pamamagitan ng pagsagap ng mga maliliit na talsik ng laway mula sa pagsasalita ng taong positibo sa sakit na ito. 25 CO_Q2_AP10_Module 2 Karagdagang Gawain Gawain 10. Malikhaing Gawain (Tema: Mungkahi mo, ibahagi mo!) Panuto: Sa mga natutuhan mo sa araling ito, gumawa ng mungkahi upang masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap ng ating mga manggagawang Pilipino. Pumili lamang ng isang gawain sa sumusunod: a. brochure b. poster slogan c. video-clip Rubrik sa Pagmamarka ng brochure, poster slogan, at video clip Nakuhang Pamantayan Deskripsyon Puntos puntos Ang mga inilagay/ginamit ay tumutugma Kawastuhan 5 sa paglalarawan at konsepto ng isyu. Wasto at makatotohanan ang impormasyon. May pinagbabatayang pag- Nilalaman 5 aaral, artikulo o pagsasaliksik ang ginamit na datos. Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng Organisasyon kuwento/impormasyon. Maayos na 5 naipahayag ang konsepto ng isyu. May sariling istilo sa pagsasaayos o pagpapakita ng ginawa. Gumamit ng Pagkamalikhain 5 angkop na paglalarawan upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng produkto. Kabuuan 20 26 CO_Q2_AP10_Module 2 Sanggunian Aklat Antonio, Eleanor D. et. Al. Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2017. Department of Education. Araling Panlipunan 10 Learners Module.2017. Website Employment labor force survey, Last Modified May 25, 2020 https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-survey/title/ Employment%20Situation%20in%20January%202019 Corona virus facts, Last Modified April 3, 2020 https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx Epekto ng Covid 19 sa ekonomiya, Last Modified April 10, 2020 http://www.covid19.gov.ph/dof-epekto-ng-covid-19-sa-ekonomiya-ng-bansa-matindi- na/# 28 CO_Q2_AP10_Module 2 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected] 26 CO_Q2_AP10_Module 2

Use Quizgecko on...
Browser
Browser