Araling Panlipunan 9- Unang Markahan (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is for a 9th-grade Filipino social studies class. It contains questions and activities on the factors of production and their implications on daily life. It seems to be part of a larger study unit or course material.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin SALIK NG PRODUKSYON 5 Most Essential Learning Competencies: 1.Naibibigay ang kahu...
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin SALIK NG PRODUKSYON 5 Most Essential Learning Competencies: 1.Naibibigay ang kahulugan ng produksyon (AP9MKE-Ii19) 2.Nasusuri ang mga salik ng produksyon at implikasyon nito sa pang araw-araw na pamumuhay (AP9MKE-Ii-19) Sa araling ito, uunawain mo ang mga pamamaraan ng produksyon at kung papaano ito nakakapekto sa pang araw -araw ng pamumuhay ng isang tao sa kanyang pamayanan at lipunan. Sa pang-unawa mo, ikaw ay inaasahang masasagot ang mga naihandang katanungan sa paglinang ng ating aralin at malalaman mo ang mahahalagang gampanin ng mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa ating pang araw - araw na pamumuhay. Batid kong ninanais mo nang magsimula sa paggawa ng mga inaasahang gawain sa pamamagitan ng pagbabasa pero bago mo isagawa ito, ikaw ay aking inaanyayahang sagutin muna ang unang gawain. Inaasahan ko ang inyong kagalakan sa pagsagot sa mga Gawain sa modyul na ito. Paunang Pagsusulit Panuto. Isulat ang tamang sagot sa guhit bago ang bilang. ______1. Ito ay salik ng produksyon sa anyong kalakal na nakakalikha ng isa pang produkto. a. Entrepreneurship b. Kapital c.Lupa d. Paggawa 1 AP9-Qrt1-WeeK5 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN ______2. Isang salik ng produksyon na tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. a. Entrepreneurship b. Kapital c. Lupa d. Paggawa ______3. Sino sa mga sumusunod ang nagsabi sa kanyang aklat na hndi lamang paggawa, lupa nakabatay ang pagsulong ng ekonomiya bagkus kasama ang kapital. a. Adam Smith b. Edward F. Denison c. Francois Quesnay d. Karl Marx _______4. Siya ang tinutukoy na kapitan ng isang negosyo a. Entrepreneur b. Broker c. konsyumer d. Middlemen _______5. Isang uri ng paggawa na gumagamit ng kasanayang pisikal. a. Blue Collar job b. Undermployed c. White Collar job d. Unemployed Panuto. Kilalanin ang mga sumusunod na salita, isulat ang titik L kung ito ay bahagi ng salik ng lupa, K kung ito ay bahagi ng Kapital, P para sa paggawa at E sa Entrepreneurship. _______1. Skilled na manggagawa _______4. Salapi _______2. Imprastraktura _______5. Sakahan _______3. Blue Collar job Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik- aral sa nakaraang aralin. Panuto.Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang. _______1. Sistemang pang-ekonomiya na ang pagdedesisyon ay nasa pamahalaan at pribadong sektor a. Command Economy b. Market Economy c. Mixed Economy d. Tradisyunal na Ekonomiya _______ 2. Sistemang pang - ekonomiya na pinapatupad ang malayang pagtatakda ng presyo a. Command Economy b. Market Econom c. Mixed Economy d. Tradisyunal na Ekonomiya 2 AP9-Qrt1-WeeK5 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN ________3. Sistemang pang-ekonomiya na kung saan ang mga gawain ay nakabatay sa kultura. a. Command Economy b. Market Economy c. Mixed Economy d. Tradisyunal na Ekonomiya ________4. Sistemang pang - ekonomiya na kung saan nasa kamay ng isang mahigpit na tagapangasiwa ang paglikha ng mga produkto. a. Command Economy b. Market Economy c. Mixed Economy d. Tradisyunal na Ekonomiya ________5. Sistemang pang ekonomiya na kung ang mga Gawain pang ekonomiya ay apektado dahil sa mga paniniwala na nakaugat pa sa mga ninuno. a. Command Economy b. Market Economy c. Mixed Economy d. Tradisyunal na Ekonomiya Sa araling ito, pag-aaralan mo ang mga salik na nakakaapekto sa produksyon ng isang kalakal, gayundin ang implikasyon nito sa ating pamumuhay. Ngayon simulan na natin ang paghihimay-himay ng paksa. A. Salik ng Produksyon 1.Paggawa Ito ay tumutukoy sa paglikha ng produkto at serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. Klasipikasyon ng paggawa at depinisyon nito: a. Paggawang pisikal na gumamait ng lakas o enerhiya ng katawan na tinaguriang Blue Collar job. Ito ay nahahati sa tatlong uri: ang May Kasanayan, may Kaunting Kasanayan at Walang Kasanayan. b. Paggawang Mental na mas mataas ang antas na paggamit kaisipan kaysa sa lakas ng katawan, ito ay mas kilala sa taguri na White Collar job. 2. Lupa Ito ay mga bagay na nanggagaling sa kapaligiran na ginagamit sa paggawa ng produkto. Hindi lamang tungkol sa tinatanim ng mga magsasaka o 3 AP9-Qrt1-WeeK5 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN pinagtatayuan ng bahay kalakal kundi lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito. Kasama nito ay yamang tubig, yamang mineral, at yamang gubat. 3.Kapital Ito ay tinatawag din na puhunan. Ito ay ginagamit upang makalikha ng mga produkto at makapaglikha ng panibagong produkto. Ang kahalagahan ng puhunan ay tinalakay ni Edward F Denison, at ayon sa kanya ay sa pagsulong ng ekonomiya ay hindi lang lupa at paggawa ang susi sa pagsulong ng ating ekonomiya bagkus kasama dito ang mahalagang papel ng puhunan. 4.Entrepreneurship Ito ay salik ng produksyon na tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na magdesisyon na magsimula ng isang negosyo. Ang Entreprenyur ay tagapag- ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Bukod sa tagapag-ugnay, sila rin ay nag-oorganisa, nagkokontrol, at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na maaaring makaapekto sa produksyon. Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may bahaging hindi lubos na naunawaan ay huwag mag-atubiling magtanong sa iyong guro gamit ang iyong messenger o email account. Gayunpaman, kung wala ka ng katanungan ay maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa kasunod na bahagi. Implikasyon ng Salik ng Produksyon sa Pamumuhay ng Tao Nang dahil sa Lupa ay nakapagtanim ang mga tao ng ibat ibang punong kahoy o mga halaman na siyang tumugon sa mga pangangailangan ng bawat isa upang mabuhay. Nagsisilbi din itong tayuan ng mga negosyo ng bawat entrepreneur. Kasunod, ang Paggawa ay nabubuo ang mga kalakal at serbisyo na siyang hinahangad ng bawat isa. Gayundin, ang Kapital ay napagpatuloy ng pag proseso ng mga gawain dahil ginamit itong puhunan at salaping pangtustos sa nasimulang negosyo. Panghuli, dahil sa Entrepreneurship ay naitayo at nalikha ang ibat ibang gawaing pang negosyo. At sa tulong ng mga Entrepreneur ay naiugnay ang mga salik na ito at naisaayos ang mga ugnayan na namamagitan sa apat na salik ng produkson. 4 AP9-Qrt1-WeeK5 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Panuto: Sa kasalukuyang, marami ang naging negatibong epekto ng COVID ’19 sa ang mga salik ng Produksyon. Ipaliwanag ang naging implikasyon nito sa salik ng produksyon at sa pang –araw –araw na pamumuhay ng mga taong nakapaloob dito at anong programa ng pamahalaan ang tumutulong sa bawat salik. Ikaw bilang kabahagi ng lipunan paano mo tutulungan ang iyong mga magulang upang mabawasan ang kanilang pasanin dulot ng Pandemiya. Punan ang tabulasyon Salik ng Negatibong Epekto sa Programa ng Sariling Produksyon epekto/ aking pang- pamahalaan kaparaanan Implikasyon araw-araw na o ambag na na tuutulong pagtulong. pamumuhay 1. Lupa 2. Paggawa 3. Kapital 4. Entreprenyur Ang pagsulong ng ating bansa ay ating maiuugnay sa maaayos na pulisiya na binuo at itinakda ng ating pambansang pamahalaan na siyang ipinatutupad sa ibat ibang lebel hanggang sa ito ay makaabot sa mga nakararaming mamamayan. Ang maayos na pulisiyang tinakda ng kongreso na pinagtibay ng ehekutibo ang masisilbing gabay upang maisaayos ang mga programa na makatutulong sa pag-papabuti ng mga salik ng produksyon kagaya ng pulisiya sa paggamit ng ating mga lupain, pulisiya sa pagpapaptupad ng mga programa sa paggawa, pulisiya sa pagtatayo ng mga negosyo para sa maayos at pulisiya ukol sa pagkalap ng puhunan at kapital Panuto: Buuin ang pangunahing ideya ng talata. Sa kasalukuyang, nararanasan nating pandemiya, nais kong kumuha ng kursong_____________na batay sa aking natutuhan ay makakatulong sa pamamgitan ng___________________. Simula ngayon sisikapin kong__________upang makapag –ambag sa pag-unlad ng bawat salik ng produksyon. 5 AP9-Qrt1-WeeK5 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Panuto : Isulat ang tamang titik ng tamang sagot.Isulat ito sa sagutang papel.. 1. Ang siyang tagapag-ugnay ng mga salik ng produksyon. a. Entreprenyur b. Puhunan c.Paggawa d.Kapital 2. Ang bahagi ng pamahalaan na may kakayahang gumawa ng polisiya sa pagsasaayos ng salik ng produksyon a. Ehekutibo b. Lehislatura/Kongreso c. Hudikatura d. Ombudsman 3. Ang salik ng produksyo na nakatuon sa pagtatayo ng negosyo upang matugunan ang panganagailangan ng bawat tao. a. Entreprenyur b. Puhunan c. Paggawa d. Kapital ________4. Ang mahalagang salik ng produksyon na naktuon sa mga lugar na kinatitirikan ng isang negosyo. a. Entreprenyur b. Puhunan c. Paggawa d. Kapital ________5. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng lupa bilang salik ng produksyon. a. Ito ay magsislbing proteksyon sa mga kalakal b. Ito ay pook tirahan ng mga tao c. Ito ay pook tagpuan ng mga entrepreynur d.Ito ay pook na kinatitirikang ng mga negosyong naitayo A. Batay sa mga napag-aralan, ano- ano ang iyong mga mungkahi o suhestyon sa pagpapabuti ng kalagayan ng salik ng produksyon ngayon tayo ay nakararanas ng kahirapan dahil sa epekto ng COVID-19. Maaari kang gumawa ng Infographic at i-post iyong FB o iguhit ito sa iyong portfolio. 1.LUPA 2.PAGGAWA 3.KAPITAL 4.ENTREPRENYURS B. Paano nakaapekto sa aspeto ng buhay mo ang nararanasan natin ngayon sa panahon ng pandemiya dulot ng COVID’19 batay sa mga sumusunod: Ilagay ang iyong sagot sa iyong portfolio. 1. Pag-uugali 2. Paraan ng komunikasyon 3. Pagdedesisyon/pag-iisip 4. Pagkakaruon ng responsibilidad bilang mamamayan 5. Prioridad sa buhay at pakikitungo sa iyong pamilya at kasambahay. 6 AP9-Qrt1-WeeK5 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL Pangalan: _______________________________________________ Pangkat__________Guro: ____________________________________ 6. Aralin SALIK NG PRODUKSYON 5 I. PAUNANG PAGSUSULIT 1 2. 3. 4. 5. II. BALIK-TANAW 1. 2. 3. 4. 5. III. GAWAIN A. Ilagay sa iyong portfolio Salik ng Negatibong Epekto sa Programa ng Sariling Produksyon epekto/ aking pang- pamahalaan kaparaanan Implikasyon araw-araw na o ambag na na tuutulong pagtulong. pamumuhay 1. Lupa 2. Paggawa 3. Kapital 4. Entreprenyur IV. PAG-ALAM SA NATUTUHAN Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. V. PANGHULING PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. VI. PAGNINILAY Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. 7 AP9-Qrt1-WeeK5