Aralin 1: Mga Contemporaryong Isyu PDF
Document Details
Tags
Summary
This document covers different contemporary issues, including environmental, economic, political, and social issues, along with a section on how to analyze these issues. The content provides an introduction to contemporary issues, focusing on their various aspects and practical analytical approaches. The document is potentially intended to be used for teaching or learning in a secondary school setting, possibly within the context of Filipino education.
Full Transcript
ARALIN 1 : MGA KONTEMPORARYONG ISYU KONSEPTO NG KONTEMPORARYONG ISYU KAHULUGAN - Pangkasalukuyang usaping nakakaapekto sa mga tao o lugar, at nananatiling hinahanapan ng lunas o solusyon. - Tumutukoy ito sa anumang pangyayar...
ARALIN 1 : MGA KONTEMPORARYONG ISYU KONSEPTO NG KONTEMPORARYONG ISYU KAHULUGAN - Pangkasalukuyang usaping nakakaapekto sa mga tao o lugar, at nananatiling hinahanapan ng lunas o solusyon. - Tumutukoy ito sa anumang pangyayari, tema, ideya, opinyon, o suliraning may kaugnayan sa alinmang larangan o aspekto ng lipunan sa kasalukuyang panahon. - Lahat ng nangyayari sa kasalukuyan na nakakaapekto sa ating pamumuhay. IBA’T IBANG URI O SAKLAW 1. Isyung Pangkapaligiran - Pakikipag ugnayan ng tao sa kapaligiran > Climate change > Deforestation > Polusyon > Global Warming 2. Isyung Pang-ekonomiya - Hanapbuhay at kalagayan, kaunlaran at kaginhawaang ekonomiko. - Limitadong pinagkukunan upang matupad ang walang limitasyong kagustuhan ng tao. > Inflation > Poverty / Kahirapan > Unemployment > Globalisasyon 3. Isyung Pampolitika - Distribusyon ng kapangyarihan at sistema ng pamamahala - Tumutukoy sa mga paksang may kinalaman sa mga teorya o sa mismong pamamalakad sa Gobyerno. > Nepotismo > Corruption / Korapsyon > Political Dynasty / Dinastiyang Politikal 4. Isyung Pangkapayapaan - Usaping nagdudulot ng takot at pangamba sa mga mamamayan > Terorismo > Karahasan > Rebeldeng Grupo 5. Isyu sa Karapatang Pantao - Isyu ng paglabag gayundin ang pangangalaga sa karapatan ng tao > Karapatan ng minorya > Pang-aabuso > Diskriminasyon 6. Isyung Pangkasarian - Isyung kinakaharap ng iba’t ibang kasarian > Sekswalidad > Kasarian 7. Isyung Pang-edukasyon - Kalidad at katuturan ng edukasyon > Suweldo ng mga guro > Kakulangan sa guro > K-12 kurikulum > Mataas na bilang ng dropped-outs 8. Isyung Pansibiko - Kinalaman sa aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa pamahalaan at lipunan. > Mga lokal at internasyonal na organisasyon > Gawaing Panlipunan MGA PROSESO SA PAG-AARAL 1. Pagtukoy kung totoo nga ba na nagaganap o nangyayari ang isang isyu [Paano nga ba malalaman?] SANGGUNIAN > Primaryang sanggunian - Main witness > Sekondaryang sanggunian - Ang impormasyong nanggaling sa iba o nalaman lang dahil sa taong nakasaksi ng pangyayari. - “Napagkwentuhan” ni main witness 2. Pagsasagawa ng kaukulang pagsasaliksik upang malaman ang saklaw ng isyung pinag-uusapam at kung paano ito naganap o nagaganap. 3. Pagsusuri sa mga konsepto o kaalamang kaugnay ng isyung pinag-uusapan. 4. Pagbubuo ng sariling pananaw ukol sa isyu na naaayon sa katotohanan. KATANGIAN 1. Nangyayari sa kasalukuyan o katulad na panahon. 2. Mahalaga at Makabuluhan sa lipunang ginagalawan. 3. May malinaw na epekto o impluwensya sa lipunan. KASANAYAN 1. Pagtataya ng Katotohanan at Opinyon 2. Pagsusuri ng Pagkilig [Bias] 3. Paghihinuha [Inference] (Matalinong hula) 4. Paglalahat [Generalization] 5. Konklusyon KAHALAGAHAN NG PAGIGING MULAT SA KONTEMPORARYONG ISYU 1. Yumayabong ang kaalaman at katalinuhan bilang magaaral 2. Mas nagiging mapagmatyag, matalino, at produktibong mamamayan. 3. Nagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa. 4. Nakaaambag sa paglutas ng mga suliranin 5. Nakatutulong sa pagkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa sariling pamayanan, bansa, o daigdig. 6. Nahuhubog ang pagkatao bilang responsableng mamamayan. ARALIN 2 : ANG TAO SA GITNA NG MGA KALAMIDAD AT PANDEMYA MGA URI NG KALAMIDAD NA NARARANASAN SA PILIPINAS 1. BAGYO - Malakas na hanging kumikilos ng paikot at madalas ay may kasama pang malakas at matagal na pag-ulan. > Tinatawag na TYPHOON o BAGYO kapag nabuo sa North West Pacific Ocean > Tinatawag na CYCLONE kapag sa South Pacific, Indian Ocean nabuo > Tinatawag naman na HURRICANE kapag sa North Atlantic Ocean nabuo Maaaring magdulot ng: - Tsunami - Storm Surge - Tornado / Buhaw 2 Penomenang nakakaapekto sa pagbuo ng mga bagyo 1. El Niño - Sobrang pagtaas ng temperatura - Tagtuyot 2. La Niña - Sobrang pagbaba ng temperature - Nagdudulot ng malakas na tag-ulan KLASIPIKASYON NG BAGYO > Tropical Depression [TD] (61 km/h) > Tropical Storm [TS] (62 - 88 km/h) > Severe Tropical Storm [STS] (89 - 117 km/h) > Typhoon [TY] (118 - 220 km/h) > Super Typhoon [STY] (221 and above km/h) PAGASA - Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration PSWS - Public Storm Warning Signals PSWS #1 Impacts : No damage to very light damage PSWS #2 Impacts : Light to moderate damage PSWS #3 Impacts : Moderate to heavy damage PSWS #4 Impacts : Heavy to very heavy damage PSWS #5 Impacts : Very heavy to widespread damage 2. FLASH FLOOD - Biglang pagbaha na nararanasan dulot ng malakas na bagyo, biglaan at matinding pagbuhos ng ulan. RAINFALL ADVISORY > Yellow warning - Monitor - Malakas ang pag-ulan > Orang warning - Alerto - Matindi ang pag-ulan > Red warning - Lumikas - Walang humpay ang pag-ulan NDRRMC - National Disaster Risk Reduction and Management Council 3. STORM SURGE - Ang abnormal na pagtaas ng tubig-dagat ng may kaugnayan sa low pressure weather system gaya ng bagyo - Ito ay dala ng malalakas na hangin na tumutulak sa tubig-dagat patungong dalampasigan. 4. TSUNAMI - Serye ng malalaking alon na dala ng pagyanig o paglindol, pagguho ng kalupaan at pagsabog ng bulkan sa ilalim ng karagatan, o pagbagsak ng isang kometa mula sa kalawakan. 5. LANDSLIDE - Pagguho ng lupa na maaaring maganap kapag may malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan sa matataas na lugar, pagputok ng bulkan, o paglindol 6. PAGTAMA NG BUHAWI O TORNADO - Isang mapanira, mapanganib, at umiikot na haligi ng hangin na dumarapo o sumasayad sa kalupaan na karaniwang nabubuo kasama ng thunderstorm o pag-ulan na may kasamang malalakas na kulog at kidlat. 7. PAGSABOG NG BULKAN - Ang pag-alburoto at pagputok ng bulkan dahil sa init ng magma na naiipon mula sa ilalim nito. 8. LINDOL - Sanhi ng paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa DENR - Department of Environment and Natural Resources Magnitude - Lakas ng lindol galing sa sentro Intensity - Ang nararamdaman mo mula sa lindol 9. MATINDING INIT O HEAT WAVE - Isang hindi pagkaraniwang init ng panahon na tumatagal sa dalawa o higit pang araw. Ayon sa mga eksperto, ang matinding init na tumatagal nang mahigit dalawang araw ay mapanganib sa kalusugan ng tao. MGA PAGHAHANDA BAGO, HABANG, AT PAGKATAPOS NG KALAMIDAD BAGO Emergency kit - Naglalaman ito ng mahahalagang bagay na kakailanganin sa oras ng kagipitan 1. Pagkain na madaling kainin at matagal masira / De lata - Piliin ang mga bagay na maliit o compact, magaan, hindi nasisira, at hindi kailangan ilagay sa refrigerator. - Ilan sa mga mungkahi ay ang ready-to-eat na de lata, prutas, gulay, juice na nasa lata, pampalasa tulad ng: asin, asukal, paminta, at iba pa, high energy food, bitamina, pagkain ng sanggol, at iba pang pagkaing kailangan. 2. Malinis na tubig - Magtabi ng isang galon ng tubig para sa bawat tao sa inyong tahanan; dalawang litrong tubig pang-inom at karagdagang dalawang litro para sa sanistasyon. 3. Kompletong first aid kit - Sa bawat tahanan o sasakyan kailangan may nakahandang first aid kit. - Ang first aid kit ay ang mga gamot o pangunang lunas na ginagmit kapag may nasusugatan o kung may nararamdaman na kinakailangan agad ng atensiyon gaya ng lagnat, pagtatae, pagsusuka, at pagkahilo. 4. Tools and emergency supplies - Kasama rito ang mga damit na pang-emergency, blanket, jacket, sombrero, o maging sleeping bag. - Magdala rin ng cash at maging barya sa bulsa. - Magdala rin ng mga gamit pangkusina tulad ng can opener, utility knife, disposable cups, plates, at utensils. - Huwag kalimutan ang toilet paper, towelettes, sabon, feminine products, at iba pang personal hygiene items. - Magdala rin ng battery-operated radio at siguruhing may ekstrang baterya para sa mga ito. 5. Special items for medical conditions - Para sa mga sanggol kailangan nila ng formula milk, diapers, feeding bottles, at gamot. - Para sa matatanda naman na may karamdaman o may maintenance, huwag kalimutan ang kailangang gamot, denture products, contact lenses, at extra eyeglasses. HABANG > Siguraduhing handa sa anumang gagawing paglikas > Manatiling nakasubaybay sa mga anunsiyo tungkol sa lagay ng kalamidad. > Makipag-ugnayan sa kinauukulan o lokal na pinuno kung kinakailangan. > Manatilihing kalmado at alerto habang nangyayari ang kalamidad. > Huwag mataranta para hindi masaktan o malagay sa panganib. PAGKATAPOS > Suriin at tiyakin ang estado ng paligid bago magdesisyon na bumalik sa sariling tahanan (in case na lumisan) > Siguraduhing maayos ang kalagayan ng bawat isa. > Tiyakin ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya. > Subaybayan ang pinakahuling anunsiyo tungkol sa lagay ng panahon. > Mag-hintahy ng abiso o payo kung maaari nang bumalik sa sariling komunidad. MGA SANHI, EPEKTO, AT PAGTUGON SA MGA BANTA NG KALAMIDAD AT PANDEMYA SANHI EPEKTO PAGTUGON MGA AHENSIYANG KAAKIBAT NG TAO SA ORAS NG KALIMAD AT PANDEMYA NDRRMC [National Disaster Risk Reduction and Management Council] - Sangay o ahensya ng pamahalaan na responsable sa pagpaplano, koordinasyon, at pagpapatupad ng mga hakbang para makaiwas at makatulong sa anumang masamang epekto ng kalamidad. DND (Department of National Defense) - Nangunguna sila sa pagsasagawa ng agarang operasyon o relief operations sa mga lugar na apektado ng sakuna o kalamidad. - Nangangalaga ng kapayapaan at kaayusan ng bansa. DILG (Department of the Interior and Local Government) - Namumuno sa mga lokal na pamahalaan sa ating bansa. - Nangunguna ito sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga biktima ng kalamidad o apektado ng pandemya. PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) - Nagbibigay ng anunsiyo ukol sa nabubuong sama ng panahon at kung kailan ito papasok sa PAR (Philippine Area of Responsibility). - Ito rin ang nagbibigay ng mga babala ukol sa maaaring panganib na dala ng malalakas na ulan, hangin, at storm surge. PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) - Ahensiyang nagsasagawa ng pagsusuri ukol sa lindol at fault lines na maaaring daanan ng malalakas na pagyanig. - Nagbibigay babala sa pagputok ng bulkan. DEPED (Department of Education) - Naghahatid ito ng mga kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa mga kalamidad at pandemya - Namamahala sa batayang edukasyon sa ating bansa. DENR (Department of Environment and Natural Resources) - Pinamamahalaan nito ang pangangalaga o pangangasiwa sa kalikasan - Nangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman ng bansa DOTr (Department of Transportation) - Pangunahing responsibilidad nito ang pagpapanumbalik o pagsasaayos ng sistema ng transportasyon na apektado ng kalamidad. - Tumitiyak sa kaayusan at kaligtasan ng mga pangunahing terminal ng paliparan at daungan sa bansa habang at matapos ang sakuna. ARALIN 3 : PAGBABAGO NG KLIMA MGA SANHI, EPEKTO, AT PAGTUGON SA CLIMATE CHANGE CLIMATE CHANGE [Pagbabago ng Klima] - Ang pagbabago ng klima bunga ng mga natural na dahilan at mga aktibidad ng mga tao na nakapag dudulot ng pagbabago sa komposisyon ng kalawakan. SANHI 2 DAHILAN NG CLIMATE CHANGE 1. Natural na dahilan >Natural na init - Mula sa araw at ilalim ng lupa 2. Mga aktibidad na ginagawa ng mga tao > Global warming - Labis na greenhouse gases MGA GREENHOUSE GASES: > Carbon dioxide > Nitrousoxide > Methane > CFCs (chlorofluorocarbons) [Ang REBOLUSYONG INDUSTRIYAL noong 1930 ang nagpasimula ng mataas na paggamit ng karbon na nagpataas din ng temperature sa atmospera.] REALISASYON: Mga tao ang nagpapalala ng climate change. Tayo tayo rin ang sanhi. EPEKTO PAANO NGA BA TAYO NAAAPEKTUHAN NG CLIMATE CHANGE? 1. Mas mainit na pangkalahatang temperatura ng daigdig. 2. Mas malalakas na bagyo 3. Pagtaas ng tubig dagat 4. Pagdami at pagkalat ng nakakahawang sakit 5. Pagkasira ng agrikultura 6. Pagbabago ng ecosystem ASPEKTONG PANLIPUNAN - Nakakaapekto sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan. - Panlipunang dislokasyon - Kawalan ng abilidad na malampasan ang negatibong epekto nito. ASPEKTONG PANG-EKONOMIYA - Pagkasira ng mga imprastraktura at tirahan - Pagtaas ng konsumo ng enerhiya - Pagtaas ng presyo ng mga bilihin ASPEKTONG POLITIKAL - Panghihikayat ng mga suporta para sa climate change - Pagtaas ng gastusin ng pamahalaan - Pagbuo ng mga polisyo tungkol sa isyu sa climate change PAGTUGON O SOLUSYON Mga SOLUSYON sa climate change 1. Sumuporta at sumali sa mga usapin ukol sa climate change. 2. Maging responsableng mamamayan - Panatilihing malinis ang kapaligiran - Iwasang magsunog ng basura - Matutong mag recycle - Iwasan gumamit ng plastik 3. Magtipid sa paggamit ng enerhiya 4. Magtanim ng mga puno at halaman Mga PAGTUGON sa climate change PANDAIGDIGANG POLISYA MGA ORGANISASYONG NAG-AARAL UPANG MATUGUNAN ANG CLIMATE CHANGE UNITED NATIONS > WMP [World Meteorologist Organization] > UNEP [United Nations Environmental Programs] IPCC (Intergovernmental Panel on Climate Change) - Ang itinalagang pandaigdigang insitusyon na nag-aaral sa pagbabago ng klima ng mundo at tagapaghatid ng mga siyentipikong kaalaman at teknikal na payo sa nagkakaisang mga bansa (United Nations) Ang tatlong ito [EARTH SUMMIT] ay naganap o nangyari sa Rio de Janeiro, Brazil. UNCBD UNCCD UNFCCC (United Nation Framework Convention on Climate Change) - Pandaigdigang pagkilos hinggil sa climate change batay sa datos na kinalap ng IPCC - Hinakda nila na magkaron ng COP (Conference of the Parties) - Nagsimula ang pinaka unang COP noong 1995 sa Germany. COP #3 — Kyoto Protocol, 1997 — Pinagusapan ng mauunlad na mga bansa sa daigdig na nagpapahayag ng kanilang pagsang-ayon na bawasan ang paggamit ng mga kemikal na nakasisira sa ozone layer bilang pagtugon sa mga epekto ng climate change. Mga Industriyalisadong bansa na responsable sa halos kalahati ng bahagdan ng co2 emission [G8 Group of 8)] > United States of America - 24% > United Kingdom - 2% > Russia - 8% > Canada - 2% > Japan - 5% > Italy - 2% > Germany - 4% > France - 1% PAMBANSANG POLISYA Mga BATAS ukol sa Climate Change > Republic act 9729 (Climate change act of 2009) - Naglalaman ng mga programa ng pamahalaan para mapigilan ang masamang epekto ng climate change at panatilihing ligtas ang mga mamamayan. > Republic act 9367 (Biofuels act of 2006) - Patakaran ukol sa pagbabawas ng pagdepende ng bansa sa inaangkat na langis o paggamit ng nakalalasong kemikal at pagbuga ng greenhouse gases. > Republic act 8749 (Clean air act of 1999) - Patakaran ukol sa pagkakaroon na malinis na hanging malalanghap ng mga mamamayan. > Republic act of 9003 (Philippine ecological solid waste management act of 2000) - Legal na balangkas para sa sistematiko, komprehensibo, at ekolohikal na programa para matiyak na ang mga basura natin ay hindi makasasama sa kalusugang pampubliko at mapangalagaan ang kapaligiran. REALISASYON: Bagama’t marami nang mga polisya at batas tungkol sa climate change, nakasalalay pa rin sa ating mga mamamayan ang katuparan ng mga ito. MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Polusyon > Pagiging marumi ng kapaligiran - Pagkaubos ng likas na yaman - Pagkawala ng biodiversity > Extinction - Pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit MGA AKTIBIDAD NG TAO NA NAGPAPALALA SA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Paggamit ng kemikal - Malawakang paggamit ng teknolohiya - Maling paraan ng pagtatapon ng mga basura - Patuloy na pagpuputol ng mga puno (Deforestation) - Ilegal at labis-labis na pagmimina, quarrying, at paggamit ng lupa - Maling paraan ng pagsasaka, pangingisda, at panghahayupan MGA PRINSIPYONG PANGKALIKASAN PEMSEA - Partnership in Environmental Management for the Seas of East Asia - Isang intergovernmental organization sa Silangang asya. - Naglalayong panatilihin ang masagana at malinis na karagatan, baybayin, at komunidad sa buong rehiyon. 1. Ang Kalikasan ang mas nakakaalam. (Nature knows best0 - Ang natural na takbo o siklo ng kalikasan ay mahalagang mapanatili at maprotektahan. 2. Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay. (Everything is connected to everything else) - Bawat uri ng organismo ay mahalaga para sa balanseng pag-ikot ng ekolohiya. 3. Ang lahat ng bagay ay may patutunguhan (Everything must go somewhere) - Lahat ng kemikal o lason na pinakakawalan sa kapaligiran ay may tiyak na patutunguhan. 4. Ang kalikasan ay may hangganan. (Ours is a finite earth) - Ang ating mundo ay nagtataglay ng mga yaman na hindi maaaring palitan at maaaring maubos sa darating na panahon. 5. Ang kalikasan ay maganda at tayo ay tagapangasiwa ng lahat na nililikha ng Diyos. (Nature is beautiful and we are stewards of nature) - Walang ibang nilalang ang pinagkalooban ng karapatang pakinabangan ang mga likas na yaman ng mundo kundi ang tao. 6. Ang lahat ay nagbabago (Everything changes) - Bagama’t lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago 7. Lahat ng nilalang ay mahalaga (All forms of life are important) - Lahat ng nilikha, maliit man o malaki, ay mahala at may kaniya-kaniyang gampaning isinasakatuparan.