Araling Panlipunan 10, QTR 1, Module 4 PDF

Summary

This is a module on Araling Panlipunan (social science topics) for Grade 10 Filipino students, prepared by the Department of Education (DepEd) in 2020. It covers the first quarter, with a focus on the importance of preparedness, discipline, and cooperation to face environmental challenges.

Full Transcript

10 10 Araling Panlipunan Unang Markahan- Modyul 4: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga Hamong 20 21 FT Pangkapaligiran 20 07 RA D Alternative Delivery Mode Unang Markahan- Module 4: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina...

10 10 Araling Panlipunan Unang Markahan- Modyul 4: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga Hamong 20 21 FT Pangkapaligiran 20 07 RA D Alternative Delivery Mode Unang Markahan- Module 4: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad". Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may- akda ng mga ito. 20 Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa 21 FT anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon 20 Kalihim: Leonor Magtolis Briones 07 RA Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul D Manunulat: Angie Lyn R. Rarang Editor: Francisco P. Casipit Jr. Rey B. Pascua Jose Gerardo R. Garcia Maricel N. Guerrero Elisa R. Ranoy Melchor E. Orpilla Cynthia B. Tablang Tagasuri: Editha T. Giron Orlando I. Guerrero Gina A. Amoyen Edgar L. Pescador Ronald P. Alejo Eric O. Cariño I Evangeline A. Cabacungan Rowena R. Abad Tagaguhit: Richard B. Isidro Tagalapat: Jestoni H. Amores Mary Ann L. Cabilan Aldrin R. Gomez Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Arlene A. Niro Wilfredo E. Sindayen Gina A. Amoyen Ronald B. Radoc Editha T. Giron Orlando I. Guerrero Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education -Region I Office Address: Flores St., Catbangen, San Fernando City, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: [email protected] 10 Araling Panlipunan Unang Markahan- Modyul 4: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa 20 21 FT Pagtugon sa mga Hamong 20 Pangkapaligiran 07 RA D Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 4 para sa araling Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang- ekonomiyang hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan- 21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. 20 21 FT Bilang karagdagan sa material ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: 20 07 RA D Mga Tala para sa Guro Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mga-aaral Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag- unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 4 ukol sa Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang- akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangngailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madukutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan 20 Sa bahaging ito, malalaman mo ang dapat 21 FT Alamin mong matutuhan sa modyul 20 Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na 07 RA ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. D Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang Tuklasin kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain at isang sitwasyon Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan Suriin kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang- Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. iii Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng 20 Susi sa 21 FT Pagwawasto mga gawain sa modyul. 20 Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: 07 RA Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. D Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag- aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay ng mga kompetensi. Kaya mo ito! iv Alamin Taon-taon, maraming kalamidad ang nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ito’y nag-iiwan ng malaking pinsala sa ating buhay, ari-arian at kapaligiran. Binigyang- pansin sa nakaraang modyul ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang kahalagahan ng pagiging handa, disiplinado at may kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Mahalagang pag-aralan at maunawaan mo ito upang sa hinaharap, ikaw ay maging kabahagi sa pagtugon sa mga hamong ito. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral. Maraming gawain ang inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag- aaral. Ang modyul na ito ay tatalakay sa Aralin 4 na patungkol sa kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Ito’y 20 21 FT nahahati sa sumusunod na paksa: Paksa 1: Mga Isyu sa Hamong Pangkapaligiran 20 Paksa 2: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon ng 07 RA mga Hamong Pangkapaligiran Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto D Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran (MELC4) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging handa, disiplinado at pagkakaroon ng kooperasyon sa pagtugon sa mga isyung pangkapaligiran; naisasagawa ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran; at napapahalagahan ang pagkakaroon ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran 1 Subukin Ang gawain sa bahaging ito ay tutuklas at susubok sa iyong panimulang kaalaman tungkol sa modyul na ito. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawaing nasa ibaba. Gawain 1: Suriin at pag-aralan ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subukin muling sagutan ang mga aytem habang ginagamit ang modyul na ito. 1. Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo? A. Lumabas ng bahay o gusali na malapit sa bintana B. Manatili sa isang mababang lugar tulad ng basement C. Manatili sa loob ng bahay o gusali na malapit sa bintana D. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng pagbaha 20 2. Ano ang nararapat gawin kapag inabutan ng baha sa daan? 21 FT A. Maglaro sa baha B. Lumangoy sa baha C. Humanap ng ibang daan 20 07 RA D. Subuking tawirin ang baha 3. Si Mang Fernan ay nakatira malapit sa Bulkang Taal. Ano ang dapat niyang gawin? A. Mamasyal sa paligid D B. Gumawa ng malaking bahay C. Makipag-usap sa kapitbahay D. Alamin ang ligtas na lugar para sa paglikas 4. Alin ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang anomang sakuna kung may lindol? A. athletic meet B. earthquake drill C. fire drill D. fun run 5. Ano ang maaaring gamitin upang mailigtas ang ating buhay sa pagbaha? A. karton B. malaking bag C. malaking gallon D. payong 2 Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung ito ay tama at M kung ito naman ay mali. 6. Upang maiwasan ang mga sakuna na dulot ng natural na kalamidad, makinig sa radyo, alamin lagi ang mga pahayag, babala at maging alerto. 7. Ang dapat gawin kung may lindol ay: hold, drop, cover. 8. Hindi pinansin ni Mang Adolfo ang mga natumbang puno at sirang kable ng koryente sa kanilang lugar. 9. Kung lumindol at nasa labas ng bahay, sumilong sa isang nakaparadang sasakyan o anomang malaki at matibay na bagay. 10. Ipinaskil ni Inay sa ref ang numero ng teleponong dapat tawagan sa oras ng sakuna. 11. Kapag may parating na bagyo mag panic buying ng mga kakailanganin ng iyong pamilya. 20 21 FT 12. Pagkatapos ng unang pagyanig ng lindol at nasa loob ng bahay, marahang lumabas sa kinalalagyang lugar. 20 07 RA 13. Maging mahinahon kung may lindol. 14. Itapon ang mga basura sa estero upang maging malinis ang kapaligiran. D 15. Makinig sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may paparating o inaasahang bagyo na tatama sa inyong lugar. 3 Kahalagahan ng Kahandaan, Aralin Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon ng mga Hamong 4 Pangkapaligiran Taon-taon, maraming kalamidad ang nararanasan ng mga tao sa Pilipinas. Kung kaya’t napakahalagang ikaw ay laging handa sa pagharap sa mga hamong ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito, iyong mauunawaan ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Ang mga kaalaman na iyong matutuhan ay maaari mong magamit sa hinaharap at ikaw mismo ay maaaring maging kabahagi sa pagtugon ng mga hamong ito. Balikan 20 21 FT Bago ka magpatuloy sa mga inihandang gawain para sa iyo. Ating balikan ang 20 iyong natutuhan sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na 07 RA gawain. Galingan mo! Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. Gawain 2: Iwas Kalamidad Tsart! Ano ang mga paraan para makaiwas sa kalamidad? Itala sa tsart sa ibaba. D Bago ang Kalamidad Habang may Kalamidad Pagkatapos ng Kalamidad Mahusay! Isa itong patunay na naintindihan mo ang nakaraang paksa at nabatid mo na kabahagi ka sa pagharap sa panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. Bilang paghahanda sa susunod na aralin, iyong pagtuonan ng pansin ang susunod na gawain na tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa modyul na ito. 4 Tuklasin Gawain 3: Picto-Suri Suriin at pag-aralan ang nilalaman ng larawan. Pagkatapos, sagutan ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. 20 21 FT 20 07 RA D Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nakikita mo sa larawan? 2. Ano ang ipinahihiwatig nito? 3. Bakit ito mahalaga? 5 Suriin Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo ang kahalagahan ng pagiging handa, disiplinado at may kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Tara! Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong pagkatuto. Paksa 1: Mga Isyu sa Hamong Pangkapaligiran Basahin at unawain ang sumusunod na artikulo ng balita at sagutan ang mga pamprosesong tanong. Ilagay ang iyong sagot sa hiwalay na papel. Ang Hagupit ng Bagyong Yolanda Posted by Charles Judiel Baynas on November 25, 2013 20 21 FT Noong ika–pito ng buwan ng Nobyembre ng taong 2013, ang Republika ng Pilipinas ay nakaranas ng hagupit ng isang malakas na bagyo na may pangalang lokal na “Yolanda” at pangalang internasyonal na “Haiyan”. Humagupit ito sa ilang 20 07 RA kapuluan ng Kabisayaan na nag-iwan ng kalunos-lunos na trahedya tulad ng pagkasira ng mga Emprastruktura, at buhay ng mga kababayan nating Bisaya. Ang lawak ng bagyong ito ay sinakop ang buong Pilipinas na may lakas na halos ika-anim na uri ng Hurricane ayon sa mga Amerikano at ito na ang pinakamalakas na bagyo D na naitala sa buong kasaysayan ng mundo. Dahil sa hagupit ng Bagyong Yolanda, nakaranas tayo ng Pambansang kalamidad. Marami ang nagdusa at nakita ito ng buong mundo kaya ang mga iba’t ibang bansa at organisasyong pandaigdigan ay sumugod para tumulong. Nakatanggap tayo ng napakaraming tulong mula sa kanila sa anomang paraan. Ngunit, ang ilang tulong na natatanggap ng bansa ay di nakakarating sa mga nanganagailan. Kung mayroon man hindi sapat ito upang matulungan ang mga apektadong mamamayan. Pilit na isinisisi nito ng pambansang pamahalaan sa mahihirap, mahihina at nasalantang lokal na pamahalaan ng mga lugar na binagyo samantalang sira na ang buong sakop ng mga ito. May kakulangan din ang mga ito sa mga equipment na makakatulong sa pagkuha ng mga nakakalat na labi ng mga namatay sa bagyo at sa mga nakaharang na kalat sa mga kalsada na magagamit sana sa paghatid ng mga tulong sa mga nasalanta. Ang hindi naiintindihan ng pamahalaang pambansa ay walang malakas na awtonomiya ang mga lokal na pamahalaan kaya mahihirap at mahihina lamang ang mga ito. Nasalanta rin ang lokal na pamahalaan at sila pa ang humihihingi ng tulong mula sa pambansang pamahalaan. Hindi rin makacommunicate ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pambansang pamahalaan tungkol sa mga tulong na kailangan nila dahil nawalan din ng linya ng komunikasyon sa mga nasalantang lugar ng iilang araw. Dapat kasi, rumesponde na agad ang pambansang ……………… 6 pamahalaan kahit noong hindi pa binabagyo ang mga lugar na binagyo at nagpadala na ng kakailanganing tulong para hindi na sana masyado naghirap ang mga lokal na pamahalaan at ang mga taong sakop nito. Tsaka, kung meron lang ding sapat na awtonomiya ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Region-based decentralization edi sana, nakapaghanda na rin nang maayos ang mga ito sa una pa lamang. Mabilis din dapat na rumesponde ang pamahalaang pambansa at naipadala na dapat ang ikalawang sapat na supplies at generator sa mga lokal na pamahalaan lalong-lalo na sa mga ospital. Matuto rin sana tayo sa mga naunang kalamidad doon sa bansang Hapon at Amerika sa kung paano sila rumesponde pagkatapos ang kalamidad, buti pa doon organisado ang pagresponde. Hindi rin dapat puro sisihan na lamang sa mga lokal na pamahalaan ang mabagal na pagresponde ng mga ito dahil sa nasalanta rin ito ng bagyo at dahil responsibilidad na rin ng pambansang pamahalaan ang pamamahagi ng tulong sa mga taong nasalanta ng bagyo. Nakita rin natin na may kawalan din ng seguridad ang pagpapadala ng tulong sa mga nasalantang lugar kaya muntikan na rin itong sugurin ng mga rebeldeng komunista at ilan pang armadong grupo na napapabalita sa telebisyon. Nagkaroon pa ng kaguluhan sa mga ilang lugar tulad ng Tacloban na parang walang namumuno 20 doon. Dahil na rin ito sa nasalanta ang lokal na pamahalaan na bahagyang nagdulot 21 FT ng pansamantalang pagkaparalisado nito. Dapat ding kasi, nagpadala na rin ng maraming sundalo at karagdagang pulis sa mga lugar na binagyo para mapanatili ang kaayusan doon nang agaran kahit noong unang araw pa lamang pagkatapos 20 07 RA masalanta ng bagyo ang mga lugar na iyon. Karapat-dapat na ituring nating Pambansang Kalamidad ito dahil sa laki ng epekto na iniwan ng bagyong ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakabangon ang mga nasalanta at karamihan sa kanila ay nag-evacuate na sa ibang lugar dahil sa D kalunos- lunos na iniwan ng bagyong Yolanda doon. Pinagkunan: https://correctphilippines.org/bagyong_yolanda/ Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang masasabi mo sa artikulong iyong binasa? 2. Paano hinagupit ng bagyong Yolanda ang mga taga Bisaya? 3. Anong mga pinsala ang iniwan ng bagyong Yolanda sa mga Kabisayaan? 4. Anong aksiyon naman ang isinagawa ng mga awtoridad para matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda? 5. Mula sa artikulong binasa, paano ipinakita ng mga mamamayan ang kanilang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa hagupit ng bagyong Yolanda? 6. Bakit nga ba karapat-dapat na ituring na pambansang kalamidad ang bagyong Yolanda? 7 Tumitinding Problema sa Baha! Posted by Gus Abelgas on July 18, 2018 Paralisado ang maraming lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa mga nararanasang matinding pagbaha dala ng habagat na pinatindi ng bagyong si Henry kahapon.Talagang malaki ang problema ng bansa ngayon sa mga matinding pagbaha.Kung dati ang mabababang lugar lang ang madalas bahain tuwing malakas ang pag-ulan o kaya ay high tide, pero ngayon kahit yung ilang mataas na lugar minsan ay nilulubog na rin ng baha. Kahit nga hindi naman kalakasan ang ulan at sandali lang, madalas ay meron agad baha. Ilan sa nakikitang dahilan dito ay ang hindi maayos na mga drainage system, na lagi naming nakikitang proyekto ng gobyerno sa maraming lugar. Kabi-kabila nga ang mga paghuhukay at pagsasaayos ng mga drainage pero mukhang walang silbi ang mga ito. May ilan kasi na ‘bara-bara’ ang gawa at hindi natututukan o nababantayan. Marami sa mga proyekto ang ganyan mapa-nasyunal o lokal. Sa ilang proyekto, ang kinukuhang mga contractor sa mga proyekto basta nabayaran ay hindi na napupulido ang gawa o ang mga gamit hindi na inaayon sa mga napagkasunduan, pati kung paano ito isasagawa. Mayroon pa nga dyan 20 21 FT kunwari ay magbabaon ng malalaking concrete pipe hindi naman alam kung saan padadaluyin ang tubig mistulang nagbaon lang kunwari. Kapag umulan bumabalik sa kalsada mula sa imburnal ang tubig. Walang silbi ang mga ginawa sayang ang 20 pera ng bayan. Isa pang dahilan sa matinding pagbahang nararanasan ay ang 07 RA walang habas na pagtatapon ng basura sa kung saan-saan. Madalas ito ang bumabara sa mga daluyan ng tubig. Hanggat hindi natututo ang marami maya’t mayang mararanasan ang baha baka ito ang palagi nating mararanasan ang malubog sa baha. D Pinagkunan: https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pang- masa/punto- mo/2018/07/18/1834498/tumitinding-problema-sa-baha/amp/ Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong masasabi sa tumitinding problema ng pagbaha sa Metro Manila? 2. Ano ang dahilan o sanhi ng patuloy na pagbaha sa Metro Manila? 3. Bakit kinakailangang aksyunan ng kinauukulan ang lumalalang isyu sa pagbaha? 4. Sa ganitong mga pagkakataon, bakit mahalaga na tayo ay laging handa? 5. Bilang isang mamamayan at residente, paano mo maipapakita na ikaw ay disiplinado at may kooperasyon sa inyong lugar sa pagtugon sa suliranin sa pagbaha? 8 Malaking bahagi ng Mindanao niyanig ng magnitude 6.9 na lindol Posted by Paul Palacio, ABS-CBN News on December 15, 2019 Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong hapon ng Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 6 kilometro northwest ng bayan ng Padada sa Davao del Sur, ayon sa Phivolcs. Sinundan ito ng isa pang lindol, na may magnitude na 5.2, sa Matanao, Davao del Sur bandang alas-3:03 ng hapon, sabi ng Phivolcs. Hinimok ng Malacañang ang publiko na manatiling kalmado pero maingat para sa posibleng aftershocks. Tiniyak din ng Palasyo sa publiko na pinakilos na nito ang mga ahensiya ng gobyerno para tumugon sa pangangailangan ng mga apektado ng lindol. Nasa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte nang mangyari ang pagyanig pero tiniyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ligtas ang chief executive, maging ang kaniyang pamilya. Nagkaroon din ng brownout sa isang bahagi ng Davao City matapos sumabog ang isang transformer ng koryente. Nagsilabasan din ang mga tao mula sa Gaisano Mall sa Bajada, Davao City 20 21 FT nang maramdaman ang pagyanig. Sa Padada, Davao del Sur, apat ang sugatan sa pagguho ng pader sa palengke. Gumuho rin ang gusali ng isang grocery store sa bayan. Sa Magsaysay, Davao del Sur, 14 ang nasagip matapos magtamo ng 20 07 RA minor injuries, ayon sa municipal disaster officer na si Anthony Allada. Patuloy namang nararanasan ang mga aftershock sa ilang bahagi ng Mindanao. Nagkansela naman ng klase para sa Lunes, Disyembre 16, ang ilang lugar sa Mindanao kasunod ng lindol. Noong Oktubre, 3 malalakas na lindol, na may magnitude na nasa 6 pataas, ang yumanig sa Mindanao. D Pinagkunan:https://www.google.com/amp/s/news.abscbn.com/amp/news/12/15/1 9/mal aking-bahagi-ng-mindanao-niyanig-ng-magnitude-69-na-lindol Pamprosesong Tanong: 1. Sa pagyanig ng lupa at mga gusali sa ilang bahagi ng Mindanao, ano ang inisyal na reaksyon at hakbang na ginawa ng mga awtoridad at residente sa lugar? 2. Bakit kailangang maging kalmado kapag may lindol? 3. Paano ipinakita ng mga tao ang kanilang kahandaan, disiplina at kooperasyon habang may lindol? 4. Sa iyong palagay, bakit kaya “Ligtas ang may alam” sa panahon ng kalamidad? 9 Bantay Bulkang Taal sa 'Reporter's Notebook' Published on January 15, 2020 January 12, 2020 nagulantang ang lahat sa pagsabog ng Bulkang Taal, isa sa dalawampu’t apat na active volcanoes sa Pilipinas. Bandang 7:30 ng gabi ng January 12, itinaas sa alert level 4 (hazardous eruption imminent) ang Taal Volcano. Naglabas ang bulkan ng tinatawag na steam-laden tephra column na may kasamang volcanic lightning. Kasunod nito ang ashfall sa mga probinsya ng Batangas, Laguna, at Cavite. Umabot din ang ashfall sa Metro Manila at Central Luzon. Agad inilikas ang mga nakatira sa mga lugar malapit sa bulkan kabilang na ang siyam na taong gulang na si Rona Mae Caro mula sa Talisay, Batangas. Kasama ang kanyang buong pamilya, dinala sila sa isang evacuation center sa Sto. Tomas, Batangas. Ang ama ni Rona Mae na si Mang Roberto na sampung taon ng tourist guide at boatman papunta sa Volcano Island, inaalala kung may babalikan pang hanapbuhay. Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, as of January 15, umabot na sa higit limampung libong tao ang 20 naapektuhan ng pagsabog ng bulkan. Sa bilang na ito, higit apatnapung libo ang 21 FT nasa evacuation centers. Sumama rin ang Reporter’s Notebook sa pag-iikot ng mga rescuer sa mga lugar sa Batangas na pinaniniwalaang may mga nakatira pa. Sunod-sunod din ang mga volcanic earthquake sa mga lugar malapit sa bulkan. As 20 07 RA of January 15, umabot na sa higit apat na daan ang naitalang lindol. Sa bayan ng Laurel, Batangas, makikita ang mahabang bitak sa lupa mula kalsada hanggang sa ilang bahay dulot ng pagyanig ng lupa. D Pinagkunan:https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/reportersnotebook/7 2233 0/bantay-bulkang-taal-sa-reporter-s-notebook/story/ Pamprosesong Tanong: 1. Sa pagsabog ng Bulkang Taal, bakit kinakailangan ng agarang paglikas ng mga residenteng nakatira malapit sa bulkan? 2. Anong aksiyon ang isinagawa ng mga awtoridad sa mga pamilyang nakatira malapit sa bulkan? 3. Paano nakatulong ang National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) sa panahon ng mga kalamidad gaya ng lindol? 4. Mula sa artikulong binasa, paano naman ipinakita ng mga residente ang kanilang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagsabog ng Bulkang Taal? 10 Mga minero sa Benguet, natabunan ng lupa Posted by Micaella Ilao, ABS-CBN News on September 16, 2018 Umabot sa 43 ang mga bangkay ng mga minero na nahukay mula sa landslide sa Itogon, Benguet Linggo ng gabi, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque na dumayo sa Baguio bilang bahagi ng pag-inspeksiyon sa naging pinsala ng bagyong Ompong sa hilagang Luzon. May isang minero na nakuhang buhay, samantalang may 30 pang nawawala, ani Roque. Itutuloy ang paghahanap hanggang makita ang lahat ng mga minero, aniya sa radyo DZMM. Bandang alas-6 ng gabi, may 33 ng bangkay ang natagpuang sa Barangay Ucab sa Itogon, ayon kay Benguet Gov. Crescencio Pacalso. Patuloy, aniya, ang paghahanap sa mga ibang natabunan ng lupa matapos gumuho ang tinutuluyan nilang mga bunkhouse sa Ucab at sa kalapit-barangay nitong Loakan, ayon kay Pacalso. "Small scale miners sila. Pero ang gumuho doon sa itaas, hindi naman doon sa mismong pinagtatrabahuhan nila. Siyempre mataas 'yung bundok, na-saturate na siya nu'ng monsoon rains... Tuloy-tuloy ang malakas na ulan tapos may hampas pa ng hangin, pati kahoy ay medyo nadadala sa malakas 20 21 FT na hangin kaya pati lupa na rin, sumunod na rin," ani Pacalso sa panayam bago ang anunsiyo ni Roque. Linggo ng hapon ay nakatakda nang huminto ang mga rescuer dahil sa patuloy 20 na paglambot ng lupa sa Barangay Ucab, ayon kay Senior Supt. Lyndon Mencio, 07 RA provincial director ng Benguet provincial police office. "Sa tingin po namin, nasa ibabaw kami ng building na natabunan, mukhang wala na po," ani Mencio nang makapanayam sa radyo DZMM, at tanungin kung ano ang lagay ng mga natabunan. Sa tingin niya ay hindi na sila makakapagpatuloy sa search and rescue operations D kahit pa may mga ibang minero at rescuer na tumutulong sa kanila. "Ipapa-pull out ko na rin po ng mga 5:30 (ng hapon). Nag-umpisa nang umambon, baka madamay itong mga naghuhukay," ani Mencio. Hindi matantiya ni Chief Supt. Rolando Nana, regional director ng Cordillera police, ang lalim ng hukay na ginawa ng gumuhong lupa. "Ang gumuho ay galing sa bundok, pumunta sa bunkhouses... Mahirap ma- estimate," ani Nana sa panayam ng DZMM. May mga mining sites daw sa lugar kaya karamihan ng natabunan ay mga minero. "May mga tirahan na sila rito, may mga bunkhouse, may mga makeshift na tinitirahan. Mayroon ding church doon na pinagsilungan nila, 'yun 'yung dinaanan ng landslide," sabi ni Nana. Nasa matarik na bahagi ang lugar kaya't delikado na rin ito maging sa mga rescuer, aniya. Dahil sa pagmimina ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, ang natabunang estruktura ay bunkhouse ng Benguet Corporation na ginagamit ng mga minero."May isang bunkhouse ng isang kompanya na may tinatayang 40-50 people trapped. Pero natabunan na ng lupa, 'yun ang inaalala namin baka patay lahat ng mga 11 'yun," sabi sa radyo DZMM ni Palangdan. "We know for a fact that this area is dangerous because there is a big tunnel mined by Benguet Corporation a hundred years ago," ani Palangdan. Sinisi ni Palangdan sa pagmimina ang mga pagguho ng lupa sa kanilang bayan. Pero nilinaw naman ni Engineer Faye Apil, regional director ng Mines and Geosciences Bureau sa Cordillera Administrative Region na huminto na sa pagmimina ang Benguet Corporation noon pang 1997. Pagkatapos daw nito ay saka nagsimula ang small-scale miners. "Masasabi nating 'takas' dahil unang-una binibigyan namin sila ng stoppage order... para makakuha muna sila ng permit or ma-declare ang areas nila as minahang bayan. And the company had also been giving them notices, eviction notices to leave the area kasi nga it's within the property of the company pero hindi pa rin sila umaalis," ani Apil sa panayam sa radyo DZMM. Ginto ang hinahanap ng mga minero na karamihan ay mga dayo mula sa kalapit-lugar na Mountain Province at Kalinga. Sa tuwing darating daw ang bagyo ay binabalaan ang mga minero. "Every time na may darating na typhoon, wina- warning-an namin sila. Bukod sa hindi sila papasok sa mga alleys nila para magmina, umalis din sila sa mga kampo nila dahil delikado rin ang kinalalagyan nila, mga landslide- prone ang mga areas kung saan nila itinayo 'yung mga shanties nila," aniya. Ilang beses umanong 20 sinabihan ng mga taga-barangay ang mga minero na lumikas na bago pa man 21 FT dumating ang Ompong, na siyang pinakamalakas na bagyo sa Pilipinas sa taong ito. May mga sumunod daw pero mayroon ding hindi dahil sa katwiran na may sarili silang mga rescue responders. 20 07 RA Pinagkunan: https://news.abs-cbn.com/news/09/16/18/mga-minero-sa- benguet- natabunan-ng-lupa D Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong masasabi sa artikulong binasa? 2. Ano ang dahilan ng pagguho ng lupa? 3. Sa tuwing may parating na bagyo sa lugar, anong aksiyon ang ginagawa ng mga awtoridad para sa kaligtasan ng mga tao? 4. Sa iyong palagay, nagkulang ba ng paalala ang mga awtoridad kung bakit humantong sa punto na may mga minerong natabunan ng lupa? Ipaliwanag. 5. Sa mga ganitong uri ng kalamidad, bakit napakahalaga ang makinig at sumunod sa payo at abiso ng mga awtoridad? 6. Mula sa artikulong binasa, paano naman ipinakita ng mga residente ang kanilang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa naranasang pagguho ng lupa? 12 Paksa 2: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran ❖ Ayon sa Philippine National Red Cross (2016), nagmungkahing magkaroon ng Lifetime Kit bago pa may dumating na kalamidad gaya ng pagbaha. Ito ay dapat na praktikal at kayang dalhin sa paglikas. Kailangang mayroon nito ang bawat miyembro ng pamilya. Gawin ito kasama ang buong pamilya upang matuto ang mga bata na maghanda ng kanilang mga kit, sa pamamagitan nito, sila’y laging handa sa pagdating ng baha. ❖ Nagmungkahi naman ang Department of Energy (2016), na sa tuwing panahon ng kalamidad tulad ng baha, kailangang maging maingat at disiplinado sa paggamit ng koryente upang maiwasan ang disgrasya. ❖ Binigyang katuparan ng National Disaster Risk Reduction and Management Plan ang nilagdaan ng R.A No. 10121 of 2010, kung saan nagbibigay ng legal na batayan sa mga patakaran, plano at programa upang makahanda sa sakunang dulot ng baha. Ang NDDRMP na nakapalooban ng apat na thematic na lugar, ito ay ang (1) Disaster 20 21 FT Prevention and Mitigation; (2) Disaster Preparedness; (3) Disaster Response; at (4) Disaster Rehabilitation and Recovery. Sa pamamagitan nito, matitiyak ang physical framework, social, economic, environmental plans sa komunidad, lungsod, 20 munisipalidad at mga probinsyang sasang-ayon sa plano. 07 RA ❖ Ang layunin naman ng DRRM na nakapaloob sa mga emergency services at public assistance na sa panahon ng sakuna tulad ng pagbaha ay magkaroon ng agarang responde upang may makapagligtas ng mga buhay, mabawasan ang mga epekto nito D sa kasalukuyan at upang matiyak ang public safety at matugunan ang mga basic substance na kailangan ng mga residenteng apektado ng pagbaha. Ang pagresponde sa mga sakuna ay nakatutok sa agaran at short term o panandaliang pangangailangan na tinatawag na disaster relief. ❖ Ayon naman kay Eric (2014), sa kanyang lathalang OCD- Caraga Intensities Disaster Preparedness Training, kinakamit ang pagiging handa sa buong tag-araw upang mapadali ang abilidad ng rehiyon sa pagharap sa posibleng kalamidad bago pa man magsimula ang tag-ulan. Dahil sa pangyayaring pagbaha sa Butuan City, napagtanto ng mga tao na mayroon pa ring dapat gawin sa mga tuntunin sa paghahanda patungkol sa pagbaha. May mga pag- aaral na isinagawa ang Environmental Governance and Disaster Preparedness Flooding Resiliency of Caraga Region ayon kay Pantaleon (2006), upang malaman ang katayuan ng resiliency ng Caraga Region laban sa pagbaha, at pagtasa sa apat na kadahilanan ng Environmental Governance. Ang mga ito ay: (1) Forest Ecosystem Management, (2) Fresh Water Ecosystem Management, (3) Coastal Water Ecosystem Management, at (4) Urban Ecosytem Management. 13 Gawain 4: Balita-Suri Suriin at pag-aralan ang sumusunod na balita. Pagkatapos, sagutan ang mga pamprosesong tanong. Ilagay ang iyong sagot sa hiwalay na papel. Kahandaan sa Sakuna’t Peligro Para sa Tunay na Pagbabago Posted by PMCJr. on July 8, 2019 Ang Pilipinas ay patuloy na hinahagupit ng malalakas na mga bagyo bawat taon at mga manaka-nakang paglindol na hindi natin maiiwasan at mapipigilan. Kaya ang ating pagtugon sa mga kalamidad na ito ay nag-iiba rin mula sa pagiging reactive sa pagiging masyadong proactive. Bago pa man ay napahusay na natin ang ating sistema sa pagresponde sa mga kalamidad, napabago na natin ang ating siyentipikong kakayahan, at sa mga pamamaraan ay naisaayos na rin ang prepositioning ng mga relief goods bago pa ang mga kalamidad at nabibigyan na rin ng kinakailangang pondo ang mga pangunahing ahensiya para agarang makatugon sa mga pangangailangan pagkatapos ng kalamidad at trahedya. Ang epekto ng mga likas na kalamidad sa 20 21 FT ekonomiya ay napakalawak. Kung libo-libong buhay ang nawala at mga daan at bahay ang nasira, ang produksyon at kita ay magdurusa; ang paglago ng ekonomiya ay babagal; mabubura ang naipong kita. 20 Ang aktibidad pang-ekonomiya ay naaabala at nauudlot gayundin ang daloy ng kita 07 RA na magreresulta sa lalalang kahirapan. Nagdudulot din ang mga kalamidad ng kagipitan sa pinansiyal na patakaran dahil sa karagdagang pondo na kailangang ibigay ng pambansang gobyerno at manpower at resources na kailangang maitalaga bilang suporta sa relief efforts. Ang recovery at reconstruction efforts na maaaring tumagal D ng ilang taon ay gigipit sa pinansiyal na posisyon ng bansa. Nalilimitahan tayo ng ating badyet, katunayan ayon sa isang pag-aaral ng World Bank noong 2009 ay tinatayang kinakailangan ng Pilipinas ng halaga na katumbas ng 0.6% hanggang 1.0% ng GDP (gross domestic product) taon-taon mula 2010 hanggang 2019 upang tugunan ang mga panganib ng klima at kalamidad kabilang ang pamumuhunan para sa replacement at expansion ng resilient infrastructure. Dahil sa ang gobyerno ay may kakulangan pa rin sa financing, ang pagbalanse sa pagitan ng kahandaan sa kalamidad at iba pang pangangailangan ay maliwanag na lubhang napakahirap na desisyon dahil sa halaga ng naging desisyon. Kaya ang paghahanda sa kalamidad ay isang napakahalagang bahagi ng pagsisikap sa pagunlad. Maliwanag na hadlang ang kalamidad sa pag-unlad at ang pagpapaliit sa mga epekto ng kalamidad ay kalauna’y magiging posible ang pag-unlad. Ito ay isang rason upang magtayo muli ng mas mabuti dahil walang anumang progreso para sa isang bansa na nakabaon sa isang masamang siklo ng pagkawasak at rekonstruksiyon. Kaya kailangang masiguro na may sapat na resources at hustong estratehikong pagpaplano upang masiguro na muling magtatayo sa isang matibay at matatag na pamamaraan. Ang mga Pilipino ay totoo namang may kusa at malikhain na iangkop ang sarili sa bagong normal (new normal) na kalagayan ng panahon. Sa mga nagdaang taon ay 14 namalas natin ang mga kalamidad na dumarating na mas madalas at mas malakas. Ang tunay na matibay at matatag sa pagbangon ng bansa ay tumutugon sa ganitong sitwasyon na sinusubukang iangkop ang sarili sa panahon at paliitin ang mga epekto ng mga kalamidad. Hindi naman maaaring pahintulutan ang masamang siklo ng destruksiyon at rekonstruksiyon na magpatuloy dahil sa muling pagtatayo ng mga komunidad na nasalanta sa parehong pamamaraan, dahil natural na susunod dito ang parehong resulta- paulit-ulit na pagkasira. Ang kakayahan sa pagbangon (resilience), kaligtasan at proteksiyon ng komunidad ay maaaring makamit sa pamamagitan ng kooperasyon at kahandaan ng publiko na tulungan ang bawat isa lalo na sa panahon ng emergencies at kalamidad. Nagsisimula ang “resilience” sa kamalayan sa pinsala at panganib na banta sa mga komunidad. Subalit kailangang matuto rin ang mga tao kung paano nila proteksiyunan ang sarili mula sa mga panganib at pinsala. Ang “resiliency” sa ilalim ng Executive Order (EO) 29-2017 ay binigyan-kahulugan na, ang kapasidad na maghanda sa, rumesponde sa, at makabangon sa isang kalamidad. Ang Executive Order na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ay binago ang National Disaster Consciousness Month (NDCM) na ginugunita tuwing buwan ng Hulyo sa National Disaster Resilience Month (NDRM) upang ipihit ang pagtutok mula 20 21 FT disaster awareness building sa pagbibigay kakayahan sa mga residente na maging matatag at makabangon sa kalamidad. Sa taong ito bilang paggunita sa taunang National Disaster Resilience Month 20 (NDRM) sa buong buwan ng Hulyo ay may temang, “Kahandaan sa Sakuna’t Peligro 07 RA Para sa Tunay na Pagbabago.” Ang aktibidad na ito ay nanawagan ng aksiyon sa mga pambansang ahensiya at local government units (LGUs) na magpatupad ng disaster resilience campaigns tungo sa pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng disaster risk reduction and management.Sakop nito ang apat na tema: disaster D prevention and mitigation; disaster preparedness; disaster response; at disaster rehabilitation and recovery. Laging manalangin tayo na nawa’y malihis tayo sa malalakas na bagyo at kalamidad at laging maghanda at magpakatatag. Pinagkunan: http://www.amiananbalitangayon.com/kahandaan-sa-sakunat-peligro- para-sa-tunay-na-pagbabago/ Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong masasabi sa balitang binasa? 2. Ano ang mga epekto ng kalamidad sa pamumuhay ng mga tao? 3. Mula sa balitang binasa, paano ipinamalas ng mga Pilipino ang kanilang kahandaan at kakayahan sa muling pagbangon pagkatapos ng kalamidad? 4. Bakit ba mahalaga sa isang bansa, ang kahandaan sa panahon ng kalamidad? 5. Sa iyong palagay, paano ba nakakatulong ang kahandaan sa panahon ng kalamidad sa pag-unlad ng isang bansa? 15 Mahalaga ang Paghahanda Posted by Pat A. Sto Tomas, ABS-CBN News on November 16, 2009 Ang nakaraang mga kalamidad dala ng dalawang magkasunod na bagyo na nagdulot ng sobrang pagbaha sa malaking bahagi ng Metro Manila at ng Central at Northern Luzon ay isang malagim na paalaala sa atin sa kahalagahan ng paghahanda. Kung sabagay ang kahalagahan ng paghahanda ay hindi na bago para sa atin sapagkat maliit pa man tayo at nagsisimula pa lamang mag-aral sa elementarya tayo ay na-expose na at marahil ay naging kasapi pa sa Boy Scouts o Girl Scouts kung saan ang motto at ang kaisipang laging ipina-ala-ala sa mga bata ay: “Laging Handa.” Kaya nga lang dahil naman siguro sa kadalasan ay nagiging maayos ang ating bukas at maalwan naman ang mga pinagdadaanan, kung minsan ang kahalagahan ng mensaheng ito ay ating nakakaligtaan. Kaya naman pag dumating ang mga hindi inaasahang uri ng kalamidad katulad nga ng nangyari tayo ay nagugulantang lalo na kung tayo ay kabilang doon sa mga libo-libong naging biktima ng nasabing kalamidad. Kaya mula ngayon makakabuti marahil kung ang paghahanda ay ating bigyan ng kaukulang pansin. Sa ating mga nakitang pagbaha at sa mga naging epekto nito sa marami nating mga kababayan 20 21 FT ang isang mahalagang paghahanda lalo na sa ating mga OFWs na nagsisimulang mag-ipon upang makapagpatayo o magkaroon ng sariling bahay ay ang pagplano ng nararapat na lokasyon nito. Ating piliin ang lugar na medyo mataas ng kaunti na sa 20 ating palagay ay ligtas ito sa pagbaha kahit na lumakas pa man ang pagbuhos ng 07 RA ulan katulad ng bagyong Ondoy. Ayon sa mga dalubhasa ang bagyong Ondoy ay nagbuhos ng malakas na ulan sa loob lamang ng wala pang kalahating araw na katumbas ng ulan na normally ay bumabagsak sa loob ng isang buwan. Ang ganitong pangyayari ay dapat nating isa- D isip pag naghahanap ng lugar na pagpapatayuan ng bahay. Subalit kung sakali naman na talagang walang makuhang mataas na lugar bilang lokasyon, makakabuti marahil kung ating pag-planohang mabuti ang pagkakaroon ng dalawang palapag na tahanan at ng sa gayon tayo ay may maakyatan at mapagdalhan ng mga kagamitan kung sakali mang bumaha. Nakakalunos iyong ating mga makita na sa isang iglap lang nasira ang lahat ng ating mga pinaghirapan at pinag-ipunang ipundar ng ang mga ito ay malunod sa baha at mapuno ng putik at hindi na mapakinabangan pa. Maliban marahil sa mga furnitures na kahoy na pwede pang linisin at mapakinabangang muli. Ngunit kung tayo naman ay nakakuha na ng bahay sa lugar na binabaha nga o posibleng bahain, marahil makakabuti kung ating pag-planuhan ang uri ng mga kagamitan na ating bibilhin. Katulad halimbawa ng full wooden sala set kaysa sa upholstered na sala set. Sa mga kama naman baka makakabuti kung imbes ng yong usual mattresses ay yong inflatable plastic or rubber beds na lang ang ating bibilhin. Sa ating mga nakita sa TV noong kasagsagan ng pagbaha at kasunod na rescue operations malaking tulong ang naibigay noong mga inflatable beds na naging parang rubber boats pa at nasakyan ng mga bata. Makakabuti rin marahil kung tayo ay may stand-by na aluminum stairs na may kataasan upang magamit natin sa madaliang pag-akyat sa bubungan ng bahay kung kinakailangan. After all, ang ganitong uri ng portable stairs 16 ay magagamit din natin sa pang araw-araw na maintenance ng bahay at kapaligiran. Mahalagang may mga nakaimbak tayong pagkain sa bahay gaya ng supisyenteng suplay ng bigas, gulay, isda, karne at ilan pang mga pang araw-araw ng pangangailangan. Sa akin, normal na yong weekly marketing at pag-imbak ng mga lulutuin at mga grocery items good for one week or more at ang pagbili muli ng mga ito pag nakikita kung medyo paubos na ang supply. Sa akin, ito ay parang kaugalian na lamang na nagbibigay din ng personal convenience hanggang sa makita ko sa TV ang naging epekto ang pagbaha sa ating mga kababayan at na-realize ko na ito pala ay isang napakahalagang paghahanda para sa bukas and not merely an act of personal convenience.Doon naman sa atin na may kaugaliang mag-ipon ng tubig dahil nga sa hindi laging available ang supply ng tubig in strong volume, baka makakabuti kung maliban sa milking pen drum ay magkaroon din tayo ng ilang pirasong plastic containers na may saraduhan. Itong may mga kalakihang plastic containers na naglalaman ng mga twenty liters of water ay puwedeng maging salbabida just in case na may pagbaha at malaki ang maitutulong nito upang tayo ay hindi malulunod habang tayo ay palutang-lutang sa tubig baha. Itong ating mga nabanggit ay ilan lamang sa mga paghahanda na maari nating 20 21 FT tingnan at gawin upang makatulong sakali lamang na magkaroon muli ng pagbabaha at ang ating kinatitirikang bahay ay posibleng madamay dito. Marami pa ang pwedeng gawin at ito ay ating mapag-isipan kung atin lamang bibigyang ng pansin. Subalit 20 hindi lamang bagyo at pagbaha ang kalamidad na maaring tumama sa atin. Mayroon 07 RA ding mga paglindol at ang tsunami na dala nito, mga landslide dala ng malakas na pag-ulan. Mayroon ding sunog, mga buhawi at thunderstorms na may nakakamatay na kidlat. Maraming mga kalamidad sa kasalukuyan ang nagyayari sa ibat-ibang bahagi ng D mundo na maaaring sanhi ng ating walang pakundangang pagsira sa kalikasan. Ang mahalaga, ito ay ating paghandaan. At sa ating mga OFWs na kasalukuyan ay nasa ibang bansa at hiwalay sa mga mahal sa buhay na naiwanan dito sa atin, makakabuti marahil kung ang ilan sa mga ideyang ating nabanggit sa itaas ay ating ipaalam sa ating mga mahal sa buhay. Mahalaga ang paghahanda. At kasama dito ay ang pag- iingat. Makakawa ay huwag nang maulit pa ang mga pahirap na dinulot ng bagyong Ondoy at Pepeng. Pinagkunan: https://news.abs-cbn.com/views-and-analysis/11/15/09/mahalaga-ang- paghahanda-pat-sto-tomas Pamprosesong Tanong: 1. Patungkol saan ang balitang iyong binasa? 2. Ano ang kadalasang nararanasan ng mga taong hindi handa sa pagdating ng kalamidad? 3. Ano bang mga paghahanda ang maaari nating gawin? 4. Sa mga ganitong pagkakataon, paano mo maipapakita na ikaw ay may disiplina at kooperasyon? 5. Bakit kaya mahalaga na tayo ay “Laging Handa”? 17 Gawain 5: Checklist ng Kahandaan! Sagutan ang mga sumusunod na tanong tungkol sa kahandaan kapag may kalamidad. Lagyan ng tsek (√) sa loob ng kahon ang iyong kasagutan. Gawin ito sa short coupon bond. Mga Katanungan Oo Hindi Hindi Sigurado 1. Alam ba natin ang mga emergency numbers ng lokal na tanggapan ng pagamutan, pamatay-sunog, pulis, at mga kawani ng barangay? 2. Alam ba natin ang pinakamalapit na ligtas na lugar mula sa ating bahay na maaaring paglikasan pag may kalamidad gaya ng lindol, pagbaha, bagyo, pagputok ng bulkan, sunog at iba pa? 3. Alam ba ng buong pamilya ang evacuation plan sa kani-kanilang mga paaralan at 20 21 FT trabaho? 4. Alam ba natin kung paano ililikas ang mga bata, may kapansanan at matatanda na 20 kasama natin sa bahay? 07 RA 5. Nag-iimbak ba tayo ng pagkain o inuming tubig para sa posibleng kalamidad? 6. Naghahanda ba tayo ng emergency kit at first aid kit para sa posibleng sakuna o D trahedya? 7. Alam ba ng buong pamilya kung ang ating tahanan ay malapit sa bulkan, dagat o ilog? 8. Kapag may bagyo o lindol, alam ba ng buong pamilya kung tayo ay nasa panganib? 9. Pagkatapos ng bagyo, lindol, pagbaha, pagputok ng bulkan at iba pa, alam ba natin kung paano matatawagan ang mga kasama natin sa bahay kung sakaling nagkahiwalay kayo? 10. Alam ba natin kung kailan dapat bumalik sa ating mga tahanan pagkatapos ng isang kalamidad? 11. Tayo ba ay handa sa posibleng epekto ng bagyo, pagbaha, lindol at pagputok ng bulkan gaya ng pagkasira bahay, ari-arian at pinagkukunan ng hanapbuhay? 18 12. Alam ba natin kung kanino makakukuha ng tama at totoong balita o impormasyon upang hindi na tayo makadagdag sa maling mga haka-haka na siyang nagiging sanhi ng kaba at takot? 13. Alam ba natin kung kailan dapat lumikas kapag may kalamidad? 14. Alam ba natin ang tamang paraan ng paglikas kung tayo ay nasa panganib dulot ng kalamidad? Gawain 6: Para sa Hinaharap Gumawa ng isang open letter tungkol sa kahalagahan ng pagiging handa, disiplinado at may kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Isulat ang “Para sa Hinaharap at sa aking komunidad bilang panimula ng iyong open letter. Isulat sa patutunguhang bahagi kung para kanino ito. Gawin ito sa short coupon bond. 20 ___________________ 21 FT ___________________ Pamuhatan ___________________ 20 _____________________ 07 RA _____________________ Patutunguhan _____________________ Katawan ng Liham D _____________________ Bating Panimula Para sa hinaharap at sa aking komunidad __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ Bating Pangwakas ___________________ Lagda ___________________ Mahusay! Matapos mong matutunan at mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran, maaari ka ng pumunta sa susunod na bahagi ng modyul. Ihanda mo ang iyong sarili sa pagsagot sa inihandang gawain para sa iyo. 19 Pagyamanin Gawain 7: Summary Chart Suriin ang katanungan pagkatapos ay punan ng sagot ang summary chart. Ilagay sa short coupon bond ang iyong sagot. Sa panahon ng kalamidad, paano mo maipapakita ang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran? Kahandaan Disiplina Kooperasyon 20 21 FT 20 07 RA D Batay sa aking mga natutunan, masasabi ko na ang pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay dapat na ____________________________ 20 Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran, sa bahaging ito naman ng modyul ay ating subukin ang lahat ng iyong natutuhan patungkol sa paksang tinalakay. Halina’t umpisahan mo nang sagutin ang sumusunod na gawain. Isaisip Gawain 8: Dugtungan ang sumusunod na mga grupo ng salita. Ilagay sa hiwalay na papel ang iyong sagot. 1. Ang kahandaan ng bawat tao sa pagtugon ng hamong pangkapaligiran ay mahalaga sapagkat______________________________________________________ ______________________________________________________________________ 20 21 FT ______________________________________________________________________ 2. Sa panahon ng kalamidad napakahalaga ang maging disiplinado sapagkat ________ 20 07 RA ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 3. Sa pagtugon ng hamong pangkapaligiran napakahalagang may kooperasyon ang D mga tao sapagkat _______________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ Isagawa Sa bahaging ito ng modyul ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay dito upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong natutuhan. 21 Gawain 9: Unawain ang tanong. Ibigay ang iyong sariling opinyon tungkol dito. Gawin ito sa hiwalay na papel. Kung ikaw ay magiging isang Punong Barangay, paano mo pamamahalaan ang iyong nasasakupan patungkol sa kahalagahan ng pagiging handa, disiplinado at may kooperasyon sa panahon ng kalamidad? ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ _____ 20 21 FT Magaling! Ngayong natapos mo na ang modyul at ang mga inihandang gawain para sa iyo. Ngayon naman, ay susukatin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng maikling pagsusulit sa susunod na gawain. 20 07 RA Tayahin D Gawain 10: Suriin at pag-aralan ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ayon sa weather forecast ni Kuya Kim, may paparating na malakas na bagyo sa Luzon at kasama ang inyong bayan sa matatamaan nito. Ano ang iyong gagawin kung naninirahan ka sa mababang lugar at peligroso sa baha? A. Lumikas sa mataas na lugar B. Lumikas kapag mataas na ang tubig C. Kapag tumaas ang tubig ay umakyat sa bubong ng bahay D. Manatili sa bahay at ipako na lamang ang bubong at bintana 2. Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad? I. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar II. Pakikinig sa radyo o panonood ng tv upang malaman ang pinakahuling balita III. Hindi pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may kalamidad A. I, II, III B. I, II C. I, III D. II, III 22 3. Bakit mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto patungkol sa kalamidad? I. Dahil ligtas ang may alam II. Upang malayo o makaiwas sa peligro III. Upang maging handa sa paparating na kalamidad A. I, II, III B. I, II C. I, III D. II, III 4. Kung ikaw ay naabutan ng baha sa daan, ano ang maaari mong gamitin upang iligtas ang sarili sa pagbaha? A. karton B. payong C. malaking bag D. malaking gallon 5. Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo? A. Lumabas ng bahay o gusali na malapit sa bintana B. Manatili sa isang mababang lugar tulad ng basement C. Manatili sa loob ng bahay o gusali na malapit sa bintana 20 D. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng baha 21 FT Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung ito ay tama 20 at M kung ito naman ay mali. 07 RA 6. Ayon sa Philippine National Red Cross (2016), nagmungkahing magkaroon ng lifetime kit bago pa may dumating na kalamidad gaya ng pagbaha. D 7. Sa panahon ng kalamidad “Ligtas ang may alam”. 8. Alamin ang mga emergency numbers ng lokal na tanggapan ng pamatay-sunog, pulis, pagamutan at mga kawani ng barangay pagkatapos ng kalamidad. 9. Mag-imbak ng pagkain o inuming tubig para sa posibleng kalamidad. 10. Mag panic-buying kung may paparating na kalamidad. 11. Magplano ng gagawin kapag may parating na kalamidad. 12. Huwag ipaalam sa mga kinauukulan ang mga nasirang kawad ng koryente at tubo ng tubig. 13. Magsagawa o lumahok sa regular na earthquake drill, emergency drill, fire drill at iba pa bilang paghahanda sa kalamidad. 14. Ang paghahanda sa kalamidad ay tungkulin lamang ng pamahalaan. 15. Ang mga taong naninirahan sa may paanan ng bulkan ay maaaring malagay sa peligro sa pagputok nito. 23 Karagdagang Gawain Pagsulat ng Repleksiyon Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at realisasyon tungkol sa kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran. Gawin ito sa short coupon bond. RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON Dimensyon Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangaila- 4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos ngan ng Pagpapabuti 1 Puntos Buod ng aralin, Maliwanag at Maliwanag Hindi Hindi paksa o gawain kumpleto ang subalit gaanong maliwanag pagbuod ng may maliwanag at at marami 20 21 FT araling kulang sa kulang sa ang kulang tinalakay detalye sa ilang detalye sa mga paksa o sa paksa o detalye sa 20 araling araling paksa o 07 RA Tinalakay tinalakay araling tinalakay Presentasyon Lahat ng Tatlo lamang Dalawa Isa lamang sa ng pagkakasulat pamantayan sa mga lamang sa mga D -Maayos ang ay pamantayan mga pamantayan pagkakasunod- matatagpuan ang pamantayan ang sunod ng mga sa kabuuang matatagpuan ang matatagpuan ideya repleksiyon sa kabuuang matatagpuan sa kabuuang -Hindi paligoy- repleksiyon sa kabuuang repleksiyon ligoy ang repleksiyon pagkakasulat -Angkop ang mga salitang ginamit -Malinis ang pagkakasulat MAHUSAY! Handa ka na para sa susunod na modyul. 24 Susi sa Pagwawasto 15. T 15. T 14. M 14. M 13. T 13. T 12. T 12. M 11. M 11. T 10. T 10. M 9.T 9. T 8. M 8. M 7. M 7. T 6. T 6. T 5. C 5.D 4. B 4. D 3. D 3. A 2. C 2. C 1. D 1. A 20 21 FT 20 07 RA Sanggunian https://correctphilippines.org/bagyong_yolanda/ D https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pang-masa/punto- mo/2018/07/18/1834498/tumitinding-problema-sa-baha/amp/ https://www.google.com/amp/s/news.abscbn.com/amp/news/12/15/19/malaking- bahagi-ng-mindanao-niyanig-ng-magnitude-69-na-lindol https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/reportersnotebook/722330/bantay- bulkang-taal-sa-reporter-s-notebook/story/ https://news.abs-cbn.com/news/09/16/18/mga-minero-sa-benguet-natabunan-ng- lupa https://www.scribd.com/document/343976151/PAGHAHANDA-NG-MGA- RESIDENTE-NG-BAAN-RIVERSIDE-SA-PANAHON-NG-PAGBAHA http://www.amiananbalitangayon.com/kahandaan-sa-sakunat-peligro-para-sa- tunay-na-pagbabago/ https://news.abs-cbn.com/views-and-analysis/11/15/09/mahalaga-ang- paghahanda-pat-sto-tomas 25 20 21 FT 20 07 RA D Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser